# Kartilyang Makabayan Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andrés Bonifacio at sa KKK

## Part 3

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/kartilyang-makabayan-mga-tanong-at-sagot-ukol-kay-andres-bonifa-5da270e5/index.md

51.--=Nagtagal ba ang gayong katahimikan?=--Hindi. Nang taong 1895 ay muli na naman silang pinagusig. Ang kilusan sa paghihimagsik n~g "Katipunan" na noo'y lumaganap na sa m~ga taong bayan, lalonglaluna sa m~ga lalawigang tagalog, ay sa m~ga mason naman ipinagbintang. Sila na naman ang hinuli, pinahirapan at ipinagbibilanggo. Ang m~ga "convento" ay nagsikilos, ang m~ga pinunong kastila ay paraparang nagsusumikap sa pagbibintang na ang m~ga "logia," ay walang linalayon kundi ang paghiwalay n~g Pilipinas sa España. Ang bun~ga n~g lahat n~g ito ay ang pagsisiyasat sa m~ga bahay bahay n~g m~ga mason, ang pagpapabilanggo, pagpapatapon sa malalayong bayan sa m~ga magiting na kampon n~g "Masonería." Dahil dito, marami rin sa m~ga mason na noong una'y di kasangayon ni Bonifacio sa paghihimagsik, ang tumulong na tuloy sa pagpapalaganap n~g "Katipunan."

=X=

=ANG PAGHIHIMAGSIK=

52.--=Ano ang ginawa n~g "Katipunan" sa harap n~g m~ga nangyayaring yaon?=--Inihanda na ang paghihimagsik. Si Bonifacio at ang ilan niyang matatalik na kawani ang madalas magsilabas sa m~ga bundok na nakalilibid sa Maynila at kanilang pinagaaralan ang tumpak na paraan sa pagsalakay dito at ang magagawang kuta n~g kawal n~g "Katipunan" sa pakikilamas.

53.--=Kailan nahuli ang m~ga kasapi sa "Katipunan"?=--Niyong ika 13 n~g Agosto n~g 1896 sa San Piro Makati. Bagá man m~ga kasapi sa "Katipunan" ang nan~gahuli, ay m~ga "mason" din, daw, alinsunod sa sulat n~g "cura" sa tinurang bayan na si Agustin Fernandez sa pinuno n~g Kastila rito sa Maynila na si Luengo. N~guni't bago pa mangyari ito, ang teniente n~g Guardia Civil na si Manuel Sityar, niyong ika 5 n~g buwan n~g Hulyo n~g taón ding yaon, 1896, ay sumulat na sa m~ga pinuno niya, sa Maynila, at ibinabalita na siya'y may natuklasang inihahandang paghihimagsik laban sa pamahalaan na ang man~ga san~ga ay nasa San Juan del Monte, San Felipe Nery, Pandakan, Marikina at Montalban. Ibinabalita rin na may m~ga ilang libo ang magsisipaghimagsik na nagsipanumpa sa pamamagitan n~g sarili nilang dugo na inilagda sa kasulatan nang sa gayo'y magtumibay sa pakikibaka hanggang sa matamó ang kasarinlan n~g Pilipinas.

54.--=Umabot ba sa kaalaman ni Bonifacio ang ganyang m~ga ibinalita?=--Oo. Simula pa nang itinatag ang "Katipunan", ay nakahikayat na nang ilang kababayang nagsisipaglingkod sa m~ga kawanihan n~g pamahalaang kastila at gayon din ang ilan sa nagsisipaglingkod sa bahay n~g m~ga pinuno at sa m~ga "convento." Nang m~ga araw na yaon, ay nakapaglagay na ang "Katipunan" n~g kaniyang m~ga tiktik sa loob n~g pamahalaan na naghahatid kay Bonifacio n~g m~ga balitang kailan~gan nitó. Kaya, n~g malaman niyang natuklasan na ang "Katipunan" n~g may kapangyarihan, ay pinulong ang lahat n~g m~ga pan~gulo sa m~ga balan~gay at m~ga kasapi sa pook n~g Kankong, Kalookan, niyong ika 17 n~g Agosto n~g 1896. Ang pulong ay sinimulan n~g ika 8 n~g umaga at natapos n~g magtatakipsilim na. Mainit at mahigpit ang kanilang pagtatalo. May m~ga ayaw munang gawin ang paghihimagsik sa kawalan n~g m~ga sandata't baril na ilalaban, n~guni't marami ang may ibig at ayaw nang magsiuwi sa kanikanilang bahay. Sa wakás ay pinagtibay din at bilang saksi n~g pinagkasunduan, lahat ay nagsidukot at kinuha ang kanikanilang m~ga "cedula personal" at pinagpupunit, tandang hindi na sila babalik sa kanikanilang bahay. Pagkatapos ay nagpangkatpangkat na.

55.--=Ano pa ang kanilang pinagtibay?=--Na salakayin ang Maynila n~g ika 30 n~g buwang binanggit. Datapwa, n~g matuklasan ni P. Mariano Gil, "cura" sa simbahan n~g Tundo, ang m~ga kasulatan n~g "Katipunan" at pati n~g batong pinaglilimbagan n~g "recibo" nito, dahil sa sumbong n~g isang nan~gan~galang Teodoro Patiño, na nakuha sa pagawaan n~g pahayagang "Diario de Manila," n~g ika 19 n~g buwang ding yaon, ang m~ga sundalo't "guardia civil" ay nagsisipagsiyasat sa m~ga palipaligid n~g labas n~g Maynila, kaya't n~g ika 23 n~g buwang ito ay nangyari ang unang labanan n~g m~ga iyon sa kawal n~g "Katipunan" sa Balintawak. Sinimulan na ang panghuhuli at pagpapahirap sa m~ga napagbintan~gan.

56.--=Ano ang inilalaban n~g m~ga kasapi sa "Katipunan"?=--Ilang itak, bukaweng tinulisan, palasan, m~ga "revolver" na kinuha n~g m~ga Katipunan sa Maestranza, dalawa o tatlong baril na naagaw sa m~ga sundalo n~g pamahalaang kastila.

57.--=Nagpatuloy ba sa ganito?=--Oo. N~guni't itinatag na ni Bonifacio ang kanyang pamahalaan sa "Pasong Tamo", Kalookan, at pagkatapos sa bundok n~g "Balara", Marikina. Mula doon ay siya'y naguutos sa tulong n~g kanyang m~ga kagawad. Ang pamahalaan n~g "Katipunan," ay di na sa samahang ito lamang kundi binigyan na n~g uring pangbansa. Ganitó: Presidente, Andrés Bonifacio; Ministro de Estado, Emilio Jacinto; Ministro de Guerra, Teodoro Plata; Ministro de Gobernacion, Aguedo del Rosario; Ministro de Gracia y Justicia Briccio Pantas; Ministro de Hacienda, Enrique Pacheco; Secretario General, Daniel Tria Tirona at Tesorero General, Silverio Baltazar (Kapitan sa bayan n~g Kalookan).

58.--=Ang pamahalaan bang iyan ang namatnugot n~g paghihimagsik?=--Oo. Datapwa, ang nais ni Bonifacio, bagaman si Rizal ay di nila kaayon, ay siya'y gawing pan~gulong pangdan~gal at siya'y magawang sanggunian, bagay itong di nangyari. Nang si Rizal ay dumating sa Maynila noong ika 5 n~g Agosto n~g 1896 na galing sa Dapitan na pinagtapunan sa kanya, ay tinangka nina Bonifacio, Emilio Jacinto at ibang kasamahan na siya'y itanan. Si Emilio Jacinto ay nagsuot marinero at nagsadya sa lancha "Caridad" na kinalululanan ni Rizal sa paglunsad sa bapor "España." Kunwa'y naglilinis, at sa isang pagkakataon ay ibinulong sa ating bayani: "Kung kayo po'y ibibilanggo, ay ililigtás namin kayo. Kami'y nahahanda." Palibhasa'y umaasa si Rizal sa kalinisan n~g kanyang budhi sa matapat na pakikisama niya sa pamahalaan noon, sumagot n~g gayari: "Salamat. Huwag ninyong gawin iya sa akin. Bayaan ninyo't nalalaman ko ang aking gagawin." Dahil dito, ang nais na yaon nina Bonifacio ay di n~ga nangyari at sa gayo'y napilitang magkasya na sa sarisarili nilang pamamatnugot n~g "Katipunan."

59.--=May m~ga palatuntunan ba ang paghihimagsik?=--Iilan lamang, yaong lubhang kinakailan~gan sa m~ga unang pagkilos. Pinasiyahan nila na ang magbabalita n~g pagsalakay sa Maynila, ay hihip n~g m~ga "tambuli" mula sa m~ga bundok na kinaroroonan n~g m~ga kawal. Ang hudyatan upang magkakilanlan ang magkakapatid ay ang salitang "Balan~gay" na dapat sagutin n~g "Marikit." Nang ika 27 n~g Agosto, 1896 ay lumipat si Bonifacio at ang kanyang m~ga kasamahan sa pook n~g "Balakbak," nayon n~g "Hagdangbató," at sa isang kamalig, ay kaniyang isinulat at ipinadala sa m~ga kinauukulan ang sumusunod na pahayag:

="m~ga maginoong namiminuno, kasapi at m~ga kapatid:=

"Sa inyong lahat ipinatutungkol ang pahayag na ito. Totoong kinakailan~gan na sa lalong madaling panahon ay putlin natin ang walang pan~galang panglulupig na ginagawa sa m~ga anak n~g bayan, na n~gayo'y nagtitiis n~g mabibigat na parusa at paghihirap sa m~ga bilangguan, na, sa dahilang ito'y mangyaring ipatanto ninyó sa lahát n~g m~ga kapatid na sa araw n~g Sabado, ika 29 n~g kasalukuyan, ay puputok ang paghihimagsik na pinagkasunduan natin, kaya't kinakailan~gang sabaysabay na kumilos ang m~ga bayan-bayan at sabaysabay na salakayin ang Maynila. Ang sino pamang humadlang sa banal na adhikaing itó n~g bayan ay ipinalalagay na taksil at kalaban, maliban na n~ga lamang kung may sakit na dinaramdam o ang katawa'y maysala, at sila'y paguusigin alinsunod sa palatuntunang ating pinagiiral.--Bundok n~g Kalayaan, ika 28 n~g Agosto n~g 1896--ANDRES BONIFACIO."

60.--=Sinunod ba n~g bayan ang pahayag na iyan?=--Lahat n~g nakabatid ay nagsisunod. Kinabukasan n~ga n~g gabi, (29) ay nagkaroon na n~g labanan sa buong paligid n~g Maynila. Nang ika 30 n~g buang ito ay nagkaroon na n~g mahigpit na labanan sa Balintawak, sa San Juan del Monte at sa iba pang pook. Si Bonifacio ay nagpakita n~g di karaniwang katapan~gan at gayon din ang kanyang m~ga kasamahan. Nasupil nila at naagawan n~g ilang baril ang m~ga himpilan n~g guardia civil. Kaya noon din ay ipinasya ni General Blanco, kataastaasang puno n~g Kastila dito sa Pilipinas, na ipalagay na pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang Maynila, Bulakan, Kapampan~gan, Nueva Ecija, Tarlak, Laguna, Batan~gan at Kabite, at iniutos na bantayang mahigpit ang m~ga mamamayan.

61.--=Ano pa ang ginawâ n~g pamahalaang kastila sa harap n~g m~ga pangyayaring yaon?=--Pinagdadakip ang lahat n~g kilalang mason o m~ga kamaganak at kaibigan nila at kinulong sa Bilibid, sa Fuerza de Santiago at sa ibá pang sukat kapiitan, gaya n~g silong n~g m~ga kuta (muralla) na nakakakulong sa loob n~g Maynilà (Intramuros). Ang m~ga mayayamang katulad n~g m~ga Yangko (ama); Roxas, Zamora, Bautista at iba't ibá pa'y pinaghuhuli at piniit sa bilangguan, at gayon din ang m~ga pilipinong napapatan~gi sa dunong at sa kabuhayan. Ang m~ga kasapi sa "Katipunan," ay pinagdadakip din at pinahirapan sa loob n~g bilangguan. Palibhasa'y nakilala na ang kaparaanang ginagawâ sa pagsapi,--dahil sa pagkatuklas n~g binanggit na "cura" sa Tundong si P. Mariano Gil,--lahat n~g m~ga manggagawa sa m~ga pagawaan, ang m~ga lalaking lumalakad sa m~ga lansan~gan sa Maynila at sa m~ga bayang katagalugan, ay isá isáng nilililisan n~g manggas n~g baro n~g m~ga "guardia civil" at "veterana" at tinitignan kung may piklat na gurlis at ibinibilanggo. May m~ga ilan na nagkasugat o tinubuan kaya n~g galis sa bisig, kahit na di sa lugal na kinukudlitan sa pagkuna n~g dugo na inilalagda sa kasulatan n~g panunumpa n~g m~ga kasapi sa "Katipunan," ang ibinilango, pinahirapan at pinagbabaril sa Bagumbayan (Luneta) at sa loob n~g m~ga bilanguan.

62.--=Ang m~ga mayayama't m~ga marurunong na pilipino ay di lamang ang hindi kasapi sa "Katipunan" kundi kasalun~gat pa mandin nito, ¿bakit sila pinagdadakip at pinabaril ang ilan?=--Si Bonifacio rin at ang "Katipunan" ang masasabing may kagagawan n~g gayong panghuhuli. Nang malaman ni Bonifacio na ang m~ga mayaman at m~ga litaw na pilipino, ay ayaw sa paghihimagsik, siya'y umisip n~g isang paraan na ang m~ga ito'y mapadamay sa paguusig sa m~ga taga "Katipunan". Una, ay nang lalong masugatan ang puso n~g m~ga taong bayan kung makitang pati n~g m~ga mayayaman't m~ga litaw na kababayan ay pinipiit at pinagbabaril, at, ikalawa't higit sa una'y nang sa gayon ay lalong lumagablab ang apoy n~g paghihimagsik. Anopa't sa kanyang pagkatunay na manghihimagsik, ang ibig ni Bonifacio ay magkahalohalo na ang balat sa tinalupan. Kaya, nang mairaos na ang pulong na nagpasiya n~g pagsalakay sa Maynila, ay iniutos ni Bonifacio kina Emilio Jacinto at Guillermo Masangkay na isabog sa ilang pook n~g Maynila ang m~ga kasulatan na sadyang inihanda ni Bonifacio at nang m~ga alagad niya, na nagpapakilalang ang m~ga nan~gakalagda ay m~ga kinaalam at kasapi sa "Katipunan," bagaman ang totoo, ay hindi, at ang m~ga kasulatang yao'y ginawa lamang at hinuwaran ang lagda n~g ilang m~ga litaw na mayayaman at marurunong na pilipino nang sa gayo'y mapasubo o isubo sila sa ginampanang paghihimagsik n~g bayang maralita, sa ikabubuti n~g lahat.

63.--=Iyan ba'y inihayag ni Bonifacio sa lahat n~g m~ga kasapi?=--Ang ginawa niyang panghuhuwad sa m~ga lagdang binanggit ay hindi inihayag, n~guni't talagang ipinababasa sa m~ga kasapi sa "Katipunan" at n~g sa gayo'y lalong lumakas ang loob n~g kaniyang m~ga alagad. Katunayan nito, ilan sa m~ga nahuli ang sa hirap sa m~ga pasakit ay nagturó n~g nagturó sa ilang taong litaw, bagama't ang ilan sa m~ga isinigaw ay sa gawa na lamang n~g higpit n~g m~ga parusa.

64.--=At ano ba ang m~ga parusang iginagawad sa m~ga hinuhuli?=--Mahaba't ma'y kahirapang isaisahin. N~gunit ang karaniwan ay ang huwag pakanin n~g maghamaghapon; paluin sa talampakan; palakarin sa munggo, ibitin n~g patiwarik at biglang ibagsak; paluin n~g palasan n~g patihaya; duruin n~g aspile ang kukó; inisin sa m~ga bartolina na maghamaghapong nakatayo; ilubog sa balon at makasandali'y han~guin at iba't iba pa. Sa katapustapusan ay barilin.

65.--=Sino sino ang m~ga pinagbabaril?=--Hindi maaaring isiwalat. Marami. Sa m~ga kasapi sa "Katipunan" ay di na kailan~gan sabihin pa. N~guni't ang m~ga unang ipinabaril n~g pamahalaang kastila sa Luneta noong ika 4 n~g Septiembre n~g 1896, ika 5 at 1/2 n~g hapon, ay siná: Sancho Valenzuela, Eugenio Silvestre, Modesto Sarmiento at Ramon Peralta. Ang m~ga masong binaril sa Maynila ay ito: Jose Rizal, Domingo Franco, Numeriano Adriano, Moises Salvador, Luis E. Villareal, Faustino Villaruel, Ramon Padilla, Jose Dizon at Antonio Zalazar. Sa m~ga lalawigan naman ang m~ga masong binaril o pinatay (marami ang sa hirap n~g m~ga parusa ay namamatay) sa gayon o ganitong kadahilanan ay ang sumusunod: Rosalio Silos, sa Mindanao; Lauro Dimayuga, sa Batan~gan: Domingo Cecilio, Ciriaco Sarile, Teodorico Lagonera, Pantaleon Belmonte, Quintin Tinio, Mamerto Natividad, at Marcos Ventus sa Nueva Ecija: Francisco Tañedo at Procopio Hilario sa Tarlak: Leon Hernandez sa Kamarines; at ang ilan sa m~ga binaril sa Kabite ay sina Victoriano Luciano, Maximo Inocencio, Feliciano Cabuco, Eugenio Cabezas, Hugo Perez, Maximo Gregorio, Jose Lallana, Severino Lapidario at Alfonso Ocampo.

66.--=Ilang panahon nagtagal ang paghihimagsik?=--Mula n~g ika 29 Agosto n~g 1896 hanggang noong pumasok sa Maynila ang hukbo n~g m~ga amerikano noong ika 13 n~g Agosto n~g 1898, bagaman n~g lagdaan ang "Pacto de Biak-na-Bato" noong ika 4 n~g Agosto n~g 1897, ay nahinto ang labanan na inulit uli n~g Mayo n~g taong sumunod, 1898, n~g nagbalik dito si Aguinaldo na buhat sa Hongkong. Dapat din sabihin na naririto na ang m~ga amerikano sa Maynila, ay nakikipaglaban pa ang kawal n~g paghihimagsik sa ilang bayan na hindi pa nahuhulog sa kamay n~g m~ga pilipino at sa katunaya'y ang ilan ay nagsisuko o napasuko nang naririto na sa Maynila ang hukbó n~g amerikano.

67.--=Kailan dumating sa Pilipinas ang m~ga Amerikano?=--Noon n~gâng unang araw n~g Mayo n~g 1898. Nagbubukang liwayway n~g nagsipasok sa look n~g Maynila ang m~ga sasakyang-dagat na pangdima n~g Estados Unidos at kapagkaraka'y nilusob ang m~ga sasakyang dagat na pangdima n~g m~ga kastilà at m~ga ilang sandali lamang ay napipilan at napalubog itong m~ga huli. Sa look n~g Maynila ay namalagi ang m~ga sasakyang dagat na nagwagi hanggang noong ika 13 n~g Agosto n~g 1898 na nilusob n~g hukbong amerikano ang Maynila at sa kanilá isinuko ang bayang ito n~g m~ga maykapangyarihang kastila n~g araw ding yaon.

68.--=At ang hukbo n~g "Katipunan," ay ano ang ginawa n~g araw na yaon?=--Dapat munang sabihin na hindi na hukbo n~g "Katipuuan" ang máitatawag sa m~ga kawal na yaong nagsipaghimagsik, sa dahilan noon ika 24 n~g Mayo n~g 1898, nang si Emilio Aguinaldo, ay magbalik sa Kabite na galing sa Hongkong (ika 15 n~g Mayo, 1898), ay itinanghal niya ang kasarinlan n~g Pilipinas, na siya ang pinaka Dictador, kundi hukbo n~g Pamahalaang Pilipinong Naghihimagsik. Noong ika 12 n~g Hunyo n~g 1898, ay inihayag at itinanghal naman sa Kawit ang uri n~g Pamahalaang sarili n~g Sangkapuluang Pilipinas at susog dito'y itinatag ang Pamahalaang Pilipinong Naghihimagsik, na ang Pan~gulo ay si Emilio Aguinaldo. Ang m~ga kawal n~ga nito, ay nangakarating at nagsihimpil hanggang sa m~ga nayon n~g Maynila, gaya n~g Gagalan~gin, Cervantes, Sampalok, Santa Mesa, Pako at Ermita, kasabay halos n~g hukbong amerikano na nagsipasok n~g ika 13 n~g Agosto n~g 1898.

69.--=Ano pa ang nangyari?=--Ang hukbo n~g Estados Unidos, ay nasa Maynila at Kabite (kabayanan) at ang hukbong pilipino nama'y siya n~gang sumasakop sa m~ga bayanbayan at nakikipaglabanan pa sa hukbó n~g m~ga kastila doon sa ilang bayang nasa kamay pa n~g m~ga ito. Nang ika 15 n~g Septiembre n~g 1898, ay idinaos sa simbahan n~g Barasoain, Malolos, ang unang Kapulun~gang Bayan na binubuo n~g 85 kinatawan n~g m~ga lalawigan n~g Sangkapuluang Pilipinas. Nang ika 29 n~g Nobyembre n~g taon ding ito ay pinagtibay n~g kapulun~gang sinabi ang Pan~guluhang-batas (Constitucion) na paiiralin sa Pilipinas at n~g 21 n~g Enero n~g 1899, ay inihayag na't pinairal ang binanggit na Pan~guluhang-batas at tuloy itinanghal ang República Filipina sa simbahan n~g Barasoain, Malolos.

70.--=Bakit namayani sa Pilipinas ang hukbo n~g Estados Unidos?=--Ganito ang nangyari: Nang ika 20 n~g Disyembre n~g 1898 ay pinagkasunduan n~g España at Estados Unidos ang paghinto n~g kanilang digmaan, na nagmula n~g buwan n~g Abril n~g 1898. Ang linagdaang yao'y pinagtibay n~g Senado n~g Estados Unidos n~g ika 6 n~g Pebrero n~g 1899. Sa kasunduang ito'y ipinagkaloob n~g España sa Estados Unidos ang Sangkapuluang Pilipinas. Nang ika 4 n~g Enero n~g 1899, ay iniutos n~g Pan~gulong Mckinley n~g Estados Unidos sa kay General Otis na siyang namiminuno sa hukbong amerikano sa Pilipinas na ipakilala sa m~ga pilipino ang kapangyarihan n~g Estados Unidos dito. Ang Pamahalaang pilipino ay tumutol at ayaw kilanlin ang nasabing kapangyarihan at karakaraka'y inihanda ang m~ga kawal sa pakikibaka. Lahat n~g katwiran n~g isang bayang natutong maghimagsik ay ginamit. Nang kagabihan n~g ika 4 n~g Pebrero n~g 1899, isa sa m~ga pinuno n~g hukbong pilipino ang ibig bumagtas sa tulay n~g San Juan del Monte, n~guni't siya'y binaril n~g nakabantay doon na isang sundalong amerikano. Dito na nagsimula ang pakikibaka n~g hukbong amerikano laban sa hukbong pilipino na nagtagal n~g ilang taon, hanggang sa napipilan n~g lakas n~g malaki at mayamang Estados Unidos ang kamuraan at kahinaan n~g Republica Filipina.

71.--=Kailan lamang nagsisuko ang lahat n~g ating kawal?=--Baga ma't si Emilio Aguinaldo ay nadakip n~g ika 23 n~g Marso n~g 1901, sina general Lukban, sa Samar, at si Malvar, sa Batan~an, ay nagsilaban pa at nagsisuko na lamang na kasama ang kanilang m~ga kawal n~g talagang supil na supil na n~g kalaban at wala n~g makain. Ang una'y sumuko n~g Pebrero n~g 1902 at ang ikalawa ay n~g Hunyo n~g tinuran ding taon.

=XI=

=TAGUMPAY AT PAHIMAKAS=

72.--=Samakatwid ang panghihimagsik n~g "Katipunan" n~g Agosto n~g 1896, ay siyang pinanggalin~gan n~g Hukbo n~g Pilipino at siyang ginamit sa pagtatatag n~g Republica Filipina?=--Oo. At salamat sa paghihimagsik na yaon ay taas ang noo n~g bayan natin sa paghin~gi n~g kalayaan at kasarinlan. Anopa't ang isang bayang natutong maghimagsik dahil sa kanyang kasarinlan ay karapatdapat na mabuhay n~g malaya.

73.--=Lahat ba'y kumikilala sa kadakilàan n~g ginawa ni Bonifacio at n~g "Katipunan" ukol sa Bayan?=--Nang m~ga unang araw ay hindi, lalunglaluna ang m~ga pusakal niyang kalaban na m~ga "fraile." Sa pahayagan n~g m~ga ito na ang pamagat ay "Libertas" ay sinabing kung ipagtatayo, raw n~g monumento si Andrés Bonifacio ay mapan~gan~ganlang "monumento al crimen," at ang m~ga heswita nama'y ipinalalagay na ang amá n~g "Katipunan" ay isang "criminal" sa kasaysayan n~g Pilipinas na itinuturo nila sa m~ga bata sa Ateneo de Manila. Ito'y tinutulan n~g m~ga pahayagang pilipino at n~g ilang m~ga litaw na kababayan.

74.--=Ano ang ginawàng paran~gal n~g bayan kay Bonifacio at sa "Katipunan"?=--Mula n~g taong 1901 sa isang pook nitong Maynila, sa daang Alvarado, ay nagdadaos taón-taón n~g paran~gal na alaala sa amá n~g "Katipunan." Untiunti ay lumalaki ang ginagawang yaon at lumalaganap sa ibang m~ga pook n~g Tundo. Nan~g ika 3 n~g Septiembre n~g 1911, sa balak n~g m~ga pahayagang tunay na makabayan na "El Renacimiento" at "Muling Pagsilang" at sa pagaambagambagan n~g m~ga taong bayan, ay itinayo ang bantayog sa Balintawak, na bilang alaala sa m~ga bayani n~g panghihimagsik n~g 1896. Ang Legislatura Filipina naman, sa balak n~g Kapulun~gang Bayan, ay naglaan na n~g salaping igugugol sa isang bantayog sa nayon n~g Kalookan na kahahangganan n~g daang "Avenida Rizal," bilang alaala at pagbubunyi n~g bayan kay Andrés Bonifacio. At noong ika 30 n~g Nobyembre n~g 1920, ang Senador Lope K. Santos, ay nagharap sa Senado n~g isang mungkahing kautusan na itinatakdaang araw na pan~gilin ang ika 30 n~g Nobyembre, bilang alaala sa araw na iyan na kapan~ganakan ni Andrés Bonifacio. Pinagtibay naman n~g Legislatura Filipina at ang bilang n~g batas ay 2946. Kayâ, mula noong ika 30 n~g Nobyembre n~g taong 1921, ay ginagawa n~g pan~gilin ang araw na ito sa taon-taon. Sa gayo'y napagtibay na n~g m~ga tunay na Kinatawang-bayang nagsisibuo n~g Senado at n~g Cámara de Representantes; ang mahalagang utang n~g Sangbayanang Pilipinas kay Andrés Bonifacio at sa "Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Bayan," na pinagmulan n~g tagumpay n~g minimithing Kasarinlan sa puso n~g lahat.

75.--=Kailan namatay si Bonifacio at ano ang ikinamatay?=--Ang m~ga tanóng na iyan ay mahabang salaysayin. Gayon man, ay pagaralan nating ipatanto ang ilang bagay ukol sa pagkapatay sa kanya. Sa dahilang hindi nagkakaisa noong m~ga unang buan n~g taong 1897, ang m~ga pinuno n~g Paghihimagsik, na nasa sa Kabite, na sina Bonifacio, Aguinaldo at iba pa ukol sa m~ga kaparaanan n~g kanilang ginagampanan, ay nagkaroon n~g m~ga hinanakitan sa loob ang isa't isa. Ang hinanakitang yao'y isinaysay ni Bonifacio na rin sa dalawa niyang sulat kay Emilio Jacinto, na ginawa sa Naik ukol sa ika 16 n~g Abril ang isá at ang isá nama'y ukol sa ika 24 n~g buan ding ito n~g taong 1897 na yari sa Limbon. Anopa't sa ikalawang sulat ay sinasabing siya'y mayhinala na sina Aguinaldo at ang m~ga kapangkat nito'y ibig "isuko ang buong Revolucion."

"Isang balitang nakasusuka--ang wika ni Bonifacio sa sulat niyang ito kay E. Jacinto--ay ang kataksilan n~g m~ga namiminuno sa "Magdalo". Sila'y napasakop sa kapatawaran (indulto) o kumampí sa m~ga kastila. Ang tinurang m~ga puno ay sina: Daniel Tirona, Ministro de la Guerra; José del Rosario, Ministro del Interior; José (?) Cailles, Teniente general, at ang iba pang m~ga tagá Tansá at pati n~g "cura" roon, na m~ga alipuris ni Kapitang Emilio."

Nang 1896, ay may dalawang pangkat sa lalawigang Kabite na nagsisipamatnugot sa paghihimagsik doon. "Magdalo" ang pamagat n~g isa na pinan~gun~guluhan ni Baldomero Aguinaldo (kapatid ni Kapitang Emilio), at ang isa nama'y pinamagatang "Magdiwang," na pinan~gun~guluhan naman ni Mariano Alvarez. Ang nasasakupan n~g una'y ang m~ga bayang Kawit, Imus, Bakood, Perez Dasmari~nas, Silang, Mendez Nuñez at Amadeo, at ang nauukol naman sa huli'y ang iba pang m~ga bayan n~g tinurang lalawigan.

