# Cinematografo

## Part 3

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/cinematografo-16311/index.md

Los artistas que tomaron parte en la representacion de las obritas del Sr. Rivera, cumplieron como buenos en sus respectivos papeles. La tiple Juanita Angeles, demostró, una vez mas dominio en las tablas y la potencia de su voz. Desde los primeros momentos supo cautivar al público que le aplaudió á rabiar. Ildefonsa Alianza, acreditó ser de la madera de las buenas características. La tiple Feliza Buenaventura, supo bordar con maestria su papel en "Cinematógrafo" y recibió tambien muchos aplausos. Alfredo Ratia, el gran barítono de la Compañía que dirije el dramaturgo D. Severino Reyes, demostró ser dignísimo hijo del gran actor D. Nemesio Ratia, honra del teatro contemporáneo. Pepe Suarez y Joaquin Gavino, así como tambien los Sres. Eusebio Constantino, Eusebio Gabriel y Gregorio L. Lopez, contribuyeron mucho al éxito alcanzado por el autor.

Y para terminar repitimos que Rivera ha triunfado en toda la línea, por lo que el público le llamó muchas veces para aplaudirle entruendosamente. A los muchos aplausos que tan querido compañero ha recibido, une el FREE PRESS el suyo, entusiasta y sincero.

(FREE PRESS, Junio 15, 1918.)

=Parang Liham na Bukas=

K. Deogracias A. Rosario (alias) Delio. Taliba, Maynila.

Kasamang Delio:--

Yamang ikaw ang nakikilala kong "revistero" n~g TALIBA sa kanyang pitak n~g m~ga Dulaan, ay minarapat kong sa iyo ibalita ang isang bagong naisip ni Pepe Rivera. N~guni't, bago iyan, ay ibig ko munang tumukoy n~g ilang bagay. Naalaala kong ikaw na rin ang nakapuna ukol sa ginawang "recurso" n~g ilan sa ating m~ga "autores" sa pagtatanghal n~g m~ga dulang tan~gi sa marami n~g m~ga _actores principales_ at _secundarios_, ay napakarami pa rin ang m~ga "koro" na kung minsa'y "nakasisinok" sa panlasa n~g m~ga nanonood. Napuna ko rin sa m~ga nakaraan mong lathala, na tumukoy ka sa m~ga dulang "iilan" ang kanyang m~ga "pesonaje" at sa pagtukoy mong ito ay nabanggit mo ang "Panibugho" ni Pepe Rivera, ang "Dalawang Hangal" ni Moneng Ilagan, at ang "Ana Maria" ni Ñol Binoy Reyes.

Ako'y sumaiyo n~g buong buo, sa iyong pagkukuro, na, upang makilala ang "habilidad" n~g isang "autor" ay sa pagtatanghal n~g isang dulang "iilan" ang m~ga taong gumagalaw, buháy ang m~ga tagpuan at busog sa kasariwaan n~g isang diwang ibinubuhay o nilalayon. Sa tatlong katha n~g m~ga beteranong mandudulang nabanggit ko na sa iyo, na kapwa ko napanood, ay masasabi ko sa iyong isang katan~gitan~gi. Kung ang m~ga isipan n~g "tatlong haring iyan", (tawagin na nating Hari), n~g ating dulaan, ay maging isipan n~g marami nating mangangatha, ay hindi malayong maiaagapay na rin natin ang ating dulaan sa taas at indayog n~g m~ga isipan at sa kasaysayan din naman n~g m~ga mangangathang hinahan~gaan natin sa ibayo n~g ating m~ga dagat.

Doon, sangayon sa ating m~ga nababasa, ay iilan sa maraming manan~gatha, ang natatan~gi hindi dahil sa kanilang katalinuhan, kundi sa m~ga katha nilang binubuo n~g iilang "personaje" lamang, n~guni't sa "iilang" yaon, ay nandoon na ang lahat. Anopa't nakayayari n~g isang buhay na kinalalarawanan n~g isang pangyayaring kung iisipin lamang, ay masasabing hindi magaganap kung "iilang katao" ang magsasagawa.

Nasabi ko ang ganyang malayang kurokuro, dahil sa nasaksihan ko, oo, Kasamang Delio, nasaksihan n~g dalawa kung mata na ang m~ga kinatha n~g tatlo nating "hari n~g sariling dulaan" ay hindi na maihuhuli, maging sa layon, sa isipan, sa diwa at sa kabuuan man, n~g m~ga nakatha n~g m~ga nabanggit ko nang mandudulang taga ibang lupa.

* * * * *

Napaguusapan na rin lamang natin ang ukol sa m~ga dulaan, ay maibabalita ko sa iyong ipalilimbag daw yata ni Rivera ang kanyang dulang may isang yugto na pinamagatang "Cinematografo".

Ang dulang ito, ay napanood ko na sa unang pagtatanghal sa "Rizal", sa kapakinaban~gan n~g kumatha. Pagkatapos kong mapanood, ay ako na rin sa sarili ang nagtanong:

--Ano ang aking napanood? Isang dula lamang kayang "pasampay-bakod"?

--Oh, hindi,--ang akin ding sagot. Tal mente, ay hindi isang dula lamang, manapa'y isang sinematograpong nan~gun~gusap at ang kanyang layuni'y bumaka sa masasamang hilig n~g ating m~ga tao.

Ang "Cinematografo" ni Rivera, ay naglalayon n~g malalaking bagay na tumutukoy sa masamang hilig n~g marami sa ating m~ga kapwa, na dahil sa malaking hilig sa bisyo, ay napapabayaan ang lahat n~g gawain sa sariling tahanan. Inilarawan din n~g kumatha, ang kasagwaan n~g ilang tanod o tagapagin~gat n~g kapayapaan at tinuligsa ang kanilang kasagwaan sa paggamit n~g kanilang tungkulin. At hindi pa iyan. Sakali't ipalilimbag n~ga n~g Kasamang Rivera ang katha niyang ito, (kahimanawari'y ipalimbag n~ga sana), ay mababasa n~g madla na isa sa m~ga tagpo ay maguusap ang dalawang magkaibigan sa harap n~g pintuan n~g isang Sine. Ibabalita n~g isa, na, may nalalaman siyang isang kakilalang naglihi sa isa sa m~ga artista n~g isang pelikula at dahil doo'y ginabigabi ang pagpasok sa alin mang sineng pagtanghalan sa kanyang "favorito"; nagbuntis halos sa loob n~g sine, at nan~ganak, oo, Kasamang Delio, nan~ganak sa loob din n~g kamalig n~g isang sine, bagay na masasabing isang tunay na "barbaridad" na hindi makikita sa ibang bayan.

Ang anak n~g naglihi sa nasabing artista, ay naging isang pusakal na alagad n~g sinematograpo hanggang sa lumaki.

Inilarawan din ni Pepe sa kanyang dula ang ukol sa karaniwang napagkikita natin, na ang sine ang siyang ginagawang paraan sa pagtatanan n~g m~ga anak na napakakasal n~g hindi pa oras. At isa pa, ang lalong kriminal, ay ang ukol sa m~ga pagnanakawang parang itinuturo sa m~ga nanonood. Ang bahaging ito, ay pinagukulan n~g autor n~g ilang "halibas" sa pamamagitan n~g paglalarawan n~g kasamaang ibinubun~ga, lalo pa n~g napapanahon ang m~ga _Zigomar_ at m~ga _Fantomas_.

Iyan, at m~ga iba pang tagay na pawang "sakit n~g Sangkatauhan" ang kanyang binaka at kung tunay n~gang ipalilimbag, ay inaasahan kong makatutulong n~g malaki sa pagpapaliwanag at pagbaka sa inaasal o maling hilig n~g marami sa atin.

Tan~gi sa riyan, ay masasabi ko sa iyong ang pagpapalimbag na gagawin ni Rivera sa kanyang "Cinematografo", ay makatutulong din naman sa pagpapalaganap n~g Sariling Wika sa una, at sa pan~galawa'y magkakapanahong mabasa n~g m~ga tumatangkilik sa dulaang tagalog ang kanilang karaniwang nakikita't naririnig magbuhat sa esenario n~g isang dulaan. Mabasa, oo n~ga, mabasa, at sa gayo'y mapagaralan nila't masuri ang kahalagahan n~g ating m~ga dulaan na siyang tampok at karan~galang masasabi n~g Lahi ni Balagtas, na hindi man karapatdapat, ay kinabibilan~gan natin.

Kung hindi lamang inaakala kong pahahaba ang liham na ito, at may isang gawain akong nakahahadlang sa akin, ay tutukuyin ko sana rito ang lahat n~g nalalaman ko ukol sa m~ga katha ni Pepe Rivera. Gayon pa man, at sa maiikling salita ay tumukoy rin tayo n~g pasapyaw.

Napanood mo ang tatlo niyang dulang "Panibugho", "M~ga Bin~ge" at "M~ga pagkakataon," hindi ba?

N~gayon, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong niloloob.

Sa kanyang "Panibugho", tan~gi sa nakatatawang pangyayari, ay nakatutulong din sa pagbibigay liwanag sa nalalabuang isipan n~g mag asawang (m~ga asawang babae ang tinutukoy ko rito), pagdaka't magbubudhi na lamang at sukat, at hindi na sumasangguni sa kanyang tapat na puso, kung namamali siya o kung hindi, at pagdaka'y patatan~gay sa simbuyo n~g magdarayang damdamin, ¿Hindi ba tunay? Ang kamaliang iyan, ay nagamot ni Rivera sa pagtatanghal n~g kanyang "Panibugho".

Sa kanyang "M~ga Bin~ge" ay nakuha rin namang naipakilala ang kadalubhasaan n~g kanyang panitik. Kanyang inilarawan n~g ganap na ganap ang konsekuensiang laging ibinubun~ga n~g isang hindi pagkakaunawaan, at tan~gi sa roo'y ginulo niya muna ang isip n~g nanonood, at n~g lito na, ay "pinaglamas" niya ang salitaan, n~guni't, pagkatapos, ay unti unting nagliliwanag hanggang sa niwakasan n~g isang "pagkakataong" hindi inaantay na mangyari na ipinagkapalad ng "isang hindi naghahanap" at "hindi nananadya". N~gayon kung sa dalawang obrang iyan, ay nakuha kong naipakilala sa iyo ang "kadiyaskihan" n~g ating Pepe, ay tignan naman natin ang kanyang walang kamatayang "M~ga Pagkakataon", na habang tumatanda ay lalong nagiging bata at na kahahalina sa puso n~g ating publiko.

Ano ang napuna mo sa "M~ga Pagkakataon"?

Sa "obrang" iyan, ay hindi pangkaraniwang talino ang pinuhunan ni Rivera n~g kanyang sulatin. At, _sobre todo_,ay ang pagkakalagay n~g pamagat. Nasabi ko tuloy na "kinasihan yata n~g Santong katutubo si Pepe", sa kanyang "M~ga Pagkakataon", o talagang _natama sa mabuting oras_.

Kalabisan pang ilarawan dito ang m~ga "kuntil butil" n~g "obra". Sukat nang sabihin ko na sa "M~ga Pagkakataon", ay hindi dapat manood ang isang tao o m~ga taong katatapos kumain lalo pa't busog, pagka't hindi malayong saktan n~g tiyan o kaya'y _maapendesitis_. Itatanong mo sa aking kung bakit? Saksi ka. Hindi ba't n~g mapanood natin, ay kaunti ka nang pan~gapusan n~g hinin~ga dahil sa katatawa, bakit at si Ballecer pa naman ang nag-Kosme? Hindi ba't sinabi mo pang, "ang lalong matimpiin, ang lalong pihikan, "at ang lalo pa mang walang kibo kahima't banal o simenarista pa siya ay tatawa, at tatawa pag napanood ang "M~ga Pagkakataon"?

Tan~gi sa riya'y nagtuturo din naman sa isang magulang na ayaw pabayaan ang hilig n~g isang anak lalo pa't sa gawang pagaasawa.

Dahil sa m~ga naipahayag kong iyan, ay inaasahan kong sa pagpapalimbag ni Pepe n~g lalong mapatutunayan n~g madla kung tama o kung hindi ang aking m~ga daglian pagkukuro hinggil sa kakayahan at sa "habilidad" ni Pepe Maria Rivera sa gawang pagsulat.

Samantala'y magutos. Kumusta sa Katotong Crispin.

=_Remigio Mat. Castro_.=

Kalihim ng Ilaw at Panitik.

Marso, 15 n~g 1920.

* * * * *

A beneficio de los incendiados de Cavite, la "Compañia Ilagan" dió una función en el Teatro "Zorilla", en la noche del 6 de Mayo, representandose tres obras de un acto de José Maria Rivera.

Pepe es un creador de tipos y se reveló en "Opereta", haciendo mover en escena a dos tipos pueblerinos, uno del pasado, ignorante, socarrón y desconfiado y otro del dia, aunque con reminiscencias del de antaño, pero con más desparpajo, con más perspicacia.

Rivera al hacer mover en escena a esos tipos, a mas de ir dandolos a conocer, pintando sus defectos para ser corregidos, regocija al espectador con graciosas escenas.

En el escenario, este joven autor, completa la pintura haciendo hablar a los muñecos en su dejo y estilo peculiares de la region correspondiente. En esto, el autor tuvo un éxito completo, como tambien en la presentacion de otro tipo popular, un cantante que fue tambien caricaturizado de un modo acabado.

¡Bien por Rivera!

=_Alitaptap_.=

CONFETTI, 16 de Mayo de 1920

[Mga Patalastas]

