Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922)

Part 4

Chapter 4 1,524 words Public domain Markdown

¿Alin ang dapat matalastas n~g m~ga manghahalal sa pagsulat sa Balota? Kaila~ngang huag dudun~gisan ang balota sa pagsulat. Kaya't kailan~gang huag babasain n~g laway ang dulo n~g lapis at sa pagsulat dapat linisin muna n~g panyong taglay ang m~ga kamay at daliri. Sapnan ang balota n~g isang papel na malinis ó n~g panyo. Gayon din naman ang m~ga n~galan n~g ihahalal ay isulat sa guhit na nasa ibaba n~g m~ga tungkuling ibig paglagyan, sa hanay n~g (Vote por one) ó (Vote por uno).

Bawal din naman ang pumasok sa isang silid n~g presinto, kung may taong manghahalal sa loob at gayon din bawal ang makipagusap sa m~ga taong manggahalal na nasa sa karatig n~g silid na pinasukan.

Kung hindi maaaring makasulat ang manghahalal n~g kanyang balota, sa dahilang napilay ang kamay, nabulag at iba pa ¿ano ang dapat gawin nito n~g makahalal? Dapat na ipahanda sa m~ga inspektor n~g halalan ang balota niya at dalawa sa m~ga inspektor na ito na kaanib sa magkaibang pangkatin ó partido (nasyonalista at demokrata kaya) ay siyang maghahanda n~g balota at isa sa kanila ay siyang susulat sa harap n~g kasamang inspektor.

N~g kayo'y lalong masiyahan ay hanapin ninyo ang Batas n~g Paghahalal ni G. Honorio Lopez na ipagbibili sa lahat n~g Libreria sa Maynila sa darating na Pebrero 1922, sa halagang Piso. Ang m~ga taga lalawigang magpadala n~g pisong papel sa pamamagitan n~g isang sulat sa bahay ni G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap sa pamamagitan n~g "correo certificado" n~g isang ó aklat n~g Ley sa Paghahalal.

Ang sanhi kung kaya hindi ipinalimbag sa n~gayon kundi sa Pebrero pa n~g 1922, ay n~g maipasok ang pagbabagong gagawin n~g Batasan ó Legislatura ó Senado at Asamblea, na inaasahan n~g lahat na sa pagtanggap na ito ni General Wood n~g pamamahala sa Pilipinas ay magkakaroon n~g pagbabago ang Batas na ito ó Ley sa Paghahalal.

* * * * *

Si Dr. Pedro C. Lopez, Dentista, anak ni G. Honorio Lopez na napalathala sa m~ga unang dahon n~g Kalendaryong ito, ay namatay n~g ika 9 n~g gabi n~g ika 1 n~g Oktubre n~g 1921; kaya isinasamo sa bumabasang giliw na isama siya sa inyong m~ga dalan~gin.

* * * * *

=Ayoko ng sayaw=

Ang di ko pagdalaw sa iyo hindi nagkakahulugan ako'y lumalayo't nililimot ko na ang pinagsamahan, Hindi gayon Luring ... kung bagama't hindi kita nadadalaw, ang alaala ko'y sumasa iyo at ikaw ang laging nagugunamgunam.

¿Mangyayari kayang kalimutan kita? gayong di kailâng matan~gi sa iyo ang abang palad ko ay wala n~g mutya.... Mamatay man ako kung tunay ang tao'y may buhay na diwa, ang diwa kong iyo'y laging maghahain sa iyo n~g nasa....

Ako kaya lamang hindi makadalaw't sa iya'y humarap, sapagka't may lungkot ... ang kalungkutan ko'y sa iyo rin buhat; ikaw'y nagkasala, pagkakasala mong sa akin ay labag.... anong kasalanan? ... ang pagsasayaw mong di minamarapat.

Bago nagsumpaan ang kanitang puso sa pagiibiga'y ipinagtapat kong ang gagawin nita ay lubhang maselan; sa gawang pagibig upang ang dalawa'y payapang mabuhay ang lahat n~g gawang hindi nararapat ay pakalayuan.

Ang sayaw ay isang ipinagbilin kong huwag mong gagawin pagka't sa babai ang pagsayaw ay n~giti n~g dilim; ang sayaw láson sa ganda n~g isang babaing mahinhin hinhin n~g babai'y nagiging malasuwa sa sayaw ang dahil.

Masdan ang babai sa isang lalaki'y nakikipagsayaw yakap sa lalaki bagama't ang gayon ay pan~git na tingnan, magkayapos sila at ang m~ga dibdib ay walang pagitan baywang n~g babai'y hapit n~g lalaki n~g lubos lubusan.

Hita niya sa hita n~g lalaking yapos ay nadadaiskis minsa'y magkadaop, pagkakadaop na, animo'y napagkit sa ininog-inog, ang kanilang pisn~gi'y madalas magtalik.... sa sayaw di ka man humin~gi n~g halik ay makahahalik.

Pusong nan~gan~garap yumapos sa m~ga dalagang maganda magaral n~g sayaw't sa m~ga sayawan nila makukuha, diwang nananabik damhin ang katawan n~g m~ga dalaga magsayaw ang dapat at madadama mo, pagka't murangmura.

Sa m~ga pagsayaw nawa wala ang hinhin dapat in~gatan mahinhing babai kapagka sumasayaw nagiging magaslaw, pati n~g katawan sa paggamayumi'y di ibig magalaw, sa lintik na sayaw malilimot na ang pagmamaselan.

Babai't lalaki sa pagkakayakap ay parang iisa, anopa't kung manang sa isang simbahan ang makakakita magaabot-abot ang pagaantanda't pagkukurus niya sa pan~gun~gumpisal ay siyang sasabihing unanguna.

N~gayo'y walana sa iyo ang dating mong kilusin, gaslaw na sa iyong iwing kabinhinan ang sumapín sa dati n~giting mapagakit: halakhak at aliw napalit masabing ikaw ay ¡kay sarap yakapin!

Sa diwa ko'y parang isinusurot na ang sinapit n~g palad n~g kabuhayan mo sa hilig mong iyang may bolo at suyak ako'y naluluha ... kung ikaw na aking tan~ging nililiyag ay masasawi pâ ... tayo, ang han~gad ko y lamunin n~g ulap....

MAR. P. GARCIA

* * * * *

=NG MALAYO SA PAGKAKASAKIT AT TUMANDA=

1. Matulog at buman~gon maaga, magtrabaho sa araw huag sa gabi.

2. Han~ging malinis ang gamitin sa paghin~ga at pagsikatan sa Araw ang katawan.

3. Katatagan sa pagkain huag kakain kung may hapis. Tubig na malinis ang iinumin.

4. Maligo n~g tubig na malahinin~ga bago kumain n~g agahan.

5. Pitong oras lamang matutulog bukas ang bintana.

6. Manamit n~g maluag at isunod ang kapal sa himig n~g panahon.

7. Ang malinis na pamamahay ay kumakaway n~g kaligayahan.

8. Busugin ang diwa sa pagaaliw. Layuan ang pakikipagkaalit kanino man.

9. Kahit wala sa matwid ang kausap mo'y huag kang makikipagtalo.

10. Kung ang ulo mo'y siyang gamit sa paghahanap buhay ay magpalakas ka n~g katawan, at kung sa m~ga bisig naman, ay basain ang ulo sa pagbabasa.

* * * * *

Sa isang taon 1923 ang kalendaryong ito'y magkakaroon n~g hanapan n~g m~ga kapistahan n~g m~ga santo katulad n~g dati, at m~ga mababasang ukol sa pakikimayan at ikadidilat n~g mata n~g mararalitang kababayan. Kaya siya ninyong hanapin sa taong darating 1923.

* * * * *

=Candido Lopez= Agrimensor Bago magpasukat sa iba ay makipagalam muna kayo sa kanya ng malaman ninyo ang kanyang halaga at kondisyon ng paninin~gil sa daang Ave Rizal 2121, Sta. Cruz, Maynila.

=ABOGADO NG BAYAN=

¿Ibig ba ninyong kayo'y igalang n~g inyong kapwa tao? ¿Ibig ba ninyong huwag magalinlan~gan sa inyong m~ga pagmamatwid? ¿Ibig ba ninyong matalos ang kaalaman n~g inyong Juez de Paz diyan sa inyong bayan at n~g inyong Abogado? Bumasa kayo n~g ABOGADO NG BAYAN ni G. HONORIO LOPEZ at dito mababasa ninyo ang m~ga pangulong kapasiyahan n~g m~ga Ley sa pakikipamayan, sa m~ga pagaari, sa paghabol n~g mana, sa pagtatanggol n~g kapurihan, pananakit at iba na totoong kailan~gan sa isang namamayang pilipino, lalo na sa, m~ga babae, dalaga at m~ga mararalita.

DALAWANG PISO ang halaga sa lahat n~g Libreria sa Maynila. Ang taga probinsiyang magpadala n~g dalawang pisong papel, na ipaloloob sa isang sulat kay G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap n~g isang salin nito sa pamamagitan n~g "correo certificado."

* * * * *

BAGONG PAMAHALAAN SA PILIPINAS

Ito ang pinaka ikalawang at ikatlong tomo n~g ABOGADO NG BAYAN ni G. Honorio Lopez na kababasahan n~g Ley Munisipal, n~g Ley n~g Diborsyo, n~g Reglamento n~g Sabun~gan para sa m~ga Sentensiyador at m~ga mananabong at iba pang marami. PISO AT TATLONG PUNG SENTIMOS ang halaga. Ang m~ga bagong labas na Presidente at m~ga konsehal ay dapat bumili nito.

* * * * *

MGA KAILANGANG DULUGAN

Kung manggagawa ka at inaapi ka n~g iyong patrono ó pinagtatrabauhan ay dumulog ka sa BURO DEL TRABAJO.

Kung inapi ka n~g kapwa mo ó ikao ay sinaktan n~g sino man, ó dalaga kang inalisan n~g puri ng iyong nobyo ay dumulog ka sa JUEZ DE PAZ sa iyong bayan.

Kung, ikao'y may lupa na ibig mong magkaroon n~g titulo Torrens n~g mailag sa anomang basagulo at magamit na pan~gun~gutang ay dumulog ka kay G. Honorio Lopez Sande 1450, Tundo, Maynila at siya mong pagtanun~gan, n~g magkaroon ka n~g Agrimensor at Abogado man~gatawan sa pagharap mo sa m~ga Hukuman. Murang sumin~gil at tumatanggap n~g pauntiunting bayad sa pamamagitan n~g isang kasunduan.

* * * * *

¿Ibig ninyong malaman madali kung ilang piko ang timbang n~g inyong kalibkib lukad ó kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang kabayarang sa ano mang halagang aabutin na di na man~gan~gailan~gan n~g maraming pagbilang kundi sa "sumar" lamang?--Bumili kayo n~gayon din n~g BAGONG REDUKSION n~g Kilos sa Pikos na may presyo na sinulat ni Felix A. Matriano na taga Alabat, Tay. Apat na Peseta ang halaga sa Libreria ni P. Sayo sa daang Rosario 225 at sa Imprenta ni Honorio Lopez daang Sande 1450, Tundo Maynila.

[Patalastas: "Ang Tibay"]