Kartilyang Makabayan Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andrés Bonifacio at sa KKK

Part 2

Chapter 24,144 wordsPublic domain

=M~GA PARAANG GINAGAWA SA PAGSAPI SA "KATIPUNAN"=

26.--=Papaano ang pagsapi?=--Sa pagtanggap n~g pakikisapi ay tinularan, bagama't di lubós, ang ginagawa n~g "Masonería." Bawa't kasapi ay may mahigpit na tungkuling manghikayat n~g bagong makakasama at sa pananagutan niya ay inihaharap sa "Balan~gay" ang kanyang nahikayat. Datapwa, bago gawin ito ay sinusuri munang mabuti ang ugali, pagkukuro, kalagayan at kabuhayan n~g isasapi at baka di kabagáng n~g m~ga taong "Katipunan." Kung mapatunayan na siya'y may tapat na loob ay saka pa lamang gagawin ang pagtanggap.

27.--=Papaano ang ginagawa sa pagtanggap?=--Ang bagong kasapi'y pinipirin~gan at ipinapasok sa isáng silid na itiman ang kulay n~g m~ga panig at bahagya nang naiilawan, pagkatapus ay inaalisan n~g piring. Sa m~ga panig n~g silid ay may m~ga nasusulat na ganitó:

"_Kung may lakás at tapang, ìkaw'y makatutuloy"

"Kung ang paguusisa ang nagdalá sa iyó dito'y umurong ka."

"Kung di ka marunong pumigil n~g iyong masasamang hilig, umurong ka; kailan man ang pintuan n~g May-kapangyarihan at Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Baya'y bubuksan dahil sa iyó._"

Sa ibabaw n~g isáng dulang ay may isáng bun~go, isáng "revolver" at isáng gulok. May isáng papel na kinasusulatan n~g m~ga sumusunod na tanong:

_I--"Anó ang kalagayan nitóng Katagalugan n~g unang panahon?"_ (Sa salitang _Katagalugan_ ay kasama na ang _Kabisayaan, Kailokohan_ at lahat na n~g Kapilipinuhan.)

_II--"Anó ang kalagayan sa n~gayon?"_

_III--"Anó ang magiging kalagayan sa darating na panahon?"_

28.--=At ano-ano ang isinasagot sa m~ga tanong na iyan n~g ibig sumapi?=--Ang kasagutan, humigit kumulang n~g sino mang ibig sumapi, ay ganito:

Ukol sa unang tanong: Na, nang dumating dito sa atin ang m~ga Kastila n~g ika-16 n~g Marzo n~g taong 1521, ang m~ga pilipinong naninirahan sa m~ga baybayin ay may pagkaalam na sa maayos na kabuhayan at pamamayan. Noon n~ga, tayong m~ga pilipino ay may kalayaan na sa pamamayan; may m~ga kanyon; maalam na tayong magsuot n~g m~ga damit na sutla; nakikipagunawaan na tayo sa pan~gan~galakal sa m~ga karatig na bayan sa Asia. Tayo'y may sariling pananampataya o relihiyon, may sariling titik o sulat, na anopa't, lumalasap tayo n~g kalayaan at kasarinlan.

Ukol sa ikalawang tanong: Na ang m~ga fraile na kung tawagin ay m~ga "kahalili" raw, sila n~g "Diyos", ay pawang kabalbalan ang itinuro sa m~ga pilipino. Hindi tayo tinuruan n~g tunay na Karunun~gan sa buhay at sapagka't kung tayo'y man~gatuto ay hindi nila mauulol at sa ganya'y di nilá mahuhuthot ang ating kayamanan. Ang itinuro sa atin n~g m~ga "fraile" ay ang maling pananampalataya na nakikilala sa pagdaraos n~g sunod-sunod na m~ga pistá na kinahuhulugan n~g ating salapi at kayamanan sa kapakinaban~gan n~g m~ga "fraile" at Kombento. Ang m~ga "fraile" ay siyang mahigpit na kalaban n~g ikatatalino at ikabibihasa n~g pilipino (tagalog kung isulat n~g m~ga Katipunan) na sa katunaya'y ayaw sila na tayo'y man~gatuto n~g wikang kastila. Anopa't lahat na n~g karain~gan sa panglulupig, panggagahasa, m~ga kasagwaan, pagtin~gin sa pilipino na parang iba sa pagkatao kaysa m~ga Kastila na ginagawa n~g m~ga "fraile" ay siyang isinasaysay sa ikalawang tanong na ito. Sa kahulihuliha'y idinadaing din naman ang malabis na pagkiling n~g pamahalaang kastila sa m~ga "frayle," pagsunod sa kanilang m~ga bilin laban sa bayan, paniniwala sa m~ga sumbong n~g m~ga yaon, kahima't lisya sa matwid, at pagtanggi na ang m~ga pilipino ay bigyan n~g kalayaan sa pamamayan, at sa paggawa n~g ikalulusog sa dunong, sa buhay at sa pan~gan~galakal.

Ukol sa ikatlong tanong: Na ang madlang kasamaang binanggit sa m~ga naunang tanong ay malulunasan; ang m~ga lupang malalawak na inangkin n~g m~ga kombento sa ating m~ga ninuno ay mapapasaulî sa bayan; ang m~ga mamamaslang ay maibubulid sa ban~gin n~g kamatayan; ang m~ga paring kababayang sina Gomez, Burgos at Zamora ay maipaghihiganti at ang kalayaan at kasarinlan n~g Bayang Pilipino ay matatamo sa hinaharap kung ang m~ga kasapi ay maypagasa, tiyaga, tapang at pagkakaisa sa pagsunod sa m~ga aral at pasyá n~g "Katipunan."

29.--=Kung makasagot na ba n~g ganyan ay tinatanggap na?=--Hindi pa rin. Ang kapatid na "Mabalasik" ay siyáng nagsasabi sa sinusubukan na lubhang dakila ang hakbang na yaon sa kanyang buhay. Ipinaaalaala na siya'y maaaring umurong kung walang taglay na tapang, upang huwag masayang ang kanyang buhay. Kung ang sumasapi ay magpumilit din sa paganib sa "Katipunan," ay saka siyá ihaharap, na may piring din, sa m~ga kapatid na nan~gagkakatipon nang siya'y tanggapin. Ang tapang at kabuoan n~g kanyang loob ay sinusubok sa ilang paraan. Minsa'y bigyan n~g gulok at iutos na tagain ang kalaban na pumapaslang sa m~ga kalahi; naiyan ang sabihin na saklolohan ang kapatid na makukulong n~g apoy, na, sa pagsasalita n~g gayon, ay talagang nagsusunog n~g m~ga papel upang maramdaman ang init n~g nin~gas n~g sinusubukan. Kung hindi magpakitang takot, aalisan na n~g piring at palalagdain sa kasulatan n~g panunumpang inilathala sa unahan, na ang pinakatinta ay dugong kinukuha n~g isáng palalim sa kanyang kaliwang bisig.

30.--=Anong wika ang ginagamit n~g m~ga kasapi sa "Katipunan"?=--Ang tagalog; n~guni't ang kahulugan n~g ilang titik n~g abakadang kastila ay iniba sa kanilang pagsulat n~g m~ga kasulatan at gayon din sa paglagdá n~g kanilang m~ga sagisag. Ang titik na "a" ay ginawang "z", ang "c" at "q" ay ginawang "k", ang "i" ay "n", ang "l" at "ll" ay "j" ang "m" ay "v", ang "n" ay "ll", ang "o" ay "c" at ang "u" ay "x". Ang f, j, v, x at z n~g abakadang kastila ay itinakwil pagka't hindi kailan~gan. Sa maliwanag na ulat ay ganitó ang Abakadá (alfabeto) n~g "Katipunan" kung itutulad sa abakada n~g wikang Kastila.

_Abakada Abakada_ _n~g kastila n~g "Katipunan_"

A.................. Z B.................. B C.................. K D.................. D E.................. Q G.................. G H.................. H I.................. N K.................. K LL................. J M.................. V N.................. LL O.................. C P.................. P Q.................. K R.................. R S.................. S T.................. T U.................. X W.................. W Y.................. Y

=VII=

=ANG MAHIGPIT NA PAKIKIBAKA N~G "KATIPUNAN" SA KANYANG KABUHAYAN=

31.--=Tinanggap ba n~g lahat na Pilipino ang m~ga Palatuntunan, Aral at Gawain n~g "Katipunan"?=--Hindi. Gaya n~g sinabi na, ang "Katipunan" ay itinatag noong ika 7 n~g Hulyo n~g 1892. Sa buong taong sumunod, 1893 ay hindi pa lumalaganap, sanhi sa maraming kadahilanan.

32.--=Maari bang isaysay?=--Oo. Ang kaunaunahan ay ang kabaguhan n~g layunin at paraan n~g samahan, gaya n~g nakita na natin, ay may kahirapang ilaganap sa bala na kundi pipiliin muna bago hikayatin. Tan~gi sa rito, si Bonifacio na rin ang kusang nagpauntol-untol sa pamanhik n~g m~ga kababayang nagsisibuo noón n~g "Liga Filipina," na lahat halos ay m~ga pilipinong litaw, nakakakaya't may pinagaralan, na nagsisiasang sa pamamagitan n~g "Ligang" yaon, ay makukuha n~g bayang pilipino "sa loob n~g kapayapaan" ang pagsugpo sa masasama't hidwang pamamalakad dito sa atin n~g pamahalaang kastila at n~g m~ga "fraile." Ganitó ang pan~gunang layon n~g "Liga Filipina" na itinatag nina Rizal at m~ga kapatid niyang "masón" at ibá pa. Si Bonifacio man ay nagíng kasapi rin doon.

33.--=Di ba't ang "Katipunan" ay humuwad sa "Masoneria" n~g pamamaraang ginagamit nito sa pagtanggap n~g kasapi at gayondin sa ilang kuro n~g kaniyang adhikain?=--Oo na n~ga. Subali't ang kapatiran n~g m~ga "masón," ay kasalun~gat ni Bonifacio ukol sa paraan na kinakailan~gang gamitin upang maghari dito sa Pilipinas ang Katwiran at Kalayaan at masugpo ang kalupitan at kasamaang inaasal n~g m~ga "fraile" at n~g Pamahalaang Kastila sa pilipino. Ang "Masoneria" at ang "Katipunan" ay nagkakaisá sa kanilang han~gad na pagtubós sa Bayang Pilipino. Datapwa, ang una'y ibig makuha ang katubusang yaón sa loob n~g kapayapaan sa pamamamagitan n~g pagpapalaganap n~g kaniyang magagandá't makataong simulain; samantalang ang nais at han~gad n~g huli'y ang paghihimagsik, yayamang napagkita na rin lamang na ang m~ga naghahari noon dito sa atin--ang pamahalaang Kastila't m~ga "fraile"--ay hindi makuha sa samo, pakiusap at pan~gan~gatwiran, bagkús ang itinutugón sa ginawi n~g m~ga "masong" siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, Regidor, Cortez at ibá't ibá pa ay ang sila'y ipalagay na "kaaway n~g España at n~g Dios," at marami sa kanilá at sa kanilang m~ga kabig ang napabilanggo, napatapon sa malalayong bayan at pinapagdusa sa m~ga bilangguan, kahima't walang nagawang kasalanan.

34.--=Sa makatwid ang m~ga "mason" at ang m~ga mayamang pilipino'y hindi kaayon n~g "Katipunan"?=--Hindi, kundi bagkús pang kasalun~gat. Nang lumalaganap na ang "Katipunan" ang m~ga "mason" at ang kanilang m~ga "logia," ay paraparang nagsikilos upang sugpuin ang paglago n~g "Katipunan" at ang mabalasik na pagpapalaganap ni Andrés Bonifacio, di sa dahilang sila'y kampi sa pamahalaang kastila at sa m~ga "fraile," kundi sapagka't kailan man ang m~ga "masón," ay "ayaw ipaghiganti sa pagbubuhos n~g dugo ang m~ga kaapihang tinatamó." Ang "Katipunan" nama'y ang ibig ay "n~gipin sa n~gipin," at ayaw gantihin n~g tinapay ang bató, kundi bató rin. Kaya nama't isá sa m~ga aral n~g "Katipunan" ay, nahahawig doon sa "ang di mo ibig na gawin sa iyo, ay huwág mong gawin sa iyong kapwa."

35.--=Maaari bang isaysay ang ilang pangyayari ukol diyan?=--Oo. N~guni't bago banggitin ang ilang pangyayari ay kailan~gan munang sabihin na, sa loob n~g "Masonería," ayon sa kaniyang palatuntunan, ay di tinatanggap ang m~ga manggagawang hamak, na ang kabuhaya'y "isang kahig, isáng tuka"; pagka't upang maging "mason," isa sa m~ga pan~gunahing kailan~gan ay ang ikaw'y may sapat na kinikita upang buhayin ang iyong asawa't m~ga anak at may kaunting halagang nalalabis, na isasagot sa m~ga pan~gan~gailan~gan n~g kapatiran at maiambag sa sinomang kapatid na nasa sa isang kagipitan. Dahil dito ay sukat n~g mataho na ang m~ga "masón" ay m~ga taong nakakakaya at ang m~ga katipunan ay yaong m~ga taong hindi matatanggap sa "Masonería," na m~ga anak pawis, m~ga dukha't maralita. Sapagka't noo'y mayayaman at mahihirap na pilipino'y paraparang inaapi at pinahihirapan n~g pamahalaang kastila't n~g m~ga "fraile" kung kaya't lahat ay nagtataglay n~g isang layunin: maputol lahat ang kaapihan. Nagkakaibá n~ga lamang sila sa kaparaanang ginagamit sa ikapagtatagumpay n~g kanilang layon.

36.--=Ano ang ginawa n~g m~ga "mason" kay Bonifacio at sa "Katipunan"?=--Dapat munang sabihin na si Bonifacio ay "masón" din. Siya'y "segundo vigilante" sa "Logia Taliba," na ang "Venerable," ay ang binaril n~g m~ga kastilang si Luis Encino Villareal at ilan sa kasamahan ni Bonifacio sa "Katipunan" ay m~ga kamukha rin niyang "masón." Isáng araw ay ipinatawag si Bonifacio n~g m~ga namumuno sa kanyang "logia" at, siya'y hinihikayat na itigil ang "Katipunan," pagka't ang katwiran n~g m~ga humihikayat sa kanya'y ang kawalan n~g m~ga baril, kanyon, sandata at salapi na totoong kinakailan~gan sa paghihimagaik na gagawin n~g "Katipunan," na kung mapipilan ay siyang lalong kasawian n~g bayang pilipino. Pagkatapos na marinig n~g amá n~g "Katipunan" ang gayong m~ga pan~gan~gatwiran, ay di umimik kamuntik man, kinuha ang kanyang sambalilo at sabay ang pagsasalitang "Diyan na kayó, puro kayo wikang kastila." Isang araw nama'y nagsadya si Bonifacio sa bahay n~g nasirang si Antonio Luna upang ipatalastás dito ang gagawing paghihimagsik n~g "Katipunan." Pagkatapos na mapakinggan ni Luna ang m~ga pan~gun~gusap ni Bonifacio, ay nagsabi: "¿Anó ang ating ilalaban, itong ating m~ga ...? Kung si Napoleon ay naging Napoleon, ay sapagka't bukod sa siya'y may pusong matapang, ay maytalino pa, at, bukod sa lahat n~g iya'y may salapi." Nang ipinakilala naman ni Bonifacio kay Francisco Roxas, isá rin sa m~ga ipinabaril n~g pamahalaang kastila, ang hinahan~gad n~g "Katipunan," ay sinabi ni Roxas na siya'y ayaw makinig n~g m~ga kabalbalan at kaululan.

37.--=Si Rizal ba'y kasangayon sa paghihimagsik na ginawa n~g "Katipunan"?=--Hindi. Sa kaniyang m~ga aklat, tula at sulat, ay napagkikilalang ang adhikang katubusan n~g Pilipinas, ay ibig niyang makamtan sa pamamagitan n~g karunun~gan at kadakilaang asal muna n~g kanyang m~ga kalahi, bago isipin ang ibáng paraan. Isang araw n~g buwan n~g Mayo ná 1896 ay sinugo ni Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela (itó lamang ang kasaping may título sa "Katipunan") na makipanayam kay Rizal sa pinagtapunan dito sa Dapitan, Mindanaw, upang ipatalastás sa kanyá ang nais n~g "Katipunan" na maghimagsik nang maiwasak ang kapangyarihan n~g España dito sa Pilipinas. Si Rizal ay sumalun~gat sa ganyang nais. Kinabukasa'y dalidaling lumulan sa bapor ang sugó n~g amá n~g "Katipunan," at umuwi sa Maynila, bagama't may tangkang manatili pa n~g m~ga ilang araw dóon. Nang malaman ni Bonifacio ang ikinaaayaw ni Rizal sa paghihimagsik ay sinabi ang ganito: "¿At saang aklat nabasa ni Rizal na bago maghimagsik ay kailan~gang magkaroon muna n~g sandata at salapi?"

38.--=Ang ibig bang sabihin niya'y kalaban ni Rizal at n~g m~ga "mason" si Bonifacio at ang "Katipunan"?=--Malayo. Si Rizal at halos ang marami sa m~ga "mason" ay m~ga taong may taglay na kakayahan sa isip, ay nagsisipaniwala na bago gawin ang isang napakalaking gawain, katulad n~g paghihimagsik ay kailan~gan muna ang m~ga baril, sandata at salapi upang magtagumpay, tan~gi sa iyang magbuhos n~g dugo sa ikasusugpo n~g m~ga pangaapi ay talagang nahihidwa sa m~ga aral n~g "Masonería" sa kanyang m~ga kampon. Datapwa, ang m~ga dukha, manggagawa, m~ga maralita, na m~ga hamak na taong bayan, dito sa atin at saan pa man, ay kapag niyakap ang isang gawain at napagkilalang kailan~gang gawin sa ikasusunod n~g isang dakilang layunin, ay di na nagtutumigil n~g pag-iisip at karakaraka'y ginagampanan sa pamamagitan n~g salitang "¡Bahala na!". Ang "bahala" nang ito, ay makikita natin na siyang nagligtás sa bayang pilipino n~g m~ga panahong yaón at naghatíd sa atin sa tagumpay. At iyan ding m~ga salitang iyan ang nagligtas sa ibang m~ga bayan sa kuko n~g m~ga manglulupig na hari't mahadlikáng umiinís sa m~ga anak-pawis at dukha.

=VIII=

=ANG "KATIPUNAN" AT ANG BAYANG MARALITA=

39.--=Ano ang ginawa ni Bonifacio sa harap n~g pagsalun~gat ni Rizal at n~g iba pa sa paghihimagsik?=--Sa halip na umurong, ay bagkús nagpakasiglang lalo sa pagtatag n~g m~ga balan~gay at sauggunían n~g "Katipunan." Buong taon n~g 1895 at ang m~ga unang buwan n~g taóng sumunod, 1896, ay kanyang naitatag sa buong Maynila at m~ga lalawigang karatig ang maraming san~ga o balan~gay. Kung anó ang laki n~g kaayawan sa paghihimagsik n~g m~ga pilipinong litaw at nakakakaya't mayayaman ay siya namang higpit n~g pagyakap n~g m~ga maralita sa layunin n~g "Katipunan." Ang m~ga manggagawa, ang m~ga tagabukid at ang m~ga dukha, ay paraparang nagsisiluha kung sila'y pinaliliwanagan n~g m~ga adhikain at aral n~g "Katipunan" at naguunahan sa pagsapí.

40.--=Sa papaano napatatag ang Pamunuan n~g Katipunan?=--Sa kapulun~gang idinaos n~g m~ga kinatawan n~g m~ga balan~gay noong 1 n~g Enero n~g 1896, ay na~gapahalal sa Kataastaasang Pan~guluhan n~g "Katipunan" ang m~ga sumusunod: Kataastaasang Pan~gulo, Andrés Bonifacio; Kalihim, Emilio Jacinto; Tagain~gat-yaman, Vicente Molina; Tagausig, Pio Valenzuela; m~ga kawani: Pantaleon Torres, Hermenegildo Reyes, Francisco Carreon, José Trinidad, Balbino Florentino at Aguedo del Rosario.

41.--=At ang m~ga Balan~gay at Sanggunian?=--Napatatag na sa maraming pook n~g Maynila at m~ga bayang karatig. Ang m~ga pan~galang taglay ay yaong m~ga pan~galan o bagay na maykinaalam sa ating lahi at sa kalayaang ninanasà. Naito ang ilan: "Dapitan" (bayang pinagtapunan kay Rizal); "Laong-Laan" at "Dimas-Alang (m~ga lagda ni Rizal sa kaniyang m~ga isinulat sa m~ga pahayagan); "Katagalugan", "Katotohanan", "Kabuhayan", "Silan~ganan", "Pagtibayin", "Kailan~gan", "Bagong-Silang", "Di-Magpapatantan", "Di-Tutugutan", "Pinan~gin~ginigan" at iba't iba pa.

42.--=Anong m~ga kaparaanan ang ginamit sa pagpapalaganap n~g "Katipunan"?=--Ang m~ga pakikipagpulong n~g lihim sa m~ga pook pook, suloksulok at bahay-bahay. Tan~gi sa rito, ay ang m~ga sulat at limbag na gawa ni Bonifacio, ni Emilio Jacinto at n~g iba pa, na walang lagda. Nagkaroon din ang "Katipunan" n~g sariling palimbagan at doo'y inilimbag ang dalawang bilang lamang n~g pahayagang tagalog na pinamagatang "Kalayaan," na inilathala n~g ika 1 n~g Enero n~g 1896. Isang 1000 ang sipi n~g unang bilang at 2000 ang ikalawá.

43.--=Saan kinuha ang salaping ibinili sa Palimbagan?=--Isang araw ang kapatid ni Bonifacio na nagn~gan~galang Troadio ay galing sa Australia na may kasamang dalawang kababayang taga-Kapis na nagn~gan~galan Francisco Castillo at Camilo Iban. Ang dalawang ito'y tumama sa "loteria" n~g ilang libong piso. Nang mabalitaan ito ni Bonifacio sa pamamagitan n~g kanyang binanggit na kapatid ay hinikayat sa "Katipunan" ang dalawang yaon, na nagkaloob naman pagkatapos n~g halagang apat na raang pisong ibinili n~g palimbagan n~g masong si Antonio Salazar na mayari n~g "Bazar del Cisne," na ipinabaril din n~g m~ga kastila, at sa kanila rin galing ang salaping ibinili n~g m~ga titik sa palimbagan ni Isabelo de los Reyes, na ipinunô sa m~ga titik n~g binanggit na palimbagan.

44.--=San~gayon sa m~ga isinaysay, ay walang salapi ang "Katipunan" at sahol sa m~ga kagamitan sa kanyang layon, kung gayon ano't lumaganap?=--Ang m~ga kalupitan at paghamak na rin sa m~ga pilipino, n~g m~ga nakasasakop sa atin noon, ang nagpasiglá sa m~ga taongbayan upang sumapi sa "Katipunan." Bukod sa rito, si Bonifacio, ay talagang may sapat na talino sa paglikha n~g m~ga paraan na sukat makahikayat sa tao. Ipinasya niyá na sa tuwing magpupulong ang m~ga "balan~gay", ay buklatin ang kasaysayang batbat n~g hirap n~g Pilipinas at sa ganito'y paalalahanan ang m~ga kapatid sa kaabaan n~g katayuan n~g lupang-sarili. Tuwing darating ang ika 28 n~g Pebrero, ay nagdaraos n~g m~ga lihim na lamayan na patungkol sa tatlong paring pilipinong sina Gomez, Burgos at Zamora na ipinabitay n~g pamahalaang kastila sa sulsol n~g m~ga "fraile." Anopa't ang m~ga bagay na ganito, ang m~ga paguusig kina Rizal at m~ga kasamahan, na paraparang labag sa matwid, ay siyang lagi nang ipinagugunita upang magalab ang loob n~g m~ga kasapi. Bakit ang totoó ay talagang inis na't tigib na tigib ang pusong matiisin n~g m~ga pilipino sa madlang kaapihang ginagawa sa kanila n~g m~ga maykapangyarihan noon.

45.--=Ang m~ga babai ba'y tinatanggap sa "Katipunan"?=--Hindi kabilang ang m~ga babai. Subali't ilan sa kanila, lalunglaluna ang m~ga asaasawa n~g m~ga nasa katipunan, ang nabigyan n~g tungkuling magagaan. Si G. Perfecta Simeon, sa halimbawa, ay ginawang taga-in~gat-yaman sa "Balan~gay Maluningning," na napatatag sa nayon n~g San Nicolas, Maynila.

=IX=

=ANG "KATIPUNAN" AT ANG PAGUUSIG SA M~GA MASON=

46.--=Inusig ba n~g m~ga kastila't fraile ang m~ga mason dahil sa "Katipunan"?=--Oo. Anoman ang mangyaring pagtutol n~g m~ga pilipino sa m~ga kahidwaang inaasal n~g m~ga nakasasakop sa atin sa m~ga panahong yaon ay sa m~ga "mason" ibinibintang at ang m~ga ito ang pinagdadadakip at pinarurusahan.

47.--=At sa anong dahil?=--Kailan~gan ang kaunting paliwanag. Sinabi na natin na ang m~ga "mason" ay di kasangayon sa paghihimagsik na nilalayon n~g m~ga Katipunan. Alam na natin na, ibá ang "Masonería" sa "Katipunan," at ang "Liga Filipina" nama'y walang kinaalam sa dalawang nauna. Bawa't isá ay may kanikaniyang uri, palatuntunan at adhikain. Subali't hindi maikakait na ang "Masonería" at ang kaniyang m~ga kampon ay siláng nagsabog sa m~ga kalahi n~g m~ga kurong dakila ukol sa ikatutubós; silá, ang m~ga masón, ang masasabing nagturo n~g pagbibigkis n~g kalooban sa m~ga pilipino, upang humarap at makipaglaban sa loob n~g kapayapaan sa m~ga makapangyarihang lumulupig sa Lahi; ang m~ga kasapi sa "Masonería," ay silang nagpakilala sa pamahalaan sa España n~g m~ga masasamang palakad na pinaiiral dito, na siyang ikinalulugmok n~g bayan sa karukhaan, kaapihan at kabusabusan. "Ibig namin--ang hiling sa España n~g m~ga masón--na ang aming baya'y maging karapatdapat, maging malaya't maginhawa, na sa kaniyang pan~ganorin ay tumanglaw ang maningning na araw n~g katarun~gan at kabihasnan. Ibig namin na dito'y maghari ang pagpapantay-pantay, ang tunay na kalayaan n~g mamamayan sa harap n~g m~ga mapagimbot, na nan~gabubuhay sa pagsugpu sa karapatan n~g bayan na dinidilig ang kanilang kaginhawahan n~g luha n~g bayang nagdaralita."

48.--=Ang m~ga kahilin~gan bang iyan ay napagkilala n~g m~ga taong bayan?=--Hindi lamang nakilala kungdi nararamdaman nila sa sarili. Ang m~ga pagsusumikap na yaon n~g m~ga mason ay siyang ikinamulat n~g bayan sa kanyang aping kalagayan. Ito'y nalalaman n~g pamahalaang kastila at lalong natataho n~g m~ga "cura" sa bayan-bayan, pagka't sa bayang pinamumugaran n~g isang "logia" o n~g m~ga "mason," ang "cura" at ang m~ga kastila ay di lubhang nakapamayani sa kanilang m~ga masasamang gawa, sapagka't nahahadlan~gan sila n~g pagkakaisa n~g m~ga taong bayan sa pagtutol laban sa m~ga masasama nilang palakad. Napapansin din n~g m~ga "fraile" na ang pasok n~g salapi sa simbahan ay umuunti, sanhi sa kagagawan n~g m~ga mason na nagtuturo sa bayang iwanan ang patay sa loob n~g simbahan at huwag magbayad n~g anoman. Itinuturo rin naman nila na huwag bilhin ang m~ga kalmen, ang m~ga kuwintas, ang m~ga kandila, ang m~ga istampá, ang m~ga bula, ang m~g novena, na kinakalakal n~g kombento.

49.=--Kailan pa inusig ang m~ga mason?=--Ang masikhay na paguusig sa kanila, ay masasabing nagsimula noong taong 1892 at sumidhi n~g mapatatag na ang "Katipunan" at si Bonifacio'y walang humpay sa pagpapalaganap n~g kanyang samahan. Paano'y alam n~g pamahalaang kastila't n~g m~ga "fraile" na si Bonifacio'y "mason," bukod sa ang layunin at m~ga ipinupunla n~g "Katipunan," ay huwad sa "Masoneria." Kaya, lahat n~g kilos nina Bonifacio at m~ga kasamahan ay sa m~ga "mason" ibinabagsak, bakit ang amá naman n~g "Katipunan," sa nasa niyang magkasamasama ang lahat, sa lilim n~g watawat n~g samahang kaniyang pinamunuan, ay di lamang hindi nagpapasinun~galing sa gayong akala kundi bagkus pang pinagtitibay. Ang m~ga "mason," n~g m~ga panahong yaon, ay sila ang lumalagay na tagataguyod n~g kalayaan n~g bayan at sila'y pinagpipitaganan n~g maraming kababayan, lalonglalo na ang m~ga "masong" siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, at iba pa, na may m~ga pagtatanggol na ginawa ukol sa kalayaan n~g Pilipinas at lagi nang ipinagsasanggalang ang kaapihang tinitiis n~g kanilang kababayan.

50.--=Hindi ba itinigil ang paguusig na yaon sa m~ga mason?=--Nang taong 1893 at n~g m~ga unang buwan n~g taong 1894, ay napatigil ang m~ga paguusig sa kanilá. Palibhasa'y naipatapon na si Rizal sa Dapitan--na sa ganang m~ga kastila't fraile'y siyang pinakapuno n~g kilusan n~g m~ga "mason"--at naparusahan na ang m~ga inaakalang kinaalam sa pagtutol na ginampanan n~g m~ga pinaguusig na gaya nina Doroteo Cortes, Jose Basa, Ambrosio Salvador, Mariano Apacible at marami pang taganas na m~ga "mason," ang m~ga kalaban n~g kalayaan n~g bayan ay napatahimik. Dahil dito'y muli na namang nagsikilos ang m~ga mason at binuhay na muli ang kanilang m~ga pagpupulong tun~go rin sa ikagagaling n~g sariling bayan.