Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal

Part 9

Chapter 9 4,135 words Public domain Markdown

Ang m~ga sinabing itó ni Pablo Mercado ó Florencio Nanaman ay isinulat sa papel n~g Gobernadorcillo, finirmahan niya, pinafirmahan sa nagsalitâ at sa dalawang sacsing caacbay, at ipinadalá, sa Gobernador Sitges, at ipinadalá naman nito sa Gobernador General, sampô n~g bilanggong si Florencio Nanaman. Mulâ n~g dumatíng itó sa Maynila'y nawalá't sucat ang pagsisiyasat n~g m~ga punong may capangyarihan tungcol sa napagkilalang adhicang catacsilán n~g lilong si Nanaman, at n~g lalong balawís na sa canya'y bumayad upang gumawâ n~g calupitán. ¿Ano't nagcagayon? ¡Talinghagà n~g macapangyarihang salapî!!!

Nagpadalá n~g sulat si Rizal cay General Blanco n~g Febrero n~g 1894, at ipinakikiusap na siya'y alpasan na. Hindî agád pinansín ni Blanco ang capamanhicang iyón; n~guni't sa cawacasa'y sumagot cay Rizal at sinabing siya'y pawawalán; n~guni't hindî rito cung dî sa España, capan~gacuang pinapagtibay cay Rizal n~g ito'y macausap n~g taón ding iyón n~g magdaan sa Dapitan.

Hindî nagtitiguil ang m~ga caibigan ni Rizal n~g pagsulat sa canya, caya't nalalaman niya ang lahat n~g m~ga nangyari sa Maynílà at ang m~ga adhícà n~g m~ga filipino, at gayon ding natatanto niya ang lahat n~g guinagawâ n~g Gobierno at n~g m~ga fraile; n~guni't cailan may hindî siya sumásagot. Ang nagdádala sa canya n~g m~ga sulat na iyón ay ang canyang m~ga capatid. Nacalagáy ang bawa't sulat sa loob n~g isa sa m~ga "empanadang" dalá sa canya. Guinagawà ang m~ga empanadang yaon sa bahay n~g magcapatid ni na guinoong Alejandro at Venancio Reyes. Ang m~ga pagpaparoo't parito n~g m~ga capatid ni Dr. Rizal ay nacapucaw n~g pagcuculang tiwala n~g Gobernador Sitges, caya't ang guinawà, nito'y ipinauusisà niya ang m~ga dalá, patí pananamit at catawán n~g bawa't dumating sa Dapitan, sampo n~g m~ga capatid na babae ni Rizal, at bacâ may daláng sulat ó ano mang laban sa Gobierno ó sa m~ga fraile, ay walang nacuha.

Ipinan~gacò n~g General Blanco na ipagcacaloob cay Rizal na macalipat sa ibang lalawigan n~g Filipinas, n~guni't hindî rin tinupad, at ang ipinagcaloob sa canya'y ang macalilipat sa Sindan~gan, sacop n~g Mindanaw at malapit din sa Dapitan, bagay na totoong ipinamanglaw niya.

Mangyayaring macatanan si Rizal sa Dapitan cung inibig, sa pagca't may sarili siyang isáng malaking "baroto" na canyang sinásacyan, at walo walong araw na siya'y naglalayag sa m~ga pampan~gin n~g dagat, ¿di baga maluag niyang magagawang magpatuloy siya n~g pag-alís at tumun~go sa isang malakíng sasakyang taga ibang nación at pahatíd sa ibang lupaíng dî sacop n~g capangyarihan n~g España? Magaang na magaang na magagawâ niya itó, n~guni't hindî niya ibig na masabi nino mang hindî siya natutong gumanap sa canyang pan~gacong hindî tatanan.

Hindî nilimot ni Rizal ang paglilingcod sa carnun~gan at paglilibang sa tulâ. Nagpapadala siya sa m~ga pantás sa Europa n~g m~ga bagay na dî kilala roong nacucuha sa Dapitan. Sumulat siya n~g isáng "Gramática tagala comparada," at iba't iba pang ucol sa dunong at cumathâ siyá n~g maraming tuláng wicang castílà. Sa Dapitan niyá kinathâ ang m~ga tuláng "Mi retiro" (Ang aking kinaliligpitan) at ang "Canto del Viajero" (Awit n~g naglalacbay) at iba pa, bucod sa hindî siya naglílicat n~g pakikipagsulatan cay Herr Ferdinand Blumentritt.

Nang buwan n~g Noviembre n~g 1895 ay sumulat siya sa Gobernador General Blanco at hinihin~gî niyang siya'y ipadalang Médico sa hucbó n~g m~ga castílà sa Cuba.

* * * * *

Sampo n~g pag-ibig n~g sariling puso'y ipinagpáhuli ni Rizal sa pagsinta sa kinamulatang lúpà. Cung inibig niya'y nacapagasawa sana siyá, sa lalong mayaman at sa lalong maganda dito sa Filipinas, at sa Europa ma'y nacakita sana siyá n~g lalong tan~ging dalaga; n~guni't minagalíng niya ang howag magasawa't n~g hindî magcaroon n~g ano mang sagabal sa paglilingcod sa Inang Filipinas.

Dumatíng sa Dagupan n~g Febrero n~g 1895 ang isáng mayamang inglés, na nagn~gan~galang Mr. Stopper, may catandaan na ang gulang, bahagyâ na macakita at sa Hongkong tumítira, casama n~g isáng dalagang ang pan~gala'y Josefina Bracken, taga Irlanda at may m~ga labingsiyam na taón ang gulang. Ang sadyâ n~g inglés na iyón cay Rizal ay ang pagpapagamót n~g matá, sa pagca't bantóg itó sa cagalin~gang gumamót sa ganitóng sakít. Tumirá ang inglés at ang dalagang irlandesa sa isáng bahay na malapit sa bahay ni Rizal. Casama n~g dalawang iyón ang isáng filipinang catoto raw n~g isáng canónigo sa Catedral n~g Maynílà. Doña Manuela Orlac ang pan~galan n~g filipinang iyón. N~g calaghatîan n~g bowan n~g Marzo'y omowî sa Maynílà ang tatlóng magcacasama: nagtulóy sa Hongkong si Mr. Stopper, nátira na sa Maynílà si Doña Manuela Orlac at bumalíc sa Dapitan si Bb. Josefina, sa pagca't totoong naibigan niyá si Rizal.

N~g m~ga panahóng iyo'y may pananim na si Rizal na anim na libong púnò n~g abacá, m~ga nióg at iba pang halaman.

N~g Abril n~g 1896 ay inutusan ni Andrés Bonifacio si Doctor Pío Valenzuela upang sabihin cay Rizal na pinagcaisahan n~g m~ga capanig sa "Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak-Bayan", na pagpilitang tamuhín ang Casarinlán n~g Filipinas sa pamamag-itan n~g pakikihamoc sa m~ga castílà. Sumagót si Rizal na sa acalà niya'y dapat maghintay n~g isáng dalawang taón pa bago itulóy ang munacalà, at n~g macapaghandang magalíng ang bayan.

Nahalinhan si Sitges at ang nahaliling Gobernador sa Dapitan ay si Don Rafael Morales, at sa pagca't ito'y tumaás sa pagca Comandante ay nahalinhan naman, at ang naparoong Gobernador ay si G. Ricardo Carnicero, bagay na ikinagalac ni Rizal, sa pagca't dati na niyang cakilala.

N~g unang araw n~g Agosto n~g 1896 ay tumanggap si Rizal n~g isáng sulat, fecha 1.o n~g Julio n~g 1896, ni General Blanco, na doo'y sinasabing alang-alang sa canyang cahin~gia'y macacapasa Cuba siya, upang maguíng médico n~g hucbó n~g castilang naroroong casalucuyan.

N~g dumatíng siya sa Maynila'y nacaalís na ang vapor-correo "Isla de Luzón". N~g magcágayo'y ipinadalá si Rizal sasasacyáng--pang-digmáng "Crucero de Castilla", at doon nátira hanggang sa ica 3 n~g Septiembre n~g 1896, na siya'y lumulan sa "Isla de Panay", na umalís dito sa Maynilang patun~go sa España, n~g araw na iyon. Binigyán si Rizal n~g General Blanco n~g dalawang sulat; ang isa'y cay D. Marcelo Azcárraga, na tagarito sa Filipinas at casalucuyang Ministro de la Guerra sa España, at ang isa'y sa Ministro de Ultramar. Sa sulat na iyo'y ipinagtatagubilin si Rizal, sa pagca't ito'y nagpakita n~g maganda't ulirang caasalan sa loob n~g apat na taóng pagcápatapon sa Dapitan, at tunay na hindî cainalám sa caguluhang munacalà n~g isáng lihim na capisanan.

Talastas n~g nagpasimulâ ang "revolución" n~g m~ga filipino n~g ica 24 n~g Agosto n~g 1896 at n~g umalís dito si Rizal ay casalucuyang maalab na totoo ang labanán sa lalawigang Tan~guay n~g m~ga hucbó n~g m~ga castílà at n~g m~ga, tagalog. Inilalaban n~g m~ga tagalog ang guloc na pan~gál at sibát na bucawe sa baril na mausser at magagalíng na cañon n~g m~ga castílà. At dito naman sa Maynila'y dinirakíp, binábalitì, ibinibitin, binubugbog n~g cakilakilabot, iniinís sa m~ga cútà at pinápatay ang bawa't filipinong kilaláng mayaman ó marunong, ó pinaghihinalaang maruhong sumintá sa tinubuang bayan, ó cainalám cayâ ó caanib "sa Katipunan" ó sa "masonería", ó caaway n~g m~ga fraile, ó hindî gumagalang n~g lubos sa m~ga "cahilili n~g Dios" na itó. Ang gulantáng, tacot, panghihilacbot, laguím na waláng cabagay ang siyang naghaharî sa bawa't lahing caymangui. Nagpapahirap at namumucsa n~g catacottacot ang m~ga militar at ang m~ga voluntariong castílà at lahing castílà. Madalás umalís sa Maynílà ang m~ga vapor na tiguíb n~g lulang m~ga filipinong ipinatatapon sa malalayong lupaín pagcatapos na maibitin at mabugbóg n~g walang awà. Ang sumusulat nito'y isá sa m~ga pinahirapan at ipinatapon sa Ceuta, dahil sa "dakilang casalanang" pagsagot n~g hayagan sa pamamagitan n~g isáng "awit" na aking cathâ, na ang pamagat ay "Ulirán n~g cabaitan ó buhay ni Patricio Horacio", sa librong ang pan~gala'y "Tanda Baciong Macunat", na sinulat ni párì Miguel Lucio Bustamante, fraileng franciscano at cura-párroco sa Tanay, lalawigang Morong noon, at n~gayo'y Rizal. Sinasabi sa librong iyong "Tanda Baciong Macunat", na ang tagalog daw "na inihihiwalay ó pinahihiwalay cayâ sa calabaw ay naguiguing palamarang tao sa Dios at sa Harì": Ang pag-alimurang ito'y sinagot co sa aking "awit" n~g:

"¿Anong sinasabi sa gayong pag-iríng cungdî hayop camíng parang calabaw rin? ¡pagmurang cung tunay na pag-uurîin, dusta'y bumábalic sa imbíng may turing!!"

"Ihalimbáwà n~g di ca rito anác at icaw'y tumubò sa cabilang dagat, hindî rin n~ga wastong dustáing marahás ang lubhang payapang taga Filipinas."

"¿Saan kinucuha iyang kinacain, itinatabà mo't ikinagagalíng, iguiniguinhawa't nagbibigay alíw cung dî sa masamang ìyong iníiring?"

At iba't iba pa.

* * * * *

Sa pagca't hindî acalaing magtatagumpay ang m~ga filipino sa m~ga castílà, marami ang dahil sa laguím ay cusang nan~gagsiharap sa m~ga pinúnó, catulad ni Doctor Pío Valenzuela at iba pang lubhang macapal, at ang m~ga iba'y nahuli.

Ang m~ga nahuli at cusang humarap sa m~ga púnô'y ibinitin at binugbog n~g cakilakilabot, at pinilit na pinasigaw upang maramay ang m~ga táong alinsunod sa m~ga fraile ay caaway n~g Religión at n~g España, at salamat sa udyóc n~g m~ga fraile ay halos di mabilang ang ipinabaríl, ipinatapon, hinatulang mabilangò hangang nabubuhay at sinamsamán n~g lahat n~g pag-aarì. At sa pagca't si Rizal ay siyang lalong kinagagalitan n~g m~ga fraile, isáng himalâ na n~gâ lamang ang macapagliligtas sa canya; at ang himala'y hindî dumating ...

* * * * *

Mulâ n~g sumacay si Rizal sa vapor "Isla de Panay", hindî tumátantan ang m~ga castilang casacay niya roon n~g sa canya'y pagpapasaring n~g masasaclap, pag-irap at pagpapakitang galit. Dalawang castílà lamang ang sa canya'y nagpakita n~g cagandahang calooban: si D. Juan Utor y Fernández at si D. Federico Brú. Pagdatíng sa Singapore ay lumunsad sa vapor na casama ni D. Pedro Roxas, na hindî na nanumbalic sa vapor.

Hindî nalilin~gid cay Rizal na hanggang nananatili siya sa loob n~g capangyarihan n~g Españang pinaghaharian n~g m~ga fraile, saan man siya pumatun~go'y nan~gan~ganib na lubhâ ang canyang buhay; talastas din naman niyang cung mátira na siya sa Singapore ay hindî na siya mapanghihimasucan n~g caniyang m~ga caaway; datapuwa't ¿paanong pagtaliwacás niya sa tungculing atang n~g capurihan? Cung mátira siya sa Singapore, tunay n~ga't siya'y tátahimic, n~guni't marurun~gisan namán ang canyáng dan~gal n~g capintasang siya'y tumanan, tumalicod sa pakikitunggali sa icatutubos n~g canyang bayan sa caalipnan.

N~g ipakiusap niya sa General Blanco na siya'y ipadalá sa Cuba, ay itó ang sinabi niya sa canyang pinacasintang Ina:

"--Nanay: Walâ pong daang magcaroon acó n~g calayaan sa paglilingcod sa tinubuang lúpà, cung narito rin lamang acó sa bayang sacóp n~g capangyarihan n~g m~ga fraile. Tunay n~ga't dito sa Dapitan ay nacapagtatanim acó n~g m~ga abacá, niyóg at ibá pang halamang sa capanahuna'y magbubun~ga n~g icapapanatag n~g aking catandaan, n~guni't capan~gitang budhing totoo ang walang adhicaín cung dî ang sariling cagalin~gan! Sa ganito'y hinin~gî co pô sa Gobernador General na gawán acó n~g magalíng na maguíng médico n~g hucbó n~g m~ga castílà sa Cuba, at cung magcagayo'y másusunduan co ang aking mithing cailan ma'y macagawâ n~g cagalin~gan sa capowa tao. Cung tamuhin co pô ang han~gad cung itó, hindî lamang manggagamot acó sa m~ga nasusugatan at nagcacasakít na m~ga castilang cawal, cung dî macapanggagamot din acó sa m~ga nagcacasakit at nasusugatang m~ga cubano. Walang tungcol na makipagpatayan ang médico, cung dî ang magligtas sa camatayan. Inuusig n~g m~ga cubano ang maran~gal na pitang magcamít n~g Casarinlan at m~ga calayaan, at sa pagca't siya co rin namang han~gad sa ating kinamulatang bayan, ¿sino ang nacacaalam cung cahi't babahagya'y macatutulong acó sa canila, hindî sa pamamag-itan n~g anomang paglililo, na totoong aking kinamumuhîan, cung dî sa m~ga caparaanang hatol n~g wagas na catuwiran. Ano man ang caratnan n~g casalucuyang pagbabaca n~g castila't cubano cung camtan co ang catungculang aking hinihin~gî ay mapapagaling acó. Cung matalo ang m~ga cubano'y macaoowî acó sa Europa, at cung manalo nama'y gayon din at cung nasa Europa na aco'y maipagpapatuloy co ang aking paglilingcod sa Filipinas at sa inyó naman."

--"Talastas mo anac co--ang sagot n~g Ina ni Rizal na tumutulò ang saganang lúhâ sa m~ga matá,--na ang bawa't magalin~gín mo'y minamabuti co naman. Ipinagpipighatî co n~g labis ang pan~gun~gulila sa iyo; datapuwa't huwag mong pansinin ang aking ililigaya, cung dî ang icararan~gal n~g ating láhì at n~g tinubuan nating lúpà."

Casagutan itóng nagbíbigay dan~gal, hindî lamang sa mahál na iná ni Rizal, cung dî sa lahát n~g m~ga babaeng filipina, at macatuwirang tutol naman sa m~ga walang pusong nagsasabing sucat na sa babae ang matutong mamahay, maglingcod at sumintá sa asawa't m~ga anác, at hindî kinacailan~gang matuto n~g m~ga dunong. Cung han~gál ang iná ni Rizal, hindî n~gâ marahil mapag-aabot na marapat mahalín ang kinaguisnang lúpà cay sa sariling buhay at sa buhay n~g lalong pinacamúmutyang anác. Hindî dapat limuting sa calooban n~g ina lalong tumutulad ang calooban n~g bun~ga n~g canyang pagsinta, palibhasa'y ang iná ang unang maestra n~g m~ga anác buhat sa camusmusán. Cung hinadlan~gán n~g iná ni Rizal ang hilig nitó sa pagsusumakit sa icagagalíng n~g Filipinas, mulâ pa sa canyang pagcabátà, ¿hidwâ bagá sa catuwirang sapantahing marahil hindî natin pangguiguilasan n~gayon ang pagca macabayan n~g Mártir nating capatíd?

Hindî camalîan ang capaniwalaang bawa't tao'y nagpápalagay, na ang lahát n~g capowa niya tao'y tulad sa canya ang damdamin at panucálà. Palibhasa'y hindî namugad cailan man sa dibdib ni Rizal ang dayà, bintang at catacsilan, hindî naman niya naisip na bacá gamitin n~g canyang marami't macapangyarihang m~ga caaway ang tacsíl at capan~gitpan~gitang sandatang paratang, na guinamit cay Cristo n~g m~ga judío, ni Bobadilla cay Colón, n~g m~ga caaway n~g caliwanagan cay Galileo, n~g m~ga caaway n~g calayâan cay Mariana Pinedas ... Nagbalíc siya sa vapor "Isla de Panay", baga man naguguniguni na niya ang sa canya'y calaguimlaguim na mangyayari.

Nalís sa Singapore ang "Isla de Panay." N~g magdaan sa Port Said ang vapor na itó, ay tumanggap ang capitan n~g utos na piitin at hwag papakipagusapin canino man si Rizal. N~g na sa dagat Mediterráneo na ang "Isla de Panay," n~g maulap na hapon n~g ica 27 n~g Septiembre n~g 1896, sinabi ni Don Juan Utor y Fernández cay Rizal, na canyang casama sa paglalacbay-dagat na iyon, sa pakiusap n~g capitán n~g vapor, ang cautusáng sinabi na, at n~g maalaman ni Rizal ay n~gumitî at nagsalitâ:--Pinipilit co sanang paniwalâan ang cadalisayan n~g loob n~g Gobierno n~g España; n~guni't pinasisinun~galin~gan ang aking pananalig n~g canyang m~ga dî wastong gawâ.

Pagdatíng sa Barcelona, España, n~g "Isla de Luzón" ay inilunsád na bilangô si Rizal, at itinuloy agad-agad sa bilangguang cakilakilabot n~g Montjuich. Hindî nalao't kinuha sa bilangguang iyón si Rizal at isinacay sa vapor "Colón" upang ibalíc sa Maynílà.

N~g mabalitaan sa Europa ang gayong nangyari cay Rizal, pagdaca'y nagsigalaw ang canyang m~ga caibigan, lalonglalo na ang ating cababayang na sa Lóndres, na si Dr. Antonio María Regidor; cayâ n~ga't sila'y tumelegrama agad sa abogadong inglés na si Mr. Charles Burton Buckley, na nasa Singapore, upang magharáp n~g isáng sulat sa Tribunal Supremo doon at hin~gíng ilunsád si Rizal sa "Colón," sa pagca't napipiit na walang utos ang sino mang hucóm. Tumelegrama rin naman sa Banco Chartered, upang pagbayaran ang lahat n~g magugol sa pagliligtás cay Rizal. Guinanap n~g abogado ang cahin~gian sa canya; n~guni't walang nangyari. Nagpasiyá ang Tribunal Supremo sa Singapore, na sa pagca't si Rizal ay táong sacop n~g España, at nalululan sa isáng vapor n~g España ay dî n~gâ niya mapapakialaman.

Dumating ang "Colón" sa Maynílà n~g icá 3 n~g Noviembre n~g 1896, at pagdaca'y inihatíd siya sa bilangguang "Fuerza de Santiago" upang managót sa m~ga sumbóng, di umano, n~g canya ring m~ga cababayang pinasigáw sa capapahirap na calaguimlaguím n~g m~ga verdugong casapacat n~g m~ga fraile.

Ang m~ga casulatang pinagpapatacaran n~g m~ga sumbong ay ang nasumpun~gan n~g m~ga guardia civil veterana sa Maynílà, sa bodega ni Mr. Fressell, na ang nagligpít doon ay si Gat Andrés Bonifacio. Ang m~ga casulatang yao'y pawang salin lamang n~g m~ga sumusunod:

1. Sulat ni G. Antonio Luna cay G. Mariano Ponce.--2. Sulat ni Rizal sa canyang m~ga capatid.--3. Sulat ni G. Marcelo H. del Pilar cay G. Deodato Arellano.--4. "Kundiman"; tulang cathâ ni Rizal.--5. Sulat ni D. Cárlos Oliver.--6. Sulat ni "Panday Pira", (G. Pedro Serrano Laktaw) na inihahalal si Rizal na Venerable de Honor n~g "Gran Logia Central Nilad".--7. Sulat ni "Dimasalang" (Rizal) cay "Tenluz" (G. Zulueta).--8. Sulat ni Dimasalang (Rizal) sa isáng Comité.--9. Sulat na walang pan~galan at walang fecha, na doo'y tinututulan ang pagpapatapon sa Dapitan cay Rizal.--10. Sulat ni Ildefonso Laurel cay Rizal.--11. Sulat ni Rizal "Segundo."--12. Sulat ni Gat Marcelo H. del Pilar cay G. "Juan A. Tenluz" (Juan Zulueta)--13. Talumpatì ni G. Emilio Jacinto sa isáng pagpupulong n~g Katipunan, na winacasan n~g m~ga ganitóng salitâ: "¡Mabuhay ang Filipinas! ¡Mabuhay ang Calayàan! ¡Mabuhay ang Doctor Rizal! ¡!Man~gagcáisa tayo!!"--14. Talumpatì ni G. José Turiano Santiago, sa pulong ding iyón n~g Katipunan, na itó ang m~ga catapusáng saysay: "¡Mabuhay ang Filipinas! ¡Mabuhay ang Calayàan! ¡Mabuhay ang marilág na Doctor Rizal! ¡¡Mamatáy ang mapagpahirap na nación!! Mayníla, 23 n~g Julio n~g 1893.--Tiktik".--15. Sa Talisay, tulâ ni Rizal:

Pinagpatuunan din n~g m~ga sacdal na laban cay Rizal ang m~ga "declaración" n~g m~ga filipinong pinahirapan n~g catacot-tacot, na si na guinoong Martín Constantino, Aguedo del Rosario, José Reyes, Moisés Salvador, José Dizon, Domingo Franco, Deodato Arellano, Ambrosio Salvador, Pedro Serrano, Pío Valenzuela, Antonio Salazar, Francisco Guison at Timoteo Paez.

Ang hucóm na nuha n~g sinabi n~g m~ga declamación at lubhang nagpahirap sa m~ga filipino ay ang malupít at caban~gisban~gisang si Coronel Olive.

N~g ica 26 n~g Noviembre n~g 1896 ay inihalal n~g General Blanco na Juez especial ni Rizal si D. Rafael Dominguez, capitán n~g infantería, at secretario si Juan González y Garcia, cabong castílà n~g regimiento n~g infantería núm. 74.

N~g ica 5 n~g Diciembre n~g 1896 ay nagpasiyá si capitan Dominguez, na ayon daw sa m~ga casulatang narakìp at sa m~ga "declaración" ni Martín Constantino, Aguedo del Rosario, José Reyes at iba pa, si Rizal ay siyang buháy na calolowa n~g panghihimagsic, pan~gulong púnò n~g m~ga "filibustero", pan~gulong nagtatag n~g panghihimagsic, at iba pa.

Ipinadalá n~g General Blanco ang "causa" sa Auditor General de Guerra na si Don Nicolás Peña, at nagpasiya itó n~g ica 7 n~g Diciembre n~g 1896 na "embargohin" cay Rizal ang halagang isáng "millong piso" ang cauntian, papanatilihin itó sa pagcábilanggô, maghalál n~g isáng fiscal (tagasumbong) at isáng defensor (tagapagsanggalang). Hindî maihahalal na defensor cung dî isá ring oficial n~g Ejército, alinsunod sa utos n~g Auditor Peña.

Náhalal na fiscal ang ganid na pusong si don Enrique de Alcocer.

Nagpadalá cay Rizal n~g isáng talàan n~g may mahiguít na sandaang pan~galan n~g m~ga primero at segundo teniente n~g hucbó. Waláng nakikilala sa alín man sa canilá si Rizal; n~guni't natitigan niya ang pan~galang D. Luis Taviel de Andrade, na capatíd ni D. José Taviel de Andrade, teniente n~g guardia civil na sa canya'y guinawang tagapagbantay n~g 1887, at canyang lubos na naguing caibigan. At inihalal ni Rizal na canyang "defensor" ang sinabi n~g don Luis, at agad-agad tinanggap nito ang gayong catungculan.

Bagong cahahalili cay General Blanco n~g ica 13 n~g Diciembre n~g 1896. Ang nahalili sa canya'y isáng bagong Nerón; si Don Camilo Polavieja, na nitóng m~ga hulíng panaho'y pinamagatán n~g m~ga castilang "sacristan n~g m~ga fraile" at "bayaning capitan general sa campanario n~g Palanyag."

N~g m~ga araw na iyo'y walang laguing naririn~gig sa m~ga bibíg n~g m~ga fraileng agustino, dominico, recoletano at franciscano, cung dî ang m~ga sigaw na _¡barilín! ¡patayin! ¡lipulin ang lahing filipino!!!_

"Wala na n~gang totoong carimarimarim”--ani Don Wenceslao E. Retana, na dating caibigang matalic n~g m~ga fraile--walâ n~g totoong cakilakilabot masdang gaya n~g napapanood na nan~gagpapamagat na m~ga _alagad ni Jesus_ (na ang cabaita't pagcamahabaguin ay puspós) na nan~gag-aasal halimaw na máninilâ. ¿Kinacailan~gan pa bagáng bumanguit n~g m~ga pan~galan? ¿Kinacailan~gan pa bagang dito'y ititic yaong m~ga fraileng nagcucusang sumama sa m~ga hucbó, hindî n~g macapaglingcod sa m~ga calolowa, cung dî nang macapagpasulong sa m~ga sundalo n~g pagpatay sa m~ga filipino, at n~g magtamó naman silá n~g galác sa panonood n~g pagpapaagos n~g dugô n~g m~ga filipino?"

At sa pagca't ayaw ipabaríl ni General Blanco ang bawa't sa canya'y iudyoc, ang m~ga fraile't m~ga castila'y nagagalit n~g dî ano lamang sa canya; ito ang dahila't nan~gagalác n~g mainam n~g mahalili si General D. Camilo Polavieja, sa pagca't talastas nilang pasasasaân silá nitó sa dugô n~g m~ga filipinong canilang totoong kinauuhawan. Hindî n~gâ dapat ipagtacáng pagpilitan niláng mápatay si Rizal. "¿Hindî baga si Rizal ang siyang lalong maran~gal sa m~ga filipino?--ani Retana.--¡Kinacailan~gang barilín siya agad-agad! Ang dugô nito'y hindî ang caraniwang tinto, hindî ang caraniwang Valdepeñas: ¡ang dugô niya'y ang Chipre, ang lalong mahalagang alac!..."

N~g ica 21 n~g Diciembre n~g 1896 ay ipinadala sa Consejo de Guerra n~g teniente fiscal na si D. Enrique de Alcocer y R. de Vaamonde, anac n~g isang meztisong castílà at dito ipinan~ganac sa Filipinas, ang canyang sumbong, na doo'y hinihin~ging patayin si Rizal, pagcatapos na maisaysay ang pinagtanitanicalang dî gagaanong m~ga paratang at casinun~galin~gan.

Ipinadala n~g ica 22 n~g Diciembre sa defensor na si Don Luis Taviel de Andrade ang "causa" ni Rizal, at pagdaca'y pinagsicapan naman n~g defensor na iyong salicsiki't namnaming magalíng ang nalalaman sa causang iyon, upang macatupad siya sa canyang mabigat na tungculin.

Nang dalawin si Dr. Rizal n~g canyang capatíd na pan~ganay na si G. Neneng Rizal, at n~g canyang bayaw na si G. Manuel Hidalgo, ay itinanong n~g bilanggô cung paano ang nangyayari sa pagbabaca n~g castila't tagalog.

--Cahapishapis!--ang sagót ni G. Neneng--¡tatló ó apat na raang tagalog ang namamatáy bawa't labanán, at sa castila'y cauntî lamang: sampô ó labingdalawa ang nasusugatan ó namamatay; ayon sa sabi n~g m~ga páhayagan! ¿Totoo cayâ iyon? ang tanóng pa ni G. Neneng.--Hindî--ang tugón ni Rizal--cung ibig ninyong maalaman cung alín ang catotohanan ay ganito ang inyong gagawin: cung baga sabihin n~g m~ga páhayagang ang napatáy sa tagalog ay 200, at 10 ang namatáy sa castílà; alisín ninyo ang isáng cero sa 200, at idagdag ninyo ang cerong inalís sa 10, at ang makita ninyong maguing bilang ay siyang catotohanan ó malapit sa catotohanan. Sa ganang akin ay hindî co na dinaramdam ang aco'y ipapatáy man n~g aking m~ga caaway; natatanaw co na sa silan~ganan ang pagbubucang liwayway n~g catubusan n~g tinubuan cong lúpà.