Part 1
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
TULÁNG KINATHA
NI
José Morante
NA
PINAMAGATANG
LANDAS NA TUNTUNIN
AT
Dito'y matatausan ang LIWANAG n~g nan~ga-mulat sa KADIMLAN
IKALAWANG PAGKALIMBAG
MAYNILA, 1918.
IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA
NI
J. MARTINEZ 34-36 P. Moraga, 108 P. Calderón at 253 Cabildo, Intramuros TELÉFONOS 5005 y 3283
Paunawà sa tanáng babasa
Manáng isang gabíng ako'y nag liliban sa makawiwiling liwanag n~g Buan kaguiat nagunitâ ang pinag-usapan dalawang dalagang nagsasalitaan.
Pinan~gahasan kong ilagdâ sa papel ang lugód n~g puso, at anong gagauin kung dí makatagal at kusang hapuin ang isip, sa gayong lawig n~g baybain.
Bakit sa panahong ito'y nararapat na ang kahit sino'y magtaglay n~g in~gat sa gugol na pagod, at may munting linsád páasahan mo nang may kataling pintas.
Kaya sa tulâ kong m~ga itititik ang paunang samo, pantas na lilirip, huag paghanapan n~g malasang tamis ang bubót na bun~ga n~g unsiaming isip.
Kung sa pag basa mo'y may mapansing hindí tama ang sabi ko't sa isip mo'y malí, huag hahatulan n~g sirá't ang hin~gi sa pagtutulin mo ay magwari-wari.
Sapagka't kung kaya gumugol n~g pagál ang malampang isip kahit gumagapang, adhika n~g puso'y maguing munting tuláy sa tawiring hirap niyaring abang búhay.
At kung wala ka mang mapupulon~g lugód sa bun~ga n~g aking pinuhunang pagod, ito'y mabuti ring aliwan n~g lungkot lalo't dinadalaw n~g samá n~g loob.
Ihahangang dito't ang boong pasiyá ay nasasa iyo pantas na babasa, sa isasariwâ at ikalalanta ay naroroon din ang aking pag-asa.
=Punò nang salitâ=
=Unang pankat=
Sa isang baybaing liban~gan n~g hapis na nasasakupan n~g bayang Ercañés nayong ma-alindog na nakakaratig n~g lansan~gang ilog sa alat na tubig.
Sa poók ding ito'y may isang bakuran na katuatua't dami n~g halaman, kaya't sa bulaklak na inia-alay magtatamóng lugód ang matáng tatanáw.
Sa kalaguitnaan halamanang ito ay mayroon namang marikit na kubo handang palamigan sa buan n~g Mayo kun ang alinsan~gan ay sumisimbuyó.
Dito ri't dí iba'y may himalang dikít na isang dalagang matalinong isip, anopa't sinoman sa makámamasid ay mahahalatang may lumbay sa dibdib.
Manáng isang dapit hapong makaraan ang dalawang tugtog sa pala-orasán, dalaga'y nanaog tangkáng maglilibang sa magandang kubong talagang aliwan.
Kapagdating doo'y biglang napahilig kasabáy ang taghoy luhang nag babatis ¡ay amáng amá ko! ang inahihibik ¿ano't inulila ang anak mong ibig?
¡Ay amang ama kong nagpalâ sa akin amáng nag alaga n~g kay inang lihim dí ka na naawang iwan sa hilahil akong abang bugtong sa sintang pananím!
¿Saan magpupuló't kan~ginong pagtanáw pipitas n~g bun~ga n~g iyong palayaw? wala na banta ko't hangang kamatayan ang pagpapalâ mo'y di na maduduláng.
At diyán sa iyong buhay na sinapit ay walang wala nang oras na tahimik at kulang ang aking luhang nagbabatis sa tindí n~g dusa't bumubugsong sákit.
¡Ay amang ama ko kung magunamgunam madlá mong pag-irog at pagpapalayaw ay wala nang lan~git yaring abang búhay kundí ang malipat sa payapang bayan!
Hangang naririto sa bayang malungkot at yaring búhay ko'y hindí nalálagot ay hindí titiguil ang luhang bubuhos sa hapdí n~g aking nasasaktang loob.
¡Hahanapin ko nang matagpô ang landas na pinagdaanan n~g iyong pag lipat sa kabilang mundo't aanhing magluát ay walâ na akong amang lumilin~gap!
Sa mawika ito hin~ga'y nagka-buhól kaya n~ga't napatid ang masinsing taghóy, ay siyang pagdating namáng nagkataón katotong dalaga n~g na sa lingatong.
Sa mamasda'y dagling nilugsó't dinamá tinutóp ang noo't dibdib n~g may dusa saka tinawagan, ang wika'y ¡Marcela! siyang pagka-ugpong nan~giling hinin~gá.
Mata'y idinilat at saka nagturing --salamat, Dalmacia, at ikao'y dumating ako'y nakalimot at ang muláng dahil sa búhay n~g aking amang guiniguiliw.
Pinatáy sa maling hatol n~g kastila n~g dahil sa sumbong n~g masamang dila, ito nama'y dina halos nawawala sa piling n~g aking lihim na gunita.
Oo dí ko sana dapat na damdamin kun ang kamataya'y sa Dios nangaling, n~guni't sa kánulo n~g dilang Luciper ¿aling pusong anak ang dí pupugnawin?
Kaya wala na n~ga akong kahilin~gan sa Dios kung hindí bawian n~g búhay, pagka't ang malipat sa payapang bayan ay wala nang pusong marunong mag damdam.
Kaya n~ga, Dalmacia, ako'y nag a-agap guiliw na kapatid n~g pag hin~ging tauad sapagka't dí natin talastas ang oras n~g kamatayan kong di na magluluat.
Sa mawika ito Dalmacia'y nalugmok nalaglág ang luha't nag buntong himutok walang katuirang nagpapahintulot na sa dalamhati búhay mo'y matapos.
Magwari-wari ka't tin~galin n~g isip ang pagkalarawan n~g santong matuid, na ang lumalabag sa dunong n~g Lan~git ay walang wala nang aantaing bihis.
Pawi ang lumbay mo at ipaubaya sa Dios na Amá ang boong bahala, walang mangyayari sa tahanang lupa na hindí sa dunong niya nagmumula.
Lisan ang pighatí at alalahanin yaóng hulíng búhay nating lilipatin dito'y walang utang na maitatakuil sa Dios na hindí daratnán n~g sin~gil.
Kung katotohanang nagbuhat sa upat búhay n~g tatang mo ang pagka pahamak asahan mo Selang hindí magluluat darating ang ganti,t, oras na katapát.
At doon sa iyong han~gád na mádalí ang búhay mo't dahil sa laking pighati iyong pagsisiha't baka maguing sanhí n~g dí pagkakamit Bayang Luwalhati.
Sukat hangang dito, giliw na kapatid, dí naman pag-aral at pag-unang bait, iyong pagpilitang iwaksí n~g isip ang pighating laban sa Santong matuíd.
Walang nararapat kundí ang umayos sa kapangyarihan n~g lumik-hang Dios sanlibo mang ama ang siyáng matapos ¿ano't daramdamin sa Lan~git na tulót?
Pusong malulunod sa pighati't lumbay sa laglág n~g payo'y kusang nanimbulan, sa oras ding yao'y ipinagwaksihan ang katalong sindak na kinakalaban.
--Salamat sa iyo Dalmacia kong kasi sa pagpapala mo't guinawang sakbibi at kulang ang aking dilang magpupuri sa dapat kilanling lubos mong kandili.
Na dahil sa iyong payo't pag-aampon ligalig n~g aking puso'y huminahon kung dí mo dinatnán, banta ko'y nagtulóy yaring abang búhay sa pagkakabuhol.
N~guni ang hilíng ko'y isang kasayahan na makapapawi sumimot n~g lumbay --oo n~ga Marcela't ang lahat n~g iyán sa araw n~g bukas ay magagampanán.
N~guni tulutan mo na kita'y lisanin si ama't si ina'y iníp na sa akin at baka ano nang kanilang isipin magmula kan~gina n~g di ko pagdating.
At bukod sa rito'y dapat ipagsabi sa sintan~g ina mo, bagay na nangyari at baka sakali na sa dakong hulí ako ang patalba't buntuhán n~g sisi.
Dí ligáw na balak, Dalmacia, kong mutia n~guni at ako rin ang sumasangsala sapagka't ang lumbay na gumagambala ay wala na't n~gayo'y lubos na payapa.
Kaya huag mo nang hatdán n~g balisa ang dibdib n~g aking minumutiyang iná at yaón ay isang makadáragdag pa sa pighating dulot n~g pagkaulila.
At huag mo sanang lisanin n~g biglá akong bagong bagong ahon sa dalita --Marcela'y bukas na tayo magpasasa n~g balabalaking magbibigay tua.
Kay ama't kay ina ang gagawing sanhí na kitang dalawa'y dito mananahí kaya paalam na't iwaksí n~g budhí ang labág na iyong pagdadalamhati.
Paasahan mo nang sa araw n~g bukas bilang na iisa ang tugtog n~g oras magbabalik ako't nang upáng magluát sa kubo ring ito kita mag-uusap.
--Maraming salamat kapatid na irog ako sana'y huag makanlong sa limot kung may búhay lakás naman ay mag-utos at sa makakaya'y nahahandang lingkod.
Abo't ang kamay ko't kita'y magyakapan hagkan muna kita't ako nama'y hagkán maguin~g tandang saksi n~g pagmamahalan at sa tipáng oras kita'y ina-antay.
Ang pagbabalik ni Dalmacia
=Ikalawang pankat=
DALMACIA.--Narito na ako Marcela.
MARCELA.--¿Komusta?
DALM.--Mabuting awa n~g Dios, walang ligamgam na anomán, itinanóng sa akin na kun bakit ako naluatan kahapon, ang naguíng sagót ko'y nagkawili lamang kita sa pag-uusap, na kun anó ang mabuting sukat isiping paghahanap búhay; sa sagót kong ito'y nalaglág ang kanilang luha at ako'y niyakap na pinakahigpít n~g aking iná, at ang idinugtong na pan~gun~gusap naman nang aking amá ay ganito Pakingan mo at akin~g kakantahín.
MAR.--Oo n~ga, ang damdam ko'y makaliligaya.
Oh bunsong ligaya niyaring aming dibdib bulaklak n~g tua't bun~ga n~g pag-ibig iyong halamanin sa lináng n~g dibdib itong tagubiling aking ihahasík.
Unang una bunso'y tibayan ang loob n~g m~ga pag-asa sa totoong Dios at ang ikalawa'y huag kang lilimot n~g m~ga pagtupád sa banál na utos.
At ang pagka-awa sa kapua tawo huag lilimutin, Dalmaciang anak ko, at yaón ang binhíng pag-aanihan mo sa kalilipatang huling Paraiso.
Ang lahat n~g aking m~ga tagubilin bunsó sa dibdib mo ay papagtibain at ito ang gabáy na guguyabinín hangang binibig-yan n~g búhay na angkín.
Ikáw aming bunso'y magpapakatimbang sa lakad n~g mundo't panahong niniral kung sakasakali't makapag tagumpay payapa ka rito't hangang hulíng búhay.
Sa mundo'y pag di ka natutong nan~gilag at dí tinalasan ang mata n~g in~gat walang malay-malay nayapos ka't sukat niyaong pan~ganyayang lihim na pahamak.
Ang parang kapatid na pagsusuyuan bunsó ko, Dalmacia'y pailagilagan, sapagka't ang lihim niyang kalooban ay di mo talastas ang patutun~guhan.
At huag ka namang magpapakaniig sa may asawa na n~g pakikipanig sapagka't kung minsa'y pinapagdurun~gis n~g palabintan~gin ang puring malinis.
Sukat hangang dito, Dalmacia kong guiliw tanáng mahalagang aking tagubilin, sapagka't ang takda nitong búhay natin ay di natatanto oras n~g pagdating.
Yaóng ating bukid kung ako'y manaw na ihanap n~g tawong marunong magsaka na may sadyang bait na nakikilala nang di ka dalawing n~g pagkakasala.
At ang magsasaka, Dalmacia'y ganoón marami ang m~ga ... liban sa dí gayon; ang hahanapin mo'y ang tawong marunong magmahal sa puri't may sariling hatol.
At kung may panira namang ihahatid na dinadaya ka sa ani n~g bukid ay magpakunuá n~g malaking galit nang may kamtang tuá ang may dalang inguit.
Sapagka't an~g han~gád ay iyong bawiin sa mabuti't siyá ang papagsakahin, ito'y asahan mo't kung ga sa patalim ay lalong matalas sa samáng gagawin.
Hangang dito bunsó't kung baga sumapit oras n~g búhay ko't sa mundo'y pag-alís ay di kailan~gang iyong ipa-dapit lalo't kapurihán ang nasa n~g dibdib.
Huag na dí lamang mabaón sa hukay ang kaawa-awang lupa kong katawan: sa mawika ito nalaglág na namán ang luha't gayari ang hulíng tinuran.
Katiwala kami n~g iyong paglipat doon kay Marcela, pagka't sa hinagap kun bagay sa tibay hindí naman sukat magagaping daglí n~g may lilong han~gad.
Han~gang dito Sela't siyang pagkatiguil niyong sa kay amang m~ga tagubilin anaki sumilang ang m~ga bituin at naliwanagan isip kong madilim.
DALMACIA.--¿Anó baga Marcela ang lasáp mo sa m~ga tagubilin n~g aking amá?
MARCELA.--Makaliligayang m~ga pan~gun~gusap na dapat halamanin sa lináng n~g malinis na pagtupád at papamun~gahin n~g bun~gang dapat iyalay n~g sinomang tawo sa banál na hiling n~g Santong matuid: mabuting amá at nau-ukol pakamahalin n~g isang irog na anak; datapua't makalalansag sa dibdib nang may pag sintang anak sa giliw na ama.
DALM.--Ah oo n~ga, tunay ang iyong turing, at ibinabalita ko sa iyo n~gayon, na noóng inilalaglag n~g aking amá sa pangdin~gig ko ang butil n~g magandang aral, ay tunay na sa balang sabi, ay nakikibagay ang paták n~g matamís kong luha na ito'y ibinabalong niyaong guniguní, na paano kaya kung dumating ang panahon n~g aking pagkaulila. ¿Gaano kaya ang dami n~g kakabakahin kong digmá n~g hinagpis? Sa banta ko'y di matatantusan at mapipilitang ilugmók sa ipagdaramdam ang magkaroon man ako n~g matigas na puso at alipala'y di na mangyayaring sapitin ko pa ang ako'y maiwan at ligaya ko na sa oras na yaon ang ako'y masama sa lupang mapalad na kalilibin~gan n~g irog kong amá. Hangang dito Marcela ang nangyari sa oras na ako'y pinan~gan~garalan; nguni't pinapansin ko sa iyo n~gayon, na ¿kun bakit magmula kan~ginang ako'y nagsasalita, ay nakikisabay namán ang pagdaloy n~g iyong m~ga luha sa mata?
MAR.--¡Ay Dalmacia! ¿Aling puso n~g may pagsintang anak ang di bubugsuan n~g paghihinagpis at manariwang mulí ang nalalantang puno n~g pighati? ¡Ay amang ama ko! ¿Saan ka naroon?
DALM.--Marcela, maghusay ka n~ga n~g loob at maala-ala ko pala'y kahapon ay humihiling ka sa akin n~g isang kasayahan, n~gayon ay wala naman maiya-alay sa iyo kundi isang maikling kundiman.
MAR.--Tunay n~ga ba? Salamat Dalmacia kun gayon ang kinasasabikán kong kanta mong kundiman at upanding makaputol n~g muling nag usbong kong kalumbayan, at kun magka gayo'y asahan mo namáng may kapalit akong kákantahín sa iyo.
DALM.--Ganoón ba?
MAR.--Oo.
DALM.--Kun gayo'y pakingan mong magalíng.
Oh! m~ga bulaklak n~g nagtayong kahoy at ikaw amihang malamig na simoy magbalita kayo n~g aking pagtaghoy sa kinalalag-yan n~g ihihinahon.
Kayong sarisaring ibong lumilipad at ang palay palay na han~ging habagat ibalita ninyo ang daing n~g hirap sa kinalag-yan n~g ipapanatag.
At dí maglulubay ako n~g pagluhog, kahima't dalita ang awang ihulog ay di mag sasawa ako n~g pagpulot at ituturing ding ligaya n~g loob.
Halihalimbawang maguing takdang guhit n~g kamatayan ko ang sa pusong nais ay ituturing ding ligaya n~g dibdib lalo't mahalatang nagdadalang hapis.
DALM.--Tapós na Marcela ¿Anó bagá ang din~gig mo?
MAR.--Marikit na pagkayari Dalmacia ang kundiman mong iyán ¿Sino bagá ang may gawa n~g kathá?
DALM.--Hindí ko masabi sa iyo, sapagka't iyán ay narinig ko lamang sa isang taga....
MAR.--Banta ko'y isang pusong nakalutang sa maalong dagat n~g karalitaan, na ang inahihibik ay mapasampa sa pampang n~g katiwasayan.
DALM.--Tila n~ga; datapua't maala-ala ko pala'y ¿di baga ang wika mo kan~gina'y pagkatapos ko n~g pagkantá ay ikaw naman?
MAR--May nasubukan ka na ba?
DALM--Wala n~ga, n~guni't baka mo malimutan.
MAR--Kailan ma'y kawangis n~g guinto ang aking pan~gako, at nang makilala mo'y iyong panain~gahan.
* * * * *
Sisimulan ko na, kapatid na guiliw ang kantang kundimang iyong hinihiling di anhi'y may dagat, na hayag ma'y lihim mababaw ay hindi matarok ang lalim.
Sa dalang hiwaga n~g nasabing dagat dí man matákahin ay manguiguilalás bato'y lumulutang na sakdal n~g bigát at ang lumulubog ang magaang patpát.
At ang m~ga isdang naglisaw sa tubig makaliligayang malasin n~g titig balang malalaki'y may tibong matulis at ang balang munti ni walang palikpik.
Kaya n~ga at walang pan~gambang sagpan~gín at hindí gunita na makahihirin, datapua't kung minsa'y nabubulunan din kapág ang sisilá'y panabong sasamín.
At sa dalampasig n~g nasabing dagat sabihin ang dami n~g batong nagkalat ang katakataka't kaguilaguilalás munti ma't malakí, magkakasing bigát.
Sa kalaguitnaan n~g dagat ay gayon ang sabi, mayroong mataás na kahoy, san~ga'y malalabay, daho'y mayamungmong na nakalililim sa dagat na yaon.
Sa puno n~g kahoy tubig na nunukal walang kasingsaráp at sakdal n~g linaw at sa dakong dulo'y kung anong dahila't bibihirang tamís ang mánanamnamán.
Ihahangang dito Dalmaciang kapatid ang kantang kundimang nahiling n~g dibdib yao'y malaon na sa tandaang isip boong kahuluga'y di ko nababatid.
--Marcela, ang iyong kinantang kundiman panahong kastila ang tinatamaan kung n~gayo'y hindi na, at ang umi-iral balang may matuid ang ina-ayunan.
Gayón man Marcela'y palalamnán ko rin dagat na mababaw ay sakdal n~g lalim yaong kababawang ipinagtuturing ang asal n~g tawong natatanaw natin.
At ang kalalimang hindí matatarok ay ang lihim nilang nan~gasasa loob at ang m~ga batóng hindí lumulubog ang sa mayayamang katuirang buktót.
Ang hindi pag lubog ay nakakatigan n~g panuyo't suhol ang kapangyarihan kun n~gayo'y wala nang pusong magdaram-dam at ang naghahari'y Santong Katuiran.
At ang lumulubog na magaang patpát ay ang katuiran n~g tawong mahirap, hindí palutan~gi't dahilán sa bigat niyaong naglulubog na pabatong pilak.
Sinasabing isdang nag lisaw sa tubig na ang malalaki'y may tibong matulis, masamang mayaman na ang ini-isip sa búhay n~g dukha'y umapit manlupig.
Isdang maliliit sa aking palagay dili iba't tayong maralitang búhay kahit may matuíd, ay napipilan n~g masigláng lakás niyaong kayamanan.
At ang punong kahoy na sakdal n~g tayog ang Pamahalaang ating sinusunod san~gáng malalabay ang nakalulukob na kapangyarihan sa lahat n~g sakóp.
At ang sinasabing tubig na nunukal sa puno n~g kahoy ay sakdal n~g linaw, ang tapát na hatol na dí nasisinsay sa Santong matuid n~g kapangyarihan.
San~gáng maliliit n~g nasabing kahoy ay ang m~ga Juez, Kapitan at Hukom na ang karaniwan ay nagsisihatol n~g dí karampata't dahilan sa suhol.
Na kapag hinatdán n~g paban~gong suob at n~g sarisaring maligayang handog ay tulad sa bakal nana palalambot at nailalagay sa ibiguing hutok.
Ang matang malinaw n~g Santong matuid kusang binubulag dahil n~g pag-ibig sa pilak, at di na halos ini-isip ang kahihinatnán sa huling sasapit.
Sinasabing batong magkakasing timbang muntí sa malaki ang bigat at gaan ang tawong nilikha sa aking palagay guinoó ma't dili iisa rin lamang.
¡Ay mundo! ¡ay mundo! ¿kailan pa kaya ang ipag babago n~g asal mong sama? --Dalmacia'y malí ka n~g pag-uunawa ang mundo'y talagang bayan n~g dalita.
Sa mundo'y kung walang ipagpipighati ay dapat tawaguing Bayan Lualhati, kusang tapatin mo't kun sa aking wari mundo'y parang batong kinukunang uri.
N~g sa Dios Amá bagáng pagmamasíd sa balang may pusong wagas at malinis sa kaniyá ay laan ang payapang lan~git at sa pag durusa ang balang may dun~gis.
Kaya ang sinoman kung sa ganang akin siyá ang bahala sa ibig puntahin dalawa ang landas, datapua't bilin huag pakaliwa't kanan ang tun~guhin.
Lansan~gang kaliwa ang hindí pagsunód n~g tawo sa bilin at utos n~g Dios nag papakahimbing sa biyaya't lugód na dí dinadalaw n~g gunita't takot.
At ang daang kanan ang hindí páglihís sa utos n~g Dios na bigay kay Moisés ang magsipanuto doo'y magkakamit niyaong lualhating walang kahulilip.
Dan~gan n~ga kung bakit at di mágawian n~g tawo sa mundo ang muntá sa kanan --Marcela'y bihira't kun magkaroon man ay di naghahan~gad n~g dan~gál at yaman.
Pagka't mahaba nang panahon kapatid ang dito sa mundo'y aking pagmamasid ay wala pang tawong hindí nag-iibig n~g yama't sa puri tin~galín n~g labis.
Kun ang m~ga sadyang kunó ay ulirán na sasalaminin n~g nan~gamamayan, ay nan~gag bibilí n~g di karampatan, niyang tindang sangkap sa pagka binyagan.
Han~gád sa pagyaman kaya lumilihís sa totoong landas n~g Santong matuid ito'y siyang saksing dapat kunang linis n~g nan~gádadayang ating pag-iisip.
Kaya marami na ang ibig bumitaw sa pagka romanong dating kinaguisnán dahil sa halata na kinakalakal ang religiong itong kalinislinisan.
¡Ay manong ang aming paumanhing hibík n~g dí mabalisa kaming dating kabig! magpakitang loob at huag lumihís sa katotohanang landas n~g matuíd.
Di bakit si Cristo niyaong nabubuhay guinugol ang pagod hirap kamatayan sa sang mundong tawo ay inia-alay ang ganáp na awang dí han~gad sa yaman.
Ang ugaling yao'y ¿naha't di mangyari sa nan~gáriritong kuno'y kahalili ni Cristo, ay bakit hindí bigyang saksí n~g katotohanang pagkamakandili?
Hindi't ang lagui naming namamasdan ang kalakhang anyó sa nan~gamamayan lalo't walang limos ang dukhang namatay ni hindí na nila ibig bendicionan.
Sa bagay ang isang tawong ililibing bendiciona't dili yao'y iisa rin at wala nang daang baguhi't sirain hatol n~g Justiciang tapát na maglining.
At kun ang bendición ang hagdang pagpanhik sa pinagnanasang bayang matahimik ay dí sana nila dapat ipagkait yaong katungkulang ipagkakalan~git.
Pagka't sila'y m~ga laáng mapagkupkup timbulan n~g sala't n~g hindí malunod, ay ¿bakit sa dukhang walang mailimos ang bendición nila'y ipinagdadamót?
Dito'y mababalak na ang pagkáukol sa lan~git n~g tauo'y hindí sa bendición kun hindí sa linis n~g puso naroon ang ikararapat sa Dios na Poon.
Sapagka't ang handang maligayang lan~git ay hindí sa libing ang ipagkakamit kung hindí sa gawa't wagas na pag ibig sa Dios ang ating hagdan n~g pag panhic.
Gawang kamangman~gan n~g linahi natin balabaling puri ang dakilang libing gugulin ang pilak sa walang hihinti't ang tinatasaha'y bibig sa pagkain.
--Dalmacia'y hintay n~ga't di na makatiis ako sa lahat mong ipinagsusulit ¿ang lahat n~g yao'y ano't nababatid ay isa ka lamang tubong taga bukit?
--Tama ang sabi mo kapatid na hirang na yao'y hindí ko dapat maalaman, n~guni't ito'y m~ga dunong na palagay na higuit sa Pari ang pinag aralan.
Ako naman n~gayo'y lubós ang tiwala, pagka't siya nilang m~ga guinagawa: ang magpakahigpit, at ang pagka-awa sa kapua tawo'y walang mahalata.
Ugaling kastila'y dí binibitiwan n~g m~ga Clerigong dito'y nan~gaiwan, batang bagong anak na pabibinyagan mag rerecargo na'y wala namang utang.
Sa bayang Pulilan ang lalong masakláp sangsalapi't walo ang sin~gil sa binyag, yao'y tubig manding sa Jordang nagbuhat kaya't mahalaga ang naguíguing bayad.
Kagagawang yao'y ¿sino sa may isip ang dí susungkuin n~g paghihinagpis? at mapipilitang isigaw n~g hibik ang m~ga paghamak sa wastong matuíd.
Dito mamumulos ang paghihinala na dí naman ganong sala ang magdaya sapagka't ang m~ga may hawak n~g tan~ga sa bawal ay siyang unang gumagawa.
Akong nagsasabi hindí protestante at sa romanista'y lubos ang pagkampí, n~guni't hindi kayang bathing kong mangyari na ang hindí tama'y siyang manatili.
Paris n~g ugaling guinagawa n~gayon, n~g maraming Pari, liban sa di gayon, ¿kung anong dahilan at pinasusuhol ang may namatayang nagpapa-ataul?
Ito nama'y hindí nagbigay gambala sa kanila't tulong lamang n~g may awa ¿alín katuiran ang nagpanukalang mag multa ang walang salang guinagawa?
¿Ang santong religion baga ang may halál n~g ganoong m~ga palakad sa bayan? sa banta ko'y hindí at ang kabanalan ay dí nagnanasang mag imbot n~g yaman.
Kung sa bagay amin namang natatatap na kayo ay walang ibang paghahanap at may ilang tawo na kinakagawad na nan~gagaantay n~g ano pang bayad.
At saka ang Pari nama'y may gutom din na nagkakagugol tungkol sa pagkain, ¿dahil kaya roo'y di na salang hin~gín ang labis na bayad sa takdang arancel?
¿Ito kaya'y hindí kusang pagsalansang sa linis n~g utos ninyong sinumpaan? ó baka sa amin lamang nababawal at sa m~ga Pari hindi kasalanan.
N~guni at ang inyo namang nakikita sa bayad n~g Bayan ay labis labis na may dakilang libing, kasál at binyag pa may pamisa't saka sarisaring pista.
Ito nama'y pawang pinagbabayaran n~g dí naman mura't sa halagang mahal, yaón sa wari ko ay labis na naman aywan sa m~ga may han~gad sa yaman.
Ang lahat n~g ito ay dapat damdamin ninyo't mawiwikang kulang n~g pagtin~gín --oo ang sagot ko, n~guni't pagwari-in na ang nangyayari ang dapat sisihin.
Dili baga kayo'y ilinagdang pastol sa tanang alaga'y makapagtataboy sa sawíng kalin~ga ay nan~gagsilaboy at sa ibang sexta nasok napa-ampon.
At ang katuirang isinásalita ang sila ay walang aantaing pala balát-kayong banál, buting pakunuwa sa bulág na wari umang na paraya.
At kung kaya kayo'y Kurang nan~gatanghal na pinipintuho sa lahat n~g Bayan dugo't, búhay hirap nami'y pinuhunan saka n~gayo'y wala munti mang pagtanáw.
Bagkus pang pahirap siyáng ginagawa sa búhay n~g m~ga tawong maralita ang limos sa patay na dating mababa n~gayo'y tinaasa't hindí mapaghaka.
¿Anong dahil kaya n~g sumasa-isip kabuhayan nila'y hindí naman guipít? yao'y nau-ukol sa tawong balawís at hindi sa m~ga sálaminan bait.
Ang ganitong sabing pawang masasakláp dí naman mangyaring mabig-yan kong salág sa pagka't di lihim at natatalastas n~g madlá, ang inyong hindí pagtatapat.
Dahil dito'y siyáng sanhíng nag-aakay n~g pagkabalisa sa kinamulatan, sapagka't ang landas na talagang daan n~g santong matuíd ay linilihisan.
Ano pa't kung aking págunamgunamin sanhing nagbibigay guló n~g panimdim kung ano't sa m~ga ulirang susundin doon tumutubo ang PUNO N~G DILIM.
Ito sa dibdib ko ang matinding bikik at dahil n~g aking luhang naguiguilid kahimawari'y magsipanumbalik ang nan~gáliligaw sa Daang Matuíd.