Buntong Hininga Mga Tulang Tagalog
Part 3
Ang kaharian mo'y iyang kagandahan, Ang m~ga buhok mo't matang mapupun~gay, Ang paa't pisn~gi mo ay siya mong yaman.
Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen, Kamia ka sa ban~go't sa pagkabutihin, Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain.
II.
=Ang mga buhok mo=..._
_Tu pelo es una nube del Oriente_.
Salvador Rueda.
Ang m~ga buhok mo'y mahahabang ahas Kung nakasalalay sa iyong balikat, M~ga ulang waring di lupa ang hanap Kundi sampagitang humahalimuyak.
Sa itim ay gabing walang buwa't tala, Sa haba ay halos humalik sa lupa, Sa lago'y halamang malago't sariwa, Sa sinsi'y masinsin at nakahahan~ga.
Naging katulad ka niyong Penelopeng may timtimang pusong miminsang kumasi't Ang naging aliwa'y luha't paghahabi.
Sa haba n~g iyong buhok nakilala Ang kadalisayan n~g pagkadalaga At ang kahabaan n~g isang pag-asa.
III.
=_Ang mga mata mo..._=
_Cantar quise tus ojos_.
=Campoamor=.
Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y Ipinanghiram ka n~g mata sa tala, Dalawang bituing sa hinhi'y sagana Ang naging mata mong mayaman sa awa.
Sa m~ga mata mo'y aking nasisilip Ang bughaw na pilas n~g nunun~gong lan~git, Mababaw na dagat ang nasa sa gilid Na ang naglalayag ay pusong malinis.
Di ayos matalim, ni hugis matapang, Ni hindi maliit, ni di kalakihan, Ang m~ga mata mo'y maamo't mapun~gay.
Kahinhina't amo ang nan~gan~ganinag, Kalinisa't puri ang namamanaag, Umaga ang laging handog mo sa palad.
IV.
=_Ang mga pisngi mo_=.
_Naciente luz te corona_.
Espronceda.
Ang lahat n~g buti'y natipon na yata Sa kabataan mong ilag sa paraya, Pati n~g pisn~gi mong pisn~gi niyong saga Ay nakahihibang at nakahahan~ga.
Ang m~ga pisn~gi mo'y malambot, maamo, Mayumi, manipis at hindi palalo, Ang san~gahang ugat kahit humahalo, Ay napapabadha't... di makapagtago.
Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala Ako'y mamamangha kung aking makita Ang m~ga pisn~gi mong wari'y gumamela.
Naiinggit ako sa paminsanminsan Sa dampi n~g han~ging walang-walang malay, Pano'y kanyang-kanya ang lahat n~g bagay..!
V.
=_Ang mga labi mo_=.
_Los labios del arcangel en sus labios_...
Menendez Pelayo.
Ang m~ga labi mo ay dalawang lan~git, Lan~git-na di bughaw, ni lan~git n~g hapis, Labi n~g bulaklak na kapwa ninibig Labing mababan~go, sariwa't malinis.
Labi n~g sampagang may pait at awa, Tipunan n~g pulót, tamis at biyaya, Sisidlang ang lama'y kaban~guhang pawa, Pook na tipanan n~g hamog at diwa.
Tagapamalita n~g lihim n~g puso, May _oo_ at _hindi_, may _tutol_ at _samo_, May buhay at palad, may tula't pagsuyo.
An~g m~ga labi mo'y may pulót na tan~gi Kung iyan ang aking pagkaing palagi'y Talo ko ang lahat, talo ko ang Hari.
VI.
=_Ang mga kamay mo_=.
_Pudiera yo tu mano de azucena Besar solo una vez_..!
Heine.
Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis Sa m~ga kamay mong biluga't nilalik, Garing na mistula sa puti at linis, Sa lambot ay bulak, sa ganda'y pagibig.
Ang m~ga daliring yaman mo't biyaya Ay di hugis tikin, ni hubog kandila; Ang ayos at hugis ay bagay at tama Sa sutla mong palad na laman n~g diwa.
Ang makakandong mo't maaalagaan, Ang mahahaplos mo't mahihiranghirang, Ang kahit patay na'y muling mabubuhay.
Mahagkan ko lamang ang iyong daliri, Sa kapwa makata, ako'y matatan~gi At marahil ako'y isa na ring Hari.
VII.
=_¡Ang mga paa mo..!_=
_Tus pequeños pies Son tropos Para mis piropos_.
Machado.
Takpan ma't ipikit ang m~ga mata ko Ay naguguhit din ang m~ga paá mo, Paang mapuputing nakababalino Sa isip at buhay n~g payapang tao.
Paáng makikinis at makaulul-palad, Ang hubog ay bagay sa laki mo't sukat, Ang m~ga sakong mo'y may pulang banayad, Ang m~ga paá mo'y singlambot n~g bulak.
Parang m~ga paá n~g nababalitang Cleopatra at Leda n~g panahong luma, Pano'y m~ga paáng sa ganda'y bihira.
Naiinggit ako sa bawa't yapaka't siyang nagsasawa sa paá mong hirang, ¿Ano't di pa ako ang maging tuntun~gan?
VIII.
=_Wakas..._=
_Tan dulce, tan bella, tan tierna, tan pura._
J. de dios Peza.
Talagang natipon ang lahat n~g buti Sa kabataan mong di pa kumakasi, Ang lahat n~g yaman n~g isang babae Ay nasa sa iyong sariwang parati.
Nasa sa iyo n~ga ang lahat n~g bagay, Ang ban~go, ang tamis, ang kasariwaan, Ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay Ang hamog, ang sinag, ang tuwa't ang buhay.
Ikaw'y pagpalain, dalagang mapalad, Ang kagandahan mo'y aking ikakalat Sa silong n~g lan~git, sa Sangmaliwanag.
Kung may naghahanap sa bukang liwayway Sa kabataan mo ay matatagpuan, ¡Di ko malilimot ang ganda mong iyan!
ANG PANYO...
I.
Pamahid n~g luha kung ginigiyagis n~g masidhing panglaw, pamawi n~g luhang sadyang tumitigis sa pusong luhaan, isáng kasangkapang ipinananakíp sa mukhang may lumbay, isáng mahiwagang tagapaghiwatig n~g lihim na saklaw n~g pusong sapupo n~g isáng pag-ibig sa gitna n~g buhay.
II.
Panakíp sa bibig kung may simpang hiya sa kinákaharáp, isáng kagamitáng kung walang tiwala'y pangbalot n~g sulat, at páunang saksing minsang lumilikha n~g lúbusang galák, na mandi'y nánabi n~g masuyong wikang tugon sa pan~garap:-- _Sa inyong ibiga'y ang unang magdaya'y pan~gan~ganlang sukáb_.
III.
Isáng kasangkapang ang nagkakalayo'y pinapaglalapít kung binabalaan at sinisiphayo n~g _isáng_ may galit; tagapamalitang may giliw at suyo kung naghihiwatig sa nagkakalayo't nagtitipáng puso dahil sa pag-ibig. Iyán ang halagá at bisa n~g panyo sa silong n~g Lan~git.
IV.
Ang panyo'y pamahid sa luhaáng matá n~g lahát at lahát, ang panyó ay piping nakapagbabadya n~g bawa't máhan~gád, ang lahat n~g galáw na inyong makita'y may lihim na sangkap, katugón n~g mithi n~g m~ga ninintang hindi magkáusap; may lihim na uring kalakip ang dusa at maging n~g galák.
V.
Ang panyong idampi sa labi, sa bibíg, ay may kahulugáng:-- _kitá'y sinisinta, kitá'y iniibig hanggang sa libin~gan;_ at sakasakaling sa matá ipahid:-- _ako'y namamanglaw kung di ka makita, kung di ka masilip n~g dusta kong buhay;_ at sakasakaling ihaplos sa dibdib:-- _ako'y mamamatáy_.
VI.
May tan~ging halagá at tagláy na galíng ang lahat n~g panyo, kaya't minimithing halos na agawin n~g m~ga nunuyo, minsang magpatibók sa m~ga damdaming patáy sa pagsamo, malimit lumikha n~g isang paggiliw at pamimintuho't madalas tumubos sa piping pagdaing n~g luhaáng puso.
¡Ang Pamaypay!
Ang lahat at lahat sa Sangkatauhan ay may kanya-kanyang uri't kalagayan, may ibig sabihin ang lahat n~g bagay na abot ó hindi n~g damdam at malay, ang panyo'y may lihim sa nagiibigan gaya n~g bulaklak at m~ga halaman, itong abaniko'y isang kasangkapang pangdagdag sa puso n~g init at buhay.
Sa Aklat n~g Puso't Aklat n~g Paggiliw yaong abaniko'y may ibig sabihin, may sariling uri't sariling tuntunin may sariling layon at sariling lihim, sa Talatin~gigan n~g m~ga Damdamin ang wikang Pamaypay ay tuwa't hilahil, palad at tagumpay, at kung kukurui'y taga pamalita niyong bukas natin.
Kalihim n~g Puso't Patnubay n~g Palad, n~giti n~g liwayway sa likod n~g ulap, sa gitna n~g buhay ay "isang watawat na kulay lungtiang pakpak n~g pan~garap, sagisag n~g hinhin n~g m~ga mapalad, baluti n~g m~ga babaeng banayad, kublihan n~g mukhang maramot maglagak n~g masayang n~giting yaman n~g panulat.
Isang kasangkapang gamit n~g babae at kung magkaminsa'y pati n~g lalaki, bibig na malayang nakapagsasabi n~g _oo_ at _hindi_ n~g _sama_ at _buti_, isang kasangkapang sa nagsisikasi'y papel at panulat, gayuma't buhawi, sangla n~g pag-ibig, na namamayani sa lahat n~g pusong bihag na parati.
Ang bawa't ikilos n~g isang pamaypay ay may isang wika, uri t kahulugan, parang isang aklat na nagsasalaysay n~g hirap at tuwa, n~g aliw at panglaw; kung iyong dalasin ang m~ga paggalaw ang ibig sabihin: _Kita'y minamahal_; kung biglang isara: _Ako'y nasusuklam, huwag nang lumapit at nang di magdamdam_.
Yaong abanikong idampi sa labi, ang ibig sabihi'y _Ikaw ang lwalhati_, kung minsang itago'y _Hindi maaari ang iyong pagkasi't ang sa pusong susi'y hawak na n~g isang pan~garap kong lagi_, at kung pisil-pisil n~g m~ga daliri'y: _inaantay kita't ang ama kong Hari'y wala at sa monte'y nagbakasakali_.
Kung kagat ang borlas--_Ako'y nahahapis dahil sa ginawang sa ati'y paglait_, kung buksang marahan--_Huwag kang man~ganib at ang ating ulap ay magiging lan~git_, kung buksang pabigla--_Sila'y nagagalit dahil sa sulat mong kanilang nalirip_, kung biglang ilaglag--_Si Kulasa'y bwisit at siyang nagsumbong nang tayo'y magniig_.
Idampi sa pisn~gi--_Huwág kang matulog at sa sine Luna, kami ay papasok_, idampi sa dibdib--_Ako'y nagseselos dahil sa kasamang tila lumuluhog_, kung biglang ipukol--_Sa iba ibuhos ang iyong pagsinta. Ikaw'y pahinuhod_! . . . . . . . . . . . . . . Itong abaniko'y Dila sa Pag-irog, Talatang may dusa, kamanyang, kampupot.
IV.
ANG ALBUM NI INA ...
(_Ala-ala sa aking inang pumanaw: Rosa San Miguel ni de Leon, tagá Samal, Bataan at namatáy sa Tundo, Maynila, noong taong 1902_.)
I.
=_Ang aking Ina_=.
Gaya rin n~g iba, ang ina kong giliw Ay inang mayumi't lubhang maramdamin, Inang hindi yuko sa m~ga hilahil, Inang mapagbata at siya kong virgen.
Mayrong isang Diyos na kinikilala, May isang dakilang pananampalataya, Sa kanya ang madla'y kulay n~g umaga, Ang galit ay awa't sa poot ay tawa.
Siya ang dakilang Batas sa tahanan, Kamay na masipag, Kampana n~g buhay, Susi n~g pag-ibig na kagalanggalang.
Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti, Ang dukha't mayaman ay kapuripuri Palibhasa'y inang may puso't pagkasi.
II.
=_Pag-ibig ni Ina_=.
Ang puso ni ina'y kaban n~g paglin~gap, May dalawang tibok na karapat-dapat, Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad At ang isa nama'y sa amin nalagak.
Noong nabubuhay ang ina kong irog Ang kanyang pagkasi'y samyo n~g kampupot, Ang lakas n~g puso'y parang nag-uutos Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot...
Pagibig ni ina ang siyang yumari N~g magandang bahay na kahilihili, At nawag sa palad na katan~gitan~gi.
Timtimang umirog! Hanggang sa libin~ga'y Dala ang pagkasing malinis, dalisay, Dala ang damdaming kabanalbanalan.
III.
=_Ang halik ni Ina_=.
Ang mata ni ina'y bukalan n~g luha Kung may dala-dalang damdamin at awa, Ang lahi ni ina'y sampagang sariwa Na may laging laang halik at kalin~ga.
Sa halik ni Ina ay doon nalagas Ang tinik at bulo n~g musmos kong palad, Sa halik ni ina'y aking napagmalas Na ako'y _tao_ na't dapat makilamas.
Ang bibig ni inang bibig n~g sampaga'y Bibig na sinipi kina Clara't Sisa Kaya't mayrong bisang kahalihalina.
Ang halik n~g ina'y apoy sa pagsuyo, Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso't Liwanag sa m~ga isipang malabo.
IV.
=_Ugali ni Ina_=.
Kung mamamana ko lamang ang ugali Ni inang sa aki'y nagpala't nag-ari'y Marami sa akin ang mananaghili't Sa aki'y tatan~ga lamang yaong Hari.
Ang asal ni ina'y aklat n~g paglin~gap, Salaming malinaw, ban~gong walang kupas, Suhay n~g mahinhin, sulo n~g mapalad, Mundong walang gabi, gabi n~g walang ulap.
Ang salitang damot ay di kakilala, Ang kamay ay lahad, hanggang nakakaya't Tan~ging kayamanan ang pakikisama. Sa kanya ay Diyos ang m~ga pulubi, Ang dukha ay Hari't Kristo ang duhagi, Iyan ang ugali n~g ina kong kasi.
V.
=_Ang awit ni Ina_=.
Nang buhay si ina't ako'y kilik-kilik ako'y pinagsawa sa alo at awit, malaki na ako't may sapat n~g isip ay inaalo pa nang buong pag-ibig.
Ang musmos na patak n~g nulo kong luha sa kanya'y kundima't awiting dakila, makarinig lamang n~g iyak n~g bata sa aki'y lalapit at maguusisa.
Ako'y kakalun~gin at ipaghehele, ang awit-tagalog ay mamamayani hanggang sa magsawa't ako'y mapabuti.
Ang awit ni ina'y laging yumayakap, sa m~ga awitin n~g aking panulat kaya't ang awit ko'y mayumi't banayad.
VI.
=_Libingan ni Ina_=.
Ang buhay n~g tao'y parang isang araw Na kung mayrong bago'y mayrong nan~gan~galay, Ang palad ni ina'y di na nakalaban Kaya't napatalo sa tawag n~g hukay.
Ang buhay ni inang inutang sa lupa'y Sa lupa rin namang nabayad na kusa, Ang m~ga mata kong maramot sa luha Noo'y naging dagat na kahan~gahan~ga.
¡Wala na si ina! Ang lahat sa amin Ay n~giti n~g dusa't kaway n~g hilahil, Lubog na ang araw na kagiliwgiliw.
Nagtaglay si ina n~g dalawang hukay: Ang isa'y sa lupang sanglaan n~g buhay, Ang isa'y sa aking pusong gumagalang.
VII.
=_Ang aral ni Ina_=.
Ang tan~ging pamanang sa aki'y naiwan Ay malaking gusi n~g mayamang aral: --Anak ko: hanapin iyang karunun~gan, Ang dunong ay pilak, ang aklat ay buhay. --Sa harap n~g bait, ay silaw ang lakas, Sa harap n~g matwid ay yuko ang lahat, Ang mundo'y niyari n~g paham at pantas, Ang babae'y tinik n~g isang bulaklak. --Ang palalong tao'y halakhak n~g han~gin, Ang aping mabait ay dapat lin~gapin At pagkailagan iyang sinun~galing. --Huwag kakayahin ang hindi mo kaya, Nang ikaw'y malayo sa pula at tawa, Umibig sa baya't magpakabait ka".
VIII.
=_Bulaklak kay Ina_=.
Wala na si ina! Gayon ma'y naiwan sa akin ang kanyang mahalagang aral, aral na sa ningning ay ningning n~g araw, aral na sa buti'y palad, diwa't yaman.
Larawang larawan lamang ang nalagak sa akin n~g siya'y pumanaw at sukat, larawan ni inang yaman n~g panulat, larawang kakambal n~g aking pan~garap.
Darakilang ina: ang iyong libin~ga'y sinasabugan ko n~g tala't kundiman, n~g awit na siyang bulaklak n~g buhay.
Sa harap n~g iyong larawang dakila ay may nagninin~gas na isang kandila panulat n~g iyong anak na naluha.
MGA PAPURI'T PARAN~GAL
SA KUMATHA NITO
Pagkatapos tunghayan...
_Sa makatang_ _Pascual de León_
Bulaklak, bulaklak, bulaklak sa bun~gad, Bulaklak sa gitna't sa dulo'y bulaklak, Ito'y halamanang mayaman sa lahat, Mayaman sa tamís, sa tuwa't pan~garap.
Sa m~ga talulot nito'y sumusun~gaw Ang diwa n~g isang apó ni Baltazar, At sa m~ga dahong sariwa't makulay Ay napapatitik ang kanyang tagumpáy.
Malungkot kung minsan, kung minsa'y masayá, N~guni't kadalasa'y uhaw sa pag-asa; Sa han~gad ay labis, at labis sa kaya, Subali't sa tuwa'y ulilang-ulila.
Makatang Pasleo: Ang aking _Bulaklak_ Ay narito't handog sa una mong aklát.
BENIGNO R. RAMOS (_Ben Ruben_)
Bulakan, Bul., 1915.
Ramo de Laurel
_Para el poeta vernacular_, _=Pascual de Leon=_.
Para tu jóven frente de tagalo poeta, De poeta que entona sus versos de pasión, Ofrezco una corona de flores de violeta Y entónate mi lira su mágica canción.
Es tu canto armonioso inspiración de ondinas, Es tu verbo potente como el brillo del sol, Y tus musas son todas dalagas filipinas Que habitan en las ondas azules del pansol.
Tu lira multiforme con sus cuerdas de oro Tiene cantos dolientes, tiene ayes de lloro, Tiene dulces lamentos y suspiros de miel.
Tiene versos de rosa que disipan tristezas De las bellas morenas filipinas princesas Que te ofrecen sonrientes un _ramo de laurel_.
=_Octavio C. Madrid_=.
Septiembre 18, 1915.
PANUOB...
_Sa katotong makatang_ _=Pascual de Leon=_.
Hayan ang makata. Haya't umaawit n~g m~ga kundimang pang-lupa't pang-lan~git, hawak ang kudyaping malambing ang tinig at pinangsasaliw sa ligaya't sakit.
¿Kung siya ay sino? Iyan ang makatang ang tula't tulain ay matalinghaga, m~ga lungkot, dusa, daing, hirap, luha, Galit, sumpa't lambing ang puso at diwa.
Ang kanyang tulai'y sing-lambot, sing-linaw n~g tubig sa wawa, sa sapa't batisang Balana'y sumimsim sa tamis na taglay.
Hayan ang makata. Kayó ang magsabi Kundi siya'y dapat na _Dan~gal at Puri_ at maging _putong_ pa n~g Wikang sarili.
HERMÓGENES T. REYES.
(Sa _Ilaw at Panitik_)
Tundó, Set., 1915.
¡Bulalakaw...!
_Sa Katotong_ _=Pascual de Leon=_.
Sa harap n~g iyong magarang pagsikat ay pinaglaho mo ang aking liwanag. Araw kang nagban~gon sa himlayang palad at kinasilawan n~g aking banaag.
Sa lan~git mo, ako ay balan~gáw lamang, sa ilaw mo, akó ang aninong tunay... Diwa mo sa aking diwa ay isilay at aawitin ko ang iyong pan~galan.
Tulóy!... Hanggang ako'y di pa nagsasawang umawit sa lihim n~g m~ga hiwaga, ako'y kasama mong hahanap n~g pala.
Sa iyong hantun~gang lan~git n~g pagasa ay doón nároon ang m~ga sampaga... Pupulin mo't yao'y sa WIKA mong mana!
CIRIO H. PAÑGANIBAN.
(Sa _Ilaw at Panitik_)
Bukawe, Bul., 1915.
Mga mali sa pagkakalimbag
Nababasa Dapat basahin Dahon
luwalhati _lwahati_ 10 mayroong _mayrong_ 12 liyaga _ligaya_ 15 hangtun~gan _hantun~gan_ 15 kalika't _halika't_ 16 magalak _malagak_ 19 Sukat na sinta! _Sukat na n~ga sinta_! 21 sigaw _sigwa_ 51 maamo _maaamo_ 67 virgen _birhen_ 75 pagkabutihin _sa pagkabutihin_ 75 nu ve _nube_ 75 Paano _Pano_ 77 Besarlo _Besar solo_ 78 Tagpan _Takpan_ 79 Naiingit _Naiinggit_ 79 Paano'y _Pano'y_ 79 Tu dulce _Tan dulce_ 79 magpatibook _magpatibok_ 82 nagbabakasakali _nagbakasakali_ 84
_Basahin ang =Martir del Golgota=, isang mainam na aklat na nahahati sa dalawang toma_.
_Ipinagbibili sa lahat n~g Aklatan_.
[Patalastas: Ideal Studio, Chineleria "Katipiran"]
[Patalastas: Manuel De Leos Sastre]