Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal
Part 5
Hindî na namin saysayin ang lubhang maraming bagay bagay na nangyaring nagpaliwanag n~g pagcapucaw n~g loob n~g tagalog sa manin~gas na pag-ibig sa kinamulatang lúpà, mulâ n~g canilang mabasa ó mabalitaan ang m~ga sinulat ni Rizal, hangang sa dumating ang malualhating icadalawampo't apat na araw n~g bowan n~g Agosto n~g 1896, na pagpapasimulâ n~g panghihimagsic n~g m~ga filipino sa gobierno n~g castílâ, sapagca't lalawig caming lubhâ, at ang bagay na ito'y itatalâ na namin sa librong aming ilalathalâ na ang pamagát ay REVOLUCION NANG FILIPINAS; sucat na ang aming sabihing salamat sa m~ga isinulat ni Rizal ay naguising sa m~ga dibdib n~g catagalugan ang natutulog na pagsinta sa sariling dan~gal; at cung nangyari ang gayong caligaligayang bagay, sa gayong balibalitâ lamang ang pagcaalam n~g caramihan sa m~ga sinulat ni Rizal, sapagca't bibihirâ ang tunay na nacatatalos n~g _Noli me tangere_, _Filibusterismo_ at ibà pang canyang itinitic sa wicang castílà ¿di lalonglálò n~g mag-aalab n~g di ano lamang ang pagsintang iyán, cung caniláng ganáp na maunawâ ang m~ga pantás na casulatan ni Rizal, na siyang naguing maliwanag na araw na humawì n~g dilim na m~ga lupaing ito? Ito ang wagás na cadahilanan at pinagsicapan naming isatagalog ang calahatlahatang sinulat ni Gat Jose Rizal, at ilathalâ sa isáng paraang macacayang icabasa n~g lalong carukrukhaang tagalog, at lubós ang aming pag-asa na ang aming munting pagal ay pag-aanihan n~g matimyas at saganang bun~gang icagagalíng at icararan~gal n~g Sangcapuluang Filipinas.
Nanatili si Rizal sa Lóndres, at doo'y ipinagpatuloy niya ang pag-uusísà n~g m~ga casulatan at librong kinalalagdaan n~g m~ga nangyari sa canyáng lúpà n~g m~ga panahong nacaraan na, bucod sa siya'y nagpapadalá n~g sulat na ipinalalathálà sa "La Solidaridad." Sa sandasandaling siya'y natitiguil ay naglilibang sa pag-ukit n~g m~ga larawang cahoy. Tatlong "estátua" ang nayari niya sa Lóndres na canyáng pinamagatang "Ang pagtatagumpay n~g camatayan sa buhay", "Ang pagtatagumpay n~g carunun~gan sa camatayan" at "Si Prometeong nacagapos". Bucod sa rito'y sumusulat siya n~g m~ga casaysayang wicang inglés at wicang alemán, na canyáng ipinadádala sa m~ga pamahayagan. Nátitira si Rizal sa Lóndres, sa nayon n~g Chalk Farm, sa bahay n~g isáng mag-anac na m~ga inglés, na naboboo sa isang matandang lalaki at tatlong dalaga, na nagpapakita sa canya n~g boong cagandahan n~g loob, dahil sa sila'y nan~galúlugod sa catalinuhan n~g isip at catimyasan n~g asal niya. Iguinawâ ni Rizal n~g isang mainam na larawang cahoy ang m~ga ulo n~g tatlong dalagang iyon at saca inihandog sa canila.
Isang araw ay naparoon siya sa bahay ni G. Antonio Regidor at nagsabing siya'y aalis sa bahay na iyon at siya'y pasasa París, sa pagca't nararamdaman niyang tila siya'y ibig maraig n~g paghilig n~g budhî sa isá sa m~ga dalagang iyon.--"Hindî mangyayaring dayain co ang dalagang iyon--ani Rizal cay Regidor;--hindî acó macapapacasal sa canya, sa pagca't hindî itutulot na gawin co ito n~g m~ga ibang pag-ibig na linisan co sa ating lupain, at dî co n~ga maitutumbas ang pagdaráyà sa isang dalisay at malinis na pag irog". Nalalarawan sa mukhâ ni Rizal ang malaking pakikipaglaban niya sa panghihinaíng n~g pusong sarili n~g sinasabi niya ang m~ga bagay na iyón sa cababayan nating si G. Antonio Regidor.
* * * * *
Lumipat n~gâ si Rizal n~g taóng 1889 sa París at doon tumulóy muna sa bahay n~g ating calahî at cababayang si G. Valentín Ventura, at bago lumipat sa Rue de Maubergue, bilang 45, sa París dín, at ipinagpatuloy niya roon ang pagcathâ n~g _Filibusterismo_, na canyang pinasimulán na n~g siya'y natitirá pa sa Lóndres, at tuloy ipinalimbág niya roon ang librong _Sucesos de las Islas Filipinas_, ni Doctor Antonio de Morga, na canyang nilagyan n~g m~ga paliwanag upang lalong mapagcurong magalíng n~g babasa.
Samantala'y waláng licat ang paglaganap sa boong Filipinas n~g maraming dahong limbág, na doo'y ipinauunawâ ang sari-saring m~ga mahahalay at tampalasang cagagawán n~g m~ga fraile sa pagyurac sa dan~gal at pamumuhay n~g m~ga filipino, m~ga dahong limbàg na ipinamamahagui n~g boong lihim sa m~ga tagarito, at hindî mapagcúrò n~g m~ga cawaní n~g Gobierno cung sino ang nagdadalá rito, baga man nakikilalang m~ga gawâ sa limbagan sa Hongkong, at hinihinalang ang nagpapalimbag doo'y marahil si G. Doroteo Cortés ó si G. José María Basa, na capowâ cababayan natin.
May isáng nagn~gan~galang filipinong sumagót n~g dahong limbag din sa m~ga dahong limbag na iyón. Sa sagót n~g filipinong yao'y ipinagsasanggaláng ang m~ga fraile't ang m~ga castílà, at tinututulan at minámasamâ ang guinágawâ n~g m~ga filipinong na sa Europa, at lalonglalo na ang guinágawâ n~g m~ga sumusulat sa _La Solidaridad_ at ang m~ga pagbabagong utos na hinihin~gî n~g m~ga magcacapanig sa "Asociación Hispano-Filipina;" hindî raw mabuting dito'y ipagcaloob ang Código político, ang nauucol baga sa m~ga calayaan sa pamamayan, at hindî raw pakikinaban~gan n~g sino man ang magcaroon sa Kapulun~gang bayan n~g España n~g m~ga filipinong tagapakiharáp natin doon, bucod sa canyang inaalimura't ipinalalagay na m~ga tampalasan ang m~ga táong dito'y nagcacalát n~g m~ga dahong limbag na laban sa m~ga fraile at m~ga castílà.
Nacarating hangang sa Europa ang tutol na iyon, at dî nalao't dito'y dumatíng ang isang masigabong sagot n~g m~ga filipinong na sa París. Ang taglay na fecha n~g sagot na iyo'y 10 n~g Octubre n~g 1889. Sinasapantáhà n~g iláng ang sagot na iyo'y gawâ ni Rizal; datapwa't ani G. Mariano Ponce ay hindî raw. Si G. Mariano Ponce ay isa sa lalong m~ga caibigang matalic ni Rizal.
Nagpasimulâ si G. Antonio Luna n~g pagsulat sa _La Solidaridad_, at ang guinamit niyang pamagat na pangfirma sa canyáng m~ga ilinalathálà ay "Taga-Ilog," at sa pagca't inúuyat ni "Taga-Ilog" ang iláng m~ga ugalî n~g m~ga castílá, sumagot sa canya ang páhayagang "El Pueblo Soberano", sa Barcelona, at doo'y pinacacalaitlait n~g dî cawásà si G. Juan Luna, sa pagca't walán~g boong isip ang m~ga castílâ cung dî si G. Juan Luna ang pumifirmá n~g "Taga-Ilog." Hindî nacatiís si Rizal cung dî ipagsangalang ang cababayan sa isang mainam at bayaning pan~gan~gatuwiran, na canyáng ilinathálà sa _La Solidaridad_ n~g ica 30 n~g Noviembre n~g 1889. Na sa París n~g panahóng iyón si Rizal. Ganito ang wacás n~g casagutan niya:
" ...dinaramdam namin ... na ang isáng pamahayagan n~g isáng "partido" na may cagalinggalin~gang m~ga mithî, na pinacananais na mácamtan ang m~ga dakilang adhicâ na pamamahala't paglalagdâ n~g m~ga cautusa'y ang pagcacapantaypantay ang guinagamit na saguisag; pagca nauucol na sa filipino'y limutin ang canyang linalandás na asal at gumamit n~g pananalitang sa capalalua'y malabis at puspós n~g casun~gitan, nasasalig sa camalìan, na wárì mandin ang hinahan~gad ay ang papagn~galitin ang m~ga may tapát na loob na nananahán sa Sangcapuluan, at tila mandin sa canila'y sinasabi: ¡Ha! Howag cayong umasa sa cadalisayan n~g talarongtimban~gan, howag cayong umasang kikilalanin ang inyong m~ga catowiran, huwag cayong umasa sa pagcahabág: ¡cailan ma'y hindî mangyayaring cami'y inyong maguing capatid! Tunay n~ga't ibig namin ang Calayaan, ang pagsunod sa Talarongtimban~gan, ang Pagcacapantaypantay; n~guni't ibig naming cami lamang ang magcamit n~g tatlong cagalin~gang ito; tunay n~ga't ipinaglalaban namin ang icágagaling nang sangcataohan; n~guni't ang icagagaling lamang n~g sangcataohan sa Europa; hindî lumálampas ang aming pagtin~gín sa daco pa roon; sa pagca't cayo'y m~ga, lahing marilaw ó caymangui, ¡cayo n~gâ ang bahálà sa inyong sariling catawán! Talagang maban~gis ang lahát n~g m~ga "partido"--cahi't na ang lalong maiiruguin sa m~ga calayàan--sa m~ga taga ibang lupaíng nasasacop n~g canicanilang nación. ¡Cung ibig ninyong magtamó n~g lubós na catowiran ay inyong hanapin sa pamamag-itan n~g pakikibaca."
Naghayag si Rizal n~g dalawang casulatang mahahalagá sa _La Solidaridad_, mula n~g Septiembre n~g 1890 hangang sa m~ga unang bowan n~g 1891, na ang m~ga pamagát ay _Filipinas dentro de cien años_, (calagayan n~g Filipinas sa loob n~g sandaang taón) at _Sobre la indolencia de los filipinos_ (tungkol sa catamaran n~g m~ga filipino). Sinasaysay ni Rizal sa _Filipinas dentro de cien años_ ang m~ga caunaunahang nangyari sa Filipinas, ang casalucuyang nangyayari n~g panahóng iyon at ang inaacálà niyang mangyayari sa hinaharap. Tungcól sa casalucuyang nangyayari, nagsasalitâ si Rizal n~g m~ga catotohanang masasacláp, n~guni't m~ga dákilang catotohanan.
"Ang pagca maramdamin ang púsò"--ani Rizal--"ang siyang pan~gulong budhî n~g "indio", at sinugatan nila ang pagca maramdaming iyan; at cung natutong manatili sa pag-titiís sa m~ga hirap at pagcaamis n~g búhay sa paanan n~g isang bandera n~g taga ibang lúpà, sa paglilingcod sa España,[53] hindî nacapagtiís n~g makita niyang ang sa caniya'y ibinabayad n~g canyang pinaghahayinan n~g buhay ay pag-alimura at m~ga sawíng caasalán (chonggo, pilósopo, filibustero at iba pa). Nang magcágayo'y untiunting hiniwatiga't siniyasat ang canyang calagayan at napagkikila ang canyang anyong cahapishapis (wal-in ang pag-asa magpacailan man, sa canyang catubusan). Ang hindî nan~gag-aacalà n~g ganitóng mangyayari, palibhasa'y nápacalupit na m~ga pan~ginoon, ipinalagáy niláng paglabág ang anó mang daíng, ang anó mang pagtútol, at camatayan ang siyáng parusang bigáy; pinacsáng lunurin sa dugô ang anó mang sigáw n~g paghihírap, at guinawâ ang sunodsunód na pagcacámalì. Datapowa't hindî napagúlat sa ganitó ang budhî n~g bayan. At baga man sa íilang púsò lamang napúcaw ang pagdaramdam, ang nin~gas nito'y hindî naglílicat n~g marubdob na paglalakit, salamat sa m~ga catampalasanan at m~ga masasamang cagagawán n~g tan~ging m~ga táong nagpupumilit inisín ang m~ga damdaming mahál at mairuguín. Tulad namán cung narirígkitan n~g alab ang suot na damít, ang pagcágulat at pagmamadalî n~g pagpapagpag ay siyáng lalong nacapagpaparubdob n~g nin~gas, at bawa't isáng pamamayagpag, bawa't isáng paghampás sa nin~gas ay isáng híhip na lalong nagpapaalab."
Mahábà pang lubhâ ang canyáng m~ga sinaysáy, n~guni't ang lalong nacapagtátaca'y ang marami sa canyáng m~ga sinabi'y naguing isáng panghuhúla, catulad n~g m~ga wicâ niyáng itó:--"Marahil mapag-isipan n~g malakíng República Americana ang muha n~g sacóp sa m~ga dacong itó, bagá man hangga n~gayo'y walâ siyáng pinakikialamán cung dî ang canyáng m~ga pag-aaring na sa sa dagat Pacífico at hindî pa n~gâ siya nakikitalamitam sa m~ga nacucuha n~g m~ga ibáng nación sa Africa."
Sinabi rin niyáng cahi't lubhang payapang loob ang filipino'y mapipilitang ipagpasumalá, sa camatayan ang buhay na puspós n~g lait at cahirapan, at gayon n~gâ ang nangyari.
Ipinagsasangalang ni Rizal towî na ang canyang m~ga caláhì, sa pamamag-itan n~g canyang pluma, sa m~ga paratang at pagpapahirap n~g m~ga fraile at m~ga castílá, na ano pa't cung aking sasabihin dito ang lahat n~g canyang m~ga guinawa'y hahabà n~g dî cawasà ang casaysayang ito, caya't n~g dì magcágayo'y isinasamò co sa bumabasang cung totoong ibig niyang matalós na ganap ang buhay ni Rizal at ang canyang m~ga sinulat, bucod sa _Noli me tangere_, _Filibusterismo_ at _Sucesos de las Islas Filipinas_, ay adhicain at basahin ang librong dî malalaon at aming ipalilimbag na ang pamagát ay _Buhay ni Rizal_.
Nalís sa Francia si Rizal at lumipat sa Madrid n~g man~gan~galaghatìan na ang Agosto n~g 1860, at pagdating niya roo'y pinagod niya ang maraming pahayagan sa calalathálà n~g canyáng m~ga sinusulat sa paglalaban n~g catuwiran n~g m~ga filipino.
Minsa'y hindî na nagcasiya si Rizal na pluma na lamang ang gamiting sandata. Naglathálà si Don Wenceslao E. Retana sa páhayagang _La Epoca_ n~g ica 16 n~g Noviembre n~g 1890, n~g isang sulat na laban sa m~ga camag-anac n~g ating marilág na capatíd, at kinabucasa'y tumatangap na siya n~g dalawang sacsing inutusan ni Rizal, at siya'y ipinahahamon sa isang away na patayan (desafió â muerte). Namag-ita't n~g huwag mátuloy ang away na iyon ang dalawang caibigan ni Retana, at binigyang wacás ang gayong pag-aalit sa pamamag-itan n~g isang "acta" ó casulatang pinagfirmahanan n~g lahat, na doo'y sinasabing walang cahi't munting han~gad si Retanang ligaliguin cahi't babahagyâ, ang calooban ni Rizal, at cung sacali't may salitang dapat icamuhî ni Rizal na canyang sinulat ay ipinamamanhic na huwag pansinin at yao'y hindî niya han~gad. Si Retana rin ang sa canyang _Vida y escritos del Dr._ Rizal _ay nagsabi n~g ganito:_ "Nang matapos na ang bagay na iyon, isa sa m~ga kinatawan co, na si Sr. Scheidnagel, manunulat na militar na sa aki'y malaki ang pagguiliw, ay nagsabi sa akin: Nagaalap-ap acong mátuloy ang pag-aaway ninyó; sa pagca't talastas cong totoong magaling ang camáy ni Rizal sa pamamaril, at sacâ hindî marunong malaguím."
Sinabi n~g m~ga pamahayagang castílang "La Correspondencia Alicantina", "El Demócrata," sa Lorca at ibá pa, na cung gaano raw ang cagalin~gang totoo n~g camáy ni Rizal, sa pagpapagalíng n~g matá, ay gayon din ang cabutihang magpatámà n~g bala; naisusulat niyá sa pader ang canyáng pan~galan sa pamamag-itan n~g m~ga bála n~g pistolang canyáng pinapúputoc. Magalíng din totoong manandata siyá n~g espada at sable.
Nang mámasid ni Rizal na hindî niyá masunduan sa Madrid ang maalab na mithî n~g canyáng calolowang macapagbigay guinhawa sa Inang Filipinas, bagá man guinagamit niyá ang boong lacás n~g canyáng ísip, nanaw siyá roong puspós n~g calungcutan, pagcatapos na mailáthalà niyá sa "La Solidaridad" ang canyáng m~ga pagsisiyasat n~g librong "Las luchas de nuestros dias" ni D. Francisco Pí y Margall, at ang canyáng m~ga sinulat na ang pamagát ay "Como se gabiernan las Filipinas," "A mi.... (musa)" at "Mariang Makiling." Ica 27 n~g Enero n~g 1891 n~g umalís si Rizal sa Madrid na ang tun~go'y sa París.
* * * * *
Hindî nalaong totoo n~g pagtirá sa París si Rizal. Halos sa boong táong 1891 ay nátira siyá sa Bélgica. Nanahán muna siyá sa ciudad n~g Bruselas, n~guni't hindî nagluat at lumipat siyá sa ciudad n~g Gante, at doo'y ipinalimbág niyá ang _Filibusterismo_. Náhahandog ang librong itó sa m~ga presbíterong tagalog na si párì Mariano Gómez, (walompo't limang taon); si párì José Burgos (tatlompong taón), at si párì Jacinto Zamora (tatlompo't limang taón), na ipinabitay n~g gobiernong castílà sa Bagumbayan n~g ica 28 n~g Febrero n~g 1872.
Hindî ipinagbilí ang cahi't isang libong _Filibusterismo_ sa Madrid, ni sa alín mang ciudad n~g Europa; ipinadalá niyáng lahát sa Hong-kong upang ipasoc n~g lihim sa Filipinas; n~guni't nátictican n~g m~ga cainalám n~g m~ga fraile, caya't n~g dalhín dito sa Mayníla'y nahuling lahát. Gayon ma'y nacapagparating din dito n~g librong iyón, n~guni't cacauntî ang naipamahagui, dahil sa malakíng paghihigpít n~g m~ga nag-uusig sa m~ga libro ni Rizal.
[Larawan: G. Teodora Alonso Y Quintos, Iná n~g Dr. José Rizal Imp. de M Fernández. Paz, 447, Sta Cruz]
N~g m~ga caarawang dumating dito sa Maynilà ang librong "Filibusterismo" ay pinaparoonan naman ang Calambâ n~g m~ga guardia civil at n~g m~ga castilang sundalong artillero, na ang namiminuno'y ang maban~gis at waláng habág na si Francisco Olive y García, coronel n~g 20.° tercio n~g guardia civil, na totoong maraming pinahirapan at binaríl at ipinabaríl na m~ga filipino, mulâ n~g Agosto n~g 1896 hangang sa malupig dito ang gobierno n~g castílà. Ang m~ga guinawâ n~g ganid at tampalasang itó at ibá pang m~ga castílà at cauralì n~g m~ga castilang sa Filipinas ay naglaganap n~g kilabot dahil sa caniláng calupitán, sásaysayin co sa aking librong ilalathala tungcol sa Revolución n~g 1896. Iguinibâ n~g m~ga guardia civil at n~g m~ga artillero, sa utos ni Olive, ang m~ga bahay nang m~ga taga Calambang inaacalang catoto at nakikisang-ayon cay Rizal, at n~g maiguibâ na'y sinunog naman. Guinawa ang lahat n~g itó sa cahin~gian n~g m~ga fraile. Hindî pa nagcasiya ang m~ga fraile sa gayong gawâ ay hinin~gî sa pamamag-itan ni Olive sa general Weyler na ipatapon sa Joló ang dalawampo't limang m~ga camag-anac at caibigan ni RizaL, at sumang-ayon namán ang general na iyon.
Nang mábalitaan ni Rizal ang gayong nangyari, nagdamdam n~g di gagaanong pighatî at sacláp n~g loob.
Inacálà ni Rizal na dalhin ang canyang ama't iná at m~ga capatid sa Leida, ó sa Delpt ó sa Utrecht, at doon na sila tumirang casama niya, sa pagca't ito ang sa canya'y hatol n~g canyang caibigang si profesor Blumentritt, datapuwa't hindî pumayag silá sa canya, caya't ang guinawâ niya'y lumipat siya sa Hongkong at doo'y dumating n~g magtatapos na ang buwan n~g Noviembre n~g taóng 1891, sa pagca't ibig niyang mápalapit siya sa m~ga sinísinta n~g canyang calolowa.
Hinan~gad niyang omowi dito sa Filipinas, caya't sumulat siya sa canyang "familia" n~g ganito:
"Hongkong, 1 n~g Diciembre n~g 1891."
"Minamahal cong ama't iná at m~ga capatid: Sinúsundan cong walang licát ang cahapishapis na Calvariong inyong linálacbay, Huwag cayong man~ganib at hindî aco nagpapahin~galay sa pagsisicap. ¡Lakíng caligayahán sana cung matulutan ninyo acong macaowî riyan! ¡Marahil magbago ang lahat! Ipagcaloob n~ga ninyo sa akin ang capahintulutang ito at papariyan agad acó. Umaasa acó, lubos ang aking paniniwalang magalíng ang ating calalabasan."
"Natatalastas co ang pagcaparoon n~g apat na cababayan sa Joló, at ang pagcábalic n~g aking capatid na lalaki sa Maynila. Natalastas co ring mulíng ipinatawag sa Gobierno Civil ang Nanay, si Pan~goy at si Trining. Taglayín ninyó ang caunting pagtitiis. Lacsán ang loob."
"Sa pagca't pinapagmámadalî aco n~g panaho'y bíbigyan cong wacás itóng sulat."
"Maalab ang aking mithíng cayo'y mayacap."
Ang inyóng anác,--Rizal.
Sinagót agad siyá n~g canyang familiang howag ituloy ang canyang gayac, cayâ hindî siyá nátuloy niyón n~g pag-owi rito.
Umupa siyá n~g bahay sa Hongkong at doon na siyá nagtumirá, hangang sa siya'y bumili n~g maraming libro, na ang bilang ay dumating hangang sa sanglibo.
N~guni't hindî rin siyá mátahimic; ninanasâ niyang totoo ang capanatagán n~g canyáng m~ga magulang, m~ga capatíd, m~ga camag-anac at m~ga cababayan, caya't naglacbáy siya sa Borneo, lupang sacóp n~g Inglaterra[54], at n~g makita niyang doo'y maluwag ang pamamayan, min~gî siyá sa Gobierno n~g Inglés na pagcalooban siyá n~g lupang mátahanan at mápagtamnan n~g m~ga halaman, at pumayag naman ang Gobiernong iyon.
Gayác na sana si Rizal, n~g pagpasa Borneo, na doo'y isasama niyá ang canyáng m~ga magulang, capatíd, kinamag-anacan at cababayan, n~g mabalitaan niyang dito sa Filipinas ay may bagong Gobernador General na totoong masintahin sa catowiran. Ito'y ang teniente general Eulogio Despujol y Dusay, Conde de Caspe, na dumating dito n~g ica 17 n~g Noviembre n~g 1881. At tunay n~gâ namán. N~g m~ga unang buwan n~g pamumunò rito n~g general Despujol ay nagpakita n~g pag-uusig sa m~ga gawáng masamâ n~g m~ga castílà, at ipinakilala niyang hindî siyá sang-ayon sa m~ga caasalán n~g m~ga fraile. Sa pagca't marami ang nagbalitâ cay Rizal n~g m~ga gayong panunupád n~g General Despujol sa canyáng mataas na catungculan, sumulat siya sa Gobernador General na itó, at sinabi niya ang nasang omowî rito sa Maynilà upang ihandóg niya ang pagtulong sa lalong magalíng na pamamanihalâ n~g lupaíng itó. Hindî sumagót si Despujol sa sulat na iyón, n~guni't n~g macaraan ang iláng buwan, mulíng sumulat si Rizal n~g Mayo n~g 1892 sa General, at sinabi niyá ang canyang acalang bumalic siyá sa bayang itóng sa canya'y pinan~ganacan, upang ipagbili niya at n~g canyang m~ga caibigan ang m~ga pag-aaring sa canila'y nátitira pa, at n~g macalipat silá n~g pamamayan sa Borneo, na casama ang canicaniláng asawa't m~ga anác, at doo'y man~gan~gasíwà silá sa pagsasáca, sulat na hindî sinagót n~g sulat din n~g general Despujol, cung dî ang guinawa'y ipinasabi na lamang sa canyá sa Cónsul n~g España sa Hongkong, "na sa pagca't culang na culang sa magsasacá ang m~ga lúpà rito sa Filipinas, hindî n~gâ gawang macabayan ang alsán n~g m~ga magsasacá rito upang bigyang casaganaan ang lúpà n~g m~ga taga ibang nación, caya't dahil dito'y hindî n~gâ siyá macatutulong sa gayong nais"; sacâ idinugtong ang sabing: "sino mang filipino'y macatutulong mulâ sa alín mang bayan n~g Sangcapuluan sa iguiguinháwa n~g lupaíng itó, sa loob n~g nasasaclaw n~g m~ga cautusán n~g sariling bayan."
Datapuwa't cung nagsusumakit man si Rizal sa icapapanatag n~g m~ga irog n~g canyáng puso'y hindî naman niya nililimot ang ipagtatamó n~g guinhawa, m~ga calayâan at casarinlán n~g Filipinas, at sa pagca't ang pagcacaisa'y siyang mahigpít na cailan~gan upang tamuhín ang m~ga gayóng bagay, inisip niya't itinatag ang isáng samahang pinan~galanan niyang _Liga Filipina_; nagpalimbag siyá n~g maraming palatuntunan n~g capisanang itó at ipinadalá sa canyáng caibigang si G. Domingo Franco.
Sa pagca't inaacalà cong lubhang mahalagang bagay, aking isasatagalog ang "Estatutos de la Liga Filipina", sa pagca't mainam na gawing ulirán sa pagtatayô n~g ano mang samahang nauucol sa catubusan nitong ating kinaguisnang bayan.[55]
Ang m~ga abreviaturang cagamitan sa "Estatutos de la Liga Filipina" (Palatuntunan n~g Pagcacabigkísbigkís n~g m~ga Filipino) ay ang sumusúnod:
L. F., Liga Filipina; Pagcacabigkísbigkís n~g m~ga Filipino.
A * * *, Archipiélago; Sangcapuluan.
VIO * * *, Vnvs Instar Omnium; Pagcacaisá n~g lahát.
Cp, Consejo popular; Capulun~gáng bayan.
CP, Consejo Provincial; Capulun~gáng Lalawigan.
CS, Consejo Supremo; Cataastaasang Púnò.
GS, Gefe Supremo; Cataastaasang Púnò.
G, gefe; Púnò.
F, Fiscal; Tagausig.
T, Tesorero; Tagain~gat-yaman.
S, Secretario; Calihim.
A, Afiliado ó afiliados; Capanig ó M~ga Capanig.
P, mayúscula (malaking P), ang cahuluga'y Provincial, ang nauucol sa Lalawigan; at p minúscula, (maliit na p), ang cahuluga'y "popular, ang nauucol sa bayan".
Ganito sa wicang tagalog ang sinabi n~g "Estatutos":
L. P.
ADHICA: Paglakiplakipín ang A * * * sa isá lamang capisanang nag-iibigang mahigpít, malacás at nagcácaisang anyô ang magcacapanig.
2. Man~gagtangkilican sa lahát n~g capan~ganiban at pan~gan~gailan~gan.
3. Pagsasan~ggalang laban sa anó mang catampalasanan at gawáng sawî sa catuwiran.
4. Pagpapalagô n~g pag-aaral, n~g pagsasaca at n~g pan~gan~galacal.
5. Pag-iísip at paggamit n~g m~ga pagbabagong cautusán.
Saguisag: VIO * * *
Palatandàan: * * *
PARAAN:
1. Upang masunduan ang m~ga ADHICANG ito'y magtatatag n~g Cp, CP at sacâ isáng CS.
2. Bawa't C ay magcacaroon n~g isáng G, F, T, S at m~ga capanig.
3. Bubuô-in ang CS n~g m~ga GP, at gayon ding bubuô-in ang CP n~g m~ga Gp.
4. Nag-uutos ang CS sa LP at makikipag-alam na tulóy-tulóy sa m~ga GP at m~ga Gp.
5. Nag-uutos ang CP sa m~ga Gp.
6. Ang Gp ay nacapag-uutos sa m~ga A.
7. Bawa't CP at Cp ay gagamit n~g isáng pan~galang ibá sa pan~galan n~g kinalalagyang bayan ó lupaín.
MGA CATUNGCULAN N~G M~GA A.
1. Magbabayad n~g dalawang piso pagpasoc, at bucod sa rito'y piso sa bawa't buwan.
2. Súsunod n~g waláng tutol at n~g boong caganapán ang lahát sa m~ga cautusáng mangaling sa isáng C ó sa isáng G ó sa GS.
3. Ipagbíbigay alám sa F n~g canyang C ang anó mang mahiwatigan ó maringíg na nauucol sa LP.
4. Pacaiin~gatan ang paglilihim n~g ano mang lagdâ, cautusán ó cahatulán n~g C.
5. Sa anó mang gágawin sa pamumuhay ay bíbigyang lin~gap ang m~ga A; howag bíbili cung dî sa tindahan n~g A, at cung magbíbili naman n~g ano man sa isáng A ay bababàan ang halagá. Parurusahan n~g mabigat ang ano mang pagsuay sa cautusang itó. * * *
6. Ang A na hindî sumaclolo, baga man mangyayari, sa isang capwâ A, na nakikitang na sa caguipitan ó pan~ganib ay parurusahan, at ang caliitan n~g parusang ito'y ang capantay n~g paghihirap na tiniis n~g dapat niyang saclolohan.
7. Gagamit bawa't A, pagpanig niya sa LF, n~g bagong pan~galang hindî niya mababago ulî hangang hindî siyá naguiguing GP.