Florante at Laura

Part 2

Chapter 2 4,066 words Public domain Markdown

Malao,i, humilig nag ualang bahalâ dirin cumacati ang batis ng lúha, sa madláng himutoc, ay casalamuhá ang uicang "_Flerida,i, tapus na ang touá_".

Sa balang sandalî ay sinasabugan yaóng boóng gúbat n~g maraming ¡_ay_! naquiquituno sa huning mapanglao n~g pang-gabing ibon doó,i, nagtatahán.[M]

Mapamaya-maya,i, nag ban~gong nagulat, tinangnán ang pica,t, sampo n~g calasag nalimbag sa muc-hâ ang ban~gís n~g Furias[N] "_dî co itutulot_" ang ipinahayág.

"At cung cay Flerida,i, ibá ang umagao at dî ang amá cong dapat na igalang, hindî co masabi cun ang picang tan~gan bubugá n~g libo,t, lacsáng camatayan.

Bababa si Marte mulâ sa itaás[O] sa ca-ilalima,i, áahon nang Parcas,[P] boong galit nila, ay ibubulalàs yayacaguin niyaring camáy cong marahàs.

Sa cucó nang lilo,i aquing àagauin ang cabiyác niyaring calolouang angquín, liban na cay Amá, ang sino ma,t, alin ay dî igagalang nang tangang patalím.

¡O pag sintang labis nang capangyarihan sampong mag aamá,i, iyong nasasaclao! pag icao ang nasoc sa púsò ninoman hahamaquing lahat masunód ca lamang!

At yuyuracan na ang lalong daquilá bait, catouira,i, ipan~gan~ganyaya boong catungcula,i, uaualing bahalà sampo nang hinin~ga,i, ipauubayà.

Itong quinaratnán nang palad cong linsil salamíng malinao na sucat mahalín nang macatatatáp, nang hindî sapitin ang cahirapan cong di macayang bathín.

Sa mauica itó lúhà,i, pina-agos, pica,i, isinacsac, sacá nag himutóc, nagcataón naimáng parang isinagót, ang buntóng hinin~gá, niyaóng nagagapus.

Guerrero,i, namanghâ nang ito,i, marin~gig, pinabaling-baling sa gúbat ang titig, nang ualang maquita,i, hinintay umulit, dî namán nala,i, nag bagong humibíc.

Ang bayaning moro,i, lalò nang namaáng "sinong nananaghóy sa ganitóng iláng?" lumapit sa dacong pinan~gagalingan nang buntóng hinin~ga,t, pinaquimatyagán.

Inabutan niya,i, ang ganitóng hibic ¡ay mapagcandiling Amáng ini-ibig! ¿baquit ang búhay mo,i, na unang napatid, aco,i, inolila sa guitnâ nang sáquit?

Cong sa gunitâ co,i, pagcuru-curuin ang pagcahulog mo sa camay nang tacsíl, parang naquiquita ang iyóng naratíng parusang marahás na calaguim-laguim.

At alin ang hirap na dî icacapit sa iyó nang Duque Adolfong malupit[29] icao ang salamín sa Reino nang bait pagbubuntuhang ca nang malaquing gálit.

Catao-an mo Amai,i, parang namamalas n~gayón nang bunsô mong iugami sa hirap pinipisang-pisang at iniuaualat nang pauâ ring lilong verdugo nang sucáb.

Ang nagcahiualay na lamán mo,t, butó, camay at catao-áng nálayô sa úlo, ipinag-haguisan niyaóng mga lilo at ualang maauang maglibing na tauo.

Sampo nang lincód mo,t, m~ga cai-bigan cong campi sa lilo,i, iyo nang ca-auay, ang dî nagsi-ayo,i, natatacot naman bangcay mo,i, ibaó,t, mapaparusahan.

Hangan dito ama,i, aquing naririn~gig, nang ang iyóng úlo,i, tapát sa caliz ang panambitan mo,t, dalan~gin sa Lan~git na aco,i, maligtás sa cucóng malupít.

Ninanásà mo pang acó,i, matabunan n~g bangcay sa guitnâ n~g pagpapatayan, nang houag mahúlog sa panirang camay ng Conde Adolfong higuit sa halimao.

Pananalan~gin mo,i, dî pa nagaganáp sa li-ig mo,i, bigláng nahulog ang tabác naanáo sa bibig mong hulíng pan~gun~gusap, ang "_adios bunso,t,_" búhay mo,i, lumipas.

¡Ay amang amá co! cong magunam-gunam madlâ mong pag irog at pagpapalayao ipinapalaso n~g capighatian luhà niyaring púsòng sa mata,i, nunucál.

Ualáng icalauáng amá ca sa lupà sa anác na candóng ng pag-aarugâ ang munting hápis cong sumungao sa muc-hâ, sa habág mo,i, agad nanálong ang lúhâ.

Ang lahat ng toua,i, natapos sa aquin, sampô niyaring búhay ay naguing hilahil, amá co,i, hindî na malaong hihintín aco,i, sa payapang baya,i, yayacapin.

Sandaling tumiguil itóng nananangis, binig-yáng panahón lúha,i, tumaguistís niyaóng na aauang morong naquiquinyig, sa habág ay halos mag putóc ang dîbdib.

Tinutóp ang púsò at saca nag say-say 'cailan a iya lúha co,i, bubucál n~g habág cay amá at panghihinayang para ng panaghóy ng nananambitan?[30]

Sa sintáng inagao ang itinatan~gis, dahilán n~g aquing lúhang nagbabatis yaó,i, nananaghóy dahil sa pag-ibig sa amang namatáy na mapagtang-quilic.

Cun ang ualang patid na ibinabahá. n~g m~ga mata ko,i, sa hinayang mulà sa m~ga palayao ni amá,t, arugà malaquíng pálad co,t, matamís na luhà.

N~guni,t, ang nanaháng maralitang túbig sa muc-hâ,t, dibdib cong laguing dumidilig cay amá n~ga galing dapoua,t, sa ban~gís hindî sa anduca, at pagtatang-quilic.

Ang matatauag cong palayo sa aquin n~g amá co,i, tóng acó,i, pagliluhin, agauan n~g sintá,t, panasa-nasaing lumubóg sa dusa,t, búhay co,i, maquitil.

¡May para cong anác na napanganyayá ang layao sa amá,i, dusa,t, pauang lúhà hindi nacalasáp kahit munting touà sa masintang ináng pagdaca,i, naualà!

Napahintô rito,t, narin~gig na mulî ang pananambitan niyaóng natatalî, na ang uica,i, "Laurang aliu niyaring budhî[31] pa-alam ang abáng candóng n~g paghati.

Lumaguì ca naua sa caligayahan sa haráp n~g dîmo esposong catipán, at houag mong datnín yaring quinaratnán n~g casign linimot, at pinagliluhan.

Cong nagban~gis cama,t, nagsucáb sa aquin, mahal ca rin lubha dini sa panimdím, at cong mangyayari hangáng sa malibíng ang m~ga butó co quita,i, sisintahín.

Dîpa natatapos itóng pan~gun~gusap may dalauang Leóng han~gós ng paglacad, siya,i, tinuton~go,t, pagsil-in ang han~gad; n~guni,t, nan~ga tiguil pag datíng sa haráp.

Nan~ga-auâ mandi,t, naualán n~g ban~gis sa abáng sisil-ing larauan ng sáquit, nan~ga-catingala,t, parang naquinyig[32] sa dî lumilicat na tin~gistan~gis.

¡Anóng loob cayâ nitóng nagagapus, n~gayóng na sa haráp ang dalauáng hayóp, na ang balang n~gipí,t, cucó,i, naghahandóg isang camatayang caquila-quilabot!

Dî co na masabi,t, lúhà co,i, nanatác, na-uumid yaring dilang nan~gun~gusap, pusò co,i, nanglalambot sa malaquing habág sa ca-aua-auang quinucob ng hirap.

¡Sinong dî mahapis na may caramdaman sa lagay ng gapús na calumbay-lumbay,[33] lipus n~g pighati sacá tinutunghán, sa lamán at butó niya, ang hihimáy!

Catiualâ na n~gâ itóng tiguib sáquit na ang búhay niya,i, tungtóng na sa guhit, linagnát ang pusò,t, nasirâ ang voses, dína mauatasan halos itóng hibic.

"Paalam Albaniang pinamamayanan n~g casama,t, lupit, han~gis caliluhan, acóng tangulan mo,i, cusa mang pinatay, sa iyó,i, malaquí ang panghihinayang.

Sa loob mo naua,i, houag mamilantic ang panirang talím n~g catalong caliz; magcá espada cang para ng binitbit niyaring quinuta mong canang matang-quilic.

Quinasuclamán mo ang ipinan~gacò sa iyó,i, gugulin niniyac cong dugò at inibig mopang hayop ang mag bubò, sa cong itangól ca,i, maubos tumúlo.

Pagcabatà cona,i, ualáng inadhicà cundî pag-lilincod sa iyó,t, calin~gà ¿dî maca-iláng cang babaling masirá ang mga camáy co,i, siyang tumimauà?

Dustáng camatayan ang bihis mong bayad; dapoua,t, sa iyo,i, mag papasalamat, cong pacamahali,t, houag ipahamac ang tinatan~gisang guiliu na nagsucáb.

Yaóng aquing Laurang hindi mapapacnít n~g camatayan man sa tapát cong dibdib; ¡ipa-alam bayan co, pa-alam na ibig, magdarayang sintang di manao sa ísip!

Bayang ualáng loob, sintáng alibughâ, Adolfong malapit, Laurang magdarayâ, magdiuang na n~gayo,t, manulos sa touâ, at masusunod na sa aquin ang násà.

Na sa harap co na ang lalong maraual, mabin~gís na lubháng lahing camatayan malulubos nan~ga ang inyóng casamán, gayon din ang aquing aalipustaán.

¡Sa abáng-abá co! diatâ ó Laura mamamatáy aco,i, hindî mo na sintá! itó ang mapait sa lahat nang dusa, ¡Sa quin ay sino ang mag-aala-ala!

Diyata,t, ang aquing pagca-panganyáya dî mo tatapunang ng camunting lúhà, cong yaring búhay co,i, mahimbíng sa ualà dî babahaguinan n~g munting gunitâ!

Guni-guning itó,i, lubháng macamandág ágos na lúhà co,t, púsò co,i, ma-agnás, túlò caloloua,t, sa mata,i, pumulàs, cayóaquing dugo,i, mag-unahang matác.

Nang matumbasan co ang lúhà, ang sáquit[34] nitóng pagcalimot n~g tunay cong ibig; houag yaring buháy ang siyang itan~gis cundî ang pagsintang lubós na na-amis.

Sa tinaghoy-taghóy na casindac-sindác, guerrero,i, hindî na napiguil ang habág, tinuntón ang voses at siyang hinanap, patalim ang siyang nagbucás n~g landás.

Dauag na masinsi,i, naglagui-laguitic sa dágoc n~g lubháng matalas na cáliz, moro,i, dî tumugot hangang dî nasapit ang binubucalán ng maraming tan~gis.

Anyóng pantay-matá ang lagay n~g arao niyóng pagcatun~go sa calulunuran[35] siyang pagcataos sa quinalalag-yan nitóng nagagapus na cahambalhambál.

Nang malapit siya,t, abutin ng suliáp ang sa pagcatali,i,[36] liniguid n~g hirap, naualán n~g diua,t, lúha,i, lumagaslás, catao-án at púso,i, nagapus ng habág.

Malaong natiguil na dî nacaquibô hinin~ga,i, hinabol na ibig lumayò, matutulog disin sa habág ang dugô, cundan~gan nagbangís Leong nan~gag-tayô.

Na-acay n~g gútom at gauing manilâ, ang-ulî sa ganid at naualâng aua, handâ na ang n~gipi,t, cucong bagong hasa at pagsasabayán ang gapós n~g iuâ.

Tanang balahibo,i, pinapan~galisag, nanindig ang buntót na nacagugulat sa ban~gis n~g anyô at n~ginasáb-n~gasáb, Furiang nag n~gan~galit ang siyang catulad.

Nag taás ang camáy, at nanga caamâ sa cato-ang gapá ang cucóng pangsirâ, nang daracmain na,i, siyang pagsagásâ niyaóng bagong Marteng lumitao sa lúpâ.

Inusig n~g tagâ ang dalauang León, si Apolo mandin sa Serpiente Piton,[Q] ualang bigóng quilós na dî nababaón ang lubháng bayaning tabác na pamutol.

Cong ipamilantíc ang canang pamatáy, at sacá isalág ang pang-adyáng camáy, malilicsing León ay nanga lilinláng cayâ dî nalao,i, nan~ga-gumong bangcay.

Nang magtagumpay na ang guerrerong bantóg sa nan~ga-calabang maban~gis na hayop,[37] lúha,i, tumutulong quinalag ang gápus ng ca-aua-auang iniuan ang loob.

Halos nabibihay sa habág ang dibdib[38] dugó,i, ng matingnang nunucal sa guitguít, sa pagcalág niyang malicsí,i, nainíp sa siga-sigalót na madláng bilibid.

Cayâ ang guinaua,i, inagapayanan catauang malatáng parang bagong bangcáy at minsang pinatid n~g espadang tan~gan ualang auang lubid na lubháng matibay.

Umupo,t, quinalong na naghihimutoc, catauan sa dusa hinin~ga,i, natulog, hinaplus ang muc-ha,t, dibdib ay tinutóp, násà ng gueerro,i, pagsauláng loob.

Doon sa pagtitig sa pagcálun~gay-n~gay n~g caniyang cálong na calumbay-lumbay, nininilay niya, at pinagtatao-hán ang diquit n~g quias at quinasapitan.

Namamanghâ namán ang magandang quias casing-isa,t, ayon sa bayaning ticas, mauiuili disin ang iminamamalas, na matá, cundan~gan sa malaquíng habág.

Gulong-gulóng lubha ang caniyang loob, n~guni,t, napayapà n~g anyong cumilos itóng abáng candong ng calunos-lunos nagusing ang búhay na nacacátulog.

Sa pagcalun~gay-n~gay matá,i, idinilat, himutóc ang unang bati sa liuanag, sinundan n~g taghoy na cahabaghabág "nasaan ca Laura sa ganitong hirap?

Halina guiliu co,t, gapus co,i, calaguín, cong mamatáy acó,i, gunitain mo rin, pumiquít na muli,t, napatid ang daing, sa may candóng namang tacot na sagutin.

Ipina-n~gan~ganib, ay bacá mabiglâ magtuloy mapatid hiningang mahinâ hinintáy na lubós niyang mapayapá ang loob n~g candóng na lipus dálità.

Nang muling mamulat ay naguiclahanan "¿sino? ¡Sa aba co,t, na sa morong camay!" ibig na i-igtád ang lunóng catao-án, nang hindî mangyari,i, nag-ngalit na lamang.

Sagót n~g guerrero,i, houag na man~ganib sumapayapaca,t, mag aliu n~g dibdib n~gayo,i, ligtas cana sa lahát nang sáquit may cálong sa iyo ang nagtatangquilic.

Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan, lason sa púso mo nang hindi binyagan, nacucut-ya acóng dí ca saclolohan sa iyong nasapit na napacarauál.

Ipina-hahayág n~g pananamít mo tagá Albania ca at aco,i, Perciano icao ay caauay n~g baya,t, secta co,[R] sa lagay mo n~gayo,i, magcatoto tayo.

Moro aco,i, lubós na táong may dibdib, ay nasasacalo rin ng útos ng Lan~git, dini sa púso co,i, cusang natititic _natural na leyng_ sa abá,i, mahapis.

Anong gagauín co,i, aquing napaquingán ang iyong pagtaghoy na calumbay-lumbay, gapús na naquita,t, pamu-mutiuanan ng dalauáng gánid, n~g bangís na tangan.

Nagbuntóng hini~gá itong abáng calong at sa umaaliu na moro,i, tumugón, "cundîmo quinalág sa punu n~g cahoy, nalibíng na acó sa tiyán n~g León.

Payapa na namán disin yaring dibdib; napag-quiquilalang ca-auay cang labis at dî binaya-ang nagca-patid-patid, ang aquing hinin~gáng camataya,t, saquit.[39]

Itóng iyóng aua,i, dî co hinahan~gád, pataín mo acó,i, siyang pitang habág, dimo tantô yaring binabatáng hirap na ang camatayan ang búhay cong hanap.

Dito napahiyao sa malaquing hapis ang morong may áua,t, lúha,i, tumaguistís, siyang itinugón sa uicang narin~gig at sa panglolomo,i, cusang napahilig.

Ano pa,t, capoua hindi macaquibô dî nanga-calaban sa damdam ng púsò parang ualáng malay, hangang sa magtágo,t, humilig si Febo sa hihigáng guintô.

May áuang guerrero ay sa maramdaman malam-lám na sinag sa gúbat ay nanao, tinuntón ang landás na pinagda-anan dinalá ang calong sa pinangalingan.

Doon sa naunang hinintúang daco nang masoc sa gúbat ang bayaning moro sa isang malapad, malinis na bató cúsang pinag-yaman ang lugaming pangcó.

Cumuha ng munting báong macacain, ang angdaralitâ,i, inamong tumiquím cahit uma-ayao ay nahicayat din nang sabing malambót na pauang pag-aliu.

Nalouag-louagán ang pang-hihin~gapus sapagca,t, na-auas sa pagcadayucdóc, hindî quinucusa,i, tantóng nacatulog, sa sinapupunan nang guerrerong bantóg.

Itó,i, dî umidlíp sa boong magdamág sa pag-aalaga,i, nagbatá n~g puyat ipinan~gan~ganib, ay bacá macagát nang ganid na madláng nag-gala sa gúbat.

Touing maguiguising sa magaang túlog itóng lipós hirap, ay naghihimutóc, pauang tumitiric na anaqui túnod sa dibdib nang morong may habág at lúnos.

Nang magmamadaling arao, ay nahimbíng munting napayapa sa dalang hilahil hangáng sa Aurorang itabóy ang dilim[S] ualáng binitiuang himutóc at daing.

Itó ang dahiláng ipinagcasundò limáng caramdamang parang hinahalò iquinatiuasáy nang may dúsang púsò lumacás na mulî ang catao-ang hapò.

Caya,t, nang isabog sa sangsinucuban ang doradong buhóc nang masayang arao nag-ban~gong hinaho,t, pinasalamatan sa Lan~git ang bagong lacás nang catao-an.

Sabihin ang touâ nang guerrerong hayág, ang abáng quinalong ay bigláng niyacap, cong nang una,i, nucál ang lúha sa habág n~gayo,i, sa galac na ang ilinagaslás.

Capús ang dilà cong magsaysay nang laquí nang pasasalamat nitóng quinandili, cundan~gan ang dusa,i, sa naualáng casi ay napauî disin sa touang umalí.

Sapagca,t, ang dusang mula sa pag-ibig cung cahit mangyaring lumayó sa dibdib, quisáp matá lamang ay agád babalic at magdadagdág pa sa una nang ban~gís.

Cayâ hindî pa man halos dumadápò ang toua sa lámad nang may dúsang pusó ay itinac-uil na nang dálitang lálò at ang túnod niya,i, siyang itinimó.

Niyapús na mulî ang dibdib nang dúsa ¡hirap ayang bat-hín nang sáquit sa sintá! dan~gan ina-aliu nang moro sa Persia natuluyang nánao ang tan~gang hinin~gá.

Iyong natatantô ang aquing paglin~gap, (anitong Persiano sa nababagabag) mula nang hirap mo,i, ibig cong matatap at nang cong may daa,i, malagyan nang lúnas.

Tugóng nang may dusa,i, "dî lamang ang mulâ niyaring dálita co ang isasalita, cundi sampong búhay sapól pagcabata, nang maganapán co ang hin~gî mo,t, nasà.

Nupóng nag-agapay sa punò nang cahoy ang may daláng habág at lipus lingatong sacá sinalitang, lúha,i, bumabalong boong naguing búhay hangang naparool.

"Sa isang Ducado nang Albaniang Ciudad, doon co naquita ang unang liuanag, yaring catauha,i, utang cong tinangap sa Duque Briseo ¡ay amá cong liyag!

N~gayóng nariyang ca sa payápang bayan sa haráp n~g aquing ináng minamahal Princesa Florescang esposa mong hirang tangáp ang lúhà cong sa matá,i, hunucál.

¿Baquit naguing tauo acó sa Albania bayan n~g amá co at di sa Crotona,[T] masayáng Ciudad na lúpa ni iná? disin ang búhay co,i, di lubháng nag dusa.

Ang Duqueng amá co,i, privadong tanungàn n~g Haring Linceo sa anomang bagay,[U] pan~galauáng púno n~g sangcaharían, hilaga-ang tungo n~g súyo n~g bayan.

Cong sa cabaita,i, ulirán n~g lahát at sa catapanga,i, pang-úlo sa Ciudad, ualáng casingdúnong mag mahal sa anác, umacay, magturo sa gagauing dapat.

Naririn~gig copa halos hangan n~gayón malayao na tauag n~g amá cong poon, niyaóng acó,i, bátang quinacandóng-candóng, taguríng Floranteng bulaclác cong bugtóng.

Itó ang n~galan co, mulang pagcabata, naguisnán sa amá,t, ináng nag anducà, pamagát na ambil sa lumuhà-luhà, at cayacap-yacap n~g màdlang dàlità.

Boong camusmusa,i, dî na sasalitín ualáng may halagáng nangyari sa quin, cundi nang sangól pa,i, cusang daraguitin ng isang Buitreng ibong sadyang saquim.[V]

Ang sabi ni iná acó,i, natutulog sa bahay sa quintang malapit sa bundóc pumasoc ang ibong pang-amóy, ay abót hangang tatlóng leguas sa patáy na hayop.

Sa sinigao-sigao n~g iná cong mutyà nasoc ang pinsán cong sa Epiro mulà n~gala,i, Monalipo may taglay na panà tinudlà ang ibo,i, namatáy na biglà.

Isang arao namang bagong lumalacad acó,i, naglalaró sa guitnâ n~g salas, may nasoc na Arco,t, bigláng sinambilat[W] Cupidong diamanteng sa dibdib co,i, hiyas.[X]

Nang tumuntóng acó sa siyam na taón, palaguing gauâ co,i, mag aliu sa buról sacbát ang palaso,t, ang búsog ay cálong pumatay ng hayop, mamána ng ibon.

Sa touing umagang bagong naglalatag ang anác n~g arao, n~g masayang siñag,[Y] naglilibang acó sa tabi n~g gubat mad-lâ ang ca-acbay na m~ga alagad.

Hangang sa tingalín n~g sangaigdigan ang muchâ ni Febong hindî matitigan ay sinasagap co ang caligayahang handóg niyaóng hindî maramot na parang.

Aquing tinitipon ang iquinacalat ng masayáng ban~gó n~g m~ga bulaclác, ina-aglahi co ang larouang pulad mahinhíng amiha,t, ibong lumilipad.

Cong acó,i, mayroong matanao na háyop sa tinitin~galáng malapit na bundóc, bigláng ibibinit ang panâ sa búsog, sa minsang tud-lâ co,i, pilit matutuhog.

Tanáng sámang lincód ay nag-aágauan unang macarampót nang aquing napatáy ang tiníc sa dauag ay dî dinaramdám, palibhasa,i, toua ang naca-aacay.

Súcat maligaya sino mang manoód sa sinuling-suling n~g sáma cong lingcód, at cong masundúan ang bangcay n~g háyop ingay n~g hiyauan sa loob n~g tumóc.

Ang larouáng búsog ay cong pag-sauaan, u-upo sa tabí n~g matuling bucál, at mananalamín sa linao n~g cristal, sasagap n~g lamig na ini-áalay.

Dito,i, mauiuili sa mahinhing tinig n~g nan~gag-sasayáng Nayadas sa bátis,[Z] taguintíng n~g Lírang catuno n~g auit[AA] mabisang pamaui sa lumbay n~g dibdib.

Sa tamis n~g tinig na cahalac-halác n~g nag-aauitang masasayáng Ninfas,[AB] na-aanyayahan sampóng lumilipád sari-saring ibong agauán n~g dilág.

Cayâ n~ga,t, sa san~ga n~g cahoy na ducláy sa mahál na bátis na iguinagalang[AC] ang bulág na gentil, ay nag lulucsuhan ibo,i, naquiquinig n~g pag-aauitan.

Anhín cong saysain ang tinamóng touá ng cabataan co,t, malauig na lubhâ pag-ibig ni amá,i, siyang naguing mulà lisanin co yaóng gúbat na payapa.

Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala dî dapat palac-hín ang bata sa sayá at sa catoua-a,i, capag-namihasa cong lumaquí,i, ualáng hihintíng guinhaua.

Sa pagca,t, ang mundo,i, bayan n~g hinagpis namamaya,i, súcat tibayan ang dibdib, lumaquí sa toua,i, ualáng pagtiti-is ¿anóng ilalaban sa dahás n~g sáquit?

Ang táuong mágaui sa ligaya,t, aliu mahinà ang púso,t, lubháng maramdamin, inaacala pa lamang ang hilahil, na daratná,i, dinâ matutuhang bat-hín.

Para n~g halamang lumaguí sa tubig, daho,i, malalantá munting dî madilig, iquinalolo-óy ang sandaling init, gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig.

Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá, dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá, ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.

Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád sa bait at muni,t, sa hatol ay salát, masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap, habág n~g magulang sa irog na anác.

Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál ang isinasama n~g báta,i, nunucál ang iba,i, marahil sa capabayaan nang dapat magturong tamád na magulang.

Ang lahát nang itó,i, cay amáng talastás, cayâ n~ga ang lúha ni ina,i, hinamac, at ipinadalá acó sa Atenas,[AD] bulág na ísip co,i, n~g doon mamulat.

Pag-aral sa aquin qy ipinatungcól sa isang mabait, maestrong marunong lahi ni Pitaco, n~gala,i, si Antenor,[AE] lumbay co,i, sabihin nang dumating doon.

May sangbouan halos na dî nacacain, lúhà sa matá co,i, dî mapiguil-piguil; n~guni,t, napayapà sa laguing pag-aliu n~g bunying maestrong may cupcup sa quin.

Sa dinatnán doong nad-láng nag-aaral caparis cong bata,t, cabaguntauhan, isa,i, si Adolfong aquing cababayan, anác niyaóng Condeng Silenong maran~gal.

Ang caniyang taó,i, labis n~g dalauá sa dalá cong edad na lalabing-isá, siyang pinopoón n~g boong escuela, marunong sa lahát na magcacasama.

Mahinhín ang asal na hindî magasó at cong lumacad pa,i, palaguing patungó, mabining man~gúsap at ualáng catalo lapastan~ganin ma,i, hindi nabubuyó.

Ano pa,t, sa bait ay siyang huaran[40] n~g nagcacatipong nagsisipag-aral, sa gauâ at uica,i, dî mahuhulihan[41] n~g munting panirà sa magandang asal.

Ni ang catalasan n~g aming maestro at pagca-bihasa sa lacad n~g mundó, ay hindî nataróc ang lihim at tungo ng púsong malihim nitong si Adolfo.

Acóng pagcabata,i, ang quinamulatan cay amá,i, ang bait na dî páimbabáo, yaong namumunga n~g caligayahan, nanacay sa púsong suyui,t, igalang.

Sa pinagtatac-hán n~g bong escuela, bait ni Adolfong ipinaquiquita, dîco malasapán ang haing ligaya n~g magandang asal n~g amá co,t, iá.[42]

Púso co,i, ninilag na siya,i, guiliuin, ayauan cun baquit at naririmarim, si Adolfo nama,i, gayon din sa aquin, nararamdamán co cahit lubháng lihim.

Arao ay natacbó, at ang cabata-an sa pag-aaral co sa qui,i, nananao, bait co,i, luminis at ang carunungan ang bulág cong ísip ay cúsang dinamtán.

Nataróc ang lalim n~g filosfía, aquing natutuhan ang astrología, natantóng malinis ang catacá-tacá at mayamang dunong n~g matemática.

Sa loob n~g anim na taóng lumacad itóng tatlóng dunong ay aquing nayacap tanáng casama co,i, nagsi-pangilalás sampô n~g maestrong toua,i, dili hamac.

Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ,[43] sampô ni Adolfo,i, naiuan sa guitnâ, maingay na lamang taga pamalità, sa boong Atenas, ay gumálà-galá.

Cayâ n~gâ at acó ang naguing hantun~gan tungo ng salita n~g tauo sa bayan, muláng báta,t, hangang catanda-tandaan, ay nacatalastás n~g aquing pan~galan.

Dito na nahubdán ang cababayan co n~g hirám na bait na binalat-cayô, cahinhinang ásal na paquitang tauo naquilalang hindî bucal cay Adolfo.

Matantô n~g lahát na cayâ nanamit niyaóng caba-itang di taglay sa dibdib, ay nang maragdag pa sa tálas nang isip itóng capuriháng mahinhi,t, mabait.

Ang lihim na itó,i, caya nahalatà, dumating ang arao nang pagca-catoua, caming nag aaral bagong tauo,t, batà sari-saring laro ang minunacala.

Minulán ang galí sa pagsasayauan[44] ayon sa música,t, auit na saliuan, laróng bunó,t, arnés na quinaquitaan nang cani-caniyang licsi,t, carunungan.

Sacâ ilinabás namin ang tragedia nang dalauang apó nang túnay na iná,[AF] at man~ga capatid nang nag-iuing amáng anác at esposo nang Reina Yocasta.

Papel ni Eteocles ang naguíng tungcól co, at si Polinice nama,i, cay Adolfo, isang ca-escuela,i, siyang nag Adrasto,[AG] at ang nag Yocasta,i, bunying si Minandro.

Ano,i, nang mumulán ang unang batalia, ay ang aming papel ang magca-cabaca, nang dapat sabihing aco,i, comilala,t, siya,i, capatid cong cay Edipong bún~ga.[AH]

Nang-lisic ang matá,t, ang ipinagsaysáy, ay hindî ang dichong na sa original cundî ang uica,i, "_icao na umagao nang capurihán co,i, dapat cang mamatáy_"

Hinandulóng acó, sabáy nitóng uicá, nang patalím niyang pamatáy na handá, dan~gan naca-iuas aco,i, nabulagtá sa tatlóng mari-ing binitiuang tagá.

Aco,i, napahiga sa inilag-ilag, sinabayáng biglâ nang tagáng malacas, ¡salamat sa iyó ó Minandrong liyag, cundî ang licsi mo búhay co,i, na-utás!

Nasalag ang dágoc na camatayan co, lumipád ang tangang cáliz ni Adolfo siyang pag-paguitnâ nang aming maestro, at naualáng-diuang casama,t, catoto.

Anopa,t, natapus yaóng catoua-án sa pan~gin~gilabot, at capighatian; si Adolfo,i, dîna naman nabúcasan, noón di,i, nahatid sa Albaniang bayan.