Dating Pilipinas

Part 6

Chapter 6 4,260 words Public domain Markdown

Doón sa _kaluwalhatian,_ anila'y nacararating din ang nan~gamamatay sa tabac, ang nan~gásasacmal n~g buwaya at ang nan~gamamatay sa lintic ó kidlat at di umano'y sa pamamagitan n~g bahag hari umaakya't na canilang pinan~gan~ganlang balan~gaw.

Sa pan~gin~gilin naman, ay hindi nan~gin~ginlin ang m~ga tagarito, maliban cung ang m~ga lalaki ay pasa digma, at cung ganito'y hindi gumagawa ang m~ga babae sa boong panahóng yaon. At gayon din sa pitong araw n~g pagpapasimula n~g pamumun~ga n~g m~ga halamana't bukiran, na hindi bumabayo n~g palay at hindi rin nagpapapasoc n~g taga ibang bayan, dahil sa di umano'y panahon n~g pagdalan~gin sa Diyos upang pagcalooban sila n~g mabuting áni.

TALABABA:

[37] Itong salitang Bathala anáng maraming mairugin sa sarili natin wika ay han~go sa Sanscrito at nábabasa sa isang aklát n~g ating calupaing manunulat na si G.P.A. Paterno,--sa dahong ica 36.

[38] Ani Gat Rizal ay dahil sa inísip marahil n~g m~ga Tagarito na ang Dios na Maycapal n~g sangsinucob ay hindi nan~gan~gailan~gan n~g gayong tahanan ó n~g m~ga pang-libang at pangpalupag-loob, dahil sa Siya'y laging matuid at pantás at hindi nagbabago dalá n~g canyang pagka Dios.

[39] Ang m~ga taga Grecia noóng una ay may ganito ring pananampalataya, na ang sandaigdigan ay punô n~g canilang m~ga bantog na canunúan na pinipintacasi nila.

[40] Aní Gat Rizal ay napagkikilalang may matuid sila sa pagsamba sa araw at buwan, sapagca't anya'y ¿ano't di sasambahin ang sagísag ng cagandahan, n~g cawalang hangan at n~g pagca Dios?--¿anong bagay sa isipan n~g tao ang hihigit pa sa araw tungcol sa casacdalan, sa cabutihan, sa cagandahan at hangang sa máihuhuwad sa cawalang hangan?--Sa buwan naman, anya'y napagmamalas na siyang aasawa n~g araw, siyang diosa at dahil dito'y sinasamba rin.

[41] Tungcol dito sa ibong bughaw ó asul na binangit n~g ibang manunulat na anila'y pinan~gan~ganlang Bathala ay walang ganitong culay ani Rizal, cundi dilaw na siyang _culyawan_ ó _cilyawan_, Marahil aní Rizal ay walang ganitóng ibon, at cung nagcaroón man ay maitutulad sa agila ni Jupiter, sa pavo real ni Juno, sa calapati ni Venus, ó sa ibat íbang ibong kinatha lamang sa isip, ano pa't m~ga sagisag na caraníwang paghalintularan sa pagca Dios, n~g tanang tao. Ang ibon anyang ito na bughaw ó dilaw ay siya marahil na sagisag n~g Dios na Maycapal na pinan~gan~ganlang Bathala, at sapagca't hinahamac n~g m~ga misionero ang ano mang di nila sinasampalatayanan ay pinagcamalán nila marahil, Anya'y maigagaya rin naman sa m~ga Ita't Igulot na cung iya namang macakita n~g sagisag n~g Espiritu Santo ó n~g sa m~ga Evangelista na calapati, toro, leon, atb, ay hindi malayong ibalita naman n~g m~ga ito sa canilang m~ga caibigan na ang m~ga cristiano ay sumasamba sa calapati, sa toro sa leon at ibp. ayon sa pagcasagísag sa m~ga yaon.

[42] Ang puno n~g baliti rito ay isang maitutulad sa m~ga puno _lotus_ sa Egipto, China at India na pinacagagalang at pinakabigyang pasintabi n~g m~ga tagaroon. At sa Indi di umano'y ang calasutsé ang tinatawag na _lotus._

[43] N~g m~ga anito marahil na pinipintacasi nila sa parang at bukid.

[44] Aní Rizal, ay napagkikitang saa't saan man ay pinakikinaban~gan ang ganitong tungculin ó hanap-buhay.

[45] Ang m~ga nanghuhula n~g magyayari ayon sa calagaya't anyo n~g m~ga tala.

=Ikalabing anim na Pangcat.=

=Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g m~ga tagarito.=

_(Karugtong)_

Sa pagsamba't pananampalataya sa Kalusunan; ay mapagmamalas n~g sino mang mapag-aral n~g iba't ibang religión na yao'y isang religiong haluán: at sapagka't hindi ang nasa ko rito'y saysayin ang dahil n~g pagkakahalohalong yaon, kundi isaysay lamang ang dating ugali n~g m~ga Tagarito, ay ipatutuloy ko ang tungkol naman sa Kabisayaan.

Ang m~ga taga Bisaya ay sumasampalataya rin n~g halos kagaya n~g m~ga taga Luzón, dahil sa ganang kanila, ang Bathala nating lumalang n~g sangsinukob at lumikha n~g tanang kinapal ay kinikilala rin at kanilang pinamamagatang _Laon._

Kumikilala rin sila sa m~ga anito na sa kanila'y _diwata,_ na dili iba,t ang kanila ring m~ga kanunuan na pinipintakasi't tinatawagan sa bala n~g kailan~ganin, maging sa kati't maging sa tubig, maging sa buhay na ito at maging sa kabila.

Nan~gagsisikilala ring gaya ang m~ga taga Luzón sa m~ga larawang sarisaring hugis na iniin~gatan sa bahay ó kung dili'y sa m~ga yun~gib na pawang inaalayan n~g paban~go, pagkain at ibp. at dito sa kabisayaan (sa Sebú) nakakita n~g ganito si Pigafeta[46] na anya'y nakadipa ang m~ga kamay, nakabuka ang m~ga hita at patiwarik ang bali n~g m~ga paa; ang mukha'y malaki at may apat na malaking n~gipin na kasinglaki n~g m~ga pan~gil n~g baboy-damó at nan~gakukulayan[47].

Sa araw at bwan naman ay nan~gagsi sisamba rin na gaya sa Kalusunan: At dito nakita ni Pigafeta ang paraan n~g pagsamba sa araw, na anya'y ganito:

Sa pagpapasimula ay tumutugtog n~g ilang malaking tambol; saka naglalapit n~g tatlong pingan; na dalawa'y punô n~g kanin at n~g mais na nabibilot sa dahon, at may kasamang isdâ; at ang isa'y may káyong kambray at dalawang hidahon n~g palma Naglalatag n~g kayong kambray sa lupa, sakâ lumalapit ang dalawang matandang babae na bawa't isa'y may tan~gang pakakak. Pagkatapos ay nilalakaran ang kayong kambray na nalalatag at tuloy gumagalang sa araw, sakâ isinusuot nila ang nabangit na kayo. Kung magkagayon ay nagtatali n~g panyô sa ulo ang isa sa m~ga ito na sa noo ibinubuhol na pinag sisikapan na magkaroon n~g dalawang parang sun~gay at pagkatan~gan n~g ibang panyô ay sumasayaw at humihihip n~g kanyang pakakak at tuloy gumagalang sa araw.

Ang isa namang matandang babae ay dumadampot n~g isang dahon n~g palma at gaya rin noong isa na sumasayaw at humihihip n~g kanyang pakakak. Ang pagsayaw nilang ito at paghihip n~g kanilang m~ga pakakak ay nagluluat n~g kaonti at kanilang sinasabayan n~g pagsasaysay sa araw n~g sarisaring bagay.

Matapos ito ay binibitiwan n~g isang matandang babae ang panyô niyang hawak sa kamay at dinadampot ang dahon n~g palma at kapwa humihihip n~g kanilang pakakak at sumasayaw na matagal sa palibot n~g isang baboy na nakahanda sa lupa. Ang isa'y nagsasaysay na marahan sa araw at ang isa naman ang sumasagot. Ano pa't ang araw at ang dalawang matandang babae ay parang may pagkakaunawaan.

Pagkatapos naman nito ay dumadampot ang isang matandang babae n~g isang copang alak at iniaalay sa kanyang kasayawan, at habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pagsasaysay sa araw ay makaapat ó makalimang iniuukmang iinumin ang alak at habang ginagawa yaon ay iniwiwisik ang alak sa pusò n~g baboy. Kung matapos yaon ay binibitawan ang kopa, at humahawak n~g isang sibat na kanyang pinaiikot sa kamay, habang sumasayaw at nagsasaysay at makaapat ó makalimang iniuukma ang sibat sa pusô n~g baboy; n~guni't sa katapustapusan ay isinisibat at pinapaglalagpaslagpasanan, saka binubunot ulî na tinatakpan ang sugat at tuloy binabalot n~g damo.

Habang idinadaos ang ganitong pagdidiwan ay may apoy na laging nakahanda at hinihipan na pinapatay n~g matandang babaeng sumisibat sa baboy; samantalang ang isa naman ay isinasawsaw ang kanyang pakakak sa dugo n~g baboy at saka itinatanda yaon sa noo n~g kanyang asawa at n~g kanyang m~ga kasama at pagkatapos ay sa lahat n~g kaharap.

Kung magawa nang lahat yaon ay hinuhubad n~g dalawang matandang babaeng yaon ang kanilang balabal at dinudulog ang nasa dalawang pingan na walang inaanyayahan, liban sa m~ga babae lamang. Pagkatapos ay inaalisan n~g balahibo ang baboy sa apoy at ang m~ga matandang babae lamang ang nakagagawa noon at ang hayop na ito, di umano, ay di maaaring kanin kailan man, malibang patayin n~g ganitong paraan.

Sa malaking bató sa m~ga pangpan~gin ay nan~gagpapasintabi rin: kaya't sa isang dako n~g pangpang sa Potal na nasa pulo n~g Panáy ay nan~gag-aalay ang m~ga magdadagat n~g pingan at bala na.

Gayon din sa malalaking punong cahoy na ipinacatatan~gi rin ang baliti na di pinuputol at bagcus na ipinacacagalang.

Sa pagdalan~gin at sa anó mang pagsanguni ay sa _katalona_ rin ipinan~gan~gasiwa na canilang pinamamagatang _babaylana_.

Nan~gagsisipaniwala ring may cabilang buhay; ano pa't ang canilang pagsamba't pananampalataya ay masasabi nating caisa n~g m~ga taga Luzón palibhasa'y caisang lahi; n~guni't bucod dito sa nan~gabangit ay may iba pa silang capanaligan na siya nilang ikináiiba at dili iba't ang sumusunod.

Ang iba'y cumikilala sa Dios _Lisbusawen_ na di umano'y siyang kinacasama n~g m~ga caluluwa sa isang bundoc na nasa pulô n~g Burney (marahil ay Borneo).

Ang iba naman ay kumikilala sa Dios _Sidapaw_ na siyang nagtatangkilik n~g isang malaking punong kahoy sa isang mataas na bundok sa Panay na pinan~gan~ganlan _Mayas_ ó _Maya_ at ang Diyós na nabangit di umano'y siyang sumúsucat doon n~g buhay n~g tanang kinapal na pagdating sa kanyang sukat ay namamatay na walang pagsala.

Nan~ganiniwala rin na may Diyós sa Infierno[48] na canilang pinan~gan~ganlang _Suinuran_ at _Suigaguran_ at sa camay n~g m~ga ito nahuhulog di umano ang balang caluluwang mamatay, at may Diyós namang tagapagdalá n~g caluluwa sa Infierno na pinamamagatang Diyós _Magwayan_, na pagdating sa balan~gay nito ay sinasalubong n~g Diyós _Sumpoy_ na siya namang tagapaghatid sa Diyós Suiburanin (casama marahil n~g Diyós Suinuran at Diyós Suigaguran) na anila'y siyang tagasacop sa lahat ang caluluwa, maging mabuti't maging masama; n~guni't ang m~ga ito, di umano'y hindi pinababayaan n~g Diyós Pandake (na nasa bundoc din n~g Maya); kundi agad tinutubos dito sa pamamagitan n~g m~ga _maganito_ na siyang pan~galan n~g m~ga haying inihahandog sa canya roon sa bundoc: at sa ganito, ani P. Delgado, ay hindi lubhang pinagsisicapan ang pagpapacabuti, cundi ang pagpapacasipag upang magcaroon n~g pangtubos.

TALABABA:

[46] Si Pigafeta ay isang italiano na kasama ni Magallanes sa pagkasumpong n~g m~ga kapuluang itó, at siyang tan~ging; sumulat n~g aklat na tungkol sa kanilang paglalakbay at pinamagatan niyang «Ang unang paglalakbay sa Palibot n~g Sandaigdigan».

[47] Anang iba'y hindi lahat ay gayon; kaya't sa ganang kay Rizal ay ang masasamang dinídiyos lamang marahil ang may malaking n~giping kasinglaki n~g pan~gil.

[48] Ang pagkilala sa Dios sa Infierno at sa ibp. ay naging kapanaligan din na ibang nan~gábansag na lupain, gaya sa Persia, India at atb, n~guni't marahil ay napulot ito n~g m~ga taga Bisayang Malayo sa Religiong «Hinduismo» n~g m~ga taga India at siyang inugali hangang dito; sapagka't sa Religiong "Hinduismo", bukod sa kumikilala sa tatlong pinakapan~gulong Diyós ay kumikilala pa sa Diyós _Yana_ na di umanoy, Diyos sa kainfiernohan: sa Diyos _Ganesa_ ó _Ganabali_ Diyós n~g karunun~gan at tagahawi n~g kapansanan; sa Diyós _Kartikeya_ na pinakapintakasi sa digma; sa araw na pinamamagatan nilang _Sunya_, sa buwan na tinatawag nilang _Soma_ at sa ibp.

=Ikalabing pitong Pangkat.=

=Dating pagsamba't Pananampalataya n~g m~ga tagarito.=

(_Karugtóng_)

Tungkol sa kapanampalatayahán n~g hulíng bahagi n~g Pilipinas, na Hulo't Magindanaw, ay dapat malaman muna na ang m~ga tagaroon ay hindi namayang sabay-sabáy, kundi ang iba, na gaya n~g m~ga Manobo, Tiruray atb, ay siyang nan~gauna; at ang iba naman ay masasapantahang m~ga kasabay ó kasunod n~g m~ga taga Malayang nagsipamayan sa Borneo noong dacong 1400.

Mapaniniwalaang ang pananampalataya n~g m~ga unang namayan doon na gaya n~g m~ga Manobo, Tiruray, atb. ay ang sa Kamalayahan na halos kagaya n~g dating pananampalataya n~g m~ga taga Bisaya't tagarito sa Luzón: at sa catunayan n~g dumating dito ang m~ga taga España ay may, nasumpun~gan pang isang daco sa Mindanaw na pinan~gan~ganlang De Flechas ó n~g m~ga Pana na balang magdaan doon ay naghagagis n~g pana na pinatutusoc sa bato at siyang iniaalay nilang pinakahayin upan sila'y macaraang tiwasay, bagay itong dili iba't isa sa m~ga bahagi n~g capanaligan n~g m~ga taga Bisaya't tagarito sa Luzón, na alayan n~g cahi't ano ang m~ga pooc na kinalibin~gan n~g canilang m~ga nunò. At cung bagama't nalimutan na ang canilang pinaca-Bathala ó pinaca-Laon ay sanhi marahil sa pagcahicayat nila sa Mahometismo ó pananalig kay Mahoma na taglay n~g m~ga huling nacapamayan nila.

Ang m~ga sumunod ó huling namayan sa Hulo't Mindanaw ay ang nan~gabangit nang casabay ó casunod n~g m~ga namayan sa Borneo noong dacong 1400. N~g panahong yaon ay halos laganap na ang pananalig cay Mahoma sa Kamalayahan at sa ganito ay mapaniniwalaan at siyang pagcaacala rin n~g m~ga bagong manunulat na ang m~ga yao'y nagsisipanalig na cay Mahoma n~g magsidating sa Hulo't Mindanaw, at siya tuloy na m~ga humicayat sa m~ga dinatnan At ayon sa sali't saling sabi n~g m~ga moro sa Mindanaw, aní Dr. Barrows ay si Kabunsuan ang humicayat sa canila. Ito'y isang taga Johore na anac n~g isang lalaking taga Arabia at n~g isang babaeng taga Malaya. Si Kabunsuan ay dumating sa Mindanaw na may maraming casamang nananalig sa canya at di umano'y siyang pinangali~gan n~g m~ga dato sa Mindanaw. Sinasapantaha na si Kabunsuan ay isa sa m~ga inapo ni Mahoma sa dugo n~g cayang amang taga Arabia: caya't han~ga n~gayon daw ay ipinagmamalaki ni Alí at n~g m~ga dato sa Mindanaw na sa canilang m~ga ugat ay umaagos pa ang dugo n~g profetang si Mahoma, na siyang nagtanyag n~g bagong religiong mahometisimo na pinacareligion n~g m~ga taga Hulo't Mindanaw.

Ang mahometismo n~g m~ga taga Hulo't taga Mindanaw ay di lubhang cagaya n~g tunay na mahometismo, dahil sa ang lahat n~g religion habang tumatagal ay nababago n~g nababago. Gayon, ma'y inaasahan co, na sapagca't siyang religion n~g isang bahagi n~g Pilipinas ay maitatanong din m~ga magiliwin sa ganitong casaysayan, «cung ano ang religiong mahometismo» At ang religion mahometismo ay ang itinanyag ni Mahoma na anya'y wala liban sa isang Dios at siya ang profeta n~g Dios at tuloy sinulat niya ang _koran_ na n~gayon'y siyang pinaka Biblia n~g m~ga moro.

Si Mahoma ay anak n~g isang babaeng judia na naging kristiana at n~g lalaking si Abdallah na palasamba sa m~ga diosdiosan (idolo). Siya'y ipinan~ganak sa Arabia noong taong 569 at mula sa kanyang pagkabata ay naulila sa kanyang m~ga magulang: anopa't ang nagpalaki sa kanya ay si Abu Taleb na kangyang mabuting amain. Nang siya'y magkadalawang pu't limang taon ay naglingkod kay Kadihah na isang matandang baong taga Mekka na mayama't maran~gal, at sa kagandahang asal ni Mahoma ay naibigan hangang sa naging asawa. Sa ganito'y siya'y nagcasalapi at naluwagan sa canyang pamumuhay; anopa't nagcapanahon n~g pag-aaral at pagmamasid n~g m~ga bagaybagay sa sandaigdigan.

Noon naman, ang Arabia na kanyang kinamulatan, ay siyang maitutulad n~gayon sa Estados Unidos n~g Amérika, sa Inglaterra n~g Europa at sa Hapón n~g Asia, dahil sa kalayaan n~g isa't isa na makapapamili n~g kanikanyang religion, at sa gayon ay nabuksan ang kanyang isip n~g di ano lamang.

Sa kabanalan ni Mahoma ay napasasa yun~gib n~g Hera (na malapit sa Mekka) taon taon at doon nagpapahin~gang isang buwan (kung buwan n~g Ramadan), at minsan di umano'y napakita sa kanya roon sa yun~gib ang angel Gabriel at pinagsaysayan siya n~g m~ga lihim na bagay, na siya ang magiging profeta n~g Dios at magpapaisa n~g religion sa tanang kinapal na pan~gun~guluhan n~g Dios na di malirip. Saka isinakay siya, di umano sa isang kahimahimalang hayop na ang pan~gala'y _borak_ at inihatid siya mula sa templo n~g Mekka hangang sa Jerusalém. Mula rito ay isinama siya n~g angel Gabriel na sumampa sa pitong lan~git at doo'y nakipagbatian siya sa m~ga profeta, sa m~ga patriarka at sa m~ga angel. Sa dako pa roon n~g ikapitong lan~git ay si Mahoma lamang ang pinatuloy, anopa't nalagpasan niya ang tabing n~g pagkakaisa at sa harap n~g luklukan doon ay nalugmok siya hangang sa siya'y tinapik n~g kamay n~g Dios. Pagkatapos ay bumaba siya sa Jerusalém, sumakay uli sa _borak_ at nagbalik sa Mekka.

Mula noo'y itinanyag ni Mahoma ang m~ga salita n~g angel Gabriel na n~gayo'y nasusulat sa _Koran_ na dasala't banal na kasulatan n~g m~ga mahometano.

At sa kagandahan di umano n~g pagmumukha ni Mahoma, sampu n~g kanyang ugali't asal at n~g kanyang matamis na pananalita na kalakip n~g kanyang kabanalan, ay pinananaligan siya, at hangan sa paniniwalaang siya'y sinalubong n~g m~ga punong kahoy, binati n~g m~ga bato sampu n~g tubig, nagpakain sa nagugutom, nagpagaling n~g may sakit at bumuhay n~g patay. Bukod dito'y ipinalagay n~g marami na ang m~ga salita ni Mahoma ay puspos na m~ga aral n~g katotohanan at ang kanyang m~ga gawa ay pawang uliran n~g kabanalan (baga man ang dating kaugalian n~g panahong yaon na gaya n~g pag-aasawa n~g higit sa isa at ibp. ay di niya pinawi); dahil sa ganang kanya'y wala n~g gaya n~g manalan~gin, magkulasyon at maglimos, sapagka't sa kanya ang pagdalan~gin ay nakapapatnubay hangang sa kalahatian n~g daang patun~go sa Diyos, ang pagkukulasyon ay nakapaghahatid hangan sa pintuan n~g tahanan n~g Diyos at ang paglilimos ay siyang ikinatatangap n~g Diyos sa tao. Anopa't sa gayong pananalig sa kanya ay hindi laman ang kanyang asawa't m~ga kaibigan ang sumampalataya kundi pati na n~g kanyang m~ga kababaya't kalupain, hangang sa siya'y nahalal na pinakapan~gulo sa kanyang bayang tinubuan. At sapagka't ang kanyang munakala'y papag-isahin n~g religión ang tanang kinapal ayon sa sinaysay sa kanya n~g angel, ay hindi lamang ang kanyang lupain ang sinakop at hinikayat niya't n~g m~ga humalili sa kanya, kundi pati n~g m~ga lupaín sa Europa, Africa, sa Asia at hangang dito sa Kasilan~ganan na dili iba't siyang pinanánaligan pa hanga n~gayon n~g ating m~ga kalupaing taga Mindanaw at taga Huló.

Ang religióng ito at umabot hangang sa Mindoro at dito sa Maynila at kung hindi dumating rito ang m~ga kastila ay naging moro marahil ang lahat n~g tagarito.

=Ikalabingwalong Pangkat.=

=Isipan n~g Ibang Tagarito Tungcol sa Pasimulâ n~g Sangkinapal=

Isa sa m~ga kapaniwalaan n~g ibang m~ga Tagarito na binangit, n~g m~ga mananalaysay ay itong sumusunod:

Ang m~ga tao sa baybayin na pinan~gan~ganlang Iligayanes ay naniniwala na ang lupa't lan~git ay hindi nagkaroon n~g pasimula: at di umano'y nagkaroon n~g dalawang Diyos na ang isa'y nagn~galang _Kaptan_ at ang isa'y _Magwayan_: at ang han~gin sa lupa at ang han~gin sa dagat ay nagkaisa at sumuka n~g isang kawayan. Ang kawayan namang ito ay itinanim n~g Dios Kaptan, at n~g lumaki ay pumutok na nilabasan n~g dalawang kawayan na kapwa naging tao, na ang isa'y lalaki at ang isa'y babae. Ang lalaki ay pinan~ganlang _Sikalak_ at ang babae'y _Sikabay._ Ang lalaki ay nagpahayag sa babayi na sila'y magisang dibdib, dahil sa walang iba dito sa sangdaigdigan; n~guni't hindi pumayag ang babae; sapagka't sila'y magkapatid na galing sa isang kawayan. Sa katapustapusan ay nagkasundo na sila'y yumaon at kanilang isanguni ang gayon sa Lindol n~g lupa, at sinagot naman sila na kailan~gang sila'y mag-isang dibdib upang magkaroon n~g m~ga tao sa sanlibutan, at sila'y nag-isang dibdib at nagka-anak. Ang unang naging anák nila ay lalaki at pinan~ganlang _Libo_, at ang sumunod ay babae, at pinan~ganlang _Saman_, at ang dalawang magkapatid na ito ay nagkaanak n~g isang babae na pinan~ganlang naman nilang _Lupluban_. Itong si Lupluban ay nakipag-isang dibdib sa isang anak na lalaki n~g m~ga unang tao (marahil ni Sikalak at ni Sikabay) na ang pan~gala'y _Pandaguan_ at ang m~ga ito ay nagkaanak n~g isang lalaki na kanilang pinan~ganlang _Arion_. Si Pandaguan, di umano'y siyang unang kumatha n~g m~ga palaisdaan upang mamalakaya sa dagat, at ang unang nahuli ay isang pating, at pagkahuli ay iniahon sa kati, na sa akala niya'y hindi mamamatay; n~guni't pagkaahon sa kati ay namatay: n~g makita niyang patay ay pinasimulang alayan n~g m~ga hayin at tuloy tinan~gisan, at tumawag sa m~ga Diyos, na may namamatay, dahil sa wala pang namamatay noon; pagkarinig naman di umano n~g Diyos Kaptan ay sinugo ang m~ga lan~gaw upang tignan kung sino ang patay, at sapagka't hindi makapan~gahas lumapit ang m~ga lan~gaw ay bukbok ang sinugo na siyang nakakita na ang patay ay pating, at sa ganito'y nagalit ang Diyos Kaptan dahil sa pagkakaalay n~g m~ga hayin sa isang isda. Sa pagkagalit na ito n~g Diyos Kaptan ay naghagis silang dalawa n~g Diyós Magwayan n~g isang lintik at siyang pumatay kay Pandaguan, at namalaging tatlong pung araw sa Infierno; n~guni't pagkaraan n~g tatlong pung araw ay kinahabagan siya n~g nan~gabangit na m~ga Diyós at muli siyang binuhay dito sa sanglibutan. Noong samantalang siya'y patay ay napababae ang kanyan asawang si Lupluban sa isang nagn~gan~galang Marakoyan, at di umano'y ito ang pinagmulan n~g pan~gan~galunya. Nang si Pandaguan ay mabuhay na mag-uli at umuwi sa kanyang bahay ay hindi inabutan ang kanyang asawa, sa pagka't inanyayahan n~g kanyang kaagulo na magsalo sila sa isang baboy na kanyang ninakaw (di umano'y ito ang unang pagnanakaw na nagawa dito sa ibabaw n~g lupa), at sa ganito'y sinugo niya ang kanyang anák upang kaonin, at si Lupluban ay tumangi at di sumama, na ang sabi ay hindi na magbabalik ang m~ga patay dito sa ibabaw n~g lupa, at sa galit ni Pandaguan ay nágbalik uli sa Infierno.

Ang pag-aakala, naman n~g m~ga Tingian ay itong sumúsunod:

Iba ang paniwala n~g m~ga taga bundok at anila'y noong una ay walâ kundi dagat at lan~git, at sapagka't may isang lawin na walang kádapuan, ay hinalughog ang lan~git at dagat dahil dito ay dinigma n~g dagat ang lan~git na nagpakalaki-laki hangang sa itaas: n~g makita n~g lan~git ang ganitong asal n~g dagat ay pinasibulan n~g isda ang dagat at pagkatapos upang makaganting lubos sa pagkapan~gahas laban sa kanya ay inihagis sa dagat, di umano, ang lahat n~g kapuluang ito upang ang dagat ay mapasuko at upang ang kanyang m~ga tubig ay maglagos sa iba't ibang dako at huwag mangyaring makapagmalaki at ito ay pinagkapasimulan n~g _mabario_ na ang ibig sabihin ay paghihigantihan sa pag-apí kaya di-umano'y nagíng kaugalian dito ang panghihiganti hangang sa di masiyahan. Saka ayon sa kasaysayan tungkol sa kawayan, ay ang lawin di umano ang siyang tumuka, kaya pumutok at lumabas yaong naging lalaki at babae na nabangit na (si Sikalak at si Sikahay). Di umano pa n~g man~ganak si Kariuhi (isa sa m~ga anak n~g m~ga unang tao marahil) ay nan~ganak n~g lubhang marami, at nangyari isang araw na pumasok sa bahay ang ama na lubhang galit at sapagka't binalaan ang m~ga anak ay nan~gagsitakas sa takot anopa't ang iba'y nan~gagsipasok sa m~ga silid na totoong kublí, ang iba'y sa m~ga silid sa dakong labas ang iba'y nagsikubli sa m~ga dinding, ang iba'y nan~gagsipanaog na tumun~go sa dakong dagat. Anila'y yaong nan~gagsipasok sa silid na totoong kublí ay siyang pinangalin~gan n~g m~ga maginoo, yaong m~ga napa sa silid sa dakong labas ay siyang pinangalin~gan n~g m~ga timawa, yaong nan~gagkublí sa dapugan ay siyang pinan~galin~gan n~g m~ga maitim at ang nan~gagsitun~go sa dakong dagat ay ang m~ga maputi na hindi na nan~gabalitaan nila, kundi n~g dumating na lamang dito ang m~ga taga Europa.

M~ga Aklat na Sinulat n~g Sumulat Nito.

Tulong sa Pag-aaral n~g wikang Inglés. English-Tagalog Dictionary with Phrases. Dating Pilipinas.

* * * * *

M~ga Aklat na Tinagalog n~g Sumulat Nito.

Bagong Tipan. Matandang Tipan. Melodramang "Noli Me Tangere" ni G. Gross sa novela ni Gat Jose Rizal.

Tuntunin. Tudling

Paunawa 4

Unang Pangkat. M~ga Unang Tao Rito 6

Ikalawang Pangkat. Lahing Pilipino 12

Ikatlong Pangkat. Pagkaparito at Pinangalin~gan n~g Lahing Pilipino 16

Ikapat na Pangkat. Dating Pamamayan n~g m~ga Tagarito 21

Icalimang Pangcat. Dating Pananamit at Kalinisan sa Katawan n~g m~ga Tagarito 28

Icanim na Pangcat. Dating Kaugaliang Pinanununtunan sa m~ga Kapaslan~gan at Sigalutan 34

Ikapitong Pangcat. Wika 55

Icawalong Pangcat. Pagbasa't Pagsulat 60

Icasiam na Pangcat. Asal at Gawì 67