Part 4
Ang lamesa,i, lagyan n~g telang alfombra may hilo de orong caligaligaya, gayon din ang tanang man~ga servilleta at pulós na pilac yaong man~ga silla.
Isang lamesa rin ang tanang matamis sari-saring timpla sa saráp ay labis, man~ga servidumbre pulós maquiquisig tagalog castila ay nagcacasanib.
At anim na dama cailan~gan co pa bucod sa narito na sila,i, anim na, icao aquing bató ganaping dali na at nagugutom na ang hari at reina.
Nasunod na paua m~ga cahin~gian nang oras na yaon comida,i, nalagay ang hari,t, ang reina,i, niyaya ni Juan sampon nang casama ay gayon din naman.
Dumulóg na sila,t, cumain pagdaca ang hari,t, ang reina pati man~ga sama, at nang macacain nag pupulong sila madla,t, sari-saring cabuhayan nila.
Sinasabi nila na napacainam ang handang comida,t, man~ga casangcapan ang man~ga matamis sari-saring bagay n~gayon lamang cami nacatiquim niyan.
Man~ga nag sisilbi sa pagcain nila ay nan~gag tatacá silang para para, pulós na castila,t, tagalog ang iba at saca ang dama ay labing dalaua.
Salitaan nila,i, cayamanang iyan ang pinangalin~ga,i, sa encantong laláng, alin caya baga sa mundong ibabao ang magcacaroon nang ganitong bahay.
Man~ga cagayaca,i, nanglalong totoo sa mundong ibabao ualang capareho, nan~gapapamuti mutyá at carbungco rubí,t, esmeralde sa ningning ay husto.
Casangcapang gamit ay napacainam guintó na at pilac sino caya naman, aling tauo rito sa mundong ibabao macapag gagayác casangcapang ganyan.
Cundan~gan ang ito,i, may iuing encanto na pinagcucunan nang lahat nang ito, ang uica nang hari ay tila n~ga totoo sa encantong laláng cayamanang ito.
Saca nang matapos salitaan nila tinauag nang hari ang mahal na reina, cun umaayon ca,i, isalin na nata sa atang manugang ang cetro,t, corona.
Oó ang uinica nang reinang maran~gal diyata,i, cun iyong gusto,t, caibigán, lalo nama,t, icao ay may catandaan di n~ga,i, isalin na corona cay Juan.
Pinagcaisahan nilang mag-asaua una,i, uala namang sucat na magmana, sinabi cay Jua,t, cay Doña Leonila corona sa inyo,i, isasalin co na.
Itong inyong bahay ilipat sa reino iabay sa piling nang real palacio, oó po ang sagót haring magulang co paua cong susundin pacaná po ninyo.
Nang quinabucasan ay noui na sila sa pinangalin~gang reino nang España, man~ga coroneles at ang man~ga dama nan~gag si hatid ding capara nang una.
Sa lacad na yao,i, casama ri,t, hatid si Jua,t, princesang mag-asauang ibig sa tuláy na pilac ano,i, nang sumapit nan~gag paalaman toua,i, di mumuntic.
Mag asaua naman ni Doña Leonila sampong coroneles at ang m~ga dama, nangag si pagbalic sa bahay noui na nang mahating gabi,i, bató ay quinuha.
At hinin~gi niya na houag maliban man~ga coroneles man~ga damang tanan, tuláy ay gayon din alising paminsan ganaping madali,t, aquing cahilin~gan.
Saca itong bahay sampong jardin dito malipat n~gayon din sa Españang reino, itayó sa piling nang real palacio maguisnan n~g hari at reinang iná co.
Cahilin~gang lahat naganáp pagdaca nang in~gat na bató niyang encantada, maguising ang hari niyong maumaga n~g siya,i, dumun~gao ay naquita niya.
Ang uica n~g hari naniniuala aco ang aquing manugang ay may sa encanto, sino,t, alin baga sa balat nang mundo sa ganyang calaqui madadala dito.
Isa pa,i, sa gabi at hindi sa arao ang pagca pagbuhat nang bahay na iyan, caya pala iyan ay napacayaman ay may sa encanto na na iin~gatan.
Sa real palacio,i, ipinatauag na si Jua,t, princesang si Doña Leonila, nang dumating doon uica sa canila mabuti at cayo ay naririto na.
N~gayon ay aco ay mag papabando na man~gag si pag-gayac ang tauo sa reino, m~ga bahay bahay lagyan nang damasco calle ay tabin~ga,t, man~gag linis cayo.
Muralla,i, gayon din na ipinagayac sampong artificiong caguila-guilalas, at sa coronación sa arao nang bucas ang lahat nang ito,i, sususuhang lahat.
Corona sa ulo ay n~g maputong na cay Don Juang Tamad na manugang niya, nagsayáng totoo reino nang España ang lahat n~g tauo ay nan~gag viviva.
Cañón sa muralla,i, sinusuhang lahat sampong artificiong caguila-guilalas, sa lahat n~g calle sa loob n~g ciudad hicap ang músicos sayáng ualang lipas.
At nan~gag viviva ang maraming tauo sayang ualang humpay sa loob n~g reino, buhayin n~g Dios na mahabang tiempo si Don Juang Tamad hari naming bago.
Sabihin ang husay nang gomobierno na sa boong España haring bago nila, grandes consejeros casamang lahat na ualang pagcaronan ang toua sa canya.
At gayon din naman sa sino,t, alin man pareho sa canya mahirap mayaman, castigo ay lagdá sa may casalanan ley nang matouid hindi nasisinsay.
Nang maguing hari na ay nagsabi siya sa casi,t, esposang reina Leonila, ang amá,t, iná co,i, inaala-ala ating ipacaon dito na matira.
Oó anang reina di lalong mabuti ipacaon mo n~ga magulang mong casi, cun dirito sila sa arao at gabi,i, mayroong titin~gi,t, mag cacalauin~gi.
Ipinacaon na yaong mag-asaua ni Fabio,t, Sofia amá,t, iná niya, ano,i, nang dumating toua,i, sabihin pa sa real palacio,i, capisan na nila.
Yaong si Ursula ay guinanti naman ni Doña Leonila na reinang maran~gal, sa iyong servicio,i, ang pala cong bigay isa ca sa dama sa palacio real.
Ito ang nasapit siyang naguing hanga ni Juang Tamad na isang hamac na, sa lagac na gracia n~g Dios na Amá sinapit n~g palad hari sa España.
FIN
[Patalastas: Imprenta at Librería ni J. Martinez]