Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona
Part 3
Liniuanagan n~g tunay niyang ilaw ipinagpighati mo pa,t, tinan~gisan, ang lahat n~g iyong man~ga casalanan na naguing dapat cang pinagpakitaan.
Ni Jesús na Amá at ipinahayag di mamacailan na ipinatauad ang man~ga sala mong lubhang mabibigat n~g boong, capacumbabaang di hamac.
At sa madalas mong pag-pepenitencia,i, laguing dinadalaw na inaaliw ca, n~g Esposong lubhang maauaing Amá sa iyo,i, ipinagcatiualang sadya.
Yaong matataas na lihim n~g Lan~git at minarapat cang lambat na guinamit humulili n~g calulua at naghatid niyong pagsisisi at panunumbalic.
Nangloob, na hilig sa pagcacasala caya n~ga bunying malualhating Santa, na tan~ging cay Jesús na iniibig ca,t, calacasang lubos n~g man~ga sa sala.
Tanang penitente icaw ang uliran caya lumuluhod sa iyong paanan, nagmamacaaua na ipamagitan sa Dios, at upang gracia,i, aming camtan.
Nang makilala co,t, tan~gisang palagui ang casalanang co,t, nan~gagauang saui, at macatindig din sa pagcalugami sa daya n~g Mundo at pagcacamali.
Madin~gig co yaong iyong napakingan n~g lubos na igauad ang capatauaran, sa lahat n~g aking gauang catacsila,t, aco,i, magcaroon n~g capayapaan.
Ang nagpipighati na calulua co ipagmacaamo n~gayong iluhog mo, sa iyong caibig-ibig na Esposo,t, sugatang gaya n~g pagsugat sa iyo.
Paglampasan niyong totoong palaso at boong pag-ibig niyaring aking puso, at huag manaig ang anomang anyo cundi ang sa iyo,i, lubos na pagsuyo.
At yayamang n~gayon ay napapahamac yaring cahinaa,i, upang magcapalad na mag-penitencia,t, sa iyo,i, tumulad magsisi,t, ang Lan~git n~g aming matuclas.
Di cung magcagayon ay macaaasa caming maliligtas sa bilis n~g dusa, cung cami,i, matuto na man~gagsigaya sa guinaua niyong Santa Margarita.
=BUHAY NANG MARTIRES=
Ang lalong mabuti sanang uliranin n~g m~ga dalaga ay ang limang Martir, na minatamis pang buhay ay nakitil main~gatan lamang yaong pagca Vírgen.
Sasalaysaying co n~gayong isa isa ang pinagdaanang man~ga buhay nila, n~guni at ang aking sasaysaying una,i, ang pag-mamartir ni Santa Dorotea.
Bantog sa Ciudad yaong cagandahan niyong Cesarea, at sa cabaitan, cagandahang yaon ang naguing dahilan n~g calunos-lunos niyang camatayan.
Manang isang araw ay tinauag ito nang Hucom na nagn~ganlang si Apricio, at hinicayat siyang di mamagcano na siya,i, sumamba sa man~ga Idolo.
Pagca,t, ang uica niya,i, isang caululan ang gauang pag-samba n~g man~ga binyagan, doon n~ga sa isang tauong hamac lamang na nag-caroon nang laking casalanan.
Caya n~ga at ipinaco siya sa Cruz na pinarusahan nang man~ga Judios, cay Santa Dorotea n~gang isinagot ay si Jesucristo ang totoong Dios.
Sa Lupa at Lan~git siya,i, Haring tambing na dapat igalang natin at sambahin, cung caya ang dusa ay dahil sa atin nang tayo,i, matubos sa pagca-alipin.
Ang sa cay Apriciong guinaua pagdaca tinauag si Crista,t, saca si Calista, man~ga babayeng tumalicod sila sa totoong Dios nang sampalataya.
Na cay Doroteang capua capatid at inihabiling himuking mapilit, ang naturang Virgen at upang maákit na siya,i, sumamba sa man~ga Dioses.
Datapua,t, tunay na nasayang lamang yaong capagalan nang dalauang hunghang, sa pagca at sila,i, siya pang naácay sa pag-sisisi at pagbabagong buhay.
Caya,t, ang guinaua nang lubhang malupit na Hucom ay pinahubaran nang damit, si Santa Dorotea sa laking galit at ipinag-utos nang labis at higpit.
Na dictan ang caniyang boong catauan niyong linapad na man~ga tanso,t, bacal, na man~ga binaga,t, upang mahirapan at cung matapos na ay saca pugutan.
Yaong Martir namang si S. Teopilo dating caáuay nang man~ga cristiano, doon sa Hucoman ay palagui ito sa dahilang siya,i, isang Abogado.
Pagca,t, lubos niyang kinatutuaan cung may isusumbong na pagbibintan~gan, na cahima,t, sinong man~ga bininyagan at inaari niya na isang aliuan.
Caya,t, ang sinabi na narin~gig niya sa Hucom, niyong si Santa Dorotea, na di nauaualan cailan man bagá nang man~ga sariuang bulac-lac at bunga.
Sa halamanan nang caniyang Esposo sa lualhating bayang Paraizo, ang nasoc sa isip n~ga ni Teopilo ay sa paglacad ay salubun~gin nito.
Ang Vírgeng mapalad na si Dorotea caya n~ga noong ilinalacad na, sa pag-pupuguta,i, ihahatid siya sinalubong naman na caracaraca.
Inaglahi na niyang lubos na tinuyá at pinag-bilinan pa niya conoua, na padalhan siya nang ibinalita na bun~ga,i, bulac-lac na man~ga sariua.
Ang sabing birong uala sa loob niya at pagpalibhasa lamang na talaga, ang pagmamartir ni Santa Dorotea na tinangap naman ay nang matapos na.
Niyong oras din n~gang sinasaysay naman ni Teopilo, sa ilang caibigan, ang biling bulac-lac at bun~gang halaman na ipinan~gacong siya,i, padadalhan.
Ay nagtatauanan silang para-para ualang ano ano,i, nacakita sila, niyong isang batang lalaking maganda sa cay Teopilo,i, lumapit pagdaca.
Siya ay binigyan nang tatlong manzanas na sa isang san~ga nabibiting lahat, saca tatlo naman nang sariuang rosas na cahan~ga-han~ga sa matáng mamalas.
Tuloy na sinabi naman sa caniya yaon n~ga ang bilin niyang ipadala, sa minartir na si Santa Dorotea at biglang nauala naman capagdaca.
Nagtacá si Teopilong hindi hamac yayamang caniyang napagtalastas na sa man~ga araw na yao,i, di dapat na mamun~ga yaong halamang manzanas.
At ang man~ga rosa,i, di capanahunang magsipamulac-lac ayon sa dahilan, na noo,i, panahong laking calamigan caya lubos siyang nagulumihanan.
Pinagcalooban din siya nang Dios nang bisa nang gracia na icatatalos, na Dios n~gang tunay si Cristong sumacop sa salang minana nitong Sansinucob.
Ipinagsigauan na n~ga ni Teopilo na siya,i, totoong tunay na cristiano, humarap sa Hucom at sinabi dito hangang sa minartir siyang naguing Santo.
Caya at siya rin nama,i, nacasama nang Martir na si Santa Dorotea, at kinamtan ang lualhating gloria na bayan nang madlang tua at guinhaua.
=STA. CATALINA MARTIR=
Si Santa Catalina Martir ay Anác nang mahal na tauo sa nasabing Ciudad, sa Alejandría ay siya,i, namulat sa man~ga Idolo nang pagsambang ganap.
N~guni at pinaturuan naman siya na magaling nang caniyang Amá,t, Iná, madaling natuto niyong iba,t, ibang man~ga carunun~ga,t, lubhang na bihasa.
Linoob nang Dios siyang liuanagan nang gracia niyang camahal-mahalan nakilala niya ang catotohanan na si Jesucristo ay Dios na tunay.
At ualang aral na matuid na puspos cundi ang lahat nang man~ga sinusunod, nang man~ga cristiano caya,t, tumalicod sa Idolo,t, siya,i, nagbinyagang lubos.
Nang macaraan nang man~ga ilang araw sa pagtulog niya,i, napakita naman, yaong Pan~ginoong Jesucristong mahal at Vírgen Maríang cabanal-banalan.
Casama ang madlang maraming Angeles na sinootan siya ang napanaguinip, nang isang singsing at n~ginalanang tikis na Esposa niyong Pan~ginoong ibig.
At nakita niya nang siya,i, maguising sa isang daliri ang nasabing singsing, magmula na noo,i, nag-alab na tambing sa caniyang pusong pag-ibig na angkin.
Sa Dios, at di na sa bibig naualay ang Jesús na n~galang catamistamisan, at uala n~ga cundi si Jesús na lamang sa hinin~ga niyang pinagbubuntuhan.
Caniyang pinag-nanasa ang malabis na makita niya ang Dios sa lan~git, at yaon ang siyang ikinasasabic na muntima,i, hindi maualay sa isip.
Mana,i, nagpatauag nang panahong ito ang Emperador na si Maximiano, na balang binyagang cahiman at sino talicdan ang Dios nang man~ga cristiano.
Sa dagling panaho,t, ang balang sumuay ay magsihanda na,t, sila,i, mamamatáy, sumunod sa utos niyong napakingan si Catalina n~gang babayeng maran~gal.
Caya,t, ang guinaua ay cusang humarap sa Emperador at ang ipinahayag, ay binyagan siya na cusang tatangap niyong camatayan sa Ley ay atas.
Ang Emperador ay cusang natiguilan pagca,t, tila manding naálang-alang, ang malabis niyang man~ga calupitan doon sa dalagang puspos carunun~gan.
Bakit kilala nang ang babayeng ito ay tunay na Anác nang mahal na tauo, ang taglay na gulang ay lalabing-ualong taón nang humarap cay Maximiano.
Sa Emperador na inacala naman na madaling yaon ay mauupatan, at dahilan doon sa caniyang taglay na cabataan pa,i, marupoc ang lagay.
Ipinasundó n~ga ni Maximiano lalong marurunong niyang filósofo, niyong tanang man~ga Idolatrang tauo siyang laang magsisihicayat ito.
Sa cay Catalina na babayeng Virgen na sa Idolo ay ibig pasambahin, limang pu pagdaca doon ang dumating pinacamarunong nan~gusap na tambing.
Guinamit ang lahat nang man~ga paraan sa cay Catalina upang mahiboan, sa Demonio pa silang tinulun~gan n~guni,t, sila,i, ualang nagauang anoman.
At kinasihan nang Espíritu Santo ang abang babaye cung caya natuto, nang man~ga panagot caya n~ga,t, nagtamo siya, sa calaban niyong pananalo.
Nagpilitang nan~gagsikilala tuloy yaong filósofong limangpung marunong sa cay Jesucristo na Dios na Poon at nan~gagsisamba silang mahinahon.
Minagaling nilang man~ga catuiran at ang mariríkit na man~ga pan~garal, n~g caharap nilang dalagang timtiman na hindi nan~gambang naghain n~g buhay.
Sa malaking galit niyong Emperador ay pinasungaban yaong marurunong, na filósofos at iniutos tuloy na silang lahat ay sunuguin sa apoy.
Caya't silang lahat nama'y para-parang sinac-lolonan nang mahal na gracia, sa gayong pasakit ay namatay sila alang-alang sa cay Jesucristo bagá.
Si Catalina,i, ipinahampas naman at di pinacaing labing isang araw, at di pinainom n~ga sa bilanguan hinihimutoc niya sa madlang paraan.
Hindi naman pinahalagahang lubos ang tanang pan~gaco na idinudulot, sa caniyang lahat na pakitang loob cahit camunti man ay di nalamuyot.
Emperatriz tuloy ay pinapugutan na asaua niyong mabunying General, na si Porfirio dahil sa pagdalaw sa cay Catalinang na sa bilanguan.
At silang lahat ay nanampalataya sa Dios, at tuloy nan~gagbinyagan pa, saca iniutos niyong palamarang gulun~gan n~g bató ang dakilang Santa.
Na may nacapacong maraming patalim sa boong paliguid caya't nanalan~gin, sa Dios, si Santa Catalinang Virgen sa hirap na yaon na dadalitain.
Caya n~ga nasira,t, sumabog pagdaca ang gulong, at madlang sumampalataya, sa cay Jesucristo n~guni at lalo pang tumigas ang loob sa pagpaparusa.
Nang tacsil na Emperador Maximiano agád iniutos na putlan n~g ulo, itong Vírgeng Mártir at nanaw sa Mundo yaong calulua,t, Lan~git ay tinamo.
Catauan n~g Santa,i, sa Dios inibig na buhatin naman n~g man~ga Angeles, sa taluctoc niyong bundoc inihatid n~g Sinay, at doon nalibing na tikis.
=SANTA POTAMIANA=
Ang Vírgen at Martir at hirang na Santa na alilang tan~gi na si Potamiana, puspos cahinhina,t, dalagang maganda na nacalulugod sa titig n~g matá.
Na di nahicayat camunti man lamang niyong pan~ginoon sa pitang mahalay, ang di pagcagahis sa n~gayong paglaban ang sa pagca Martir ay naguing dahilan.
Pagca,t, ang ginaua niyong pan~ginoóng malibog, sa bagay na hindi pag-ayon, ay dumulog n~ga siya sa Gobernador sa Alejandría ay ipinagsumbong.
Ang di miminsang caniyang pagcahiya doon sa mahalay niyang ninanasa, at sinabi yaong caniyang alila at caibigan niya pagcapalibhasa.
Yaong Gobernador at ang cahilin~gan si Potamiana,i, dapat pahirapan, na patayi,t, siya,i, sumunod sa aral ni Jesucristo,t, tunay na biniyagan.
At ayaw sumamba sa man~ga Idolos na siyang dito,i, ating dinidios, n~guni,t, ibinulong n~g may asal hayop sa Gobernador na tampalasang loob.
Na si Potamiana ay huag aanhin cun hindi madali lamang paouiin, sa caniyang bahay at papan~gacuin na ang calooban niya,i, siyang sundin.
Sa Gobernador n~gang pinan~gatauanan ang pagsunod sa caniyang caibigan, at si Potamiana ay pinagbaualan na tunay na siya ay pasusungaban.
At ilalagay sa cumuculong lan~gis hangang ang hinin~gang tangan ay mapatid, cun ang pagsamba niya ay di maáalis sa cay Jesucristo cacamtan ay sakit.
Cung sa calooban ay tatangui siya niyong pan~ginoo,i, pilit magdurasa, sa balang mahigpit ay di nabalisa alilang mabait at di man nan~gamba.
Pagdaca,i, nan~gusap siya nang ganito labis na aniyang natatalastas co, anoman ang hirap na iparusa mo sa akin ay pilit matatapos ito.
Na di malalao,t, ualang sala naman at cung mauala na yaring aking buhay, at manaw na dito sa lupang ibabaw tunay naman acong pag-cacalooban.
Sa Lan~git, nang macapangyarihang Dios niyong lualhating ualang pagcatapos, at payapang buhay na ligaya,i, lubos ualang gutom uhaw dalita at pagod.
Cung matacot aco,t, sumunod sa iyo nanamnaming co n~ga sa buhay na ito, ang sandaling layaw niyaring catauang co sa cabulaanang hain nitong Mundo.
Mauiuili aco,t, maguiguinhauahan sa buhay na ito ang aking catauan, at malaking hirap naman ang cacamtan doon sa Infierno magpacailan man.
Icaw sa sarili n~gayo,i, pag-isipin cun ano ang iyong nararapat gauin, yamang ang puso co ay di magmamaliw na sa isang Dios lamang ihahain.
Sa Gobernador na maunauang tunay na ang pagod niya,i, masasayang lamang, at di magagahis ang dalagang hirang anoman ang gauin na man~ga paraan.
Caya n~ga, noon din ay ipinatauag ang man~ga verdugo at ipinag-atas, ang balang parusa ay ganapin agád doon sa dalagang loob na matigas.
Hindi man nasindac sa parusang yaon si Potamiana,t, pagdaca,i, lumusong, doon sa lan~gis na cumuculong hatol na itinatadhana niyong Gobernador.
Ang cahalimbaua ay lumusong lamang sa isang masarap niyang paliguan, dinálitang lubos yaong camatayan tikis na sumugbang di kinilabutan.
Huag na masira lamang ang caniya na matibay bagang pagsampalataya, at dalisay na pagca Vírgen sadya huag madun~gisan buhay ma,i, mapaca.
Caya,t, ang hinin~gang tan~ga,i, n~g mapatid ay kinamtang lubos ang tua sa Lan~git, cahirapan niya ay ginanting bihis n~g Amang lumalang nitong sandaigdig.
=SANTA AGUEDA MARTIR=
Ang Virgen at Martir na Santa Agueda doon sa Palermo ipinan~ganac siya. Ciudad n~g cahariang Cecilia yaong pagcatauo,i, doon nakilala.
Namamahala n~ga n~g panahong ito,i, casalucuyang Emperador Decio, n~guni,t, si Agueda,i, magandang totoo ay di nabubuyo sa layaw sa Mundo.
Ang Amá at Ina,i, capua binyagan at mahal na lahi ang pinangalingan caya ang Anác ay pinaturuan n~g Amá at Inang marunong magmahal.
Niyong sarisaring carunun~gang angkin bakit may talagang cabaitang kimkim loob ay banayad at sadyang mahinhin sa tanang dalaga ay isa nang ningning.
Pagsapit sa ica dalauang pung taón n~g caniyang búhay bagáng linalayon, yaong cagandaha,t, loob na hinahon maban~gong bulaclac ang siyang caucol.
Caya n~ga,t, naacay sa gauang pagsinta ang Gobernador doon sa Cecilia, na si Quinciano ang pan~galan niya at moli,t, moli n~gang sumasamo siya.
Na tangapin yaong caniyang pag-ibig n~guni,t, si Agueda,i, tumanguing malabis, pagca,t, inialay ang pusò at dibdib sa Dios na Hari nang lupa at lan~git.
Ang pagca Vírgen niyang iniin~gatan ay di dinun~gisan magpacaila man, bakit si Quinciano,i, hindi binyagan at di sumasamba sa Dios na tunay.
Sa hindi pag-ayon sa iuing pag-ibig niyong si Aguedang may pusong malinis, si Quinciano n~ga,i, nagtaglay nang galit maálab na lubhang apóy ang caparis.
Inacala niyong Gobernador naman butihing dalaga ay pag-higantihan, nang dusang malabis at cadahilanan ay yaong nasapit niyang cahihiyan.
At agád-agád n~gang ipinatauag na doon sa hucuman yaong si Agueda, at pinagsabihang huag na sumamba sa cay Jesucristo at sumpain niya.
Dagling kilalanin at sambahin nito ang man~ga Dioses na pauang idolo, na sinasamba nang hindi cristiano,t, iguinagalang doon sa Imperio.
Nang sa cay Aguedang madin~gig ang utos ay sa Gobernador pagdaca,i, sumagot, ang loob mong iya,i, di co masusunod pagca,t, aco,i, ualang ibang Dinidios.
Cundi yaong tunay na si Jesucristo sa akin ay siyang may aring totoo, iyaring boong puso at calulua co alay sa caniya caratnan ma,i, ano.
Tunay acong hindi macahihiualay sa caniya, anomang aking caratnan, ay tumutol naman yaong tampalasang Gobernador bagáng sadyang calupitan.
At pinagbalaan yaong si Agueda na palalapatan nang labis na dusa, caya n~ga mapilit na sumunod siya sa iniuutos na man~ga pag-samba.
Sumagot na di man nagulumihanan at ipinahayag nang Virgeng matapang, na cahima,t, siya,i, alisan nang buhay ang utos na yao,i, di magagampanan.
Lubos ang caniyang pagsampalataya sa cay Jesucristo, at pag-ibig niya, matuluyang kitlin ang tan~gang hinin~ga yaon ang Dios niyang kinikilala.
Ipinatauag na niyong asal hayop na si Quinciano, ang man~ga verdugos, ni Santa Agueda ay ipinag-utos na pagtatampaling lacas ay iubos.
Cung matapos nama,i, canilang cayurin niyong man~ga cucong hayap na patalim ang boong catauan nama,i, sayaran din nang lapád na tansó at bacal na tambing.
Na pinapagbaga,t, saca pinaputlan nang dalauang suso niyong tampalan, ang tanang caharap ay kinilabutan sapagca,t, lumabis yaong calupitan.
Doon sa Vírgen ni Quinciano bagá caya,t, ang lahat nang doo,i, nacakita, sa gayong pahirap cay Santa Agueda muc-ha,i, di nagbago,t, lalo pang sumaya.
Ipinaculong na yaong bunying Martir sa bilanguan n~ga na lalong madilim at di malalao,t, pilit makikitil ang buhay sa gayong hirap na inatim.
Anopa at cusang lumiuanag naman ang sadyang madilim bagang bilanguan, at dumating doo,t, napakitang tunay ang malualhating Apostol na hirang.
Na si San Pedro,t, namasdan n~g lahat na biglang gumaling ang lahat n~g sugat, n~g cay Santa Aguedang catauang hayag na tila uala ring dinamdam na hirap.
Si Quinciano n~ga,i, bagcus pang nagalit sa bagay na yaong caniyang nabatid, at ipinag-utos n~g lalong mahigpit caladcaring hubad na bigyang pasakit.
Doon sa lupa n~gang sadyang sinabugan n~g maraming bága,t, man~ga bubog naman, ang utos na yao,i, agád ginampanan n~g man~ga verdugos na pauang sucaban.
N~guni at natacot yaong palamara at lihim na ipinadala ang Santa, doon sa bilangua,t, dahilan bagáng malacas na lindol ang nacabalisa.
Sa boong Ciudad at nan~gaglagpacan yaong man~ga bató na ikinamatay, ni Silvino saca ni Palcomio man caibigan niya,t, casama sa bahay.
Martir ay bahagya lamang humihin~ga sa catacot-tacot na pagcaparusa, n~g sa bilanguan ay naroroon na nanalan~gin na n~ga ang mahal na Sánta.
Pan~ginoong co aniyang Jesucristo yayamang aco po ay iniibig mo, at di itinulot na yaring loob co,i, mauili sa man~ga paraya n~g Mundo.
Ay marapatin po na tangapin mo na n~gayon yaring aking abang calulua, at mamatay naua aco sa pagsinta sa iyo Dios co,t, macandiling Amá.
Dinin~gig n~g Dios ang gayong dalan~gin caya n~ga,t, ang tan~gang hinin~ga,i, nakitil ni Santa Agueda,t, kinamtan noon din yaong lualhating ualang hangang aliw.
Anopa,t, natapos ang lahat n~g hirap nahaliling tua nama,i, ualang capas, yaong Virgeng Martir na lubhang mapalad n~gayo,i, na sa lan~git na puspos ang galac.
=SANTA TEODORA MARTIR=
Niyong Emperador si Deocleciano nag-utos sumamba sa man~ga Idolo, ang man~ga binyagan na cahima,t, sino ang balang sumuay papanaw sa Mundo.
Caya n~ga,t, ang isang butihing dalagang Anác tauong mahal sa Alejandría, siya,i, nagn~gan~galang si Teodora na sa Idolos ay aayaw sumamba.
Dahilan sa gayong guinauang pagtangui ay ipinaculong ang abang babaye, doon sa bahay n~g man~ga ualang puri na sa cahalaya,i, pauang nauiuili.
N~guni,t, inin~gatan din naman n~g Dios at isang soldado ang doo,i, pumasoc, n~gala,i, si Didimo na binyagang lubos ang siyang sa silid niya ay naglagos.
Sa Santa at Martir cung caya tumun~go siyang cailan~ga,t, ang uica,i, ganito, huag cang matacot sa pagparito co at aco,i, cristiano ring caparis mo.
Caya sa silid mo kita ay linacbay ang calinisan mo,i, nang di madun~gisan, pagpasoc cong ito,i, ualang ibang pacay cundi sa nais co na mapag-in~gatan.
Iyang iyong puri caya tangapin mo at siyang isuot ang damit na ito, na cagayacan co sa pagcasundalo at lumabas ca na,t, magtagong totoo.
At aco ang siyang dito,i, matitira na mahahalili,t, upang maligtas ca, sa capahamaca,t, sa payong maganda ay agad pumayag din si Teodora.
Dagling isinuot na n~ga yaong damit na pagca-soldadong cay Didimong gamit, ang Santa,i, lumabas sa naturang silid na cahima,t, sino,i, ualang nacamasid.
Nang sa Emperador na mapag-alaman yaong pagcauala sa culun~gang bahay, nang man~ga babayeng búhay na mahalay ni Santa Teodorang loob na timtiman.
Pagca,t, hinalinhan siya ni Didimo caya nacalabas na hindi naino, siyang hinatulan na putlan nang ulo yaong nagpahiram nang damit soldado.
Mapagtalastas naman ni Teodora na si Didimo ang kikitlang hinin~ga, ay siya,i, tumacbong humabol pagdaca hangang sa dumating sa lupang talaga.
Na doon ang laang puputlan nang ulo yaong humaliling bayaning sundalo, aniya,i, ang dapat patayin ay aco alang-alang naua sa cay Jesucristo.
Yaong si Didimo ay sumagot naman uica,i, di matuid ang hiling mong iyan, sapagca,t, icaw ay aking hinalinhan aco n~ga ang siyang dapat na mamatay.
At yayamang iyong ipinagcaloob sa akin, ay dapat buhay co,i, matapos, n~guni,t, tumutol sa gayong palasahot si Santa Teodora at ang isinagot.
Ipinayag co n~gang aco,i, halinhan mo nang upang maligtas lamang ang puri co, sa capan~ganibang daya nitong Mundo doon sa bigay mo na damit soldado.
Hindi co ipinagcaloob sa bagay na hahaliuhan mong icaw ang mamatay, na magcamit niyong calualhatian niyong pagca-martir na sa aki,i, laan.
At hindi co han~gad mabuhay sa Mundo Hucom na malupit n~g madin~gig ito, pinaputlan yaong dalaua nang ulo ang hirang na man~ga alagád ni Cristo.
Siyang pagcatapos nang búhay na hiram nang dalauang Martir sa lupang ibabaw, at doon sa gloria,i, guinanti naman nang di matatapos na caligayahan.
_Apat na pung sundalong Martir_
Man~ga Mártires n~ga na pinan~gan~ganlang de Sabaste yaong soldadong binyagan, apat na pung husto yaong cabilan~gan na hindi miminsan na pinahirapan.
Sa pagca-bilango nang isang malupit na Gobernador n~gang di nagdalang hapis, n~gala,i, Agricoláo nang nagbigay sakit sa banal na man~ga sundalong mabait.
Doon sa Sabaste nangyari nang una Ciudad nang cahariang Armenia, ang man~ga soldado,i, nang pahubaran na niyong tampalasa,t, ipinag-utos pa.
Na magdamag niya na ipinababad sa paliguan n~gang laang pangpahirap, na punó nang tubig lamig ay di hamac na pinahamuga,t, namumuong cagyat.
Dahil sa taglamig noon ang panahon caguinaua,i, halos ualang macaucol, ang di macatagal utos ay umaho,t, sa malahinin~gang tubig pumaroon.
Yao,i, siyang tandang tumatalicod na sa Dios na dati nilang sinasamba, ito ang tadhana sa sino mang siya na man~ga soldadong binigyang parusa.
Niyong hating gabing sadyang calaliman na yaong hinin~ga,i, papanaw na lamang, nang man~ga bayaning Mártires na tunay at para-para nang nagsisipan~gatal.
Sa malaking guinaw, n~guni at namalas na sa paligua,i, biglang lumiuanag, nakita nang isang bantay na caharap na hindi binyagan ang hiuagang ganap.
Na ang maligayang doo,i, pagpanaog nang mapag-candili na Poong si Jesús, na galing sa lan~git at humintong lubos sa tapat nang Martir na man~ga soldados.
At ipinag-utos sa casamang tanan na man~ga Angeles na pauang putun~gan nang isang corona balang isa naman nang man~ga Mártires na man~ga mamatay.
Tan~gi yaong isang loob na mahina na sa parusahan ay umahong cusa at di na mahintay ang coronang handá na sa gayong dusa ay ganting biyaya.
Pusò ay nagtaca,t, nagulumihanan at nagbalic loob sa Dios na tunay, yaong di binyagang doo,i, nagbabantay dahil sa himala niyang napagmasdan.
Ginaua pagdaca ay siya,i, naghubad at taos sa loob na ipinan~gusap, na cristiano siya sa tanang caharap at sa paliguan ay lumusong agád.
Di lubhang nalaon naman ay namatay caya maligayang caniyang kinamtan, ang sa pagca martir na coronang hirang sa sandaling hirap tua,i, ualang han~gan.
Ang mahinang loob na di nacabata n~g sandaling hirap alang-alang bagá, sa cay Jesucristo at humanap siya n~g guinhauang tubig na malahinin~ga.
Nang macaraan na yaong ilang araw siya nama,i, cusang nakitlan n~g buhay, ay napacasama,t, dusang ualang hangan doon sa Infierno ang kinahinatnan.
Capagca-umaga ay ipinag-utos ni Agriculáo n~ga sa man~ga verdugos, na ang man~ga Martir na man~ga soldados na sa paliguan hirap ay malubos.
Na pauang balian namang para-para niyong man~ga hita at tipunin sila, sa siga,i, sunuguing lahat capagdaca ito sa verdugos ang babala niya.
Ang pinacabata,i, canilang bayaan sa man~ga Mártires na pinarusahan, na si Meliton n~ga ang siyang pan~galan sapagca,t, canilang nakita pang buhay.