Part 4
--Huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan n~g araw na ipaglulumagak ko sa bilangguan ...--ang wika ni Mauro sa kanyang asawa sa buháy na tinig--alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang simulain ang ipinagtatanggol natin, at ang simulaing itó, sa malao't madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw n~g lahat. Sa harap n~g m~ga batás ay maaaring ako'y nagkasala; datapwa't sa haráp n~g aking bayan at sa haráp n~g aking budhi ay malinis ang aking pagkatao ...
--¡Mauro! ¡Mauro! ¡Ang m~ga anák mo!--ang panan~gis ni Serefina.
--Sa iyong katalinuhan ay ipinagkakatiwala ko sila.
At noón din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang m~ga anák niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na _ambulancia_....
At mula noón si Mauro ay naging isang bilanggo.
Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya.
¡Oh, ang tadhana!
At si Serafina at ang tatlo niyang anák ay sumakay sa isang karumata at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga anák ang m~ga pan~gun~gusap na itó:
--M~ga anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang ang inyong amá ay makalaya. Siyam na buwan at isang araw na pagtitiís at pan~gun~gulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop. Subali't, ang takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na kinabibilan~gan n~g inyong amá, at karapatang siyang ninanasang ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon n~g kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila. Kinakailan~gan pang magkaroon n~g maraming magtitiís n~g hirap sa ikatutubos n~g lahat, at kailan~gan pang magkaroon n~g maraming Kristong magpapakasákit sa katubusan n~g madla.
Sa mapupun~gay na m~ga matá ni Serafina ay dalawang masakláp na luha n~g pagdaramdam ang nagunahang sumun~gaw.
Pinakayapós na mahigpit ang tatlo niyang anák at pagkatapos ay pinaghahagkan n~g boong giliw at boong pagmamahal.
WAKAS
MGA MALI SA PAGKALIMBAG
Mukha: Talata: Nababasa: Dapat Basahin:
XI 2 kahalán laga kahaláhalagá XI 5 nnoman anoman 1 7 matanda't bata matatanda't bata 14 2 Botika Morelos. Botika Morelos 14 6 n~g dako n~g panulakan dako n~g panulukan 24 2 n~g laha,. n~g lahat. 24 3 tumaganap lumaganap 24 12 n~g gayon n~g gayong 24 13 tumayo at tumayo 24 21-22 katahimikan. katahimikan 25 9 upang kalamigang upang ang kalamigang 30 22 manggawa magagawa 31 3 nakabukás ang nakabukás 32 12 u~g boong katawan n~g boong katawan 49 11 nay Pagawaan may Pagawaan 55 17 at kung kahit at kung bakit 61 8-9 itaitagal itatagal 63 12 gagagawing kalasag. gagawing kalasag. 63 16 Dinun~gaw si Seraflna Dinun~gaw ni Serafina 64 7 ipinatuloy pinatuloy. 71 7 naguntos; naguutos; 77 15 ikabaw ibabaw 79 1 tabakero tabako 80 24 ¿Kun gayon, ¿Kung gayon, 81 12 sumpal!... sumpa!... 81 16 aag ang 94 1 sisanabi sinasabi
_Mga Aklát ng Sumulat Nito_
"Bagong Magdalena"...............P 0.20 ang isá "¡Sakim na Magulang!"............ 0.40 " "Lalaking Uliran" ó ¿Tulisan?.... 0.40 "
[Patalastas]