Part 3
Daming pasalamat ang itinutungkol sa kabaitan mong taglay ang hinahon at dí nabalinong puso mo'y lumusong sa hiling n~g mundo't udyók n~g panahon.
Sapagka't ang isang babaeng gaya ta talagang laán sa pagaasawa, may napapa anyong palad sa guinhawa bukod sa sariling kanlong n~g ligaya.
Bakit ang madalás ay ang pagkukulang n~g isang babayi sa asawang hirang, anaki ang ibig ay siyang magtan~gan n~g ipangyayari sa lahat n~g bagay.
At pagbibintan~gán ang asawang liyag n~g dí guinagawa at wala sa hagap ito'y di lulubay n~g tínalak-talák han~gál na babaying walang puring in~gat.
May dí pagkabugnot at bigyan n~g tabig kung nagupunó na sa di gawing galit, yao'y hindí buhat sa talagang bagsik kundí sa babaying samang bukang bibig.
Halihalimbawang may katotohanan ang bikig n~g pusong ipinagbibintang yao'y hindí dapat ipagmaka-in~gáy pagka't sa asawang pan~ganib n~g búhay.
Kaya sino ko man irog na kapatid na may asawa nang pinakai-ibig kung may panibugho ka mang ini-isip ay pakabalutin sa lihim n~g dibdib.
Lalo't may asawa ang patatamaan sa kutóg ng iyong malíng pagbibintang, dí parang ikaw na ang nagpapatnubay sa ikadadali niyaong kamatayan.
Kung mapan~ganyaya ang asawang liyag n~g dahil sa iyong dilang talipandas ¿maagaw mo pa kayang máiligtas ang nása kamay na n~g pagka-pahamak?
Kaya ang payo ko m~ga guiniguiliw sa ubod n~g puso'y itandang magaling kung mayroon ka mang panibugho'y tipdin at saka ihibik sa oras na lihim.
Na ang sabihin mo'y kulang ang ihalik sa bakas n~g yapak, asawa kong ibig tungkol sa anyo mong aking námamasid n~gayon ang luhog ko'y limutin sa isip.
Alalahanin mo, asawa kong hirang na ako ang iyong katagni n~g búhay ikaw ang sinta ko't kaisang katawán kun ang pagsasama'y hindi durun~gisan.
Kaya ako'y huag sanang pagliluhin, pagka't ang damdam ko'y karamdaman mo rin sa bawal kong ito't di ka papipiguil magkukusa akong lulusong n~g libing.
At dí makakayang itagal n~g dibdib ang párusang ako'y dayain n~g ibig at ito ang siyang sanhing maghahatid niyaring abang búhay sa hantun~gang guhit.
At ang pagkukulang n~g iyong pagtin~gin sa m~ga anak ta'y ang ihahabilin ang buntong hinin~ga, at anong gagawin sinásamang palad sa amang nag-ankin.
Masdan natin dito kung hindi lalambot sa pusô n~g isang kasing ini-irog at mabibighaning mahambal ang loob lalo't ang luhà mo'y makitang nanagos.
Kung sakasakali't hindí rin didin~gig sa m~ga taghoy mo't malunos na hibík, sukat sa magbata't idaing sa Lan~git na siya'y loobing magbago n~g isip.
Iligtas sa madlang abang na pan~gamba ang kasing irog mong supíl n~g anyaya n~g mundo't ilagay ang boong pag-asa sa dunong na lihim n~g Lumik-hang Amá.
At kung baga siya'y dí rin magbabago n~g pagkálugami sa daya n~g mundo ang loob mo'y huag namang mabubuyó na sa dalamhati gumanting maglilo.
Ang isang lalaki kahima't maglihim dilág n~g asawa'y, lalong nagniningning, n~guni't kung babayi ang siyang magtaksíl ang abang lalaki'y nagmumuk-hang halíng.
Titigas ang buhók at magbabalita ang kulay at anyong siya'y nadadayâ sa pagkakagayo'y ¿dí ka naman kaya nagdadalang habág, babaying kuhila?
Dilidilihin mo't ikaw ang may tan~gan niyaong mahalagang putong na kinamtan, na kapag nabagsak ito at pinugay ay parang gumiba n~g isang Sambahan.
Salamat na lamang kapatid na kasi kung bigyang panahong magawa ang sisi kamatayan nati'y hindí nagsasabi n~g araw at oras na ipanagyayari.
At magandang pala, irog na kapatid kung pahahatdan kang babalá n~g Lan~git at bigyang panahon na makapaglinis upanding magtamo n~g bayang tahimik.
Ihahangang dito't ako ma'y hindí pa talastas ang dako n~g maguiguing hanga kung may kapalaran sa pag-aasawa ó hangang tumanda sa pagka dalaga.
_Ang pagsagót sa sulat ni Constancio._
--Maalaala ko Marcelang kapatid yaong kay Constanciong sulat na pahatid ating bigyang sagót na ang ninanais ay wala nang daang ipagkaka lan~git.
--Oo n~ga Dalmacia't siyang katuiran na dapat gantihin ang padalang liham, muha ka n~g papel na pagsusulatan na ang ninanasa ay wala nang daan.
--Narito Marcela't sa kamay ko'y abót ang pagsusulatan n~g aking panagót, na ang sasabihin ay walin sa loob yaong pinupulong awa sa pag-irog.
--Dalmacia kung gayo'y tangní ang pangguhit at u-ulatan ka n~g lampa kong isip na ang balang malí huag itititik hanapin ang hindí damdamin n~g dibdib.
_Ang panagót ni Dalmacia kay Constancio._
Náhuling pagsinta sa kapanahunan nang ako'y wala pang naguiguing katipán kung n~gayo'y wala nang sukat maguing daan pagka't sa puso ko ay may nagtatan~gan.
Hindí taga rito't lalaking mabait ang tinatahana'y bayang matahimik pakumbabang loob at mapagtankilik sa kapanahuna'y gagawin ang bagsík.
--Kaya huag mo pong ipagdalang lunos ang nabigong palad sa nasang pag-irog di na mangyayaring ako'y makahagpos sa kamay n~g aking kasing nagkukupkop.
Sukat hangang dito't sa tadhanang laan n~g Lan~git, ang tawo ay doon lumagay, yaon ang payo ko't ang taguring ¡ay! tayo'y manatili sa payapang búhay.
* * * * *
Sa lahat n~g aking inilagdang titik ¿anong palagay mo Dalmaciang kapatid? --sa aki'y husto na't hindí nálilihís tungkol kay Constanciong alay na pag-ibig.
Cela'y tiklupin mo't sa pagbabalutan lalagyan n~g guhit ang aking pan~galan tandáng maguing saksing ako ang may bigay sa tawong nagdalá n~g panugong liham.
_Ang pag owi ni Dalmacia._
Oowí na ako't ang sadyang liwanag nitong boong mundo'y ibig nang lumipas --Oo n~ga Dalmacia't kung may búhay lakás inaantay kita sa araw n~g bukas.
Ang pagbabalik ni Dalmacia sa tipáng kinabukasan.
=Ikalimang Pankat.=
Malayo layo pa itong dumarating ay nakan~giti na ang magandang n~gipin itong dináratnan naman ay gayon ding isinasalubong ang mukhang may alíw.
Nagyakap na silang puspus n~g ligaya parang pusong sabík sa dí pagkikita, sa pagkakayapos nang magkabitaw na kay Dalmacia'y nugnós ang buntong hinin~ga.
Tanong ni Marcela'y--¿Ano ang dahilan may karamdaman ka bagang tinataglay? --Oo n~ga't kung bakit laguing dinadalaw yaring aking loob niyaong agam-agam.
Sa tuitui na'y laguing nái-isip ang m~ga babalang pahatid n~g Lan~git kung ano't ang aking luha'y naguiguilid at napapanimdim ang huling sasapit.
Kung kahima't kita'y nagsasalitaan n~g balabalaking maisipang bagay dí mo lamang pausíng madalás magdaan sa aking gunita ang kutóg n~g lumbay.
Ang lahat n~g ito'y kung aking damdamin ay wala sa loob at dí pinapansin n~g ibang kapua't nagpapakahimbing sa layaw n~g mundong lubhang sinun~galing.
--¿Ano ano namán kapatid na hirang ang napapansin mo sa mundong kásaman? --liban sa dí gayon daming nagnanakaw ang ari n~g iba'y lupiguit ma-agaw.
At sa pagsasamang tan~ging mahalaga nagsisipaglilo ang isa at isa at kung magkáminsan ay pinapatay pa ang nakapipiguil sa masamang pita.
Ang pananaghili at ang pagkainguit sa palad n~g iba'y aewan kung bakit naguiguing bisoól at matinding bikíg sa puso n~g dugong may linahing inip.
Ipinaghihigpit ng hin~gang payapa yaong pagtatamóng palad n~g kapua at pangugugulan n~g ikasisira niyaong pan~gimbulo n~g asal kuhila.
At saka kung aking pagkurukuruin ang dí pagka ban~gon, Inang Bayan natin imbót sa pagyaman, ang nakapipiguil, n~g kuhilang anák na walang pagtin~gin.
Ipinagbibili sa hindi halaga ang m~ga damdaming pag-irog sa Iná may asal Galalón ¿ano't hindi ka pa tambin~gan n~g walang habag na parusa?
Sa ugaling gayon may dí pagka poot yaong nanunun~gong mahabaguing Dios sa yaman at puring hamak inu-ubos ang pagsusumakit nila't paglilingkod.
Ito ang masaklap n~gayong umi-iral na inu-ugali n~g maraming bayan hindí magkáisa niyaong kalooban at ang naghahari ang pag-iinguitan.
Iba'y nagsasabing mag-atang n~g bigát ay dí naman kaya n~g lampang balikat, anopa't kung baga másunod ang han~gad parusa n~g baya't damdaming pahirap.
Ay manong damdamín ang aming pagluhog pilitin ang tayo'y magka isang loob upanding sakaling siyáng makalagót sa tali n~g ating Inang nalulunos.
Hangang dito Cela't may dí pag sisikip ang poót sa tawo, n~g Amá sa Lan~git linalapastan~gan ang Santong matuid at ang kaliluhan ang nasang manaig.
--¿Ano ano namán sintang kapatid ko ang m~ga babaláng dí pansin n~g mundo? --Unang unang aking tuturan sa iyo kólerang nunuksá sa búhay n~g tawo.
At ang ikalawa'y ang pagkakamatay n~g kawakasin~g hayop sa ikabubuhay, baboy, m~ga manók, at iba pang bagay saka ang luluksóng salot sa halaman.
Na diwa'y sa boong lupang Filipinas ang hayop na ito ay lumalaganap halamang dapuan sa boong magdamag tapós na ang pagod at puhunang pilak.
Napan~ganyaya na't wala nang hihintin tulad sa nagdaang sinirang pananím ang pag-asa'y lubos na may aanihin at nang naglalaman ay saka kinitil.
Sa lílimang bagay na aking tinuran ika-anim yaóng away na nagdaan ¿ito kaya'y hindí dapat ipagnilay n~g tawo't isipin huling kararatnán?
Ang Dios ay Amá ng Santong matuid na dí mangyayaring gumawa n~g lihís, ang lahat n~g ito'y dapat isa-isip at alálahanin ang huling sasapit.
Kaya n~ga sa tanáng kapatid na hirang ito'y dí pag-unang bait at pagaral, pilitin na nating iwaksi't talikdan ang inu-galing hindi karampatan.
Ang pananaghili at ang pag-iimbót sa ari n~g ibang namuhunang pagod, huag pagpilitang ikaw ang mag-impok at kahalay halay sa tawo't sa Dios.
Alalahanin mong may sangkap ka naman na ipagwawari sa lahat n~g bagay may puring sariling dapat pag-in~gatan at ang malalait na m~ga magulang.
Pagkat kun ang tawo'y napapakasamá na parang bulág na ang pagaakala dalan~gin n~g lahi ay ¿manong mabiglá ang kaniyang búhay na kahiya-hiya?
Na dahil sa puri n~g minulang buhat ay nan~gadadamay sa pula't paglibák kaya hinihiling n~g lahat n~g anák na siya sa mundo'y huag nang magluát.
Kun ang kahinlugang dapat magmasakít ay nananalan~ging búhay ay maligpit ang di kamag-anak ¿anong máiisip di ang daganán na n~g sangmundong sákit?
At saka ang tawo'y kundí tatalikdan ang pagkakasalang kinadudumugan ay hindí malayo na tayo'y pahatdan n~g parusang walang dalang pakundan~gan.
Kaya n~ga sa tanóng guiliw na kapatid ito'y hindí naman pan~gun~gunang bait pilitin na nating limutin sa isip ang lahat n~g gawang laban sa matuid.
Man~gag-sipag-sisi't gugulin ang luha n~g paghin~ging tawad sa Poong Maygawa at magsi-pan~gakong di na magnanasa sa linaguing gawíng asal na masamá.
Upanding kung baga't makita n~g Dios na tayong lahat na'y nagbabagong loob, mahabág at di na ituloy ang poót bagsík n~g parusang kakilakilabot.
Kaya sino kamang nagpapakahimbing sa layaw n~g mundo, dibdib mo'y pukawin hangang may panahon ay samantalahin yaong pagsisising lubos na taimtim.
Yamang talastas mo na ang ating búhay ay hindí lalagui sa lupang ibabaw at may takdang guhit yaong kamatayan na pagtuntong doo'y tapós na ang layaw.
Kaluluwa natin ay pilit haharap sa handang Hukoman na sakdal n~g taas at uusisain ang lahat at lahat inasal sa mundo't gawang hindí tapát.
Gahanip mong sala'y walang mákakanlong sa tunog n~g Juez na tatanong doon at kung malining na'y gagawin ang hatol sa dalawang bagay na maguiguing ukol.
At sa pagdurusa'y kung doon mahulog ang maguing pasiyá n~g hatol n~g Dios, yaon ang dálitang kákilakilabot at hirap na walang hangang pagkatapos.
Kaya mabuti rin ang may binhing hasík budbod na pananím sa bayan n~g Lan~git upanding mag-ani n~g linamnam tamís at kaligayahang walang kahulilip.
Ang Imperiong yao'y hindí napapasok n~g kahima't sino'y n~g ligalig lungkot palibhasa'y bayan n~g santas at santos na nan~gag-aalay n~g puri sa Dios.
Doo'y walang gabi ang saad sa aklát wala namang araw, buang sumisikat ang kapangyarihan n~g Dios na wagás ay labis sa madláng tanglaw na liwanag.
Naroon din nama't iyong makikita ang luklukang hayag n~g Vírgen María alay ang maraming puri't pagsasayá n~g m~ga Vírgenes sa payapang Gloria.
Ang ligayang yao'y walang pagkatapos walang pagkabago at lubos na lubos hindi paris dito na sa munting lugód dusang langkay langkay ang ganting kasunód.
Kaya n~ga ang dapat ay magsamantalá hangang may panaho'y talikdan ang sala at huag páwili sa tamis n~g lasa nitong bun~gang mundo't may lihim na paklá.
Yao'y pawang daya't laláng na hikayat n~g taga Averno, kaya n~ga ang dapat gamitin ang tatlong katutubong sangkap at ang kaluluwa'y nang dí mapahamak.
Kun ang lakas natin ay mapipipilan ay huminging tulong sa kapangyarihan n~g Poong Lumikha, at dí papayagang masupil n~g lilong digma n~g kaaway.
Ating dalan~ginin n~g taós sa dibdib yaong kamatayang sakdalan n~g tamís kaluluwa nati'y nang upang magkamít niyaong Luwalhating walang kahulilip.
Sukat hangang dito, Marcela ang galáw n~g m~ga pagpitás nitong lamang bayan, ang magandang suyò nawa'y ipatnubay n~g may awang Lan~git hangang nabubuhay.
Ang ating harapin ay ang makatumbás sa ama at inang namuhunang hirap --Oo n~ga Dalmacia at kang matutupad yao'y mamumun~ga n~g magandang palad.
Nanatili nan~gang kanilang ilagan ang madláng paraya nitong kamunduhan at walang hinaráp kundí ang mag-alay n~g magandang suyò sa m~ga magulang.
ISÁNG TAGUBILIN.
Sa bakás n~g yapak n~g kadalagahan ang lumagdang isip nito'y nag-aalay n~g munting gunita na kunang ulirán yaon kay Marcela't kay Dalmaciang búhay.
Kung baga sa isang Araw na sumikat ay dí nan~gulimlim ang pagliliwanag buhat sa mulâ pa n~g pagkakalapat n~g kanilang dibdib na parang sinukat.
Ang ali't alin mang datnán n~g ligamgam ang sing-isang puso nila'y nagdaramdam gayón sa ligaya namang kinakamtan walang natatan~ging pagsasarilinan.
Kung sakasakali at may maling isip ang ali't alin mang sinsay sa matuid ay nasasansala at naihahatid hangang sa hantun~gan n~g itatahimik.
Sila'y marurunong magbigay pitagan sa bala't bala nang dapat na igalang ito'y pakorona't putong na ban~gibang sa puri n~g m~ga nagpalang magulang.
Maiin~gat silang magbalot sa lihim n~g puring hindí pa panahong sayan~gin magagandang loob, marunong tumin~gin sa búhay n~g dukhang dí gawing pansinin.
Nan~gag-aabuloy n~g makayang habág sa kahit sinomang lugami sa hirap, hindí nabubuyó sa maling hikayat n~g mapag anyayang isip sa pahamak.
Ang magyao't dito at makipanayam sa dí kaugali ay naguiguing bawal, lalo na't ang gawi n~g mákakararal ay manirang puri n~g sa ibang búhay.
At kahit binaka n~g Haring pag-ibig yaon kay Dalmaciang matibay na dibdib ay hindí nangyari na ipinalupig at ipinagtangól n~g sariling bait.
Bilang naguing kutâ ay ang pagninilay at ang pagka habág sa m~ga magulang, pinilit ang loob na makipaglaban sa dahas n~g sinta nama'y nagtagumpay.
At ang nanatiling nasok sa panimdim sa kay Jesucristo ang puso'y ihain huag magasawa't baka ang sapitin ay ang dalamhati sa kakasamahin.
Sinabi kong ito'y dí naman paghadláng sa m~ga dalagang panahong niniral at ang matrimonio'y mahalagang bagay kung sakasakali't mapag-iin~gatan.
Yaón ang halamang habilin ni Cristo pinangagalin~gan n~g tawo sa mundo diyan nagbubuhat ang Papa't Obispo Cardenal at saka ang m~ga Ministro.
Anopa't kung bagá mapag-iin~gatan ang pagkakalin~ga sa Santong halaman dito pa sa lupa'y pakikinaban~gan hangang sa lumipat n~g payapang bayan.
N~guni't kun ang dahil n~g pag-aasawa n~g isang babayi sanhi sa anyaya n~g mundo, at hindí bibigyang halagá ang pagmamahalan maha~ga'y hindí na.
Kaya n~ga ó m~ga binibining hirang kayo sa sariling laguing magninilay at hingín sa Dios na paliwanagan kun ang inyong isip ay pinagdidimlan.
Muhang halimbawâ at kayo'y pumaris doon kay Dalmaciang dunong na mag-isip hindí nabighaning natol sa pag-ibig at ang alaala'y ang huling sasapit.
At kung mangyayari mahalintularan yaong kay Marcelang mapayapang búhay hindí nabighaning ang puso'y ibigay sa parayang hilíng nitong kamunduhán.
Ang pagka dalaga'y hihiguit pa mandin sa apat na puong taón kung bilan~gin walang hinaharáp kundí ang maghain niyaong pagmamahal sa ináng nag-angkin.
Kaya n~ga ó m~ga binibining irog na ina-alayan niyaring paglilingkod maraming salamat kung ang iyong loob sa gandang anyaya'y magsi-alinsunod.
Yaong pagsasamang walang kasing tamís ni Marcela't saka ni Dalmaciang ibig kunang halimbawa't nang upang magkámit n~g kaaya-ayang búhay na tahimik.
At kung magkagayo'y maraming salamat sa napapanahon n~g PAMUMUKADKAD kahimanawari'y mag si PAMULAKLAK sabog kong tagurí n~g MAGANDANG PALAD.
WAKAS