Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting
Part 2
--Anó anó ang inyong pinagpupulun~gan m~ga bata?--anang matandà.
--Wari po'y nagkakapalabasan; nagkakapustahan po yata n~g kuarta.
--At sinong pupusta sa akin?--ang ulit n~g matanda--n~guni't ayoko n~g kuartahan!
--Kami po; ang halos sabay n~g apat na binatang doroon, na ang m~ga isipa'y nasa kara y kurus din at sa pagkakataló.
--Kapag hindi ko napakain sa dulo n~g kawayang yaan ang kalabaw na yaong nakatali sa tabing bakod ay anong gagawin ninió sa akin?--ang patuloy n~g matanda.
--Kapag na pakain mo po'y di iyo na ang lahat naming kuarta, pati na sa bulsá naming apat--ang tugon n~g isa.
--Ayao ako n~g kuartahan--ang ulit n~g matanda.
--Kapag po napakain mo ay unsun~gin ka po naming pauwi sa bayan, yamang gabi na din lamang, at ikaw po namay matanda na.
--How?... Lalong mabuti at galing din sa inyong bibig!
--Sia n~ga po ang ulit n~g apat na m~ga kapustahan.
Bueno ... at sabay na kinalág n~g matanda ang kalabaw, at inilapit lapit sa kawayan; humapay n~g isa, na parang sinukat, na ang dulo'y napalapit sa un~gos n~g kalabaw, at sa ganito n~ga'y kinain n~g hayop ang talbós n~g kawayan.
--Ano pa?... ang ulit n~g matanda sa m~ga kapustahang nan~gapamanghâ.
Tumutol ang iba sapagka't inaasahang ipapanhik n~g matanda ang kalabaw, doon sa dulo n~g kawayan; n~guni't n~g magkaaninawa'y sila din ang mali sapagka't hindi pinaglinaw muna ang pustahan, ay ang matanda din ang nagsabi.
Ang kamalian ay katalunan; Siyang kalakarang leying umiiral.
At ang lahat ay di nakatanguí; napatalo na n~ga sila at matanda'y inusong sa isang duyan.
--Yamang n~gayo'y gabi na din lamang ay ipagpatuloy ninio ako sa Casa Real at sabihin niniong ako'y nalunod. Walang pagsalang ako'y lilimusan n~g m~ga kakila't katoto, lalo na si Doña Isabel; at ikaw Cebio ang maghahawak n~g kuarta, sapagka't ang asawa ko'y mananan~gis na lamang; huag lamang kayong magpapahalata. Ikaw naman Kulás ay pasasa simbahan at magpapa algunias, sabihin mo sa kay Pari Teban na ako'y pag oracionan.
At ganoon n~ga ang guinawa.
VII
Sabihin pa ang pagkapamanghâ n~g marami sa mapagtantong ang namatay ay si matandang Tasiong Sistidor, lubha pa n~g m~ga nakakita sa kanian sa anihan, n~g araw na yaon.
Ang bankay nia'y inilagak na lamang sa silong n~g Casa Real ayon sa utos n~g Kapitan. N~guni't noon ding gabing yoon ay walang makasabi kung bakit ipinadala na doon sa pantion at n~g doon muna mapa lagak hangang kinabukasan; at ganito n~ga ang nasunod.
N~g sia'y mapag-isá doon, at n~g wala nang makakita sa kania ay nagban~go't pinasan ang sa kaniya'y pinagusun~gan at tuloy tuluyang umuwî sa kaniang bahay, sa wala sinomang nakakita. Noon din ay pinaroonan nia ang dalawang sa kania'y umusong magbuhat sa bukid, at ipinagalám sa kaniang inaakalang gawin. Kinabukasang ililibing ang nalunod na matandang Tacio ay wala ang bankay sampon n~g pinaglagyan, kaya naman sa takot n~g dalawang pinagutusan n~g kapitan, ay nagpahayag n~g daw, ay nakita nilang kababalaghang, pag pailanglang n~g bangkay ni Tandang Tacio hangang kalan~gitan. Ang salaysay na ito ay paniwala'y dili n~g marami, n~guni't pinagtitibay na patotohanan n~g dalawang yaon, dahil sa takot na mapalò n~g kapitan.
VIII
Ang lahat na nakaalam n~g pagkamatay ni matandang Tacio ay malungkot na nagbibilang n~g araw, at n~gayo'y ikaapat na araw na magmula n~g ilibing ang nalunod. Ang balo n~g namatay sanpon n~g m~ga kasuyó ay naghahandaan upang ipagparasal n~g gabing yoon, kaya, n~ga't nagkatipon sa bahay n~g namatay. Na roon na ang Kapitan, ang Directorcillo, ang Paré, at ang m~ga Cantores ay nagdasal n~g responso, sampon n~g m~ga manang at ang lahat na doroon. Nang matapos ay pawang inanyayahan sa paghahapunan at dina n~ga naluatan at nalilikmo nang lahat sa paligid n~g isang mahabang dulang na kina hahainan n~g mabubuti at masarap na pagkain na ang litson at tinolang manok ay kapiling n~g patis na may dayap at n~g salaang maasim asim. Nang malapit na ang pagkatapos n~g paghapon ay napansin n~g lahat ang isang tinig na nagbubuhat sa gawing itaas n~g palupo na tapat n~g dulang. Ang lahat ay na patin~galá at doon n~ga'y nakita ang duyang may nakalawit na isang paa. Marami ang nagulat at tumakbó, lubhà ang m~ga babaie. Pinagtulung-tulun~gang ibaba ang duyan at n~g narito na'y mahinusay na nagsalita ang matanda, na nagpalutô n~g tsá na pinatakan n~g gatas amargas, sa gitna n~g di masayod na katuaan at tawanan. Ang kaumpok na m~ga daló sa piguing na yaon ay walang pagkasiahan sa lugod, kaya n~ga yata ang Directorcillo ay di nakatiis na di bumigkas n~g isang tulà na kaniang biglang ipinamutawi, na anya'y,
M~ga, maguinoo,
Ang tawo'y di n~ga sukat na magsasabi, n~g tapos sa sinomang kapua lalaki, sapagka't kung ganito n~ga ang mangyari kahiyahiyang lubha sa kania ding sarili.
(Nan~ga tilihán)
Ipinalalagay nating patay n~gang tunay si Pareng Tacio kaya n~ga nagdasalan, dili pala gaion at siang tumatanaw kung sino sa atin ang malaking samual.
(tawanan)
Ang gawang maglimos ay gawang magaling na di n~ga lubhang kaluluguihan natin; paris n~ga n~gaio'y m~ga tian natin di mababayaran n~g tigagatlong aliw.
(tawanan)
Kaya n~ga lubos ang pasasalamat ko sa pan~galan lamang ni Cumpareng Tacio, biniguian lugal na magkasalo-salo tanang cantores at sampon maguinoo.
(walang makahin~ga)
Sapagka n~gá't naguing ugali na natin m~ga kantores sa huli ang kaín tan~gi lamang n~gaion na napapiling din, kaakbay n~g kurang kaagapay natin.
(may na hikáb pa)
Ang ipinagbadya'y di ko tinitikis kaya ang hiling ko'y inio n~g íalis sa puso niniong maalam magkipkíp at sa kakulan~ga'y marunong magtakíp.
(may na banlág)
Inuulit ko'y ang pagpapasalamat dito sa may boda at tanang kaharap; huag din nawang isaman ay magkalamat m~ga pinga't basong dito n~ga't sinangkap.
(Na patawa ang asawa ni tandang Tacio)
At natapos na.
Nagpagakpakan at muling nagkatawanan at dito nama'y hinan~gaan ang pagkakapamigkas n~g Directorcillo n~g gaiong tugma, at sapol na n~ga noo'y pinagmatahan sia n~g kanilang kura at ipinalagay sa kaniang sarili na isa sa m~ga may magagawa sakalí pagdating n~g araw, na ito'y hindi nagluat, sapagkat may ilang panahon lamang at ang Directorcillo n~ga ay napatapon na sa ibang lupain, at noo'y nagsisimula na ang himagsikan.
Ang lahat ay nagpaalam na, at ipinalagay na ang m~ga kantores ang siyang napahirapan sa gaiong kasistihang guinawa n~g matanda; kaya n~ga ang m~ga ito'y nagsabi na di na sila mauuli ninoman, bagama't kadidinig pa lamang n~g ipinamutawi n~g Directorcillo.
IX
Nakalipas ang ilang buwan.
Minsang gabi tinipon ni Matandang Tacio ang m~ga kantores.
--Saan tayo paroroon po?--ang tanong n~g Maestro kantor.
--Tayo'y may ipagdarasal sa bahay ni Kumpareng Kulás.
--At sino pô ang namatay?
--Ang anak ko sa biniag.
--Kayo'y mauna na at ako lamang ay magdaraan dito sa tindahan n~g insik at bibili n~g magagawang bisté, at baka di mayari.
--Sia n~ga pô; pabayaan ninio't kami ang bahala na pagdating doon.
At nagsiparoon nan~gang sabaysabay ang m~ga cantores, samantala'y may isa sa kanilang na kapunang sa bayan pala nila'y pauang insik na lamang ang may tinda at ang m~ga taga doo'y pauang mamimilí at man~gun~gutan~gan na lamang sa m~ga iyon.
...............................................
Dumating ang m~ga kantores sa bunsuran n~g hagdanan n~g Kulas. Ang ugaling pagpapatawo po ay sinagot sa itaas, sinun~gaw sila at pinapanhik sa pagsasapantahang marahil ay haranista, sapagka't, doo'y may dalaga. Nang nan~gauupô na'y ang maestro kantor ay humin~guing tulot na makalapit sa dambana, nag sindí n~g kandila at pagkuwan ay nagsiluhod na't nagsimula n~g isang Rosario Cantada. Lubhang napamanghâ ang may bahay at di nakatiis si Matandang Akang na noo'y paris din n~g dating hapong nakakainom n~g dalawang tagay, kaya n~ga ang m~ga mata'y kukurapkurap at n~gamol ang pan~gun~gusap ay nagsabi:
--Ano ba't kayo'y nagdadasal dito?
--Aba!... Kami po'y pinaparito ni Matandang Tacio, at ipagdasal daw namin ang inyong apong si Julio na kania namang anak sa binyag; kaya po ...
--Ah!... Kayo'y m~ga wala n~g kinahahapan~gan kundi ang kung sino ang mamatay, palibhasa't ... kayo'y kantores kulitis.
--Huag po kayong magkagalit at hindi po kayo ... kami ang may kasalanan.
--Hindi; Kaya n~g huag tayong magkaligalig ay kayo'y umalis na dito.
At ang m~ga kantores ay di nan~ga nagulit at noon din ay umalis, tuloy hinanap ang matandang sa kanila'y nag buyó sa gaiong kahihian. Sabihin ang galit n~g maestro, na sarisaring balak ang sinasabi upang makagantí.
.............................................
Dumating sila doon at napatawo sa bahay n~ga n~g matandang Tacio. Sinun~gaw n~g asawa at pinapanhik.
--Juan!... ang pagdaka'y tawag n~g Matanda--ipasok mo dito yaang mansanilia--Ako yata'y nabalis n~ga taga Lumay na kausap ko dito kanikaniná--kaya ganito na ang sakit n~g aking tian; at nagsubsób nang mabuti sa banig na hinihigan na itinitirik ang ulo sa unan, at hinihilot naman n~g asawa ang tian n~g matanda.
--Baka pô nasin~gawan lamang n~g lupà ang ulit n~g Maestro kantor.
--Hindi; talagang balis ito, kaya ganito katigas ang tian ko parang bato!... anang matanda....
Ang isa sa m~ga kasama ay pagkadinig n~g wikang "balis" ay nagmungkahing umalis na sila at baka mahawa, di umano, samantala'y inanyayahan sila ni Juan Hanipol n~g hitso't sigarilió.
Ilang sandalî ay ga tumahimik ang may sakit, at na katulog.
--Mabuti't wari po'y hinayhinay at tila nakakatulog, ay kami ay aalis na--ang ulit na sabi n~g Maestro kantor sa asawa n~g matanda--sabihin mo pô sa kania na kami ay sukó na.
--Bakit naman?
--Sapagka't pô nasabi namin na kami hindi na mauuli niyang pagbibiruan ... ay eto't ... biro din.
Kaya n~ga tumpak na tumpak n~ga, sa atin ang sinabi n~g Director noon magkainan tayo sa bahay ding ito; ang sabat n~g isang kasama, na,
Ang tawo'y di n~ga sukat magsasabi n~g tapos sa sinomang kapua lalaki sapagka't kung ganito n~ga ang siang mangyari kahihiyang lubha sa atin ding sarili.
At nagsipagpaalam na ang lahat. Ang magasawa naman ni matandang Taciong Bakal sampon ni Juang Hanipol ay hindi magkangmamayaw n~g pagtatawanan, dahil sa m~ga nangyaring yaon.
Kaya; kung minamainam mo ito guiliw kong kababayan, ay pakitandaan ang m~ga nangyari; pulutin at itanim ang m~ga binhi n~g katwiran upang sa araw na kailan~gan natin ay salo salo tayong magani n~g masarap na bun~ga n~g kaguinhawahang inilaan sa atin n~g sa atin ay Kumapal.
At hangan sa muli po tayong magkita at sandaling magkaulayao paris n~gaion,--Marami pong salamat sa inyo at ipagpaumanhin ang kulang nito at n~g susunod, na pakahuhusayin upang panibagong mai handog sa inio.
=STANGL PRESS=
Tumatanggap ng mga gawaing nauukol sa limbagin na gaya ng Revista, Nobela, Alegato, Membrete, Tarjeta, at iba't iba pa.
Sa halagang mura at madali ang pagkayari.
Dumalaw kayo rito sa aming pagawaan.
641 Sales, Santa Cruz, Maynila.
Patalastas: La Moderna