Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona
Part 1
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net. Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
CAHANGA-HANGANG BUHAY ni Santa Margarita de Cortona NA TAGA TOSCANA SA NAYONG DIOCESIS
=Cahangahangang Buhay=
Ni Santa Margarita de Cortona na taga Toscana sa nayon ng Diocesis at limang Virgenes, at apat na puong Soldados na pauang mga mártires at ibang nadamay.
_Hinango sa Año Cristiano at sa Librong_
_HISTORIA SAGRADA_
Na tinula n~g isang mauilihin na si
=Cleto R. Ignacio=
_Concepcion, Malabon, Rizal._
SIPI SA TUNAY NA LIBRO
1916
LIMBAGAN AT MGA AKLATAN ni _P. Sayo Balo ni Soriano_
Rosario 225, Plaza del Conde 1008, Binundok at Azcárraga 552, Tundo
Maynila. K. P.
=SAMO SA BABASA=
Icaw na may nasang mag-aliw sa buhay cung pinipilantic niyong calungcutan, munting abala mo,i, guguling igamlay sa handog cong cayang hamac na aliuan.
Sa iyong pagbasa,i, cundi macalasap nang minimithi mong lasang sadyang sarap, pasubalian mong isundo ang hanap upang ding palaring pita mo,i, matuclas.
Bagaman at mura cung sa biglang tin~gin hilaw at mapacla cung pag-uauariin, n~guni,t, cung totoong pacananamnamin ang tamis nang lasa,i, malalan~gap mo rin.
Dito sa mapalad na cay Margarita na naguing hantun~gan samâ niyong una, n~guni,t, n~g lumaon siya nama,i, isa na naguing uliran sa gauang maganda.
At ang limang Vírgen na man~ga Mártires at apat na puong soldadong nagtiis, n~g madlang pahirap at m~ga pasakit hangang sa ang tan~gang hinin~ga,i, napatid.
Pagca,t, ang binyagan na cay Cristong lingcod ikinatutuang buhay ay matapos, huag ang maturang maualay sa Dios tayo doo,i, dapat na umalinsunod.
Huag mo rin sana namang pagsauaan ang alay cong dahop na pinaglamayan, may bahagya ca ring mapapakinabang di lamang ibayong tubo sa puhunan.
Cung may tulang di mo mahulo n~g lining guipit ó masucal cung sa lalacarin, ang iyang pagbasa,i, pagcasiyasatin ang tunay na landas ay matutuclas din.
* * * * *
=Puno nang Salita=
_Capitulo 1.°_
Taóng isang libo at dalauang daan saca limang pu pa yaong calabisan, si Margarita n~ga ay siyang pag-silang sa bayang Labiano, niyong catauhan.
Sa Nayong Diocesis sa Chiusi ang tauag sa Toscana yaong unang pagcatanyag, ang Amá at Iná,i, mabuting tumupad nang pagca-cristianong canilang tinangap.
At may puring tauo na magpapaupa yaong guinagauang hanap-buhay nila, silang nagtuturo sa cay Margarita niyong bagay bagay na gauang maganda.
Na ayon sa man~ga cabanalang paua at natututo pa lamang nang bahagya, yaong Anác nila nang pag-sasalita iminumulat na ay cagalin~gan n~ga.
Tanang malumanay na pananalan~gin niyong may calin~gang Ináng nag-aángkin, sa cay Margaritang puso ay natanim caylan may di na mangyaring limutin.
At dinadasal niya nang cataiman caacbay ang puspos na cadakilaan, hagang huling taón niyang paglalabay sa cahapishapis at hamac nabayan.
N~guni at sa gayong casamaang palad ang may pitong taón bilang nang maganap, si Margarita ay naulilang cagyat sa mapag-palayaw na Ináng masicap.
Ang magandang gaua na naguing ca-acbay sa caniyang puso ay bigláng naualay, at ang pagcauili niyong pag-sasanay sa dating ugaling man~ga cabanalan.
Sa mauari niyong abang culang palad yaong pagmamahal nang Ináng lumipas, at ang casamaang hindi malalan~gap palagay nang aling di carapat-dapat.
Na naguing asauang cauli nang Amá lihis na pasunod nang di na mabata, laguing pinupucaw yaong ala-ala niyong pagmamahal nang naualang Iná.
Caya n~ga sa ibang bahay ay hinanap yaong pagmamahal na ibig malasap, cusang napadala sa maling hicayat nang catuaan, tubo ay dusang masaclap.
At hinarap niya yaong pamumuhay n~g isang lagalag at masamang asal, pagca palibhasa,i, nahihiyasan ang caniyang isip n~g catalinuhan.
Tan~gi sa caniyang cagandahang anyo ipinabihag ang caniyang puso, sa pagmamarikit n~g gumandang lalo at n~g cauilihan n~g magsisisuyo.
Nang m~ga lalaki na macamamalas ¡ay sa abang abá! n~g saliuang-palad, na uari ay hindi napagtatalastas, ang bun~ga n~g labis na m~ga pag-gayac.
At ang ualang taglay bagang cahinhinan na nacasisira niyong calinisan, ang cay Tertulianong acala,i, sino man di mangyaring maguing malinis na turan.
Gaya n~g dalagang pinipilit manding siya,i, cauilihan n~g matang titin~gin hindi calulugdan ni Cristong malasin ang nasang calugdang dito,t, panoorin.
At sa Pan~ginoong nagcacadalaua ay di mangyayaring maglingcod sa isa, at si Cristo,i, ayaw nang hahatiin pa yaong paglilingcod natin sa caniya.
Sa bagay na ito,i, sinasabi naman ni San Cipriano ang ganitong saysay, ¿nakikilala mo cayang cararatnan n~g iyong dakila na capan~gahasan?
Diyan sa pag-gayac na napacalabis at iyang gaua mo na pagmamarikit, nagcacasala ca sa Dios sa Lan~git na sa iyo,i, siyang lumalang na tikis.
Hindi mauauala ang caparusahan sa iyo pagdating nang tadhanang araw, huag mong sabihin sa akin ang icaw ay mahinhi,t, di mo han~gad ang calugdan.
Sucat na ang icaw ay ang macalimot sa man~ga gagauin na ucol sa Dios, at ang pagcauili sa iyong pag-handog sa bagay na ualang casaysayang lugod.
Dapat catacutan yaong cahatulan sa man~ga babayeng tantong nag-cuculang, nang sa pananamit nila,i, cahinhinan at ualang matuid na mag-sasangalang.
Cahi,t, uicain mo na ang calulua,i, di sa damit lamang napagkikilala, yaong calinisan, at si Margarita ito rin marahil ang sinabi niya.
Ang capan~gahasang yaon ang nagbulid sa capahamacang di sucat maisip hindi macasapat sa pagmamarikit yaong ari nilang caunting nalabis.
Di naman payagan n~g Amáng ubusin sa pagmamapuri,t, ualang uastong aliw, na masunod yaong camaliang hiling ay sa cahalaya,i, napadalang tambing.
Cahit sinisisi n~g caniyang Ama,t, binibigyan niyong hatol na maganda. nang caniyang ali,t, gahasa man bagá manacanaca ring inaralan siya.
Anopa,t, yaong caniyang cabataan ay naguing isa nang masamang hantun~gan, nang lahat nang canyang man~ga cababayan naguing parang isang sucal nang lansan~gan.
Ito na ang mula nang pagcaligalig niyong pag-nanasa sa napacalabis, na sa catauan niya,i, pag-mamarikit ang turo nang Ina,i, nalimot na tikis.
Si Eva ang tunay na cahalimbaua na sa paglilibang na ualang bahala, sa umang na silo,i, natuntong na cusa nang lilong Demonio,t, lubos na nadaya.
Ang man~ga dalaga,i, siyang caraniuan sa pag-mamarikit na nasang calugdan, nang capua tauo,i, ang cahihihatnan dinadala tuloy sa capahamacan.
Siyang pag-cahuli sa parayang pain nang cay Margaritang cabata-ang angkin, lugsong cabaita,i, hindi macapiguil bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim.
Binidbid ang gayong caparan~galanan nang lalaking tacsil na caugalian, nahulog sa ban~gin niyong cahalayan ang pag-mamarikit itong pakinabang.
Sa isang binata bagang Caballero malapit sa Ciudad nang Montepulciano, nabihag nang gandang paraya nang Mundo sa pitang mahalay ay cusang nabuyó.
Itinalaga na yaong calooban sa marumi,t, tacsil nilang pamumuhay, hindi na naisip ang sila,i, pacasal cundi ang lumaguing nagsama na lamang.
¡Oh saliuang-palad, na dalagang labis na napabibihag sa pag-mamarikit, icaw n~ga ang salot na ibinubulid yaong calulua sa icalalait!
Sa lahat nang bayan at man~ga Ciudad icaw n~ga ang lasong masidhing camandag, sa lubhang malabis na man~ga pag-gayac ay hindi mabilang ang nan~gapahamac.
Cusang uinaualang bahala na cahit talastas mang sala ang pag-mamarikit, ang capalaloa,i, pan~gahas at hilig sa pag-mamasagua niyong pananamit.
Sa cay Margarita,i, siyang nag-lupaypay ang labis na lubhang caparan~galanan, sa nasang tanghaling siya at calugdan ang puring napala,i, caalipustaan.
Yaong cagandahang ibig na tauaguing Venus at Floripes Diana,t, Abigael, ang muc-hang masaya,t, tindig na butihin mamumutla,t, lungcot ang pagmamalasin.
Ang mapanghalina na matáng mapun~gay at linindi-linding aliw nang lansan~gan, di mag-abot kisap ay mahuhumaymay, ang dating maningning lalabo sa tanan.
Mauaualang lahat ang lugod sa iyo nang tanang casuyo,t, nang cababayan mo, ang di magcamayaw na puri nang tauo lilipad na para lamang alipato.
Saca ang ulo mong pinamumutihan nang perlas, topasio,t, diamanteng makinang, na inaayos mong pinagpapagura,i, bun~gong butas-butas ang cahahanganan.
Capatid co,i, ano,t, natitiuasay ca parang di mo tanto ang bububóng dusa, ang uica mo yata,i, bucas macalaua madaling magsisi cung naroroon na.
Nagcacamali ca at di natin lining ang icatatapos nang hinin~gang angkin, mabuti cung hinay-hinay ang pagdating nang camatayan mo, at hindi biglain.
Ang cay Margaritang naguing pamumuhay hapo na sa gapos niyong cahalayan, at di napupuna sa caniyang paanán ang ban~ging malalim na cabubuliran.
Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios nang pait, ang man~ga mahalay na lugod, pinaparam yaong pacumbabang handog na capayapaang paconuaring dulot.
Manaca-naca ring pinag-cacaramdam ang nan~galalayong man~ga pamumuhay, sa Dios, at sila,i, tinutugtog bilang ang puso,t, ang maling gaua nila,i, lisan.
Ipinauauari ang pagca-pahamac nang nabubulagang na saliuang-palad, n~guni,t, sa udyoc nang caibigang linsad nag-uaualang kibo,t, uari di talastas.
Ang sa puso niya ay itinutugtog nang di naglilicat na aua n~g Dios, parang nan~gun~gusap na madalas halos cung minsa,i, ualin ding bahala sa loob.
_Capitulo 2.°_
Gayon n~gang nangyari minsang isang araw tinan~gisan niya yaong caugalian, na isang babayeng Anác ang cabágay na mapag-acsaya niyong cayamanan.
Tinicang magban~gon sa pagca-gupiling at lisan ang nin~gas na calaguim-laguim, nang Infiernong apoy na nasa ilalim nang paá niya,t, siya,i, laang sunuguin,
¿Ano ang nangyari sa cay Margarita napucaw sa himbing nang pagtulog niya, binigyan nang Dios nang cataca-taca na balitang siyang nagpaala-ala?
N~guni,t, para manding isang maliuanag na aral, na ualang casaysayang lahat, ang layaw sa Mundong icapapahamac malumanay namang siya,i, nakimatiyag.
Ipinauari nang masintahing Amá minsang isang araw sa cay Margarita, nang umalis yaong casintahan niya,t, sa bahay ay siya,i, naiuang mag-isa.
Ualang ano-ano,i, ang ásong maliit na babayeng caniyang alila,i, nadin~gig na tumatahol nang tila nananan~gis n~g cahambal-hambal na di mapag-isip.
N~guni,t, hindi naman naguguniguni n~g saliuang-palad na may nangyayari, na casacunaan sa caniyang casing bunying Caballerong buhay ay naputi.
Pinauaualan n~ga manding cabuluhan ang sigaw n~g áso na calumbaylumbay, hangang nacaraan ang dalauang aráw áso,i, patuloy rin ang pananambitan.
Saca ang damit ay kinacagat niya niyong pan~ginoon na si Margarita, tila nag-uiuica uari nang halica,t, ang pan~ginoong cong casi mo,i, patáy na.
Dito pinasucan nang paghihinala ang cay Margaritang loob na mahina, nag-ulol ang sindac na hindi cauasa sa taghoy nang ásong hindi nagsasaua.
Lumacad nang doon sa áso,i, sumunod sa daang itinuturo,i, naglalagos, bahagya pa lamang dumarating halos sa may calalimang ban~gin ay nataos.
Na may ilang tuyo na san~ga n~g cahoy ang áso ay nagpatihulog na doon, at pinasimulang hinucay nang tuloy na calumbaylumbay, yaong paghagulhol.
Hinaui n~g nan~gan~ginig na camay ni Margarita ang ilang man~ga sucal na bilang na nacatatakip sa hucay nakita ang bangcay niyong casintahan.
Na buloc na,t, hindi sucat na matiis yaong sumisin~gaw na bahong malabis, nang cay Margaritang abutin nang titig sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib.
Uinauari niya ang kinahinatnan n~g gayong cakilakilabot na bagay, na sinalubong n~g caniyang caauay tinadtad n~g sugat hangang sa napatay.
Nang si Margarita,i, pagsaulang loob sa kinahinatnan n~g palad na capos, na ang buhay niya ay dagling natapos sa pagpapasasa n~g sa Mundong dulot.
Anopa,t, yaong mabahong bangcay niya caramihang uod yaong nakikita, ang catauang hilig n~g nabubuhay pa sa layaw sa lupa,i, itong naging hanga.
Ni camunting dun~gis di ibig bahiran ang catauan niya niyong nabubuhay, ang caniyang labis na pagcapihican n~gayon nama,i, siyang pinangdidirihan.
Yaong sa puso niya,i, siyang bumabaca at pagpipighating naalaala, sa kinabuhusan n~g pag-ibig niya at ang catumbayan niyong calulua.
¡Sa abang-aba co! ¿caya,i, napasaan ang calulua nang sauing capalaran, saan cundi doon sa Infiernong bayan ang sagot n~g voces na umalin~gawn~gaw?
Magpahangang sa caibutura,i, taos nang pusò, at tantong ipinan~gilabot, malamig na pauis ay agád sumipot at sinidlan niyong di cauasang tacot.
Sa cay Margaritang dinidilidili ang gayong calunos-lunos na nangyari, sa lugod at layaw ay lubhang nauili n~gayo,i, lubos naman ang pagcaruahagui,
Ualang hangang hirap doon sa Infierno ang ganti sa munting ligaya sa Mundo, sa sandaling tua,i, nacapalit nito hirap casakitang hindi mamagcano.
_Capitulo 3.°_
Cakilakilabot ang cay Margarita na pakikihamoc sa sarili niya, bago nasundua,i, nahirapan muna sa nasang maganda niyang pagtitica.
¡Oh cahambalhambal na casasapitan nang sinomang nan~gag papaliban-liban, niyong pagbabalic loob at ang araw na icatatapos niya,i, hindi alam!
Ang dalisay niyang pag-aala-ala,i, capakinaban~gan niyong calulua, kinikilabutan sa sarili niya ang caaua-aua na si Margarita.
Nagugunam-gunam na nasa sapiling ang cabubuliran na calaguimlaguim, at may pan~ganib pang doo,i, mahulog din cun ang hinin~ga niya,i, biglang makitil.
Caya n~ga,t, ang luha niyang pumupulas ay naguing turing nang parang isang dagat, niyong pagninilay sa pagcapahamac niyong pagcadaya nang Demoniong sucab.
Sa lupa ay tambing siyang nanic-luhod nagsisi,t, humin~gi nang aua sa Dios, pinaglampasan nang mahayap na tunod niyong pagsisising sa puso ay taos.
Ualang iniisip cundi ang tan~gisan lahat nang caniyang man~ga casalanan, pag-pepenitenciang caunaunahan ang cusang lumayo sa capan~ganiban.
Caya n~ga,t, sa loob niya ay tinicang sa Montepolciano,i, umalis pagdaca, siya,i, naparoon at nagpatirapa sa paá nang Amáng tinalicdan niya.
Yaong catacsila,i, inahin~ging tauad at nag-pipighating hindi hamac-hamac, capagdaca nama,i, agád nang tinangap niyong Amá, yaong alibughang Anác.
Na tumatan~gis na,t, siya,i, nagsisisi n~guni,t, ang matigas na loob na ali, ay hindi pumayag at cusang tumangui at inari niyang casiraang puri.
Ang gayong paghibic at man~ga pagtaghoy ni Margarita n~ga na ualang mag-ampon, dakilang ligalig ang nangyaring yaon sa buhay na naguing parang isang tapon.
Dalauang puo,t, apat ang caniyang gulang batá pa at ayos na nahihiyasan, nang sinag na taglay niyang cagandahan ang sa muc-ha niya ay napagmamasdan.
Yaong pamumuhay niyang namamalas na masama,t, parang daan ang catulad, na nasasabugan nang man~ga bulaclac nang caligayahang labis humicayat.
Siyang tumutucsong muling manumbalic sa dating casama,t, cagagauang lihis, iniuurali na sa huling guhit ay càauaan nang Dios sa lan~git.
N~guni,t, yao,i, hibong isang camalian pan~gaco nang Dios sa cahit sino man, na nan~gagsisisi,t, nagtiticang tunay, ay iguinagauad ang capatauaran.
Sa pagtauag niya,i, ang nag-ualang kibò paanong cacamtan ang ipinan~gaco, pag naglibanliban icaw ay di taho ang camatayan mo,i, cahirapang lalo.
Caya n~ga sa gayong pagbubucas bucas ay lubhang marami ang nan~gapahamac, na ang ualang hangang dusa ay linan~gap n~g man~ga pabayang nagpapacatamad.
N~guni at ang abá na si Margarita sa udyoc n~g tucso,i, nakikilaban na, camahalmahalang Pastor ay muli pa na tumauag pagca,t, hinihintay siya.
Laging nacadipa ang camay sa ati,t, yayacapin tayo cung siya,i, duluguin, ang capayapaa,i, ating tatamuhin at lubos na tayo ay patatauarin.
Panibago namang tinauagan siya n~g masintang tunay na pag-aanyaya, inalalayan siya nang pakikibaca sa dahas n~g tucsong mangahis ang tica.
Ang pangagalin~ga,i, yaon n~ga marahil niyong pagbabagong buhay na magaling, ani Jesus iyang tacot mo,i, pauiin Margarita,t, kita ay cacalin~gain.
Ang magandang tica,i, cusang pinagtibay at tinatan~gisan sa gabi at araw, ang lahat n~g m~ga naguing casalanan at ang halimbauang man~ga casamaan.
Hinahan~gad niya na moling mabaui ang lubhang malabis na pagcacamali, n~g cahalayhalay na pamamalagi sa layaw n~g Mundo n~g pagcalugami.
Agád nang naglacbay doon sa Simbahan siya sa Labiano, na nasosootan, nang damit Celicio at natatalian ang liig at tandang pagtiticang tunay.
Saca ang dalisay na paghin~ging tauad sa caniyang man~ga cababaya,i, hayag, at pinagsisihan sa harap n~g lahat na naguing dahilan n~g pagcapahamac.
Hindi rin naglubag sa bagay na yaon ang loob nang ali,t, Amá pa,i, caáyon, pinabayaan na ang lulun~goylun~goy na Anác na ualang sucat na mag-ampon.
Nang makita yaong calagayan niya nang caauaaua na si Margarita, na tulad sa tapong uala nang halaga caya n~ga,t, lumipat sa bayang Cortona.
Doo,i, mahinahong siya ay tinangap n~g ilang Señorang marunong mahabag, casama ang isa niyang naguing Anác sa naguing casuyong kinapos n~g palad.
Ang unang guinaua na pinagpilitan nang taos sa puso at cataimtiman, ang dalisay na "confeción general" sa lahat nang man~ga naguing casalanan.
Siyang matibay na pasimula ito niyong pagbabagong buhay na totoo, siya,i, naparoon doon sa Convento nang cagalang-galang na si S. Francisco.
Na namamalisbis ang luha sa matá niyong malalim na pag-sisi niya, isinaysay sampu nang pighating dala sa isa n~gang Pareng Relegioso bagá.
At ikinumpisal niya nang malacas tanang casalanang gauang hindi dapat, at hinin~gi niyang boong pagsisicap ang "Orden Tercera" siya,i, macatangap.
Nang sa penitenteng damit Serafico tandang pagtalicod sa layaw sa Mundo, ang Confesor nama,i, napaayon dito,t, pinanghinapang pang bagcus na totoo.
Pinasimulan nang pag-pepenitencia sa nasang macamta,i, binigyang pag-asa, yaong hinihin~ging simula n~g gracia at sa cabanala,i, nagsanay na siya.
Linalayuan nang parang camatayan sa loob, ang lahat nang macapupucaw, ang kilos at anyo,i, hilig na mahalay niyong maruruming pita nang catauan.
Capahintulutan bilang n~g Señorang pinaglilingcurang caniyang asaua, mangyaring huag pahigpitin niya ang pagpapasakit sa catauang bagá.
Gayon man ay dahil sa laking pag-ibig na ang catauan niya,i, bigyan pasakit inaring di dapat ang nasoc sa isip tuntun~gan ang lupang alalay na gamit.
Sa idinadaos na pananalan~gin sa lahat nang oras na macayang gauin, at ang pagsasanay sa icagagaling nang caisa-isang caluluang angkin.
Pinatauad na n~ga at cusang linimot n~g Amang lumic-hang mahabaguiug Dios, ang cay Margaritang casalanang lubos at bagcus guinanti n~g magandang loob.
Madalas din namang siya,i, dinadalaw at tan~gi siyang pinagcacalooban, n~g sa lan~git bagang m~ga caaliuan at ang caniyang loob ay pinatatapang.
Na ipatuloy niya ang tun~go n~g lacad na pinasimulan sa tuntuning landas, niyong cabanalan na icatutuclas n~g caligayahang ualang pagcucupas.
_Capitulo 4.°_
M~ga Franciscano ay niyong masuboc ang cay Margaritang catibayang loob, na penitente n~gang bagong naglilingcod sa mapagcandiling mahabaguing Dios.
Sa matining niyang halimbauang bigay doon sa adhicang man~ga cabanalan, na sa boong Mundo ay pinasisilang caya,t, nag-habitong ualang caliuagan.
Nang Ordeng Tercera na cay S. Francisco na ualang pan~gamba sa bagay na ito, patuloy ang loob na di nagbabago sa m~ga pahirap niyang tinutun~go.
Ang lapastan~ganin ay di inacala nang caniyang asal na buhat sa sama, cung hindi lalo nang nag-ibayo pa n~ga sa bagsic n~g gracia na nagbigay bisa.
Inululan yaong pagpapacahirap capacumbabaa,i, lubos na niyacap, uinauari niyang di carapatdapat tingnan ang caniyang calagayang hamac.
Capagbinabati siya nang sinoman at may anyong siya,i, tila minamahal, pag-ibig sa Mundo ay hinahalinhan nang ucol sa Dios na pagsintang tunay.
Kinasusuclaman ang idinudulot nang tungcol sa lupang nagbibigay lugod, na sa catauhan niya,i, naghahandog, ni munting ginhaua ay di iniimbot.
Pinapagninin~gas ang tunay na nais, matupoc sa apoy nang laking pag-ibig, sa pananalan~gin at pagsusumakit sa icararapat na Hari nang lan~git.
Nang nananalan~gin siyang isang araw na taglay ang lubos na cataimtiman, sa harap nang isang mahal na larauan ni Cristong sa Cruz ay napabayubay.
Doon ay nag-tamó nang tuang malabis at magandang palad dahil sa narin~gig, sa labing camahal-mahala,i, sinambit yaong pan~gun~gusap na lubhang matamis.
Sabihin sa akin ¡ó cahabag-habag na babaye,t,! ¿anong sanhi nang pag-iyac, ¿ano ang ibig mo baga aking Anác? si Margarita ay tumugong banayad.
Icaw lamang aking Pan~ginoong mahal icaw ang tunay co na caligayahan, cung na sa aking ca ay di magcuculang aco, nang cahima,t, anong man~ga bagay.
Ang sa Santang nasang manin~gas na loob na mag-bigay aliw sa Poong cay Jesús, ay siyang pagcaing ikinabubusog na sa araw araw ay macamtang lubos.
Saca noon namang maunaua niya na sa paglilingcod sa man~ga Señora, sa bahay na yaon ay di makikita ang catahimican nais na talaga.
At gayon ding hindi masunod ang nais na mag-penitenciang adhica nang dibdib, ay siya,i, humanap niyong munting silid na matatahanan nilang matahimic.
Casama ang bunso niyang minamahal at ang guinagaua niyang hanap-buhay, ay ang pananahi sa cubong tahanan at pag-panaog na,i, tun~go sa Simbahan.
Sa capua tauo,i, pagca-auang gaua ó ang paghanap nang matatahi caya, laguing gumiguising siyang maaga n~ga,t, nagsisimbang uala camunti mang saua.
Nakikinig niyong Misa,t, nagninilay na taglay ang lubos na cataimtiman, cung matanghali nang puso,i, masiyahan sa pag-dedevocio,i, ooui nang bahay.
Patuloy rin naman ang pag-dedevociong casama sa gauang pananahing yaon, ang caabalahan lamang niyang tungcol ay ang pananahi na pangpauing gutom.
Tumabas magtagpi,t, caraniua,i, itong ipinagagaua nang sinomang tauo, ang iniuupa nang cahima,t, sino bilang limos nila lamang cung gaáno.
Naguiguing panakip ang naibibigay sa balang caniyang man~ga cailan~gan, ang man~ga duc-ha pa ay natutulun~gan nang caunti niyang paghahanap buhay.
Ikinatutua na niya nang malabis ang pagcain niyang tinapay at tubig, at nang ilang pasas at di gumagamit nang nin~gas nang apóy sa cubong maliit.
Liban na n~ga lamang na cung naghahanda sa panauhin niyang man~ga salanta, itinuturing na totoong dakila ang bagay na man~ga caaua-ang gaua.
Capag-uala siyang pagcaing ibigay ó damit, sa duc-hang nagcacailan~gan, ay cahit anomang man~ga casangcapan sa caniyang cubo ay hinahatian.
Maguing pinga,t, cahit yaong vaso caya. ó man~ga cuchara at maguing damit n~ga, at isang panahong calamiga,i, sadya hinubo ang saya sa catauang cusa.
At doon sa duc-ha,i, cusang ibinigay nang ang cahubaran lamang ay matacpan, na halos uala na siyang damit naman at maralita ring naghahanap-buhay.
Kinikilala n~gang yaong man~ga duc-ha ay tungcol cay Jesús yaong pagpapala, ang pag-ganting ualang macahalimbaua ay tulad sa isang dakilang biyaya.
Duc-ha man siya,i, di ibig pagsabihan n~g uica ni Jesús na ganitong saysay, aco,i, nagugutom ay di mo binigyan n~g pagcai,t, hubad aco,i, di dinamtan.
Binabayaran n~g Dios n~g sagana ang iniaálay sa camay n~g duc-ha, ang cay Margaritang handog at calin~ga pinatiticman na dito pa sa lupa.
Yaong na sa lan~git na caligayahan na tantong malaking capakinaban~gan niyong calulua,t, naguiguing dahilan n~g pagpapaualang halaga sa buhay.
Magmula n~g siya ay magbalic loob sa catauan niya,i, malabis ang poot, pagca,t, siyang naguing caáuay na lubos sa casalanan n~gang di sucat masayod.
Saca ang masamang man~ga halimbawa caya hindi pa rin ikinatutua, yaong cahirapan na dinadalitang pag-pepenitencia,t, pagaayuro n~ga.
Ipinasiya pang yaong cagandaha,i, cusang papan~giti,t, ang muc-ha,i, sugatan, n~g catacot-tacot n~guni,t, hinadlan~gan n~g Confesor niya na umaálalay.
_Capitulo 5.°_
Sa pananaghili n~g Demoniong tacsil na di ibig niyang ang tauo,i, gumaling, inuman~gan din n~ga n~g parayang pain tun~gong cabanala,i, upan ding itigil.
Ang coronang tan~ging ualang pagcalanta na gaua n~g aba na si Margarita, Santang manahani na itinatalaga sa sarili, yaong cagalin~gan niya.