Part 2
Sa harap ng iba ay huag kang magbihis, magputol n~g kuko, maghilod, mag-ahit, huag kang magpabahin, magpunas, magwalis at ang magpaputok n~g daliri,y pan~git.
Bawal na totoo sa dakilang asal sa harap n~g iba'y makipagbulun~gan; n~guni at lalu pang kasama-samaan ang nakikibasa sa bukás na liham.
At gayon din naman ay masamang lubos ang sa sumusulat kusang panonood; ang sa nag-uusap naman ay manubok ay pan~git na lubha at asal na buktot,
Sa harap n~g iba ay huag kang bumahin n~g napakalakas, sapagka't pan~git din. Ang labi mut kukó ay huag mong kagatin, ang m~ga paa mo'y huag pakinigin.
Huag mong gagayahin ang asal mababa n~g sa bawa't bigkas, isang panunumpa ang m~ga mahalay salitang salaula na gaya n~g _--¡Kulog!_ ... ay kahiya-hiya.
Magmatimtiman ka sa m~ga harapan, ang masayang mukha'y lubos na kailan~gan ikaw ay n~gumiti n~g maminsan-minsan at kung matawa ka ay huag mong lakasan.
Kung nakatayu ka't may kakaharipin, ay huag kang sumandal sa pinto ó dingding; ang m~ga kamay mo'y huag may butingtin~gin, ang dalawang paa'y itayong butihin.
Kung naka-upu ka'y ang iyong m~ga hita ay huag pagpatun~gin sapagka't pan~git n~ga at huag mu rin namang paunating lubha ang iyong m~ga paa sa may dakong gitna.
Sa usapang di mo lubos nalilining, ay huag kang sumisid n~g lubhang malalim: ikaw ay pumakli, kung bagat may dahil; ang bawat bigkás mo'y timban~ging magaling.
Ang kahima,t sino,y huag mong pagmamasdang parang sinisiyasat: ang gayon ay bawal; n~guni,t titingnan mong sandali kung minsan, n~g di parang iyong pinagmamalakhan.
Pintasan ang m~ga birong matutulis, n~guni at kailan~gan ang huag kang magalit: kung di magsitigil, ay huag kang dumin~gig, humanap n~g ibang iyong makaniig.
Ang ganda n~g iba,y huag mong kaingitan, at gayon din naman ang sa ibang yaman; subali kung siya kay sa iyo,y mainam, ay ipagtapat mong mainam siyang tunay.
KATAPUSAN
MABUTI ANG BATANG MAY DAKILANG ASAL KAY SA MATATANDANG WALANG NAMUMUAN~GAN DAKILA ANG DUKHANG MAY UGALING MAHAL KAY SA WALANG TUTONG M~GA MAYAYAMAN.
MGA TALABABA:
[1] Ang DAKILANG ASAL na ito ay akma sa lahat n~g maran~gal na ugali sa Sanglibutan.
[2] Dalaw na _bigay-loob_ ay ang unang pagdalaw sa isang nagaanyayang dalawin sa kaniyang pamamahay.
[3] Ang salitang _ipagmaka-anó_ ay siyang katuturan sa tagalog na dalisay n~g maling salitang "_cumusta_" na nangaling sa wikang kastilang "_¿Como está_?"
[4] Ang kahulugan n~g bali n~g tarheta sa alinmang apat na sulok ay dalaw.
[5] Hindi ang pagyukung pan~git na anaki ay natatakot ó nahihiya, kung di yaong magandang kilos na bahagyang hutok n~g baiwang, kaunting pagbaba n~g ulo at masayang mukha.
[6] Ang salitang "KAMI" ay nagagamit n~g kahit, iisa't walang kasama, at siyang palaging kagamitan n~g m~ga maririkit managalog, gaya rin n~g salitang "SILA" na ginagamit at ipinapalit sa salitang "KAYO". Sa katunayan n~ga ay marikit pakingan ang PAALAM NA PU KÁMI SA KANILA" kay sa "PAALAM NA PU AKO SA INYO". Marikit pakingan ang "_Magtuloy po_ SILA _dine sa_ AMIN" Kay sa "Magtuloy pu KAYO dini sa AKIN".
[7] Kung hindi pa nalalaman n~g pinagpapa-alaman ang pan~galan n~g nagpapa-alam, ay kailan~gan sabihin.
[8] Mga Liham
(LIHAM SA M~GA NAG-AASAWA).
M~ga G. G. Miguel Bantog at Esther Dalisay.
M~ga piling kaibigan.
Tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso.
Ninanais ku po n~g taimtim sa calooban na abuluyan sila n~g lan~git n~g saganang biaya.
Na sa panunuyo.
Feliza Ilawdagat
Octubre 15-1906.
(LIHAM SA M~GA LUMULUSOK)
G. Jacob Pinkian.
Piling katoto:
Hinatdan kita n~g masayáng paonlak dahil sa paglusok mo sa iyong pinapasukan.
Ninanais kong ikaw ay dumakila sa íkadadan~gal nitong ating lupang tinubuan.
Sumasa-iyo.
Abdon Sinagaraw
Octubre 15-1906
(LIHAM SA NAMAMATAYAN)
G. Concepción Panghalina
Mahal na Ginoo:
Uma-anib pu ako n~g tunay na pagdamay sa kahapisang inilagak sa inyo n~g kamatayang sumamsam n~g mahalagang buhay n~g inyong nasirang kapatid.
¡Sumalan~git nawa siya!
Mag-utos pu sila.
Alberto Manin~gas
Octubre 15-1906.
(LIHAM SA KAPAN~GANACAN)
Ninay na giliw:
Binabati kita n~g boong tua dahil sa araw n~g iyong kapan~ganakan. Uma-anib ako sa iyon~g malugod na kasayahan at ninanais ko n~g taos sa puso na lumawig nawa ang iyong buhay sa gitna n~g lalong maligayang kapalaran:
Tangapin mo ang aking masintahing halik.
Ang iyong
Iday.
Octubre 15-1906.
* * * * *
G. CESAR PAN~GILINAN.
Mahal na Ginoo:
Ikinadadan~gal ku po ang aking pag-anib sa inyong malugod na kasayahan, dahil sa malubay na pagsupling n~g inyong giliw na asawa.
Ninanais kong ang bagong supling ay lumago, mamulaklak at magbun~ga sa ikagiginhawa n~g bayan.
Na sa pagpipitagan,
Leonardo Tagabundok.
Octubre 15-1906.
[Patalastas: IMPRENTA "TAGUMPAY"]