¡Caiñgat Cayo! Sa mañga masasamang libro,t, casulatan
Part 2
Nang malapit nang mangyari yaong balitaa,t, malaquing pagcagulo doon sa caharian nang Francía, ay may isang babaying _nan~gan~galacal nang libro_ na dinatnan nang balita, na si P. Borgar (Beauregard) ay lubhang mariquit na magsermon, na caya n~ga hinahan~gaan siya nang lahat na taga Paris. Dala nang balitang ito,i napasa simbahan nang Nuestra Señora de Paris ang nasabing babayi, at gayac siyang maquiquinyig nang pan~gan~garal nang Pareng yaon; at nagcataon naman na ang man~ga sinasabi nang Pare noong gabing yaon ay pauang nauucol sa man~ga masasamang libro. Ang naturang babayi, baga ma,t, timtima,t, may puri, ay nagbibili nang man~ga librong laban sa ating santa Religión at laban din sa magagaling na asal. Anaqui nabulagan siya nang casaquiman sa salapi, gaya nang pagcabulag nang maraming naglalaco,t, nan~gan~galacal nang man~ga _mahahalay na palasintahan, auit, corrido at iba,t, iba pang man~ga masasamang casulatan_, at di nila inaanumana ang man~ga casalanang di mabilang na quinacamtan nila, at ang man~ga quinacamtan nang iba dahilan sa canila. N~guni,t, ang babaying yao,i, dahil sa pan~gan~garal nang Pare ay iminulat niya ang mata nang caniyang isip, caya,t, napagquilala, na ang man~ga tampalasang librong lumalaban sa santa Religión, at umaaquit sa maruruming hilig nang catauan, ay parang bucal nang camatay-matay na lasong sumisira sa caloloua,t, puso nang tauo; at ang man~ga nagpapalimbag, nagbibili, cun tumutulong sa papaano mang paraan nang pagcacalat sa man~ga gayong libro ay catulad nang man~ga manglalason; at darating ang arao, at sila,i, hihin~gan nang Pan~ginoong-Dios nang mahigpit na pagsusulit sa man~ga caguluha,t, casalanang nangyari dahil sa canila. Halos di n~ga magcasiya sa loob nang babaying yaon ang sisi sa sarili, at napag-unaua na ang pan~gan~galacal niya,i, lubhang di carapat-dapat sa isang calolouang may iniin~gatan pang cahihiyan at pagquilala sa Dios; caya n~ga,t, minabuti niyang lisanin magpacailan man ang paghahanap buhay na yaon. Nang matapus ang sermon ay tinun~go niya ang bahay nang Pare, at nagsabi sa caniya nang ganito: _Aquin napagquiquilala, Ama co, ang cadaquilaan nang aquing pagcacasala sa pagbibili co nang man~ga masasamang libro; n~guni,t, yayang minulan na ninyo ang paggamot sa aquing caloloua,i, lubusin ninyong pagcagalin~gin: pumaroon po cayo sa aquing tindahan, tignan ninyo ang man~ga librong naroroon, at sunuguin po ninyo ang lahat na mamasamain ninyo. Sang-ano man ang maguing capan~galuguihan co, at mauala man sa aquin ang lahat cong man~ga tinubo, ay mamagaanin cong lahat, houag lamang mapacasama ang aquing caloloua_. Pinuri ni P. Borgar ang gayong magandang banta, at nan~gacong tutulon~gan siya sa pagganap nang caniyang ninanasa. Quinabucasa,i, naparoon siya, ibinucod ang man~ga masasamang libro,t, itinuro sa babayi, na quinuha nito,t, isinugbang lahat sa isang malaquing siga na caniyang inihanda. Ang halaga nang man~ga sinunog na libro,i, mahiguit dao sa sanglibo,t, dalauang daang piso; at magmula noo,i, pinagtiticahan niyang mahigpit na hindi na magbibili nang man~ga ibang libro, cundi yaon lamang macapagpapagaling sa man~ga caloloua.
¡Tularan naua itong magandang halimbaua nang man~ga =sederang= naglalaco nang man~ga bagay bagay na auit at masasamang libro! Tularan mo rin n~ga, guiniguilio cong bumabasa, cun sacali,t, sa man~ga nacaraang arao,i, di ca nagpacain~gat capara nitong babayi; at tungcol sa haharaping arao ay houag cang lumihis munti man sa man~ga itinuro sa iyo dito sa libritong ito. At isinasamo co pa sa iyo na ipaquilala mo ang libritong ito sa iyong man~ga hinlog, man~ga catoto,t, man~ga caquilala, at nang sila nama,i, gumanap nang man~ga bilin dito: at cun magcaganoon ay mahahadlan~gan ang marami sa man~ga capahamacang dala nang masasamang libro,t, casulatan.
¡Loobin naua nang catamis-tamisang Puso ni Jesús at nang calinis-linisang Puso ni Maria, sampon nang maloualhating Poon san José, na pagpalain nila,t, gauaran nang mahal nilang bendición itong munti cong pagod, upang mapaquinaban~gan nang man~ga caloloua, at mapatungcol na lahat sa lalong capurihan nang Dios. Siya naua.
_Fr. José Rodriguez_ Religioso sa Orden ni san Agustin.