Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)

Part 4

Chapter 4 2,573 words Public domain Markdown

Sa tuwî namang apat na taon, ay nagkakaroon n~g isang araw na labis, at ito'y idaragdag ding parang pinakabisyesto. Sa karaniwan, ay idinagdagdag sa Pebrero; n~guni't sa bagong panukala, ay idaragdag sa pagitan n~g ika 28 n~g Disyembre at sa araw n~g Bagong Taon, at ito'y tatawaging ARAW NG PAGTUTUMPAK.

Sa bagong pagayos n~g Kalendaryong ito ay di magkakaroon ang alin mang buwan n~g limáng araw n~g Linggo. Ang lahat naman n~g pista ay tatamang lahat sa araw n~g Huebes, gaya n~g Pista n~g Pagsasarili sa ika 4 n~g Hulyo; Araw n~g Pagtatagumpay sa ika 11 n~g Nobyembre; Araw n~g Pagpapasalamat at Pasko n~g Kapan~ganakan sa Mananakop.

Ang ikalabing tatlong buwan namang mararagdag ay ilalagay sa pagitan n~g Inero at Pebrero, at ito'y tatawaging BUWAN NG KALAYAAN.

Kung ang bagong pagaayos sa Kalendariong ito na tatawaging Kalayaan, ay patitibayan n~g Batasang Amerikano, ang pagdidiwang natin sa ARAW NI RIZAL, ay tatama sa pangkaraniwang taon, sa ika unang araw n~g Inero, at sa tuwing ikapat na taon, ay tatama naman sa pista n~g Bagong Taon.

Sang-ayon sa m~ga pagkukuro n~g m~ga nagbalak sa Kalendariyong ito na iyan:...... ang m~ga litaw na man~gan~galakal at m~ga bansag na tao sa Minneapolis; sa Kalendaryong ito, ay magiging maginghawa ang pagtutuos sa pan~gan~galakal; magiging maayos ang pagtatakda sa m~ga patubo n~g salapì at gayon dín sa m~ga pagbabayad sa m~ga kawanì at manggagawa, pagka't walang nakahihigit na sino man.

Ating hintain kung ano ang sasabihin n~g Kongreso n~g Estados Unidos sa kabalakang ito.

* * * * *

=Ang Bagong Pamahalaan sa Pilipinas.=

¿Anong kiyas ó hugis n~g Pamâhalaan mayroon tayo n~gayon dito sa Pilipinas? Ang pamahalaang tatág n~gayon dito sa Pilipinas, ay may hugis republikano na nababatay sa m~ga simulaing demokratiko na ang tunay na masusunod ay ang kalooban n~g bayan.

¿Alin ang kakulan~gan na lamang upang maging lubusang republikano ang pamahalaan natin sa n~gayon sang-ayon sa pagbabagong nangyari sunod sa batas ni Jones? Una: Ang magkaroon tayo n~g isang presidente at isang pan~galawang presidente sa halip n~g Gubernador Heneral at Bise-Gubernador Heneral na siyang pinakakinatawan dito sa sangkapuluan n~g Estados Unidos. Ikalawa: Ang magkaroon n~g bansag na Republica ang ating pamahalaan, at Ikatlo: Ang mahalinhan ang watawat Amerikano n~g watawat pilipino.

¿Bakit sinabi ninyo na ang nasusunod sa pamamahala sa ating bayan ó ang kalooban n~g bayan lamang? Sapagka't ang gumagawa n~g m~ga batas at m~ga kautusang sinusunod natín na ipinatutupad sa atin n~g m~ga tagapagpatupad: gaya n~g Gubernador Heneral, Alkalde sa Siyudad n~g Maynila, n~g m~ga Gubernador sa lalawigan at n~g m~ga presidente munisipal sa m~ga bayan bayan, ay m~ga gawâ n~g m~ga senador, diputado at m~ga konsehal na ating inihalal na ating pinagkatiwalaan n~g ating tiwala upang lumagdâ n~g m~ga kautusan at batás na ikabubuti nating lahat na mamamayang pilipino at n~g Pamahalaan natin.

¿Sa makatwid ano mang hirap na ating danasin sa kabuhayan ay di dapat nating isisi kanino man, kundi sa ating m~ga inihalal na iyan? Siyang totoo, sapagka't ang ikinabibigat at ikinagagaan n~g ating kabuhayang lahat, ay nasa sa kanilang kamay, pagka't ang kanilang m~ga batas ó kautusang pinatibayan sa Batasan at sa m~ga Sanggunian ay siyang sinusunod na ipinatutupad n~g m~ga tagapagpatupad na nasabi ko na. Nariyan ang ikinatataas n~g m~ga buwis n~g lupa, ikinataas n~g Rentas Internas, ikinataas n~g m~ga bayad sa pahintulot o lisensiya munisipal. ang paglastay n~g salapi sa ibang bagay na di sa kagalin~gan n~g m~ga namamayan, ang di pagpapagawa n~g m~ga bangbang n~g tubig sa m~ga bukirin ibp. na, ang lahat n~g iyan ay pawang sa pananagutan at kasalanan n~g ating m~ga inihalal na diputado at m~ga konsehal.

¿Tayo bang mamamayan ay di maaaring makialam sa paggawâ n~g m~ga batas ó ley at m~ga kautusan ó ordenanza n~g ating m~ga inihalal na senador, diputado at konsehal? Makiyalam sa pakikipagtalo ó sa pagsasaalangalang sa Batasan ó Legislatura, sa Konseho Munisipal ay hindi mangyayari; n~guni't upang magutos ó magbigay liwanag sa ating m~ga inihalal upang gawin ang gayo't ganitong batas ay maari, pagka't sila ang kumakatawan sa atin sa karurukan n~g Senado, Asamblea, Hunta Munisipal sa Siyudad n~g Maynila at m~ga Konseho Munisipal n~g m~ga bayan bayang maliliit.

¿Sa paggugol n~g m~ga pinunong bayan sa m~ga pananalapi, sakaling ilaan sa m~ga walang wawang kapakanan ay maaari bang makatutol ang namamayan? Bakit hindi. N~g matalos mo sa dalawang piso mong ibinayad sa sédula personal mo, sa ibinabayad mo sa amillaramiento, sa m~ga lisensiya munisipal, sa kinikita n~g pamilihang bayan ibp., ay diyan kinukuha ang ginugugol sa pagpapaaral n~g ating m~ga bata, n~g ginuguol sa m~ga pagpapagawa n~g m~ga lansan~gan ó daan at tulay, n~g m~ga "kanal" n~g pagpapatubig; diyan kinukuha ang isinusueldo sa lahat n~g m~ga kawani n~g pamahalaan, sa m~ga hukom, konstabularya, pulisya at sa lahat na n~g punong bayang iyong inihalal at sampu pa n~g Gubernador Heneral at m~ga inatasan niya ó ninombrahan. Kaya ikaw bayan, ay matuto kang magpahiwatig sa iyong m~ga inihalal ó sa inyong diputado ó sa konsehal na lumabas sa inyong kapookan at ipagutos sa kanila sa pamamagitan n~g boong pitagan ang lahat n~g inaakalang ikabubuti n~g bayan.

¿Alin bagay ang dapat ipagutos sa isang diputado ó senador at alin naman ang dapat iyutos sa isang konsehal? Ang lahat n~g bagay na ikabubuti n~g boong bayang Pilipinas ó n~g lalawigan ninyo ay nauukol ipagutos sa inyong Diputado ó Senador, kaparis n~g paglalagay n~g m~ga kanal n~g patubíg sa m~ga bukirin ibp., n~guni't kung sa pagpapagawa n~g m~ga lansan~gang hindi probinsiyal katulad n~g m~ga lansan~gang maliit, paglalagay n~g ilaw, paglalagay n~g m~ga padumihan, pagaayos n~g m~ga pamilihan, ibp., ay dapat hin~gin sa konsehal ó sa presidente n~g munisipyo n~g bayan.

Nang lalo kang maliwanagan ay basahin nínyo ang BAGONG PAMAHALAAN SA PILIPINAS ni Honorio López at dito ninyo matatalastas ang lahat n~g kanilang tungkulin at dapat ninyong ipagutos at lalo na nang m~ga dapat ninyong matalastas na kautusan ó m~ga batas sa pakikipamayan at pamamahala sa bayan, Piso ang halaga n~g bawa't isa at P1.30 kung ipapadala sa nakakaibig sa taga malayung bayan.

Ito'y isang aklat na dapat mabasa n~g m~ga bagong konsehal, presidente, pulis at lalo na n~g m~ga mamamayang may m~ga tanda, magsasaka at man~gan~galakal. Naririto ang LEY NG DIBORSIO at ang REGLAMENTO SA SABUNGAN na dapat mabasa n~g m~ga sentensiyador, tahor at m~ga mananabong.

* * * * *

MGA MAGLULUKAD O MAGKOKOPRA

¿Ibig ninyong malamang madalî kung ilang piko ang timbang n~g inyong kalibkib, lukád ó kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang kabayaran sa ano mang halagang aabutin na di na man~gan~gailan~gan n~g maraming pagbilang kundi sa "sumar lamang?"--Bumili kayo n~gayon din n~g BAGONG REDUKSION n~g Kilos sa Pikos na may presyo na sinulat ni Felix A. Matriano na taga Tayabas. P0.80 ang halaga sa Libreria ni P. Sayo sa daang Rosario 225 at sa Imprenta ni Honorio Lopez, daang sande, 1450, Tundo, Maynila.

=Sa lahat at lalo na sa mga may lupa=

Kayong m~ga may lupa na wala pang titulo Torrens ay dapat na magpasukat n~g inyong m~ga lupa n~g huwag man~ganib na mawala sa inyo ang matagal na panahong inyông inaari.

N~gayon na ang pagsasaka sa Sangkapuluan sumulong sa dati, ay marami riyan ang nan~gan~gamkam na ginagawa ang lahat n~g kaparaanan n~g mapasakanila ang pagaari n~g iba.

Marami na ang nawalan n~g kanilang lupa sanhi sa pagwawalang bahala, na n~gayon pawang naghihirap at nagsisiluha.

¿Kayo ba na di pa inaagawan n~g pagaari ibig ba ninyong matulad sa kanila? Marahil ay hindi. Kaya kayo n~gayon din ay kumilos at magpasukat n~g lupa sa makakatulong ninyo at makapagtatapat sa paghin~gi n~g katibayan.

Kung ibig ninyo kayo'y aking tutulun~gan, bibigyan ko kayó n~g abogadong di masasapakat n~g sino man at agrimensor na madaling yumari n~g plano at m~ga murang sumin~gil n~g "honorarios"; at, maaari pang bayaran pagkatitulo n~g lupa alinsunod sa pagkakasunduan.

Kung ibig naman ninyong magsanla ó magbili n~g inyong m~ga lupa ay ibalita sa akin at ituturo ko sa inyo ang madaling kaparaanan.

Kung nakakaibig naman kayong bumili n~g m~ga makina sa pagbibigas, panggiik, pangararo, paggawâ n~g hiyelo, panggawâ n~g limonada, makina n~g paglalagay n~g ilaw dagitao ó elektrika sa inyong munisipyo, pangkuha n~g mina, ibp, ay ipagtanong muna ninyo sa akin bago bumili sa iba at ituturò ko sa inyo ang pinakamabuti, mura at mauutang pa.

Hindi ako sumisin~gil na ano mang paglilingkod ko ukol sa m~ga bagay na nabanggit padalan lamang ako n~g isang selyong tig 2 sentimos sa pagsagot ko. Tan~ging han~garin ko ang makatulong sa m~ga kababayan.

HONORIO LOPEZ Agrónomo Sande 1450. Tundo, Maynila.

* * * * *

=¡MATA!=

¿Ibig ninyong kumita n~g kuarta, at hangga sa 10 piso isang araw, alinsunod sa inyong magagawang sipag? Ang Imprenta ni Honorio Lopez sa daang Sande, blg. 1450, Tundo, Maynila ay nan~gan~gailan~gan n~g m~ga ahenteng may ipipiyansan~g 50 piso, upang maglibot sa lalawigan at maghanap n~g magpapagawa n~g m~ga tarhetang pamasko na may maiinam na hugis at magagara.

=MAGBAGO TAYO NG LAKAD=

Sa n~gayon ang ating bayang minamahal ay di na huhuli sa bansâng alin man, pagka't marami na tayong maaalam balità sa dunong na dapat pagtakhan.

Sa pagkamediko't pagaabogado hindi na mabilang at nagkakagulo, at siya na lamang ang makikita mong naglisaw sa daan na nakahihilo.

M~ga pulitiko ay gayon din naman ay siya na lamang laman n~g lansan~gan; walâng pagupitan, ligpit na karihan bilyar at iba pang di linalagîan.

Sa pagmamagarà wala n~g tatalo sa m~ga "girl" at "boy" nating pilipino; magutom man at walang sukbit na "sentimo" aasa mo sa daan, m~ga "milyonaryo".

M~ga naghihintay n~g mapapasukan upang manilbihan sa Bahay Kalakal at Pamahalaan, ay gayon din naman sàmpu isang "kusing" na kahalay halay.

Ano pa't sa n~gayon tayo'y sagana na sa lahat n~g bagay; kabihasnang bun~ga; n~guni't sa kalakal gawang pagsasaka tayo'y walang wala, talunan n~g iba.

Isang katunayan, dapat na mamalas ang pagkakagutom nating linalasap; tayong taga rito siyang walang bigas at naninikluhod sa dayuhang lahat.

N~gayo'y nakilala, na ang kayamanan at pagkakasulong n~g alin mang bayan, wala sa naglisaw diyang maaalam kundi sa kalakal, pagsasakang hirang.

Kaya ang marapat ating pagusigin makapagpalapad n~g m~ga sakahin; lahat n~g kalakál ay mapasa atin sa loob at labas n~g ating lupain.

Yamang marami na tayong "titulado" abogado't doktor na nagkakagulo sa n~gayo'y harapin tungkuling totoo naman ang maglupa at pagnenegosyo.

_HARI NG TAMBULI._

=¡Matuwa tayo!=

ANG BANDERA ó WATAWAT Ng PILIPINAS, sa tagobilin n~g Gubernador Harrison at sa kapasyahan n~g ley ó batas na pinatibayan n~g Batasang Pilipino, ay maaari na nating gamiting muli na iwagayway sa patangwa ó bintana n~g ating m~ga tahanan, sa m~ga araw n~g pista n~g bayan, baryo ó n~g bansa, katulad n~g pista ni Rizal, ibp.

Kung iyaagapay sa bandilang Amerikano kailan~gang ito'y maging kasing laki ó lumaki pa n~g kaunti sa atin at mapasa kanan n~g Bandilang Pilipino.

M~ga kababayan: Huwag na ninyong ugaliin ang pagbabandila n~g m~ga panyô, tapis o n~g ano mang kayo sa m~ga pistang iniraraos natin, matan~gi sa Bandila natin at bandilang amerikano.

"Kahimanawari na sa muling pagsilang na iyan n~g ating watawat, sumunod na sumilay naman sa silan~ganan n~g ating pagasa ang pinagulapang Araw n~g maluwalhating Pagsasarili n~g ating pinakaiibig na Pilipinas". H.L.

* * * * *

BASAHIN NINYO ANG BAGONG

=ABOGADO NG BAYAN=

NG MASIGURO ANG PANÁLO

Bagong katatapos sa limbagan ang ikapat na pagkakalimbag n~g aklat na ito. Marami ang naragdag at nabagong kapasyahan. May m~ga tala n~g HURISPRUDENSIYA n~g Corte Suprema na dapat mabasa n~g m~ga nakikipagusap, may m~ga manang hinahabol at m~ga pagaaring lupang isinanla at walang katibayang matatag n~g masiguro nila ang panalo.

Ang labas n~gayong bagong ABOGADO NG BAYAN bukod sa m~ga naparagdag na Kodigo Sibil, Penal at m~ga Procedimiento ay may bagong naparagdag ukol sa karunun~gan n~g pagmamatwid at pakikipagusap.

Mabuting pag-aralan n~g lahat lalo na n~g m~ga mararalita, m~ga may lupa, m~ga man~gan~galakal, m~ga nagpapatubo n~g salapi, m~ga babaye ó dalaga n~g malaman nila ang paguusig sa m~ga Hukuman ó n~g m~ga dadaya sa kanila ó manguulol.

Dalawang piso n~gayon ang halaga sa lahat n~g libreria at maging sa lalawigan kung ibig na ipadala sa nan~gan~gailan~gan. Kaya n~gayon din sumulat kayo kay Honorio Lopez, sa daang Sande 1450, Maynila, magpadala sa kanya n~g P.2 papel.

="Ang Tibay"=

(_Sagisag na registrado sa Gobierno_)

SINELASAN

NINA

TEODORO at KATINDIG

Sanhi sa nangyaring pag-aaklas n~g m~ga maggagawa, ang sinelasang ito, ang kanyang katan~gian at di pangkaraniwang pagpapagawa n~g marami, na napalathala sa m~ga pahayagan at ipinadalang sulat sa m~ga may ari nito na ganito ang sinabi:

Anang UNION DE CHINELEROS DE FILIPINAS: "Katan~gi tan~gi ang ginagawang napakahigpit na pagsisiyasat n~g m~ga sinelas na nayayari sa araw araw na kung ibabatay natin sa ibang pagawaan ay halos kalahati lamang. Datapwa't kung kaya ginawa ito n~g m~ga may ari n~g "ANG TIBAY" ay sa pagkakilala nilang yao'y katungkulang di mapapaalis nino man."

Ang sabi naman ni G. PEDRO ROXAS: "Ang sinelasang "ANG TIBAY" ay kinagigiliwan n~g kanyang m~ga suki dahil sa pagkamain~gat sa pagpapagawa."

Ang banggit ni G. LOPEZ K. SANTOS: "Inaasahan ko pong ang kasunduang iya'y lalabas ding napakatibay na gaya n~g m~ga sinelas, kotso, at iba pang bagay na sa tindahang iya'y inyong ipinagagawa."

Sa pagkakapiit naman sa insik na Yu Chu na may tindahan sa Gandara blg., 257, n~g m~ga pulis sekreta dahil sa pagbibili n~g m~ga sinelas na may tatak na huwad sa "ANG TIBAY" ay nagsalita "ANG BANSA" n~g sumusunod na pagkukurô:

Talagang dito sa ibabaw n~g lupa, ang m~ga magagaling na bagay at mabuti ang pagkakayari ay pinapasukan n~g "codicia" lalong lalo na sa pan~gan~galakal.

"Makukurong ang m~ga kagagawang ito ay maituturing n~g pagkamagaling na uri n~g m~ga sinelas na ginagawa sa sinelasang "ANG TIBAY".

* * * * *

=Candido Lopez=

Agrimensor Privado Autorizado por el Buro de Terrenos.

Tumatanggap n~g m~ga sukatin sa lalawigan. Mura kay sa iba. Ave. Rizal 2121, Sta. Cruz.