Part 2
Hindi lihim sa bunying Patriarca ang misterio nang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesucristo, yayamang talastas na si Jesucristo ay Dios na nagcatauan tauo, at cusang magpapacahirap at mamamatay, n~g masacop ang tauo, n~guni sa pan~gun~gusap ni Simeon, ay nanariuá at umantac ang sugat nang pusó at parang naquiquita sa sandaling yaon ang pag usig at pagdaquip cay Jesús, ang man~ga tampal at hampas, ang m~ga tinic na ipuputong, ang mabigat na Cruz, at ang m~ga pacó, at sa catagang sabi, ang casangcapang lahat na gagamitin, sa pagpapasáquit sa caniya.
At nalalaman naman ni Josef na si Jesucristo ay mananalo, at moling mabubuhay sa icatlong arao nang caniyang pagcamatay, ay masisirá ang capangyarihan nang Demonio, sapagcat ang tauo ay mahahan~gò sa pagca alipin niya, at marami ang magcacamit nang Lan~git sa cabagsican nang man~ga carapatang ualang hangan nang Mesias na Mananacop: at sa bagay na ito ay napasalamat sa Dios ang Esposo ni María, at ang hapis nang caniyang pusò ay binihisan nang malaquing ligaya.
Nagpacababa si María, sa pagsunod sa utos na hindi namimilit cundi sa man~ga babaying nauaualán nang pagca-vírgen, at nagpacababa si Josef, na tumalaga sa calooban nang Dios, niyong ihain sa templo ang mahal na sangol sa icaapat na puong arao nang pan~gan~ganac sa caniya.
Tayo naman ay magpacababá at umalinsunod sa calooban nang Dios, n~g paquinaban~gan natin magparating man saan sa Lan~git ang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesus.
=ICALIMANG DOMINGO.=
_Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyang dalhin niya sa Egipto si Jesus at si María dahilan sa pag usig ni Herodes._
Sa Comunion nitong icalimang Domingo hin~gin cay San Josef na ilayô sa atin ang anomang bagay, na nacasisirá ó nacalalamig nang pagibig sa Dios, sapagcat ang ganoong bagay, cun quinauiuilihan, ay parang ídolo nang pusò, na dapat bumagsac at madurog.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua nang man~ga Misioneros; na nagpaquilala cay San Josef sa man~ga bayang hindi binyagan.
_Pagninilay sa icalimang Domingo._
Hindí nalaon ang pangyayari nang hulâ nang banal na Profeta Simeon, na si Jesus ay uusiguin, at pagbabantaan nang masamâ. Pagcaraan nang ilang arao n~g paghahain sa caniya sa templo, ay guinising si Josef n~g isang Angel, at pinagsabihan na siya ay buman~gong madalí, at dalhin agad sa Egipto si Jesus at si María, sapagca,t, si Jesus ay ninanasang patain ni Herodes, at inutos nitong Haring lilo na pugutan sa Belen ang m~ga sangol, na ualang dalauang taon, at inisip na si Jesus ay maramay sa ganoong patayan.
Nalubos ang hapis ni Josef sa biglang pagpanao na ito, sapagca,t, sa cahirapan nang caniyang buhay hindi nacapaghanda nang anoman, malamig ang panahon, mapanganib ang dadaanan, ang Vírgen María ay labing anim na taon ang edad, at ilang lingo lamang ang Niño Jesus: ang paroroonan ay lubhang malayó, at bayan nang hindi sumasamba sa Dios na totoo. ¿Macailan cayáng nagutom, at nauhao si María at si Jósef sa paglalacbay na yaon, macailang nabasâ n~g ulân, na ualang masilun~gan?
Dumating sila sa Egipto sa icalaoang buan n~g canilang pag lalacád, at pagpasoc doon, ay naligaya naman si San Josef, sapagca,t, nadamdamán nang m~ga Demonios, na naroon, at nananahán sa man~ga ídolos, na sinasamba nang man~ga egipcios, na si Jesús ay na sa harap nila, at sa hindi matiis ang bagay nang nacapangyayari sa lahat, ay nan~ginig sila at lumayas, at sa bagay na ito ang man~ga ídolos na natutuntong sa batong mármol ó sa guintó, ay nabual at lumagpac, at nadurog na lahat.
At natuá naman si Josef sa Egipto, sa paquiquinig nang man~ga unang pan~gun~gusap nang Niño: Jesús, na lubhang guiniguilio nang Vírgeng Ina, at siya ay tinatauag na Ama, iguinagalang at minamahal, inaalio at parating pinagpapaquitaan nang loob.
=ICAANIM NA DOMINGO=
_Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong siya umuí ay sa Nazaret, galing sa Egipto pagcamatay ni Herodes._
Sa Comunion nitong icaanim na Domingo ipanalan~gin sa Dios ang Santo Papa, at hin~gin ang cagalin~gan nang Santa Iglesia.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na nagtaglay nang n~galang Josef sa buhay na ito.
_Pagninilay sa icaanim na Domingo._
Pitong taong tumahan sa Egipto si Jesus, María, y Josef, at sila n~gani ay parang man~ga caauaauang pinapanao sa lupang yaon, at malaqui ang paghihirap nila, at ang casalatán sa man~ga bagay na cailan~gan sa buhay, uala silang matacbuhan, at ang m~ga idólatras na taga roon, ay hindi marunong maauá sa man~ga mahirap.
Datapua hindi dumaing, ó nabugnot ang Santo Patriarca, at sa lubos na pagalinsunod sa calooban nang Dios, ay lubhang nacaaaliò sa caniya, at sa mahal na Vírgen, ang pag laquí, at ang pag ibig sa canila nang Niño Jésus. Sa lagay na iyon ibinalitá nang Angel ang masamáng pagcamatay nang malupit na Haring Herodes, at pinagsabihan si Josef na huag matacot, at siya ay macauuî na sa bayang pinangalin~gan.
Napasalamat sa Dios si Josef, sapagcat natapus ang panahon nang pagtahan sa Egipto, at gaano man ang hirap, ay lumacad na siya, casama si Jesus at si María; datapua nahapis ang caniyang pusó, pagdating sa Judea, at ang dinatnang Hari ay si Arquelao, anac nang lilong si Herodes, at hindi siya tumahimic at naligaya, hangan sa pinagsabihan nang Angel na si Jesus at si María ay dalhin niya sa Galilea, at doon sila tumahan sa Nazaret.
Tingnan natin at isaloob cailan man ang pan~gin~gilag ni Jesús sa man~ga pan~ganib, cahit siya ay Dios na nacapangyayari sa lahat, nang tayo ay matutong lumayò at man~gilag sa m~ga pan~ganib nang pagcacasala.
=ICAPITONG DOMINGO.=
_Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong si Jesús ay nauala at hinanap, at sa icatlong arao ay naquita sa templo nang Jerusalen._
Sa Comunion nitong icapitong Domingo ihain ang pusó cay Jesús, María, y Josef, at ticahing gaoin at ialay taón taón itong devocion nang pitong arao na Domingo.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sa buhay na ito ay nanatili sa naturang devocion.
_Pagninilay sa icapitong Domingo._
Alinsunod sa ugaling hindi sumasala taón taón, ay dumalao sa templo nang Jerusalen si María at si Josef casama ang Niño Jesús, na ang edad ay labin dalauang taón, at sa pagdalao na ito ay natirá sa templo si Jesús, at hindi namalayan ni María at ni Josef, cundi niyong sila ay dumating sa bahay, at ang mahal na Niño ay uala.
Hindi lubhang catacataca ang nangyaring ito, sapagcat sa panahong yaon ang man~ga lalaqui ay nabubucod sa man~ga babayi sa loob nang templo, at sa pag lacad naman, at ang man~ga batà lamang na para ni Jesús ang nacahahaló, cun saan nila ibig, cayá inisip ni María na si Josef ang casamang umaacay sa Niño, at inisip ni Josef na ang Niño ay hindi lumalayo sa mahal niyang Ina.
Hindi n~ga casalanan ó capabayaan ni María at ni Josef, ang pagcauala ni Jesús, cundi calooban nang Dios, nang lalong magnin~gas, at madalisay ang pag ibig nila. Nalumbay si María, at nabalisa at nahapis si Josef, sa hindi maisip cun ano ang dahilan nang pagcauala ni Jesus, at cun ano ang nangyayari; datapua hindi dumaing, at hindi nasirá ang loob niya, at malaquing ligaya ang quinamtan sa icatlong arao nang pag lalacad casama si María, sapagcat naquita nila sa templo si Jesús, na nacaupô, at naquiquipagsagutan sa man~ga pantas, na nagpulong doon, at lubhang nagtataca sa mataas na carunun~gan nang batang caharap.
Iamó natin sa pamamaguitan ni María at ni Josef, na huag tayong mahulog cailan man sa casalanang mortal, nang huag mauala sa atin si Jesús, at siya ay mapanood sa calualhatiang ualang han~gan.
_Man~ga salitang nagpapaquilala nang malaquing aua at capangyarihan nang Patriarca San Josef sa man~ga biyayang nacamtan nang man~ga mauilihin loob sa caniya._
=SA UNANG DOMINGO.=
1. Dalaoang religiosos nang órden ni San Francisco, na nag lalayag sa dagat na malapit sa Flandes, ay dinatnan nang caquilaquilabot na samâ nang panahon, at sa dahas nang vaguió, ay tatlong daang tauo ang napahamac sa nasira at lumubog na sasaquián; n~guni sa auà nang Dios, ang naturang dalaoang religiosos ay nacatan~gan sa isang cahoy nang sasaquiang nabacbac, at sa paninimbulang yaon ay tatlong arao silang lumutang-lutang sa malaquing pan~ganib, sapagcat cun mauala ang cahoy sa cahinaan nila, ó sa hampas n~g alon, ay ualang sala ang pag lamon n~g dagat sa canila. Sa caguipitang iyon ay naalaala nila, at lubos na inasahan ang macapangyarihang tulong ni San Josef, na dating quinauiuilihan nang canilang devocion: nanalan~gin sila, at napaampon, at humupâ naman ang han~gin, at humusay ang panahon, at tumahimic ang dagat, at sila ay umasang macaliligtas. At nalubos ang canilang tuá sa pagpapaquita nang isang calugodlugod at mahal na bagon tauo, na bumati sa canila, at nagpalacad na parang piloto sa cahoy na quinalalaguian nila, at sila ay nagcapalad na madalíng sumapit sa lupá. Nagpatirapâ ang dalauang religiosos, at napasalamat sa magandang loob, na nag ligtas sa canila at sa pagpapahayag n~g tunay na paquilala nang biyayang tinangap ay tinanong nila ang bagontauo, cun sino siya, at ang bagontauo ay sumagót nang ganito: _Aco ay si Josef, cun ibig ninyong gumaua nang caonting macalulugod sa aquin, arao arao huag sumala, ay magdasal cayó nang taimtim sa loob nang pitong Ama namin, at pitong Aba, Guinoong María, alaala at ganti sa pitong sáquit at pitong ligaya, na totoong dinamdam nang aquing pusò at caloloua, niyong aco ay nabubuhay sa lupá, casama ni Jesus at ni Maria._ Pagcapan~gusap nang ganoon, ay nauala ang bagontauo, at sila ay lubhang natuâ, at nalubos ang pag ibig nila, at pagnanasang maglingcod, hangang nabubuhay, sa maualhating Pintacasi.
Sa nangyaring ito ay naquiquita natin ang pagtatapat, at madaling pagtulong ni San Josef sa man~ga mauilihin loob sa caniya, cun siya ay tinatauag sa man~ga hirap at pan~ganib, at ang cagandahan nang loob niya sa caonting hinihin~gi, bagaman lubhang mahalaga ang ibinibigay, at hindi n~ga hamac na biyayá ang buhay nang dalaoang Franciscanos, na inin~gatan at inagao sa cabagsican nang dagat.
Mahalin natin at harapin ang devocion nang pitong sáquit at pitong ligaya ni San Josef, nang tayo ay marapat magcamit nang auá at tulong nitong macapangyarihang Pintacasi, yayamang ipinahayag niya, at sinabing maliuanag, na siya ay totoong nalulugod sa naturang devocion.
=SA ICALAOANG DOMINGO=
2. Sinasalita nang Priora nang isang convento, na isang casama niyang monja, na ang edad ay dalaoang puô at ualong taon, at dating malacas at magaling, ay nacaramdam nang saquít sa lalamunan, at pagdaca ay namaus at nauala tuloy ang tinig niya, at umabot ang saquít hangan sa sicmura: at sa parating dinadamdam na malaquing cabigatan, at casiquipán nang dibdib, at licod, ay naquilala nang man~ga médicos at ipinahayag nila, na ang saquít nang monja ay na sa dibdib, at ualang gamot na macagagaling. Hindi nasirá ang loob namin sa ganoong hirap, ang uica nang Priora, at cami n~ga ay dumulog at nanalig sa Poon San Josef, na moli at moling ipinagsiam na arao namin, cahit ualang naquiquitang caguinhauahan. Sa lagay na yaon, sapacat ang monja ay lubhang mahinà, ipinahatid namin sa enfermeria ó silid nang man~ga maysaquit ang mahal na larauan ni San Josef, at cami ay umilao sa paghahatid na parang procesion, at minulan namin sa enfermería ang devocion nang pitong arao na Domingo, na totoong nacalulugod sa Santo Patriarca.
Dinaanan nang malaquing hirap ang caauaauang maysaquit sa loob nang icapitong lingó, at siya ay nalulumbay, at cami naman, at ang isip namin ay mamamatay na; n~guni sa sumunod na arao nang Domingo ay nagnasang pumaroon sa coro; at humarap sa bendicion nang Santísimo, at nangyari ang nasà niya, sapagcat inacay namin, at pagdating doon, ay nan~gan~gapus ang hinin~ga. Niyong itinaas nang Sacerdote ang Santísimo, at iguinauad ang bendicion, naisipan nang maysaquit ang maquiauít sa man~ga ibang religiosas, at nahalata sa ganoong pagpipilit na siya ay ualang tinig, datapua iyon ang sandaling pinili nang mahal na Esposo ni María, nang matanyag ang macapangyarihang auá niya. Nasalubong co ang maysaquit, na nangagaling sa coro, at parang nan~gin~ginig na nan~gusap nang ganito: _Maliuanag na n~gayon at matunog ang aquing tinig._ At sumama sa amin sa coro, at doon dinasal na malacas ang letania cay San Josef.
Caming lahat ay parang naualan nang loob, at siya ay nilibot namin, at pinaquingan, sapagcat ualong buang nauala ang tinig niyang iyon, at hindi matapustapus ang man~ga tanong namin sa caniya, at cami ay totoong nagtataca sa malaquing biyayang ipinagcaloob ni San Josef sa iniirog na capatid namin: at gumaling na siya, at lumacas na para nang dati mulâ niyon, at nagaganap na ang man~ga catungculan niya.
=SA ICATLONG DOMINGO.=
3. Isang mabait na babayi sa caharian nang Bélgica ay sumulat sa caibigan niya,[6] na isang matandang lalaqui, na totoong minamahal niya, at pinagnanasaan nang magaling, ay nabubuhay na parang, hindi binyagan, at nilimot na ang Dios, at hinamac ang caniyang caloloua, yayamang tatlong puô at limang taong mahiguit na hindi dumudulog sa Confesion, at ayao nang anomang devocion: at bagaman hindi miminsang inamó nang man~ga caibigang; dapat caalangalan~ganan, at dinatnan naman nang sarisaring sacunâ at hirap sa talaga nang Dios, ay hinamac na lahat, at lumagui sa catigasan nang loob. Catapustapusan ay nagcasaquit, at lumubhâ ang lalaquing ito, at sa lagay na iyon ay nabalisa ang maauaing babayi, na dating tumitin~gin sa caniya, at sa paghanap nang magagaling na paraan, nang huag mapacasamâ ang calolouang yaon na tinubos ni Jesucristo nang caniyang dugô, ay naalaala ang malaquing capangyarihan nang pagdaló ni San Josef sa tauong mamamatay, at iniamó sa Santo Patriarca na siya ay tulun~gan, at ipinan~gacong dadasalín sa pitong arao na Domingo ang dating quinauiuilihang devocion nang caniyang man~ga sáquit at ligaya, nang macamtan ang tunay na pagbabalic loob nang lalaquing nararatay, na ipinananalan~gin niya.
At madalíng namun~ga nang maganda ang paghin~gî nang auá sa Poon San Josef, sapagcat sa unang Domingo ay dinalao ang maysaquit nang isang Sacerdote, at ito ay tinangap na mahusay, at pinagsabihan na ibig niya ang Confesion: at nagpaquita nang taimtim na pagsisisi, at quinabucasan ay hinin~gi ang Viático, at ang Oleo Santo: at cahit hindi na macacaya sa lubos na cahinaan, ay nagpilit na lumuhod sa hihigán, at paluhod na tinangap si Jesucristo, na mahabang arao na nilimot: at mulâ niyon at tumahimic, at naquitaan nang casayahan hangan sa namatay.
=SA ICAAPAT NA DOMINGO=
4. Isang dalagang mabait na ang n~galan ay Josefa, mauilihin loob sa Virgen María, sapagcat mulâ sa cabataan ay naramdaman na siya ay natatalaga sâ calagayan nang man~ga Hermanas de la Caridad, ay umalinsunod sa tauag at calooban nang Dios, at sa icalabing pitong taon nang malaquing casipagan, sa pagganap nang man~ga catungculang ipinagcatiuala nang man~ga punó sa caniya, at pagcatapus nang taon nang pagsuboc, ó año de noviciado, ay natuloy na ang pagsosoot niya nang hábito. Pagcaraan nang labin dalaoang taon, ay tinucsó at pinagdayaan nang Demonio, na nag anyong Angel na magaling, ayong sa ipinahayag niya sa hulíng panahon, at nag bago na n~ga nang loob, at inisip na siya ay dapat magculong sa isang monasterio, at nasunod ang nasá niya; datapua mulâ niyon ay naualan siya nang catahimican at capayapaan, palibhasa ay naligao, at lumihis sa daang itinuró nang Dios, at bagaman pinagsaquitang ganapin nang tapat ang man~ga catungculan nang bagong calagayan, ay hindi napapaui ang balisa at pamamanglao niya, at ang nasapit ay huminá ang cataoan, at nahapay ang loob, at pilit na umuî sa bahay. Tiningnan siya, at inalagaang magaling nang caniyang familia; at ganoon man ay hindi siya mapalagay, at parating ipinagbubuntong hinin~ga ang unang calagayang iniuan: at limang buan na nag amoamó sa man~ga dating punó, na siya ay moling tangapin, at hindi naman pinaquingan.
Naghain sa Dios nang sarisaring novenas, ó pagsisiam na arao, nagtiis nang hirap nang ayuno, at man~ga ibang pasáquit, at pumasoc sa ibang convento, sapagcat siya ay ayao tangapin sa inalisan; n~guni anoman ang gaoin, at saan man pumaroon, ay hindi mapalagay, at parating iquinababalisa ang nagauang sala. Sa ganoong hirap ay hinatulan nang isang caibigan na siya ay paampon cay San Josef, at ialay sa maauaing Patriarca ang devocion nang pitong arao na Domingo: at minagaling niya ang hatol, at inasahang cacamtan sa buan nang Marzo ang biyayang ninanasá. Anim na lingong nagtiagâ sa taimtim na pag amo cay San Josef, na siya ay tulun~gan, at sa icalabing pito nang naturang buan ay naquilala ang auá nang Dios sa caniya sapagcat sa arao na yaon ay nasalubong siya nang dating punó, at sa pagquiquita nila, ay nahabag sa lagay niya at pagsisisi, ay siya ay moling tinangap sa inalisang comunidad, cun matapus niya ang año de noviciado, na para nang una.
Sa icalabin siam nang Marzo, arao nang fiesta ni San Josef, ay moling isinoot ang iniuang mahal na hábitó, at mulâ niyon ay tumahimic ang loob niya, at nacamtan nang caloloua ang capayapaang nauala.
=SA ICALIMANG DOMINGO.=
5. Sinasalita nang isang may catungculang dumalao, at magdala nang limos na sa ilang mahirap, alinsunod sa Regla ni San Vicente de Paul, na siya ay dumadalao sa isang mag asauang caauaaua, na ang anac ay lima, at ito ang naquita, at nangyaring pinatototoohanan niya. Ang ama ay may sáquit sa hospital, at ang anac na bunsô, na si Pablo ang n~galan, ay nahihigâ naman, at cahabaghabag ang lagay, sapagcat ang cataoan ay tuyóng tuyô, at butó at balat na lamang, at cun iburol, ay ualáng hindi magsasabi na ang batá ay bangcay na mistulá: at ang dumalao na médico, ay nan~gusap nang ganito sa ina: _Ang anac mo ay mamamatay na ualáng sala: masasayang na totoo ang anomang ihatol, sapagcat ang sáquit niya ay hindi matatalo nang anomang gamot._
Nagdalamhatí at nanambitan ang ina, pagcapan~gusap nang médico; datapua biglang tumapang, at parang lumiuanag ang loob niya, at inaasahang gagaling ang batang may saquit, niyong maalaala ang devocion nang pitong arao na Domingo, na moli at moling nabasa sa isang munting libro, na hindi pa nalalaong ibinigay sa isa sa man~ga anac niya n~g tauong nagsasalita nito, at tinauag na n~ga, at pinagsabihan ang caniyang apat na anac, na totoong cailan~gan ang sila ay mag alay n~g isang novena, ó pagsisiam na arao sa malualhating San Josef, n~g gumaling ang capatid nilang si Pablo. At guinaua na nilang taimtim sa loob ang pagsisiam, at madali namang nagpaquita nang aua si San Josef, yayamang sa catapusan nang novena, lumacaslacas na, at nacacain ang batang may saquit, at gumaling tuloy sa loob nang tatlong lingo. Ito ay nangyari sa arao n~g Pascua nang taóng 1858, ang edad nang batâ ay limang taon, matalas ang isip at pumasoc na sa escuela.
=SA ICAANIM NA DOMINGO=
6. Sa isang convento nang man~ga babayi sa ciudad nang Falalen, provincia nang Namur, sa caharian nang Bélgica, ay nagcaroon nang isang religiosa _Inglesa,_[7] na maraming pamangquing _protestante._[8] Dinalao ang religiosa nang isa sa m~ga nasabing pamangquin, at sapagca,t, ito ay mairog at mababang loob, ay quinalugdan n~g ale, at iniamô sa man~ga caibigan at casamang religiosas, na pagtulun~gan nilang hin~gin sa Dios, na ang caniyang pamangquin ay cumilala at sumucô sa Santa Iglesia: at inaralan nang caunti ang pamangquing napaalam. Pagdating nito sa Inglaterra, ay hindi naalaala ang man~ga aral at bilin sa caniya; datapua ang mabait niyang ale ay parating nananalan~gin cay San Josef, at hinihin~gi ang pagbabalic loob nang caniyang pamangquin, at inaamong pilit ang m~ga ibang religiosas, na siya ay tulun~gan: at tinipon nila ang m~ga batang babaying nag aaral sa convento, at minulan ang devocion n~g pitong arao na Domingo, na sinundan nang dalauang novenas; ó pagsisiam na arao, nang macamtan ang biyayang ninanasâ. At parang napilitan ang maauaing Patriarca, sapagcat ang batang na sa Inglaterra, ay hindi napalagay sa nasang pumaroon sa Bélgica, at muling dalauin ang caniyang ale, at pinahintulutan naman nang ina.
Nagtaca ang m~ga religiosas, niyong sila ay maquita, at quinilala nang lahat, na ang pagdating doon nang batâ, ay gaua ni San Josef: at napagmasdan na siya ay parang tulig, na ualang masabi cundi dadalauin lamang ang caniyang ale. Sa bagay na iyon ay sináquit ang paghin~gi n~g auâ sa Dios, at moling inialay sa mahal na Esposo n~g Vírgen María ang devocion n~g pitong arao na Domingo. Pagcaraan nang limang lingó ay naparoon sa convento ang _Inglesita,_[9] at moling dumalao sa ale, datapua nalulumbay, at hindi matutong magsalita, isinaloob na siya ay maysaquít, cahit ualang damdam, at nag acalang umuì sa bayan niya.
Nalumbay naman ang man~ga religiosas, at nan~gusap nang ganito sa man~ga bata sa escuela: _Ang man~ga panalan~gin ninyo ay ualang cabuluhan, sapagcat ang Inglesita ay protestante hangan n~gayon, at siya ay uuî na._ At ang pitong può at tatlong batang naroroon, ay sabay tumutol nang ganito: _Pagpapalain at paquiquingan ni San Josef ang man~ga panalan~gin at pagpilit namin, at mabibinyagan ang inglesita._ At quinabucasan ay muling nag alay sila nang isang pagsisiam, na matatapus sa icapitong arao na Domingo, casabay nang devocion nang _siete Domingos:_
Sa Lunes na sumunod ay naparoon ang inglesita sa convento, at talagang paaalam sa ale, at sa man~ga ibang religiosas, datapua hindi siya mapalagay, at nararamdaman sa loob niyang sarili ang pagtatalo nang gracia at nang _herejia._[10] Nagtagumpay ang gracia, at sa hindi na siya macalaban sa tauag nang Dios, ay moling humarap sa caníyang ále, at nagsabi na siya ay magsasaulî sa tunay na pananampalataya nang caniyang man~ga magulang; at sa pan~gun~gusap nang ganoon, ay nahahalatá ang malaquing casayahán nang loob niya. Sabay na natapus ang devocion nang _Siete Domingos,_ at ang novena sa arao nang Domingo 26 nang Enero nang taóng 1868, at sa naunang Viérnes á 24 ay tinangap n~g inglesita ang Santo Bautismo.
=SA ICAPITONG DOMINGO=
7. Isang bagontauong lahing guinoo, anac nang mababait na magulang, na hindi nagpabayá munti man sa pag aalagá, nang tumibay sa loob niya ang tacot at pag ibig sa Dios, ay parating nananalan~gin, nang matutong pumili nang _estado,_ ó calagayang mararapat sa caniya, at naquilalang magaling na siya ay dapat mag asaua; at itinuloy nang malaquing nin~gas nang loob ang caniyang man~ga devociones, at minsan isang lingó ay dumudulog sa Confesion at sa Comunion. At bagaman ang caniyang man~ga magulang at familia ay minamahal sa bayan, at maraming caibigang mayaman, at matataas na tauo, siya ay parating lumayò at nan~gilag sa man~ga pagpupulong at liban~gang mapan~ganib, na madalas naguiguing dahilan nang capahamacan at pagcasirá nang maraming lalaqui at babaying nasisilao, at natutulig sa sandalíng pagquiquita, at agad nag iibigan, cahit ang isa ay lubhang alan~gan sa isa.
Naquilalang magaling nang bagontauong nababanguit sa salitang ito, na sa Lan~git nangagaling ang mabuting pagsasama nang man~ga mag asaua, at iniamó arao arao cay San Josef na siya ay pagcaloobang macaquita nang babaying may loob sa Dios, at marunong lumaban sa man~ga tucso. Isang arao naguing cailan~gan ang siya ay maquipagquita sa isang babaying may dalaoang anac na dalaga, na paraparang mabait, at masunurin sa man~ga utos nang Dios, at pagcaquita niya sa dalaga, ay nacaramdam n~g tugtog sa loob, na isa sa canila ang itinalaga nang Dios, na maguiguing asaua niya, at madaling pumayag ang ina, niyong siya ay namanhic, yayamang naquiquilala ang cabaitan niya: at nagpatotoo naman ang dalaga, na siya ay malaon nang humihin~gi sa Dios nang mabuting cacasamahin, at pagcaquita niya sa bagontauong iyon, ay naquilala na siya ang ibig nang Dios na maguing esposo niya.