Buntong Hininga Mga Tulang Tagalog
Part 1
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
=BUNTONG HININ~GA=
MGA TULANG TAGALOG
NI
=PASCUAL DE LEON= _(Pasleo)_
_Mánunulat sa páhayagang "Ang Mithi" ("El Ideal") at kasapi sa "Aklatang Bayan"_
UNANG PAGKÁPALIMBÁG=
_Limbagang "LA FRATERNIDAD" Ilaya 672, Tundó_
=_MAYNILA, K.P.--1915._=
PANGBUN~GAD
=PANGBUN~GAD=
_Pasleo: Pagdamutan ang nakayang handog n~g kapatid sa kapatid_:
_Tunay at ang mundó'y maginto't mamutya: may dunong, may pilak, may ganda, may tuwa, may puri, may lahi't may bahay... datapwa, ang lalong maran~gál sa ami'y: ang tula_.
* * * * *
_Ako'y hindi siláw sa ningning n~g ginto; di takót sa dunong; di gulát sa tayo; sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dun~go, n~guni't sa dakilang tula'y: yukong-yuko._
* * * * *
_Pano, sa ang tula sa isáng panulat ay siyang lahat na: dunong, puri, pilak... sa isáng makata ang tula'y: ¡lahát-lahát!_...
* * * * *
_Ayán si Pasleo: ayá't ang namana niyáng Diwa't Puso'y ipinababasa... Lahát na'y naritó: apóy, tamís, gandá_...
=_Pedro Gatmaitan._= _Maynila, Sept., 1915_.
I.
BUNTONG HININ~GA
=BUNTONG HININ~GA=...
Ako'y nagtataka! Aywan ko kung bakit nagbabago yaring damdamin ko't isip, ganyan na n~ga yata sa silong n~g lan~git ang gawang mamuhay sa laot n~g hapis.
Aywan ko kung bakit! Sa aki'y pumanaw ang lahat n~g tamis nitong kabuhayan, sa aki'y nag-iba ang lahat n~g kulay, sa aki'y pag-api ang lahat n~g bagay!...
Talaga n~ga yatang balot n~g hiwaga, balot n~g pan~garap at pagdadalita ang palad n~g tao kung magkabisala! Pawang agam-agam ang laman n~g lupa...!
Walang kilos na di paghamak sa akin, walang bagay na di anyaya n~g lagim, walang dulot na di sa aking panin~gi'y aninong malungkot n~g m~ga hilahil.
Aywan ko kung bakit nagbago ang lahat sa kabuhayan ko't matimtimang palad; Samantalang ako'y inaalapaap ay masasabi kong: ¡Lahat ay pan~garap!...
=¡HINAGPIS=.....!
I.
Hindi ka na bago! Dati mo n~g alam ang hindi pag-imik kung naguulayaw; ako'y pinipipi n~g aking paggalang, n~g aking pagsuyong mataos, dalisay.
II.
Pinunit sa harap upang makilala ang alab n~g aking sinimpang pag-sinta, diyan masusubok ang mithi ko't pita, diyan masisinag ang luksang pag-asa.
III.
Wala ka n~gang sala...! Ang kurus n~g hirap ay dapat matirik sa dusta kong palad! Ako ang pulubing sa tinawag-tawag ay lalong inapi... binigyang bagabag...!
IV.
Di ko akalaing ang lan~git n~g puso ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho, di ko akalaing sa likod n~g samyo n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...!
V.
Animo'y nagtikom sa gayong sandali ang pintong maramot n~g awa't lwalhati, sa aki'y para nang ang kahilihiling sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!
VI.
N~gayo'y pamuli pang umaawit-awit sa dilag mong kimkim, gandang maka-Lan~git, kung may alinlan~gan sa taghoy, sa hibik, ay maging saksi pa ang aking _hinagpis_.
¡DALAMHATI!...
I.
Aninong malungkot noong kahirapan ang buhay n~g tao sa Sangsinukuban, ang tuwa't ligaya'y hinihiram lamang kaya't ulap waring dagling napaparam.
II.
Ang mabuhay dito'y kapan~gápan~ganib sa munting paghakbang ay silo n~g sakit, umiibig ka na n~g buong pagibig ay ayaw pang dinggin ¡ay himalang lan~git!
III.
Hindi ka tatamo n~g bahagyang galak kundi pa matulog at saka man~garap, gayon man, kung minsa'y paos na nanawag sa pagkakahimbing ang tinig n~g hirap.
IV.
Sa paminsanminsan, sa aking gunita m~ga pagsisisi yaong tumutudla. Bakit pa lumaki't natutong human~ga't ang paghan~ga pala'y kapatid n~g luha?
=¡AKO=...!
(... estoy enfermo y pálido de tanto no dormir... ACUÑA.)
Puso ko'y malungkot! Malungkot na tila Ibong walang laya't lagas na sampaga, Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y Lason at patalim ang magpapabawa.
Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong, Nagtayong kalansay ang puno n~g kahoy, Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon At sigaw n~g api ang in~gay n~g alon.
¡Ano't ganito na ang pasan kong hirap! ¡Ano't ganito na ang aking pan~garap! Ang lahat n~g bagay ay napatatawad, ¿Patawarin kaya ang imbi kong palad?
Gabi-gabi ako'y hindi matahimik Na parang sa aki'y mayrong nagagalit, Ang pasan kong _sala'y_ laging umuusig Sa kabuhayan kong di man managinip.
=¡ULAP=...!
I.
Sa aking pagdaing, sa aking pagtawag, sa sinamo-samo n~g dusta kong palad ay palaging dilim at libin~gang ulap ang hangang sa n~gayo'y nagiging katapat.
II.
Lahat na'y nabata n~g aking pag-ibig, lahat na'y nasukat nitong pagtitiis, lahat na'y napasan sa silong n~g Lan~git maging ang parusang pagkalupit-lupit.
III.
Nagbago ang lahat! Subali't ang sagot n~g irog at buhay, sa aking pag-luhog ay sadyang hindi pa binabagong lubos, waring inu-uri ang aking pag-irog...
IV.
N~guni't kaylan kaya sa kanya'y papanaw ang ulap n~g isang wari'y alinlan~gan? at sa akin kaya'y kaylan mabubuksan ang pintong may susing katumbas n~g buhay.
V.
Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw ay isang pulubing dumadaing-daing na sa kanyang taghoy at pananalan~gin ay walang maawang maglimos n~g aliw!
VI.
Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo, kanyang tinatarok ang luha n~g puso, kanyang binabasa sa pamimintuho yaong katunayan n~g sinamo-samo.
VII.
Samantalang ako'y tumatawag-tawag, lumuluha-luha sa gitna n~g hirap, ay walang kapiling maging sa pan~garap liban sa anino n~g m~ga bagabag.
VIII.
Ulap n~g hinagpis, ulap n~g parusa ang nagpapasasang aking dinadama, n~guni't kaylan kaya sa aking pagsinta'y ang ulap na iya'y magiging ligaya.
=¡ANG LUHA NG HIBANG=.....!
Ayun, tumatan~gis! Ayun, lumuluha't tumataghoy-taghoy na nakaaawa. Malasin ang hibang, ang sira ang diwa, ang taong nanan~gis sa gabing payapa na minsa'y maiyak, at minsa'y matuwa.
Malasin ang ayos n~g kahabaghabag n~g pusong dinusta n~g kanyang pan~garap; malasin ang luha, ang luha n~g palad, ang luhang nagmula sa kanyang pagliyag na pinagkaitan n~g tamis n~g lin~gap.
Tuman~gis na muli! At saka humibik na mandi'y puputok ang latok na dibdib; kanyang ipinukol ang mata sa lan~git kasabay ang sabing:--"¿Kailan pa sasapit ang mithing ligaya n~g aking pag-ibig"?
"¡Oh! Diosa n~g aking yaman n~g pag-asa, ¿kailan mo tutubsin ang puso sa dusa? ¿kailan papalitan n~g tunay na saya ang nagluluksa kong ulilang pagsinta na nananambitan...!"--at saka tumawa.
Ha! ha! ha! oh! irog! Aking paraluman, hantun~gan n~g aking buong kabuhayan! kung hinihiling mo'y tulang tula lamang n~g upang ang dusa'y minsang mabawasan, naito't dinggin mo ang tula n~g buhay.
"Halika! halika! Tangapin mo n~gayon ang tula n~g aking pusong lumalan~goy; basahing madali't dingging mahinahon ang hibik n~g bawa't talatang nanaghoy, ang awit n~g palad, ang sigaw, ang tutol.
"Oh! pusong maramot! Pusong mapang-api, walang awang tala sa pagkaduhagi, halika! ha! ha! ha! ang dilim n~g gabi, ang halík n~g han~gin ay pawa kong saksí sa panunumpa kong kita'y kinakasi.
Halika't sinagin sa luha n~g puso ang kulay n~g aking sinimpang pagsamo, halika't basahin sa pamimintuho ang gintong pan~garap n~g aking pagsuyo na nananawagan hanggang masiphayo", . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Dito na natapos yaóng panambitan, dito na naputol ang pananawagan n~g sira ang bait, n~g ulól, n~g hibang, n~g pusong ginahís at pinagkaitan niyang luwalhating katumbas n~g buhay.
¡Anóng hirap pala n~g gawang humibik sa isang ayaw mang tumugo't makiníg! ¡Anóng hirap pala n~g gawang umibig lalo't aapihín sa silong n~g lan~git n~g hiníhibikang pinapanaginip.....!
=¡KURUS AT LIBIN~GAN..!=
(PAMAMANGLAW)
(Irog: Kung ang kalungkutan ko'y tinutugon n~g iyong damdamin ay pamuli't muling basahin mo lamang ang awit na ito. At ako'y talagang may ugali na _matapang_ sa likod, at _duwag_ sa harap.)
I.
Narito't malasin itong kalagayan At tutop ang noó sa kapighatian, Aking binabakas yaong kasayahang Nasulat sa dahon nitong kabuhayan.
II.
Hindi makakatkat ang m~ga talata Na tikóm sa guhit n~g m~ga biyaya, At kung mayroon pang tagistis n~g luha Ay luhang nanggaling sa pagkariwara.
III.
Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad Ay may m~ga bagay na nan~gasusulat, Diyan makikita ang mukhang may hirap At pusong malaong lunod sa pan~garap.
IV.
Diyan mamamalas ang isang larawang Sipi sa ulila't payapang libin~gan, Diyan makikita ang dusta kong buhay Na sawang-sawa na sa kawáy n~g hukay.
V.
Hindi ko matalos itong nangyayari't Ang namamalas ko'y dilím na parati, Bulo sa pagsuyo, bigo sa pagkasi, Kurus sa baunan n~g naduduhagi.
VI.
Sa pinto n~g puso'y nanawag na lagi Ang tinig n~g dusang nakaaaglahi, Parang nananadyang sa aki'y bumati Ang labi n~g hirap, tinik, dalamhati.
VII.
Nais kong umibig. N~guni't natatakot Na ako'y umibig at saka lumuhog, Pagka't nan~gan~gambang sa aki'y matapos Ang lahat n~g aliw nitong Sangsinukob.
VIII.
Wala nang parusang gaya n~g tuman~gis Sa harap n~g isang hindi umiibig, Wala nang parusang gaya n~g tumitig Sa sun~git n~g dilím n~g gabing tahimik.
IX.
Sukat na sa akin ang ako'y malagak Sa pamamangka ko sa ilog n~g hirap, Sukat nang masabing lagi kang pan~garap. At matitiis na ang pasang bagabag.
X.
Walang kailan~gang mamatay sa dusa Huwag ang bawiin ang pagkikilala, Aking katuwaan kung ikaw'y makita Sa piling n~g aliw na di magbabawa.
XI.
Aking matitiis na sarilihin ko Ang lahat n~g pait sa buhay na ito Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo.
XII.
Ipalalagay kong masayang aliwan Ang namamalas kong kurus at libin~gan, Sapagka't sa aki'y darating ang araw At diyan uuwi ang hiram kong buhay.
XIII.
Di ko pinupukaw ang pagkamapalad Niyang iyong buhay na bagong ninikat, Ikaw ang bituwing takpan man n~g ulap Ay maghahari din ang ningning na in~gat.
XIV.
Lamang ang han~gad kong iyong mapaglining. Ay ang aking lungkot na di nagmamaliw, Lungkot na aywan ko kung saan nanggaling Kung sa m~ga aklat n~g isang paggiliw.
XV.
Matapos mabasa ang awit n~g buhay Ay limutin mo na ang aking kundiman, Sapagka't ayokong mahawa kang tunay Sa taglay kong lungkot at kapighatian.
=KUNG AKO'Y SINO=...
I.
Huwàg nang itanong; iyong akalaing akong naghahayag n~g maraming lihim ay isang binihag n~g m~ga hilahil, isang kaluluwang busabos n~g lagim, isang nan~gan~garap sa ganda mong kimkim, isang tumatan~gis, isang dumadaing, isang nagaalay n~g kanyang paggiliw, isang umaasang hindi hahabagin.
II.
At kung ako'y sino? Sukat na n~ga sinta! ako ang tutugon sa mithi mo't pita...¡ Ninanais mo bang ako'y makilala...? Kung gayo'y makinig:--Akong sumasamba sa iyong larawan sa tuwi-tuwina'y pusong laging bihag n~g hirap, n~g dusa, ako ang linikhang uhaw sa ginhawa't may ulap na lagi ang aking pag-asa.
III.
At kung ako'y sino? Isang nan~gan~garap magtamong biyaya sa iyong paglin~gap... Isang umaawit n~g lihim at hayag, isang kandong kandong n~g m~ga bagabag, isang nasasabik uminom, lumasap sa saro n~g buhay n~g tuwa, n~g galak, isang binabayo n~g m~ga pahirap, isang umiibig sa iyó n~g ganap.
=Si Puring...!=
Sabihin na ninyong ako'y nan~gan~garap ó nananaginip sa Sangmaliwanag ay di babawiin itong pag-uulat sa isang dalagang may magandang palad.
May tikas-bayani at tindig Sultana, may hinhing kaagaw n~g m~ga sampaga, may samyong kundimang hindi magbabawa datnan ma't panawan n~g gabi't umaga.
Ang matáng katalo n~g mayuming tala'y sapat nang bumihis sa pusong naluha, ang n~giting animo'y kaban n~g biyaya'y makaliligaya sa m~ga kawawa.
Si _José Vendido'y_ subukang buhayi't sa diwatang ito'y pilit na gigiliw, paano'y may gandang batis n~g tulain, paano'y may yuming aklat n~g damdamin.
=¡NOON=...!
Noon, ikaw'y aking minamalasmalas sa pusod n~g gayong tahimik na gubat, ang iyong larawan noo'y nasisinag sa linaw n~g batis na awit n~g palad.
Ikaw'y namimili n~g batong mainam at nilalaro mo ang m~ga halaman, sa damdam ko baga'y ang bawa't hawakan n~g m~ga kamay mo'y nagtataglay buhay.
Yaong "makahiyang" mahinhi't mayumi n~g iyong hawaka'y hindi man nan~gimi, paano'y may galing ang iyong daliri't ang m~ga kamay mo'y banal, tan~ging tan~gi.
Sa puso'y tumubo ang isang paghan~ga, naguhit sa pitak ang isang diwata, aywan ko kung ikaw! At tila ikaw n~ga! Subali't Mayumi, ¿ikaw'y maaawa?
Magsabi ang aklat na iyong binasa kundi ang buhay ko'y siniklot n~g dusa, magsabi ang gubat kung hindi natayang ang tulog kong puso'y iyong binalisa.
Mayumi, buhayin ang yumaong araw sa tabi n~g batis at lilim n~g parang, kung magunita na'y dapat mong malamang naririto akong tigib kalumbayan.
=Bagong Taon=...
Hindi ko matalos kung ang aking puso'y Magbabagong taón sa pagkasiphayo, Ako'y naririto't ikaw ay malayo Na animo'y buwang sa aki'y nagtago.
Inaasahan ko n~g buong pagasa Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na, Kung magkakagayo'y iyong makikita Ang maputlang bangkay sa gitna n~g dusa.
Ako, sakali mang iniwan sa hirap Ay nagsasaya rin kahit sa pan~garap, Sapagka't nais ko na iyong mamalas Na ako'y marunong magdalá n~g palad.
At sa pagpasok n~ga n~g bagong taon mo Ay pawang ligaya ang hinahan~gad ko Na iyong tamuhin sa buhay na ito Kahit pan~garap daw ang lahat sa mundo.
KUNDIMAN NG PUSO
¡...............!
Pan~galang sing-ban~go n~g m~ga sampaga, laman n~g tulain, hamog sa umaga, awitan n~g ibong kahalihalina, bulong n~g batisang badha n~g ligaya. Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas, upang magkadiwa ang aking panulat, sa aki'y sukat na ang ban~go mong in~gat upang ikabuhay n~g imbi kong palad. Ikaw ang may sala! Bulaang makata ang hindi sa iyo'y mahibang na kusa, bulaang damdamin ang di magtiwala sa ganda mong iyan, n~g lahat n~g nasa. Yamang ginulo mo ang aking isipan at naging n~giti ka sa aking kundiman, bayaan mo n~gayong sa iyo'y ialay ang buong palad kong tan~ging iyo lamang. Napakatagal nang ikaw'y natatago sa pitak n~g aking lumuluhang puso, ang iyong larawa'y talang walang labo at siyang handugan n~g aking pagsuyo. Kung nagbabasa ka'y tapunan n~g malay ang kabuhayan kong walang kasayahan, kung masasamid ka'y iyo nang asahan na ikaw ang aking laging gunamgunam. Sa paminsanminsa'y tapunan n~g titig ang isang makatang hibang sa pagibig, bago ka mahiga'y tumin~gin sa lan~git at mababakas mong ako'y umaawit.
=¡ALA-ALA....!=
Huwág mong isiping kita'y linilimot, huwag mong asahang ang aking pag-irog ay wala't kupas na sa kimkim mong ganda, huwag, aking kasi. Walang pagkatapos ang tibok n~g pusong napabubusabos.
Ikaw'y nagmalaki! Ako'y di binati at parang hindi na kakilalang tan~gi, ganyan n~gang talaga ang taong maganda, mapagmalakihin sapagka't may uri na lubhang mataas kay sa isang Hari.
Ako'y linimot mo. Kahit magkakita'y hindi man n~gitian, gayong kakilala, hindi ba't diwata ikaw nitong diwa? Hindi ba't batisan ikaw n~g pag-asa at ikaw'y may ban~gong sipi sa sampaga?
Tapunan n~g malas ang masayang araw na ako'y busabos niyang kagandahang pumukaw na muli sa aking kudyapi, doo'y mababakas ang isang larawang ako'y nakaluhod at nananambitan.
Iyan ang larawan n~g isang makata na uhaw na uhaw sa kimkim mong awa, Iyan ang umawit sa lahat n~g sakit na taglay n~g pusong laging lumuluha at sabik na sabik sa iyong kalin~ga.
N~gayo'y naririto't muling umaawit ang iyong makatang inapi't hinapis, habang inaapi'y lalong lumalaki sa dilag mong iyan, ang aking pag-ibig pagka't ang puso ko'y singlawak n~g lan~git.
=Saksi=...!
I.
Ikaw nga'y dapat kong mahalin nang labis at ukulang tan~gi n~g aking pagibig, pagka't natunayang ikaw'y isang lan~git na di dadalawin n~g m~ga pan~ganib.
II.
Nananalig akong napakadalisay n~g iyong pag-ibig sa ating suyuan, kaya't ang puso ko'y nagpapakatibay hanggang sa sumapit ang dakilang araw.
III.
Pagaaralan ko, hanggang makakaya na ikaw'y malagak sa tuwa't ginhawa, pagiin~gatan kong huwag kang magdusa kung na sa sa akin ang iyong ligaya.
IV.
Kaya't aking irog: Ikaw'y pumanatag; at kung sakali mang tayo'y mabagabag ay huwag magtaká sa Sangmaliwanag pagka't ang lan~git ma'y nagaalapaap..!
=Kundiman=...!
Dalagang butihin: Huwag kang human~ga kung iyong makitang ang mata'y may luha, ang kabuhayan ko'y hindi maapula sa ikatatamo n~g tan~ging biyaya.
Ang luha sa mata'y laging bumabalong, ang aking damdamin ay linilingatong, ang kulay n~g madla'y malamlam na hapon, ang ayos n~g lahat ay parang kabaong.
Sa aking paghiga'y laging nakikita ang iyong larawan, dakilang dalaga ikaw'y maniwalang ako'y umaasa na di aabutin ako n~g umaga.
Kaya't kung sakaling ikaw'y may paglin~gap kung may pagtin~gin ka sa imbi kong palad, ay mangyari mo n~gang iligtas sa hirap ang kabuhayan kong sawa sa pan~garap.
=Ang iyong pangako=
_Sa iyo, Pitiminí_.
Bago ka umalis at naglakbay baya'y may naging pan~gakong sa aki'y iniwan pan~gakong sa aki'y naging bagong araw na nikat sa gitna n~g katanghalian, paano'y pan~gakong sa katotohana'y nagbukas n~g pinto n~g kaligayahan.
Ikaw'y napalayo. Ako'y ilinagak sa lan~git n~g isang masun~git na palad napatulad ako sa kimpal n~g ulap na walang bituwing magarang ninikat, ang kabuhayan ko'y naging isang dagat na di matatawid kahit sa pan~garap.
Pinag-aralan kong luman~goy sa sakit at buong lakas ko ang siyang ginamit ang iyong pan~gako sa aking pan~ganib ay siyang timbulang kawáy n~g pagibig, noon ko nalamang ang taglay kong hapis ay di magbabawa't singlawak n~g lan~git.
Pinagtiisan kong labanan ang aking pasanpasang hirap at m~ga damdamin, ang kawikaan ko'y ang gabing malalim na napakasun~git ay natatapos din. Ang taglay kong dusa kung ako'y palarin ay magiging sayáng hindi magmamaliw.
Walang saglit na di ang iyong pan~gako ang napapasulat sa aklat n~g puso, walang araw na di ang aking pagsuyo ay sabik sa tuwang kapintupintuho kaya't nangyayaring madalas maligo itong aking palad sa luhang nunulo.
Isinulit mo pang sa iyong pagdating ang iyong pan~gako'y sadyang tutuparin, ang aking pagasang puyapos n~g dilim ay kinabakasan n~g bahagyang aliw, paano'y umasang iyong tutubusin ang kunis n~g buhay sa guhit n~g libing.
Magmula na noo'y naging maliwanag ang lan~git n~g pusong nagaalapaap, ang kurus na aking laging namamalas sa m~ga libin~gan n~g nan~gapahamak, sa aking panin~gin ay naging watawat na kulay lungtiang kapan~gapan~garap!
Ikaw'y napabalik, at tayo'y nagkita! ang lamang palagi nitong alaala'y ang iyong pan~gakong hindi magbabawa na n~gayo'y ibig kong tuparin mo sana, n~gunit hinding hindi. Ang aking pagasa'y iyong ipinako sa kurus n~g dusa.
Sa ganyang paraa'y di kaya manglambot ang kabuhayan kong puyapos n~g lungkot? At sa pagkabigo'y hindi ba himutok ang sa damdamin ko'y minsang maglalagos? Ang mukha n~g araw ay biglang lumubog sa likod n~g isang mapanglaw na bundok.
Sulyapan mo n~gayon itong kalagaya't balisang balisa sa kapighatian, at hanggang hindi mo binibigyang tibay ang naging pan~gako sa dusta kong buhay ang kaluluwa ko'y magiging larawan n~g nakalulumong kurus at libin~gan.
¡ANG REYNA ELENA.....!
Ayu't lumalakad. Magarang magarang animo'y bituing nahulog sa lupa, kung minsa'y nagiging hibang itong diwa at kung magkaminsa'y para akong bata, paano'y hindi ko masukat sa haka ang nararapat kong ihaing paghan~ga.
Kung kita'y itulad sa dakilang araw at ako ang lupa, ang lupang tuntun~gan, ay masasabi mong ako'y walang galang at ako ay bihag niyong gunam-gunam. Subali't butihin! Ang aking tinuran ay tibok at utos n~g katotohanan.
Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali, naman sa pan~garap, ako'y isang Hari; kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi, hamog sa umaga, ban~gong walang pawi, ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi at ang nagsasabi'y nabatu-balani.
Hanggang tumataas iyang kalagayan nama'y naiingit itong kapalaran, ang gunitain ko ay baka mawalay sa puso mo't diwa ang aking pan~galan, kung magkakagayon, irog ay asahang sa aki'y babagsak ang Sangkatauhan.
Sa iyo'y bagay n~ga yaong pagka-Reyna, pagka't sa ayos mo'y isa kang Zenobia, may puso kang Judith, may n~giting Ofelia, may diwang de Arco't may samyo kang Portia, samantalang ako, akong umaasa'y isa lamang kawal na lunód sa dusa.
Sa paminsan-minsa'y maanong kuruing wala nang itagal ang aking damdamin, kung magdaramot ka, Reyna kong butihin at di mahahabag sa pagkahilahil ay iyong asahang ang aking paggiliw ay magkakalbaryong walang págmamaliw.
=¡Huwag kang manganib...!=
(SAGOT SA LIHAM MO)
I.
Maasahan mo ang aking pag-ibig, ang buong buhay ko hanggang mayrong lan~git, hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis ang iyong pan~gala'y laging na sa isip.
II.
Huwag kang man~ganib! Di ko malilimot ang ganda mong iyang sipi sa kampupot, ang ban~go at tamis n~g isang pag-irog ay na sa sa iyo't hindi mauubos.
III.
Nang matunghayan ko ang padalang liham, luha ko'y tumulo sa kapighatian, paano'y gumuhit sa aking isipan na: _ang tagumpáy ko'y iyong kamatayan_.
IV.
Di ko akalaing iyong ikahapis ang pagtatagumpay n~g ating pag-ibig, ang m~ga luha mo'y ulan n~g pasakit, ang kalumbayan mo'y pagdilim n~g lan~git.
V.
Ang pagtiwala'y tibay n~g pagkasi, timbulan n~g puso n~g naruruhagi, panilo sa m~ga tapat na lalaki, pag-asa n~g palad na di mapuputi.
VI.
Huwag mong isiping ako'y magsasawa sa ating suyuang busog sa biyaya, ang iyong larawa'y laging na sa diwa't ang iyong pan~galan ay aking dambana.
VII.
Aking natunghayan sa padalang sulat ang kalungkutan mo't sinisimpang hirap. Kay hirap maghintay n~g masayang bukas! Kay hirap sabikin n~g isang pan~garap!
VIII.
Magtiis ka irog! Darating ang araw na ikaw at ako ay magkakapisan, ang ulap sa ati'y biglang mapaparam at magliliwanag ang Sangkatauhan.
IX.
Huwag kang man~ganib! Darating sa atin ang isang sandaling batis n~g paggiliw, diyán matataya ang di magmamaliw na aking paglin~gap sa pagkabutihin.
X.
At kung katunayan n~g aking pag-ibig ang hinihintay mong sa iyo'y isulit ay narito akong gaya mong may hapis at isinusumpa ang nunun~gong lan~git.
=¡Lihim ng mga titig!...=
Ibig kong hulaan sa silong n~g Lan~git ang lihim na saklaw niyang m~ga titig, isang suliraning nagpapahiwatig, n~g maraming bagay, n~g luha't pag-ibig.
Ako'y manghuhula sa bagay na iyan, pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw n~g m~ga titig mong halik n~g kundiman ang ibig sabihin at pita n~g buhay.
Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo, minsa'y pang-aaba't minsa'y panibugho, minsa'y paanyaya sa tibok n~g puso nang upang sumamba't sa iyo'y sumamo.
Ang m~ga titig mo'y may saklaw na lihim, at maraming bagay ang ibig sabihin, n~guni't sa palad ko'y isang suliraning nagkakahulugang ako'y ginigiliw.
¡CHOLENG...!
(Tan~ging sinulat upang ihandog sa kaarawan mo-- ika 13 n~g Nov.)
I.
Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya, talutot na ginto n~g isang sampaga, kalupi n~g buhay, hamog sa umaga, Bathalang ang awa'y hindi magbabawa, kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa, timbulan n~g palad sa m~ga parusa, tinig na mayumi n~g mahinhing maya.
II.
Larawang kalasag sa m~ga pasakit, tulay n~g lwalhating patun~go sa lan~git, halamang magarang sa paligid-ligid ay m~ga bulaklak na kaakitakit, bundok na palaging sa libis ay batis na maiinuman n~g budhing malinis, dagat na payapang katapat n~g lan~git na minsa'y magban~gong kapan~gapan~ganib.
III.
Sultana n~g Pasig, mahinhing Makiling, sa ganda'y reyna nang dapat pan~garapin, isang Sinukuang anang salaysayi'y babaing bumihag sa libong damdamin, usok n~g kamanyang na di magmamaliw, Lan~git na masaya at Buwang butihin, Olimpong mayaman sa m~ga awitin, buhay na badhaan n~g isang paggiliw.
IV.
Tahimik na lan~git na nan~gan~ganinag ang lamang biyayang tugon sa pan~garap, m~ga kayamanang hindi matitinag, sampagang sa ban~go'y tulang walang kupas, talang nagsasayang may mayuming sinag, aklat na talaan n~g aliw n~g palad, dahon n~g kaluping yaong nasusulat ay kadakilaan n~g damdaming in~gat.
V.