Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo Na pinagcalooban nang santo papa nang indulgencia plenaria sa balang domingo

Part 3

Chapter 3 424 words Public domain Markdown

Datapua lumabang masáquit ang ama, at ayao mahiualay sa anac niya, at sa caramihan nang dinadahilan, nang huag matuloy ang ninanasang pag aasaua nang isa at isa, ay minagaling nilang lahat ang mag alay nang devocion nang pitong arao na Domingo sa daquilang Patriarca San Josef, nang maquilala ang calooban nang Dios sa ganoong bagay, na minsang mayarí, ay hindi na masisirá hangan sa camatayan. Matatapus ang buan nang Mayo nang taóng 1863, niyong mulan ang devocion, at sa auá nang Dios, at sa tulong at pamamaguitan nang malualhating San Josef, ay naraos at nayarí ang matrimonio sa buan nang Agosto: at ang amang lumalaban at silang lahat, ay paraparang natuâ, at napasalamat cay Jesus, Maria, y Josef.

Iniclian co ang man~ga pagninilay, na nababasa sa uicang castilá, sapagcat ang cahabaan nang binabasa, ó nang man~ga panalan~gin, ay madalas na nacalilibang lamang nang loob, at maraming marami sa naquiquinig, ang ualang masabi, at ualang natatandaan, cun matapus ang pagbasa. Ang mauilihin loob at matiagâ sa pagninilay, sa paquiquinig, ó sa pagbasa, ay maquiquita sa ibang libro nang mahahabang babasahin ó dadasalin.

Isang _Ama namin,_ isang _Aba, Guinoong Maria,_ at _Gloria Patri._ sa Pintacasi natin si San Josef, ang hinihin~ging parang limos na nang tumagalog nitong mahal na devocion.

_Bínondoc, Mièrcoles icalabin síam na arao nang Agosto nang taóng isang libo ualong daan pitong puó at apat._

=Es propiedad

A. F. P.=

MGA TALABABA:

[1] Ang man~ga tunay na caibigan ay hindi nananaghili sa caguinhauahan natin, at cun tayo ay na sa hirap, ay tumutulong ó dumadamay sa nacacayanan. Nota del traductor.

[2] Sa unang arao nang Febrero nang taong 1847.

[3] Sa icalauang puo at dalauang arao nang Marzo nang taong 1847.

[4] Ang dumadalao sa isang simbahan sa arao nang Comunion, ay dapat magdasal doon nang anim na _Ama namin,_ anim na, _Aba, Guinoong Maria,_ at anim na _Gloria Patri,_ ayon sa isinasaloob nang Santo Papa.

[5] Ang man~ga tan~ging fiestas ni San Josef sa loob nang taon ay tatlo 1. Ang caniyang _Tránsito_ ó pagcamatay, sa 19 nang Marzo. 2. Ang caniyang _Patrocinio_ ó pagcacalin~ga, sa icaapat na Domingo mula sa Pascua nang Resurección. 3. Ang caniyang _Desposorios_ ó paguiguing Esposo nang Virgen María, sa 26 nang Noviembre. Nota del traductor.

[6] Ang fecha nang sulat ay 29 nang Enero n~g taong 1866.

[7] _Iglesia,_ ang babaying taga Inglaterra.

[8] _Protestante,_ ang lumalaban sa m~ga aral nang Santa Iglesia.

[9] _Inglesita:_ ang batang babaying taga Inglaterra. Nota del traductor.

[10] _Herejia_ ang pagtatua nang anomang bagay, na dapat sampalatayanan, alinsunod sa aral nang Santa Iglesia Católica Apostólica Romana. Nota del traductor.