Part 3
Ay hindi co naalaman ang reino nang de los Cristal, at malayong caharian ang hanap mong pinapacay.
Tingnán cun sa aquing sacop sa hayop cong nangag-libot, cun canilang naa-abot cahariang cristalinos.
Sa pintó ay lumapit na campana'i, tinugtog niya, nagsidating capagdaca madlang hayop na lahat na.
Doon sa pagcacapisan nang lahat niyang familiar, itinanong capagcuan nitong ermitañong mahal.
Sa inyong paglibot diyan sa bundóc at caparangan, sino ang naca-aalam niyong reinong de los Cristal.
Ang sagót nang calahatán hindi namin naalaman, at malayong caharian ang iyo pong catanungan.
Sampong olicornio bagá na hari nilang lahat na, hindi rin macapagbadyá niyong reinong hanap niya.
Ang uica nang ermitaño don Juan ay narinig mo, cahima't, ang familiar co di masabi ang hanap mo.
Ngayon quita'i, tuturuan sundin mo't, huag sumuay, paroon cang magtuluyan icapitóng cabunducan.
Itong baro ay dalhin mo sa bundóc na icapitó, at siyang ipaquita mo sa daratnáng ermitaño.
At tinauag nanga rito yaong haring olicornio, itong príncipe'i, dalhin mo sa mabunying capatid co.
Si don Juan ay sumacay sa olicorniong licuran, lumacad na nagtuluyan hangang sumapit sa pacay.
Nang sila nga'i, dumating na sa sadyá nilang talaga, doon na iniuan siya olicornio'i, nagbalic na.
Si don Jua'i, capagdaca nagtuluyan sa ermita, sa ermitañong maquita ay tinanong naman siya.
Icao baga'i, ali't, sino naparitong manunucsó, aco'i, malaon na rito ualang naquiquitang tauo.
Isinagót ni don Juan ualín po ang cagalitan, naririto'i, iyong tingnán capirasong barong mahal.
Sa ermitañong maquita ang damit na mahalagá, pinalapit nanga siya at quinuha capagdaca.
Pagca-abót ay hinagcán at caniyang tinangisan, at ang uicang binitiuan calunos-lunos paquingán.
Si don Juan ay nagtacá sa ermitañong naquita, lumalo pa nga sa isa dalang catandaan bagá.
Ang balbás niya sa baba ay sumasayad sa lupa, balahibo'i, mahahaba mapuputi namang paua.
At nag-uica nang ganitó ang matandang ermitaño, sino bagáng quinunan mo mahalagáng barong itó.
Sagót ni don Jua't, badyá nuno po ay maquinig ca, sa aquin ang may padalá ermitañong matanda na.
Ang sagót nang ermitaño don Juan ay sabihin mo, ang sadyá mo ay cun anó nang iyong pagcaparito.
Isinagót ni don Juan ganito po ay paquingán ang sadyá co po at pacay ang reino nang de los Cristal.
Anang matanda'i, ganitó ang pagcatahan co rito, nang aco'i, mag-ermitaño ualóng daang taóng hustó.
Ay hindi co naalaman cahariang de los Cristal, anhin co'i, malayong lugar ang sadyá mong linalacbay.
Tingnán cun sa aquing sacop ibong naglipád sa bundóc, cun canilang na aabot yaong reinong cristalinos.
Sa pintua'i, lumapit na campana'i, tinugtóg niya, tanang ibo'i, capagdaca nagcatipong para-para.
Anang ermitaño naman sa inyong pag-liliparan, di ninyó natatausán ang reino nang de los Cristal.
Ang sagót ngani nang lahat hindi namin natatatap, at malayong di hamac yaong cristalinong ciudad.
Umuling nag-uica siya cung husto silang lahat na, ay nagbilang capagdaca uala ang ibong aguila.
Ay ano'i, caguin-guinsa sa pag-uusapan nila, siya nangang pagdating na nang ibong haring águila.
Nang dumating ay pabagsác sa pagod na dili hamac, ang ermitaño'i, nangusap sa laquing galit na hauac.
Na ang uica bagá niya doon sa ibong águila, baquit icao'i, nahulí pa sa iyong manga familia.
Dili bagá iyong unaua itong tunóg nang campana, saan man naroong lupa, ay oouí cayong biglá.
Sagót nang águila't saysay panginoon naming mahal, malayo pong pinagmulán caya di nila casabáy.
Anang ermitaño naman sabihin mo't, iyong turan, ang pinagmulán mong lugar at nang aquing maalaman.
Sagót nang águila't, sulit ermitañong sacdal diquit, pinangalingang cong tiquís ang reinong del los Cristales.
Caninang umaga lamang aco ay nag-aalmusál, sa isang peras na mahal na ang lasa'i, malinamnám.
Bahag-ya cong naringig nga yaong tunóg nang campana, ay lumipád acong biglá capagala'i, di cauasa.
Ang sagót nang ermitaño don Juan ay naringig mo, at doon nangaling itó sa reinong hinahanap mo.
Uica sa águila'i, ito: ang príncipe ay dalhin mo, isang buan sa banta co doo'i, sasapit na cayó.
Isinagót nang águila isang bua'i macucuha, darating pong ualang sala sa baño ni doña María.
Agad nangang nagpadaquip niyong ibong maliliit, siyang babauning tiquis sa pagpanao at pag-alís.
Tatlóng daan na duruan ang siyang pinagtuhugan, at ang balang isa naman limang libong ualang culang.
Balang isang tuhog bagá isang ibon ang may dalá, ito ay baong talagá na cacanin nang águila.
Si don Jua'i, pinasacáy na sa águilang licorán, canilang pinatunguhan, sinisicatan nang Arao.
Tanang naquiquita lamang nang príncipeng si don Juan, ang langit at caragatan ualang lupang natatanao.
Doon sa sanbuang arao pag-lipád na ualang tahán, naubos nacaing tanan ang tatlóng daang duruan.
Ay ano'i, nang maubos na yaong baon nilang dalá, siya nang pagdating nila sa baño ni doña María.
Niyong oras nang vísperas nang si don Jua'i, ilapág, ang águila ay nangusap ito ang ipinahayag:
Dito na quita iiuan ay magtago ca don Juan, nang hindi ca mamalayan nang manga princesang mahal.
At mamayang á las cuatro ualang sala't, paririto, mahal na princesang tatló na maliligo sa baño.
Di mo bagá naquiquita bañong paliguan nila, may sariling titig-isa at hindi nga magsasama.
Magcacaparis nang gayác calapati ang catulad, doon sa cahoy na peras ay magsisi-dapong lahat.
Paalam aco don Juan dito na quita iiuan, bilin co'i, iyong tandaan huag mong calilimutan.
Nagtago na si don Juan sa baño ngang paliguan, at nang hindi mamalayan cahit sila'i, pumanhic man.
Ay ano'i, caguinsa-guinsa oras nang á las cuatro na, ay dumating capagdaca ang tatlóng manga princesa.
Dumapo na silang agad doon sa cahoy na peras, at capua nagsilapág manga damit ay hinubád.
Nang cay don Juang maquita yaong si doña María, ang cariquitan at gandá nacasisilao sa matá.
Naghubád na capagcuan damit calapating hirang, lumusong na nagtuluyan sa bañong paliguan.
Ang guinaua capagdaca nitong príncepeng magsiglá, marahang quinuha niya damit ni doña María.
At nagtagong uli siya nang hindi bagá maquita, nang umahon ang princesa ang damit niya'i, uala na.
Sabihin pa nga ang galit nitong princesang mariquít, nang di maquita ang damit ito ang ipinagsulit.
Sino cayang lapastangan ang naparitong nagnacao, ó baca ang criado naman nang haring aquing magulang.
Cun sino man siya't, alin ay ang sucat pag-isipin, aco'i, pag-iiuang tambing manga capatid cong guilio.
Nang maguing isang oras na sa damit niya'i, pagquita, siya namang paglitáo na nitong príncipeng masiglá.
Lumuhód na sa harapán na haluquipquip ang camáy, cordero'i, siyang cabagay at nangusap nang malubay.
O mariquit na bathala cometang nabá sa lupa, magdala ca ngayong aua sa aquing ipag-uiuica.
Aba mariquit na Fénix at Buang sacdal nang lamíg, sa aquing tinagis-tinagis matá mo po ay ititig.
Hindi co po maguing sala ang sa damít mo'i, pagcuha, at ugali nang may sintá quiquita nang daan bagá.
Alin naman cayang búhay mahiguit sa sang-libo man, na sa galit mo pong tangan hindi alising paminsan.
Caya mahal na princesa cun may galit ca pong dalá, aco ay natatalagá sa bala mong iparusa.
Sagot nang princesang mahal cahit aco'i, may galit man, ay sa iyong pagcalagay nagdalá nang caauaan.
Aling bagsic nang justicia ang magbibigay parusa, sa pacumbabang may sala dapat ang misericordia.
Cun ang apóy na mainit nagniningas na masaquit, capag-sinubhán nang tubig mamamatay siyang pilit.
May galit man ang loob co sa damit cong quinuha mo, napaui ngayong totoo dahil diyan sa anyó mo.
Nguni't, aco'i, tabi naman sa iyo príncipeng mahal, alin bagang caharian ang iyong pinangalingan.
Sagót ni don Jua't, badyá ó bulaclac nang sampaga, ang pinagmulan cong sadyá ang reino po nang Berbania.
Naparito at naglacbáy sa iyo pong caharian, bulá ang aquing sinac-yán sa guitna nang caragatan.
Caya mahal na princesa damit mo po'i, abot cuha, at baca pa ipagdusa nang búhay co't, caloloua.
Caya cun uala ring daan ang sinta cong pinag-lacbáy, ibig co pa aquing mamatáy dini po sa aquing lagay.
Isinagót nang princesa ó don Juan de Berbania, ngayon mo nga maquiquita tunay na aquing pagsintá.
Dini sa camay cong canan, magtindig ca at tumangan, at ito ang tandang tunay nang pagsintá cong matibay.
Nagtindig na si don Juan capagdaca'i, hinauacan, yaong marangal na camáy at umupong nag-agapay.
Ang uinica sa caniya ó don Juang aquing sintá, paquingan at manainga sa aquing ipagbabadyá.
Pagmalasin mo at tingnan manga batóng nalalagáy. siyang nacabacod lamang sa aming palacio real.
Iyan nga'i, tanong lahat na sadyá'i, sa pangangasaua, panang enengcanto sila nang haring poon cong amá.
Nariya'i, manga príncipe caballero't, manga conde, pauang nangaduahagui sintá nila'i, di nangyari.
Sila ay naguing talunan naraig sa carunungan, nang haring aquing magulang naguing bató ang catauán.
Nagsiparito't, nag-lacbay ay iyong pacatandaan, itanim sa gunam-gunam at huag mong calilimutan.
Na mamayang á las cinco maguiguising na seguro, mahal na haring amá co ay maquiquita ca dito.
Cun icao ay tatanungin pinagsadyá mo'i, cun alin, ang iyo namang sabihin mangangasaua ang hinguil.
At cung tauaguin, ca namang manhic sa palacio real, huag magtulóy don Juan at icao ay mamamatáy.
Ang iyong isagot lamang sa haring aquing magulang, acó po ay pag-utusan nang emperador cong mahal.
Bala niyang ipag-uica aminin mo namang paua, hindi icao ang gagauá at aco'i, siyang bahala.
Paalam aco don Juan quita muna'i, malilisan. at mamayang gabi naman saca quita babalican.
Umalis na capagdaca yaon ngang tatlóng princesa, ay siyang pagcaguising na nang haring canilang ama.
Nang maquita si don Juan nang haring Salermong mahal tinanong na capagcuan cun anó ang sadyá't, pacay.
Sagót ni don Jua't, tugón ó hari cong panginoon, icao po ay biguian ngayon Dios nang magandang hapon.
Ang sagót nang haring mahal salamat na ualang hangan, sabihin mo't, iyong turan ang sadyá mo't, pinag-lacbay.
Ani don Juan at badyá ó daraquilang monarca, ang sadyá co pong talagá hinguil sa pangangasaua.
Cun baga maguiguing dapat ang Berbania cong ciudad, masama't, mapaquilangcap sa iyong coronang hauac.
Ang uica nang haring mahál icao ay pumanhic naman, at quita'i, magsalitaan dini sa palacio real.
Ang sagót ni don Juan iyan po'i, di pasasaan, ang hintay co'i, pag-utusan nang aquing macacayanan.
Nang sa haring mapaquingan ay tinauag capagcuan, yaong criado niyang hirang ito ang siyang tinuran.
Ngayon din magmarali ca isang salóp na trigo'i, muha, aquing susubuquin bagá nagsadyáng mangangasaua.
Ay ano'i, nang dumating na ang trigong ipinacuha, don Juan ay sumunod ca sa útos co ngang lahat na.
At cun di mo masunod nga ang aquing ipagagaua, ualáng pagsalang daquila ang búhay mo'i, mauauala.
Itong trigo ay cunin mo pag-ingatan mong totoo, sasabihin co sa iyo ang lahat nang gagauin mo.
Itong bundóc na mataas tibaguin mo nang mapatag, at doon mo nga icalat itong trigong aquing hauac.
Ngayon din iyong itanim gabing ito'i, tumubo rin, sa gabing ito'i, gayon din iyo namang aanihin.
At sa gabing ito naman ay gagauin mong tinapay, sa lamesa co'i, maguisnan cacanin co sa almusal.
Quinuha na ni don Juan yaóng trigong ibinigay, doon sa porterong bahay biniguian nang tatahanan.
Ang uica nang secretario sampóng manga consejero, ano baga't, naparito ang príncipeng locó-locó.
At hindi na nahinayang sa iningat niyang búhay, uala ngang pagsalang tunay na di siya mamamatáy,
Anó'i, nang magabi na oras ay á las seis na, itong si doña María ay guló ang ala-ala.
Caniyang pinag-lalangán hari at consejong tanan, pinatulog na mahusay isa man ay ualang malay.
Siya ngang pagpanaog na nang mariquit na princesa, at pinaroonán niya si don Juang casi't, sintá.
Capagdating ay nagcamay at saca tinanong naman na cung anong cautusán nang hari niyang magulang.
Anang príncipe at badyá poon cong doña María, ang utos nang iyong amá ganito ay maquinig ca.
Itong trigo'i, ibinigay sa aqui't, itaním co rao, at sa gabing ito naman mamunga't, maguing tinapay.
Sagót ni doña María don Jua'i, bayaan mo na, at hindi mahihiya ca doon sa hari cong amá.
Saan patutungo naman ang sa haring carunungan, na májica negra lamang ang caniyang tinatangnan.
Ang sa cay doña María hauac ay májica blanca, ang dunong nang haring amá ay tinalo nga niya.
Ang uica niya, at saysay icao ay magpahingalay, at malaquing iyong pagal sa layo mong pinagmulán.
Ay ano'i, nang lumalim na hating gabing tahimic na, pinalabas nang princesa carunungang ingat niya.
Oras ding yao'i, napatag itong bundóc na mataas, isinabog niyang lahat ang trigong caniyang hauac.
Ang isang catacá-tacá, lacás nang májica blanca, bagong isinasabog pa oras ding yao'i, namunga.
Nang oras ding yao'i, agád itong trigo ay guinapas, maraming umaalagád oras ding yao'i, nalugas.
Ito'i, salicsihang paua manga inchic ang nagáua, pucpóc magcabi-cabila ingay na ualang camuc-há.
Nang oras na á las cuatro isinoot na sa horno, sabihin bagá ang guló niyong caramihang tauo.
Niyong ngang á las cinco na ang tinapay ay luto na, hinango capagcaraca cay doña Maríang quinuha.
Nanhic sa palacio real sa lamesa'i, inilagay, sa cuarto'i, nagtuluyan at natulog capagcuan.
Ay ano'i, nang maguising na itong daquilang monarca, ay nagtuloy sa lamesa ang tinapay ay naquita.
Nang damputin ang tinapay ay napaso pa ang camáy, at bagong hinango lamang sa hornong pinaglutuan.
Nanguilalás nanga rito ang hari 't, consejero, marunong yatang totoo itong bagong naparito.
Cun caniyang nagaua man ang hiniling cong tinapay, sa iba cong cautusán ay siya nga'i, mamamatáy.
Ay ano'i, nang matapos na don Jua'i, tinauag niya, naparoon capagdaca at siya'i, naquipagquita.
Ang uica nang haring mahal pumanhic cang magtuluyan, isinagót niya naman aco po ay pag-utusan.
Capagcaraca'i, quinuha ang frascong iningat niya, ang hari ay nanaog na ang príncipe ay casama.
Don Juan ngayo'i, tingna mo ang aquing hauac na frasco, at ang nasisilid dito labing-dalauang negrito.
Ito'i, aquing pauaualán sa tubig nang caragatan, isilíd mong ulí naman sa frascong quinalalag-yan.
Isa ma'i huag magculang sa negritong pauaualán, huag namang mapalita't, capalit ang iyong búhay.
Pinaualán nanga rito labing dalauang negrito, at nag-uica nang ganitó ang haring si don Salermo.
Sa umagang mag-almusál sa lamesa cong cacanan, maquiquitang ualang culang negritos cong pauaualán.
Ang frasco'i, ibinigay na cay don Juan nang monarca, at sa palacio'i, nanhic na saca tambing nagpahinga.
Ay ano'i, nang magabi na oras nang Ave María, dumating na capagdaca ang mariquit na princesa.
Tinanong na si don Juan ni doña Maríang hirang, na cun anóng cautusán nang haring caniyang magulang.
Sagót ni don Jua't, badyá ó poon co't, aquing sintá, ganito'i, paquingan niya utos nang mahal mong amá.
Negrito niyang laruán sa tubig ay pinaualán, itong frasco ay iniuan at mulí cong isilid dao.
Na hustong labing-dalauá ang negritos na lahat na. capag nagculang nang isa búhay co ang cahalagá.
Ang sagót ni doña María ó don Juang aquing sintá, cun yaón ang utos niya huag cang mag-ala-ala,
Gasino yaong familiar nang haring aquing magulang, capag aquing tinauagan ay lalapit silang tanán.
Ang dalaua'i, nag-agapay at sila'i, nagpapanayám, hangang sa madaling arao nang canilang salitaan.
At niyong á las cuatro na ay nag-uica ang princesa, ó don Juang aquing sintá ang ilao dalhin mo muna.
Ang frasco'i, dalhin mo bagá sa dagat quita'i, tumugpá. yao nanga't, lumacad na dalauang magcasi't, sintá.
Lumusong silang nagsabay at ang frasco'i, iniumang, saca niya tinauagan ang negritong calahatán.
Balang mahulí sa inyo nang pagpasoc nga sa frasco, cahit na sa tubig cayó masisilab sa galit co.
Sa negritong marinig na voces ni doña María, ay nangag-unahán sila pagpasoc sa frascong sadyá.
Ay sa gayong pagcacalat negritos niyang tinauag, sa tacot na dili hamac nangagsipasoc na agád.
Ang uinica nang princesa mouí ca na aquing sintá, aco'i, siyang bahala na sa palacio'i, magdadalá.
Nagtuloy na si don Juan doon sa porterong bahay, si doña María naman nanhíc sa palacio real.
Inilagay na sa lamesa yaong frascong dalá niya, sa cuarto'i, nagtuloy na at natulog nanga siya.
Ay ano'i, nang maguising na ang haring Salermo bagá, sa lamesa ay naquita ang frasco'i, naroon na.
Quinuha na at tiningnan ang caniyang calaruan, hustong hindi nagcuculang ang negritong pinaualán.
Hindi na cumibó siya pinaram sa ala-ala, mayroon pa acong ibang iúutos sa caniya.
Anó'i, nang quinabucasan ipinataúag si don Juan, naparoo't, di sumuay sa haring Salermong mahal.
Anitong hari at badyá. yamang pangaco nang una, na sa utos cong lahat na don Juan ay susunód ca.
Anang príncipeng daquila yao'i, totoó cong uica, utos mo po cun masira ibig co pang mamatáy nga.
Ang uica nang haring mahal ganito'i, iyong paquingan, at nang iyong maalaman itong aquing cautusán.
Ang ibig co ngayon naman yaóng bundóc na nariyan, ay dito sana malagay sa tapat nang durungauan.
Búcas pagca-umaga nga cun manungao acong biglá, hangin sa bundóc tatama ay pumasoc sa bintana.
Caya hayo na don Juan utos co'i, sundin mo lamang, cundi mo magaua naman capalit ang iyong búhay.
Umalis na capagdaca at sa bahay omoui na, nang maca-Ave María naparoón ang princesa.
Ang uinica sa caniya ó don Juang aquing sintá, ay anó ang utos bagá nang aquing mahal na amá.
Ang utos niya sa aquin ó sintá co't, aquing guilio, ganito ay iyong dinguin at aquing ipagtuturing.
Yaong bundóc na nariyan aquing palacarin naman, at caniya rao maguisnan sa tapát nang durungauan.
At ang hanging magahasa doon sa bundóc tatama, at sa pág-ihip na biglá ay pumasoc sa bintana.
Sagót ni doña María cun yaon ang utos niya, huag cang mag-ala-ala aco'i, siyang bahala na.
Sa canilang salitaan ay parang isang catauán nang magmamadaling arao ang princesa, ay nagsaysay.
Don Jua'i, matulog ca na at baca napupuyat ca, aco'i, siyang bahala na sa poon cong haring amá.
Nang oras ding yaón naman lumacad ang cabunducan, doon niya pinatahán sa bintanang durungauan.
Nang ito ay mayari na á las cuatro nang umaga, ang princesa'i, pumanhic na na di namalayan siya.
Ay ano'i, nang maguising na itong daquilang monarca, bintana'i, binucsán niya at nanungao capagdaca.
Milagro manding daquila nang Dios na macalinga, isang hanging magahasa sa bundóc baga'i, tumama.
Sa simbuyóng calacasan bilis nang hanging amihan pumasoc sa durungauan nang haring Salermong hirang.
Nanguilalás nanga rito sampóng loob ay naguló at hindi niya matalo ang príncipeng naparito.
Ito'i, bayaan co muna na sa haring ala-ala, at ang aquing ipagbadyá nang magdadapit hapon na.
Pinatauag si don Juan doon sa porterong bahay, quita ngayo'i, uutusan sundin mo't, huag sumuay.
Sagót nang príncipe naman sabihin po't, iyong turan, at nang aquing maalaman ang iyo pong cautusán.
Ang uica nang hari't, turing ó don Juan iyong dinguin, ngayo'i, aquing sasabihin yaong lahat mong gagauin.
Ang bundóc mong inilagay sa tapat nang durungauan, ay doon maguiguisnan sa guitna nang caragatan.
At maguing isang castillo sa limaga'i, maquita co, at gayon din ang simborio ang bilog ay paparejo.
Sa castillong yaon naman ay cun mayari nang tunay, ay pitó namang halayhay ang kañon mong ilalagay.
Mulá, sa palacio real at castillong paroronán, matuid ang lalacaran na cauili-uiling tingnan.
Doon sa castillo bagá dadaanan tang dalauá, ay anim ang bateria tatayó ang centinela.
At sa batería naman ay may cañong malalagay, na umaga'i, maguiguisnang pauang nangag-puputucan.
Narito at cunin mo na itong mazo at barreta, sampóng pico at cuchara sa pag-gauá ay talagá.
Quinuha na ni don Juan ang lahat nang casangcapan, at siya'i, noui na naman doon sa porterong bahay.
Ay ano'i, nang magabi na ora'i, á las ocho bagá, siya nangang pagdating na nitong si doña María.
Tinauag na si don Juan at saca tinanong naman, na cun anong cautusán nang haring aquing magulang.
Sinaysay rin namang tunay nang príncipeng si don Juan. ang lahat nang cautusán nang haring Salermong mahal.
At sampong pagbibigay pa niyong mazo at barreta, manga pico at cuchara sa pag-gauá ay talagá.
Isinagót nang princesa casangcapa'i, aanhin pa, aco'i, siyang bahala na sa láhat nang utos niya.
Matulog ca na don Juan na icao'i, magpahingaláy, sa umaga,i, maguiguisnán ang caniyang cahilingan.
Ay ano'i, nang lumalim na ang gabi ay tahimic na, sa májicang salamangca ang castillo'i, guinauá na.
Nang oras na yao'i, agád ang castillo'i, pinalacad, doon sa guitna nang dagat cataasa'i, sacdál taas.
Pitóng andana ang hanay nitong cañong nalalagáy, ang calzadang lalacaran tuloy sa palacio real.
At anim ang batería na may cañong para-para, at ang nacacentinela coroneles na lahat na.
Nang ito'i, mangyaring tunay cahit isa'i, ualang culang, ang princesa'i, nalis naman at sa cuarto'i, nagtuluyan.
Ay anó'i, pagca-umaga ang hari ay naguisíng na, ang putuca'i, sabihin pa sa castillo at batería.
Ang uica nang haring mahal don Juan quita'i, magpasial, ating panoorin lamang sa castillong pagcalagay.
Yáo nanga't, lumacad na nagpasial silang dalauá, sinino na capagdaca nang naroong centinela.
Ang sagót bagá at saysay aco aniya'i, si don Juan, anang de la guardia naman emperador nating mahal.
Dito na ngani nagtaca ang haring Salermo bagá, at ang nacacentinela coroneles na lahat na.
Sa canilang pagpapasial cabi-cabila'i, putucan, ang singsing nang haring mahal nahulog sa caragatan.
Hari'i, nangusap pagdaca don Juan quita'i, muí na, at iyong ipatahan na ang cañóng nagsisisalva.
Itinaás ang espada cay don Juang, hauac bagá, ang putuca'i, nagtahan na at di na naringig nila.
Ang hari ay nagtuluyan doon sa palacio real, ang príncipeng si don Juan nuí sa porterong bahay.
Mapahapong á las cinco nag-utos sa isang criado, si don Jua'i, tauaguin mo at siya'i, hinihintay co.
Naparoo't, di sumuay itong príncipeng timtiman, anang hari'i, paquingan itong aquing cautusán.
Ngayon sa gabing magdamag paua mong alising lahát, castillo at baterías huag cong maguisnan bucas.
At sa dati'i, isauli mo tapat nang durungauan co, sa umaga'i, maguisnan co huag na hindi sundin mo.
Ay ano'i, nang matapos na yaón utos sa caniya, si don Juan ay nalis na sa bahay nuí pagdaca.
Niyong magabi na naman nanaog na capagcuan, ang princesang matimtiman pinaroonan si don Juan.
Tinanong na capagdaca na cun anong utós bagá anang príncipe at badyá ganito ay maquinig ca.
Ang castillong nalalagay sampó nang batería naman búcas huag nang maguisnan nang haring iyong magulang.
Ang uinica nang princesa ó guilio co't, aquing sintá, icao ngayo'i, matulog na aco'i, siyang bahala na.
Nang mahating gabing tapat ualang malay silang lahat ay naguing bundóc na agád yaong castillong mataás.
At nasaulí na sa lagay ang quinuhang cabunducan, at ang bitería naman sa hari'i, hindi naguisnan.
Tinauag namang mulí pa itong príncipeng masiglá, naparión capagdaca sa hari'i, humaráp siya.
Capagdating ni don Juan hari'i, nangusap pagcuan, di co yata mabayaran ang lahat mong capagalan.
Saca ngayon ang isa pa muling uutusan quita, anang príncipe at badyá ay iyo pong sabihin na.
Sa canitang pagpapasial sa castillong cariquitan, ang singsing cong minamahal nahulog sa caragatan.
At sa gabi namang ito yaón lamang ay cunin mo, sa umaga'i, maducot co sa ilalim nang unan co.
Isinagót ni don Juan cun yaón bagá po lamang, cahit aquing icamatay susundin cong malumanay.
Ay ano'i, nang magabi na á las nueve ang oras na, dumating na capagdaca itong si doña María.
Itinanong cay don Juan ang utos nang haring mahal, sumagot nang mahinusay at ganitó ang tinuran.
Ang utos bagá sa aquin nang haring amá mong guilio, sa dagat ay aquing cunin ang diamante niyang singsing.
Anang princesa'i, ganito tapangan mo ang loob mo, at itong utos sa iyo ay panganib na totoó.
Isang batia ang quinuha nang mariquit na princesa, may sangcalan at hapác pa sa dagat sila'i, tumugpa.
Sa batia'i, lumulan agád ang dalauang magsing-liyag, pagcapalaot sa dagat ang princesa ay nangusap.
Huag matacot don Juan tadtarín mo acong tunay, at huag matapon lamang capirasong aquing lamán.