Cinematografo

Part 1

Chapter 1 4,059 words Public domain Markdown

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

DULANG TAGALOG

Mga Dula ni JOSE MARIA RIVERA.

¡¡CINEMATOGRAFO ...!!

DULANG TAGALOG

na may

Isang Yugto at Dalawang Kuwadro

Katha ni

JOSE MARIA RIVERA

Tugtugin ni

Mtro. GAVINO CARLUEN

Itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg Gran Compañia de Zarzuela Tagala ni G. Severino Reyes, noong ika 1 ñg Junio ñg taong 1918, at nagkamit ñg di kakaunting papuri.

Imp. ILAGAN y Cia., 775 J. Luna, Tondo., Tel. 8536.

¡¡¡CINEMATOGRAFO ...!!!

DULANG TAGALOG

na may

Isang Yugto, at Dalawang Kuwadro.

Tugma ni

JOSÉ MARIA RIVERA

Tugtugin ni

_Mtro. GAVINO CARLUEN._

MAYNILA

1920

Imp. ILAGAN y Cia,. 775 J. Luna, Tondo. Tel 8336

ALAY:

Sa mga tapat at matalik na kaibigang

_José E. Canseco,

Salvador Kabigting

at Ramón Farolan_.

Boong puso,

ANG KUMATHA.

MGA TAO NG DULANG ITO.

TIBURCIO............G. Eusebio Gabriel

BALTAZARA...........Gg. Felisa Buenaventura

ANGELING............Bb. Juanita Angeles

LUISITONG Makaw.....G. Alfredo Ratia

BRUNO...............G. Joaquin Gavino

MARTINA.............Gg. Ildefonsa Alianza

TIO BESTRE..........G. Eusebio Constantino

TIA MARTINA.........Gg. Antonia del Rosario

MATEA...............Bb. Natividad Nonato

BETENG..............G. Gregorio L. Lopez

MARCOS..............G. Pedro Mariano

PELI................Batang Fortunato Rafael

PULIS...............G. José Suarez

TENDERA.............Gg. Mercedes Nonato

Koro n~g Lalake at Babae.

* * * * *

PANAHONG PINANGYARIHAN: Kasalukuyan.

* * * * *

_Ang dulang ito ay itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg =Gran Compania de Zarzuela Tagala= ñg dramaturgong Severino Reyes, noong ika 1.o ñg Hunyo ñg 1918, at nagkamit ñg di kakaunting papuri_.

UNANG KUWADRO.

=¡¡SUKAT NA ANG CINE....!!=

=BUGTONG NA YUGTO=

Kabuoan ng isang bahay na may mainam na mga palamuti. Pinto sa gitna ng kabahayan na naghahatid sa ibang mga banghay ng bahay.--Dalawang bintana sa siping ng pintuan.--Sa kanan at kaliwa, ay mga silid na hindi mangyayaring makita ng mga nanonood.--Hapon.

Pag-aañgat ng Tabing, ay makikita si D. TIBURCIO na, nakaupo sa isang tabureteng mesedora, at bumabasa ng isang pahayagan.

_Tagpo I._

=Si D. TIBURCIO lamang=.

D. Tib:--¡Sussssssss....! Sa lahat n~g araw na isinasal n~g init, ay lumabis naman ang araw na ito. At, sa kalabisan, ay kaunti, na tuloy akong masagasaan n~g trambya, dahil sa hilong umabot sa akin. (Saglit na hihinto.) Salamat na lamang, at ang nangyare sa akin ay nakita pala n~g isang mahabagin, at kung hindi ... marahil ay kinidlatan na ako! (Hihinto) Talaga na yatang ang Maynilang ito, ay magiging sa m~ga man~gan~galakal na lamang! Diwa'y ang Maynilang ito'y magiging tahanan na lamang n~g m~ga taong mapuputi, dahil na ... munting kibot, ang m~ga makapangyarihan ay nagtatakda n~g m~ga kautusang.... halos ay makalunod na sa m~ga mahihirap. At, kung sakali namang, ang isa ay nakaririwasa; may bahay na sarile, walang patid namang utos ang ibibigay. Nariyan ang kailan~gang papintahan umano ang bahay o kaya'y palagyan n~g gayon o ganitong m~ga ... ¡Sussssssss ...na buhay n~g buhay na ito!! (Hihinto n~g matagal) Ang araw na magamit n~g patuluyan ang "aeroplano", ay bibile ako agad, n~g upang maligtas na lamang sa m~ga ganyang kautusan. Kung sa himpapawid na ba ako nagtitira, ay ano pang amillaramiento ang babayaran, ni bahay na papipintahan pa o kaya'y uupahang "ventilador"? N~guni't, ipagpatuloy ko n~ga ang pagbasa sa pahayagang ito, at n~g matalos ang m~ga balitang dala niya. (Muling babasahin ang pahayagang tan~gan: Babasa) "Sakaling sa loob n~g pitong taon, ay maipakita n~g Bayang Pilipino ang kaniyang kakayahan sa pagsasarile, ay ipagkakaloob sa kaniya n~g bayang Amerikano ang ganap na paglaya." (Hihinto.) ¡Salamat sa Dios, at kung papalarin ang bill na ito ni Mr. Jones, ay makikita ko pa ang paglaya n~g Pilipinas! ¡Maanong totohanin na ang pan~gakong ito n~g Bayang Amerika! (Titigil sumandali, at pagkatapos ay mapapalundag: Babasahin) "Pangkat n~g m~ga nakawan". ¿Pangkat n~g m~ga nakawan? ¿Di yata? (Babasahin) "Kagabing magiika 12 at 1 n~g madaling-araw, ay pinanhik n~g m~ga magnanakaw, ang bahay n~g tagapan~gasiwa n~g aming pahayagan, at matapos na mabuksan ang lahat n~g m~ga taguan ng damit, ay nan~ga-kadala ang m~ga naturang magnanakaw n~g m~ga hiyas at pagaari n~g taga pamahala namin, na umaabot sa halagang tatlong libong piso. Ang nakawang nabanggit, kahi't ginawa n~g m~ga kampon ni Kako sa isang daang hayag, ay hindi man lamang nabalitaan n~g m~ga nagtatanod sa ating m~ga lansan~gan. (Lalo pang gulilat) ¡Dios ko! ¡¡Dios ko!! Anong salot ito na gumagala at naghahari dito? ¿Ito baga ang katunayan n~g sinabi n~g ilang ginoo na kabutihan n~g pamamalakad? ¿Nasaan ang katiwasayang binibili n~g m~ga mamamayang nagbabayad n~g di kakaunting kuwalta sa pamamagitan n~g m~ga "contribuciones" at "amillaramientos"? ¡Mabuti na ang nangyayari! ¡Nagkakaroon n~g m~ga nakawan, haran~gan at patayan n~g.... hindi man lamang natatalos n~g m~ga pulis at "secreta". (Hihinto n~g matagal) Sinasabi ko na n~ga ba, at ang paglipana n~gayon n~g m~ga kabalbalang ito, ay, galing sa m~ga nagkalat na babasahing natutungkol kay Nick Carter. Ang m~ga cineng iyan na walang ibang idinudulot sa m~ga nagsisipanood kundi ang m~ga nakawang sistema Zigomar at ang halikan. Wala, ito ang siyang totoo. At dahil sa bagay na ito, buhat n~gayon ang m~ga cineng iyan, ay hindi na makikinabang sa akin, kahi't na isang kusing man lamang!..... (Tatawag) ¡Bruno!... Brunooooo ...! (Lalabas si BRUNO.)

_Tagpo II._

=Si D. TIBURCIO at si BRUNO=

Bru:--(Buhat sa loob) ¡¡¡Pooooooo.....!!!

Tib:--Halika.

Bru:--(Lalapit na pakimi) Pagutusan po.

Tib:--Lumapit ka, torpe!

Bru:--(Lalapit n~g payuko, tulad n~g karaniwang gawin n~g m~ga taga lalawigan, lalo na ang ilang tagabukid.) ¡Pagutusan po, siñor!

Tib:--(Tataban siya sa isang tayn~ga.) ¡Torpe, halika't may sasabihin ako sa iyo. (Sisipain sa kaliwang pigi)

Bru:--¡Naku....! ¡¡Naku pooo....!! Malabis po pala naman kayong makapagsalita, ah ... Talo pa po ninyo si kabisang Umeng doon sa amin na, munting kibot, ay........ ¡¡¡Naku......!!!

Tib:--(Anyong sisipa uli.) ¿Naka ano, ha?

Bru:--Nakatawa po't,....nagbibigay n~g kuwalta!

Tib:--(Sa sarili) May hayop ang katawan nito. (Harap.) Siya, lumapit ka, at may iuutos ako sa iyo.

Bru:--(Sa sarile.) ¿Bibigyan kaya ako n~g kuwalta? (Harap.) Turan po n~g aking pan~ginoon.

Tib:--Huwag mong lilimutin, ha?

Bru:--(Patulala) ¿Ang alin po? (Sa sarili) ¿Ang isinipa kaya niya?

Tib:--Ang iuutos ko sa iyo.

Bru:--Aba, umasa po kayong hindi. (Sa sarile) Ang akala ko'y kung ano na ang kaniyang ipa-aala-ala sa akin ah. Akala ko'y, ang sipa na....

Tib:--Dingin mo. Buhat n~gayon, pagkatugtog na pagkatugtog sa ating orasang malaki n~g ika pito at kalahati n~g gabi ay....

Bru:--Naku, pan~ginoon ko, ¿paano po ang pagtugtog n~g ating orasan, sa matagal na po siyang namamahin~gang kaparis n~g orasan sa Santa Cruz?

Tib:--(Sa sarile) May katwiran. (Hayag) Totoo n~ga. Kung gayon, ang gawin mo'y, ganito. Pagtugtog n~g orasan n~g sambahan dito sa atin, ay ilalapat mong mabuti ang pintuan, at huwag mong bubuksan kahi't na kan~gino. ¿Narin~gig mo ba?

Bru:--Opo.

Tib:--Nalalaman na daw nito. Hale n~ga, tignan ko kung tunay na nalalaman mo na, ang aking inihabilin sa iyo. Dale, sabihin mo: ¿Ano ang iyong gagawin mamaya, pagkatugtog n~g ika pito at kalahati n~g gabi?

Bru:--(Patulalang sasagot) Ma....ma....ma maya pu ba?

Tib:--Oo, mamayang maka 7:30 p.m.

Bru:--(Sa sarile) Para din akong ikakasal n~gayon ah! Sinusulit pa ako. (Hayag) Mamaya pong ika pito at kalahati, ay ... (Waring magiisip sumandali) ay, di, bubuksan ko po ang lahat n~g pintuan.

Tib:--(Patalak.) Nakita mo na, ang sinalibat na ito n~g isang kallang.... (Duduhapan~gin si Bruno at tatadyakan.) Naku, ang hayop na ito, ah, paghindi kita pinatay ...!

Bru:--Mangyari po'y, sinabi ninyong ika pito at kalahati p.m.

Tib:--¿Eh, ano n~gayon?

Bru:--Aba, ang sabi po ni Ñora Sara sa akin, n~g minsan pong itinanong ko sa kanila kung ano ang kahulugan n~g p.m. na malimit kong makita sa m~ga anyaya, ay sinabi po nila sa akin na ang kahulugan daw po'y....

Tib:--¿Ano? ¿Ano daw ang kahulugan?

Bru:--Eh, magbukas daw po n~g pinto.

Tib:--(Sa sarile) ¡Que atrocidad! (Hayag) Pareho na kayo sa pagka lin~gas n~g iyong Ñora Sara. (Galit) Kung ang lahat n~g maglingkod sa akin ay gaya mong m~ga bruto, ay hindi malayong magkaroon tuloy ako n~g tisis galopante.

Bru:--(Pagkarin~gig ni Bruno sa sinabing bruto ni D. Tib. ay iiyak n~g ubos lakas.) ¡¡Inaku, Dios ko po, inakuuuuu!

Tib:--Aba, at bakit ganiyan na ang n~galn~gal mo?

Bru:--Mangyari po'y....(Iiyak n~g lalong malakas) Mangyari po'y ... tinawag ninyo ako n~g bruto, eh, Bruno po naman itong n~galan ko.... Huuuuu ...!!!! (Iiyak uli)

Tib:--¡Tinamaan ka n~g ... isang bakurang.... (Matatawa siya, n~guni't pipigilen) Siya, siya, huwag mong lilimutin ang ipinagbilin ko sa iyo ha? (Babatukan at pagkatapos ay aalis.)

Bru:--Opo.... Aruuuy, aruuuuy....! (Lilin~gap sa kaniyang likuran at pagkakita na wala nang tao doon, ay magsasabi.)

¡Naku ... kung hindi ko lamang siya pan~ginoon, ay nagkahalohalo na sana ang, balat sa tinalupan. (Susubsob sa lamesa at iiyak na parang bata)

(Lalabas si MARTINA na pagkarin~gig; sa pagiyak ni Bruno ay magtatawa.)

_Tagpo III._

=Si BRUNO at si MARTINA lamang.=

TUGTUGIN.

Mar:--¡Ha....Ha....Ha....Ha ... Bruno!

Bru:--Martina, ¿bakit, ano? ¿Pagtawa mo'y kan~gino?

Mar:--¿Kan~gino? Tuturan ko.

Ako'y may nakikilala Na isang binatang tan~ga, Na ang lahat n~g makita Tinatakhan, nababakla.

Lalong lalo kung mamalas m~ga babayeng magigilas, ay nagmamatang bayawak Na asa mo'y isang tungak.

Bru:--

Hindi totoo: Ang sulit Na n~gayon ay kasasambit. Ang babaye'i naninikit Sa binatang makikisig.

Ako ay may nalalaman Na m~ga dalagang momay, Na sa boong isang araw, Yao't dito sa lansan~gan.

SILANG DALAWA

Martina: Bruno:

Kahit ano ang isulit Kahit ano ang isulit Ako'y hindi makikinig, Ako'y hindi makikinig, Sa batang walang batid, Sa babaeng walang batid Ang mabuti ay pagtikis. Nararapat ay pagtikis.

SALITAAN.

Mar.--(Tatawa) ¡Ha....Ha....Ha....!! Kawawa naman itong si Bruno.

Bru:--(Natutuwa.) ¡¡Ay,.... salamat, Martina ko at, sa akin dinaingdaing, ay nakuha mo din ang maawa.

Mar:--(Galit) ¿Ha? ¿Baka naloloko ka na! Sino ang nagsabi sa iyong ako'y....?

Bru:--Sino daw, hindi ba't, kasasabi mo pa lamang n~gayon?

Mar:--Hooy, maglubay ka n~ga n~g pagsasalita n~g ganiyang m~ga kamangman~gan. (Sasabihin ito n~g padabog)

Bru:--At, hindi ba sinabi mo kan~gina lamang na, naaawa ka sa akin?

Mar:--(Patuya) ¿Na-aawa pala ako sa iyo, ano ha? Mangyari n~ga ba, (Lalong patuya.) sa, mukhang tinampalasan ka na naman n~g ating pan~ginoon.

Bru:--Aba, Martina, naloloka ka na ba? ¿Bakit ako tatampalasanin n~g ating pan~ginoon? ¿Hayop ba ako na kaparis n~g iba diyan?....

Mar:--(Patuya.) At, hindi ka pala tinampalasan, ha? Sabihin mo n~ga, ¿bakit ba namumula ang mukha mo na para kang merikanong lasengo?

Bru:--¡Ah, loka, loka ka n~ga! ¿Di mo ba, nalalaman na ang gayon ay isang malaking saksi n~g pagmamahal niya sa akin?

Mar:--¿Ang tampalin ka ba?

Bru:--Oo, dahil na iyan ang tinatawag ng m~ga kastila na tunay na kariño. Ikaw ba, ay tinampal na o hinawakan man lamang ang mukha mo n~g ating pan~ginon?

Mar:--(Galit) Hindi n~ga, ¿bakit?

Bru:--Nakita mo na, di hindi ka niya minamahal, ni kinakariño?

Mar:--(Yamot.) Kuñg hindi, ay hindi. Kariño pala ang tawag mo sa papamulahing parang saga ang mukha mo. ¿Bakit ba naman, namimiskotso ang iyong m~ga labi?

Bru:--Mangyare, ako'y kaniyang pinan~gan~ga.

Mar:--¡Ah ...han~gal, ...torpe ...gago ...!! (Hihilatan n~g mata, at pagkatapos ay aalis.)

_Tagpo IV._

=Si BRUNO lamang.=

Bru:--¿Han~gal? ¿Torpe? ¿Gago? ¿Gago ako nitong kay tuwid kong magsalita? ¡Ah.... hindi, ako'y wala ni alin man sa m~ga ipinaratang sa akin ni Martina. Naiingit lamang siya sa aking pamumuhay.

Voz 1.a:--(Buhat sa loob) ¿Are you going to the Cinema to night?

Voz 2.a:--Yes.

Voz 1.a:--¿Is it true, dear Angeling?

Voz 2.a:--Yes.

Voz 1.a:--I shall await you there.

Voz 2.a:--Yes. Don't speak to loud; we might be heard.

Voz 1.a:--At the same place?

Voz 2.a:--Yes. Go away now, Papa might see you. (Pagkatapos ay makariringig ng animo'y naghahalikan.)

Bru:--Nakú, nandagit na naman ang lawin....! Diablo!...Dimonyo! Heto ang nagiging tubo n~g magulang na bayaan matuto ang anak n~g "yes". Buhay na buhay siyang napaglalakuan....¡¡Kuuuu!! Magtiwala ka n~ga naman sa anak na babae. Panibulos na panibulos ang aking pan~ginoon na hindi pa natatalos ng kanyang anak ang gawang umibig....¡Ha....Ha....Ha....!! eh ito pala'y papauwí na. At, ang na iibigan pa naman, ay isa diyan sa mga binata na, palaging walang sumbalilo kung magpasyal sa lansan~gan, tatlo o apat na lupí ang laylayan n~g pantalon at kung mag mericana'y yaong palaging may bigkis sa likod....!! ¡Maniwala, maniwala ka n~ga naman sa babae....Hesus!....(Aalis at papasok sa kaliwa.)

Lalabas si ANGELING.

_Tagpo V._

=Si ANGELING lamang=

TUGTUGIN

Ang:--Tulad sa simoy n~g han~gin sa gabing batbat n~g bituwin, katamisan ng pag-giliw, ni Luisitong aking aliw.

Sa puso't sa kaluluwa, naghahari ang ligaya, walang guhang di pagsinta ang pangdulot sa tuwi na.

* * * * *

¡Oh, ligaya n~g mabuhay, ¡Oh ... pagibig na taglay: Ikaw lamang, tan~ging ikaw.... Ang lunas ko, kaylan pa man!

Halika't huwag bawiin ang payapang na sa akin, halika't ako'y kalun~gin sa bisig mong ginigiliw....

* * * * *

Kung ang buhay ay pan~garap ay nasa ko ang man~garap. Sa bisig ng aking liyag na panin~gi'y minamalas...!

SALITAAN.

Oo n~ga, wala nang buhay na gaya ng akin; punong punó sa ligaya, busog sa kasayahan. Sa m~ga magulang ko ay wala akong na pita na hindi ipinagkaloob sa akin sa lalong madaling panahon. ¡Ah ...! ¡Anong sarap n~g buhay na gaya nitong aking taglay....

Lalabas si BALTAZARA.

_Tagpo VI._

=Si ANGELING at si BALTAZARA.=

Bal:--(Buhat sa loob) ¡Angeling, Angeling ...!

Ang:--¡Pooooo ...!

Bal:--(Parang may hinahanap) ¿Hindi mo ba nakikita ang aking pustisong buhok? Ka~ggi-kan~gina ko lamang hinusay, eh, nawaglit na n~gayon. At napakiramay pa mandin ang aking postisong n~gipin na kalilinis ko din.

Ang:--Hindi ko po nakikita, nanay.

Bal:--¿Saan kaya napasaksak? Hale n~ga, hija, tulun~gan mo n~ga ako sa paghanap.

Ang:--Opo, nanay. (Kunwa'y hahanap n~g sumandali at pagkatapos ay babalikan ang kaniyang Ina,) nanay, mamaya ay magpapasyal ako, ho? (Palambing na sasabihen)

Bal:--¿Na naman? ¿Saan ka na naman paroroon?

Ang:--Sa Cine, po. ¿Papasok akó, ha nanay?

Bal:--¿Cine na naman? ¿Hindi ba't, kagabi lamang ay nasok ka na?

Ang:--Siyan~ga, nanay. (Lalong palambing)

Bal:--Gayon pala, ¿bakit ibig mo na namang pumasok mamaya?

Ang:--(Tatawa ng palihim) Aba, si nanay naman! Hindi ba ninyo nalalaman na n~gayon ay Huwebes?

Bal:--¿Eh, ano kung Huwebes?

Ang:--Eh, araw po n~gayon n~g kambio.

Bal:--Kambio ba ng ano ang pinagsasabi mo?

Ang:--Kambio n~g programa po.

Bal:--At, ¿ano daw na naman ang palalabasin?

Ang:--Zigomar contra Nick Carter po.

Bal:--¿Magaling daw ba iyon?

Ang:--Magaling daw po, ayon sa balita ng m~ga pahayagan. Papasok ako, ha nanay?

(Lalabas si BRUNO na sumisigaw at waring may hinahabol na aso. Tan~gan sa kanang kamay, ang isang postizong buhok at sa isa naman ay postisong n~gipin,)

_Tagpo VII._

=Sila din at si BRUNO=.

Bru:--(Waring hinahabol ang aso. Humihin~gal. Takot.) ¡Che ...! ¡Che ...! ¡Cheeeee ...! (Lalong takot) ¡Nakú, malaking basagulo ang nangyare; ang aso ... ay nakakawala, at ... nakamatay ng tao ...!!!!!

Ang:--(Gulat) ¿Ano ang nangyare, ha, Bruno? ¿Ano ang nangyare?

Bal:--(Lalo pang gulat.) ¿Ano, ano daw ang nangyare?

Bru.--(Takot) Ang atin pong aso na Mariano Gil ay nakakawala at....

Ang: at:--¿At, ano? Bal:

Bru:--¡¡Nakamatay po n~g tao....!! ¡¡¡Nakuuu.!!

Bal:--¡¡Susmariosep!!....(Manginginig sa takot)

Ang:--¿Tunay n~ga ba?

Bru:--Opo, at sa katunayan, ay naririto po ang buhok at sampu n~g n~gipin n~g taong: napatay ...¡Susmariosep.....! ¡Talagang hayop si Mariano Gil! ¡Naku ang n~gipin n~g taong napatay! (Ipakikita ang n~gipin at buhok na postizo)

Bal:--(Tatan~ganan, at mapapasigaw sa takot.) ¡¡¡Naku po, Dios ko ...!!! (Pagkatan~gan sa n~giping pustiso ay makikilala. Galit) ¡Aba, eh ito ... ang n~gipin kong postiso na hinahanap ah ... (Galit) Ang hayop na ito. (Kay Bruno) ¡Animal, sa lahat ng ginawa mo sa akin, ito ang....

Ang:--¿Bakit po, Nanay?

Bal:--Eh, iyan bang hayop na iyan, linoko na naman akó.

Bru:--(Sa sarile) Sa lahat daw n~g ginawa ko sa kanya ...(Harap) ¿Kaylan ko po ba kayo linoko? (Papakumbabá)

Bal--(Ipakikita ang pustiso.) At, itó, masama pa bang pagloko?

Bru:--Eh, hindi po ba buhok iyan?

Bal--Oo n~ga, buhok, n~guni't ito'y pustiso ko animal at hindi sa patay na taong gaya n~g sinabi mo. (Sisiyasating ang buhok.) Tignan mo ang ginawa mong ito, ginusot mo. Babayaran mo n~gayon ito.

Bru:--Aba, hindi po ako ang sumira niyan. Di po, pabayaran natin sa aso.

Ang:--(Kay Balt.) Siyan~ga naman, nanay.

Bal:--(Kay Ang.) Aayunan mo pa ang hayop na iyan. (Kay Bruno) Babayaran mo n~gayon itong aking buhok.

Bru:--(Sa sarile) Katuwirang diablo na itong nalalaman n~g aking ama. Iba ang sumira, at, ako ang papagbabayarin. Maniwala kan~ga naman sa ayos n~g babae. (Titigil) Kay don Tibursio, ay walang sandaling di pagpuri sa buhok n~g kaniyang asawa ang naririn~gig dahil sa kalakihan umano, ito pala'y ...pustiso lamang ...Baka pa kaya, pati ang......este, pati ang mata nito'y pustiso na din ah.....!

Bal:--(Galit) ¿Ano ba ang ipinagbububulong mo, ha?

Bru:--Wala po, señorita, wala po akong ibinubulong n~g laban sa inyo....Na aala-ala ko po lamang ang nangyare sa pustiso....

Bal:--(Galit na lalo) Pues, hindi mangyayare. Ginusot mo ang aking buhok, at babayaran mo n~gayon.

(Lalabas si D. TIBURCIO na kasabay nina TIO BESTRE, TIA MARTINA, BETENG at MATEA. Ang m~ga ito, tan~gi lamang si D. TIBURCIO, ay paraparang may m~ga bitbit na tampipe. Si BETENG ay hilahila ang isang asong payat. Ang gayak n~g m~ga itó, ay m~ga lipas na sa "moda". Si TIO BESTRE, ay nakasuot n~g isang "chaqueta" n~g m~ga tininté sa barrio n~g panahong yumao n~g kastila. Ang magsisiganap n~g m~ga tungkuling ito, ay nararapat na, ang kanilang isuot na damit ay iyong nakatatawa. Ang m~ga bagong dating ay m~ga tagalog na napatirang matagal sa isang nayon n~g Kapampan~gan.)

_Tagpo VIII._

=Ang mga dati at ang mga bagong dating.=

Tib:--(Mula sa loob) ¡Tuloy, tuloy kayo! ¡Sarang....! (Kay Baltazara) ¡Sarang ...! Eto, eto ang mga kaka! Nagsidating na kasama ang dalawa nilang anak na kambal, iyong madalas na isulat sa atin noong hindi pa malay na dumating dito sina Dewey.

Bal:--(Sa m~ga bagong dating) ¡Naku ...salamat sa Diyos, at na ka-ala-ala pa kayo sa amin.

Tio Bes:--Bah, taganang maluwat nang tutu ing sa aming buri na dalawin ikayu, pero dapo't, tutung marayu ing sa amin, saka ame karagul ing sa kekaming gastus. Lalu na n~geni, malaki ing natuyot na pale sa kekami.

Bru:--(Sa sarile) ¡Diablo ...! Saan kaya nagsipangaling ang m~ga bikas na ito? Ito ata ang tinatawag na antidiluviano ah! Naku, kung panahon lang n~gayon n~g Karnabal, sinabi ko na sanang sila'y m~ga naka balat kayo.

Tio Bes:--(Sa dalawa niyang anak) Oh, Beteng, Matia, ano, oh bakit hindi kayo sumiklaud n~g gamad sa inyong bapa? ¿Nanung hihintain yu?

Tia Mar:--Yapin naman, obakit ekayu siklaud? ¡Diablus kong anak....!

Mat:--(Tatan~ganan ang kamay ni D. Tib.) Mano po, m~ga bapa. (Madalas na sasabihen) Kamusta kayo, ali ko pu misasalunan? Ikami pu mayap, lugud ing Ginung Dios. Nukarin lapú ding anak, kumusta la naman? ¿Nuya pu karin ding kakung pinsana ¿Ala lapu?

Tib:--Naririto. (Kay Angeling) Angeling, heto ang m~ga pinsan mo.

Mat:--¡Ah, ikayu pala! ¡Kalaguyu! (Kay Angeling) Kumusta ka pisan, nanu ing bili mu queti? Masaya ba queti quecayu, ja? ¿Ali ba masaya, ja? (Madalas)

Ang:--(Sa sarile) ¡Naku, parang kalakwerda kung magsalita ito.

Mat:--(Kay Ang.) ¿Mayap wari? ¿Magpapasiyal ka baka queti ben~giben~gi?

Bru:--(Sa sarile) ¡Tinamaan n~g....! Talo pa n~g babaeng ito ang elektrika sa bilis kung magsalita ah.

Ang:--(Mamasdang patulala si Matea na hindi sasagutin, at pagkatapós ay haharapin si D. Tib.) Tatay, nakú, napakadalas namang magsalita n~g anak n~g Tio Bestre.

(Si BETENG na pagkakita sa mesedora ay umupo doon, mapapasigaw n~g malakas, n~g ang naturang mesedora ay gumiwang.)

Bet:--(Lulundag) ¡Ba, dipaning alti ...!

Tib:--(Pagulat) Bakit, hijo, napano ka? ¿Ano ang nangyari?

Tio Bes:--(Kay Beteng) Oh, bakit, ¿mepilay ba ika?

Bet:--Ali pú, balaku pu mate naku.

Bru:--(Sa sarile) Sinasabi ko na n~ga ba kan~gina pa at gagawa ito n~g aliwaswas eh ...Dagukan ko yata ah.

Ang:--(Kay D. Tib.) Papá ayoko nan~gang makipagusap sa anak n~g Tio Bestre. Napakadalas magsalita. Nakabubuwisit ... ¡Nakú, masakit na po ang ulo ko!

Tib:--Pasiensia ka na hija, at talagang ganiyan na iyan, buhat n~g ipan~ganak. Pasusuhin pa lamang iyan eh, wala n~g lagot kung umiyak.

Bet:--(Lalapit sa kanyang ama. Mamasdan si Angeling at magsasabi.) Tatang, buriqu ...

Bru:--(Sa sarile) ¡Nakita mo na, di ang hayop na ito'y tinawag pa n~g buriko ang kanyang ama?

Tib:--(Kay Tio Bestre.) ¿Bakit, ka Bestre, ano ang nangyayare kay Beteng?

Bet:--(Mamasdan uli si Angeling: Kay Tio Bestre.) ¡¡Tatang ...Tatang ...Barike.....!! (Maninigas.)

Tib:--(Gulilat) Aba, bakit, may sakit bang naninigas ang anak mo?

Tio Bes:--Oo, atin n~ga. (Bubuhatin nila ni D. Tiburcio si Beteng at ilalagay sa kabilang mesedora: Pagkalagay doon, ay gigiwang na muli at si Beteng ay lulundag sa takot.)

Bet:--(Gulilat) ¡¡¡Pigbun~ganapu ning al ...!!!

Tio Bes:--Bah, o bakit, nanung nangyayare sa iyo?

Bet:--O baquit gagalo ya ing sillang yan, malikiu ku.

Tio Bes:--(Parang galit) Beteng, huwag kang mamulang.

Bes:--Tatang, burike ing pinsan ku, i Angeling ...

Tio Bes:--Alika main~gay, sabe aku ing bahala.

Tib:--(Kay Tio Bestre.) Eh, ano ba, pinsan, ano at nakaisip kayong dumalaw dito?

Tio Bes:--Mallari, ibig ko na sanang gawan natin ing pinagkayarian ta, kanita pang limang taon n~gayon.

Tia Mar:--Ampong, maninap nakung maninap pamanlumbe sipitograpo, uling babalita n~g kabisang Gusting kekami.

Tib:--(Kay Baltazara) Sarang, ito ang pinsan kong pinan~gakuang pagpakasalan sa anak niyang lalake sa ating Angeling. N~gayon ay ibig niyang matupad ang aking pan~gako, kaya't ang mabute ay, kausapin mo ang ating anak. Ipina-aalaala ko sa iyo na sila'y mayaman, Hale na, sulsulan mo na sana ang ating Angeling upang ibigin na si Beteng.

Bal:--Hindi ko masasangayunan ang iyong nais. Gayon man, ay pagbibigyan kita. (Kay Angeling) Angeling, ibig daw n~g Tio Bestre mo na ikaw ang mapan~gasawa n~g kaniyang anak na Beteng.

Ang:--(Pataka) ¿Ano ang sinabi ninyo, Nanay? ¿Pakasal ako sa antipatikong iyan? Bah, mabuti pa'y uminom na ako n~g lason. (Pasamo) Nanay, huwag kayong pumayag na ako'y makasal kay Beteng.

Bal:--Hayaan mo at ako ang bahala.

Ang:--(Kay Baltazara.) Nanay, pag ako'y pinilit n~g tatay, ay papasok na akong monha.

Bal:--Lokang bata ito, hayaan mo't ako ang bahala (Kay D. Tib.) Tibo, ayaw kay Beteng ang ating anak. May katwiran naman siya......

Tib:--(Galit) Pues, hindi mangyayare, Susunod at susunod siya sa aking ibigin. No faltaba mas. N~gayon pa namang nagkayari na kami ni ka Bestre.....¡Hindi mangyayare!......

Bal:--Aba, hindi naman ako makakapayag na ikasal ang aking anak sa di niya nagugustuhan. Mangyare na ang mangyayare!!