# Mga Dakilang Pilipino; o ang kaibigan ng mga nagaaral

## Part 9

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/mga-dakilang-pilipino-o-ang-kaibigan-ng-mga-nagaaral-17786/index.md

«Taksíl akó pagkatapos na kayó~g lahát ay akí~g matipon at maiparuto sa landasi~g itó na patu~go sa isá~g ganáp na kalayaan? Taksíl akó? ... ¡Salamat!»

At a~g kanyá~g kamatayan ay nagí~g pasimulà n~g kanyá~g buhay na walá~g ha~ggán sa baya~g Pilipinas, na sa kanyá~g kará~galan ay nagpúpuri namímintuhò at lubós na gumágala~g; at a~g isá~g pagkawalá~g kamatayan na gaya n~g sa lahát n~g dakila~g Bayani na nagpakata~gî sa paglili~gkód sa kanyá~g Tinubua~g Lupà, ay kanyá~g kinamtán.

Isá~g Páaralá~g bayan sa Tayumán a~g itinayo upá~g papurihan siyá~g lagî n~g m~ga sisipót na a~gkán; upá~g doón ay pagáralan a~g m~ga dakila~g aral na isinulat niyá n~g kanyá~g malinis na dugô; upá~g ubos kaya~g pabulaanan a~g parata~g na «taksíl» na ibig ibabaw sa kanyá n~g m~ga nagsiusig na manánagót sa kasaysayan n~g ati~g bayan.

Isá~g araw na pa~gilin sa loób n~g isá~g taón, a~g puto~g na pambawî n~g kalapasta~ganan sa kanyá, a~g iginawad sa kanyá~g kara~galan n~g Pámahalaá~g kasalukuyan.

«Minsán santaón, ay binábawî n~g baya~g Pilipinas a~g kalaitlait na parata~g na nagí~g halagá n~g buhay ni Gat Bonifacio. Siyá'y may matuwíd n~g kanyá~g sabihi~g: «Upá~g ipagta~ggól a~g usapin n~g bayan ay dî lama~g a~g lakás n~g loób at tapa~g a~g kaila~gan.»

«Isá~g malakás a~g loób at matapa~g na pinagagalaw n~g diwa~g dî nasasalig sa kataru~gan at katuwiran, ay maáari~g makabawî n~g upasalâ, makapinsalâ, makagunaw at pumatáy, ~guni't kaylán ma'y dî makapagtatatag n~g isá~g baya~g may ganap na kalayaan».

=P. JACINTO ZAMORA=

Niyao~g Agosto iká 14 n~g taó~g 1835, sa kalapit na bayan n~g Pandakan, Maynilà, ay sumilá~g sa Maliwanag a~g isá~g sa~ggól na tinawag na Jacinto Zamora.

Sa kabataan pa ay nagpakita na n~g kabaitan at pagsisigasig sa pagáaral, ha~ggá~g sa nagí~g Parè.

Hindî magágawâ n~g sino ma~g pilipino a~g sumambit n~g m~ga biyayà n~g Hímagsíkan, na~g dî mákikita sa pagsuysóy n~g sanhî noón a~g dakila~g binhî na dinilig n~g sarili~g dugô niyaó~g 1872 n~g tatló~g banál na pari~g Tagalog, si Pari Burgos, si Pari Gómez at si Pari Zamora.

Iká 15 n~g Pebrero n~g taó~g 1872 n~g basahin a~g kalaitlait na hatol kiná José Burgos, Mariano Gómez Jacinto Zamora (m~ga Parè) at siná Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, Francisco Saldua at Enrique Paraiso, na nagásakdál na ma~guupat at m~ga may kinálaman sa aklasa~g kawal na na~gyari sa Liwasan n~g Kabite niyaó~g iká 20 n~g Enero n~g 1872.

At iká 18 n~g Pebrero n~g nasabi~g taón ay nakyát sa bibitayán a~g na~gáhatulan, upá~g pagpalain n~g kanilá~g malilinis na buhay a~g kamataya~g kalaitlait.

Sa kara~galan n~g Tatló~g Pari ay ihinandóg ni Rizal a~g pa~galawá~g bahagi n~g «Noli» na pinamagatá~g «El Filibusterismo».

A~g pagaani sa punlâ na ihinasik n~g Tatló~g Párè ay kasalukuya~g tinatamasa n~g kanilá~g m~ga kabarò sa Pilipinas.

Niyaón, ay hindî man lama~g makapamahalà n~g isá~g Simbahan a~g m~ga Pari~g Tagalog, at ~gayón ay hindî lama~g nakapamamahalà n~g simbahan ó nagigi~g Kura, kundî marami pa ri~g sumapit na sa mataás na katu~gkula~g Obispo, at anó a~g malay natin ku~g sa hináharáp ay makapág Arsobispo na rin at Kardenal a~g m~ga Pari~g Tagalog.

Isá sa m~ga walá~g patawad na kamalia~g nágawâ n~g iginuho~g Pámahalaán n~g m~ga kastilà, a~g pagkakápabitay sa marilág na si Pari Jacinto Zamora.

Aná~g m~ga kasulata~g náuukol sa bagay na itó, na may kinálaman sa aklasa~g kawal niyaó~g 1872, a~g utos na pagpapadakip ay hindî sa Pari~g itó~g binitay nálalagdâ, kundî sa isá~g nag~ga~gala~g José Zamora, Parì rin, ~guni't hindî ~gâ lama~g nákatulo~g sa hindî malílimot na kilusá~g ginampanán n~g tatló~g dakila~g Pari~g Tagalog na siná Burgos, Gómez at Zamora, at dahil sa bagay na itó a~g kautusán sa pagdakíp ay nabago sa pamamagitan n~g mahiwaga~g pakanâ n~g m~ga kaaway n~g tatló~g kawaní sa Lupon ng Pagbabago (Comité Reformador) at si Pari Jacinto a~g ipinadakip, at na~g halu~gkatin a~g kanyá~g sulatán ay nátuklás a~g isá~g liham na ipinadalá sa kanyá ni Pari Duran, Kura sa San Anton, na nagsasabi n~g gayari:

«Dakila~g pagkakatipon. Dumaló kayó na~g walá~g pagkukula~g. A~g m~ga kaibigan ay pawa~g may tagláy na marami~g pulburá at pu~glô.»

A~g sulat na itó a~g ta~gi~g pina~ghawakan, upá~g igawad sa kanyá a~g kalaítlait na hatol na bitayin.

Na~g panahó~g yaón na a~g m~ga konbento ay siya~g pinagtitipunan n~g m~ga mánunugal ku~g pintakasi, a~g «pulbura» at «pu~glô» ay na~ga~gahulugá~g «salapi», at a~g panyaya~g itó kay Pari Zamora n~g Kura sa San Anton ay sa isá~g pagtitipon n~g magkakaibigan.

Ku~g si Pari Jacinto Zamora ay di kinatulo~g n~g pagtata~ggól sa usapin n~g «Clero Filipino» disin di nabitay a~g kababaya~g itó.

Na~g panahó~g yaón a~g pagibig sa Tinubua~g Lupà ay daá~g patu~go sa m~ga balaho at kamatayan, samantala~g sa kapanahunan natin gayón, a~g m~ga tagapagtaguyod n~g gayón di~g simulain ay tumatahak sa m~ga sampaga, sinusuób n~g kamanya~g na nagbaba~guhan, nagsisihimláy sa malúlundóg hihigán at pawa~g awit n~g papuri a~g nari~gig.

Mápanuto kayà tayo sa ganito~g kiyás n~g kapanahunan?

A~g panahón na siyá~g saksí n~g lahát n~g pa~gyayari, ay siyá~g magúulat sa araw n~g bukas n~g ipamámana sa atín n~g walá~g tuto~g katuturán n~g m~ga ~gayó'y «nagsisiibig at naglili~gkód sa ati~g Tinubua~g Lupà».

May isá~g kasabihán dito sa atin, na: «a~g m~ga una raw tao rito sa Kapuluan ay pinamámahalaan n~g m~ga patáy» sa malinaw na sabi, a~g m~ga halimbawà n~g na~gagsiyao, ay siyá~g pinapatnubay iginagala~g at linálandás.

Subalit sa ~gayón, na, «a~g m~ga patáy ay pinamamahalaan n~g m~ga buháy na tao» a~g pagkámakabayan ay napakaginhawa, a~g waldasan ay nagi~g isá~g karaniwa~g bagay, a~g pagibig sa bayan ay ipinagtitimpalakan sa apat na sulok n~g daigdig, ~guni't a~g katotohanan ay dí mababago, at a~g tanikalá~g gintô na ibinibigtí sa ati~g kalayaan bila~g bu~ga n~g «maginhawa~g pagibig sa bayan» ay sumisiból; a~g agos n~g kayamanan na lumulunod sa ati~g kalayaan ay bumabalo~g, bumúbukál, bumbabahâ, at..... oh! ku~g magkalupitlupit, bigyán man tayo n~g layà, a~g laya~g iyon marahil ay magigi~g isá~g sagabal sa atin, sa pagká't di tayo makagigitaw sa nakatabo~g gintò na winaldás na n~g m~ga wala~g patuma~gga~g «umibig sa bayan, n~g boó~g ginhawa.»

[Larawan: Bantayog kay Dr. Rizal sa Atimonan, Tayabas.]

=GAT JOSE RIZAL AT MERCADO=

[Larawan: Dr. José Rizal]

Lahat n~g sásabihin tu~gkól sa dakila~g Bayani~g itó ay nasabi na n~g m~ga lalo~g Pantás at m~ga Dalubhasa~g tao n~g sansinukuban, pagkápalibhasà ay nápata~gi siyá n~g gayón na lama~g sa lahát n~g Bayani~g sumipót dito sa Pilipinas at siyá'y nápabila~g sa m~ga dakila~g Bayani n~g sa~gkatauhan.

Lahát n~g paraán ay sinikap n~g kanyá~g m~ga kapanahón upá~g siyá'y manatili sa pusò n~g madlâ.

Sa lalo~g mababa~g halagá~g selyo, a~g kanyá~g larawan ay nároroón upá~g a~g kanyá~g aláala ay huwag máliblib sa lalo~g katagutagua~g nayon at kaabáabaa~g buhay na dî makapagi~gat n~g isá~g larawan niyá~g nakapagbibigay siglá sa m~ga puso~g lumálamlám sa pagibig sa Tinubua~g Lupà.

Si Gat Rizal ay pinara~galán din n~g Pámahalaán natin na taglayin n~g salapi~g papel na dadalawahi~g piso a~g kanyá~g larawan, upá~g magpalipatlipat sa m~ga kamáy n~g lahát n~g naninirahan dito sa ati~g lupain at sa labás man, na makapagi~gat n~g salapi~g yaón na nákikilala sa tawag na «isá~g Rizal».

M~ga aklát na násusulat halos sa lahát n~g wikà a~g iniukol sa kanya~g kara~galan. Isá~g malaki~g bantayog na pinaggugulan n~g salapî n~g ati~g Pámahalaán a~g sa gitnâ n~g Luneta ay nagpápaalala n~g kanyá~g kagiti~gan. A~g kanyá~g pa~galan ay kilalá n~g lahát n~g pilipino, pinipintuhò at pinarára~galan sa ati~g Kapuluán n~g banyagà at kababayan man, n~g batà at n~g matandâ, n~g Pantás at n~g ha~gál; n~g puhunan at n~g paggawâ; at sa iba~g lupaín ay pinaúunlakán din n~g lahát n~g pilipino sa kanyá~g dakila~g araw, sa araw na a~g kanyá~g buhay ay kinitil n~g kalupitan.

Sumila~g si Gat José Rizal niyaó~g iká 19 n~g Hunyo n~g taó~g 1861, sa bayan n~g Kalambâ, Laguna, at siyá'y anák ni G. Francisco at ni G~g. Teodora Alonso.

Anák sa baya~g Tagalog at lipi~g Tagalog na tunay, kayá't a~g pagibig sa Tinubua~g Lupà ay kala~gkáp n~g kanyá~g pagkátao. Aral sa táhanan, sa pagtuturò n~g m~ga magula~g na nagnasa~g magmulat n~g kanyá~g bait sapól sa pagkámusmós, ay nagawâ sa kanyá~g mura~g bait a~g gula~g na siyam na taón pa lamá~g ay makalikhâ na n~g isá~g dulà na kinagiliwan n~g Kápitan sa bayan.

Sa kanugnóg na bayan n~g Binyá~g ay nagáral siyá kay G. Justiniano Aquino at Cruz at sa loób lama~g n~g ilá~g buwan ay walâ na~g máiturò sa kanyá a~g Guro~g Bayan, yama~g nátutuhan na niyá~g lahát a~g nálalaman noón kayá't na~g Hunyo, n~g taón 1872 ay lumipat siyá sa San Juan de Letrán, ~guni't dî siyá náwili rito, kayá't lumipat agád sa Páaralán n~g m~ga Hesuita ha~ggá~g sa tinamó niyá a~g katibayan n~g pagká «Bachiller en Artes».

Lumipat siyá sa Universidad de Sto. Tomás, upá~g magáral n~g «Filosofia» «Medicina» at «Agrimensura» at yama~g nápansín niyá~g hindî mabuti a~g ti~gín sa kanyá n~g m~ga Guró doón, at sa payo n~g kanyá~g m~ga kaibigan, niyaó~g Mayo n~g taó~g 1882 ay lumayag siyá~g patu~go sa Europa, pagkatapos niyá~g tamuhín a~g katibaya~g pagká «Agrimensor».

Dumáan siyá sa Singapur, Kanal n~g Sues, at sa Marselya siyá lumunsád, at buhat doón ay napatu~go sa Barselona na kinakilalanan niyá sa m~ga kalupaí~g dóroón. Tumu~go siyá sa Madrid at sa «Universidad Central» doón, ay nagpatuloy siyá n~g pagáaral n~g «Medicina», «Literatura» at «Filosofia»; kasaliw n~g pagáaral niyá n~g m~ga karunu~ga~g nábangít ay dî niyá napaglabanan a~g hilig n~g kanyá~g diwà sa sini~g, kayá't nagáral din siyá n~g Paglililok (escultura) at n~g pagkuha n~g larawan sa pamamagitan n~g lápis at n~g kulay na lubhâ niyá~g ikinata~gî.

Pagkátapos niyá~g tamuhin a~g m~ga katibayan sa «Medicina», «Filosofia» at «Literatura» niyaó~g taó~g 1885 ay lumipat siyá sa Paris na kanyá~g kinátagpuán sa m~ga kalupai~g Antonio at José Luna, at Pardo de Tavera; buhat sa Fransiya ay lumipat siyá sa Alemanya upá~g makinyíg n~g m~ga bantóg na Panayám sa «Universidad de Heidelberg»: lumipat siyá sa Berlin at sa baya~g itó niyá tinapos a~g walá~g kamataya~g «Noli».

Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy n~g m~ga kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa ati~g Rizal, n~g isá~g mabutí~g kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg si Prof. Blumentritt; mulâ sa baya~g itó ay napatu~go siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalog a~g «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas.

Si Rizal ay mawilihin sa pagáaral n~g wikà, at itó a~g sanhî n~g kanyá~g pagliklík sa lahát halos n~g m~ga Pa~gulo~g bayan sa Europa, at na~g siyá'y dumatí~g dito sa ati~g lupaín, upá~g harapín a~g pa~ggagamót ay nagsásalitâ na siyá n~g halos lahát n~g wiká~g liná~g sa Europa at Asia.

Noó~g 1888 ay ninasa~g mulí~g maglakbáy sa m~ga ibá~g dako n~g sansinukob at siyá'y dumaán sa Ho~gkó~g na kanyá~g kinátagpuán sa dakila~g Tagalog doón na si Ginoó~g José Basa; pagdaán sa Hapón, upá~g pagáralan sa sarili~g lupà a~g wika~g Hapón, dumaán sa Amérika, bago nagtulóy sa Inglaterra at sa baya~g itò nákaniíg si G. Antonio Ma. Regidor. Sa Londres at sa bahay ni G. Regidor niyá isinalin at tinuligsà a~g Kasaysayan n~g Pilipinas na sinulat ni Pari Morga, na lubhà niyá~g ikinabantóg sa panitikan.

Iká 9 n~g Nobyembre n~g taó~g 1887 na~g sulatin ni Profesor Blumentritt a~g páuna~g salitâ sa «Morga» ni Dr. Rizal.

Sa pánitikan ay may isá siyá~g mainam na bakás na naiiwan sa bawa't panahón. Bila~g páuná n~g kanyá~g panunulat ay násabi na namin na siyam na taón pa lama~g a~g kanyá~g gula~g na~g sumulat n~g isá~g dulà na noón pa ma'y kinábakasán na n~g dì karaniwa~g indayog n~g kanyá~g diwà. Niyaó~g 1887 na magdaos n~g isá~g Timpalák a~g «Licco Artístico Literario» dito sa Maynilà na sinalihan n~g lubhá~g marami~g mánunulat ay nápili at nagtagumpáy a~g kanyá~g tulà na may pamagat na «A la Juventud Filipina». Sa kapanahuna~g si Rizal ay nagáaral pa sa Ateneo sa pagpapara~gál sa Mahal na Birhen ay sumulat siyá n~g isá~g dulà na pinamagatán niyá~g «Junto Al Pasig», na lubhá~g kinágiliwan n~g na~gagsipanoód na pawa~g dalubhasá. Sa Timpalák na idinaos sa pagpapara~gál sa ikáapat na raa~g taó~g ikinamatáy ni Cervantes, ay nagtagumpáy a~g titik ni Rizal na may pamagát na El Concejo de Los Dioses. Sa Madrid ay nagkaroón n~g ibá~g himíg a~g kanyá~g m~ga sulat at dito na ~gâ nábunyá~g a~g tunay na pagibig sa Tinubua~g Lupà.

A~g kanyá~g «Noli» ay sinimulán niyá~g sulatin sa Madrid at natapos sa Austria, a~g «Filibusterismo» ay sinulat niya sa Ghert Olanda, noó~g 1891.

Hulyo iká 3 n~g taó~g 1892 na~g nagpulo~g sa bahay ni G. Doroteo Ongjungco sa daa~g Ilaya blg. 176 Tundó tu~gkól sa «Liga Filipina» at iká 6 n~g Hulyo n~g 1892 na~g ipinadakíp ni Henerál Eulogio.

[Larawan: Si Dr. Rizal at ang kanyang mga ginagamot sa Dapitan.]

Despujol at ipapiit sa Fuerza Santiago.

Niyaó~g iká 11 n~g Pebrero n~g 1893 ay itinatag ni Dr. Rizal a~g «Liga Filipina» isá~g kapisana~g pilipino na pinagukulan ni Mabini n~g gayarí~g katagâ: «Na~g makita~g a~g lahát n~g sikáp ay walá~g tarós at salát sa kaayusan, at di nagbibigay n~g katampata~g wakasin, ay linikhâ ni Rizal a~g Liga Filipina».

Na~g si Rizal ay ipatapon sa Dapitan siyá'y nagsaka doón at nagtayô n~g Páaralán sa m~ga tagaroón; kahit iisa~g igláp ay hindî siyá nátahimik at pawá~g iniukol sa kabutihan a~g kanyá~g m~ga gawâ. A~g m~ga maysakit doón ay nakatagpò sa kanyá n~g isá~g walá~g bayad na Ma~ggamot.

Samantalá~g siyá'y nároroón ay isá~g amerikano~g nag~ga~gala~g Taufer na kasama n~g isá~g anakanakan na nag~ga~gala~g Josefina Bracken ay dumalaw sa kanyá, upá~g ipagamót a~g m~ga matá~g hindî makákita at pinasiyahán na n~g m~ga iba~g Ma~ggagamot n~g walá~g lunas, a~g Josefina~g itó ay siyá~g nagi~g kapalad ni Dr. Rizal at nákasama niyá sa buhay na yaón sa tapunan.

A~g m~ga kahili~gan ni Dr. Rizal upá~g siyá ay patawarin ay hindî dini~gig n~g m~ga makapa~gyarihan, ~guni't kailán ma'y dî nanawi sa kanyá a~g pagasa, at sa gayó~g kalagayan ay tuma~ggáp siyá n~g isá~g sulat n~g matalik niyá~g kaibiga~g austriako na si Prof. Blumentritt, na kanyá~g hili~gí~g sa Pamahalaá~g siyá'y makaparoón sa Kuba bila~g Ma~ggagamot n~g m~ga kawal na kastilà doón, at a~g gayó~g kahili~gan ay pinaki~ggan ni Henerál Blanco, kayá't siyá, sa paniniwâlá~g siyá'y walá~g masamá~g nágawâ ka~gino man na titigatig sa sarili~g budhî, kasama ni Josefina at n~g kanyá~g pama~gki~g si Maria Luisa, ay agád napa Maynilà at sa kasamaá~g palad, na~g silá'y dumaó~g sa luók n~g Maynilà a~g sasakyá~g patu~go sa Espanya ay nakáalis na, kayá't sila ay na~gapilita~g maghintáy n~g panibago~g sasakyá~g lálayag, na dî iba't a~g «Castilla». At si Rizal ay tumulak na ~gâ, ~guni't a~g Hímagsíka~g pina~gu~guluhan ni Gat Bonifacio ay nabunsód n~g walâ sa panahón at isá~g pahatid kawad na buhat kay Gobernador Polavieja a~g tina~ggap, na~g a~g «Castilla» ay dumaóg sa Kanal n~g Sues, hatid kawad na naguutos na dakpin si Dr. Rizal, at sinalubo~g sa Barselona a~g ati~g kababayan upá~g ipiit doón.

Pagkaran n~g ilá~g araw ay ilinulan siyá~g mulî upá~g ihatid sa Pilipinas. Na~g idaán sa Ho~gkó~g ay sinikap ni Dr. Regidor na siyá'y palayain sa pamamagitan n~g «Habeas Corpus» ~guni't hindî ipinagtagumpáy ni G. Regidor, a~g kanyá~g banál na nais na mapalayà si Dr. Rizal.

Siyá'y inusig dahil sa pagkakátatag n~g «Liga Filipina» at pagtataguyod n~g Himagsikan, at hindî siyá pinahintuluta~g makapagtan~ggól máliban sa siyá'y pinapamili sa m~ga Pámunuá~g doón ay nátitipon. Napili niyá si G. Luis Taviel Andrade, isá~g mara~gál na kastila~g nagta~ggól sa kanyá n~g ubos kaya, ~guni't hindî dini~gig at hinatulan siyá~g barilín sa Liwasan n~g Bagumbayan.

Sa pagkamánunulat ni Rizal ay walâ na~g máitatawad. Masasabi na~g walá~g alinla~gan, na a~g kanyá~g panitik a~g siyá~g lumikhâ n~g m~ga kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan nati~g tinatamasa at siyá~g nagpayanig n~g matibay na Pámahalaán n~g kastilà na mahigit n~g tatló~g daa~g taó~g sa atin ay naghari.

A~g dakila~g Bayani~g itó na pinagúukulan namin n~g ulat ~gayón, ay siniíl n~g kalupitán na~g dî malilimuta~g Henerál Polavieja at niyaó~g iká 30 n~g Disyembre n~g taó~g 1896 sa lawak n~g Bagumbayan ay pinapagdanak a~g kalinislinisá~g dugô n~g isá~g banál na anák n~g Pilipinas.

A~g hagunót na hálakhakan n~g kanyá~g m~ga kaaway ay nariri~gig pa halos na~g dumati~g a~g hatol n~g tadhana~g matapos a~g kalupitán n~g m~ga kastilà rito sa atí~g lupaín at niyaó~g Mayo n~g 1898 a~g makapa~gyariha~g baya~g amerikano, sa likhà n~g m~ga pa~gyayari ay nagpadalá rito n~g kanyá~g m~ga sasakyá~g pandigmâ, upá~g sa pamamagitan n~g m~ga pu~gló~g ibinúbuga n~g m~ga kanyón sa Hukbó n~g dati~g Pa~ginoón at Harì ay mábabâ at mahalinhán a~g watawat na «gintô at dugô» na sumaksí rito sa ati~g lupai~g mapagkali~gà n~g m~ga dî mahulilip nakalupitán.

At buhat noón a~g m~ga uná~g banaag n~g Bagó~g Araw n~g Pilipinas ay namiták sa sila~ganan n~g kanyá~g pagasa.

Bila~g pagwakás sa ulat na itó ay ilalakip namin dito a~g huli~g bu~ga n~g panitik n~g Bayani~g Tagalog na pinamagatán niyá n~g Mi Ultimo Adios.

=A~G AKI~G HULI~G PAALAM=

(HA~GO SA WIKA~G KASTILA)

Paalam, sintá ko~g Lupa~g Tinubuan Baya~g sinaganà n~g sikat n~g araw Marikit na mutyâ n~g dagat sila~gan Edeng maligaya~g sa ami'y pumanaw.

Sa iyó'y handóg ko n~g ganap na tuwâ Malu~gkót ko~g buhay na lantá at abâ Nagi~g dakilà man, boó~g pagnanasa~g Ihahandóg ko rin sa iyó~g paglayà.

A~g na~gasa digmá~g dumog sa paglaban Alay din sa iyó a~g kanilá~g buhay Hirap ay dî pansín at dî agam agam A~g pagkáparoól ó pagtatagumpáy.

Bibitayá't dusa~g linikhâ n~g ba~gis O pakikibaka~g lubhá~g mapa~ganib Walá~g kaila~gan ku~g itó a~g nais N~g bayan at madlá~g pinakaiibig.

Mamámatáy akó, ~gayó~g námamalas A~g buka~g liwayáy na na~ga~ganinag N~g minimithî ko~g araw na sísikat Sa likód n~g dilím na kagulat gulat.

Ku~g a~g kulay pula'y kinákaila~gan Upá~g itinà mo sa iyó~g liwaywáy Dugô ko'y ibubò pa~giti ko~g alay Na~g iyá~g sinag mo ay lalo~g dumi~gal.

Lagi ko~g pa~garap mulá~g magkaisip Magpaha~ggá ~gayó~g maganáp a~g bait Ay mápanoód ka~g hiyás na marikit Na~g dagat sila~ga~g dito'y lumiligid.

Matá mo~g marikit sana'y lumigaya Walá~g bakás luha't puspós na n~g siglá Ti~galâ a~g noó, balisa'y walâ na Walá~g bahid poót walâ na~g pa~gambá.

¡Pa~garap n~g buhay! Marubdób ko~g nais, Ikaw ay lumusóg, hiyáw n~g pagibig N~g kálulwá ko~g gayák sa pagalis Upá~g lumayà ka, buhay ay lumawig.

Kay tamís málugmók, máta~ghál ka lama~g Mamatáy n~g upá~g mabigyán ka~g buhay Mamatáy sa silo~g n~g la~git mo~g mahál Málibi~g sa lupa~g puspós karikitan.

Ku~g sakásakali~g sa abá ko~g libi~g Mayumi~g bulaklák ay iyó~g mápansi~g Sumila~g sa gitnâ n~g damó~g mahinhín Hagká't a~g halík mó'y aki~g táta~ggapin.

Sa noó ko~g hapô na doó'y ninidlíp Sa libi~ga~g hukay na lupa~g malamig Ay táta~ggapín ko a~g iyó~g pagibig Init n~g pagiliw n~g nínintá~g dibdib.

Bayaan mo~g akó'y malasin n~g buwan Na~g kanyá~g liwanag na lubhá~g malamlám Bayaá~g ihatíd sa aki~g libi~gan Mahinaho~g sinat n~g kanyá~g liwaywáy.

Bayaa~g humibik a~g simoy n~g ha~gin At ku~g may dumapò sa Tandâ n~g libi~g Na anó ma~g ibon, bayaa~g awitin N~g huni~g matimyás a~g payapa~g aliw.

Bayaa~g a~g araw na lubhá~g mani~gas Ulán ay tuyuin, si~gáw ay itaás Magi~g pa~ganuri't dalisay na ulap Kala~gkáp a~g hibik n~g aki~g pagliyag.

Bayaa~g a~g aki~g maaga~g pagpanaw Ita~gis n~g isá~g tapát na magmahál Ku~g payapa~g hapon sa aki'y magalay N~g isá~g dala~gin, akó'y patu~gkulán.

Idala~gin mo rin a~g kinapós palad Na na~gamatáy na, yaó~g na~gaghirap Sa tana~g pasakit, at a~g lumála~gáp Nami~g m~ga iná n~g luha~g masakláp.

Iyó~g idala~gin a~g bawa't ulila A~g na~gapipiít na na~gagdurusa, Iyó~g idala~gin sana'y matubós ka Sa pagkaalipi~g lao~g binábatá.

Ku~g nababalot na a~g m~ga libi~gan N~g sapot n~g gabi~g payak kadilimán Ku~g walâ n~g tanod kundî pawa~g ba~gkáy, Huwag gambalain a~g katahimikan.

Pakimatyagán mo a~g hiwaga~g lihim At mápapaki~gán lu~gkót n~g taginti~g N~g isá~g kudyapî, ito ay ako rin Ináawitan ka n~g boó~g paggiliw.

Ku~g a~g libi~gan ko'y limót na n~g madlà At walâ n~g kurós ni bató ma~g tandâ Sa na~gaglílina~g ay ipaubaya~g Bu~gkali't isabog a~g natimpi~g lupà.

A~g m~ga abó ko bago pailanlá~g Máuwî sa walâ na pina~ggali~gan Ay makalat ulí~g para~g kapupunán N~g iyó~g alabók sa lupa~g tuntu~gan.

Sa gayó'y walâ na~g anó man sa aki~g Akó'y limutin mó, aki~g lilibutin Yaó~g himpapawid, kapara~ga't ha~gin At akó sa iyo'y magigi~g taginti~g.

Ba~gó, ti~gig, higi~g, awit na masayá Liwanag at kulay na lugód n~g mata, Uulit ulitin sa tuwítuwî na A~g kataimtimán n~g aki~g pagsambá.

Sintá~g Pilipinas, Lupa~g Tinubuan Sákit n~g sákit ko, ~gayón ay pakingán A~g hulí~g habilin: Sa iyó'y íiwan A~g lahát n~g lalo~g inirog sa buhay.

Akó ay tútu~go sa baya~g payapà Na walá~g alipi't puno~g mapa~gabâ Doó'y di nánatay a~g paniniwalà At a~g naghahari'y yaó~g si Bathalà.

Paalam na akó, magula~g, kapatíd, Bahagi n~g puso't una~g nákaniíg, Ipagpasalamat na akó'y máli~gíd Sa buhay na itó~g puspós n~g ligalig.

Paalam irog ko~g Banyaga~g hira~g Aki~g sinisinta, aki~g kasayahan. Paalam sa inyó m~ga minámahál Mamatáy ay ganáp na katahimikan.

[Larawan: Ang Bantayog kay Rizal sa Liwasan ng Bagumbayan]

=TUNTUNAN=

PAUNANG SALITA DAHON IKA 5 ALI MUDIN 7 RAHA SOLIMAN 10 RAHA LAKANDULA 12 TOMAS PINPIN 14 FRANCISCO BALTAZAR 17 JOSE CRUZ 22 P. PEDRO PABLO PELAEZ 26 P. JOSE BURGOS 28 JUAN LUNA Y NOVICIO 32 GRACIANO LOPEZ JAENA 35 APOLINARIO MABINI 38 JOSE MA. BASA 44 PEDRO A. PATERNO 47 ANTONIO MA. REGIDOR 51 FELIPE G. CALDERON 54 CAYETANO ARELLANO 56 SUSANA REVILLA 59 TEODORA ALONZO 63 MELCHORA AQUINO 67 APOLONIO SAMSON 69 MIGUEL MALVAR 71 EMILIO JACINTO 74 ANTONIO LUNA 77 GREGORIO DEL PILAR 81 MARCELO H. DEL PILAR 83 MARIANO PONCE 86 PASCUAL H. POBLETE 90 RAFAEL DEL PAN 94 P. MARIANO GOMEZ 98 ANDRES BONIFACIO 101 P. JACINTO ZAMORA 107 GAT JOSE RIZAL 110

[Larawan: _ANG HIYAW NG LAYA SA BALINTAWAK_ Bantayog sa Kagitingan]

=PINAGSANGUNIAN.=

C. N. VALDEZA Great Filipinos P. A. DE PAZOS Heroes Filipinos M. ARTIGAS Historiografia Filipina " La Primera Imprenta en Filipina " Los Sucesos de 1872 JOSUE SUNCUYA Historia Prehispana de Filipinas I. DE. LOS REYES La Religión del Katipunan P. A. PATERNO Historia de Filipinas G. DE SAN AGUSTIN Conquista de Filipinas J. MA. RIVERA Conferencias Literarias L. K. SANTOS Discursos Públicos D. RIVERA Informaciones varias H. CRUZ Ku~g sino a~g kumathá n~g Florante E. DE LOS SANTOS Florante (Versión Castellana) " Proceso del Dr. José Rizal " Emilio Jacinto A. CRAIG Lineage, Life and Labor of Dr. Rizal J. PARDO DE TAVERA Biblioteca Filipina " The Character of Dr. Rizal S. CALDERON Patnubay n~g Bayan (articulos varios) P. H. POBLETE Día Filipino W. RETANA Vida y Escritos del Dr. José Rizal M. M. NORTTON Builder of the Nation M. PONCE Sun Yat Sen D. C. VELARDE Ecos (Homenaje a Da. Susana Revilla) C. SALA Cultura Social " " MANILO Notas Biográficas R. L. SEVILLA Informaciones varias A. GUEVARA " D. GOMEZ M. H. del Pilar (La Vanguardia)

