Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal
Part 6
8. Itutulong sa bawa't C ang isáng gawâ, isáng paalaala, isáng natutuhang dunong ó n~g paghicayat sa magagandang loob na cababayang sila'y umanib sa LF.
9. Howag paaalimúra at howag magpapalálò canino man.
MGA CATUNGCULAN NG G.
1. Lin~gatan ang búhay n~g canyang C. Sacali't siyá ang GS, dapat niyáng masaulo ang m~ga pan~galang bago at gayon din ang n~galang tunay n~g m~ga C, at sacali't siya'y Gp ay dapat niyang masaulo ang m~ga pan~galang dati at pan~galang bago n~g sacóp niyang m~ga A.
2. Sa towi na'y pagsisicapang maalaman ang lalong magalíng na paraan upang magcáisa ang canyáng m~ga nasasacupan at sila'y mapag-abot-usap agad-agád.
3. Pagsisicapang maalaman at pagdaca'y bibigyang cagamutan ang m~ga pan~gan~gailan~gan n~g LP, n~g CP ó n~g Cp, alisunod sa cung siya'y GS, GP ó Gp.
4. Pápansinin agad at paglilitisin ang lahat n~g m~ga paalaala, m~ga sulat at m~ga cahin~gìang canyang tangapín, at ipagbíbigay alam na madalì cung can~gino nararapat.
5. Sa pan~ganib ay siya ang magpapáuna at siya ang unang manánagot n~g ano mang mangyari sa loob n~g caniyang C.
6. Magbigay ulirán n~g canyang pagca masunurin sa canyang m~ga púnò, at n~g siyá, nama'y sundín n~g canyang m~ga pinamumunúan.
7. Ipagpapalaga'y ang catapustapusang A na isáng caboôan n~g LF.
8. Ang m~ga caculan~gáng gawín n~g m~ga púnò ay parurusahan n~g higuít ang cabigatán sa m~ga parusang ibiníbigay sa isáng A lamang.
MGA CATUNGCULAN NG F:
1. Ang F ang siyang man~gan~gasiwà upang tumupád ang lahat n~g canícanilang catungculan.
2. Isusumbong sa haráp n~g C ang ano mang páglabág ó hindî pagtupád na canyang mámasid sa sino mang caanib sa C.
3. Ipagbigay alam sa C ang ano mang pan~ganib ó pag-uusig.
4. Siyasatin ang calagayan n~g salapì n~g C.
CATUNGCULAN NG T:
1. Magtátaglay n~g isáng talaan n~g m~ga bagong pan~galan n~g m~ga A. na bumubuò n~g canyang C.
2. Magbíbigay n~g mahigpit na sulit sa buwan buwan n~g tinátangap niyáng bayad n~g isá't isá, na ang magtatalâ sa libro'y ang m~ga A rin, na ang canícanilang tan~ging pan~galang bago (simbólico) ang gagamitin.
3. Magbibigay n~g "recibo" (catibayan), at canyáng ipatatalâ sa librong talaan, na ang letra at sulat ay sa táo ring nag-aambag, ang lahát n~g ambág na humihíguit sa píso at hindî humíhiguit sa limampong piso.
4. Ititira n~g Tp sa Caja n~g Cp ang icatlông bahagui n~g m~ga naliligpit niyang m~ga bayad at n~g siyang maipagtakíp sa m~ga cailan~gan n~g sinabi n~g Cp. Pagdumatíng na sa halagang sampong piso, ang dalawáng bahagui ay ibíbigay sa TP; ipakikita sa TP ang canyang talàan at siyá rin, sa macatuwíd baga'y ang Tp din, ang susulat sa talàan n~g TP n~g salaping canyáng ibinigáy. Pagcatapos ay magbíbigay n~g isang "recibo" ang TP, at cung sang-ayon siyá sa m~ga cuenta ay canyáng lálagyan n~g "Visto Bueno" ó "Sang-ayon" ang librong talaan n~g Tp. Gayon din ang gáganaping paraan pagca nagbibigay ang TP sa TS n~g halagang mahiguít sa sampong piso.
5. Itítira n~g TP sa canyáng Caja ang icasampong bahagui n~g m~ga salaping sa canya'y ibinibigay n~g m~ga Tp at n~g siyang magugol n~g CP. at ang siyám sa sampong bahagui ay ibíbigay sa TS n~g CS.
6. Pagca ibig magbigay n~g sino mang A sa LF n~g halagang mahiguít sa limampong piso, canyang ihahabilin ang salaping iyon sa alín mang matatág na Banco, na ang ipalálagay niya'y ang tunay niyang pan~galang caraniwan, at sacâ ibíbigay niya ang recibo sa sino mang magali~ngín niyang T.
MGA CATUNCULAN NG S.
1. Ipagbibigay alám sa bawa't pagpupulong ang pinagcayarîang batás at ipauunáwà, ang m~ga gagawin.
2. Siya ang susulat n~g m~ga liham n~g C. Sacali't umalís ó hindî macaganáp ang sino mang púnò, maghahalal siya n~g samantalang cahalili sa punong hindî macaganáp.
MGA CATUWIRAN NG MGA A.
1. May catowiran ang lahát n~g A sa saclolong paghahatol at sa saclolong salapî n~g canyang C at n~g LF.
2. Mahihin~gî niya sa lahát n~g m~ga A na siya'y tangkilikin sa canyang pan~gan~galacal ó hánap-búhay, cailan man at patibayan niyang hindî sahól ang calacal ó hánap-búhay niya sa m~ga ibá. Upang camtán niya ang tangkilic na itó, sasabihin niya ang canyang tunay na pan~galan at ang canyang calagayan sa canyang Gp, upang ipagbigay alam nitó sa GS, at n~g ito nama'y macapagbigay alám sa lahát n~g m~ga A n~g LF.
3. Sa ano mang caguipitan, pagcaapí ó catampalasanang laban sa catuwirang sa caniya'y mangyari, mahíhin~gî niya ang boong pagtatangkilic n~g LF.
4. Macahíhin~gi n~g puhunan sa ano mang hánap búhay, cailan ma't may salapî sa Caja.
5. Macahíhin~gi n~g bawas n~g halagá n~g ano mang canyang bilhin, ó ano mang paglilingcod na canyang hilin~gin sa alin mang tindahan ó bahay-calacal na tinatangkilic n~g LF.
6. Hindî mapaghahatulan ang sino mang A hanggang hindî muna naipahihintulot sa canya ang pagsasanggalang.
MGA CATUWIRAN NG GS.
1. Hindi siya matututulan, cung dî rin lamang may man~gunang sumbóng na laban sa canya ang F.
2. Macagagawâ siya n~g bawa't canyang magalin~gín, dahil sa caculan~gan n~g panahon upáng mahintay ang pagpupulong na dapat gawin n~g m~ga bumubúò n~g CS; n~guni't may catungculan siyang managót sa m~ga casisiháng sa canya'y gawín, cung gumawâ siya n~g dî dapat.
3. Sa loob n~g alin mang C. ay siya ang hucóm na macahahatol sa ano mang usapín ó pagcacáalit.
4. Siya ang tan~ging may capangyarihang macaalam n~g tunay na m~ga pan~galan n~g canyang m~ga A ó nasasacupan.
5. Lubós ang canyang capangyarihan upang canyang itatag ang m~ga paraang gagawin sa m~ga pagpupulong, m~ga pagpapadalahan n~g sulat at ang m~ga inaadhicang gawín, upang lalong pakinaban~gan, pumanatag at mangyari n~g boong cadalîan ang m~ga adhicâ n~g LF.
6. Pagcâ lubhang marami ang nan~gapapanig sa isang Cp, mangyayaring magtatag ang Gp n~g isang sub C, at siya ang unaunang maghahalal n~g m~ga púnò. Cung natatatag na ay pababayaang ang m~ga magcacapanig ang siyang maghalal n~g m~ga púnò, ayon sa tadhánà n~g m~ga palatuntunang ito.
7. May capangyarihan ang lahat n~g G na magtayo n~g isang C sa alin mang bayang wala pa nito, at pagkatapos ay ipagbibigay alam sa CS * * * ó sa CP.
8. Ang G ang siyáng magháhalal sa S.
MGA CATUWIRAN NG F:
1. Magpalabas ó magpapasoc sa nasusumbong sa pinagpupulun~gan, samantalang pinaguusapan sa C ang m~ga nangyari.
2. Masisiyasat sa ano mang oras ang m~ga librong talaan.
MGA CATUWIRAN NG T:
Magagamít ang salapíng canyang iniin~gatan sa isáng mahígpit at lubhang malaking pan~gan~gailan~gan n~g sino mang A ó n~g C; n~guni't may catungculang ipagbigay sabi at managót sa haráp n~g Tribunal n~g LF.
TANGING MGA CATUWIRAN NG GS:
1. Macatatawag n~g m~ga pulong ó pagcacatipong hindî caraniwan, bucod sa guinágawà sa bowán bowán.
2. May malakíng capangyarihan ang G S upang macagamit n~g salapi n~g capisanan sa totoong m~ga pan~gan~gailan~gan, cailan ma't ipagbigay alam pagcatapos sa CS.
PAG-UUCULAN NG SALAPI:
1. Pagcacagugulan sa pagpapa-aral ang A ó ang canyang anác, cung mapagmasdang totoong matalas ang ísip at masipag mag-aral, n~guni't walang caya.
2. Gugugulan ang paglalaban n~g catuwiran n~g isang dukhang A sa canyang pakikipag-usapin sa isang macapangyarihan.
3. Sasaclolohan ang maguing dukhang A.
4. Pahihiramín n~g puhunan ang A na mag cailan~gan, sa pagtatayô n~g isang hánap-buhay ó n~g macapagsaca n~g lúpà.
5. Tutulong at n~g gumaang ang pagdadalá rito n~g m~ga máquina at ang pagtatayo n~g m~ga bago ritong hánap-búhay ó kinakailan~gang hánap-búhay.
6. Magbúbucas n~g m~ga tindahan, m~ga almacen at iba pang mábibilhan n~g m~ga A n~g canilang m~ga kinakailan~gan upang macabilí n~g lalong mura ang halagá cay sa m~ga ibá.
MGA BATAS NA PANGCALAHATAN:
1. Sino ma'y hindî matátangap sa LF, cung hindi muna nagagawa ang pagcacaisang voto n~g m~ga A sa C n~g canyang bayan, at cung hindî pa nagagawa sa canya ang m~ga pagtikím na kinacailan~gang sa canya'y gawín muna.
2. Dalawang taón ang taning lamang n~g tagál n~g pan~gan~gatungculan n~g bawa't isa, liban na lamang cung magcaroon n~g ano mang sacdál n~g F.
3. Upang magtamó n~g catungculan ay kinakailan~gan ang tatlóng icapat na bahagui n~g m~ga "voto" n~g m~ga caharáp.
4. Inihahalal n~g m~ga A ang Gp, ang Fp at ang Tp; ang m~ga punong p ang siyáng man~gagháhalal sa m~ga punong P, at ang m~ga punong P ang magháhalal sa GS.
5. Cailan man at tátangap n~g isáng A, ipagbibigay alám n~g Gp sa GS ang pan~galang dati at ang pan~galang bago n~g tinangáp na A; at gayon din ang gágawin pagca nagtayò n~g isáng bagong C.
6. Ang pan~galang "simbólico" (pamagát) ang, siya lamang ilálagay sa pagpápadalhan at gayon din ang firma sa m~ga sulat cung panahóng caraniwan, at ganitó ang gágawing pagpapadalá: ipadádala n~g A sa Gp at ipadádala n~g Gp sa GP, ó sa GS, at gayon din sa pabalíc; sa macatuwid: mangagaling sa GS ó GP na patun~go sa Gp, at mulâ sa Gp han~gang sa A. Cung panahóng dî caraniwan lamang manyayaring masírà ang ganitong palácad. Gayon man, sa ano mang panahón at sa alin mang calagayan ang GS ay macapagpápadala n~g sulat ó mangyayaring makipag-usap sa canino mang capanig sa LF.
7. Hindî kinacailan~gang mácaharap ang lahát n~g m~ga capanig n~g C sa pagcacaroon n~g catibayan n~g ano mang pagcayarîan.
8. Sa alín mang sandalî n~g caguipitan ay ipalálagay n~g bawa't C na siyá ang caligtasan ó cútà n~g LF, at cung sa ano mang dahil ay magcawaraywaray ó masirà ang alín mang capulun~gan, bawa't C bawa't G, bawa't A ay magaatang sa sarili n~g catungculang pagtatatag at pagyarî ulì n~g nalanság.
CASULATAN SA PAGPASOC SA LF.
Sa Gp n~g Cp sa...........................
Aco'y si...........................,...... ................may..................taóng gulang...................., ang calagaya'y ...............(dito ilalagay cung binátà, may asawa ó bao).......................... ang hanap-buhay, tubo sa bayan n~g........ .............lalawigan n~g................ nananahan sa daang........................ bilang...........n~g bayan n~g............ lalawigan n~g......,.................., sa aking pagka tunay na anac na irog n~g Filipinas; sinasaysay co, sa ilalim n~g tunay at tapat na panunumpâ, na aking napagkikilala at ganáp na napagtátalos ang m~ga adhicáng pinagsisicapang camtan n~g LF, na nátatalâ sa licuran n~g casulatang ito; caya n~ga aco'y napasásacop at cusang nakikiusap sa GP n~g lalawigang ito, na mangyaring aco'y tangaping A * at tapat na loob na catúlong n~g LF, at sa icapagcácamit n~g cahilin~gan cong ito, lubos acong náhahandang gumawâ at sumunod sa m~ga kinakailan~gang pagtikím na sa aki'y hin~gín, bilang pagpapatotoo n~g cataimtimán n~g aking pakikipanig.
.............ica..........n~g......... ......ng 18........
...................................
* * * * *
Taglay n~g vapor na naghatíd sa Maynílà cay Rizal ang sumúsunod na sulat cay Don Eulogio Despujol, Gobernador at Capitán General n~g Filipinas.
"Marilág na guinoo: Ang cadahilanan nito'y ipagbigay alám pô sa inyó, na casabay n~g correong itó ang aking pagpariyan sa aking bayan, upang lumagáy pô acó sa ilalim n~g inyong capangyarihan, ang una, at ang icalawa'y upang paghusayin ang aking sariling m~ga pagcabúhay. Aayaw ang m~ga caibiga't m~ga ibang tao na aco'y pumarito, at ipinaalaala nila sa aking lumálagay acó sa pan~ganib na líhim sa ganitóng gawâ; n~guni't umaasa aco sa ganap ninyong pag-ibig sa catuwirang tumatankilic sa lahát n~g m~ga nasásacop n~g España sa Filipinas; umaasa rin acó sa dalisay cong ipinagmamasakit at sa capayapáan n~g aking budhî, at matututong in~gatan aco n~g, Dios at n~g m~ga cautusán sa lahat n~g m~ga sílò pagpapahamac.
Sabihanang dahil daw sa akin ay pinag-uusig n~g boong calupitán ang aking m~ga magulang na matatandâ na, ang aking m~ga camag-anac at patí n~g m~ga táong hindî co kilalá. N~gayo'y humáharap acó upang sa akin ibuntó ang gayóng calakíng m~ga pag-uusig, upang aco'y managót sa m~ga sacdál na ibig niláng gawín laban sa akin, at sa ganito'y n~g mawacasán iyang caligaligáng masacláp sa m~ga walang casalanan, at malungcot sa pamahálâ pô ninyong nagsusumicap na mapagkilala sa panununtón sa catowíran.
"Dahil sa hindî po ninyó pag-imic sa aking m~ga sulat;--hindî pag-imíc na sa wala acóng maacalang naguiguing cadahilanan cung dî ang lubhang malaking calakhan n~g pag-itan, mulâ sa cataastaasáng calagayan po ninyó hangang sa cababàan n~g aking cataohan, sa pagca't kilala po ang cagandahan ninyong makipagcapowa tao,--hindî co maalaman cung inyong mamagalin~gín ang humaráp aco sa sa inyo, hindî man ninyo aco tinatawag. Dahil sa bagay na ito'y maghihintay po aco sa isá sa m~ga hotel[56] sa Maynílà, marahil ay si "Hotel Oriente" sa pagbabacá-sacaling may ibig pô cayóng paglagayán sa akin ó ano mang bagay na ipag-uutos, at cung macaraan ang tatlong araw, cung walâ cayóng inilalagay na hadláng, gagamitin co ang aking calayàan upang paghusayin co ang aking caunting pag-aárì, sa aking pag-asang nacaganáp na aco sa Gobierno at sa aking m~ga cababayan.
"Taimtim cong nasang cayo'y in~gatan n~g Dios sa mahabang panahon, at aco po, guinoo ang puspos na mapitagan at masunuring lingcod,--Jose Rizal.--Hongkong, 21 n~g Junio n~g 1892".
Ang sumusunod namang sulat na hindî napagtalós cung dî n~g siya'y patay na, ay canyang inihabilin cay D. Lorenzo Pereyra Marquez, na taga Macaw, bago siyá lumulan sa vapor na maghahatíd sa canyá sa Maynílà, at ang bilin ay ibigay sa canyang familia, ang dalawang sulat na iyon, cung siya'y patay na, Ganitó ang sabi:
"Sa m~ga iniirog cong m~ga magulang, m~ga capatíd at m~ga caibigan:
"Ang pagsintang sa towi na'y isinusuyò co sa inyó ang siyang sa aki'y naguutos na gawín co ang ganitóng bagay, na ang mangyayari sa hulí lamang ang macapagsasabi cung matinô ó hindî. Ang nangyayari ang siyang nagpápasiya sa m~ga bagay alinsunod sa kinalálabasan; n~guni't magalíng ó masamâ ang cahínatnan, cailan ma'y wiwicàing ang tungculin co ang siyáng nag-utos, at hindî n~gâ dapat damdaming mamatáy acó sa pagtupád ng aking catungculan.
"Talastás cong cayo'y pinapagdusa co n~g hindî cawásà; n~guni't hindî acó nagsisisi sa aking guinawâ, sa pagca't yao'y siya cong catungculan. Masayá ang aking loob sa paglagáy sa pan~ganib, hindî n~g pagdusahan co ang aking sala (na sa bagay na ito'y walà acóng guinagawang camalian ayon sa aking paniniwálà), cung dî n~g bigyán cong capurihán ang aking gawâ at sacsihán n~g aking pagbibigay halimbáwà ang m~ga bagay na aking iniaral.
"Dapat magpacamatáy ang tao sa pagganáp n~g canyang catungculan at sa canyang m~ga pinananaligan. Ipinagmámatigas co ang lahát n~g m~ga caisipáng aking inilagdâ tungcol sa calagayan at hináharap na panahón n~g tinubuan cong lupaín, at mamamatáy acó n~g boong towâ sa pagsinta sa canya, at lálò na sa pagsusumicap na inyong camtan ang tapat na catuwiran at capanatagán.
Isinasapan~ganib co n~g boong galác ang aking búhay-upang aking mailigtas ang lubhang maraming m~ga walang malay-sala: ang lubhang maraming m~ga pamangkin, ang lubhang maraming m~ga sangól n~g m~ga caibiga't hindî caibigang nan~gagcacahirap dahil sa akin.
¿Anó acó? Isáng táong nag-íisa, walang familia hálos, nilagoc, na n~g búhay ang lubhang mapait na m~ga carayaan n~g mundo. Maraming pag-cabigô ang akíng tiniís, at marilím ang handog sa akin n~g hináharap na panahón, at totoong cádilimdiliman cung ang hináharap na panahóng iya'y hindî liniliwanagan n~g ilaw, n~g liwayway n~g aking tinubuang lupaín. Samantalang lubhang marami ang m~ga táong puspos n~g m~ga pag-asa at n~g m~ga minímithing towâ, na marahil ay liligayang lahát cung aco'y mamatáy; sa pagca't inaasahan cong masisiyahan na ang aking m~ga caaway at hindî na nila pag-uusiguin ang totoong maraming walang málay-sála. Hálos sumasa catwiran silá n~g pagtataním n~g galit sa akin tungcol sa aking magulang at sa aking m~ga kinamag-anacan.
"Sacali't lisyâ ang aking palad, talastasín n~g lahat na maligayang makikitil ang aking búhay, sa pag-aacalang masusunduan sa aking pagcamatay ang pagpapahintô n~g caniláng masasaclap na m~ga kahirapan. Man~gabalíc nawâ silá sa kinaguisnang bayan natín at n~g doo'y lumigaya silá.
"Hangang sa hulíng sandalî n~g aking búhay cayó ang aking isasapag-iísip at hahan~garín cong inyong tamuhín ang lahat n~g bagay na m~ga caligayahán.--Jose Rizal.--Hongkong, 20 n~g Junio n~g 1892".
Itó namán ang pan~gatlong sulat na canyang ilinagdâ, na nagpapakikilalang nakikinikinitá na niyang maaamís ang canyang búhay sa canyang pag-owî dito sa bayang kinakitâan niya n~g unang liwanag:
"Sa m~ga Filipino:
"Totoong mapan~ganib n~gâ ang aking guinawâ ó ang aking gágawin, at hindî co kinacailan~gang sabihing pinag-ísip co munang magalíng bago co itinulóy. Talastás cong aayaw na gawín co itó halos ang lahát; datapuwa't talastás co rin namang hindî alám n~g halos lahát ang nangyayari sa aking púsò. Hindî mangyayaring mabuhay acó na aking nalalamang maraming nan~gagdurusa sa m~ga walâ sa catowírang sa canila'y pag-uusig dahil sa akin; hindî mangyayaring mabuhay acóng aking pinanonood ang aking m~ga capatid at ang canilang maraming m~ga hinlóg na pinag-uusig na waláng pinag-ibhán sa m~ga táong tampalasan; minámagaling co pang lumulóng sa camatayan, at ipinagcacaloob co n~g boong towâ ang aking búhay upang máligtas lamang ang pagcaramiraming m~ga waláng málay-sála sa gayóng walâ sa catuwirang pag-uusig. Talastás cong naaatang sa akin ang isáng bahagui n~g sasapitin n~g aking tinubuang lúpà, sa hináharap na panahôn: na cung mamatay aco'y marami ang man~gagtatagumpay, at yamang gayo'y marami ang nan~gagmimithi n~g aking pagcapahamac. Datapuwa't ¿anó ang aking gagawin? Ang unauna'y may m~ga catungculan acóng dapat ganapín sa aking sariling budhî, may m~ga catungculan acó sa m~ga familia n~g nan~gagdurusa, may catungculan acó sa aking m~ga magulang na dumarating hangang sa caibuturan n~g aking púsò ang canilang m~ga buntóng hinin~gá; talastás cong acó lamang, cahi't ang camatayan co ang mácapalit, ang siyang macapagbibigáy ligaya sa canilá, sa pagpapabalíc sa caniláng kinamulatang bayan at sa catahimican n~g sariling báhay. Walángwalâ acó cung dî ang aking m~ga magulang; n~guni't ang tinubuan cong lúpa'y marami pang totoong m~ga anác na macaháhalili sa akin, at humahalili na n~gang higuít sa akin ang caniláng nagágawâ.
"Bucod sa rito'y ibig cong ipakita sa m~ga nagsasabing dî umano'y hindî tayo marunong sumintá sa kinamulatang lúpà, na tayo'y marunong magpacamatáy sa pag-tupád n~g ating catungculan at sa ating m~ga pinananaligan. ¿Anó ang cabuluhan n~g camatayan, cung namamatay dahil sa sinísinta, dahil bagá sa kinamulatang bayan at dahil naman sa m~ga táong sinusuyuan n~g ganáp na pag-ibig?
"Cung napagtátalastas co sanang aco ang pinagpapatoonan n~g política[57] n~g Filipinas, at cung mapagtalastás co sanang cagamitan n~g aking m~ga kababayan ang aking pag-lilingcod, marahil mag-alinlan~gan aco sa pagpapatuloy nitong aking gágawin; datapowa't may m~ga ibáng macacahalili sa akin, at humahalilí na n~gang malaki ang nagagawa cay sa akin; hindî lamang ito: marahil pa'y may m~ga nagpapalagay na aco'y calabisan na, at hindî gagamitin ang aking m~ga paglilingcod, sa pagca't aayaw niláng pakilusin acó.
"Sinintá cong laguì ang caawaawá cong tinubúang lúpà, at matibay ang paniniwalà cong siya'y aking pacasísintahin hangang sa hulíng sandalî n~g aking búhay, cáhíman gawín sa akin n~g sangcataohan ang walâ sa catowiran; at hindî co hinalagahan at páwà cong inihandog sa kináguisnan cong lupaín ang aking panahóng dáratnin, ang aking búhay at ang aking m~ga catowàan. Ano man ang aking cásapitan, mamámatay acong pinacapupuri ang aking bayang tinubúan at sa canya'y mímithiin ang pagbubucang liwayway n~g canyang catubusan.
"Pagcamatay co'y ilathála ang m~ga sulat na ito.--Jose Rizal.--Hongkong, 20 n~g Junio n~g 1892."
Dumating dito sa Maynílà si Rizal, na casama ang isang capatid niyang babae, n~g ica 26 n~g gabí Junio n~g 1892, at doon siya tumuloy sa Hotel de Oriente, at bilang 22 ang tahanang ibinigáy sa canya roón. Hindi kinacailan~gang sabihing siya'y sinalubong n~g canyang m~ga magulang, m~ga capatid, bayaw, m~ga camag-anac, m~ga caibigan, m~ga cakilala at hindî cakilala. Lumaganap agad-agad sa boong Maynílà ang matuling alin~gawn~gaw n~g canyang pagdatíng, at nan~gagtacá n~g dî cawásà ang canyang m~ga caibigan at m~ga caaway sa canyang capan~gahasan sa pagparito niyá sa lupaíng pinaghaharîan n~g m~ga ganid na púsong walang ibáng lalong pinacananais cung dî kitlín ang canyang mahalagang búhay. Buhat n~g matalastás ang canyang pagdatíng dito'y walang dî humulang hindî malalao't canyang dáratnín ang capahamacáng malaon n~g sa canya'y inilalaan n~g m~ga taong tampalasang isinasacdal niya sa sanglibutan, sa pamamagitang n~g m~ga casulatang canyang ilinathálà sa--"La Solidaridad" at ibá pang m~ga pámahayagan sa Europa, at lalonglalo na sa m~ga kitnathâ at ipinalimbag niyang m~ga librong "Noli me tangere" at "Filibusterismo" at gayon din sa "Sucesos de Filipinas" na sinulat ni Morga at nilagyan niya n~g m~ga paunawà at bago ipinalimbag.
Nang mabalitaan n~g paham at macabayang si Guinoong Apolinario Mabini ang canyang pagdating dito, caracaraca'y nagsadyâ n~g gabí rin iyon sa tinatahanan ni G. Manuel Hidalgo, na asawa ni G. Saturnina Rizal, capatid na pan~ganay n~g Doctor Rizal, at namanhic na siya'y pakisamahan at ipakilala sa bayaning nagtatangol n~g m~ga catowiran at camahalan n~g m~ga filipino. Napahinuhod naman si G. Manuel Hidalgo, sinamahan niya si Mabini at ipinakilala cay Rizal. Pag-daca'y nag-irugán ang dalawang púsong capowâ bayani, ang dalawang maniningning na isip na capowa nahahandog sa maalab na pag lilincod sa Inang Bayan. Maraming totoo ang canilang pinag-usapang pawang nahihinguil sa adhìcang pagtubós sa Filipinas sa caalipinang kinagagapusan. Nang magpaalam si Mabini ay ito ang sinabi ni Rizal sa canya:--"Sa sandalíng pag-uusap natin ay napagkikilala cong tunay po cayong macabayan, matalas ang caisipan at may púsong hindî marunong magulat sa bálà n~g m~ga pan~ganib; cayo po'y isá sa lalong mahalagáng cútâ at capurihan n~g cahabaghabag nating Bayan." Tumumbás si Mabini n~g m~ga pananalitang sumásacsing agpang na agpang sa canya ang canyang apellido: Mabini, mahinhín, hindî magasó, hindî hambóg. Casama ni G. Manuel Hidalgo sa pagdalaw na iyon cay Rizal ang canyang anác na si G. Alfredo Hidalgo, na casalucuyan n~gayong nag-aáral sa Estados Unidos galing na sa Lóndres.
Nang gabí ring pagdating ni Rizal, 26 n~g Junio n~g 1892, ay dumaló siya sa isáng pulong na guinawâ sa Tundo sa bahay ni guinoong Doroteo Ongjungco, at doo'y dinatnan niyá ito at saca si na guinoong Timoteo Paez, Domingo Franco, Agustín de la Rosa, Ambrosio Salvador, Numeriano Adriano, Bonifacio Arévalo, Deodato Arellano, Arcadio del Rosario, Luis Villarreal, Faustino Villarroel, Estanislao Legazpi, Gregorio Santillan, Mariano Crisóstomo, Genaro Heredia, José A. Ramos, Ambrosio Flores, Pablo Rianzares, Juan Zulueta, Teodoro Plata, Apolinario Mabini, Moisés Salvador, Francisco Nakpil, ang amá ni G. Ongjunco at si G. Andrés Bonifacio. Si Rizal ang nan~gulo sa pulong at sa canila'y nagsalitâ n~g ganitó, ayon sa isáng nacapakiníg: