Mga Dakilang Pilipino; o ang kaibigan ng mga nagaaral
Part 2
Sa kanyá~g pagkamanlilimbág ay natitiyák na siyá ay nagí~g isá~g matapát na aralán ni Parì S. José, at sa isá~g maigsí~g bugsô n~g panahó~g ikinatatag dîto n~g limbagan ay nakápaghandóg agád n~g mayama~g bu~ga n~g kanyá~g diwà. Niyaó~g 1610 na limbagin a~g kanyá~g aklat ay nagtamó, n~g malugód na papuri ni Pari Roque Barrionuevo sa kanyá~g mu~gkahi upá~g bigyá~g pahintulot at sa ilá~g katagâ ay kalakip itó~g: «Y es mucho de estimar por ser su autor un natural tagalog.»
Siya a~g nagi~g Patnugot n~g uná~g limbagan dito sa Pilipinas magbuhat niyaó~g taó~g 1610 gaya n~g mátataluntón sa «Arte y Reglas de la Lengua Tagala» at a~g ganitó~g tu~gkulin ay ginampanan niyá han~gá~g sumapit a~g taó~g 1630, at na~g lumipas a~g ilá~g panahon ay lumipat siyá sa Limbagan n~g m~ga Pari~g Hesuitas niyaó~g 1637 ha~gga~g 1639.
Si Tomás Pinpín n~gâ sa~gayon sa m~ga nátataluntó~g balità ay siyá~g matandá~g kapatid n~g ati~g m~ga manlilimbág na dî nagaksayá n~g panahón at nagi~g sáligan a~g katiyagaán ha~ggá~g sa magí~g isá~g dalubhasa~g tagapagpanuto n~g kanyá~g m~ga kapanahón gaya n~g mákikita sa katagá~g ami~g sísipiin dito sa kapakinaba~gan n~g ami~g m~ga mambabasa: «Dí baquin ang langgam ay nacararating sa cacaon~gin ay bahaguia n~g macalacad.»
Mahalaga~g aral na magagawá~g isá~g mainam na sáligan upá~g sapitin a~g alin má~g matataás na indayog n~g pá~garapín.
At itó~g sumusunód; «ay lalo ring iquinapagpilit nang loob cong tayong lahat ay paraparag macaalam nang uicang Castila ay ang caloloua nating ay nang maiquinabang sa P. Dios nang Canyang mga Auaauang marami».
Ku~g saan mapagkikita~g sa kanyá~g banál na pananampalataya ay dî niya naligtaan a~g m~ga kalahì na dî makinaba~g n~g biyayà noón.
Ku~g a~g na~gáuna sa atin ay nagsikap na magpamana sa m~ga sumisiból n~g bahagyâ man lama~g ulat tu~gkól dito sana'y nápagaralan natin gayón a~g m~ga dakila~g halimbawà sa ati~g kapakinaba~gan.
Ku~g isá~g araw ay makasapit ka giliw na mambabasa sa Liwasa~g Cervantes at doón ay makita mo a~g isá~g bantayog ay masdán mo si Pinpín na nakapakò a~g matá sa lupà at tila may mahalagá~g bagay na ináaninag; ináapâ niya marahil ku~g a~g nagi~g bu~ga n~g limbagan sa kanyá~g tinubua~g lupà ay nagí~g isá~g biyayà ó naghatíd sa kapa~ganyayaán. Nálalamán niyá~g a~g limbagan ay isá~g mabilis na pakpák n~g diwà upá~g a~g bu~ga n~g kanilá~g m~ga likhâ ay magtawira~g walá~g pa~ganib sa malalawak na karagatan n~g daigdigan, nálalaman niyá~g a~g limbagan ay isá~g mabutí~g paraán upá~g a~g lahát n~g m~ga pa~gyayari ay huwág máliblib sa ma~gágsísisibol na áapuhin, at itó a~g kanyá~g ginawâ ku~g kayâ kahit hapyáw, ay siya'y ati~g nábabalitaán ~gayón. N~guni't dî dapat mákailâ sa atin a~g pa~gyayari~g a~g limbagan ay isa~g mabisa~g katulo~g sa paninira~g puri.
Nariyán a~g isa~g tao~g nagpagál sa kapakinaba~gan n~g kanyá~g baya~g tinubuan.
=Francisco Baltazar (Balagtas)=
[Larawan: Francisco Baltazar]
Hindi maáari~g sumulat n~g ukol sa pánitika~g Tagalog na~g dî bába~ggitín a~g pa~galan n~g dakila~g Makatà n~g Wika~g Tagalog, n~g Harì n~g m~ga ma~gaáwit, na si Francisco Baltazar.
A~g maykathâ n~g «Florante at Laura» ay isá sa m~ga nápilì at namukód na higít sa isá~g mani~gní~g na talà at karapátdapat na mápapili~g kina Goethe, Virgilio, Dante Aligieri na pinípigi~g n~g m~ga «Diosa» sa kanyá~g dula~g, na dî nadádaluhán nino mán kundî n~g m~ga tunay na diwà lamang n~g m~ga lahì.
Si G. Hermenegildo H. Cruz ay nagukol sa kanyá n~g isá~g mahalagá~g aklát na kátataluntunán n~g kanyáng m~ga lálo~g lihim na pina~gdaánan at búhay. Si G. Epifanio de los Santos Cristóbal sa pagsasálin n~g kanyá~g «Florante at Laura» sa wika~g kastilà ay naninop n~g boó~g panítiká~g Tagalog magbuhat n~g 1593 ha~ggá~g 1886, upáng sa gitnâ n~g masayá~g halamanan n~g pánitiká~g Tagalog ay pagitawin siyáng isá~g maba~gó at kaha~gaha~ga~g buláklák noón na a~g samyô ay walá~g pagkapawi.
Sa pánitíká~g Tagalog ~gâ ay si Balagtás a~g dakilang ta~gláw at sa m~ga tilamsík n~g kanyá~g liwánag ay sukat mabuô a~g lalo~g maririkit na kathain. Siyá'y ipina~ganák niyaó~g ika 2 n~g Abril n~g taó~g 1788.
Anák palibhasà n~g m~ga tunay na Tagalog, si G. Juan Balagtas at Juana Cruz, at kumita n~g una~g liwanag sa m~ga lupaí~g Tagalog. Sa Pa~ginay, Bulakán, a~g si~gáw dito na lumílikhâ n~g m~ga túlain ay gumisi~g sa kanyá~g diwa~g sila~ganin na umawit tuwi na; ~guni't isáng pagáawit na nagbabadhâ n~g m~ga dakilà at lagi~g kapanahó~g m~ga aral, gaya n~g sabi ni G. Lope K. Santos, na a~g kanyáng m~ga katagà sa «Florante» ay isá~g ebanhelyo sa m~ga a~gká~g Tagalog na naníniráhan sa m~ga tagó~g nayon nitó~g Kapuluán. A~g «Florante» ay inawit, binasa, pinaki~ggan, at tinándaán, ínulítulit na tandáan at awitin n~g na~gakári~gíg na dî maruno~g bumasa, upáng matándaán at tuwî na'y talúntunin at paganihan ang kanyá~g mayama~g diwà n~g ikapapanuto at ikapagigi~g mapalad n~g madlâ.
Aní Mariano Ponce, si Balagtás ay «a~g Principe n~g m~ga Makata~g Tagalog», at aní Dr. José Rizal, na~g tukuyin a~g kanyá~g walá~g kamátaya~g awit: «Ang Florante ay isá~g kathâ sa wikang Tagalog, na~g kapanáhuna~g a~g wika~g Tagalog ay lumulusog at dumídi~gal».
Nagaral si Balagtás gaya n~g lahát n~g m~ga tubò rito sa atin n~g m~ga una~g dako, sa «Cartilla», «Misterio», «Trisagio» at «Doctrina Cristiana», m~ga aklát na ginágamit sa m~ga unang bugsô n~g pagaaral na~g kanyáng kapanahunan.
Anák dukhâ palibhasà at iniwi sa duyan n~g karálitaán, ay dî nagawá~g lina~gin na~g gaya n~g kanyáng hilig a~g sarili~g munì at napilita~g a~g lakás niyá ay ilako~g agád, at yama~g wala~g anó ma~g kata~gia~g gáwain na mapagukulan sa pag~gagdóg buhay, ay minabuti~g mások na alilà sa isá~g maganak sa Bayan n~g Tundó, málapít láma~g sa kamayniláan (Atenas)[1] na ku~g saán ninánasa~g tuklasín a~g m~ga una~g balità n~g karunu~gan. Bukál palibhásà ang kabaitan at pagkámasúnurin, biyayà na ikinapata~gì tuwî na n~g m~ga salát sa ginhawa, ay kinálugdan siyá n~g kanyá~g m~ga pa~ginoón, at siyá kinali~ga~g tulad sa anák na tunay. Pinápa~garal siyá sa Páaralá~g San José, at doó'y kinápansinán siyá n~g isá~g siból na kata~gian sa pagtulâ at isá~g dî karaniwa~g talino na ikinámahál sa kanyá n~g m~ga Gurô roón.
Niyaó~g 1835, ay nanahanan siyá sa Pandakan, at binatà siya palibhasà, ay linigalìg ang kanyá~g pusò n~g himalá~g gandá ni M. A. R. (María Asunción Rivera) isá~g magandá~g dalaga~g Tagalog na kinabalisahan n~g taná~g binata~g kapanahón.
Dayo siyá palibhasà sa baya~g Pandakan, ay pina~gimbuluhan siyá n~g m~ga binata~g binihag din n~g kagandahan ni María, at a~g m~ga kabasa~gál (Adolfo sa kanyá~g awit) ay lumikhâ n~g m~ga pakanâ na kanyá~g ikápapahamak han~gá~g siyá'y másadlák sa dilím n~g isá~g kakilákilabot na bílanguan.
Sa palihá~g itó n~g hirap, na ku~g saán linílikhâ a~g m~ga dakila~g kálolwa, ay dito binuô a~g walá~g kamataya~g «Florante at Laura», tulad kay Victor Hugo n~g Francia na sa kadilimán n~g isá~g bilan~gguan sa Bruselas kinathâ a~g isa sa kanyá~g m~ga dakila~g aklát na pinamatá~g «Napoleon, el pequeño:»
Na~g tamuhín niyá a~g layà ay nanahanan siyá~g mulî sa makasaysaya~g bayan n~g Tundó, at dito ay nakilala niyá a~g isá~g babai~g guró sa sini~g n~g pagtulâ, si ali~g Mandi~g (Agapita Bernardo Rivera) at a~g balitan Husén Sisiw na lubós masásabi~g siyá niyá~g una~g pinagpara~gálanan n~g kanya~g kinathá~g awit bago limbagín.
Sa atas n~g likas na pagnánasa~g tumuklás n~g kaligayahan sa silo~g n~g ibá~g la~git ay tinawíd niyá a~g luok n~g Maynilà at nanirahan siyá sa Bala~gà at nások na tagasulat sa Hukuman, at sa m~ga pistá n~g bayan sa m~ga nápabantóg siyá~g lubhâ sa kanyá~g m~ga maririkit na «Moro-moro» na siyá~g ta~gi~g liba~gan n~g m~ga panahó~g yaón.
Niyaó~g 1842 ay lumipat siyá sa bayan n~g Udyó~g at dito tinamaán n~g kanyá~g malas a~g isá~g babai~g pumukaw na mulî n~g kanyá~g pusò si ali~g Juana Tiom~gbe~g, isá~g maharliká~g babai na nábihag n~g kanyá~g sinumpaán n~g isá~g wagás, dalisay at dî magmámaliw na pagibig.
Aná~g kanyá~g m~ga anák na nabúbuhay pa ha~gga ~gayon na dinalaw ko~g sadyà upa~g makilala, ay náririníg, nilá, umano, sa kanila~g tatay ku~g nanínibughô a~g kanila~g nanay, na a~g M. A. R. sa «Florante» ay hindi María Asunción Rivera, na lubha~g pumúpukaw n~g kaligaligán ni ali~g Juana, kundî María Ana Ramos. Ku~g saán mapagkíkita~g a~g Makatà ni Laura ay nátututo ri~g mama~gkâ sa dalawá~g ilog.
Si Francisco Balagtás, ay nagí~g maginoó sa bayan n~g Udyó~g, at siyá'y nagtagláy n~g m~ga katu~gkula~g «Juez Mayor de Sementera» at «Teniente Mayor».
Sa isá~g kapusukán n~g loob ay ginupitán niyá n~g buhók a~g isá niyá~g alila~g babai, na nagí~g daán n~g isá~g panibago~g pagúusig sa kanyá at mulí~g idinalaw sa mapá~gangláw na silid n~g bila~gguan.
Ang ibon ay kahit piitín sa isá~g kulu~gá~g bakal ay dî napipigila~g umawit, at si Balagtás ay gayón, sa loób n~g nápipiníd na bíla~gguan na pawa~g pa~gláw a~g naghaharì, pawa~g mukhà~g na~glílisik, pawa~g luhà, at kadalamhatían sa pagkákawalay sa m~ga kapilas n~g búhay, sa gitnâ n~g búhay na yaón, a~g kanyá~g panitik ay dî na~glumó at a~g kanyá~g «La India Elegante y la Negrita amante», a~g «Orosman at Záfira» at ibá pá~g kathâ, ay binuô niyá roón, at lumwál sa maliwanag at nagpáyaman n~g pánitiká~g Tagalog.
Na~g tamuhín niyá~g pamulî a~g layà ay dinatnán niyá~g hughóg na a~g kanilá~g kabuhayan dahil sa malakí~g usapí~g hinaráp n~g kanyá~g asawa, at salamat sa kanyá~g m~ga kathâ at nabigyán niyá n~g maginhawa~g kabuhayan a~g marami niyá~g anák na na~ga~gaila~gan n~g kanyá~g arugâ.
Magsalitá n~g nanúkol sa kabuhayan n~g dakila~g Hari n~g Tula~g Tagalog ay na~ga~gahulu~gá~g gumawâ n~g sapagka't walá~g dakila~g bu~ga n~g lahát n~g tanyág na panitik na hindî kumadlô sa m~ga dakilà niyá~g simulain, walá~g káliliklika~g nayon na hindi umáawit n~g kanyá~g «Florante»; walá~g sa~ggol na iniwi sa lilim n~g la~git n~g Pilipinas na hindi ipinaghele n~g kanyáng m~ga magagandá~g tulâ; walá~g dakila~g hatol na iginawad a~g m~ga nunò sa kanilá~g m~ga apó na hindî sa simulain ni Balagtás hinugot; walá~g anóma~g paálaala n~g kaibigan sa kaibigan na hindî nába~ggit a~g m~ga katagá ni Balagtás; anó pa't si Balagtás at a~g mabuti~g gawî ay magkapatid na tunay. Kaáliwan n~g na~galulunos, pambúhay sa na~glúlupaypáy na pusò, panuto n~g nagasa kamalian, at dakíla~g guró n~g lipi~g Tagalog.
Tinawag siyá sa sinápupunan ni Bathalà niyaó~g iká 20 n~g Febrero n~g tao~g 1862, ~guni't a~g luni~gni~g n~g kanyá~g walá~g kahulilip na kaisipán ay tumáta~gláw pa ha~ggá ~gayón sa ati~g pánitikán at táta~glaw ha~ggá~g sa bukas n~g ati~g lipi.
[1] Sa Florante: "Ipinadala ako sa Atenas ..."
[Larawan: Francisco Baltazar]
=DAHONG LUGAS NG "FLORANTE"=
Sa loob at labas ng bayan cong saui caliluha,i, siang nangyayaring hari cagalinga,t, bait ay nalulugami ininis sa hucay ng dusa,t, pighati.
Ang magandang asal ay ipinupucol sa laot ng dagat ng cutia,t, lingatong balang magagaling ay ibinabaón at ilinilibing ng walang cabaong.
N~guni,t, ¡ay! ang lilo,t, masamang loob sa trono ng puri ay ilinulucloc at sa balang sucab na may asal hayop mabangong incienso ang isinusuob.
Caliluha,t, sama, ang ulo,i, nagtayo at ang cabaita,i, quimi,t, nacayuco santong catouira,i, lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo.
At ang balang bibig na binubucalan ng sabing magaling at catotohanan agad binibiac at sinisicangan ng calis ng lalong dustang camatayan.
Oh! tacsil na pita sa yama,t, mataas oh! hangad sa puring hanging lumilipas icao ang dahilan ng casam-ang lahat niaring nasapit co na cahabaghabag.
Ipinahahayag ng pananamit mo taga Albania ca at aco,i, Persiano icao ay caauay ng baya,t, secta co sa lagay mo ngayo,i, magcatoto tayo.
=JOSE CRUZ (Huseng Sisiw)=
A~g pa~gala~g itó ay bago sa m~ga bata~g pandi~gig, ~guni't sa m~ga mawilihin sa Tulá~g Tagalog ay isá~g Tala~g nápakaliwanag. Siyá'y nagi~g Guró n~g ati~g Balagtás sa pagtulà at lahát halos n~g m~ga binata~g kanyá~g kapanahón ay pawa~g lumuhog sa kanyá na itulà n~g m~ga panambitan, liham, lowa, at m~ga palabás dulaan na totoó~g hina~gaan at pinapurihan n~g kanyá~g m~ga kapanahón.
Sa kanyá~g kabataan ay walâ siyá~g nádamá kungdi pawa~g hirap, palibhasa'y anák dukhâ. A~g pintuan n~g Páaralan ay bahagyá na niyá~g nápasok, at mata~gi sa págunahi~g pagaaral na ginampanán n~g kanyá~g ali at sa isá~g ta~gi~g guró na nagturo sa kanyá ha~gga~g 40 año ay wala~g masásabi~g tinuklasán niyá n~g duno~g na naghatíd sa kanyá sa dalubhasa~g tawag na talaisip at pasimunò na sinunód na lagi n~g kanyá~g m~ga kababatà.
Umanó'y isá~g araw, na~g si Huse~g Sisiw ay batà pa~g wawaluhi~g taón lama~g ay naliligò siyá sa isá~g ilog sa may tabi n~g kanilá~g bahay at na~g m~ga sandali~g yaón ay dalawá~g nagháhanáp n~g táwiran upá~g pasá ibayo at si Husé a~g kinausap. A~g m~ga Hesuita ay hindî maruno~g n~g Tagalog at si Husé sa tuló~g n~g kanyá~g pagkapalabasá ay nakapakipagintidihan sa m~ga banyaga~g kausap sa sarili nila~g wikà.
Lubhá~g náha~gà a~g m~ga Hesuita sa katalinuhan at pagkamagala~g n~g batà, kayá,t nalibá~g na siyá'y kausapi~g mahabá n~g sandali. Noón ay sádaraán a~g isá~g tao at sa pagka't hindî na na~gakapagpatuloy n~g pagtawid a~g m~ga Paré, ay inusisá na lama~g ku~g sino a~g bata~g kanilá~g nákausap, ku~g ka~ginó anák at ku~g saán nagáaral.
«Siyá--aná~g m~ga Hesuita--ay isá~g «bata~g-matandâ» lubhá~g umindayóg n~g pagiisip.»
Na~g si Husé~g Sisiw ay magbinatá na, ay dito na kinapánsinán n~g isá~g kainama~g pananagalog, malalaki~g kaisipan, m~ga lalá~g n~g diwá na nakágigisi~g n~g puso~g idlip kaya't halos ináakalà n~g m~ga kanayon na siyá ay isá~g tunay na pantás na nakatatarók n~g lahát n~g lihim.
Itó'y nagbuhat sa walá~g maliw niyá~g pagbabasá n~g m~ga Kasáysayan n~g Biblia na natúturól niya a~g m~ga banháy na kaila~ganin sa pagsasalitâ, na ikinapaghinala n~g madlà na siyá'y isá~g tao~g nakatátarók n~g lahát n~g pagbabago~g dinaanan n~g Daigdigan buhat sa mulà at mulà.
Nátuto siyá~g magisá sa sarilí~g sikap n~g Filosofía, Cánones, Teología at iba pa~g m~ga karunu~gan, gayón din n~g latín at griego, ta~gi pa n~g kastilà na ginagamit niyá~g para~g sarili~g wikà. Dahilán itó na~g ku~g bakit na~g panahó~g yaón ay lubhá~g marami~g pari~g Tagalog a~g sumása~gguni sa kanyá n~g kanikanilá~g m~ga sermón na paubaya~g ipinababago sa kanyá ku~g mayroon siyá~g hindî mainamin na nasa~g iwastô.
May isá~g lalo~g himalá~g ginawâ si Husé~g Sisiw na~g siya'y anyayahan n~g Kura sa Bata~gan na maglabás n~g kanyá~g m~ga dulà sa Pista n~g Bayan doón, at sabihin pa ba, dinalá niyá~g lahat a~g kanyá~g m~ga sipi~g yari, na m~ga dula~g bu~ga n~g kanyá~g walá~g pagál na panitik at ipinagpara~galan niya sa Kura na piliin a~g nasa~g palabasin sa araw n~g kapistahan, at sa masamá~g palad ay walá~g nápilì isá man a~g Kura; ~guni't ipinakita sa kanyá a~g isá~g «Kasaysayan» na siyá~g nasa~g palabasin, at noón din ay binasa ni Husé at boó~g tapa~g na nagsabi~g «Hindî tayo mápapahiyâ amo~g».
Dispirás na n~g Pista n~g Bayan na~gibigay sa kanya a~g sipi n~g «Kasaysayan» at a~g ati~g si Husé~g Sisiw, pagkabasa~g saglit n~g kasaysayan ay tinipon a~g kanyá~g m~ga «comediante» at isaisá~g inanasán n~g kanikaniyá~g sásabihin na tila bumabasa n~g isá~g dulá~g yari at násusulat sa wika~g Tagalog.
Kinábukasan ay nasok sa kuból si Husé~g Sisiw at ang kanyá~g m~ga sinanay na m~ga «comediante» ay na~ganupád n~g kaníkaniyá~g tu~gkól sa dulà n~g boó~g kasiyahá~g loób n~g lahát at tagi~gta~gì a~g Kura na lubha~g námanghà sa himalá~g yaón na ipinamalas ni Husé~g Sisiw.
At dî lamá~g itó a~g kata~gian ni Husé~g Sisiw. Siyá ay nakadidiktá sa limá~g tagasulat ku~g siyá'y nagmamadalî; gaya halimbawà n~g ku~g may nagpápagawâ sa kanyá n~g anó ma~g katibayan, paányaya, sulat sa pa~gi~gibig at tulâ sa kara~galan ni gayón at ni ganitó. Pinaúupô niyá~g sabáy a~g m~ga tagasulat at sabáy na dinidiktahán n~g kanikaniyá, ano pa't nakatátapos na lahát na sabáy at wala~g pánaghilian.
Tinawag siyá~g si Husé~g Sisiw, sa pagka't siyá ay mahiligi~g kumain n~g sisiw, kailan ma'y áayáw siyá n~g inahin ó tanda~g; magi~g sa m~ga gulayin ma'y nasà niyá a~g lalo~g murà ó walâ pa sa panahon, ku~g makáisip siyá~g kumain n~g inihaw na baboy ay a~g kaniyá~g pinipilî ay a~g pásusuhín pa halos. At sa pagka't itó a~g kanyá~g himalí~g lahát halos n~g kanyá~g m~ga kaibigan na nagkákauta~g n~g loób sa kanyá~g magpasulat, ay dinádalhán siyá n~g sisiw na lalo~g pinakamatabâ. At sa pamagát na Husé~g Sisiw siya nákilala n~g lahát n~g kanyá~g m~ga kapanahón.
Si José Cruz ay tubò sa makasaysaya~g bayan n~g Tundó at aná~g marami ay siyá a~g talaga~g ipina~ganák na Makatà. Nila~g siya sa maliwanag niyaó~g taó~g 1778.
Umanó'y isá~g araw ay pinagdayo siyá n~g m~ga Pantás at Dalubhasa n~g kanyá~g panahón upá~g makilala a~g dakilá~g Makatà at Guró nina Balagtás, «Florante» at ni Ananias Zorrilla sa «Dama Inés» niná Juan at Prudencio Feliciano sa kanilá~g «Loco por el viento», «D. Alejandro at Don Luis», «Atamante at Manople», «Jason at Medea» at Dn. Gonzalo de Córdoba», at kalu~guyò at lagí na~g sinambit ni ali~g Manding (Agapita Bernardo Rivera) na tánu~gan n~g m~ga mánunulat noón ay na~gyari a~g ganitó~g ságutan:
--Ma~g Husé, saán pô nároón a~g m~ga aklát ninyó~g sa~ggunian?
--M~ga Ginoó, a~g aklatan ko pô ay a~g sarili~g pagiisip. Ináakalà ko pô na hindî kaila~gan a~g isá~g mayamá~g aklatan ku~gdi násasaulo a~g m~ga linalaman noón.
Ku~g saán mapagkikita na si Husé~g Sisiw ay isá~g dalubhasa~g palalò, sanhî marahil na~g hindî niyá ikinápagpalimbág n~g kanyá~g m~ga kathâ.
Aná~g m~ga matatandá~g ami~g nápagtanu~gán, si ma~g Husé ay lubhá~g mai~gat sa kanyá~g m~ga sulat at kailán ma'y hindî siyá nasiyahán sa m~ga hináhan~gaan na n~g ibá na kanyá~g m~ga kathâ, dahilan itó n~g ku~g bakit iilán a~g kanyá~g «Corrido» na nakilala at ito'y a~g «Clarita», «Adela at Florante» at «Teodoro at Clavela».
Tu~gkol sa may mahigít na ku~g ila~g daá~g «Comedia» at «Dulà» ay na~gi~gibabaw a~g m~ga itó: «La Guerra Civil de Granada», «Hernandez at Galisandra», «Reyna Encantada ó Casamiento por fuerza» at «Rodrigo de Vivar».
Si Huse~g Sisiw ay nagi~g Tagasuri n~g m~ga «Comedia» at «Dulà» na itinata~ghál sa «Teatro de Tondo» na ari ni G. Domingo Celis. A~g alin ma~g «Dulà» ó «Cómedia» na kanyá~g bigyán n~g «subali» ay hindi natata~ghál doón. A~g kanya~g pasiyá ay wala~g tutol at iginagala~g.
«Ah Sayang na sayang, sayang nang pagibig sayang nang sinsing cong nahulog sa tubig cung icaw din lamang ang makasasagip, mahangay hintin cong cumati ang tubig.»
Itó umanó ay kanyá~g tinulâ n~g inip na inip na n~g káhihintay sa isá~g katipán na di dumaló sa tagpuan.
Si Husé ay lagi~g pidagdamutan ni Kupido.
At na~g isá~g kataón ay tinugón siyá n~g isá~g dalaga na «Magsabi po cayo sa aquing mga magulang», ay tinugon pagdaka n~g isá~g tulá na gayari:
Sa aqu,i, huag mo nang matuimatuiranin na may magulang cang dapat sanguniin di baquin si Cristo ay nacapaghain ng Langit cay Dimas, di may magulang din?
Tátapusin namin a~g ulat na itó sa pagsipi n~g ilá~g tulá ni Husé~g Sisiw bila~g aláala sa kanyá~g kabantugan, na~g huag matulad sa bulâ na ginahasa n~g ha~gin; sa ba~gó~g panandalia~g linipasan n~g halimuyak ó sa kawiliwili~g tinis n~g kanyá~g kudyapî na napápawi sa pakinig, pagkalipas n~g isá~g saglit na pagkaalíw at pagkawili.
Oh caauaauang buhay co sa iba Mula at sapol ay gumilio gilio na Nguni,t, magpangayon uacas man ay di pa Nagcacamit tungcol pangalang guinhaua.
Ano,t, ang ganti móng pambayad sa aquin Ang aco,i, umasa,t, panasanasain At ilinagac mong sabing nahabilin Sa langit ang aua saca co na dinguin.
Ang aua n~g langit at aua mo naman Nagcacaisa na caya cung sa bagay? Banta co,i, hindi ri,t, sa aua mong tunay Iba ang sa langit na naibibigay.
Ano ang ganti mo sa taglay cong hirap. Sa langit na hintin ang maguiguing habag? Napalungi namang palad yaring palad Sa ibang suminta,t, gumilio ng tapat.
=P. PEDRO PABLO PELAEZ=
Isa sa m~ga lalo~g paham na tao niyaó~g nagsásapól a~g dáana~g taó~g lumipas, si Parè Pedro Pelaez, Doctor en Teologia, na, pagúukulan n~gayón nitó~g sapyáw na ulat, bila~g pabunyî sa kanyá~g kadakilaan at m~ga paglili~gkód sa Tinubua~g Lupà, sa abot n~g gálawan n~g kanyá~g pagka Parè.
Sa matulá~g lalawigan n~g Laguna ay dito sumila~g a~g marilág na si Parè Pedro Pablo Pelaez, at anák n~g m~ga litáw na tao. A~g kanyá~g amá ay kasalukuya~g Alkalde mayor niyaó~g ika 12 n~g Hunio n~g taó~g 1812, na siyá'y iluwál sa maliwánag. Inalô n~gâ si Parè Pedro Pelaez sa duyan n~g kaginhawahan; ~guni't sa buhay na itó n~g m~ga pagbabago ay kanyá~g dinanas a~g lahát n~g m~ga dapat danasin n~g m~ga laruan n~g palad at siyá'y naulila sa maága~g panahón n~g kanyá~g kabataan at, walâ nama~g gaano~g naiwan sa kanyá~g pamana, a~g amá~g pumanaw, kayá't sa panahón n~g kanyá~g pag-áaral ay di gágaano~g pagsasakit a~g kanyá~g tinawíd bago namulat a~g kanyá~g kutád na muni sa malawak na gálawan n~g karunu~gan.
Maglálabi~g isá~g taón pa lama~g siyá n~g masok sa Páarala~g Santo Tomás sa pamamagitan n~g «beca» dahil sa kara~galan n~g kanyá~g m~ga magula~g at a~g panahón n~g kanyá~g ipinagaral, ay siyá~g nagi~g sáligan n~g pamagát sa kanyá~g Pantás at Dalubhasa~g Parè, na iginawad sa kanyá sa panahón n~g kanyá~g pamamayani sa buhay na itó n~g m~ga dalamhati.
Boó~g kasyaha~g loób na tinamó niyá a~g katibaya~g «Bachiller en Fiosofía», «Bachiller en Teología», at «Licenciado en Teologia»; Kaparahunan noón n~g balita~g Pantás na Pari~g kastilà na si R. P. Francisco Ayala, di nalaunan at tina~ggáp a~g katibayan sa pagká «Doctor en Teología», kátaástaasa~g karunu~ga~g mahihintáy na kamtin n~g isá~g Parè.
Dahil sa di niyá karaniwa~g kapahamán ay nakasapit siyá sa Koro n~g Katedral at tina~ggáp siyá~g «Canónigo de Gracia», ~guni't hindi niyá naami~g siyá'y mamalagi sa gayó~g para~g limós na katu~gkulan at siyá'y lumaban n~g páligsahan, at tinamó niyá a~g pamagát na «Canónigo Magistral».
Siyá'y may m~ga kalilihili~g m~ga sermón na lubhá~g hina~gaan at kanyá~g ipinalimbág sa Madrid niyaó~g 1860, sa kahili~gan n~g kanyá~g m~ga kasamahan na nagnanasa~g magi~gat n~g kayamana~g yaón n~g kanyá~g diwà.
Sa pagka «Predicador» ay nápabantóg n~g gayón na lama~g si Parè Pelaez, at sa kanyá~g wala~g tila~g pagaáral ay tinamó niyá a~g m~ga katu~gkula~g «Juez Apostólico», «Comisario Subdelegado de la Santa Cruzada» at «Vicario Capitular en Sede Vacante» sa Siudad n~g Maynilà. Aná~g isá~g pahayag n~g «La Patria» tu~gkól sa Pare~g itó: «A~g m~ga karapatdapat na m~ga Prelado na siná Ecmo. Señor D. José Seguí at José Arangoren ay nagpahalatá tuwî na n~g pagtata~gi sa kakayahá~g hindî karaniwan n~g m~ga hiyas na itó ni Parè Pedro Pelaez, at itina~gi siyá~g pina~gsa~ggunian tuwî na, lalo~g lalò na n~g Preladong si G. Arangoren at siyá a~g kalihim nitó.
Yaó~g dakila~g utak na nápabantóg at nagtaás n~g gayón na lama~g sa kanyá~g lipì, ay pininsalà niyaó~g lindól n~g taó~g 1863 na~g gumuhò a~g Katedral. Namatay siyá~g gaya n~g isá~g bayani sa kapanahuna~g a~g kanyá~g karilagán ay sumisikat, ~guni't a~g kanyá~g aláala ay lagi~g sariwà tuwî na sa kanyá~g m~ga kababayan. At sa «Universidad de Santo Tomás» bila~g aláala sa kanyá~g kadakilaan ay ginawá~g pahiyás a~g isá niyá~g malaki~g larawan, sa kanilá~g «Galeria de Ilustres personalidades» na inii~gatan sa bulwagan n~g nasabi~g Páaralan, bila~g ta~gláw marahil sa na~gagsisipagaral doón.
=P. JOSE BURGOS=
[Larawan: P. JOSE BURGOS]
Sa Pilipinas ay marami~g dakila~g Bayani at sa m~ga itó ay kabila~g a~g huwaran n~g m~ga Pari~g pilipino na si Dr. José Apolonio Burgos.
Niyaó~g ika 9 n~g Febrero n~g taó~g 1837, ay sumilang sa maliwanag a~g ami~g pinagúukulan ~gayón nitó~g haláw na dahon n~g m~ga Dakilang Pilipino. Siyá'y anák n~g Teniente n~g Milisya na si G. José Burgos at ni Gina~g Florencia ni Burgos, sa bayan n~g Vigan, Ilokos Sur.