Florante at Laura

Part 7

Chapter 7 160 words Public domain Markdown

"N~guni't, sa púsò co,i, matamís pang lubhà natuloy naquitíl ang hinin~gang abà"...

ano nga ang inyong sabi tungkol sa dalawang iyan? At ano ang inyong lasa? Sa una ay may kaunting kabaguhan, sa palimbag ni P. Sayo, ang huling talata ay ginawang "katawan sa dusa'y hininga'y natulog"; nguni't binago man ay tila kasinglasa rin ng "matamis pang lubha natuloy naquitíl ang hiningáng aba". Mga tulang inabot ng "tabsing sa dagat", mga lipad na sa kaitaasa'y inabot ng pagkahapo; opo, pagkahapo, gaya na nga nitong inyong lingkod, na nahahapo na at kinakapos; kung kaya, tinatapos na rito ang mga paliwanag na ito.

Lubha ngang kanaisnais, kung sa likod ng mga pagpapagod na ito ay matuklasan at mapagsamasamang panibago ang lahat nang sangkap, na waglitwaglit ngayon ng dakilang likha ni Balagtas, upang ang walang kahambing na Monumento ng Panitikan at ng Lahing Tagalog ay muling maibangong gaya rin nang dati.

Carlos RONQUILLO

Sept. 1921.

tunay na sipi. 3-9-65 rop