Dating Pilipinas

Part 2

Chapter 2 4,142 words Public domain Markdown

Sumusunod sa uring ito ang m~ga _timawa_ (payapa) ó _maharlika_ (laya). Ang m~ga ito'y tan~gi sa ibang uri na walang sinasailaliman libang sa kanilang Dato ó pan~gulo. Hindi rin nan~gagsisibayad n~g buwis at ang paglilingkod na ginagawa n~g m~ga ito ay ang tungkol lamang sa naayon sa _ugali_. Itong _ugaling_ tungkulin nila, ay ang sumunod sa utos n~g pan~gulo ó puno sa panahon n~g digma: kaya't ang m~ga ito ang siyang nan~gagsisibuo n~g kawal ó hukbo n~g balan~gay at sa ganito'y may pamagat na _kabalan~gay_. Bukod dito ay tungkulin din nila ang tumulong sa pan~gulo ó Dato kung panahong nagbubukid ó umaani at gayon din sa pagtatayo n~g bahay, sa pag-gaod sa sasakyan niya kung sakaling naglalayag n~guni't sila'y pawang pakain sa loob n~g boong panahong kanilang ipinaglilingkod.

Ang sumusunod sa nan~gabangit ay ang m~ga _alipin_, na sa Bisaya'y _oripun_, at m~ga ito'y may dalawang kalagayan n~g pagka-alipin: ang _aliping namamahay_ at ang _aliping sagigilir_; itong hulí sa Bisaya'y tinatawag na _n~galon_.

Ang _aliping namamahay_ ay pinagbibigyan pakundan~gan. Ito'y may bahay na sarili; kaya't may pamagat na _namamahay_, at sa panahong kinakailan~gan lamang naglilinkod sa pan~ginoon, at ang paglilingkod na ito ay sa pagbubukid at pag-aani n~g kanyang pan~ginoon, at gayon din sa sasakyan kung sakaling naglalayag. Kailan~gan din tumulong sa pagpapagawa n~g bahay n~g pan~ginoon at tuloy naglilingkod sa bahay nito kung sakaling may panauhin, ano pa n~ga tungkulin n~g _aliping namamahay_ ang maglingkod sa pan~ginoon kailan ma't kakailan~ganin; n~guni't natatan~gi sa ibang alipin dahil sa may sariling bahay at saka hindi naipagbibili. Wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa madaling sabi ay siyang m~ga tinatawag nating _kasamá_, _bataan_, _kampon_, _tao_ at ipa pa. Nakalilipat din naman ang aliping ito sa kalagayang _timawa_ ó _maharlika_ kung nagbabayad sa kanyang pan~ginoón n~g katampatang halaga na ayon sa kaugalian.

Ang _aliping sagigilir_ ó _n~galon_ ay siyang tunay na alipin na ang iba'y sa tanang búhay at sa akala ko'y tinatawag na _sagigilir_, dahil sa di nakalálayo sa gilid ó paligid n~g pan~ginoon. Ang pagkakapagíng alipin n~g m~ga ito ay dahil sa pagkukulang sa Dato ó pang-ulo, dahil sa pagdidigmaan, pakikipag-usapín at gayon din sa pag-uutan~gan at ibp.

Ang m~ga alipin ito ay siyang pinakamalaking yaman n~g m~ga tagarito, dahil sa nákakatulong silang malabis sa kanilang n~ga bukira't hanap-buhay, at ang m~ga ito'y naípagbibili't náípagpapalit n~g isang pan~ginoon sa ibang pan~ginoon, n~g isang bayan sa ibang bayan, n~g isang lalawigan sa ibang lalawigan at n~g isang pulo sa ibang pulo. Gayon man, ani Argerzola (sabi ni Rizal), ay hindi lubhang hamak ang pamumuhay n~g m~ga alipin itó, dahil sa kasalong kumakain sa dulang n~g kanilang pan~ginoon at hangang sa naáaring mag-asawa sa kabahay n~g pan~ginoon, maliban na sa ilang masamang pan~ginoon, na saa't saan ma'y di nawawalâ. N~guni't ayon sa salaysay n~g ibá (wika rin ni Rizal) ay lumubha ang kalagayan n~g m~ga aliping ito nang masakop n~g España ang m~ga tagarito hangang sa ang iba'y nan~gagpakamatay sa gutom at ang iba'y nan~gagpakamatay sa lason, at pinatay n~g ibang iná ang kanilang anák sa pan~gan~ganák (Basahin ang paaninaw ni Rizal sa dahong 295 n~g aklat ni Morga).

Ang m~ga anák at inapó n~g m~ga aliping itó, magíng _namamahay_ at magíng _sagigilir_ ay nagmamana n~g kalagayan n~g magulang, na siyang dating kaugalian sa halos lahat n~g lupaing malayo. At ang pagkaalipin nitóng m~ga aliping _namamahay_ at _sagígilir_ ay sari-sari, dahil sa mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon namang ikapat na bahagi lamang. Ang dahil n~g pagkakaganito ay mababasa sa pangkat n~g kaugaliang pinanununtunan sa m~ga kapaslan~gan at sigalutan.

TALABABA:

[1] Ang ganitong ayos n~g pagkakahiwáhiwalay n~g pámunuan dito ay minagaling ni Rizal. Anya'y kung napasa kapangyarihan n~g isang katao lamang ang pámunuan dito nang panahong yaon at anomang bagay ay isásanguni sa isang lugar, ay magiging mabigát sa bayán-bayán, at sa akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala pa ritong telefono, telegrama at m~ga kasangkapang nagagamit sa madaling pagsasangúnian.

[2] Ani Rizal, ay di malayong ang ganitóng paglalakip ay malaon nang inúugali rito, at sa katunayan (anya'y) ang pan~gulo rito sa Maynilá ay pinakapan~gulong _General_, n~g sultán sa Bórneo; ayon sa patotoó n~g m~ga kasulatan noong siglo XII.

[3] Ani Rizal ay naáayon sa kautusán n~g katalagahan (naturaleza) ang pag-uugaling itó n~g m~ga dating pilipino, na higit kay sa m~ga tagá Europa na nawawalán n~g kamahalan ang babae kung nagsasawa sa mababa kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki lamang ang kamahala't kababaan. Anya'y isang katunayan ito na ang m~ga babae n~ga rito'y pinagbibigyan na mula pa noong una.

=Ikalimang Pangkat.=

Dating Pananamit At kalinisan sa katawán n~g m~ga tagarito

Noóng unang dako ang m~ga tagarito ay magkakaibá n~g pananamit; na anó pa,t, sa Luzón ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako.

Ang pagkakáganitó marahil ay sapagka't galing sa iba't ibang dako n~g Kamalayahan ang m~ga tagarito at inugali n~g isa't isa ang pananamit sa kanikanyang bayang pinangalin~gan.

Dito sa Luzón (sa ilang lalawigan marahil) ay nananamit ang m~ga lalaki n~g _kanyan_ (barong _azul_) na lagpas n~g kaunti sa baywang, isinasara sa harap, walang liig at maikli ang man~gás; n~guni't may nagsusuot din n~g kulay itim. Ang sa m~ga maginoo'y kulay-pulá at sa India pa nangagaling. Bukod dito'y nagbibigkis sa baywang n~g isang kumot na tulóy ibinabahag; ang hita'y litaw, ang m~ga paa'y walang suót at ang ulo'y walang takip maliban sa isang makitid na panyo na mahigpit na itinali sa noó at kimót-kimutan na pinan~gan~ganlang _potong_ ó _putong_. Ang _putong_ na ito ay iniiíkid n~g sari-saring paraan, na kung minsa'y wari _turbante_ n~g m~ga _moro_ na walang _bunete_, at kung minsan nama'y nakapulupot na parang kubóng n~g _sumbrero_. Ang nagmámatapáng ay naglálawit, n~g m~ga dulo n~g panyóng ito na pinaáabót hangang sa batok. Sa kulay nang panyo ay napagkikilala ang pagkapuno, dahil sa siyang ginagamit na pinakasagisag sampu sa kanilang pakay at kataasan. Ang síno mang hindi pa nakakapatay (marahil sa digmá), n~g isa man lamang, ay hindi tinútulutang gumamit ng _putong_ na pulá at kaya't makagamit n~g ikid ó pugong na parang _corona_, ay kung nakápatáy na n~g pitó. Ang pinakadagdág na kasuutan ay isang mainam na nakukulayang kumot na isinasalabat sa balikat, saka ibinubuhol sa may ibaba n~g bisig, at ang káyong dinaramit ay sutla't babarahin. Bagay naman sa paghihiyas ay nan~gagkúkuwintás n~g tinanikalang ginto na iniíkid sa liig at ang pagkakákawing-kawíng ay gaya n~g sa m~ga taga Europa; nan~gagsusuót sa bisig at galang-galan~gan n~g kalombigas (pulsera) na gintong tinipi at may anyóng sarisari, na tuloy sinásaglitan n~g mahahalagáng batóng kawigin at ágata, puti't bugháw ang m~ga pinakamahál. Anáng iba'y gumagamit din n~g garing; at sa m~ga daliri naman ay nan~gagsisingsing n~g ginto't iba't ibang bató.

Sa ibang dako naman (sa katagalugan marahil) ay may kaibhán dahil sa nan~gagbabaro at nan~gagsásalawal ang m~ga lalaqui, at kung may pinaróroonan ó napasa sa simbahan (sa pagparoon lamang sa m~ga simbahan, sa akalá ko) ay nananamit n~g isang kasuutang kulay itim na kung tawagi'y _sarampuli_. Ang kasuotang ito'y mahaba na abot hangang paa at ang mangas ay makipot na di umano'y isang kasuotang lubhang mahinhín. Kung isuot ito n~g m~ga tagalog ay buo at parang sapot, na ano pa't sa ulo pinapagdáraan at isang kasuotang karaniwan. Ang m~ga babayi naman ay nan~gagbabaro at nan~gagsasaya, at kung may pinaroroonan (sa pagpa sa simbahan din marahil) ay gumagamit n~g isang pantakip sa ulo na abot hangang paa at kulay itim ang pinakapipiling kulay, saká nan~gagtatapis; n~guni't ito'y higit na inuugali sa katagaluga't kapanayan kay sa kabisayaan. Bukod dito'y nan~gaglalagay sila sa buhok n~g pusod na tangalin (postizo) na ang ipinang-aalalay n~g lalaki't babae ay ipit na ginto ó pilak na may batóng _perlas_ ó _diamante_ sa pinakaulo, at kung hindi naglulugay n~g buhók ang lalaki ay nagtatalí sa noo n~g panyô na kung tawagi'i _purug_ at ang m~ga babae namán kung napasasadaan ay nan~gagsasalakot na ang tawag sa Bisaya'y _sarok_.

Sa lalawigan nang Sambales, ang lalaki'y nag-aahit n~g buhók sa harapán n~g ulo at sa kaymotan ay nag-iiwan n~g isang kumpól na lugáy na, aní Rizal, ang ayos na ito n~g pagbubuhok sa Sambales at ang pananamit n~g m~ga taga Bisaya, ay nahahawig sa _kimono_ Hapón, At ang m~ga babae sa lalawigang itó ay nan~gagbabaro n~g sarisaring kulay at nan~gagsasaya rin, at ang m~ga may mahal na uri ay nan~gagkukundiman, nan~gagsusutla at nan~gananamit n~g iba't ibang káyo na pinamumutihan n~g ginto at n~g sari-saring gayák na palawít; nan~gagkukuwintas n~g tinanikalang ginto, nan~gagkakalombigas (pulsera) sa galang-galan~gan, nan~gaghihikaw sa tain~ga n~g makapal na tiping ginto at nan~gagsisingsíng sa daliri n~g ginto rin at sari-saring hiyás.

Sa Katanduanes naman ay nan~gagsasaya ang m~ga babae n~g ayon sa ugali n~g m~ga taga Bisaya, nan~gagsisigamit n~g mahahabang balabal, ang buhók ay pusód, na mainam ang pagkasuklay at sa noo'y may sintás na nababatikan n~g ginto, na ang luwang ay dalawang dali. Sa bawa't tain~ga ay nakahikaw n~g tatlo, isa sa kaugalian n~gayon at ang dalawa'y sa may dakong itaás na magkasunód: at marahil ay ang m~ga ito rin an sinasabi ni P. Chirino na nagsisipaggayák n~g kakatwa sa bukong-bukong.

Ang m~ga taga Bisaya naman ay nan~gaggugupit n~g buhók na kagaya n~g sa dating kaugalian sa España at nan~gagpipinta sa katawan n~g sari-saring anyô at kulay. Ang pagkakapinta'y mainam at bagay-bagay at anang iba'y hindi lamang katawan ang pinipintahan kundi pati n~g baba't kilay. Ang paraan n~g pagpipinta, bago gawín ay ginuguhitan muna n~g mán~gan~gatha n~g akalang maáayo't mábabagay sa katawan at gayon din sa pagkalalaki ó pagkababae, saka pinipintahan. Ang panguhit na ginagamit ay kawayang parang _pincel_ na matulis ang dulo at siyang ipinangduduro hangang sa lumabas ang dugo, saca binubúdburan n~g pulbós, ó kung dili ay usok n~g sahing na maitim, na kailan ma'y di na man~gun~gupas. Hindi pinipintahang bigla ang boong katawan, kundi bahabahagi, at datiha'y hindi muna nagpipinta hangang hindi makapapamalas n~g anomang katapan~gan. Ang m~ga bata'y hindi nagpipinta n~g n~guni't ang m~ga babae ay nagpipinta n~g Isang boong kamay at n~g bahagi n~g ikalawá. Dito sa pulo n~g Luzón ay nan~gagpipintá rin ang m~ga taga Iloko, hindi lamang lubós na kagaya n~g sa m~ga taga Bisaya. Sa paghihiyás ay nan~gaghihikaw n~g malalaking hikaw na ginto at garing at nan~gagkákalombigas; sa ulo'y nan~gakakulubóng n~g ukáng Wari _turbante_ na may batíkbatík na ginto; nan~gagbabaro n~g makipot at mahaba na walang liig, at sa harapán isinásará. Hindi nan~gagsasalawal, kundi bahág lamang na ibinibigkis sa harapán. Ang m~ga babae'y may magagandang anyo't kilos, malilinis at, makikisig na lumakad; ang buhok ay maitím mahaba at nakapusód, nan~gakatapi sa baywang n~g kayóng sari-saring kulay at nan~gakabaro n~g walang liig; hindi nagsisipagsuot sa paa, n~guni't, nan~gaghiyas na nagsisipagkuwintás n~g ginto, nagsisipaghikaw at nagsisipagkalombigas.

Bagay namán sa kalinisan, lalaki't babae at lalo na ang m~ga máginoo, ay totoong malinis sa kanikanyang katawa't bihis; nan~gagpapaitim na mainam n~g buhók na nagsisipaggugo at nagsisipaglan~gis n~g lín~gáng may paban~gó. Sa n~gipin ay lubhang main~gat na lahat, na mula sa pagkabata ay pinapantay n~g m~ga bato't iba pang m~ga kasangkapang pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan n~g ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising.

Bata't matanda ay naliligo sa m~ga ilog at sa malaking bangbang na, ani Morga'y, kahi't sa anong oras, dahil sa di umano'y inaaring pinakamainam na kagamutan: kaya't pagkapan~ganak (anyá) n~g babaye ay agád naliligo at pati bata'y pinaliliguan din[4]. At ani Colin, ang karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalubóg n~g araw, pagkatapos n~g gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian din sa Hapón. Saka kung naliligo ay mahinhing naúupo na inilúlubóg ang katawán hangang sa lalamunan na nan~gagpapakain~gat upang huwag maging tudláng n~g matá nino man.

TALABABA:

[4] Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa pinakaiin~gatan n~g m~ga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain, pagká bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinápanahón ang babaye at iba pa.

=Ikaanim na Pangkat.=

=Kaugaliang pinanununtunan sa m~ga Kapaslan~gan at Sigalutan.=

Palibhasa't ang m~ga Tagarito ay nan~gamamayan at may m~ga tatag na pamahalaan ó balan~gay ay may m~ga hukom at tuntunin ring pinanununtunan.

Itong m~ga tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balan~gay ay pawang alinsunod sa kanilang m~ga alamat at kaugaliang kinagisnan[5] na di binabago at mahigpit nilang tinatalima. Datapuat di umano'y may m~ga pan~gulo rin namang nagsisipaglagda n~g m~ga kautusan, saka itinatanyag sa bayánbayán nang isang mánanawag na pinan~gan~ganlang _Biuhahasan._ Sa pagtatanyag, di umano, ay nagdádála n~g isang batin~gaw na tinutugtog upáng mapag-alaman n~g m~ga tao.

Ang m~ga hukom sa m~ga usapin nila ay ang kanikanilang pinakapangulo[6] na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama n~g isang datò sa balan~gay ó n~g isang maginoo sa nayon: at ang pan~gulo sa balan~gay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa n~g ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa kanya ay naparurusahan niya n~g kamatayan ó pagkaalipin ó pagbabayad kaya n~g isang gayon.

N~gunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay ó n~g magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman n~g m~ga may sigalot:

Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya n~gayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin n~g isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan n~g parusang kamatayan. At upáng matanto n~g manbabasa ang m~ga tuntunin sampú n~g m~ga salang kinalalapatan n~g m~ga parusang nábangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod.

* * * * *

=Sigalot n~g m~ga pan~gulo sa dalawang balan~gay=

Kung ang m~ga pan~gulo sa dalawang balan~gay (na magkasundô marahil) ay magkaroon n~g ano mang sigalot ó usap ay pumipilì sa ibang balan~gay n~g isang pan~gulo na mailalagay nilang pinakahukom upang humatol sa kanila n~g walang hilig; sa pagka't bagá man sa iba't ibang balan~gay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos magkakaayon di umano.[7]

* * * * *

=Pag-aasawa sa taga ibang balan~gay.=

Kung ang isang maharlika ó timawà, (maging lalaki maging babae) sa isang balan~gay ay mag-asawa sa taga ibang balan~gay ay hindi makalilipat sa balan~gay na tinatahanan n~g magiging asawa, kungdi magbayad n~g isang gayong halaga na paratang n~g m~ga datò. Ang paratang na ito ay mulâ sa isang putol na gintô hangang tatlo ayon sa paratang n~g balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong balan~gay na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain n~g balan~gay na aalisan ang balan~gay na lilipatan, malibang pagkasunduan na ang m~ga anák n~g mag-asawa ay hahatiin sa kanikanyang balan~gay.

* * * * *

=Katungkulan n~g m~ga kampon sa isang balangay.=

Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad n~g buis, n~guni't napatutulong n~g pangulo sa kanyang m~ga kailan~gan, gaya sa pagtatayô n~g kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal n~g kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; n~guni't ayon sa salaysay ni Morga ay ibinubuis n~g m~ga kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.

* * * * *

=Sa Nakamatay.=

Ang nakamatay n~g isang alipin at humin~gi n~g tawad ay hindi pinarurusahan n~g lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa pan~ginoon n~g halagá n~g aliping napatay saka hinahatulan n~g hukom n~g iba pang parusang kanyang magalin~gin.

Ang nakamatay n~g isang timaua ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; n~guni't kung humin~gi n~g tawad ay inuuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom.

Datapua't ang nakamatay n~g pangulo ó maginoo ay pinapatay n~g walang patawad at ang m~ga kaalam ay pawang inaalipin sampû n~g kanilang m~ga anák.

* * * * *

=Paghuli sa magnanakaw.=

Upang hulihin ang m~ga magnanakaw ay tinatawag ang m~ga pinaghihinalaan, at m~ga pinapagsasalansan sa isang dako n~g m~ga balaba n~g dahon ó n~g m~ga damit kaya, at kung pagkatapos nito'y masumpun~gan sa salansan ang nawala ay hindi na pinag-uusig pa, n~guni't kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang sumusunod:

Una.--Dinádalá ang m~ga pinaghihinalaan sa isang dakong malalim n~g ilog na bawa't isa'y may daláng pangpigil sa ilalim n~g tubig upáng kung pasisirin ay makapan~guyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito, ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. Di umano'y namamatay ang iba sa pagkalunod dahil sa takot na siyang ariing may sala.

Ikalawa.--Naglalagay n~g isang bató sa isang sisidlang may kumukulong tubig, saka ipinadadampot sa m~ga pinagbibintan~gan at ang umayaw ay siyang nagbabayad n~g nánakaw.

Ikatlo.--Pinapagtatan~gan ang m~ga pinagbibintan~gan n~g tig-isang kandila na magkakasinlaki at magkakasinbigat, at kung sino ang unang mamatayan ay siyang inaaring nagnakaw.

Ang parusa namang inilapat sa nagnakaw kung ang ninakaw ay hindi lumalagpas sa halagang apat na putol na ginto ay ipinasasauli n~g hukom ang ninakaw saka pinapagdadagdag pa n~g isang gayon. Kung higit sa apat na putol na ginto ay inaalipin. At kung isang kate na ginto ay nilalapatan n~g parusang kamatayan ó kung dili ay inaapilin ang nagnakaw sampû n~g asawa't m~ga anák.

Di umano'y kaugalian din naman (marahil sa ibang balan~gay) na sa unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang n~g isang gayon, sa ikalawa'y inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay ó kung sakaling pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu n~g asawa't m~ga anák.--N~guni't ang anák na hiwalay sa bahay niya ay hindi idinadamay sa pagkaalipin, dahil sa isipang hindi kaalam sa pagnanakaw.

* * * * *

=Pagsásamá=

Kung ang dalawang tao ay magsamá n~g tiggayong halagá upang man~galakal, at ang may hawak n~g salapi ay maharang n~g kampon sa di kasundong balan~gay ay katungkulan n~g kasamá na tubusin ang naharang; n~guni't kung ang pagkapahamak ay kasalanan n~g may hawak n~g salapi ay kailan~gang isauli ang salaping naparual ó kung dili ay n~g m~ga anák. At kung walang maibayad ay masasanlang pinakaalipin siya at ang kalahati n~g kanyang m~ga anák sa kasamáng dapat pagbayaran.

* * * * *

=Pagmamanahan=

Sa pagmamanahan ay hindi kailan~gan ang testamento, kungdi sukat na ang pahimakas na bilin n~g namatay sa kanino mang kaharap; sapagka't ang bilin n~g magulang ay lubhang mahalagá, dahil sa kapanampalatayan na ang m~ga kalulua n~g kanilang nan~gasirang magulang at kanunuan ay kasama rin nila sa sandaigdigang ito at siyang sa kanila'y nagpapaginhawa ó nagbibigay-hirap ayon sa asal nila (basahin ang paglilibing) ano pa't sa ganito'y hindi inuugali ang pagdadaya at pagsisinun~galing.

_Sa katungkulan._--Ang m~ga anak lamang sa tunay na asawa ang nakapagmamana n~g katungkulan n~g magulang, ano pa't kung pan~gulo sa isang balan~gay ang magulang at mamatay ay ang pan~ganay sa m~ga lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pan~galawa; n~guni't kung walang anak na lalaki ay m~ga anák na babae ang humahalili n~g papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag-anak na pinakamalapit ang nagmamana, na ani Rizal, ay siya ring kautusang pínanununtunan n~g m~ga anak-hari sa España, Inglaterra, Austria at ibp.

_Sa m~ga tunay na anák n~g mag-asawa._--Ang tunay na magkakapatid sa ama't ina ay nagsisipagmana n~g magkakasindami, malibang ibigin n~g amá ó n~g iná na palaman~gan ang sino man sa kanilang anak n~g dalawa ó tatlong putol na ginto ó n~g isang hiyás kaya. Kung ang isa sa m~ga anák ay nag-asawa sa isang uring maginoo at dahil sa kalakhan n~g kanyang bigay-kayang ipinagkaloob ay makahigit sa mana kay sa kanyang m~ga kapatid ay hindi ibinibilang ang kahigitang yaon; datapua't ang ano mang bagay na ibinigay n~g magulang sa kanino mang anák maging sa pan~gan~gailan~gan ó hindi ay ibinibilang sa pagmamanahan.

Kung sa pagmamanahang ito ay may isang aliping nauukol sa lahat n~g magmamana ay binabahagi ang panahon n~g paglilingkod nito sa bawa't isa sa kanyang papan~ginoonin ayon sa pagkakasunduan nila. Kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin, kungdi kakalahati ó ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay pagbabayaran n~g m~ga pan~ginoon ang paglilingkod niya sa panahon n~g kanyang kalayaan ayon sa kanyang pagkaalipin.

_M~ga anák sa una't hulíng asawa._--Kung ang sino man ay nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan n~g anák ay nagmamana ang isa't isa sa m~ga anák n~g ayon sa mana't bigay, kaya na ukol sa kanikanyang ina, at ang pag-aari n~g amá ay binabahagi sa lahat na walang palamang sa kanino man.

_M~ga anák sa tunay na asawa at m~ga anák sa alipin._--Kung ang sino mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkáanák pa sa alipin ay hindi nagmamana ang sa alipin; n~guni't ang aliping naanakan ay pinapagiging-laya at ang anák ay pinagkakalooban n~g miski ano, na kung maginoo halimbawa ang lalaki, ay isang putol na ginto ó isang alipin kaya.

_M~ga anák sa asawa at m~ga anák sa babaeng kinakasama lamang._--Kung ang isang lalaki ay nagkaanak sa asawa at gayon din sa isang babaeng laya na hindi asawa ay hindi nagmamana n~g magkakasingdami ang m~ga anák, kungdi ang dalawang ikatlong bahagi n~g tinatangkilik n~g amá ay iniuukol sa m~ga anák sa tunay na asawa at ang ikatlong bahagi ay sa m~ga anák sa babaeng laya na kinakasama lamang at di tunay na asawa.

_M~ga anák sa di asawa._--Kung ang sino man ay walang anák sa tunay na asawa, kungdi sa babaeng kinasama lamang ay nan~gagmamanang lahat ang m~ga anák at kung sakaling may anák sa alipin ay pinagkakalooban lamang n~g ayon sa nabangit sa dakong una.

Kung walang kaanák-anák liban sa alipin lamang ay walang nagmamana, kungdi ang magulang ó nuno ó m~ga kapatid ó m~ga kamag-anak na malapit n~g namatay at ang ipinagkakaloob lamang sa m~ga anák sa alipin ay ang gaya rin n~g nabangit na.

_M~ga anák sa kaa~gulo._--Ang m~ga anák sa kaaagulo ay hindi nagmamana n~g ano man at inaari pang masamang uri.[8]

_Sa Inaring Anak._--ang pag-aring anak sa iba ay totoong kaugalian at sa pagmamanahan ay nagmamana n~g ibayong halaga ayon sa ibinigay n~g ama n~g siya'y ipaaring anak: ano pa't kung ipinagbigay siya n~g isang putol na ginto ay magmamana siya n~g dalawang putol sa pagmamanahan.

* * * * *

=Sa Bigay-kaya.=

Ang nanunungkol n~g bigay-kaya ay ang lalaki at ito'y ayon sa kasunduan. Ang kasunduang ito ay karaniwang pinagkakayarian n~g m~ga magulang mula sa pagkabata n~g m~ga anak, at kung gayon ay katungkulan n~g m~ga magulang n~g lalaki na ipagpauna ang kalahati n~g bigay-kaya na pinan~gan~ganlang _kalabgayan_ at pagdating n~g araw n~g pag-aasawa ay saka ibinibigay ang kalahating kabuoan na pinan~gan~ganlan _bigay ó dahik_.

Ang bigay-kaya ay napapa sa magulang n~g babae. At ang babae sa kanilang pagkadalaga ay walang ano mang tinatangkilik at kahi ma't kumikita ay sa magulang din.

Ang kasunduang mulâ sa pagkabata at may páunang _kalabgayan_ ay kinasasanghian kung minsan n~g ligalig, dahil sa kung lumaki ang m~ga bata at umayaw ang sino man sa kanila ay inuusap ang magulang n~g umayaw dahil sa sapantahang siyang nag-udyok. N~guni't kung patay na ang magulang n~g sino man ay nagsasaulian na lamang at hindî na nag-uusapin.