# Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

## Part 4

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/cahangahangang-buhay-ni-santa-margarita-de-cortona-18536/index.md

N~gunit siya nama,i, tantong mahina na at hindi na halos na macagalaw pa, at namamanhid ang boong catauan niya at papanaw na n~ga ang tan~gang hinin~ga.

Iná,i, nabalisa niyong si Meliton nang nasang manin~gas sa bagay na yaon, na malubos ang pagca-martir niyong Anác at masamang sunuguin sa apóy.

Pagdaca ang bata,i, caniyang pinasan at ang man~ga carro,i, caniyang sinundan, na sa Mártires n~ga na kinalalagyan na dadalhin doon sa pag-susunugan.

Ipamamanhic niyang talaga doon sa pinag-atasan niyong Gobernador, na ipakihapis nila si Meliton sa sigâ,t, masamang mamatay sa apóy.

At ualang guinaua siya habang daan cundi ang Anác niya ay pinan~garalan, bunso co,i, tiisin yaong cainitan n~g apóy, na parang pagtitiis naman.

Nang guináw sa paliguan n~gang malamig naghin~galo nama,t, buhay ay napatid, niyong si Melitong matimtimang bait sa lacad na yaon n~g man~ga Mártires.

Mabait na Iná ay tantong nalugod at yaong pag-asa ay puspos na puspos at ang Anác niya ay kinamtan na lubos yaong lualhating caloob n~g Dios.

At na sa Lan~git nang caluluang hirang caya agad-agad niyang ilinagay sa talagang carro ang sa batang bangcay n~g man~ga Santos Mártires na banal.

Sumunod ding gaya nang dati ang Iná hangang di napugnaw sa sigang nakita, ito n~ga ang dinarasal cung fiesta na man~ga Mártires de Sabaste bagá.

Bilang ica sampu niyong Marzong buan guinagaua yaong man~ga capurihan, nang apat na pung Mártires na tunay na man~ga, soldadong pauang man~ga banal.

¡Oh man~ga capatid dinguin yaring luhog na pag-tibayin ang ating man~ga loob, nang sampalataya sa totoong Dios at sa Iglesiang taglay nang sumacop.

Huag nang isipin na man~gagbago pa sa Iglesiang dati nang sampalataya, at yamang ang dati atin nang kilala ang hindi mabilang na Santo at Santa.

Ang man~ga Mártires ay gayon din naman na nagsipaghain nang canilang buhay, sa catacot-tacot nilang camatayan sa cay Jesucristong Dios alang-alang.

Cahimanauari tayo ay matulad sa man~ga Mártires na Santos at Santas, at sa ating puso naua ay malimbag ang aral ni Cristo sa atin at atas.

Hanapin ang lalong mabuting paraan na icasusupil sa ating catauan, huag manatili sumagap n~g layaw n~g Mundong sa huli pauang cahirapan.

Caya tayo,i, dapat maglingcod tuina sa Dios na Poo,t, sa Virgen María, upang tayo nama,i, macasama nila doon sa payapa,t, ualang hangang saya.

=CATAPUSAN=

