Mga Dakilang Pilipino; o ang kaibigan ng mga nagaaral
Part 1
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This file was made using scans of public domain works from the University of Michigan Digital Libraries.)
[Paalala ng Nagsalin: Sa orihinal na pagkalimbag, tinangal ng maykatha ang lahat ng "n" at ginamit lamang ang ~g. Dahil ninais ng maykatha na gamiting ang libro ng mga estudyante para sa kanilang pagaaral ay binalik namin ang "n" sa web version para madaling basahin ng mga kabataan ngayon. Ang plain text na edisyon naman ay hinayaan naming manatili ang porma ng orihinal na pagkalimbag ng libro.]
[Transcriber's note: The author removed all the "n" and used tilde g or ~g in the original publication. Since the author intended the book as reference for students, we placed the "n" back in the web version to make it easier to read. The plain text version however retains the original form as it was published.]
=SA LA~GIT N~G BAYA~G PILIPINAS.=
M~GA DAKILA~G PILIPINO
o
A~G KAIBIGAN N~G M~GA NAGAARAL
SININOP NI
_Jose N. Sevilla at Tolentino_
UPA~G MAGAMIT NA AKLAT NA BABASAHÍN
UNA~G PAGKALIMBAG
MAYNILA, 1922
Limbagan nina Sevilla at mga kapatid at Kn.
MAYNILA, K.P.
HANDÓG
Sa kabataan n~g lahi~g Tagalog upa~g pakinaba~gan at mágamit na isá~g mabuti~g basahin sa panahón n~g pagaáral.
Ang Kumatha.
A~g karapatán sa aklát na itó ay ipinamamana ko sa aki~g m~ga pama~gki~g Emillo, Jesús, Aurelio at Predesvindo Alvero y Sevilla upá~g kanilá~g pakinaba~gan ku~g sumapit silá sa sapát na gula~g.
José N. Sevilla.
[Larawan: JOSE N. SEVILLA AT TOLENTINO]
Nagi~g Kapitán n~g Artilleria n~g Republica Filipina Kasa~gguni n~g «Suliranan n~g Wika» Nagi~g Gurò n~g Panitika~g Tagalog sa Colegio «La Juventud» Namatnugot n~g m~ga Pahayaga~g «Buhay Pilipinas», «Malalaya~g Ma~gagawà» at «Katuwiran» Nagtamò n~g Ganti~g Pala~g Medalla de Plata at Diploma Sa Ta~ghala~g Panama Pacifico, 1915, Sa lilim n~g ta~ghal n~g Biblioteca de Filipinas Kasa~gguni n~g Lupo~g sa Pátakarán at Palatuntunan N~g Una~g Kapulu~ga~g Balagtás, 1922. Kasapi sa «Ilaw at Panitik»
=PAUNA~G SALITA=
Isa~g sulirani~g kasalukuyan na humihi~gi n~g isá~g ágara~g paglutas ay a~g náuukol sa pagsisikap na tayo'y magkaroón n~g isá~g wika~g pambansâ na makabibigkís n~g boó~g higpít sa atin sa isa~g pagkakáwatasa~g ganáp sa tuló~g n~g isá~g sarili~g wikà, upá~g mapapánatili~g lagi~g mainit, nagáalab at nakadádará~g yaó~g dî mati~gkalá~g mithî na pinagbubuan n~g lalo~g mahalagá~g dugô at itinulò n~g masasakláp na luhà n~g m~ga naulila doón sa m~ga bayani~g naiwan sa ságupaan sa kadilimán n~g gabi.
A~g sanhi~g itó rin a~g pinagbuhatan n~g isá~g katagâ n~g kapulo~g na Lope K. Santos na~g kasalukuyá~g pinagtátalunan sa Kapulungang Balagtas niyaó~g ikalawa~g araw n~g Abril n~g taó~g isá~g libo siyam na raán at dalawampuo't dalawa, a~g suliranin n~g pagtuturò n~g wika~g Tagalog sa m~ga páaralan na anyá'y «anó~g aklát a~g pagáaralan n~g ati~g m~ga batà sa wikà~g Tagalog?»
Ipinagtátapát ko~g sa kasalukuyan, ku~g may m~ga aklát ma~g Tagalog na náuukol sa m~ga Balarilà n~g wikà ay tahás na dî tumútugón sa m~ga pagkakáunlád n~g wika~g Tagalog dito sa dáanang taó~g ika dalawam puo yayamá~g a~g m~ga yaón ay halos tinagalog lama~g sa m~ga aklát na gayón din a~g urì na m~ga ibá~g wika~g Kastilá ó Ingles, n~guni't di nagtátagláy n~g sarili~g diwà at m~ga paraán n~g wika~g Tagalog sa kanya~g sini~g na sarili~g sarili.
Dahilán a~g sanhí~g itó na~g ipinagpanayám namin n~g kasalukuyá~g Patnugot n~g Instituto de Mujeres na nagmu~gkahi sa akin, na bila~g pa~guna~g aklát ay lumimbág muna n~g isá~g babásahi~g káwiwilihan n~g m~ga nagáaral sa sarili~g wikà, n~guni't sinikap ko~g sa pagtugón sa kanyá~g mungkahi ay yumari n~g isá~g aklát na ta~gi sa káwiwilihang basahin ay kápupulutan namán n~g m~ga dakilá~g huwaran sa kapitápitaga~g halimbawa~g ipinamana sa atin n~g m~ga bantóg na m~ga kababayan na sa gálawan n~g kanila~g kalágayan, magi~g sa kapamayanán, sa duno~g at sa kabayanihan man ó sa pagtatá~ggol n~g m~ga dakila~g mithî, ay kinábakasán n~g tápata~g pagibig sa mutyâ nati~g Pilipinas.
A~g sa langit ng bayang Pilipinas ay nipót n~ga sa init n~g ha~gád na a~g wika~g Tagalog ay magi~g isa~g wika~g pagbansâ, at yáyama~g a~g napili nami~g batayán ó sáligan n~g aklát, ay a~g kagyát máukit sa pusò n~g ati~g m~ga batà a~g sarisari~g aral na inii~gatan n~g m~ga dakila~g pa~gyayari sa sarili~g lupà ay máituturi~g na a~g aklát na handóg namin ~gayón ay hindi básal, bagkús isa~g hapyáw sa m~ga násulat na~g m~ga tudli~g, bakás n~g kasaysaya~g sa m~ga dakila~g aklát na náuukol sa mani~gni~g na dahon n~g ati~g kasaysayan ay nagi~g pahiyas, at sa kapanahunan namán, ay sa m~ga pagyayari~g lumúluta~g ku~g minsan ay sa bugsô n~g kapusukán, kalupitán, ó kabayanihan kayâ na pawang may sarili~g samyô, na ku~g ibúbukód ay tahás na pakikinaba~gan upá~g makayari tayo sa ati~g m~ga batà n~g m~ga diwang malalakí, kalooba~g matitibay, kálolwá~g dî magígipò n~g m~ga panuyò at hinuhod yáyama~g tahás na gumágaláw sa udyók na násasalig sa pinakamara~gál sa lahát n~g udyók na dili ibá't n~g mani~gas na pagasa~g magi~g tapát na anák n~g baya~g tinubuan.
Ihináhandóg namin sa kabataan n~g lahi~g Tagalog a~g m~ga hapyáw, sipì, at sinóp na itó sa m~ga panitik n~g m~ga lalo~g litáw na tao~g ami~g hinugutan n~g m~ga ináakala~g karapatdapat basahin, makilala, at pagaralan n~g ati~g m~ga batà sa m~ga unang bugsô n~g pagaaral, bilang paghahandâ sa kanilá na ma~gigí~g matitíbay na muóg n~g ati~g ihináhandá~g baya~g malusóg, malayà at karapátdapat sa isa~g bukás na malayà.
At sa pagasa~g a~g ta~gkilik n~g m~ga mambabasa ay igagawad sa amin, ay lumuwal a~g sa langit ng Bayang Pilipinas, na tagláy a~g lahát n~g kakanyahán n~g isa~g bagó~g hugis na babásahin.
Bila~g pa~galawa~g aklát na ami~g ilálathalà ay dî iba't "Ang aklat ng tagalog" na málalathalà sa dalawá~g wikà, ó sa malinaw na sabi ay sa Tagalog at Ingles, na kápagáaralan n~g m~ga lihim na iníi~gatan n~g wikà, bu~ga n~g isá~g matamá~g pagsisinop. Dito ay magkatulo~g kami ni Dr. Paul Rodríguez Verzosa, isá~g dalubhasá~g mapagsuysóy n~g m~ga kapakanan n~g wikà at lahi~g Tagalog.
At pa~gatló sa taó~g itó ay isusunód namin a~g isá~g. Maikling Balarila na kásisinupán n~g m~ga alituntunin at paraán n~g wikà sa kanyá~g kakayahán, m~ga paglalapilapì sa tulo~g na~g m~ga tipik at pagbabago n~g m~ga diwà n~g salità sa pamamagitan n~g paguulit n~g panti~g ó ugát kayâ sa ~gayon sa kahili~gan n~g siní~g.
Umáasa kami na sa pamamagitan n~g ta~gkilik n~g m~ga Páaralan at n~g báya~g mahiligin sa pagaaral ay sásapit tayo sa pagkakaroón n~g isá~g Batás na kákali~gà sa ati~g m~ga kathâ na ha~ggá ~gayón ay lúluta~gluta~g sa dagat na waláng pampá~g n~g kapabayaan.
Ku~g magkakagayón ay matitiyák nami~g a~g wala~g maliw na punyagî n~g Kapulungang Balagtas na ami~g kináaaniban ay dî naaksat maáasaha~g pagáanihan n~g m~ga sagana~g biyayà.
Jose N. Sevilla.
=ALI MUDIN=
Si Ali Mudin ay isá sa m~ga lalo~g nápabantóg na Sultán sa Huló. Siyá ay anák ni Maula na napabila~g sa m~ga lalo~g litáw na Harì sa nába~ggít na Pulô. A~g magamá~g itó kailán ma'y hindî napasuko na~g hukbó~g kastilà anó ma~g sikap n~g ginawâ upá~g lupigin a~g kanila~g kaharian.
Na~g humalili si Ali Mudin sa kanyá~g amá ay sinikap n~g m~ga kastilà na magtamó sa kanyá n~g isá~g kásunduan, at sapagka't si Ali Mudin ay maibigín sa kapayapaan ay nagpadalà sa Maynilà n~g limá~g sugò, niyao~g Enero n~g 1737 upá~g makipagtalo sa m~ga mu~gkahi~g kásunduan n~g m~ga kástilà.
Sa m~ga sugo~g itó ay kabila~g siná Dadia Deila, Radia Poot Salikaya at si Panduta Mahomed Ismalis. Ang m~ga sugó~g itó n~g Sultan na si Ali Mudin ay siyá~g na~gasiwà sa pakikipagkásundô sa m~ga kastilà na pinagtibay niya sa Huló, at sa pinagkásunduán ay nabibila~g a~g m~ga sumúsunód:
I.--Maghahari sa dalawá~g pa~gkát na nagkakásundô a~g kapayapaan.
II.--A~g dalawá~g pa~gkát, o a~g m~ga moro at m~ga kristiano ay magtúlulo~g na makipagbaka sa alin ma~g kaaway nila~g dalawá.
III.--Magkákaroón silá~g dalawá n~g malaya~g pagkakálakalan.
IV.--Sakali~g sino man sa dalawá~g dako ay puminsalà sa ka~gino man sa kanilá o maghasik n~g sigalót sa isá sa kanilá, a~g naminsalà o sanhî n~g kapinsalaan ay magbábayad sa pininsalà n~g isá~g halagá~g híhigín n~g napinsalà.
V.--Magpapàlitan n~g bihag.
Si Ali Mudin ay nagí~g tunay na Harì, at a~g kanyá~g kapa~gyarihan ay kinilala n~g m~ga kastilà ha~gga~g sa niyáo~g taó~g 1749 ay sumirà sa kásunduan a~g m~ga kastilà at si Ali Mudin ay nábihag at dinalá sa Maynilà niyaó~g Enero n~g taó~g nába~ggit.
Sa pagkábagsàk ni Ali Mudin ay humalili si Bantilan, isá~g dakila~g Datò n~g panahó~g yaón.
Nanahanan sa Maynilà si Ali Mudin na kasama n~g kanyá~g anák na si Israel na pinahintulutan n~g m~ga kastilà na makapa~garal sa Páaralá~g San José. Sa boó~g panahó~g ipinakipamayan ni Ali Mudin sa pili~g n~g m~ga kristiano ay nahikayat na pabinyág at a~g pa~gala~g iginawad sa kanyá ay Fernando I.
Pagkalipas n~g ilá~g panahón, ay sinikap n~g Gobernador Obando na si Ali Mudin ay mábalík sa kanyá~g pagká Harì, at si Ali Mudin kasama n~g ilá~g sasakyá~g punô n~g kawal ay tumulak na patu~go sa Huló binaka nilá a~g m~ga kutà roón ha~ggá~g sa na~g dî na máipagta~ggol n~g m~ga moro ay kanilá~g napasukò at isá~g panibago na namá~g kásunduan a~g linagdaán n~g m~ga moro at n~g m~ga kagawád n~g m~ga kastilà.
A~g m~ga sasakyán ay lumayag na patu~go sa Zamboanga at sa pagka't di nakasama si Ali Mudin sa m~ga kastilà sa pagtulak na yaon ay sinapantahà n~g m~ga kastilà na siyá ay nagtaksíl, at siyá, kasama n~g mahigit na dalawá~g daá~g kasamahán ay dinakip at mulí~g ibinalik sa Maynilà at ibinila~ggô sa Fuerza de Santiago.
Buhat noón ay pinasimulán na n~g m~ga kastilà a~g walá~g maliw na pagbaka sa m~ga moro; ~guni't pawa~g walá~g tagumpáy na masásabi na kanilá~g tinamo sa Timog n~g Kapuluan.
Hinilí~g ni Ali Mudin sa m~ga kastilà na a~g kanyá~g anák na si Fatima ay pahintuluta~g makapagbalík sa Huló, niyaó~g Febrero n~g 1753 upá~g magsikap sa ikapagharì n~g kapayapan doón, at a~g gayó~g kahili~gan ay dini~gig at pinahintulutan n~g m~ga kastilà; bila~g bu~ga n~g paglalakbáy na itó ni Fatima ay nagtamó siyá n~g isa~g sulat buhat kay Bantilan na nagsasabi~g si Ali Mudin ay pabalikin sa Huló, upá~g maghari~g mulî róon at lumagdâ sa isa~g bago~g kásunduan a~g dalawá~g dako~g dati~g magkaaway na m~ga moro at kastilà. A~g lahat n~g kahili~gan ni Bantilan ay dingi~g n~g m~ga kastilà, subalit hinilí~g na si Ali Mudin ay palayain ~guni't mamámalagì sa Maynilà sa pili~g n~g Arzobispo Rojo na siyá~g kumuha sa kanyá sa Fuerza Santiago at nagbigáy sa kanyá n~g isá~g táhanan at m~ga lingkód.
Niyaó~g 1762 a~g Maynilà ay sinalakay n~g m~ga Inglés at si Ali Mudin sa pili~g n~g limampuô katao ay lumabás at nakibaka~g kasama n~g m~ga kastilà sa bago~g kalaban na dumadagsâ at humuhugos sa kamaynilaan.
Ipinamalas ni Ali Mudin a~g isá~g dî karaniwa~g katapa~gan na katutubò n~g m~ga moro at lubha~g marami~g Inglés a~g kanilá~g pinuksâ bagá ma~g a~g Lunsód ay napasok at napasukò. A~g m~ga Inglés ay dî naglaón sa Maynilà at sa kanilá~g paglayas, sa kautusan ni Simon de Anda at Zalazar ay pinapanumbalik si Ali Mudin sa Huló upa~g muli~g lumuklók pa kanyá~g luklukang harì.
Gumawâ n~g isá~g lína~gin sa Balamba~g a~g m~ga Inglés na kanilá~g linibid n~g matitibay na kutà at sa dî pagkawilì dahilán sa a~g sigáw ay dî nilá matagalán ay lumipat sa isá~g pulô na malapit sa Huló. A~g ganitó~g pa~gyayari ay dî minabuti n~g Sultan Mahomed at ni Israel na anák ni Ali Mudin, sapagka't dî nilá matiís na a~g kanilá~g lupaín ay ariin n~g m~ga banyagà; at naghanáp silá n~g isá~g kátaó~g ikapagtatabóy sa m~ga ma~ggagagá.
At a~g panahó~g itó ay dumatí~g niyaó~g bihagin n~g m~ga kawal na Inglés si Dato Tente~g, isá sa m~ga malalakás at pinaníniwalaa~g Datò, at isá sa m~ga maiinit na araw n~g Marso niyaó~g 1772 na~g makalayà na si Tente~g, ay nakipagalám sa m~ga iba~g Datò na siná Dakula at Zama~ggo-Isaák, kasama n~g ilá~g kawal na sumalakay sa kinalalagyán n~g m~ga kawal na Inglés, at sa ganitó~g ságupaan ay na~gágsitakas a~g m~ga Inglés sa m~ga ba~gká~g lundáy na pinaghábol n~g mabibilís na sasakyá~g moro. Sinikap n~g Gobernador na Inglés na makipagkásundô, ~guni't dî tinalima n~g m~ga moro at silá ay ipinagtabuyan at sa pagtakas ay na~gaiwan nilá a~g kanilá~g m~ga sasakyán, m~ga kanyón, baril at apat na puô at apat na libong piso.
Namatáy si Ali Mudin sa Huló, n~g boó~g kasiyaha~g loób, sapagka't náitabóy niyá a~g m~ga manlulupig sa kanyá~g bayan.
Si Ali Mudin ay nagí~g tudláan n~g dî kawasa~g pagha~gà n~g kanyá~g m~ga sàkop.
[Larawan: Ali Mundin]
=RAHÁ SOLIMAN=
Bago nagí~g Rahá si Solimán, ay nagí~g katulo~g muna sa pa~ga~gasiwà n~g m~ga súliranin dito sa Maynilà, ni Rahá~g Matandâ.
Si Lakán Dulà na nanánahanan sa Tundó ay siyá niyá~g kasama. Itó ay na~g kapanáhunan ni Rahá~g Matandâ na~g taó~g 1570. Noón ay isá~g pulutó~g na~g m~ga sasakyá~g kastilà na pinamumunuan ni Martin de Goití at Juan de Salcedo a~g dumao~g sa luók n~g Maynilà. Niyaó~g una~g datí~g dito niná Goití ay dî sila nakalunsád pagdaka. A~g Maynilà, ay may matitibay na m~ga muóg at sila'y pinaputukán at sinagupà.
Nabalitaan niláng isá sa m~ga makapa~gyarihan doón ay si Solimán, kaya't nagpadalá sina Goití rito n~g sugò na nagsásaysáy na silá'y dî naparito upá~g makidigmâ kundî upá~g makipagkásundô, at a~g ganitó'y tinugón sa pamamagitan n~g sugò, na a~g Hari sa Maynilà ay nagnanasà n~g makipagkaibigan sa m~ga kastilà.
Pagta~ggáp ni Goití n~g paklí ni Solimán ay nasók siyá at a~g kanyá~g m~ga tao sa ilog n~g Pasig at silá'y lumunsád sa isá~g baybáy na itinakdâ n~g Harì. Sinalubo~g silá ni Raháng Matandâ at nakipagkamáy sa kanilá, pagkaliban n~g ilá~g sandali ay dumatíng si Rahá Solimán at nakipágkamáy din ~guni't nagpasubalì n~g gayari: «Kamí ay nagnánasa~g makipagkaibigan sa m~ga kastilà samantala~g silá'y mabuti sa amin; ~guni't mahíhirapan silá n~g gaya n~g hirap na tiniís na n~g ibá, kailán ma't nasain nilá~g kami'y alisán n~g puri».
Pagkaraán n~g ilá~g araw si Goití ay nagkula~g sa pagkakáibigan sa pagpapaputók n~g kanilá~g kanyón, at si Rahá Solimán ay napilita~g magbago n~g kilos. Ipinawasák nitó a~g m~ga sasakyán nina Goití at ipinapuksâ a~g kanyá~g m~ga kawal.
Nápakabuti a~g pagtata~ggól sa m~ga kutà at dî nagawâ na~g m~ga kastilà a~g makapasok agád, ~guni't na~g ma~gasalantà a~g m~ga tao ni Solimán at maubos na a~g m~ga punlô ay napipilan din. At na~g makuha n~g m~ga kastilà a~g Maynilà ay sinalakay a~g bahay ni Solimán at dito'y nátagpuán nilá a~g isá~g mainam na gusali, maiinam na kasa~gkapa~g sigay, m~ga damit na mariri~gal na nagkakahalagá n~g may 23.000 piso.
Hindî nagtaksíl kailán man si Solimán, gaya n~g ipinararata~g sa kanyá n~g m~ga kastilà. Siyá'y tumupád lamá~g sa kanyá~g dakila~g katu~gkulan na makibaka sa sino ma~g magnánasa~g sumirà n~g kanyá~g kapurihá~g pagkaharì, at yáyama~g a~g m~ga kastilà ay siyá~g nagpasimulâ n~g pagbabaka, ay siyá ay nagta~ggól lama~g at natalo, ~guni't hindî kailán man nagtaksíl.
A~g kanyá~g pagibig sa sarili~g Lupà ay nagudyók sa kanyá~g makibaka at siyá ay nakibaka dahil doón.
Ku~g saán mákikita~g ang pagguhò n~g kaharian ni Solimàn ay uta~g sa kagahaman n~g isá~g lahi~g ma~gaalipin; sa isá~g pámahalaá~g pinagágaláw n~g lakás n~g lakás at di n~g lakás n~g katuwiran.
Kawawa~g baya~g maliliít na linúlupig at ginágahasà n~g malalakíng bansâ.
A~g daigdíg ay patu~go sa pagunlád, at buhat niyaó~g 1914 na gahasain a~g Belhika, ang malalakí~g Bansâ ay nagsasapì at ipinagta~ggól a~g katwiran n~g maliliít na bayan. Panibago~g kilos sa daigdíg na bu~ga n~g mayama~g diwà n~g dakila~g Wilson sa kaamerikahan.
[Larawan: Raha Soliman]
=RAHA LAKAN DULA=
Si Rahá Lakán Dulà ay isá sa m~ga lalo~g bantóg na namunò sa Bayan n~g Tundó. Siyá ay isá sa m~ga kasan~ggunì ni Rahá Matandâ, si Lakán Dulà ay siyá~g Pámumuán n~g panahó~g siná Legaspi ay dumaó~g sa ati~g lunsód, niyaó~g taó~g 1571. Na~g sumapit si Legaspi sa ati~g Lupaín at lumunsád sa Tundó ay nátagpuán niyá~g dito'y naghaharì a~g kapayapaan, namámayanì a~g matatalino~g m~ga batás, at may matitíbay na muóg na pana~ggól sa ma~gagsísisalakay.
Kiníkilala~g Harì rito si Lakán Dulà n~g m~ga kanugnóg na lupaín, at a~g kaniyá~g na~gasásakupan ay bumábayad sa kanyá n~g buís at lagí~g tapát sa kanyá, magí~g sa kapayapaán at magí~g sa digmâ. A~g m~ga sasakyá~g insík at Hapón na dumaó~g dito ay pawa~g nagbábayad n~g buwís kay Lakán Dulà, bago lumunsád at ma~galakal sa tagarito.
Kinilala rin namán ni Legaspi a~g kapa~gyarihan ni Lakán Dulà at gumawâ silá n~g Sa~gusapan at pagkarán n~g ilá~g panahón si Lakán Dulà ay nagí~g kakampí n~g España. Tumulo~g si Lakán Dulà sa pagtátatag dito n~g m~ga táhanan n~g m~ga kastilà at pagkaraán n~g ilá~g panahón siyá at a~g kanyá~g m~ga anák ay napabinyág na lahát. A~g pa~gala~g iginawad kay Lakán Dulà ay Carlos.
Niyaó~g taó~g 1574 na a~g lupaí~g itó ay salakayin ni Limaó~g, isá~g insík na tulisá~g dagat, a~g Rahá~g itó at a~g kanya~g m~ga anák ay nakilaba~g kakampí n~g m~ga kastilà sa m~ga insík na nagsisalakay. Napauro~g siná Limaó~g n~g m~ga kampón n~g Rahá Lakán Dulà at a~g m~ga itó ay nagtatag n~g kanilá~g kaharian sa Pa~ggasinán at doó'y pinágusig silá n~g hukbó ni Lakán Dulà ha~ggán~g nápatayán silá n~g kay rami~g alagád at náitaboy silá sa labás n~g m~ga lupaí~g sakop n~g Rahá~g Tagalog na itó na nagpakita n~g gayón na lama~g tapa~g.
Si Lakán Dulà ay nagkaroón n~g tatló~g anák na lalaki at siyá at a~g kanyá~g m~ga anák sa kapanahunan ni Lavezares niyaó~g 1572 ha~ggá~g 1575 ay patuloy silá~g nagi~g katúkatuló~g sa pagpapalaganap n~g kakristianuhan sa Kagayán, Kamarines, at Zambales; a~g kanyá~g apó~g si Makapagál ay isá sa lumitáw sa tanán niya~g m~ga kamaganak. Si Makapagál sa kanyá~g katápatan sa España ay ginawá~g «Maestro de Campo» at pagkatapos noón ay nagi~g Heneral siya sa Apalit, Arayat at m~ga kabundukan n~g Zambales.
Na~g magkáalít a~g m~ga kapampa~gan at m~ga pa~ggasinán ay dî naapulà, samantala~g hindî namagitan si Makapagál; at na~g mulí~g sumalakay a~g m~ga insík sa kapanahunan ni Heneral Figueroa ay hini~gî a~g tulo~g ni Heneral Makapagál at itó a~g humawì sa nagsisisalakay.
Sa pagkilala sa dakila~g tulo~g ni Heneral Makapagál sa España ay silá'y tinimawà n~g m~ga kastilà sa anó ma~g bayarin sa Pámahalaán at a~g lahát n~g kanyá~g kamaganakan ay gayón din. Itó'y namarati ha~ggá~g sumapit a~g taó~g 1883.
Si Rahá Lakán Dulà ay isá sa m~ga lalo~g kilala~g harì sa kapanahuna~g yaón n~g ati~g kasaysayan. Nagí~g kakampí siyá n~g m~ga kastilà sa pagká't naniwalà siyá~g a~g m~ga kastilà ay magigi~g tapat sa kásunduan at pa~gakò. Tumulo~g siyá sa pagsalasà sa nagsisalakay na m~ga nagnánasa~g magharì rito at sakupin a~g kanyá~g a~gkán; at lagì siyá~g tumulo~g sa pagapulà n~g m~ga himagsikan, sapagká't inàakalà niyá~g a~g gayón ay nagguguhò lamá~g n~g kapayapaán n~g kanyá~g m~ga sakop.
Ku~g a~g m~ga kastilà ay hindî tumupád sa pa~gakò at sumirà sa sa~gusapan, ay hindî kasalanan ni Lakán-Dulà; kasalanan n~g kasakiman na náaayos sa símulain ni Bismárk na a~g maliliít ay talaga~g kákanin n~g malalakí.
Samantala~g hindî naghaharì a~g pagkakapantáypantáy n~g m~ga tao sa haráp n~g katuwiran at a~g kawagasán ay isá~g kabaita~g násusulat lamá~g at dî ginágampanán n~g lahát at bawa't isá, talagá~g a~g kapa~ganiban sa m~ga maliìt na Bansà ay lagi~g nakabalà.
Itó ang dakila~g gáwain n~g m~ga tao n~g Daigdigan.
Itó a~g simulai~g nasa~g pairalin n~g dakilai~g Wilson na~g siya'y mamagitan sa nagiinapóy na digmaan sa Europa.
Anó a~g malay natin ku~g yaón din a~g ma~gi~g matibay na sáligan n~g ganáp natí~g kasarinlán.
=TOMAS PINPIN=
Laki~g kapabayaan at kapabayaá~g lubhá~g pumipinsalà sa ati~g pagkabansá~g liná~g a~g pa~gyayari~g a~g ati~g m~ga dakilá~g tao ay nálibí~g sa limót at walá~g nagukol kahit na hapyáw man lama~g na pagbabalità sa kanilá~g m~ga kabantugan. A~g limba~gan ay isá~g dakilá~g biyayà sa katauhan, sa pagka't túnay na mabisa~g katulo~g sa paglálaganap n~g m~ga mithí~g bu~ga n~g m~ga kisláp n~g diwà n~g tao ~guni't katakátaká mandín na a~g káunaunaha~g manlilimbág dito sá Kapuluán ay hindî naka pagpapamana sa atin n~g haláw man lama~g n~g kanyá~g buhay, subalì't gaya n~g a~g m~ga dakilá~g pa~gyayari ay nagiiwan n~g m~ga dakilá~g bakás gayon a~g na~gyari sa ati~g kababaya~g itó na pinagúukulan ~gayon nitó~g maigsí~g úlat.
A~g limbagan ay isá~g dakila~g biyayà sa katauhan, biyaya~g mabisa~g katulo~g sa paglalaganap n~g m~ga kaha~gaha~gá~g kisláp n~g diwà na higit sa dagidab na sumasakaalaman n~g lahát at napapanatili at nagágamit at sunodsunoran sa kapakanán n~g katauhan.
Ku~g a~g limbagan ay isá~g tunay na biyayà sa katauhan, dísapalà ay karapatdapat na pagpugayan at handugán n~g isá~g ganáp na pagturi~g a~g m~ga taó~g na~gákatulo~g sa pagpapalaganap niyaón. Si Tomás Pinpin, sa ~gayon sa m~ga kasulata~g amí~g násuysóy ay siyá~g káunaunaha~g Tagalog na naglaganap n~g limbagan sa dako~g itó n~g daigdigan.
Kilalá at nahihigi~gan na siyá'y isá~g Tagalog at káunaunaha~g manlilimbág dito sa Filipinas at Tagalog na may díwa~g liná~g sa itinítímpalák n~g káunaunahá~g aklát na «Libro~g Pagáaralan n~g m~ga Tagalog n~g Wika~g Kastilà» subali't hindî nákikilala gaya n~g malao~g dî nábalitaan a~g kanyá~g pa~galan, sa pagká't walá~g nagukol sa kanyá n~g isá~g karapat dapat na gunitâ.
A~g ganitó~g m~ga kapabayaan ay dî dapat mamarati, sa pagká't lubha~g pípínsalà sa ati~g pagkabanság kasalukuya~g tinátawaran at ayaw kilalanin.
N~guni't sino si Pinpin? Kailan siyá ipina~ganak? Saang bayan siyá Sumibol?
M~ga tano~g na dî matugón n~g tiyakan at walá~g m~ga kasulatan maturól yayama~g a~g karamihan n~g mápagsasá~ggunia~g tálaan sa m~ga Simbahan ay nalipol at na waldás n~g ati~g m~ga himagsikan. Hindî máaari~g malimutan, hindî dapat malimutan a~g m~ga dakila~g gawâ n~g m~ga lalò pa~g dakila~g tao na gaya ni Pinpin. Sa kanyá~g aklát ay matítiyák a~g kanyá~g sikháy na tayo'y mákawatas n~g na~gamiminunò sa atin at n~g sa gayó~g paraán ay tahás nati~g mákilala a~g kanilá~g urì, kara~galan at diwà dahilán itó~g sukat na, upá~g si Pinpin ay mákintál sa pusò n~g taná~g pilipino at magsikap na siyá'y mákilala at pag-aáralan. Umanó'y tubo~g Abukay, sakóp n~g lalawiga~g Bataan niyaó~g lalawigan pinakípamuhayam ha~ggá~g sa huli~g sandalî n~g ati~g dakila~g Balagtás; niyaó~g lalawiga~g sinibulan n~g isá~g utak na hina~gaan n~g Daigdig na ha~gga~g sa kamatayan ay pawa~g kara~galan sa kanyá~g buhay a~g idinudulot sa kanyá~g sarili~g lupà, n~g kagala~g-gala~g na Arellano.
Sa~gayon sa isá~g aklát na kanyá~g sinulat, si Tomás Pinpin ay tao~g Bataan, dátapuwa't dî maturól na~g tiyakan ku~g alí~g bayan sa Bataan a~g kanya~g kinákitaan n~g una~g liwanag; kapabayaan n~g ati~g m~ga pa~ganay na sanhî ~gayón n~g kapinsalaá~g itó, bagá ma~g dî íilán a~g nagsásabi~g a~g kababaya~g itó ay tubò sa bayan n~g Abukay.
Talagá~g a~g m~ga dakila~g tao ay pinagaagawán n~g m~ga bayan, gaya halimbawà n~g na~gyayari sa ati~g Balagtás, na aná~g m~ga tagá Udyó~g ay anák itó n~g baya~g yaón, baga má~g a~g m~ga kasulatá~g nátuntón n~g masipag na mánunuysóy na si G. Hermenegildo Cruz ay tumítiyák na a~g ati~g Makatà ay tubò sa Pa~ginay, sakop n~g Bigaa, Bulakán.
Saan ma~g bayan sumilá~g si Pinpin, ay nakasísiyá na sa amin a~g matiyák na siya'y isá~g Tagalog at siyá~g káunaunaha~g manunulat na naghandóg n~g isá~g mahalagá~g aklát n~g sini~g, sa kapakinaba~gan n~g kanyá~g m~ga kalahi.
Uta~g sa masikap na mánunulat na si G. Manuel Artigas, a~g muli~g pagkálimbág n~g «Librong Pag-aaralan Ng Mga Tagalog Ng Wikang Kastila» sa kanyá~g «La Primera Imprenta en Filipinas» at doón ay mabábakás n~g m~ga mairugin sa m~ga kabantugan n~g ati~g m~ga kababayan a~g m~ga mahahalagá~g aral n~g ati~g Pinpin sa kanyá~g mahalagá at pan~ganay na aklát na may gayó~g uri na kabantugan n~g pánitika~g Tagalog.