Dating Pilipinas

Part 3

Chapter 3 4,116 words Public domain Markdown

Kung ang sino man ay magsabi na ibig niyang mag-asawa, kay gayon at sa kaarawan ay umayaw ay pinarurusahan n~g mahigpit at kung mayaman ay sinasamsaman n~g malaking bahagi n~g yaman.

* * * * *

=Sa Pakikiagulo=

Ang salang makiagulo, palibhasa't sigalot sa sambahayan ay karaniwang sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman n~g matandá ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki n~g isang gayong halaga[9] sa asawa n~g babae na pinakapantakip sa nasirang dangal. At sa minsang nabayaran ay nagsasama uling tiwasay ang mag-asawa at nililimot na ang bagay na yaon, at pati anak ay hindi inaaring anak sa pakikiagulò.

Datapua't ang asawa n~g isang pan~gulo na magkasala n~g pakikiagulo ay nilalapatan n~g parusang kamatayan, at ang lalaking umagulo ay pinapatay kung mahuli ó kung nakataanan ay pinapagbayad n~g isang gayong halaga.

* * * * *

=Sa Paghihiwalay n~g mag-asawa.=

Sa m~ga ganitong sigalot ay matatanda ang humahatol na kasama n~g m~ga kamag-anakan[10] n~g magasawang naghihiwalay.

Kung ang mag-asawa ay naghihiwalay ay hinahati ang kanilang kinita sa kanilang pagsasama, n~guni't ang dating pag-aari bago nagsama ay hindi hinahati, kungdi dinadala n~g isa't isa ang kanyang dati.

Kung ang babae ang humihiwalay sa asawa upang mag-asawa sa iba ay kailan~gang isauli ang bigay-kaya at dagdagan n~g isang gayon, na ang magsasauli nang nabangit na bigay-kaya ay ang magiging bagong asawa. N~guni't kung humihiwalay lamang at hindi upang mag-asawa sa iba ay ang bigay-kaya lamang ang isinasauli.

Kung ang lalaki ang humiwalay, maging sa pag-aasawa sa iba ó hindi man at hindi kalooban n~g babae ay walang matuid ang lalaki na bumawi n~g bigay-kayang ibinigay niya ayon sa salaysay ni P. Colin; n~guni't ani P. Placencia ay isinasauli ang kalahati n~g bigay-kaya.

Kung ang mag-asawang naghihiwalay ay may anak ay napapa sa anák ang bigay-kaya at ang nag-iin~gat nito ay ang m~ga nuno kung buhay pa ó kung dili ay isang taong mapagkakatiwalaan. N~guni't ani P. Aduarte ayon sa salaysay ni Rizal ay hindi na naghihiwalay ang magasawa kung may anak dahil sa paglingap sa anák.

* * * * *

=Iba't ibang kapaslan~gan.=

Ang sumira n~g puri n~g isang anák na dalaga ó asawa n~g isang maginoo ay nilalapatan n~g parusang kamatayan.

Ang mahuling mangaway ó mangkulang ay kamatayan din ang parusan inilalapat. N~guni't kung humin~gi n~g tawad ay pagkaalipin na lamang at kung may salapi ay maaaring magbayad n~g isang gayon at huag maalipin, at kung gayon ay ibinibigay ang kalahati n~g salapi sa ginawan n~g masama at kalahati ay sa m~ga hukom.

Ang panunun~gayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa mayaman, sa matanda ó sa babae, at pinarurusahan n~g isang gayong halaga ó kung dili ay pagkaalipin. At kung ang tinun~gayaw ay pan~gulo ó maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na kung gayon ay pagkaalipin na lamang.

Ang tumin~gin n~g walang galang sa pan~gulo at ibp. na gaya nito ay nilalapatan n~g parusang pagkaalipin sa tanang buhay, n~guni't di umano'y bihirang mangyari ito, dahil sa pinakakain~gatang malabis n~g m~ga kampon.

Kung sa gabi ay pumasok ang sino man sa bahay n~g isang pan~gulo ó maginoo n~g walang kapahintulutan ay nilalapatan n~g parusang kamatayan, at karaniwa'y pinahihirapan muna, dahil sa baka sakaling ginagamit na tik-tik n~g ibang pan~gulo; at kung sakaling matunayan na sugong tik-tik ay nilalapatan n~g parusang pagkaalipin at sa nagsugo ay kamatayan, malibang magbayad n~g isang gayong timbang na ginto.

Ang di lubhang malaking pagkakaalitan ó pagmumungkahian sa isang nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan n~g nagkaalit at siyang humahatol ayon sa patotoo n~g m~ga saksi at alinsunod sa minanang kaugalian sa kanilang m~ga kanunuan[11], ang hatol naman n~g matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila.

* * * * *

=Pag-uutan~gan.=

Ang karaniwang palakad sa pag-uutan~gan ay patubuan, kung ang may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautan~gan ang kaláhati sampu n~g pakinabang noon hangang hindi nakababayad n~g utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y sa tanang buhay dahil sa lakad n~g tubo.

* * * * *

=Pagbabayad n~g Paratang.=

Ang karaniwang kahatulan sa m~ga usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati n~g bukid at n~g tanang tinatangkilik ay napapa sa pan~ginoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang m~ga anak ay pakain at padamit. Kung sakaling hindi makabayad sa kaukulang panahon ay nan~gagiging alipin; at di umano'y kung sakaling makabayad man ang amá ay sinisin~gil n~g pan~ginoon pati n~g ipinakain at ipinadamit sa m~ga anák at kung walang maibayad ay nagiging alipin ang m~ga anák.

Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad n~g isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. N~guni't kung hindi maglingkod n~g ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan.

* * * * *

=Pagcaalipin.=

Ang sino mang mabihag sa balan~gay na kaalit ay inaalipin.

Ang may utang na walang ikabayad ay inaalipin at di umano'y sa m~ga ganitong bagay ay anák ang karaniwang napapasanla na tumutubos sa magulang.

Inaalipin din ang lumabag sa isang pan~gulo ó maginoo na gaya halimbawa n~g magdaan sa silong ó bukiran nila, ó makasira n~g ano mang pag-aari nila, ó makatapon kaya n~g ano mang dumi kung nagdaraan sila ó magkasala n~g ano man sa m~ga kabahay n~g pan~gulo, at iba pa.

Ang m~ga anak n~g talagang alipin na ay alipin din.

Ang m~ga anák n~g amáng laya at n~g inang alipin ay nagiging alipin ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay magiging gaya n~g sa bugtong na anák.

* * * * *

=M~ga di lubos na alipin.=

Ang bugtong na anák n~g isang magulang na alipin at isa'y laya ay kalahatí lamang ang pagkaalipin. Ang ganitong alipin ay naglilingkod n~g salisihang buan sa makatuid baga'y isang buang ipinaglilingkod ang bahagi niyang laya.[12]

* * * * *

=Katungkulang n~g alipin.=

Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay n~g sarili, n~guni't kailan~gang maglingkod sa kanyang pan~ginoon sa panahon n~g paghahasik at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo n~g bahay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin.

Ang aliping sagigilir ay hindi nakabubukod n~g bahay at may katungkulang gumawa n~g ano mang ipagawa sa kanya n~g pan~ginoon sa tanáng buhay niya.

Ang kakalahati ang pagkaalipin ay naglilingkod n~g salisihang buan. At sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya n~g sa ganang kanyang sarili ó kung sa pan~ginoon din niya ay may matuid na maipakabig sa kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon n~g kanyang kalayaan na ipinaglilingkod niya. At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay ó kung sagigilir.

Ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na naglilingkod sa pan~ginoon at isa'y sa kanyang sarili. Ang asawa nito ay naglilingkod din sa kanyang pan~ginoon n~g kapara niya.

Ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang araw sa pan~ginoon at tatlo'y sa kanyang sarili.

Ang aliping námana n~g dalawa, tatlo ó limang magkakapatid ay naglilingkod sa bawa't isa sa kanila n~g ayon sa panahong pinagkasunduan nila na ipaglilingkod sa bawa't isa sa kanila. At kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin ay pagbabayaran ang kanyang paglilingkod sa panahon n~g kanyang kalayaan at ayon sa kanyang pagkaalipin.

* * * * *

=Pagcalayà n~g alipin.=

Ang m~ga aliping _sagigilir_ at _namamahay_ ay nakaaalis sa pagkaalipin kung nagbabayad sa pan~ginoon n~g katampatang halagá.

Ang halaga n~g salaping dapat ibayad n~g _aliping sagigilir_ upáng maging _aliping namamahay_ ay limang putol na ginto ó higit pa, at saká ang kalahati n~g boong hiyas at pag-aaring tinatangkilik, at kung sakaling may lumabis na isang paliyok ó ban~ga sa paghahati ay binabasag, at kung kumot ay hinahapak sa gitna; at upáng lubos na mawala sa pagkaalipin at maging _timawà_ ó _maharlika_ ay kailan~gang magbayad n~g sampung putol na ginto ó higit pa.

Ang paraan n~g pagbabayad ay nag-aanyaya n~g m~ga tao ang alipin at sa harap n~g pan~ginoon at n~g m~ga kaibigan ay ginagawa ang pagbabayaran at iba pang kailan~gan.

Di umano'y karaniwan ding ugali n~g m~ga Tagalog na sa oras n~g kamatayan ay pinapagiging laya n~g pan~ginoon ang m~ga anák n~g m~ga alipin na ipinan~ganak sa kanyang bahay.

At gayon din na kung ang sino mang laya ay magkaanak sa kanyang aliping babae ay pinapagiging laya ang anák sampu n~g alipin, na dili iba't siyang inugali ni Abraham kay Agar at kay Ismael.

TALABABA:

[5] Aní Rizal ay siyang lalong mabuti, dahil sa siyang nakapagpapayapa sa m~ga tao, sapagkat, anya'y may higit na tibay ang ugali kay sa isang kautusang nasusulat ó nalilimbag, lubha pa't itong kautusang nasusulat ay naipananaksil n~g m~ga may kapangyarihan. Ang katibayan, anya n~g isang kautusan ay wala sa pagkakalimbag sa isang dahon n~g papel, kung di na sa pagkalimbag sa ulo n~g magsisiganap, malaman mula sa pagkabata, maayon sa kaugalian at lalong lalo n~g kailan~gan na mátatag n~g walang pagkabago. Ang Tagarito n~gá, anyá, mula sa pagkabata ay nakatátanto n~g kanilang m~ga alamat namumuhay at lumalaki sa pan~ganorin n~g kanilang m~ga kaugalian, at hindi gaya n~gayon na nagtatatag n~g m~ga kautusan sa bayan na di man lamang nalalaman ó nauunawa at madalas pang binabago.

[6] N~guni't ani P. Placenecia ayon sa salaysay ni Dr. T. H. Pardo de Tavera, kung may hilig sa kanino man ang pan~gulo ay pumipili sa ibang balan~gay n~g mailalagay na pinakahukom at di umano'y may m~ga kilalang gayong tao na humahatol n~g walan hilig.

[7] Aní Rizal, ay napagkikilalang may malabis na kasunduan kay sa digmaan dito sa pagkakaayon-ayon n~g m~ga tuntunin, at di malayó anyang, may isang malaking pagkakasunduan dito; sapagka't ang pinakapan~gulo rito sa Maynilà, ay pinakapunong-hukbo n~g Sultan sa Borneo. Anya'y may m~ga kasulatan noong siglo XII na nagpapatotoo nito.

[8] Ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani Rizal, na ang m~ga anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana n~g magkakasindami; ang m~ga anak sa babaeng kinasama ay nagmamana n~g isang gayon; ang m~ga anak sa alipin ay hindi pinamamanahan n~g ano man, n~guni't pinapagiging laya sampu n~g kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala n~g taos na katalinuan at bait n~g m~ga dating Tagarito.

[9] Ang dating ugaling ito n~g m~ga Tagarito, ani Rizal, ay inuugali n~gayon n~g maraming lupain sa Europa, at anya'y wari lalong mabuti't matuid kay sa awáyin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya pang nalalagay sa katua.

[10] Ani Rizal ay makapupong magaling kay sa kautusan n~gayon n~g m~ga Frances at m~ga Ingles, sapagka't anya'y wala nang iba pang magaling na humatol sa m~ga sigalot n~g sambahayan na gaya n~g matatanda't m~ga kamag-anakan nila na lubos nakatatalos n~g kanilang pamumuhay.

[11] Ito'y minagaling ni Rizal, dahil anya, tao rin sa kanikanyang umpok ang humahatol at sapagka't halal kapua n~g nagkakasira ay sapat makabatid n~g usap n~g ugali at lubhang mabuti kay sa hukom (n~gayon) na humahatol n~g usap na di niya talos, at sa m~ga taong ang kilos, pan~gun~gugali at wika ay gayon din. Dito n~ga, ani Rizal, ay napagkikilala ang pagkaurong natin sa pagkakaroon natin n~gayon n~g lubhang maraming kautusan at pasiyang kung ano-ano, hangang sa kung minsan ay kailan~gang magsakdal sa kataastaasang hukuman kung sakaling di nasiyahan sa hatol n~g hukom, at ang m~ga usapin ay nagluluat n~g di ano lamang na inaabot tuloy n~g m~ga anak, apo at pinagkakailan~ganang paggugulan n~g lubhang maraming salapi n~g naapi upang magtaglay n~g kaukulang hatol.

[12] Dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ginaganap ang lubos na kaugaliang matuid sa m~ga pan~ganoring malayo-pilipino, dahil sa isinasa isa't isa ang kaukulang matuid.

=Ikapitong Pangkat.=

=Wikà=

Dito sa Pilipinas na gaya rin sa lahat n~g lupain ay may maraming wika, palibhasa't "ang bilang n~g pagkakapangkatpangkat, n~g wika sa isang lupain" anang isang manunulat, "ay naaayon sa pagkakahagdanghagdan n~g katalinuan n~g bayánbayán." N~guni't halos lahat n~g wika rito, maliban sa wikang _ita_ ay kagyat na wikang _malayo_, at ayon sa sapantaha n~g halos lahat n~g mananalaysay ay pawang suplíng ang lahat na ito sa isang matandang wika.

Ito'y lubos na mapaniniwalaan at may m~ga aklat at pangyayaring nagpapatotoo nito. Halimbawa sa aklat ni Padre Concepcion ay may nasasaysay, na "noong unang pumarito ang m~ga kastila ay nagsipagsama n~g isang tagapagpaaninaw (ó interprete) na malayo at nákaunawaan n~g m~ga tagarito." Ayon kay Padre Colin naman ay "may isang taga Kapangpan~gan na nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan n~g kanyang sariling wika at siya'y nakisagot na parang siya'y ipinan~ganak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya n~g isang matanda na kayo'y m~ga inapó n~g m~ga nagsialis dito noong unang dako na nan~gamayan sa ibang lupain at di na namin nan~gabalitaan (basahin ang Pinangalin~gan n~g Lahing Pilipino). At ako noong taong 1902 na naglalakbay na patun~go sa Melbourne ay nakipag-usap akong maminsanminsan sa m~ga grumeteng malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin n~g pagkakaunawaan n~g m~ga portugés, kastila't italiano sa kanikanyang wika.

Datapua't sa m~ga wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang m~ga pinakamalaganap. Ang dalawang ito ay masasabing magkapatid na wika sapagka't ang karamihan n~g salita ay magkapara at ang kaibahan n~g ibang m~ga salita ay nasa dulo lamang, na pagkain sa tagalog ay _un_ sa bisaya, gaya n~g _sulatin_ ay _sulatun_, _kanin_ ay _kanun_, _patayin_ ay _patayun_. At sa dalawa pang ito ay ang wikang tagalog ang siyang lubhang kilala na ani Baron Willam von Humbold ay "siyang pinakamayaman at pinakadalisay sa lahat n~g wikang _malayo polinesia_", at ani P. Chirino naman ay "ang luhang nakalugod at nakahalina sa akin ay ang wikang tagalog. At siya ko n~gang sabi sa unang arzobispo at sa ibang matalinong tao na nálalaman sa wikang tagalog ang m~ga kainaman n~g apat na pinakapan~gulong wika, dito sa sandaigdigan na dili iba't ang hebreo, griego, latin at kastila: sa hebreo ay ang m~ga kababalaghan at m~ga malalalim na kahulugan; sa griego ay ang m~ga artikulo at ang dali n~g pagbangit n~g ano mang n~galan, sa latin ay ang kayabun~ga't karikitan; at sa kastila ay ang pagkamagalang, pagkamapagpitagan at pagkamapagbigay-loob." Siyang totoó sapagka't ang wikang tagalog ay isang wikang naipagbabadya n~g tanang soloobin at damdaming sumasapuso't isip n~g tao. Nariyan ang ating m~ga awit, dalit, salawikain; ang ating m~ga padalahan, novena't dasalan; ang ating komedia, dupluhan, panawagan at bugtun~gan; ang ating kundiman at kumintang; ang ating m~ga palabas-dulaan, m~ga aklat, man~ga pahayagan at iba't iba pang nagtatanghal n~g kayamanan n~g tin~gig n~g wikang tagalog. Gayon din ang pagtula na sa wikang tagalog ay katutubo at lubhang mayamang gaya n~g wikang árabe, at malinaw nating namamalas sa m~ga awit, salawikain at babasahin ang gawi't sadyang pananalitang tagalog na patula. Sa tulang tagalog n~ga ay mapuno puno n~gayon n~g m~ga korrido ó awit ang ating m~ga tindahan n~g aklat. At sa tulang tagalog ay sumilang ang m~ga bantog na sina Francisco Baltazar G, Pilapil, at ibp.

Datapua't ang wikang tagalog, baga man mayaman at sagana sa tin~gig ay haluan din na gaya n~g inglés at iba't ibang wika, palibhasa't galing sa kamalayahan, saka nakapamayanan n~g m~ga tagá iba't ibang lupa: ano pa n~ga't sa wikang tagalog (sampú sa ibang man~ga wika rito) ay may nahahalaw na man~ga salitang árabe, gaya n~g _utak_, _alak_, _paningkayad_, _lahi_, _taksil_, _libo_, _lasap_, _sipat_, _sulat_, _luhod_, _salamat_, _salawal_, _hukom_, _hiya_, _asawa_ at ibp; may man~ga salita ring sanscrito, gaya n~g _kastuli_, _halaga_, _kalapati_, _kuta_, _pana_, _sinta_, _kasubha_, _tinga_, _tumbaga_, _laksa_, _yuta_ at ani Dr. Pardo de Tavera ay lahat n~g salitang may kahulugang katalinuan, kabaitan, damdamin, pamahiin, pan~galan n~g m~ga dios, n~g m~ga tala, n~g bilang na may kataasan, n~g m~ga halaman, n~g digma sampu n~g m~ga bagaybagay at hanga nito at katapustapusan ay ang m~ga pan~galan n~g m~ga titik n~g kamahala't pagkamaginoo, ang pan~galan n~g ibang m~ga hayop, n~g m~ga kasangkapang pangawa at ang pan~galan n~g m~ga salapi. Ano pa n~ga't ayon dito'y ating mapagbubulay na doon pa sa Malaya ay hiniram na n~g m~ga tagarito sa m~ga taga India ang m~ga salitang iyan at marahil ay noong panahong ang kapangyarihan n~g India ay lumalaganap sa kamalayahan na siyang pinagbuhatan n~g m~ga tagarito.

Bukod sa m~ga salitang hiram sa árabe at sa sanscrito ay may hiram rin sa m~ga insik, gaya n~g _susi_, _impo_, _chaa_, _pisaw_, _tinsem_, _sotanhon_, _mike_, _misua_, _pansit_, _bulang-lang_, _bihon_, _mangkok_, _suliaw_, at ibang m~ga salitang kalakal-insik.

Gayon din ang kastila, na sapagka't namuno ritong malaong panahon ay nakapaghalo rin n~g m~ga salitang tungkol sa pananampalataya, sa karunun~gan, sa kasangkapan at sa pagkain at ibapa, gaya n~g _Dios_, _Espiritu_, _Santo_, _Vírgen_, _manzanas_, _sapatos_, _kabayo_, _kumpisal_, _baso_, _misa_, _piso_, _tabako_, _parè_, _cura_, _pamalo_, _biguela_, _karwahe_, _tranvia_, _mantika_, at iba pa.

Sa m~ga lupaing _malaya_ ay di natin masabing may hiram sapagka't ang m~ga tagarito ay malaya rin, at ito'y malinaw nating natutunayan sa pagkakahawig n~g m~ga salita sa m~ga salita n~g lahat n~g wikang malaya,[13] gaya n~g m~ga wika sa Java, Sasak, Makassar, Bugis, Bouton, Salayer, Tomere, Tomohon, Langowan, Ratahian, Belang, Tamawanko, Kema, Bantek, Menado, Bolang-Itam, Sanguir, Salibabo, Sula, Kaheli, Wayapo, Massaratty, Amblaw, Ternate, Tidore, Kaioa, Batchian, Gani, Sahoc, Galela, Liang, Morella, Batu-merah, Lariki, Saparua, Awaiya, Kamarian, Teluti, Ahtiago, Gah, Wahai, Goram, Matabello, Teor, Ke, Aru, Mysol, Dorey, Teto, Baikeno, Brissi, Sabu, Rotty Allor, Solor, Bajaw, at iba pa.

TALABABA:

[13] Basahin ang kay Alfred Russell Wallace na "The Malay Archipielago"

=Ikawalong Pangkat.=

=Pagbasa't Pagsulat.=

Tungkol dito sa pagbasa't pagsulat, ayon sa m~ga mananalaysay, ay pawang marunong bumasa't sumulat ang m~ga lalaki't babae rito.

Ang hitsura n~g sulat ay sulat-maláyo at di umano'y han~go sa sulat n~g m~ga taga Arabia.

Ang sa tagalog ay may labing apat na konsonante na gaya n~g sa Árabe at n~g wikang pahlabi n~g m~ga Persa noong Edad media; ang sa Pangasinan, Ilokano at Bisaya ay tiglalabing dalawa, at ang sa Kapangpan~gan ay lálabing isa; n~guni't ang paraa't ayos ay magkakaisa, gaya n~g makikita sa sumusunod:

* * * * *

=Sa Tagalog.=

Ang m~ga bokal ay tatatlo lamang na gaya rin n~g sa árabe dahil sa ang _e_ at _i_ ay iisa at gayon din ang _o_at _u_.

[Baybayin: "a" "e,i" "o,u"]

Ang m~ga konsonante ay labing apat at kasama na n~g bawa't isa ang bokal. Ang bokal namang kasama ay nakikilala ayon sa tudlít na gaya rin n~g sa m~ga árabe. Pagca walang tudlit ay _a_ ang tinig, hlb.

[Baybayin: ba, ka, da, ga, n~ga, ha la, ma, na, pa, sa, wa, ya, ta]

Pagca may tudlít sa itaas ay _e_ ó _i_ ang tiníg, hlb.

[Baybayin: be ó bi, ke ó ki, de ó di]

Pagca may tudlít sa ibaba ay _o_ ó _u_ ang tiníg, hlb,

[Baybayin: bo ó bu, ko ó ku, do ó du]

Kaya't cung ang isusulat ay bata ay,

[Baybayin: ba]

[Baybayin: ta]; kung bató ay [Baybayin]; cung butó, ay [Baybayin]; kung bati ay [Baybayin] at iba pa.

Ang ayos n~g lahat ay ganito rin.

Ang may tudlit sa itaas ay _e_ ó _ú_ ang tiníg at ang tudlit sa ibaba ay _o_ ó _u_ na gaya rin n~g sa Tagalog.

_Sa Bulakan at Tundó._ Ang sa Bulacan at Tundó ay may caonting caibahan sa Tagalog at itong sumusunod:

M~ga bokal: [Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga konsonante:

[Baybayin: ba, ka, da, ga,ha, la, ma na, n~ga, pa, sa, ta, wa, ya]

=Sa Kapangpangan.=

Ito naman ang sa Kapangpan~gan.

M~ga bokal.

[Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga consonante.

[Baybayin: ba ka da ga la ma na n~ga pa]

[Baybayin: sa ta]

* * * * *

=Sa Pangasinan.=

Ang sa m~ga taga Pangasinan ay ito naman. M~ga bokal:

[Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga konsonante:

[Baybayin: ba ka da ga ha la ma na]

[Baybayin: pa sa ta wa]

* * * * *

=Ilokano.=

Ang sumusunod naman ang sa Ilocano. M~ga bokal

[Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga konsonante:

[Baybayin: ba, ka, da, ga, la, ma, n~g]

[Baybayin: pa, sa, ta, ya]

* * * * *

=Sa Bisayà.=

Ito naman ang sa Bisaya.

M~ga bokal.

[Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga konsonante.

[Baybayin: ba, ka, da, ga, ha, la, ma]

[Baybayin: na, pa, sa, ta, ya]

Ang ayos n~ga n~g lahat ay parapara na ang may tudlít sa itaas ay _e ó i_ ang tinig, at ang may tudlít sa ibaba ay _o ó u_.

Ito ang ayos n~g pagsulat n~g m~ga tagarito at sa ganito'y nagcacaunawaan at agad nailalakip n~g bumabasa ang letrang kulang at di umano'y nilalakipan din n~g m~ga tanda na gaya halimbawa n~g || na aní Mass ay inaaring m, n, t at ibp.; ano pa't gaya rin n~g wicang _pahlabi_ ó _pehlebi_ n~g m~ga persa noon Edad media.

Ang paraan naman n~g pagsulat n~g tagarito ay minumulan sa itaas na paibaba at pinasisimulan ang hanay sa dacong kaliwa at niwawakasan sa dacong kanan, na kaiba sa m~ga insik at m~ga hapón na minumulan sa kanan at niwawakasan sa caliwa.[14]

Ang karaniwang sulatán ay kawayan ó m~ga dahon n~g halaman na siya ring inugali n~g m~ga taga ibang lupain n~g di pa natutuclasan ang paggawa n~g papel at ang panulat na ginagamit ay matulis na bakal ó patpat at di umano'y tinatawag na _sipol_. Ang m~ga susulatín naman ay ang canilang m~ga tula at awit na siya nilang gawî ó kung dili ay ginagamit sa pagtatala n~g bilang n~g canilang m~ga hayop at m~ga kalakal at gayon din sa pagsulat n~g liham.

Ang paraang ito n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay agad napawì n~g masacop na n~g m~ga castila, at noong taong 1705, ani Padre Totanes, ay totoó n~g mahirap macasumpong n~g tagaritong nacasusulat n~g gayon; n~guni't ani Dr. Borrows ay gumagamit pa hangang n~gayon ang m~ga Tagbanua sa Paragua n~g gayong pagsulat.

TALABABA:

[14] Tungkol dito sa ayos n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga mananalaysay. Ani Marche ay pahalang, ani Jambaulo na nakikita mandin n~g kasulatan dito na malaong panahon bago ipinan~ganak ang Pan~ginoóng Jesu-Kristo ay gaya rin n~g sabi ni Chirino na paibabang mula sa itaas, at ang sabi naman nina Colin at Esguerra ay patiwali sa nabangit, dahil sa anila'y paitaas na mula sa ibaba at ang pahalang ay inugali na lamang n~g dumating ang m~ga taga España.

=Icasiam na pangcat.=

=Asal at gawi=

"Ang m~ga tagarito"; ani P. Chirino. "ay hindi gaya n~g m~ga insic at hapón na mapagsikotsikot sa canilang pagbati, gayon man ay may sariling bait at asal. Lalong lalo na ang m~ga tagalog na sa salita at sa gawa ay m~ga magalang at mapagbigay loob. Nagsigaya sa atin (sa kanila na m~ga kastila) n~g pagbati na nag-aalis n~g putong na isang toalla ó diadema. Ugali rin na di tumatayo sa harap n~g m~ga taong canilang iginagalang, kungdi nauupo sa lupa n~g di lubhang sayad na nag-aalis n~g takip sa ulo at ipinapatong ang putong sa kaliwang balikat saka nakikipag-usap sa nakatataas sa kanila. Ang pag-galang na inuugali sa pagpasok ó sa pagcacasalubong ay ang magpakayukod at iunat ang isa ó dalawang kamay sa mukha: iduop sa m~ga pisn~gi, at saka maupo ó maghintay kayang tanun~gin n~g ibig; inaaring masama ang magsalita, kung hindi tinatanong...."