Casaysayan ng Catotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia
Part 4
Huag yaong tayo'y macakita lamang nang pilac, ay cahit di catotohanan, cahit ualang librong kinakikitaan ay di nan~gin~gimi nang pagsasalaysay.
Alalahanin mo guiliw na capatid na di gagapilac lamang yaong Lan~git, sa camunting yamang ating ninais yaong ualang hangang toua'y ipapalit.
Magnilay-nilay ca't ang gauang mabigla ay di gayon lamang cung mapan~ganyaya, bakit ang parusa'y laguing nacahanda nang Hucom na hindi mangyaring madaya.
Sa caniya ay ualang munting nalilin~gid ang lahat ay paua niyang nalilirip, cahit gagadulo man lamang nang hanip at siya'y ualang hindi nababatid.
Mabuti na lamang cung mapagsisihan ang lahat nang ating gauang casalanan, at may patauad pang sucat maasahan n~guni't cung di gayo'y sauing capalaran.
Sa utos nang Dios ay dapat gumanap tayo, at gayon din sa Iglesiang atas, nang upang matamo nating aliualas ang caligayahang ualang pagcucupas.
WACAS
[Patalastas: Imprenta at Libreria ni P. Sayo, Balo ni Soriano]
[Patalastas: Limbagan at Aklatan ni P. Sayo, Balo ni Soriano]