Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona
Part 2
Inupatan na n~ga n~g lilong caáuay niyong catha-catha na cabulaanan, Margarita, anya ay iyong tigilan iyang malabis mong m~ga cabanalan.
At ang sa tahana,i, lagui mong pagligpit tunay na di ayon sa taglay mong bait at ang malabis mo na pagpapasakit sa iyong cataua,i, tantong nalilinis.
Gayong gaua,i, isang laking calupitan para cang tikis nang nagpapacamatáy, di ucol higpitan at ang cailan~gan bigyan mo nang luag at capanahunan.
Upang magcaroon nang camunting lacas nang may ipag-tangol sa araw na dapat, na cailan~ganing mamaya ó bucas ay di mahahapo na caagád-agád.
Lubhang masisira ang cabaitan mo cung magpacahirap nang di mamagcano, ang dapat mong gauin sa panahong ito cataua,i, in~gata,t, lumauig sa Mundo.
Yamang lubos namang pinatauad ca na nang Dios, sa lahat nang gaua mong sala, ay ano ang iyong alalahanin pang cataua,i, higpitan at mag-penitencia.
Sa umang na silo,i, di lubhang naghirap na ipinapain niyong si Satanas, at napagkilala na caagád-agád ang gayong pagdaya at man~ga pag-upat.
Napakikita pang conua ay Angel nang caliuanagan, ang siyang cahambing, ay si Margarita,i, naghiganting tambing sa capan~gahasan niyong si Lusifer.
Pinapag-ibayo nang higuit sa una yaong dating gauang pag-pepenitencia, capacumbaba,i, pinapag-ulol pa ayon sa hatol nang Evangelio bagá.
Isang araw siya,i, lalong sinigasig nang tucsong marahas na sacdal nang lupit, caya n~ga cay Jesús naghihinanakit niyong hinanakit na caibig-ibig.
Sa lubhang masintang Amáng mananacop na sa nacadipang larauan sa Cruz, n~guni,t, minarapat aliuin ang loob nang mapagcalin~gang mahabaguing Dios.
Na ang uinica sa caniya,i, ganito na magpacatapang icaw ó Anác co, cahima,t, marahas ang cabacang tucso ay di mangyayaring manaig sa iyo.
At aco,i, narito na iyon casama sa lubhang mahigpit na pakikisama, at magmasunurin sa payong maganda sa umaácay sa iyong calulua.
Huag matacot ca,t, ilagay sa akin ang gracia ay iyong catibayang kimkim, huag sa sarili ay umasang tambing ang nasang tagumpay nang upang tamuhin.
Sa cay Margaritang biyayang kinamtan bilis nang pagtacbo niyong cabanalan, sa landas lalo na,t, ang tucsong caauay ay inuusig siya,i, bagcus tumatapang.
Cusang lumalalim yaong man~ga ugat nang capacumbabaan n~gang hindi hamac, lalong nahihilig at minamasarap ang pula at caalipustaang lahat.
Sa hindi pagkibo niya,i, nagcatacá sa lahat nang namamayan sa Cortona, ibig niya,i, itapo,t, pagbatuhan siya na ang ualang casing-sama ang capara.
Na catulad niyong sa Infierno galing dan~gan ang Confesor ang nacapipiguil, siyang humahadlang na di dapat gauin ang nasa niyang yaong ibig na asalin.
Cundi pinupuing ang gayong adhica na isang totoong pagpapacababa, sa man~ga lansan~gan siya ay gagalang may tali sa liig, at ilalathala.
Ang nan~gacaraan niyang pagcasinsay at ang nan~ga gaua niyang casalanan, upang matalastas nang lahat sa bayan ang malabis niyang man~ga catacsilan.
Di cung magcagayo,i, huhulihin siya cuculan~gin siya,t, doon isasama, sa man~ga babayeng masamang talaga na linalapatan nang man~ga parusa.
Ang dakilang yaong capacumbabaan ni Margarita, ay kinuhang uliran, ang caniyang laguing pag-gugunamgunam nang cay Jesucristong man~ga cahirapan.
Sanhi n~ga sa ating na icagagaling ay inalipusta,t, dinuahaguing tambing, niyong man~ga Judio, n~guni,t, di pinansin binatá at upang tayo ay sacupin.
Lalong sa loob niya ay nacabubuhay yaong sa sariling pagninilay-nilay, sa Vírgeng Ináng man~ga casakitan sa nagdusang Anác na mapagpalayaw.
Na sinasacdalan nang boong pag-asa sa anomang man~ga cailan~gan bagá, isang araw nama,i, dinilidili niya tanang cahirapang di suca,t, mabatá.
At dahil sa atin ay laking pag-ibig ni Jesús, ang madlang dusa ay tiniis, moli pang kinamtan ang tuang malabis sa pagdalaw niyong Amáng na sa lan~git.
Noon hinatulang siya ay lumaan sa cacabacahing man~ga cahirapan, at lubhang marahas na caralitaan ang daranasin mo hangang nabubuhay.
Tulad sa pagtunaw n~g guintong malinis na dinadalisay ang uring malabis, hangang may camunting dumi inaalis nang upang tumaas ang mithing kilatis.
Dadalisayin n~ga n~gayon ang puso mo nang pakikilaban sa dahas nang tucso, catacuta,t, sákit ay laan sa iyo gutom cauhaua,t, pagluhang totoo.
Cahubara,t, pag-iisa,t, pagpapasan nang Cruz, ang iyong mapagdaranasan, upang macapasoc sa calualhatian ani Margarita, aco,i, nalalaan.
Naririto aco ó Pan~ginoong co titiisi,t, alang-álang po sa iyo, tunay cong pag-ibig ay cahit ang Mundo,i, igauad sa aking hirap mang gaano.
¡Dios co! ay sino ang tatangui caya sa aking babathing man~ga paralita, na di pa anino nang hirap mong madla at dahil sa akin ay inalipusta.
Sa ganong pagdidilidiling mataman nang ganitong hirap ay nanghihinapang, at mapayapa niyang pinagtitiisan ang pagcasiphayo,t, caalipustaan.
At si Margarita minsan ay pinuspos nang isang babaye nang mura,t, pag-ayop, na nacapagbigay nang masamang ayos na halimbaua sa matáng nanonood.
Sa bagay na siya ay dapat lumaban ikinatua nang caalimurahan, at binigyan pa niya nang catuiran ang guinauang yaong catampalasanan.
Gayon ma,i, ang ganti niyang iguinauad sa sumirang puri na lubhang pan~gahas, ay pinadalhan pa nang lalong marapat na alay na doon sa cubo nagbuhat.
Capag nagdaramdam ang sarili niya niyong sa babayeng guinauang pagmura, na di catuiran ay caracaraca,i, nagpipiguil itong mananahing Santa.
Minsan man ay hindi nasoc sa sarili yaong pan~gun~gusap na paghihiganti, at hindi ninasang bumigcas nang sabi na laban sa gayong man~ga pagca-api.
Di nagpapakita nang tandang anoman nang tungcol sa man~ga gauang cagalitan, na sa pagbabata,i, maguing caculan~gan at siyang totoong pinaglalabanan.
Tunay na sinupil niyang di sa palá yaong sa catauang hilig na masama, na laguing pinag-cacahirapang lubhá yaong capurihang di ibig masira.
_Capitulo 6.°_
At cahima,t, gayong caayos ang asal tunay na caniyang di pinararaan, ang man~ga pagdulog sa lahat nang araw na nagcucumpisal at nakikinabang.
Tanang camalian lalong maliliit ó ang caculan~gan ay isinusulit, marahil ang tauong hindi nag-iibig nang ganoong gaua,i, magtatacang labis.
Dahil sa malimit na man~ga pag-tangap niyong man~ga Santo Sacramentong uagas, gayon cung magsabi yaong man~ga tamad sa gauang magaling, matamlay gumanap.
Sa pagcucumpisal na laguing pag-dulog sa confesonario na aua ang handog, sa tauong may man~ga taimtim na loob sa nin~gas nang nasang calugdan n~g Dios.
Sa pagkita niyong man~ga caculan~gan agád hinahanap ang caliuanagan, na di napupuna nang ibang ang layaw sa Mundo, ang laguing na sa gunam-gunam.
N~guni,t, sa matibay ang sampalataya ang confecio,i, taga pamatnugot nila, siyang bumubuhay niyong calulua nang macasalanan na patáy sa gracia.
Capakinaban~gan nila sa madalas na pag-cucumpisal gracia,i, nag-dagdág, at tinatalicdan yaong gauang linsad at ang calooban ay napapanatag.
Sanhi sa pagtangap nang capatauaran sa man~ga nagaua niyang casalanan, at sa calulua,i, nag-ninin~gas naman apóy nang pag-ibig na lalong dalisay.
Cung sa ating pusò naman ay mag-alab ang buhay na sampalataya at uagas, pananalig saca pag-ibig na tapat ang calulua at gracia,i, matatangap.
At doon dudulog sa mahal na dulang nang pagcain niyong mahal na tinapay, nang man~ga Angeles, na di matimban~gan yaong caáliua,t, pag-papahinapang.
Sa paglacad nila na pasan ang Cruz sa mahal na piguing niyong mananacop, nagbibigay lacas at sigla nang loob nang sa Mundo,i, bilang nilang pagtalicod.
Cusang paghahandog sa Dios na Amá nang pagca-totoong man~ga lingcod sila, at sa canin~gasa,i, lubos ang pag-asa sa dibdib, nang nasà sa tuituina.
Na sa balang oras ay laguing tangapin si Jesús, sa Hostiang doo,i, nahabilin, at manaca-nacang iniuurong din ang pag-cocomunio,t, ala-ala dahil.
Ang di n~ga carapat-dapat magpatuloy sa caniyang pusò, yaong Pan~ginoon, na ang camahalan ay ualang caucol nang calac-ha,t, ualang capantay na dunong.
Sa pakikibacang capacumbabaan at yaong malaki niyang cagutuman, sa pagcain nang camahal-mahalang Maná, ang totoong ikinahahambal.
Cung minsa,i, totoong mahigpit na lubha ang loob, at sanhi nang ilinuluha, nang di cacaunti at lubhang sagana n~guni at inaliw nang Poong dakila.
Na huag matacot ó Anác cong hirang at huag lumayo sa laang cong dulang, sinomang tutun~go ditó,i, nag-tataglay nang dakila,t, ucol bagáng calinisan.
Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento n~guni,t, ganap naman ang calinisan mo, ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ¿ano sa ualang sakit ay anhin ang médico?
Cundi sa talaga na may man~ga damdam doon ang médico,i, kinacailan~gan, sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay ang totoong lunas ay masusunduan.
Nang magpipighati,t, magtatamong galác ang man~ga mahina ay magsisilacas, at magsisitapang ang man~ga douag maestro at Amá sa han~gad na Anác.
Sa man~ga oveja,i, maauaing Pastor masintahing Hari sa lahat nang campon, at sa man~ga duc-ha,i, tan~ging Pan~ginoon at bucal nang cagalin~gan di sang-gayon.
Nang upang mangyari na tangapin niya ang sinoman sa di mamagcanong gracia, na ibinubobó ni Jesús na Amá niyong cagalin~gan niyang ualang hanga.
At sa calulua na masusunduan yaong cagalin~gang sa caniya,i, laan, ucol sa pag-gayac siya,i, hinatulan niyong pagtangap sa mahal na catauan.
Sa dakilang sala,i, di lamang malinis, cundi sa lalo mang salang maliliit, biling cailan~gan lamang ang pagligpit sa isang maáyos na pananahimic.
Lumayo sa lahat nang capopootan nang matá nang Amáng macapangyarihan, dapat na taglayin ang pang-hihinapang nang sa lan~git bagáng man~ga cahatulan.
Caya n~ga at nagdudumaling dumulóg si Margarita, sa pagtangap cay Jesus, at siya,i, hindi na lumayó pang lubos at nag-gunamgunam nang sa puso,i, taos.
Ang di pagcarapat at caralitaan sa caniya, ay siyang nagpasulong bilang doon sa pagtacbó nang batis na tunay nang pagca-dakila at niyong calac-han.
Sa paghahanda ay nagsisicap siya nang icagagaling niyong calulua, at isang mahusay na tahanan bagá nang ualang capantay na Hari at Amá.
Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios na si Margarita nang hindi masayod, na catamisan, at darakilang lugod nang camahal-mahalan n~gang Mananacop.
Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t, nagbibigay nang biyayang mahalaga, nakikipanayam sa cay Margarita sa pananalan~gin niya sa tui na.
Santang mananahing ito ay cung minsan nag-hihinanakit niyong catamlayan, nang loob, sa gauang capalamaraha,t, masamang pag-ganti n~g macasalanan.
Na hinuhulugan ang pusong parati, n~g tanang caniyang m~ga penitente, n~g isang manin~gas na nasang malaki,t, calualhatian n~g Dios na casi.
Sa di mabilang na pagcagaling-galing n~g man~ga saliuang capalarang angkin, parang tumatacbong bulag ang cahambing sa capahamaca,t, ualang hangang lagim.
Namamagitan n~ga ay si Margarita,t, siyang humahandog na magtiis siya, dahilan sa gauang catacsilan nila ang hirap sa Mundo ay di alintana.
Madalas sabihing aniya,i, Anác co niyong Pan~ginoon nating Jesucristo, aniya,i, di bagá napagmamasdan mo ang lagay n~g lupang ito cung paano.
Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran niya, n~g malaking catampalasanan, ang m~ga pag-ibig, niyong catamlayan man~ga pagsiphayo,t, caalipustaan.
May man~ga asauang cusang humahandog sa cahalayan n~gang cakilakilabot, ang binata namang nagbibiling lubos niyong calulua, sa camunting lugod.
Ang hiyas na taglay niyang calinisan n~g man~ga binata,t, n~g may asaua man, napabibihag sa ualang casaysayang pagmamarikit na laking casiraan.
Na caugaliang batis niyong sama niyong libolibong man~ga pagdaraya at saca n~g m~ga casalanang paua na sanhi n~g man~ga pagcapan~ganyaya.
Cung may naliligtas ditong man~ga ilan sa bahang mabilis n~g gayong casamán, napaalipin sa caparan~galanan sa hamac na pitang man~ga capurihan.
At gayon din sa pag-dedevoción at sa malimit man na pagtangap tuloy niyong Sacramento ni Jesús na Poon ay boong capacumbabaan ang ucol.
¿Paano ang lagay cayang inaasal n~g ibang may hauac niyong catungculan, na hucom, na nagbibili n~g catuiran at inaapi ang ualang casalanan.
O dahil sa suhol at pagsamong gaua ó sanhi sa cayamanang di sapala, n~g m~ga campon n~g sakim na adhica na man~ga tauo n~gang hindi nahihiya.
Na maghandog niyong inciensong bulaan na puring cunua sa may catungculan, gayon din ang man~ga naghahanap-buhay na di ginagauang hustong catuiran.
Saca yaong lahat nama,i, dinadaya n~g upang macamtan ang anomang nasa ang cabulaana,t, pagpapan~ganyaya at man~ga paraang iba,t, ibang gaua.
Ang di nahahabag na sinoman siya sa man~ga bao co at man~ga ulila na ualang mag-ampon at saca bagcus pa na cusang ginahis nilang tinalaga.
Tanang pag-aaring nan~gadayang lalo sa canilang lalang na pagpapatubo ¿paanong ang lan~git caya,i, ibububo ang gracia, sa man~ga tampalasang pusò?
Na di pansin yaong man~ga casalanan loob ay matigas cung sa cabandayan yao,i, isang moog na nacahahadlang n~g sa Dios bagáng man~ga caáuaán.
Yaong man~ga yaman ó aring linupig sa apong ulila pamangkin mang cahit, maguing sa ibá ma,i, ibigay mong pilit sa payapang landás nang di ca malihis.
At huag mo sanang ilicmo sa nasa na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa, cung malinlang mo man ang iyong capua ang Dios ay hindi mo na madadaya.
Masasarapang ca hangang guinugugol yaong yamang hindi icáw ang nagtipon subali,t, pagdating n~g tacdang panahon icáw ang sa dalita naman ang tataghoy.
Ang iguinagalang na pantas mong isip na ang lalong lico ay pinatutuid, darating ang araw na ipag-susulit sa Hucom na di ca macapaglilic-lic.
Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t, ang huling darating ay di ala-ala, ipinapalit mo sa munting ligaya ang Lan~git na ualang catapusang saya.
Cung gayon ang iyong acala icaw sa iyong sarili ay madarayaan, ang camatayan mo,i, mabuti na lamang cung di magtumuli,t, hacbang ay dumalang.
Sa cay Margarita,i, itong hinihiling na iniluluhog nang boong dalan~gin, nang macalilibo na liuanagan din ang malabong isip, ito,i, siyang daing.
¡Yaong man~ga aba na saliuang-palad ikinahahambal niyang dili hamac, yaong casalanang napag-tatalastas na di pinapansin niyong man~ga sucab.
Ang hindi sa palang man~ga catacsilan ay iguinaganting pinagbabayaran, sa catauan niya,t, pinahihirapan parang siyang tunay na may casalanan.
Sa guitna nang gayon napagpapasakit sa sarili niya nang calupit-lupit, na pagpaparusang cusang tinitiis sa catauan niya nang calait-lait.
Tanang capaitan sa caniyang loob at lalong masaclap na dusta,t, pag-ayop, ay dinadakilang sa pusò ay taos sa cay Jesucristo ay pag-sintang lubos.
Nagsasacdal siya sa icaaáliw niyong Isang Reyna na ualang cahambing, ualang bahid dun~gis at saca sa Angel nating taga tanod ay idinadaing.
Ipinamamanhic sa magpacalin~ga na Vírgen María na Iná nang aua, sa tanang Angeles sa lan~git na madla ay isinasamo nang boong pagluha.
Madaling pagdin~gig ay napagkilala sa lahat nang man~ga carain~gan niya, loob niya cung minsan ay binuhay pa sa pag-papanayam at pagdalaw bagá.
Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban nang Dios, nang graciang camahal-mahalan, bagong Magdalena ang siyang cabagay nang cay Margaritang biyayang kinamtan.
Sa pag-gaua niya nang man~ga himala sa matining niyang pagpapacababá, ayon sa caniyang matibay na nasa na pagpapaualang halaga sa lupa.
Cailan~gang gauin sa harap n~g lahat na maguing paraang macahihicayat, camay sa may sakit ay naguiguing lunas na capagnahipo,i, gumagaling agád.
Gayon ma,i, di siya pinaghihirapan n~g nan~gagnanasa capagnadain~gan, tungcol sa alin mang gauang caauaa,t, di han~gad gantihin n~g anomang bagay.
Bagcus dumadalo na caracaraca sa may cailan~gan na sinoman siya, sa capua tauo,t, cagalin~gan niya at capayapaa,i, linilisan muna.
_Capitulo 7.°_
Dalauampu,t, tatlong taón ding guinanap ang pagsasanay sa pagpapacahirap, at pananalan~gi,t, pag-ibig na uagas ni Margarita, sa tumubos sa lahat.
At iba,t, iba pang man~ga cabanalan, na icararapat sa Poong lumalang, sarisaring gauang cagandahang asal na siyang totoong tunay na uliran.
Upang ipahayag yaong nalalapit n~g araw na dito sa Mundo,i, pag-alis, at n~g salubun~gin n~g nan~gapipiit sa purgario,t, mahan~go sa sakit.
Dahil sa hirap at pag-pepenitencia at pananalan~gin sa tuituina at man~ga pagluhog sa Dios na Amá bilang bayad doon sa canilang dusa:
Sa pagmamasakit na hindi cauasa sa iguiguinhauang tunay niyong madla niyong m~ga caluluang pinagpala sa icacacauas ay handog na paua.
Nang natitira pang casalanang bahid ay binabayaran niya n~g pasakit n~g minsa,i, tatlong buhay na napatid na idinadalan~gin sa Dios sa Lan~git.
Yao,i, di nag-iuan n~g mabuting tanda na sila ay napacagaling na cusa, ay naguing dapat ding siya,i, pakingan n~ga ni Jesús, at tuloy ipinaunaua.
Na ang calulua n~g tatlong namatay uala sa Infierno,t, nagtitiis lamang, n~g ban~gis n~g madlang man~ga cahirapan ayon sa mabuting man~ga cahatulan.
At dahil sa Hucom na lubhang matuid saca sa pagdalaw n~g man~ga Angeles, halos ualang sucat icaásang labis sa icagagaling na canilang nais.
N~guni, sa pan~gahas na man~ga acala, niyong man~ga tauo na nan~gabibigla ay na sa Infierno ang canilang haca na hinahatulan agad yaong capua.
Sa bagay talos nang man~ga cahirapan n~g nan~gapipiit sa calumbaylumbay, na sinasapit nang na sa bilanguan na dusa, sa gaua nilang casalanan.
Maipahayag na sa caniyang matapos n~g lubhang dakilang mahabaguing Dios ay totoo niya na ikinalugod ang gayong balitang caniyang natalos.
At saca muli pang idinaing nito ang man~ga capalamarahan nang tauo, dahil sa casamán nilang di gaano ang hampas sa bayan ay ibinubunto.
Para bagá bilang na napipilitan yaong pagbulusoc n~g casacunaan, at ayaw umulat nang nan~gamamayan ang matá, sa samang dapat na ilagan.
Niyong masabi na sa cay Margarita ang tantong mapalad na pagpanaw niya, sa Mundo, ay tunay na nanghihina na sa higpit nang man~ga pag-pepenitencia.
Yaong natutupoc mandin ang cauan~gis sa alab n~g apoy n~g laking pag-ibig may maliuanag man siyang nalilirip niyong cagalin~gan niyang ninanais.
Hindi dahil dito ay pinabayaan ang man~ga pag-gaua niyong cabanalan, yaong paghahanda at naaalaman ang catacot-tacot na huling pagpanaw.
Tinangap na hindi sucat na masayod nang cataimtiman sa caniyang loob, ang biático n~gang casantusang lubos nitong bunying Santang catoto n~g Dios.
At sa loob niyong labing-pitong araw ay ualang kinain na cahit anoman, at ang ikinabubusog niya lamang ay ang sa Lan~git na man~ga caaliuan.
Na umaápaw sa caniyang calulua sa pagca-talastas na nalalapit na, yaong cauacasan niyong buhay niya,t, tutun~go cay Jesús niyang sinisinta.
At magpasaualang hanga,i, matatamo sa labi ay ualang bigcas cundi ito, man~ga pakiusap na di mamagcano sa camahal-mahalan niyang Esposo.
Yaong maicli n~gang man~ga panalan~gin na madagabdab na apóy ang cahambing, sa caniyang pusò ay di nagmamaliw ni camunting oras ay di nagtitiguil.
Araw na ica dalauang pu,t, dalaua nang Febrero,t, taóng isang libo,t, saca dalauang daa,t, siyam na pu,t, pito pa ay sa Santo Cristo,i, nacayacap siya.
Na nacadaiti ang labi sa mahal na sugat n~ga bagang na sa taguiliran, inihahabilin sa ualang capantay na Dios, ang calulua niyang papanaw.
Noo,i, apat na pu,t, ualong taón siya dalauang pu,t, apat na nag-penitencia, may nag-sasabi na ang Anác niya ay naguing banal din na Religioso pa.
Doon din sa Orden na cay S. Francisco na huli sa Iná na namatáy ito, n~guni,t, nang oras na pumanaw sa Mundo ang buhay nang Santa,i, nakitang totoo.
Nang isang dakila na lingcod nang Dios na ang calulua,i, umakyat na lubos, sa bayang lualhating ualang pagcatapos madlang calulua ang nacalilibot.
Sa pag-tatagumpay ay nan~gagsasaya at sa purgatorio,i, nacalabas sila, n~guni,t, yaong bangcáy nang mahal na Santa ay gumandang lalo cay sa n~g buhay pa.
Humahalimuyac ang labis na ban~go na naca-aáliw sa nacasasamyo, caloob nang Dios ang dan~gal na ito sa bangcay nang nagpacahirap sa Mundo.
Na sinagaua nang man~ga penitencia nang pula,t, paglait dusta at pagmura, cusang sinagasa,t, di inalintana ang lahat na yao,t, niualang halaga.
Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad ang balita niyong camatayang uagas, n~g malualhati na Santang mapalad gayong di mabilang ang nan~gacamalas.
Sarisaring tauo ang nan~gagsidalaw pagbibigay galang sa mahal na bangcay, niyong maralitang mananahi,t, bilang pagpapahalaga na dakilang tunay.
Niyong cabanala,t, sa di gagaano na pagcacatipon n~g maraming tauo, binabantayan n~ga ang cabaong nito sa pagsisicsican n~g nagsisidalo.
Upang mahadlan~gan yaong pan~gan~gahas nang nagnanacaw nang mithing Relikias, at saca canilang sinootang agad ang bangcay nang damit na pula ang bicas.
Ipinag-procesión sa man~ga lansan~gan sa Ciudad, sa lalong hayag n~gang daan, at ilinagac sa loob nang Simbahan ni S. Basilio sa bagong libin~gan.
Ang man~ga casamang nan~gag-libing dito,t, lahat nang Clerigo,t, man~ga Religioso, gayon din ang lahat nang man~ga guinoo doon sa Cortona, at dakilang tauo.
Macaraan naman ang may ilang taón ay itinago sa Simbahan din yaón, sa isang maran~gal na capilla ucol sa mahal na Santa,t, saca n~g manoynoy.
Niyong Santo Papang si León Décimo ang man~ga himalang dakilang totoo, na pamamag-itan sa maraming tauo sa Dios, nang Santang lubhang masaclolo.
Lalo pa n~ga niyong caniyang mamasdan na di nabubuloc ang mahal na bangcay magpahanga n~gayon cahit nacaraan ang bilang nang taóng higuit pitong daan.
Umayon sa galang na handog sa caniya,t, tinulutan naman ang taga Cortona, na ipinagdiuang ang caniyang fiesta doon sa Ciudad nang puspos na saya.
Cay Papa Urbano Octavong utos din na ilaganap cay S. Franciscong Orden, sinulat nang taong isang libo,t, anim na raa,t, dalauang pu,t, apat ang turing.
Na catunayan n~gang na sa casulatan sa man~ga beato,i, ipinakibilang, saca sa man~ga malualhating banal itong mananahi na Santang maran~gal.
Ang Santo Papa Benidicto Tercero ipinag-utos na ipagdiuang dito, n~g Santa Iglesia nitong boong Mundo sa kinabucasan nang pagpanaw nito.
Iniin~gatan n~ga n~g puspos na galang ang di nabubuloc na caniyang catauan sa kinalalagyang mahal na Simbahan, niyong man~ga Pareng Franciscanong tanan.
Tauag nang Simbahan ay binago nila na cay S. Basilio ang n~galan nang una, n~gayo,i, inihayag ang Simbahan bagáng sa babayeng bunying Santa Margarita.
Ito n~ga ang siyang dinaanang buhay nang babayeng hayag na macasalanan, na iniuan yaong man~ga casamaan at hinarap yaong man~ga cabanalan.
Gaya nang palaguing caniyang uicain na inuugali tuing dumaraing, sa cay Jesucristong Pan~ginoon natin nang pagpapakitang loob na magaling.
Pan~ginoon aniya,t, Ama cong mahal bakit ipinayag mo po caya naman, sa isang gaya co na macasalanan ang cahan~gahan~ga na cababalaghan.
At iba pang bagay na calooban mo naririn~gig naman ang sagot na ito, niyong Pan~ginoong nating Jesucristo cahalimbaua icaw nang lambat co.
Na ipanghuhuli nang macasalanan na nan~gahihilig sa man~ga casamán, na lumilipana sa Mundong ibabaw at nan~gag-uaualang bahala sa buhay.
Huag cang manimdim at lubhang marami ang macasalanan na nan~gag-sisisi, nag-pepenitencia cung madilidili ito,i, calooban cong biyayang malaki.
Di dapat na ipag-caloob sa iyo cundan~gan siya cong sinusunod dito, yaong mataimtim na pag-sisisi mo lahat namang ito ay naguing totoo.
Na ibinibigcas sa bibig na mahal ni Jesús na Poong sumacop sa tanan, na nagcacaloob nang lahat nang bagay, sa ating ovejang canyang kinapal.
At ito n~gang lubhang marikit na lambat na siyang sa atin ay humuling cagyat, sa dalampasiga,i, hangang sa masadsad nang isang magandang pag-sisising uagas.
Sa dakilang pag-babalic loob natin nang tayo,i, caniyang papaguing dapatin, magtamong graciang ualang pagmamaliw gaya nang caloob sa Santang butihin.
Niyong Amáng Dios na ualang capantay na lubos ang aua sa tanang kinapal, at si Margarita ang ating tularan tan~gisang ang ating sala,t, pag-sisihan.
Ipagmaca-aua natin at iluhog nang buong capacumbabaan cay Jesús, sa pamamag-itan tayo ay sumunod sa cay Margarita na magbalic loob.
¡Oh malualhating Santa Margarita na sa penitenteng naguing huarang ca, sa macasalana,i, ulirang talaga,t, caáliuang lagui sa tuitui na.