Kartilyang Makabayan Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andrés Bonifacio at sa KKK

Part 4

Chapter 43,883 wordsPublic domain

Nang makapasok na ang hukbó n~g m~ga kastila sa maraming bayan n~g Kabite, mula n~g mapatay ang bayaning si Evangelista sa Sapote, n~g ika 17 n~g Pebrero n~g 1897, ang pangkat na "Magdalo" ay umurong sa San Francisco de Malabon at umanib sa pangkat na "Magdiwang." At upang magkaroon n~g pagkakaisa sa pamamatnugot n~g paghihimagsik doon, noong ika 12 n~g Marzo n~g 1897, ay nagdaos n~g isang pulong silang m~ga nagsisibuo n~g dalawang pangkat upang itatag ang isang Pamahalaang Tagapamatnugot n~g Paghihimagsik sa "casa-hacienda" sa Tejeros. Ang nan~gulo ay si Andrés Bonifacio na rin. Bago idaos ang halalan n~g m~ga magsisibuo n~g tinurang Pamahalaan ay ipinatalastas ni Bonifacio na, anoman ang kalabasan, ay kaniang igagalang. Ginawa ang halalan at ang kinalabasan ay itó: Emilio Aguinaldo, Pan~gulo; Mariano Trias, Ikalawang-pan~gulo; Pan~gulong hukbo, Artemio Ricarte; Taga-Pamatnugot n~g Digma, Emiliano Riego de Dios; at si Bonifacio ay Director del Departamento del Interior. Si Bonifacio ay hindi tumutol sa kinalabasan n~g halalan; n~gunit si Daniel Tirona, ay tumutol sa pakakahalal kay Bonifacio, at ipinalagay na "dapat ihalal si José del Rosario sa tungkol na pinaglagyan kay Bonifacio," pagkat ang taong kanyang ipinalalagay ay "lalong maykaya kay sa napahalal, sa tungkuling hahawakan." Dito, umanó, nagpakita n~g hinanakit at poot si Bonifacio. Nagkaroon n~g m~ga kasulatan n~g pagtutol sa halalang binanggit sa una. May m~ga tutol na linagdaan nina Andrés Bonifacio, Procopio Bonifacio, Mariano Trias, Pio del Pilar, Artemio Ricarte at Severino de las Alas. Makalipas araw, ay naapula rin ang tutulan at ang isa't isa sa m~ga nahalal at sampu n~g m~ga pinunong sakop n~g Pamahalaang yaon, ay paraparang nagsisumpa n~g kanikanilang tungkol. Sa sama n~g loob, ang ginawa ni Bonifacio at n~g dalawa niyang kapatid na sina Procopio at Ciriaco ay nilisan ang Kabite at pumatun~go sa m~ga bundok n~g San Mateo. Sila'y hinabol n~g m~ga kawal ni Aguinaldo. Napatay ang kapatid niyang si Ciriaco. Si Andrés Bonifacio ay nagkaroon n~g tatlong sugat at siya'y binihag n~g m~ga humabol sa kanila pati n~g isa niyang kapatid. Dinala sila sa Naik at pagkatapos sa Marigundong. Tatló naman ang nasugatan sa nagsihabol.

76.--=At ano ang ginawâ sa kanila?=--Sa "Bundok Buntis" sila inihantong. Isang "Hukom n~g Digma" ang itinatag upang ang magkapatid ay mahatulan sa ibinubuhat na kasalanang umano silang dalawa'y nagtatayo n~g isang lakas na isasalun~gat sa Paghihimagsik at nag-sisiiwas sa Pamahalaan n~g Paghihinmagsik. Ang tinurang hukom, ay pinan~gun~guluhan n~g binitay na si General Noriel at ang iba pang nagsisibuó, ay siná Clemente J. Zulueta; Pedro Lipana, Juez Instructor; Santos Nocon, Fiscal; at m~ga saksi ay sina Agapito Bonzon at Pedro Sison. Ang tagapagtanggol ni Andrés Bonifacio ay si Teodoro Gonzalez, na naging kalihim niya. Ang naging hatol n~g Hukuman ay ipadala silang magkapatid sa pook n~g Look, Batan~gan, upáng doon sila mamalagi. Datapwâ, dahil, umanó, sa matinding pagsalakay n~g hukbó n~g m~ga kastila at sa mahigpit na kahilin~gan n~g marami na di kaayon ni Bonifacio, ang magkapatid, ay binaril sa "Bundok Buntis," noong ika "10 n~g Mayo n~g 1897," isáng araw bago mapasok n~g hukbong Kastilà ang Marigondong.

Malaking pagdaramdam ang naghari sa lahat, n~g mabalitaan ang naging wakás n~g buhay n~g Amá n~g "Katípunan." Gayon man, ay hindi rin nagkapangkatpangkat ang m~ga kawal n~g Paghihimagsik at ang lahat ay kumilala sa m~ga nahalal na pinunong nagsisipamatnugot n~g Paghihimagsik sa ilalim n~g kataastaasang pan~gun~gulo ni Emilio Aguinaldo. May m~ga ibá pang balita ukol sa nangyaring iyan kay Bonifacio. Datapwa, sa ganang atin, ay maaring buuin ang m~ga pangyayaring yaon ukol sa pagkamatay niya, sa ganitó:

Na, siná Bonifacio at m~ga kapatid ay hindi kaayon nina Aguinaldo at m~ga kapangkat nitó at ang gayo'y pinagmulan n~g samaan n~g loob n~g isá't isá;

Na, ang samaan n~g loob na yaon, ay tumimo sa puso ni Bonifacio, pagkaraan n~g halalang ginawa n~g m~ga Tagapamatnugot n~g Paghihimagsik;

Na, si Bonifacio ay humiwalay sa Pamahalaang yaon, at ayaw kilanlin at sila'y lumaban sa humabol sa kanila;

Na, siya'y hinatulan n~g isáng sadyang Hukuman ukol sa m~ga panahong yaon, at siya't ang kanyang kapatid, ay binaril sanhi sa m~ga kadahilanang nabanggit na; at

Bagaman nangyari ang m~ga malulungkot na bagay na yaon, ang Pamahalaang Tagapaghimagsik na binanggit, ay kinilala n~g m~ga pinamamahalaan at n~g madlang kampon; at ang Paghihimagsik na siyang pan~gunahing layon ni Bonifacio, ay naganap n~ga.

77.--=Anó ang palapalagay hinggil sa pakakapatay kay Bonifacio?=--Hindi nagkakaisa ang lahat sa kanilang kuro at palagay ukol sa pagkapatay na yaon sa Ama n~g ating Paghihimagsik. Nagkakasalun~gatan at nagkakaibá. May nagsasabing tumpak at may nagsasabing hindi. Si José Clemente Zulueta ang siyang, umanó, nagsabi, na "Kailan~gan sa ikapagtatagumpay n~g Paghihimagsik ang pagkapatay kay Bonifacio, n~g m~ga panahong yaon": at ang kilalang mananalaysay na si Epifanio de los Santos, sa kanyang isinulat ukol kay Bonifacio, na pinagkunan n~g ilang mahalagang salaysay n~g munting aklat na ito, ay wari'y nagpapakilala n~g pagsang-ayon sa kuròng yaon ni Zulueta; subali't si Mabini, ang Dakilang Lumpo, ay kasalun~gat. Anitó sa kanyang talàang ukol sa Paghihimagsik:

"Sino mang sumuri--ang wika ni Mabini--ay walang matatagpuang bahagya mang katwiran na sukat magpagaan sa inasal na yaon ni Aguinaldo (kay Bonifacio). Si Andrés Bonifacio--ang patuloy--ay dî maipalalagay na may mababang kakayahan at dunong sa sinoman sa m~ga napahalal sa pulong na yaon, (halalan n~g ika 12 n~g Marzo, 1897) bagkús pa n~gang nagpakita n~g katalinuhan at kakayahang dî karaniwan sa kanyang pakakapagtatag n~g "Katipunan". Lahat n~g m~ga manghahalal ay paraparang m~ga kaibigan ni G. Emilio Aguinaldo at ni G. Mariano Trias na nan~gagkakaisá, samantalang si Bonifacio ay pinagaalinlan~ganan, bagama't nagpakilala n~g isáng malinis na kaugalian, dahil lamang sa siya'y hindi tagá Kabite; iyan, ang sanhi n~g kanyang hinanakit. Ganoon pa man, ang paghihinanakit na ito ni Bonifacio ay dî niya ipinakilala sa anomang marahas na pagtutol, at sa katunaya'y n~g makita niyang sinoma'y dî nagsusumakit sa ikapagkakasundo nila, ay nagkasya na lamang sa pagalis sa lalawigan n~g Kabite upáng tumun~go sa San Mateo na kasama ang kanyang m~ga kapatid. Kung aalagatain na si G. Aguinaldong nahalal na pinuno, ay siyang kaunaunahang dapat managot sa dî paggalang at pagsunod sa Pan~gulo n~g "Katipunan" na kanyang kinasasaipan; kung gugunitain na ang pagkakasundo nilá ay siyang tumpak na lunas sa mahigpit at maselang katayùan n~g Paghihimagsik, ang sanhi n~g pagkakapatay (kay Bonifacio), ay dî maaring ipalagay kundî isáng han~garin lubhang nakasisirang puri doon: sa ano't paano man ang gayong kapaslan~gan ay siyáng kauunaunahang tagumpay n~g pagiimbot laban sa tunay na pagibig sa bayan...."

Sa pagaalaalang baká hindî namin naisalin sa wikàng sarili ang tunay na kahulugan n~g m~ga pan~gun~gusap ni Mabini, ay sipiin nating buôngbuô ang kanyang sulat sa wikàng kastilà, na anya'y:

"La critica no encuentra justificación ni siquiera atenuante para esta conducta del Sr. Aguinaldo. Andrés Bonifacio no era menos instruido que cualquiera de los elegidos en la reunión mencionada, y habia demostrado sagacidad no común organizando el Katipunan. Todos los electores eran amigos de Don Emilio Aguinaldo y Don Mariano Trias que estaban unidos, mientras que Bonifacio era mirado con desconfianza, a pesar de haber demostrado un carácter íntegro, solamente porque no era de la provincia; asi se explica su resentimiento. Sin embargo esto no se manifestó por ningún acto de violenta oposición, pues, viendo que nadie trabajaba por la reconciliación, se contentó con salir de la provincia para San Mateo en compañia de sus hermanos. Cuando se considera que el Sr. Aguinaldo, jefe elegido, habia sido el primer responsable de insubordinación al jefe del Katipunan a que pertenecia como miembro: cuando se reflexióna que la reconciliación era la única solución apropiada al estado critico de la revolución, el móvil del asesinato no puede atribuirse sino a sentimientos que altamente deshonran a aquel: de todos modos semejante crimen constituye el primer triunfo de la ambición personal contra el verdadero patriotismo...."

Sa harap naman n~g matipuno at may katulisang m~ga pan~gun~gusap na iyan ni Mabini, ay naitó ang ilang katotohanan. Sa sariling taláan n~g asawa ni Bonifacio, na ang sagisag ay "Lakambini," na ipinadala kay Emilio Jacinto, ay sinasabing si Coronel Agapito Bonson, ay siyang sa boong pitagan ay umanyaya sa kanyang asawa, "upang magawa ang pakikipagkasundo," anyaya ito na tinanggihan ni Bonifacio. Si Antonio Guevara naman, isá sa m~ga kaayon ni Bonifacio, sa isáng sulat, kay Emilio Jacinto buhat sa Laguna, ika 3 n~g Mayo, 1897, ay nagsasabing sina Coronel Intong at ibá pang puno ay nagsadya sa bahay ni Bonifacio, upang hikayatin ito na mili n~g bayang ibig niyang karoroonan n~g sa gayo'y huwag silang magkahiwahiwalay. Hindi tinanggap ang gayong anyaya at payo, at sumagot n~g ganito:

"Patatawarin ninyo kundi ko matanggap ang inyong anyaya sa akin. Di na ako manunumhalik kailan man, pagka't hindi ko na matitis ang m~ga ginawâ sa akin. Una'y pinagdadamutan kami sa kakanin, at ¿anó ang aking gagawin sa m~ga balo't nan~gaulila, ang m~ga anak at m~ga asawa, na nan~gatirá dahil sa labanan sa Malabon at Nobeleta? Inaakala ko--ang patuloy--na kung sa inyó mangyayari ang m~ga bagay na itó at buo ang inyong m~ga puso, kayo mang iyan, ay aabutin din n~g yamot at hinawa. Ikalawa: naririnig ko rian na akó raw ay isang taong walang kabuluhan dito sa lalawigan n~g Kabite at sa gayo'y dapat akong huwág kilalanin. Sa ganito n~ga, ang marapat ay lisanin ko ito, yayamang di mawawalan n~g maaawa sa akin sa m~ga lalawigan n~g Maynilà, Bulakán al Nueba Esiha." Ang sagot n~g m~ga kausap ay, "Kung gayon, ay kami'y magsisiuwi na pagka't ang m~ga tao nami'y hindi pa nagsisikain."

Katotohanan din naman na, kung napipilan ang paghihimagsik sa lalawigan n~g Kabite, ay nakaganti naman sa pagsalakay na ginawa sa m~ga kaaway sa Batan~gan, Laguna, Rizal, Bulakan, Bataan, Nueba Esiha, Kapangpan~gan, Tarlak, Pangasinan, at iba pa. Ito'y nangyari pagkatapos nang mapatay si Bonifacio. Sa makatuwid, ang pagkakaisa ay di nasira n~g gayong napakalungkot na pagkitil sa buhay n~g Ama n~g Paghihimagsik. Parapara pang nan~gagkaroon n~g ibang tapang, ayon sa m~ga nagawàng pagpapagupo sa hukbó n~g m~ga Kastila, na natatalá sa Kasaysayan, hanggang sa napilitang kilanlin n~g pamahalaang kastilà ang pamahalaan n~g Paghihimagsik sa tinatawag na kasunduan sa "Biak-na-Bato."

Gaya n~g sinabi na, mahabang salaysayin ang buong pangyayari hinggil sa pagkamatay kay Andrés Bonifacio. N~guni't sa ano't paano man, ay minsan pang napatunayan na ang m~ga dakilang bayani n~g isang bayan o n~g isang adhikang matayog na pangpatubós, katulad ni Andrés Bonifacio, ay karaniwang namamatay sa "hindi talaga n~g Dios." At napatunayan din naman ang pagibig sa Tinubuan n~g m~ga kawal n~g "Katipunan" at gayon din n~g bayan sa pagsunod sa "iisang pamamanihala," bagama't kinitlan n~g buhay ang nagsikap, nagmunakala at nagsimulâ n~g Paghihimagsik, at iyang kalinisan n~g adhikà n~g m~ga taong bayan sa pakikibaka dahil sa ikalalayà n~g lupang sarili, ay napatampok hanggang sa naihatid sa tagumpay ang Bayan.

Samantala'y pabayaan na natin ang Istorya--na dî maàarìng magbulaan at pabulaanan--na maalam maggawad n~g marahás na parusa sa sinomang sa kanya'y magkulang, ang siyang magpasyá sa pagkamatay na iyan n~g Dakilàng Dukhâ n~g ating Lahî.

78.--=May m~ga sulat bang naiwan si Bonifacio?=--Mayroon. M~ga pahayag ukol sa paghihimagsik, "Ang dapat mabatid n~g m~ga Tagalog," "Ang Pagibig sa Tinubuang bayan," (tula) at iba pa. N~guni't ang lalong pinakamahalaga, bukod sa palatuntunan at m~ga aral n~g "Katipunan," at ang "Katungkulang gagawin n~g m~ga Anág n~g Bayan," ay ang "Huling Paalam" ni Rizal, na kanyang isinatagalog sa gitna n~g pagdadagundong n~g Paghihimagsik, na siyang inaawit n~g ating m~ga kawal n~g sila'y nakikipaglaban sa Kastilà.

Naito ang pahimakas ni Rizal na isinatagalog niya:

=PAHIMAKAS NI DR. JOSE RIZAL=

Pinipintuho kong Bayan ay paalam, lupang iniirog n~g sikat n~g araw, mutiang mahalaga sa dagat Silan~gan, kalualhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging marin~gal man at labis alindog sa kagalin~gan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay n~g iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay di kailan~gan, cípres ó laurel, lirio ma'y patun~gan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.

Ako'y mamatay, n~gayong namamalas na sa silan~ganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod n~g luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailan~gan na maitim sa iyong liway-way, dugo ko'y isabog at siyang ikinang n~g kislap n~g iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip n~g kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsan masilip sa dagat Silan~gan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakás kunot n~g kapighatian gabahid man dun~gis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita manin~gas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyaw n~g diwa pag hin~gang papanaw n~gayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal, hinin~ga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y masilong sa iyong Kalan~gitan.

Kung sa libin~gang ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa man~ga labi mo'y mangyaring ílapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam, sa lamig n~g lupa n~g aking libin~gan, ang init n~g iyong pag hin~gang dalisay at simoy n~g iyong pag giliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang liwanag niyang lamlám at tahimik, liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at han~ging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong sa cruz ko'y dumapo kahi't isang ibon doon ay bayan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang nin~gas n~g sikat n~g araw ula'y pasin~gawin noong kainitan, magbalik sa lan~git n~g boong dalisay kalakip n~g aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw tan~gisang maagang sa buhay pagkitil: kung tungkol sa akin ay may manalan~gin idalan~gin Báyan yaring pagka himbing.

Idalan~ging lahat yaong nan~gamatay, nan~gagtiis hirap na walang kapantay; m~ga iná naming walang kapalaran na inahihibik ay kapighatian.

Ang m~ga bao't pinapan~gulila, ang m~ga bilangong nagsisipag dusa: dalan~ginin namang kanilang mákita ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libin~gan't, tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay, huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain: kaipala'y marin~gig doon ang taginting, tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw, ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.

Kung ang libin~gan ko'y limót na n~g lahat at wala n~g kruz at batóng mábakas, bayang lina~gin n~g taong masipag, lupa'y asarolin at kanyang ikalat.

At m~ga buto ko ay bago matunaw máowi sa wala at kusang maparam, alabók n~g iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magka gayon na'y aalintanahin na ako sa limot iyong ihabilin pagka't himpapawid at ang pan~ganorin m~ga lansan~gan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunóg ako sa din~gig mo, ilaw, m~ga kulay, masamyong paban~gó, ang úgong at awit, pag hibik sa iyo, pag asang dalisay n~g pananalig ko..

Báyang iniirog, sákit niyaring hirap, Katagalugang kong pinakaliliyag, dingin mo ang aking pagpapahimakas: diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutun~go sa walang busabos, walang umiinis at verdugong hayop: pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang doo'y haring lubos.

Paalam, magulang at m~ga kapatid kapilas n~g aking kaluluwa't dibdib m~ga kaibigan bata pang maliit sa aking tahanan di na masisilip.

Pag pasalamatan at napahin~ga rin, paalam estran~gerang kasuyo ko't aliw. paalam sa inyo m~ga ginigiliw: ¡mamatay ay siyang pagkagupiling!

=KATUNGKULANG GAGAWIN N~G M~GA= =ANAK N~G BAYAN=

(_Dekálogong sinulat ni Andrés Bonifacio_)

I

Ibigin mo ang Dios n~g boong puso.

II

Pakatandaang lagi na ang tunay na pagibig sa Dios ay siya ring pagibig sa Tinubuan, at iyan din ang pagibig sa kapwa.

III

Itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan n~g puri't kaginhawahan ay ang ikaw'y mamatay dahil sa ikaliligtas n~g Inang-Bayan.

IV

Lahat n~g iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw'y may hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at ginagawa.

V

Pagin~gatan mo, kapara n~g pagiin~gat sa sariling puri, ang m~ga pasya at adhikain n~g K.K.K.

VI

Katungkulan n~g lahat na, ang nabibin~git sa malaking kapahamakan sa pagtupad n~g kanyang tungkulin ay iligtas sukdang ikapariwara n~g sariling buhay at kayamanan.

VII

Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad n~g ating tungkol ay siyang kukunang halimbawa n~g ating kapwa.

VIII

Bahaginan mo n~g iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapus-palad.

IX

Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi n~g pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa't m~ga anak, sa iyong kapatid at m~ga kababayan.

X

Parusahan ang sinomang masamang tao't taksil at purihin ang mabubuting gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutun~go n~g K.K.K. ay m~ga biyaya n~g Dios; na anopa't ang m~ga ninasa n~g Inang-Bayan, ay m~ga nasain din n~g Dios.

(_Salin n~g nasa sa wikang kastila_)

=M~GA TALANG MATATAGPUAN SA AKLAT NA ITO=

=1521.=--Ika =26 n~g Marzo=, kaunaunahang pagdatal sa Pilipinas n~g m~ga kastila.

=1863.=--Ika =30 n~g Nobyembre=, kapan~ganakan kay Andrés Bonifacio.

1872.--Ika 28 n~g Pebrero, pagbitay kiná Gomez, Burgos at Zamora.

1892.--Ika 26 n~g Hunyo, paglunsad ni Rizal sa Maynila.

=1892.=--Ika =7 n~g Hulyo=, pagkakapabilanggo kay Rizal ni General Despujol, sa Fuerza de Santiago.

=1892.=--Ika =7 n~g Hulyo=, pagkakatatag n~g "Katipunan."

1896.--Ika 1 n~g Enero, pagkakahalal sa m~ga magsisibuo n~g Pan~guluhan n~g "Katipunan."

1896.--Ika 1 n~g Enero, unang labas n~g pahayagan n~g "Katipunan" na ang pamagat ay "Kalayaan."

1896.--Buwan n~g Mayo, sinugo ni Bonifacio si Dr. Valenzuela kay Rizal.

1896.--Ika 5 n~g Hulyo, sulat n~g pinuno n~g sibil na si Sityar sa m~ga pinunong kastila sa Maynila.

1896.--Ika 5 n~g Agosto, paglunsad ni Rizal sa Maynila buhat sa Dapitan.

1896.--Ika 5 n~g Agosto, tinangka n~g m~ga "Katipunan" na iligtas si Rizal.

1896.--Ika 13 n~g Agosto, sulat n~g "cura" sa Sampiro kay Luengo.

=1896.=--Ika =17 n~g Agosto=, pulong na idinaos n~g "Katipunan" sa "Kankong."

=1896.=--Ika =19 n~g Agosto=, pagkatuklas n~g "Katipunan" ni P. Mariano Gil.

1896.--Ika 27 n~g Agosto, paglipat nina Bonifacio sa Balakbak.

1896.--Ika 28 n~g Agosto, pagkalagda n~g pahayag sa paghihimagsik.

1896.--Ika 29 n~g Agosto, pasyang pagsimula n~g paghihimagsik, na iniuutos sa pahayag ni Bonifacio.

=1896.=--Ika =29 n~g Agosto=, pagkakalabanang mahigpit n~g m~ga "Katipunan" at kawal n~g kastila sa Balintawak at iba pa.

=1896.=--Ika =30 n~g Agosto=, araw na ipinasyang pagsalakay sa Maynila.

=1896.=--Ika =30 n~g Agosto=, ipinasya ni General Blanco na gawing pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang Maynila, Bulakan at iba pa.

=1896.=--Ika =4 n~g Septiembre=, kaunaunahang m~ga ipinabaril n~g m~ga kastila.

1897.--Ika 17 n~g Pebrero, pagkakapasok n~g m~ga kastilà sa Sapote.

1897.--Ika 17 n~g Pebrero, pagkapatay kay Evangelista.

=1897.=--Ika =12 n~g Marzo=, halalan sa "casa-hacienda" sa Tejeros, Kabite.

1897.--Ika 24 n~g Abril, sulat ni Bonifacio kay Emilio Jacinto.

1897.--Ika 3 n~g Mayo, sulat kay Emilio Jacinto ni Antonino Guevara.

=1897.=--Ika =10 n~g Mayo=, pagkabaril kay Bonifacio at sa kanyang kapatid na si Procopio.

=1897.=--Ika =4 n~g Agosto=, Kasunduan sa Biak-na-Bato.

1898.--Abril, pagsimula n~g digmaan n~g España at Estados Unidos.

1898.--Ika 1 n~g Mayo, pagkakapalubog n~g m~ga pangdigmang dagat n~g m~ga amerikano sa m~ga pangdigma n~g m~ga kastila.

1898.--Ika 15 n~g Mayo, paglunsad ni Aguinaldo sa Maynila, buhat sa Hongkong.

=1898.=--Ika =24 n~g Mayo=, pagtanghal n~g paghimagsik at pagiging Dictador ni Aguinaldo.

1898.--Ika. 12 n~g Hunyo, pagkukatanghal n~g uri n~g Pamahalaang sarili.

=1898.=--Ika =13 n~g Agosto=, pagsuko n~g Maynila sa m~ga amerikano.

=1898.=--Ika =15 n~g Septiembre=, pagkakaraos n~g unang kapulun~gang-bayan n~g pamahalaang sarili sa Malolos.

1898.--Ika 29 n~g Nobyembre, pagkakapagtibay n~g pan~gulong-batas (Constitucion).

1898.--Ika 20 n~g Disyembre, paghinto n~g digmaan n~g España at Estados Unidos.

1899.--Ika 4 n~g Enero, pagkakapagutos n~g Pan~gulong McKinley na ipakilala sa m~ga pilipino ang kapangyarihan n~g Estados Unidos.

=1899.=--Ika =21 n~g Enero=, pagkakatatanghal n~g Republica Filipina sa Malolos.

=1899.=--Ika =4 n~g Pebrero=, simula n~g labanan n~g m~ga amerikano at pilipino.

1899.--Ika 6 n~g Pebrero, pagkakapagtibay n~g Senado n~g Estados Unidos sa kasunduan n~g bayang ito at n~g España ukol sa Pilipinas.

=1901.=--Ika =23 n~g Marzo=, pagkakadakip kay Emilio Aguinaldo.

1901.--Abril, simula n~g hayagang pagpaparan~gal kay Bonifacio sa daang Alvarado.

1902.--Pebrero, pagsuko ni General Lukban.

=1902.=--=Hunyo=, pagsuko ni General Malvar.

=1911.=--Ika =3 n~g Septiembre=, pagtatayo n~g bantayog sa m~ga Bayani n~g 96.

1920.--Ika 30 n~g Nobyembre, paghaharap in Senador Lope K. Santos, n~g bill ukol sa kaarawan ni Bonifacio na n~gayó'y batás na blg. 2946.

=1921.=--Ika =30 n~g Nobyembre=, simula n~g pagiging araw na pan~gilin, alangalang kay Bonifacio.

* * * * *

Ang "Kartilyang Makabayang" itó, ay ginawâ sa pálimbagan ni Juan Fajardo, daang Avenida Rizal 640, Santa Cruz, Maynila. Sinimulán ang paggawa n~g ika 19 n~g Nobyembre n~g 1922, at natapos ang paglimbag nang ika 27 n~g tinurang buwán at taón.

* * * * *

HALAGA:

P0.40 ang sipi

P. 060 ang sipi na sadyang balat

Paraparang sadyang papel

End of Project Gutenberg's Kartilyang Makabayan, by Hermenegildo Cruz