Landas na Tuntunin

Part 2

Chapter 2 3,965 words Public domain Markdown

Upanding kung tayo'y magka-ayos-ayos sa pagkaka-sundo't magka-isang loob, magban~gon ang ating Inang nakalugmók sa nadustang búhay na kulunos-lunos.

At dí mangyayaring itulot n~g lan~git yaóng Kalayaang ninanaisnais hangang naghahari ang kuhilang isip sa atin, at saka ang ugaling inguít.

Ganito ang siyang kutóg niyaring loob hindí pan~gun~guna n~g dunong sa Dios Marcela'y hin~gi kong bigyan mo n~g sagót kun ang palagay ko'y hindi náaayos.

--Dalmacia ay tama ang iyong palagay aywang sa lalong pantas na magnilay na dí itutulot yaóng Kalayaan sa kulang n~g wasto't walang kahusayan.

N~guni ¿ano bagang iyong napapansin at magulong bayan ang ipinagturing? --Marcela'y hindí mo pala nalilining daming nag-iibig Punong kilalanin.

Pinangugugulan n~g pagod at pilak ang kilanling Puno't sa Baya'y matanyag --Dalmacia'y dí natin mabibig-yang sukat ang lihim n~g puso nila't hinahan~gad.

At sakasakali na ang na sa isip nitong sumasagui sa pag-uumibig ang makapagsabog n~g malasang tamís níyaong maligayang bun~ga n~g tangkilik.

_Ang pag-alis ni Dalmacia_

Paalam na mutia't lilisanin irog ang m~ga titig mong ligaya n~g loob --oo datapua't huag isalimot akong kapatid mong nahahandang linkod.

O kun dili kaya ay dito na kita matulog at bukas muwi n~g umaga --Huag na't sakaling baka kumutog pa ang kung ano't ano kay ama't kay ina.

Adios Marcela.--Dalmacia,y matnubay sa iyong paglakad ang kapayapaan --ako ma'y gayondin, búhay mo'y in~gatan sa gabing pagtulog n~g Angel na bantay.

Na huag ka nawang dalawin n~g init han~ging nagbubun~ga samang panaguinip --ako ma'y gayondin ang taguríng hibík abót ang kamay ko't magdaop n~g dibdib.

Aalís na akong lin~gon ka n~g tanáw titig ko Dalmacia ay pumapatnubay malayong adios,--adios din namán lupít n~g sakuna ay magpakundan~gan.

Ang pagbabalik ni Dalmacia n~g kinabukasan

=Ikatlong pankat=

Narito na ako--Kita nama'y antay ¿anong búhay ninyo kagabing nagdaan? --Sa awa n~g Dios ay walang ligamgam, kan~ginang umaga'y tumangap n~g liham.

Na ang sinásabi tungkol sa pag-ibig padalá n~g isang binatang matalik n~g tinatahak na n~g aking panitig mahambal ang dating matipid kong dibdib.

Na dahil sa hibík na kalaguimlaguim nitong nagsasabing kinatawan papel narito Marcela at iyong basahin ikaw man banta ko ay mahahambal din.

Ohó! at kung gayon ay makadudurog n~g pusong matigas ang haing pag-luhog? --Narito Marcela't sa kamay ko'y abót ang makababaklang daing n~g pag-irog.

Babasahin ko na, kapatid na guiliw ang pag-sintang mana sa linahi natin huag mababaklá ang iyong panimdim sapagka't ang mundo'y lubhang sinun~galing.

_Palasinta n~g binatang si Constancio_

Poon n~g pag-irog huag maguing sawí ang hibik n~g pusong na sa sa pighatí sapagka't ang sinta'y walang hinihin~gi kundí ang li~ngap mong ilulualhati.

Kaya huag mo po sanang ipagkait ang lunas na awa sa aking pag-ibig kung nasasadhán man ang pinto n~g dibdib buksi't salubun~gin n~g iyong tangkilik.

Yayamang sapagka't ang iniluluhog sa m~ga yapak mo'y banál na pag-irog, tipid n~g bighani mo po'y malamuyot na isakandun~gan n~g lin~gap ang lingkod.

Papagkamting palad ang sa pusong hibík na ikaw ang maguing ligaya ó Lan~git n~g dustang búhay ko't magpahangang guhit ay paglingkuran kang kabiyak n~g dibdib.

_Nang matapos nang basahin ni Marcela ang padaláng sulat ni Constancio_

--Nákilala ko na ang saráp n~g daing n~g nag-u-umanong puso sa pag-guiliw, ikaw ang bahala nguni't pag-isipin ang pang adyang dapat sa huling daratnin.

Sa lakad n~g mundo'y panahong niniral ang isang parista'y sukat katitimbang ang lalong matatág ay nan~gahahapay sa dunong n~g isip nilang mapanglinlang.

--Tama ang sabi mo kapatid na liyág na tayo sa mundo'y sukat kaí-in~gat, n~guni't sa warí ko'y hindí masasalág kapagtalagá nang tadhana n~g palad.

At may matatandang nagsisipagsabi at sampo n~g aklát ay namamarali, tawo sa anomang bagay na mangyari yao'y katutubong taglay sa paglakí.

Dalmacia kung tungkol sa sinabi mo'y hanapin n~ga natin ang pagkatotoó n~g isang nangyaring dí anhi'y ganito na ang nagsasabi ay Novelang libro.

Kunó ay may isang principeng masiglá nagtanong sa lalong pantas ó bihasa ang wika'y turan mo na kung sino bagá tun~go n~g palad ko sa pagaasawa.

Sagót n~g tinanong--principeng maran~gal ang takda n~g iyong daláng kapalaran ay babaying pan~git at dí dugong mahal yao'y asahan mo't siyang káraratnán.

Ang dalagang ito'y isang fondadista walang hanap búhay liban sa magtinda, anitong principe--saan lugar baga --Ay na sa sa libis n~g tuláy n~g quinta.

Kung gayon ay ating saglít na parunan ang tun~go n~g aking dalang kapalaran at tatayahin ko kung may karampatang masukob sa lilim n~g taglay kong dan~gal.

Yaon na't sa quinta nang sila'y dumating itong fondadista'y itinurong lihim hindí iba't iyan, principeng butihin ang takdá n~g iyong kapalarang angkin.

Ako'y aalis na't ang bahala'y ikaw mag-isip n~g lalong kagaling-galin~gan, n~guni't ang hula ko'y hindi mabibigyan n~g litis, at yaon ang pangyayarihan.

Pinagmalas nan~ga't pinag-isip-isip ang maguiguing kasing kabiyak n~g dibdib ay walang makitang ipagkakalan~git, nagbuntong hinin~ga't luha'y bumalisbis.

Diyata't ang dugong sa korona galing hamak na babae ang kakasamahin dustang kapalara'y nang diko tangapin mag-isip n~g lalong nararapat gawin.

Nang hindí mangyari ang takda n~g palad putlín ko ang ulo't yaon ang marapat; linapitan na n~ga't liig ay tinigpas nitong walang malay sa pagkapahamak.

At ipinatapong madali sa ilog, anopa't tinan~ga'y n~g matuling agos, sa nangyaring yao'y sabihin ang lunos n~g nan~garoroong matáng nanónood.

Pinatay at sukat wala namang sala ang kahabag-habag na abang dalaga, ¿alin kayang luha n~g makakikita ang dí aakaing bumalong sa mata?

Di naman mangyaring mabig-yan n~g ganti palibhasa'y isang dakilang principe, anopa't wala nang anomang nangyari kung kahima't labag sa utos n~g Ley.

Babaeng pinatay sa Novelang sulit ay kusang nabuhay sa dunong n~g Langit at muling naugpong pinutol na liig napadpad sa ibang reino't dalampasig.

Kagandahang palad nátagpo pagdaka n~g isang lalaking namamalakaya namangha ang boong págkatawo niya at sinapantahang diwa'y taga gloria.

Wika sa sarili mahaba nang araw ang dito sa mundo'y aking pagkatahan ay walang ganitong dilág kagandahan aywan kung mayroon sa langit na bayan.

Pagdaka'y binati n~g ganitong sabi: Tabi sa dan~gal mo mahal na babae, ikaw baga'y sino't anong layon dini sa ganitong oras at lalim n~g gabi?

--Huag maguing sawí ang aking panugón sa kamahalan mo mamang tumatanong, pinagmulan ko po'y hindí mapagnoynoy gayon din ang aking dito'y pagkatuntong.

Kabuhayang yarí di ko mapag-lirip na diwa'y nagbuhat sa dunong n~g langit pinagmulang baya'y di po maisulit at n~gayon pa lamang ako nagka isip.

Kaya ikaw na po ang siyang báhala na dini sa abang búhay ko'y magpala; ituring na anak sa pagaanduka at kikilanlin kang amang nagkalin~ga.

Kung gayo'y halina anang nakapulot n~guni'y namamanghâ ang sa tawong loob, pagdating sa bahay ay pinapagsoot n~g damit na tuyó ang anak ni Venus.

At isinalita sa asawang hirang yaong pagkakuhang mahiwagang bagay, sabihin ang tua't dî na ibig lisan n~g dalawang mata yaong kagandahan.

Nagsasama na n~gang bilang din sa anak; at magulang namán ang gawang pagtupád di ko pagaanhin dumating ang oras lihim n~g Lumikha'y kusang mapatanyag.

Mag-asawang hari ay sa pagpapacial sa lansan~gang yao'y manáng naparaan dilág n~g napulot ano'y nang mátanaw ang matuling takbo ay pinapaghintay.

Sa carrosa ay biglang umibís at sa maralitang bahay ay pumanhík ang kapangyariha'y hindí na nagamit ang puso'y nabaghán sa himalang dikít.

Ang mahal na hari tumanong pagdaka. --ito baga'y anak ninyong mag-asawa? sagot n~g tinanong--dakilang Monarka iyan po'y pulut ko lamang sa aplaya.

Na di ko mawari magpahanga n~gayon, kabuhayan niya, haring pan~ginoon, pagka't kailan mang kunang ko n~g tanong; sabing talinghaga ang itinutugon.

--Kun gayon--ang sagot n~g Sakramajestad sa kalakhan nila'y paumanhing gawad kami na ang inyong loobing mag-in~gat at siyá ay aming paparahing anak.

--Oo po hari ko--ang panagot namin at sinong tatangui sa magandang hiling, mabigat bigat man na kung sa dadalhin ang atang mo'y pilit naming papasanin.

Huag lamang haring ibintang n~g dibdib na parang gusto na naming siya'y malís, Mahal na babae tanto mo na't batid itong sa Monarkang ipinamamanhik.

Sagot n~g dalaga'y--may dí pangyayari ang hindí pagayo'y lapastan~gang tanguí ang damdam n~g puso'y di na nakaganti sa anduka ninyo at pagkakandili.

--Huag panimdimin at laking ligaya niyaring aming loob ang mápabunyi ka sa kandiling in~gat n~g ating Monarka bakit walang anak ang mahal na Reyna.

--Magaganap na po oh Sakramajestad ang hiling n~g pusô--Maraming salamat babae'y kinawit n~g Reyna at kagyat isasa-agapay n~g kaniyang lakad.

--Sumandaling hintay--ang ipinagsulit sa kamay ni ama muna ay hahalik gayondin sa aking inang nagtankilik ipaalam na't kayo'y in~gatan ng Lan~git!

Naghiwalay na n~gang luha'y nalalaglág nitong maiiwa't magtatamong palad ang mata n~g Reyna sa laki n~g galak di na ibig lisan ang himalang dilág.

Yaon na't tinungo ang Palacio real kapagdating doo'y agad binihisan n~g damit na piling dí sangkap ang dan~gal ang kahalimbawa'y bitwing sumilang.

Sa kinabukasan hari'y nagpalakad n~g utos na gawing pilit ang pagtupad na ang magsabing hindí niya anak ay paakasahang buhay ang katapát.

Nagpatabas nan~ga n~g damit princesa pinili ang kayong lalong mahalagá at kapagkayari'y ipinasuot na walang dí hahan~ga sa himalang ganda.

Nang princesa na n~ga siyang tinatanghal sa sakop na Reyno n~g nagtatangkakal, bilis n~g balita ay nan~gagliparan sa iba't iba pang m~ga kaharian.

Sigaw n~g balita'y ¿ano't nániniig ang napapanahon sa nasang pag-ibig? naroon ang ganda na sukat sa titig ay magsisilayas ang lahat n~g sákit.

Bubugtong na anak ang himalang ganda ng nagkakandiling haring magasawa nang ito'y márinig ay nagsigayak na ang nangaguusig sa nasang pagsinta.

May principe't duque, konde't kaballeros na ang pagsasadya'y tungkol sa pag-irog at gayon din namang balita'y umabot sa taksíl na tawong principeng pumugot.

Nagsadya rin naman na paris n~g iba na ang tinutun~go'y ang nasang pagsinta dilag n~g princesa'y n~g tamaang matá tumapon ang isip sampong kalulwa.

Anopa't sinupil nabihag ang dibdib niyaong kay Kupidong dahás n~g pag-ibig nang mag-uling loob nagsakdal sa lan~git na panungtang palad ang magandang nais.

Nan~gag-alay na n~ga n~g sinta't paglubog ang nagsípagsadyá sa nasang pag-irog kung anong hiwagang kaloob n~g Dios ang naguing asawa'y ang principeng nugot.

Ihahangang dito ang kináhinatnán n~g abang dalagang kinitlán n~g búhay ¿ang principe baga'y kung kaya nákasal ay talagang utos niyong kapalaran?

--Ano pang liwanag iyong hahanapin sa nangyaring yaon, kapatid na guiliw, pinutlán n~g liig muling nabuhay rin palibhasa'y siyang kapalarang taning.

--Tama ang sabi mong nakasal kapatid pagka't princesa nang kagandahang labis kun ang dating búhay siyang ipipilit makalilibo ma'y puputlan n~g liig.

At may pangyayari kayang makasal pa sa lalaking buháy babaeng patáy na dito'y liwanagan mo n~ga sa dalawa sa palad at gusto'y sinong nan~gauna?

Itong kapalaran kung pag-iisipin ay parang busabus n~g pag-ibig natin at walang sarili siyang mararating kun ang haring gusto'y siyang tumitiguil.

Aywan sa ibang nangyayaring bagay kung tungkol sa ating daláng kabuhayan may dukhang nanakyat sa luklukang dan~gál at may darakilang naaabá naman.

Yaong sinasabing nan~gapapahamak, nalunod ó kayâ natuka n~g ahas baka naroroon ang kaya n~g lakas niyaong sinasabing naghaharing palad.

Nguni't sa kalakhan n~g haring pag-irog: itong kapalaran ay naninikluhod palibhasa'y siya'y nahahandang lingkod sa anomang bagay na ipag-u-utos.

--Makáhahalakhak kung pagwawariin ang katuwiran mong panagot sa akin, ¿diyata't sa dahás n~g haring pag-guiliw, itong kapalara'y talagang alipin?

Huag kang palulong irog na kapatid sa dunong ng iyong námamaling isip itandâ sa noó at saka sa dibdib na ang kapalaran ay hulog n~g Lan~git,

Dí baga ang m~ga alay na pagluhog sa isang babae'y halál n~g pag-irog ay bakit kung hindí bigyang pahintulot tátan~gá na lamang at maghihimutok.

¿Nasaan ang dahás n~g haring pag-ibig na sinasabi mo guiliw kong kapatid? ang kapangyariha'y bakit dí magamit na ang sumasamong pagsinta'y ipilit.

Asal n~g pag-ibig ang sumamosamò at sa sinisinta'y maghandóg n~g suyò tuíng máhaharáp sa lan~git n~g puso'y nagpapakilala n~g pamimintuhò.

Yaon man at hindí ipagkakaloob n~g palad ay sayang ang puhunang pagod, ihahangang dito kapatid na irog, ¿may matuid ka pa bagang isagagót?

--Tamà ang tugon mo kung didingin lamang n~guni't mayroon pang náninirang bágay pagka't ang pinilit na ikinakasal _nulo_ sa kastila kang ito'y pan~ganlan.

Sapagka't ang dilág n~g pag-aasawa buhat sa kasundo n~g pusong dalawa kailan ma't hindí ganáp ang pagsinta walang kabuluhan yaong pagsasama.

Bakit nang panahong tayo'y maligalig na ang pilipino'y magsipanghimagsik ay daming babaeng nákasal sa pilit ¿yaon kaya'y palad na hulog ng Lan~git?

Hinayang sa buhay ang sanhing pag-amin takot sa maikling pamatay at baril, n~gayon ang tanong ko, kapatid na guiliw ¿yaon kaya'y utos n~g palad na taning?

--Di kung gayon pala itong kapalaran ay walang sariling lakás na sinimpan, sapagka't kung hindí humin~ging tulun~gan n~g baril ay hindí mapilit ang ayaw.

At bukod sa rito kapatid na irog kun ang kapalara'y sa lan~git na hulog di na mangyayaring daanin sa takot pagka't yao'y bawal n~g banál na utos.

Kaya't anhín ko mang tanun~gin ang isip nag-áalan~ganing mayag yaring dibdib na pawawalan mong lakás ang pag-ibig at ang kapalara'y siyang mananaig.

Ang bagay na ito'y sinabi ko lamang di ka pinipilit na ako'y ayunan, n~guni't sa sarili n~g bait na simpan ikaw ang bahalang sa wasto'y magtimbang.

At kung matagpuan n~g pantás mong isip ang kalulunduan n~g hustong matuwid hinahong papayag naman yaring dibdib at tatangapin mo ang aking panalig.

Bakit sa kanitang pagsasamang ganáp itong pagtatalo'y hindi nárarapat at saka himalang makita n~g lakás n~g lampá tang isip ang ililiwanag.

Itong atin n~gayong pagsasalitaan n~g balabalaking magunitang bagay ay para na bagang isang pagsasanay n~g tumulín tulín isip tang mabagal.

--Oo n~ga Marcela't yaon ang matuid han~gang nabubuhay sa silong n~g lan~git, ang tawo'y piliting dumunong ang isip sa kapanahuna'y nang hindí maguipít.

Mag-aral n~g m~ga wastong pan~gun~gusap na makakalugdan n~g kinakaharap at yaon ay isang karan~galang sangkap n~g tao kahima't nagmula sa hamak.

At ang pan~gun~gusap ay ipapanahon huwag sa bala nang salita'y tútugón at ang pagnanasang pan~ganlang marunong lalong nagbabansag niyaong pagkagungong.

Ang palalong anio't kilos na magaslaw sa gawa at wika'y páilag-ilagan sa isip na puri hindi't kapintasan ang maguiguing bun~ga't tubong pakinabang.

Ang pagmamabini't bala't kayong hinhin kung dí katutubo naman ay wala ring aantaing puri't bagkus babalutin sa pula't siphayô n~g dilang matabil.

Sampo pa n~g ama't inang nag-anduka'y masasabisabing diwa'y nagpabaya, at kung hindí gayo'y di naman lálalâ ang lumaguing gawing may katalong pula.

Ihahan~gang dito't dapat ding mag-in~gat. ang tawo sa pulan~g nagsalasalabat kung dí man máluklok sa dakilang taas ay huag mangyaring malunod sa libák.

--Ang lahat mong saysay Dalmaciang kapatid ay dapat ilimbag sa ubod n~g dibdib, n~guni't ang hiling ko'y huag ipagkait ¿naganti mo na ba ang padalang titik?

--Hindi n~ga Marcela; ito'y isang bagay na isasanguni sa pagmamahalan at ipahahayag tanáng kalihiman niyaring aking dibdib mula niyaong araw.

Maniwala ka kapatid na guiliw ang liham na yao'y mula nang tangapin salamat at di mo palá nápapansin na yaríng isip ko'y nagpaparang halíng.

Sa alay na sintá ni Constancio't hibik nag-aalan~gnin sana yaring dibdib, n~guni't sa pasiyang hatol n~g pag-ibig dí dapat itakuil ang sa pusong lan~git.

Kaya buhat na n~ga n~g aking tan~gapin ang padalang liham, kapatid na guiliw, parang binabaka ang gulong panimdim na dí matutuhan ang dapat kong gawin.

Ito'y hindí sana dapat pamalayan sa kahit kan~gino at kahalayhalay na tayong babayi pala'y nagdaramdam n~g matinding dusa sa nagugustuhan.

N~guni't sa malinis na pagkakatali n~g kanilang puso'y nuha't ang bighani na pagtapatan ka't yaring dalamhati n~g tungkol sa sinta'y magkalualhati.

Upanding sa iyong magagandang hatol ligalig n~g aking puso'y huminahon sa padalang salat Cela'y nagtatanong kung ano ang dapat na maguing panugon.

--Diyán sa hiling mo guiliw na kapatid na hatulan kita n~g itatahimik, walang mágagawa yaring aking isip kun ang iyong puso'y supil n~g pag-ibig.

Sapagka't ang dahás n~g Haring pag-irog ay dí gumagalang at dí natatakot, walang katuirang ina-alinsunod liban sa ang nasa lamang ang masunod.

Pagpayuhan ka mán n~g lalong matuid ang kalihiman mo'y hindí rin didinig lunas na pagpulhan n~g itatahimik ay ang katutubong sarili mong bait.

At yaon ang siyang makapag titimbang n~g lalong marapat sa kahihinatnan yayamang sapagka't dati mo rin alam ang lakad n~g mundo't panahong niniral.

Iyong magagawa boong pag-iin~gat kung may panimdim kang puri'y mapahamak at ang kabaita'y siyang naghahawak sa ikasasawi n~g dáratning palad.

Ang sinomang tawo'y pagka't sinangkapan n~g tatlong sandatang talagang panglaban kailan ma't ito'y di mo bibitiwan ay dapat umasang ipagtatagumpay.

Sapagka't kung ito'y di mo isasalong sa digma n~g mundong laláng n~g panahon ay pakaasahan na ipagtatan~gol ikaw sa lahat nang sakuna't lingatong.

Huag maniwala ang lapok na loob na tayong linikha'y may talagang signos sapagka't ang tawo'y kung sumasa-Dios ay walang pan~gamba't hindi matatakot.

Kaya n~ga sa awa niyaong Matankilik na nagpakaduk-ha ay doon manalig na pagpinagtibay ang sariling bait walang magagawa ang lilong pan~ganib.

Tungkol sa hiling mong kita'y pagpayuhan sukat hangang dito ang kaya ko lamang at ang dakong hulí n~g káhihinatnán ay wala sa aki't ikaw ang may tan~gan.

Kaya hangang dito't asahang kalakip sa makakayanan yaring aking dibdib n~guni't sa tadhana n~g Haring pag-ibig sarilinan tayo n~g mapagsasapit.

--Salamat sa iyo kapatid na guiliw sa m~ga hatol mong palagay sa akin, na ang kabaitan ang papagtibain at ang pag-aadya n~g Nakop sa atin.

Paalam na muna ako at aalis si ama't si ina'y nang dí nai-iníp kung walang dahila'y asahang babalik sa araw n~g bukas guiliw kong kapatid.

--Adios Dalmacia't kung walang hilahil inaantay kita sa araw mong taning at ang taguri ko'y huag lilimutin ang pagmamahalan magpahangang libing.

Ang pag babalik ni Dalmacia

=Ikaapat na pankat=

Narito na ako kapatid na irog ¿anong buhay ninyo kagabing pagtulog? --nagdaang payapa na awa ng Dios ¿kayo nama'y ano? Wala ring sigalót.

N~guni't nang matapos kami n~g agahan tumangap na mulí n~g padalang liham na ang hinihiling niyaong karain~gan ang magandang nasa'y bigyang kasagutan.

Narito Marcela at iyong abutín itong ikalawang hatid na pagdaing --Dalmacia'y oo n~ga't aking babasahin na kung anong bagay ang sa pusong hiling.

_Ang pagbasa ni Marcela sa pan~galawang hibik ni Constancio tungkol sa pag-ibig._

Nunulí na naman ang aking paghibik sa m~ga yapak mo, Poon n~g pag-ibig, na sa karain~ga'y huag ipagkait ang lunas na awa sa may dusang dibdib.

N~guni't kung hindí mo naman maaatim ang lun~goy n~g puso't bawal n~g pag-amin ay wala nang buhay na dapat ituring at parang himbing na sa hantun~gang libing.

Kaya kung sakali't nagaalan~gán man sa hiling n~g aking nagdurusang buhay mabighani ka ring iyong pagpayuhan ang sariling puso't magtaglay n~g hambal.

At nang sa dalita'y upang makahugot ang nálulugami sa nasang pag-irog ipagkatiwala sa hihinting sagót ang iguiguinhawa niyaring abang lingkod.

Ihahangang dito at pakahihintin ang tapát mong hatol sa alay kong daing, lakip ang kumusta't sa kayang pupulhin ay natatalagang lingkod hangang libing.

_Sagót ni Marcela._

Dalmaciang kapatid ang ganitong liham ay paban~góng suob sa tinataghuyan, upáng sa amuki n~g pagsintang alay ang pinto n~g iyong bighani'y mabuksan.

N~gayon ang tanong ko kapatid na guiliw huag paglihima't magtapat sa akin tungkol kay Constanciong handog na pagdaing ¿may palad na baga siyang tatangapin?

--Sa tanong mo Cela'y bakit maglílin~gid ang pagsasama ta'y higit sa kapatid ang katotohana'y siyang isusulit bagay sa binatang dulot na pag-ibig.

Nang nakararaang di pa tinatangap ang ina-asam kong pahatid na sulat ay nau-una na siyang nakalimbag sa lihim n~g aking katauhang bihag.

At nang tangapin ko ang sinugong titik walang paglulanan n~g tuá ang dibdib, gayon man ay aking pinátipid tipid na dí nagpamalay sa tawong naghatid.

Anopa't ang aking ligayang tinangap sa pagdating niyaong sinugong kalatas di lubhang nalaon ay nan~gagsilipas at ang humalili ligalig at sindak.

Unang nagunita't sanhíng nakahadlang ay ang pagka habág sa m~ga magulang lapastan~gang anak ang di na tumanaw sa hirap dálita nilang pinuhunan.

Bukod pa sa rito'y nang mag-isip-isip alab n~g gusto ko'y nasubhán n~g lamig dahil sa balitang aking nadidin~gig na ang tawong yao'y lahing mababagsík.

Bulong n~g himaton kahit may asawa sa ibang babayi ay nakikisama dahil dito'y siyang niguil umantala sa malagong tubo n~g aking pagsinta.

Yao'y siyang sanhi't bilang na pumiguil sa náunang siglá n~g aking pag-guiliw, n~guni't maniwalang sumasalisi rin sa buntong gunita na siya'y tangapin.

N~gayon ko natantong ¿anong tinding bigat iwaksi ang sintang diwa'y may kamandag? na nananalatay sa lahat n~g ugat kaya't di mangyaring biglaing makatkat.

N~guni paghinahon bulág na pag-ibig idila't ang iyong nadidimlang isip kung papatulan mo ang hiling n~g dibdib ay mahuhulog ka sa madlang pan~ganib.

Kung naroroon na sa kamay n~g sukab lahing mapaglilo sa asawang liyag dí ang kailan~gang gagawing pang lunas sa hapdí n~g puso'y luhang tatagaktak.

Piguil aking loob at alalahanin ang pagaasawa'y matinding dadalhín kung makatagpo ka n~g ugaling taksil magsisi ma'y huli't walang mararating.

Lalo na't lalaking laguing mapagbintang sa dí guinagawa'y paghihinalaan, marahil ay di na panghihinayan~gan sa ikadadalí ang lapok mong buhay.

Lalagui ka na n~ga sa tinaghoy-taghoy magsisi ma'y huli't wala nang panahon, anopa't kaya ka lamang huminahon kung maguing bangkay na't katawa'y maburol.

Ito'y karaniwang aking namamalas sa m~ga babaying sinasamang palad siyang umi-iguib, kilik pa ang anak na dí pinapansin n~g lalaking tamád.

Sampong pagkabúhay na ipagtatawid n~g asawa't m~ga bun~ga n~g pag-ibig ang tungkuling yaon ay wala sa isip at di nahihiya sa nakamamasid.

Ang lahat n~g ito'y dapat isadili na kahihinatnan n~g isang babayi kung naroroon na'y walang mangyayari liban sa managhoy ang iyong sarili.

Sa lahat n~g ito katawan ko'y bakit hangang may panaho'y milag sa pan~ganib kun katungkulan man ang gawang umibig huag kabibiglá at mag-isip-isip.

Yaong kay Constanciong alay na pag-irog na naguing bun~ga n~g aking pagtulog pakapipiliting iwaksí sa loob at sa dalamhati nang hindí mahulog.

Sapagka't kung siya'y magmana n~g asal sa m~ga linahi niyang pinagmulan na nangbabayi at ang katungkulan sa sintang asawa'y ipinamimigay.

Di kung magkagayo'y alin pa ang háyap niyaong dalamhati ang hindí susugat dini sa puso ko at ¿gaanong antak ang ipagdaramdam ng saliwang palad?

Ang lalong marapat ako'y mamayapa sa piling ni ama't inang nag-andukha at doon na hihintin ang laáng tadhana niyaong kamatayang pagpanaw sa lupa.

¿Sa madlang pasiyá niyaring aking dibdib nararapat kaya Marcelang kapatid? --Oo ang sagot ko't hindí nalilihis kung may kapalarang matay sa tahimik.

N~guni't itong tawo'y kung talagang laang sa pag-aasawa'y mapa-abáng buhay, ang mata n~g isip ay nabubulagan sa masamang palad niyang káraratnan.

Masdan mo Dalmacia't siyáng nangyayari sa mapapasawing paris tang babayi, kahima't mayaman at anak sa puri sa sinta n~g dukha ay napahuhuli.

Kaya ang sinoma'y bulaan ang bait at ang matalinong m~ga pag-iisip supil n~g tadhana't hindí magagamit ang siya'y umilag sa maling pag-ibig.