Part 5
Sa iyo ang carampatan si don Juan ay ipacasál. sapagca't, iyong binuhay sa balóng quinahulugan.
Sa hatol bagang nasambit sinong macapag-aalis, doña María'i, nagtindig at capagdaca'i, nagsulit.
Ito ang uinica niya ó daraquilang monarca, dinguin ngayon nang lahat na ang aquing munting querella.
Ang uica nang haring mahal sabihin mo na at turan, at nang aquing maalaman ang iyong pahahatulan.
Ang uica ni doña María cun gayon po'i maquinig ca, cay don Juan dahil bagá ang aquing pinag-hablá.
Naparoon at nag-lacbay sa reinong de los Cristal, cami ay nagcaibigan usapan nami'i matibay.
Gaano ang búhay niya sa utos nang aquing amá, acó ang naghirap bagá na sumunód sa caniya.
Cun aquing pinabayaan ang príncipeng si don Juan, hindi na darating naman doon siya mamamatáy.
Naguló ang gunam-gunam ng haring Fernandong mahal, cumuhang sanguni naman sa arzobispong marangál.
Ang sa arzobispong saysay cun sinong unang catipán, siyang dapat pacasalán nang príncipeng si don Juan.
Sagót ni doña María ó amá nang caloloua, ang sa tauong puri bagá di búhay ang cahalagá.
Anang arzobispo naman ngayo'i, uala ca nang daan, at may na unang catipán na marapat pacasalán.
Cay doña María'i, itó cun uala ring daan aco, hinauacan nanga rito yaóng itiniráng frasco.
Ibinuhos na marahan ang tubig sa frascong mahal, ano pa nga't, nag-languyan ang tauo sa caharian.
Ang tubig ay umapao nga hangang palaciong bintana, dito'i, agád nanga mutlá ang lahát nang tauong madlá.
Ang uinica ni don Juan sucat na sintá co't, búhay, aquing ipa-aaninao ang totoong catuiran.
O mahal na pontífice cay Jesús na cahalili, yaring aquing munting sabi ngayo'i, sandaling paquinguí.
Ang princesa Leonora ay hindi co tangcá siya, sa balóng aming sinonda doon co lamang naquita.
Pinuhunan co nga'i, búhay sa serpienteng nacalaban, at cay doña Juana naman sa giganteng nagtatangan.
Cun caya pinagliluhan manga capatid cong hirang, sa singsing niyang naiuan na aquing pinagbalican.
Abót na princesang mahal ang singsing mong nalimutan, at dito nagmulang tunay tanang aquing cahirapan.
Sa búhay cong pinuhunan nang sa iyo ay pag-agao, bagama't, iyong binuhay bilang nacapalit lamang.
At nag-uica si don Juan dito aco pacacasál, sa princesang lubhang mahal sa reinong de los Cristal.
Ang uica nitong monarca cay don Pedro'i, pacasál na, at hindi naman sa ibá at tunay ring anác quita.
Sapagca't, uala cang daan cay don Jua'i, mapacasál, matigas ang carunungan ni doña Maríang mahal.
Ang sagót ni Leonora ó daraquilang monarca, icao po ang bahala na gauin ang balang magandá.
Nang maringig yaon bagá nang haring caniyang amá, sumanguning muli siya sa arzobispo ngang sadyá.
Ano pa nga at nagcabagay pinag-isang catuiran, tinauag nilang marahan doña Leonorang mahal.
Nang oras ding yaón naman sabáy silang iquinasál, fiesta'i, dalauang siyam sa Berbaniang caharian.
Ay ano'i, nang matapos na ang canilang pagsasayá, isasalin ang corona cay don Juang anác niya.
Si doña María'i, nag-uica ó monarcang daraquila, sumandaling mag-unaua sa aquing ipag-uiuica.
Ang corona't, cetrong mahal si don Pedro ang salinan, aco'i, may corona naman sa reinong de los Cristal.
Sa uinicang ito baga niyong si doña María, ipinutong capagdaca cay don Pedro ang corona.
Ang sa mariquit na reina bunying doña Leonora, ibinigay sa caniya ang mahal na diadema.
At sila'i, umúi naman sa reinong de los Cristal, gayong layong linacaran isang oras na linacbay.
Ang catulad at capara nitong si doña María, lumabás sa, isang guerra at nanalong nagvictoria.
Ito'i, aquing pabayaan victoria niyang quinamtán, at aquing ipagsasaysay ang canilang paglalacbay.
Nang sila'i, dumating naman sa reinong de los Cristal, uala nanga at namatáy ama't, capatid na hirang.
Ang dinatnan sa palacio secretario't, consejero, siya ngang pagdating dito nang emperador na bago.
Yaong encantong laon na ay inalis capagdaca, yaóng batóng balót nila nagsilitao na lahat na.
Ang lihim na iningatan nang hari nilang magulang sa panahóng ito naman ay caniyang inalitao.
Ang tigre't, león sa parang at tauo sa caharian, sila'i, nangagsipaluál sa balát cayong catauan.
Nang, mangyaring malabas na ang tauo ay cumapal na, nagpahanda nang lamesa itong si doña María.
Ang silla'i, gayon din naman ay husto ring ualang culang, ang pagcaing bagay-bagay sa lamesa'i, nalalagay.
At sa dulo nang lamesa mayroong dalauang silla, na uupán bagáng sadyá nang príncipe at princesa.
Sacá naman capagdaca itong si doña María, nuha nang isang bandeja inilagay ang corona.
Cumuhang sintabi naman sa haráp nang manga mahal, na naroong napipisan consejeros bagáng tanán.
Pagmalasi't, tingnan ninyo ang emperador na bago, siyang nahalili ito doon sa haring amá co.
Ipinutong capagdaca yaong cetro at corona, at sa cay doña María ang mahal na diadema.
Matapos umagapay na ang bunying emperadora, at cumain ang lahat na sa mariquit na lamesa.
Nang sila ay matapos na nang pagcaing mahalagá, nagsi-tindig na lahat na para-parang nangag-viva.
Viva ang inahihiyao nang boong sangcaharian, mabuhay na ualang hangan ang emperador na mahal.
Sabihin bagá ang guló doong sa loob nang reino, arao, gabi ang músico ualang tahan sa palacio.
Ay ano'i, sa matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha'i, payapa na nitong bagong nagcorona.
Ang emperador na mahal at asaua niyang hirang, nagpasunod nang mahusay sa tanang nasasacupan.
Ano ipa't, silang dalauá sing-ibig na mag-asaua, mahusay ang pagsasama ualang pagtatalo bagá.
Sila'i, lubós nagcabagay at capua manga mahal, mag-utos pa ay malubay sa manga vasallong tanán.
Caya nga't, ang naging hangá nitong bunying mag-asaua, nang sila'i, mangamatay na quinamtan ang santa gloria.
Ito ang dapat tularan nang mag-asauang sino man, ang loob na cababaan capatid nang capalaran.
Aquin nang bibig-yáng hangá corridong ipinagbadyá, cun sa letra'i, may sumala capupunan ay cayó na.
CATAPUSAN
* * * * *
[Patalastas: Advertisement Imprenta, at Papeleria ni J. Martinez]