# Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal

## Part 4

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/buhay-at-mga-ginawa-ni-dr-jose-rizal-18282/index.md

Nang may isáng bowan n~g nagsasama ang magcaibiga'y nagpaalam si Rizal cay Blumentritt, at canyáng nilibot ang m~ga ciudad n~g Praga, Bruna, Viena, Nuremberg at Munich. Dumating sa Ginebra n~g m~ga unang araw n~g Junio, doo'y nátirang sandalî, lumipat sa Losana at doo'y tumiguil na iláng araw, sacá nilibot ang m~ga pan~gulong bayan n~g Suiza at pagcatapos ay naglacbay sa Italia, nilibot namán niyá ang boong caharìang iyón; n~guni't malaon ang canyang itiniguil sa Milan, Venecia, Florencia, Roma at Génova. Mulâ sa Génova'y na pasa Marsella, at buhat dito'y lumulan siya sa vapor "Diemnah" na patun~go sa Saigon n~g bowan n~g Julio n~g 1887, at pagdating sa Saigon ay lumulan namán siyá sa vapor "Haiphong" na patun~go sa Filipinas na ang conciencia'y tahimic, samantalang nan~gagcácagulo namán ang m~ga fraile't castílà sa Maynilâ, na ang pinacamagaang na cahilin~gan ay putulin ang canyáng ulo, bilang caparusahang magaang sa dakilang casalanang pagcasulat niyá n~g _Noli me tangere_.

* * * * *

Nang dumating si Rizal dito'y casalucuyang Presidente n~g Consejo n~g m~ga Ministro sa España si D. Práxedes Mateo Sagasta, Ministro n~g Ultramar si Don Victor Balaguer, Gobernador at Capitán General n~g Filipinas si D. Emilio Terrero, Gobernador Civil n~g Maynílà, si D. José Centeno, Director General n~g Administración Civil si D. Benigno Quiroga-López Ballesteros at Secretario n~g Gobierno General si D. José Sáinz de Baranda, m~ga guinoong pawang mairuguín sa calayàan; at cung hindî ang dirito'y ang m~ga guinoong sinabi na, noon pa sana'y napahamac na si Rizal.

Tumangáp siyá n~g siya'y bagong cararating dito sa Maynílà, n~g lubhang maraming sulat na waláng firma, at doo'y ipinagtagubilin sa canyang siya'y magpacain~gat, sa pagca't totoong nan~gan~ganib ang canyang buhay, at gayon din namán ang sabi sa canyá n~g canyáng ama't iná, m~ga capatíd, m~ga camag-anac at m~ga caibigan. Nan~gagtátaca ang lahát cung bakit hindî agád siya napapahamac pa, palibhasa'y hindî cailâ ang calakilakihang capangyarihan n~g canyang m~ga caaway.

Sa utos n~g matátaas na puno'y halos hindî humíhiwalay cay Rizal ang teniente n~g guardia civil na si D. José Taviel de Andrade.

Isáng umaga'y napasá Ateneo Municipal siyá upang makipagkita at bumátì sa m~ga jesuitang si párì Pablo Ramón at si párì Federico Faura; sinalubong siyá nitó, at sinábi sa canyáng yámang nagbago siyá nang pananampalataya'y huwag n~g túlungtong na mulî sa Ateneo; at hindî na n~gá namán siyá nagbalíc doón hangang sa siyá'y binaríl.

Hindî nagluwat sa Maynila si Rizal; na pa sa Calambâ siyá, at iníbig niyang doó'y manahímic; n~guni't hindî nangyári. Sa ákit n~g pagmamahál sa m~ga cababáyan, siyá'y gumawâ nang isáng casulátang wícang castilà at wícang tagalog, na doo'y idinaraing sa Gobernador General na mangyáring tangkilikin ang m~ga catowiran n~g m~ga taga Calambang maláon n~g totoong niyuyurac n~g m~ga fraile. Sa casulatang iyo'y sinasaysay ang lihís sa matuwíd na pagpapabuwís n~g m~ga fraileng dominico sa m~ga lupang linílinang n~g m~ga taga Calambâ, ang pagdaragdag sa taon-taón n~g buwis, ang sa m~ga pagtataním n~g m~ga halaman, ang sa m~ga lansan~gan, m~ga bahay at m~ga escuelahan: waláng sinásaysay doon cung di dalisay at wagás na catotohanan. Tumawag si Rizal n~g isang pulong n~g m~ga namamayan sa Calambâ, dumaló sa pulong na iyón ang m~ga caibigan at ang m~ga caaway n~g m~ga fraile; ipinabasa niyá sa lahát ang casulatang wícang castila't wícang tagalog na iyón, at walâ, isá mang tumanguí sa pagfirmá. Pumirmá sa casulátang iyón si Rizal, ang caguînoohan, ang m~ga naghaháwac n~g lupa't ang m~ga nan~gin~gisama, ang m~ga babae, ang m~ga alilà, ang m~ga insíc, ang boong báyan, sampo n~g m~ga caibígan n~g m~ga fraile. Ipinadalá ang carain~gang iyon sa Gobernador General, at ang gayong carain~ga'y hindî pinansín; at sapagca't nag acalang manghigantí ang m~ga fraile, mulíng nagpadalá ulî n~g isá pang casulatang ipinamamanhíc na mangyaring makialám ang Gobernador General sa pag-amís na guinágawâ n~g m~ga fraile; n~guni't ang gobierno'y hindî umimíc.

Nagpasimulâ ang m~ga taga Calambâ n~g pagtanguí sa pagbabayad, samantalang hindî ipinaliliwanag n~g m~ga fraileng dominico ang cung bakit silá ang tan~ging may-árì n~g boong Calambâ, na waláng nátira, cácarangcal mang lúpà sa m~ga táong túbò roon; sinagót n~g m~ga fraile ang gayong cahin~gìan, n~g pagpapalakí n~g bowís at n~g paghihigpít n~g paninin~gil, at sa cawacasa'y nagpadalá silá sa Calambâ, n~g Septiembre n~g 1888, sa pamamag-itan n~g capangyarihan n~g Capitán General Weyler, n~g isáng hucbó n~g m~ga sundalo, at ipinaguibâ at ipinasunog ang m~ga bahay n~g nagsisitanguing magbayad n~g buwís, at isá sa m~ga ipinaguibâ ang bahay n~g m~ga magulang ni Rizal.

Baga man totoong ligalíg ang canyang calooban sa m~ga pag-apíng nangyayari sa canyang cababayan at sa mahigpít na pag-uusig na sa canya'y guinágawâ n~g m~ga fraile, hindî rin siyá naglilicat n~g pagsulat; inihulog niyá sa wicang tagalog ang iláng maiinam na tuláng wicang alemán, at sacâ ang bantóg na drama ni Schiller na _Guillermo Tell_ ang pamagát, na wicang alemán din, at bukod sa roo'y nanggágamot pa siyá sa m~ga may sakít sa canyang bayan.

Datapowa't waláng salitâ, waláng pagkilos, waláng anó mang hakbáng si Rizal na hindî ipinalálagay n~g m~ga fraileng hakbáng, kilos at salitáng "filibustero", at dahil sa gayong nangyayari'y napilitan si Rizal, na mulíng panawan ang canyang pinacasísintang bayang Filipinas, at papan~gulilahin ang canyang m~ga magulang, capatíd, kinamaganacan, caibigan at m~ga cababayan, n~g unang araw n~g Febrero n~g 1888, cahi't may dinaramdam pa siyáng sakít noon. Umalís sa Filipinas si Rizal na nanglulupaypáy ang loob; siyáng cailan ma'y di nag-ibig na magbubò n~g cahi't capatác dugô n~g canyáng capowâ tao'y napagkilala niyang hindî cacaratan ang casarinlán n~g Filipinas cung dî sa pamamag-itan n~g pagpapabahâ n~g dugô.

Hindî pa nalalaong nanaw si Rizal sa Maynila'y guinawà na n~g m~ga caguinoohang tagalog sa pan~gulong bayang ito n~g sangcapuluang Filipinas, n~g unang araw n~g Marzo n~g 1888, ang isáng payapang "procesión cívica" n~g lubhang maraming filipino, na nagdaan sa Escolta, tinun~go ang loob n~g Maynilà at ibinigay cay Don José Centeno, Gobernador Civil dito n~g panahóng iyón, ang isáng casulatang nacafirma ang marami, na doo'y hinihin~ging papanawin dito ang Arzobispo at paalisín ang m~ga fraile, dahil sa m~ga cadahilanang nálalagdâ sa casulatang iyón. Sinalubong ang m~ga guinoong iyón n~g Gobernador Civil n~g boong cagandahan n~g loob, at sa canila'y ipinan~gacong gagawin ang na sa catwiran, bagay na matútupad n~gâ marahil cung dî sana macapangyarihan ang m~ga fraile cay sa Gobierno n~g España. Ang nangyari'y nan~gábilanggò sa Bilibid na mahabâ ring panahón ang m~ga pan~gulong pumifirma sa casulatang iyón, at walang nagawâ upang sila'y maligtas si Terrero, Centeno at Quirroga--López--Ballesteros na sa canila'y tumatangkilic.

Dumatíng si Rizal sa Emuy. Nalúlà siyang mainam sa pagdaragát, dahil sa tinátaglay niyáng sakít. Hindî siya lumunsád sa Emuy, dahil sa malacas na ulán at sa caguinawán, at dahil namán sa sinabi sa canyáng doo'y totoong marumí. Nagtulóy siya sa Hongkong at doo'y nacakilala niya ang ilang m~ga castílà at si G. Balbino Mauricio, na malaóng taóng nabilangò dahil sa gulóng nangyari sa Tan~guay n~g taóng 1872. Doon siya nátira sa bahay ni G. José María Basa, na napatapon sa Marianas, dahil din sa gulóng sinabi na. Nag-aral siya sa Hongkong n~g wicang insíc. Napag-unawâ ni Rizal doong ang m~ga fraileng dominico'y sila halos ang may ari n~g Arsenal sa Hongkong. Sinamahan si Rizal ni Basa sa pagpasa Macao, upang dalawin si G. Lecaroz, at sa bahay nito'y natirá, silang ilang araw, at pagcatapos ay nan~gagbalic ulì sa Hongkong, at mulâ roo'y lumulan siya sa vapor "Oceanic" n~g ica 22 n~g Febrero n~g 1888, na ang tun~go'y sa Japón. Damatíng siya sa Yokohama n~g ica 28 n~g buwan ding iyon. Carárating pa lamang niya sa Hotel ay tumanggáp na siya n~g pasabi n~g "Encargado n~g Legación n~g Negocios n~g España" sa ciudad na iyong sa canya'y makikipagkita. Hindî n~ga nalaon at dumatíng sa tinatahanan ni Rizal ang iláng castílà, binati siya n~g boong pitagan, inihandóg sa canya ang boong paglilingcod at tuloy inanyayahan siya n~g boong guiliw na doon na matira sa Legación. Aayaw sanang pahinuhod si Rizal sa anyayang iyón, n~guni sa pagca't namasid niya ang malabis na pagpupumilit, at palibhasa'y nais niya ang lubos pakilala sa m~ga castílà, sumang-ayon siya sa capamanhican. Nátira n~gâ si Rizal sa Legación n~g Españang may mahiguit na isáng buwan. Nilibot niya ang ilang lalawigan n~g Japón, na cung minsa'y casama niya ang "Encargado n~g Legación" at cung minsa'y ang "intérprete" nito: Doo'y nag-aral si Rizal n~g japonés at pinagsiyasat ang canilang teatro. Samantala'y inaakit si Rizal n~g sinabi n~g "Encargado" na tumanggap n~g isang catungculang mataas na sa canya'y ipinagcacaloob n~g Gobierno n~g castílà, datapwa't hindì pumayag si Rizal. Nang macalampás ang isáng bowa'y napasalamat siya sa magandang caloobang sa canya'y ipinakita, napaalam at lumulan sa isáng vapor na ang tun~go'y sa Estados Unidos n~g América. Nácasacay niyá sa vapor ang isáng mag-anac na ang ama'y inglés na nagn~gan~galang Jakson, ang ina'y filipina at ang m~ga anac ay ipinan~ganac sa Filipinas, at sacà isáng japonés. Itinanong sa canya n~g isá sa m~ga anac n~g inglés cung nakikila niya ang isáng nagn~gan~galang "Richal" na cumathâ n~g _Noli me Tangere_; sumagot si Rizal na nacan~gitî, na nakikilala niya, tulad sa pagcakilala ni Aladin cay _Florante_; at sa pagca't nagsasalitâ n~g m~ga pagpupuri sa cumathâ n~g librong yaon, siya'y napakilala na, sa pagca't cahi't ilihim man niyá ang canyang pan~galan ay maaalaman din sa capitán at m~ga oficial n~g vapor. At sapagca't ang japonés ay walang nalalaman cung dî ang canyang kinaguisnáng wícà, siya ang naguíng "intérprete" sa pakikipagsalitaan sa ibáng m~ga casacáy sa vapor.

Dumatíng si Rizal sa San Francisco de California n~g ica 28 n~g Abril n~g 1888. Hindî siya nacalunsád agád, dahil sa pinapag "cuarentena" ang vapor, bagá man tumelégrama ang Cónsul americano sa Hong-kong, na n~g umalís ang vapor na iyo'y waláng cólera roon, at gayon ang guinawâ dahil lamang sa may casacáy na walong daang insìc, at sapagca't nagcátaong n~g m~ga araw na iyo'y casalucuyang halhalan, n~g mawicâ n~g m~ga táongbayang ang Gobierno'y tumitin~gin sa canilá at naghihigpít sa m~ga insíc, cayâ guinawâ ang gayong pagbimbín. Gayon ma'y cumacain sa vapor ang maraming m~ga empleado sa Aduana roon at ang Médicong americano na galing sa Hospital n~g m~ga may sakít na cólera. Nang macaraan ang labingdalawang araw ay pinalunsád si Rizal at iba pang m~ga "pasajerong de primera", n~guni't nan~gatirá sa vapor ang m~ga insíc at m~ga japonés na pawang pasajerong "de 2.a" at "de 3.a" hangang sa namatáy na untiuntì, ayon sa balitâ ni Rizal, ang may tatlongdaang insíc.

Linibot ni Rizal ang lalong malalakíng ciudad n~g Estados Unidos, at canyáng hiniwatigan ang calagaya't m~ga caugalian n~g m~ga tagaroon. Hinan~gaan niya ang m~ga caguilaguilalas na bahay roon, ang m~ga ilaw eléctrico, ang cahimahimalang Niágara, ang m~ga dakilang bun~ga n~g caisipán n~g m~ga americano; dinalaw niyá ang m~ga nagpapaalaala cay Washington, ang carilagdilagang táong walang cahulilip sa sanglibutan n~g siglong yaon; n~guni't namasid niyang doo'y walang tunay na calayâan sa pamamayan. Sa maraming m~ga Estado'y hindî nacapag-aasawa ang isang lalaking negro (itím) sa isang babaeng maputî, at ang isang babaeng maitím, ay hindî nacapagaasawa sa isang lalaking maputî. At doo'y totoong kinagagalitan ang m~ga insíc, hangang sa pagcamal-an ang m~ga japonés na isinasama nilá sa pagcasusot sa m~ga insíc.

N~g ica 16 n~g Mayo n~g 1883 ay lumulan si Rizal sa vapor "City of Roma" at tumun~go sa Europa. Dumatíng siya sa Liverpool n~g ica 24 n~g Mayo n~g 1883, at hindî nalao't siya'y na pa sa Lóndres n~g calaghatían n~g taón ding iyón, at sa araw-araw ay naparoroon siya sa bahay n~g filipino ring si G. Antonio María Regidor.

Samantalang linilibot ni Rizal ang m~ga iba't ibang nación upang mahiwatigan at mapagcúrô niya ang sarisaring dunong at m~ga caugalian n~g iba't ibang lahì, itinátayô namán sa Madrid n~g m~ga filipinong naroroon, n~g ica 12 n~g Julio n~g 1888, ang "Asociaciòn Hispano-Filipina," na caayon nilà ang pantás na castilang si D. Miguel Morayta.

Sa pagca't inaacálà n~g m~ga filipinong yaong kinacailan~gan ang isang pamahayagang maglathalà n~g canilang m~ga mithî at damdamin, nagtatag ang filipinong si G. Graciano López Jaena n~g isang pamahayagang pinalalabas towing icalabinglimang araw, na ang pamagat ay _La Solidaridad_. Nagsisulat sa pamahayagang ito si na Guinoong Marcelo Hilario del Pilar, José Rizal, Ferdinand Blumentritt, Mariano Ponce, Eduardo Lete, Antonio Luna, Graciano López Jaena, Dominador Gómez at iba pa.

Nagtayô n~g m~ga panahong iyon n~g isang "logia" n~g m~ga filipino, na pinamagatang _Solidaridad_, at mulâ noo'y sumilang ang adhicang palaganapin sa m~ga filipino ang masonería.

Guinawâ n~g 25 n~g Noviembre n~g 1889 ang Junta general n~g capisanang "Asociación Hispano-Filipina at nangahalal na bumuô n~g Junta Directiva ang m~ga sumusunod:

_Presidente_: D. Miguel Morayta, Gran Oriente Español n~g francmasonería.

_Vicepresidentes_: D. Antonio Balbin de Unquera, católico at manunulat na balita; D. Felipe de la Córte, general brigadier n~g ingenieros, at D. Luis Vidart, jefe n~g artillería, académico n~g Historia at manunulat.

_Tesorero_: D. Teodoro Sandiko.

_Secretario_: D. Dominador Gómez.

Ang bumubuô naman n~g Comisión Ejecutiva'y ang sumusunod:

_Presidente_: D. Miguel Morayta.

_Vocales_: D. Marcelo Hilario del Pilar, D. José Hernández Crame at D. Simplicio Jugo.

_Secretario_: D. Manuel Labra.

Hangang guinágawâ n~g m~ga filipinong na sa Madrid ang m~ga sinabi co na'y sinisiyasat naman ni Rizal ang lahát n~g m~ga casulata't m~ga librong nauucol sa Filipinas, upang malagyan niya n~g m~ga paliwanag ang librong _Sucesos de las Islas Filipinas_ (M~ga nangyari sa Sangcapuluang Filipinas) na sinulat n~g Dr. Antonio Morga na ipinalimbag nito sa México n~g taóng 1609.

Dito naman sa Filipinas ay hindî naglilicat ang m~ga fraile n~g pagsirang puri sa _Noli me tangere_.

Palibhasa'y hindî marami sa m~ga lupaíng itó ang marunong n~g wicang castílà, ang m~ga sinulat ni Rizal at ibá pang m~ga filipino, tungcol sa pagmamalasakit sa atin, ay bahagyâ, na lamang napagkikilala rito, datapowa't sa malakíng pagcacámalî n~g m~ga fraile ay silá rin ang naglaganap n~g bagay na caniláng linilipol.

Pagca ang tao'y naparaig sa silacbó n~g manin~gas na galit, ang madalás na naguiguing bun~ga n~g guinagawà ay siyá rin ang nagpahamac sa sarili. Itó rin n~gâ ang nangyari sa m~ga fraile.

Kinapopootang totoo n~g m~ga fraile ang m~ga sinusulat ni Rizal, dahil sa pawang pumupucao n~g pagsinta sa kinamulatang lúpâ, nagpapaliwanag n~g catowiran, nagpapakilala n~g sariling dan~gal at camahalan, nagtuturô n~g m~ga catungculan at carapatán at ipinauunáwâ ang m~ga pagdaraya at pan~gan~galacal na guinagawâ sa Religión ni Cristo n~g m~ga nagpapangáp na "cahalili n~g Dios," at napopoot sila n~g di cawasà cay Rizal at sa caniyang m~ga sinusulat, palibhasa'y talós nilang si Rizal ay lubhang pahám at masintahing totoo sa tinubuang lúpâ, at cung ang m~ga titic na iya'y lumaganap sa sangcapuluan, ang caniláng capangyariha'y málulugsô at masisirâ ang caniláng hanap buhay na pan~gan~galacal n~g Religión.

Sa guitnâ n~g caniláng pagn~gin~gitn~git ay humanap silá n~g paraang sucat macasirang puri sa filipinong nagtatan~gol sa canyang kinamulatang bayan.

Totoo't na sa caniláng camáy ang capangyarihang magbawal n~g pagpapadalá rito n~g m~ga casulatan ni Rizal, at na sa camay rin namán nilá ang capangyarihang umusig at magparusa n~g cabigatbigatan sa sino mang man~gahás tumanggap, mag in~gat ó bumasa n~g m~ga casulatang yaon; n~guni't caniláng nakitang linalabag lamang at pinaglalaruan n~g ilang m~ga filipinong tunay na sumisinta sa tinubuang bayan ang canilang mahigpít na utos, ang canilang m~ga pagbábalà n~g caparusahán sa catawán at sa calolowa, at winawalang cabuluhan ang canilang m~ga pan~gan~garal sa púlpito at sa confesionario, at sa gayong calagaya'y pinagcaisahan n~g m~ga fraile na sagutin ang m~ga casulatan ni Rizal n~g sulat din. Inihalál nila sa pagganap n~g ganitong tungcol si Fr. José Rodriguez, na n~g panahóng yao'y prior at púnò n~g "Asilo de Huérfanos" (Ampunang-bahay sa m~ga ulilang lalaki) sa convento n~g Guadalupe, sacop n~g bayang San Pedro Macatí, na n~gayo'y napapanig sa lalawigang Rizal.

Tumupad si Fr. José Rodriguez n~g boong casipagan sa canyang mahigpit na catungculan, at sinabi naming mahigpit, sa pagca't walâ n~g mahirap gawing gaya n~g piliting hadlan~gan ang mahinusay na lacad n~g pagsulong n~g m~ga carunun~gan at n~g pagcakilala n~g tawo sa canyang sariling camahalan; tulad naman sa halíng na mag-acalang masasalaan niya ang ilog Pasig, at n~g ang tubig na umaagos doo'y howag macarating sa dagat.

Nagpalimbag si Fr. José Rodriguez n~g sunodsunod na m~ga libritong wicang castílà at wicang tagalog. Pinamagatán niya ang m~ga wicang castílà n~g CUESTIONES DE SUMO INTERES, at ang tagalog nama'y CAIINGAT CAYO.

Hindî sagot ang m~ga libritong yaon sa m~ga pan~gan~gatowiran ni Rizal, cung di licawlicaw na paglait, pag alipusta at m~ga pagpaparatang sa tinatawag nilang han~gal at imbíng Doctor Calambenyo.

Hindî kilala n~g panahóng iyón n~g halos n~g lahat n~g filipino ang Doctor José Rizal, at bihirangbihirâ ang nacauunáwà n~g canyang pan~galan at m~ga sinusulat, datapowa't n~g mabasa n~g m~ga tagalog ang m~ga librito ni Fr. José Rodriguez, na ipinan~galat na walang bayad n~g boong casaganaan, ay napucaw ang canilang pagmimithing basahin ang NOLI ME TANGERE, na bagong calalabas, at sa pagca't ang pagsinta sa Inang Baya'y siyang lalong malacás na pangpatapang sa paglulong sa pan~ganib, hindî nawalan n~g nagpilit na dito'y macapagpasapit n~g lihim n~g lalong marami n~g librong iyon, at marami naman ang lihim na naglacô, at lalong marami ang m~ga lihim na bumili, "sa anim at pitong piso bawa't libro." Walâ na yatang totoong masarap sa aliping gaya n~g lumasáp n~g ibinabawal; ito ang cadahilana't nanaig sa tacot sa capahamacan ang maalab na adhicang sumírà, n~g utos n~g m~ga tampalasang pinapan~ginoon.

Hindî nalaon at sinagot n~g m~ga tagalog ang m~ga libritong CAIINGAT CAYO ni fray José Rodriguez n~g m~ga librito ring pinamagatan naman n~g CAIIGAT CAYO, sa macatowid baga'y magpacaigat, tumulad sa igat, na sa cadulasan n~g catawan ay nacahahagpos sa camay n~g humuhuli. Cung minsa'y Dolores Manapat at cung minsa'y Salvadora Liwanag ang nacafirma sa m~ga libritong iyon. Isa sa m~ga libritong tagalog na sagot sa m~ga librito ni Fr. José Rodriguez ay ang nacafirma'y si Dimas Alang, pamagat ni Rizal, na siyang sumulat n~g libritong iyon.

Sa m~ga libritong Caiigat cayo'y ipinakikilala ang m~ga malulupit at m~ga cahalayhalay na asal n~g m~ga fraile at ang canilang m~ga pagdaraya sa m~ga filipino, at bucod sa rito'y linilibac ang m~ga maling aral, ang m~ga licong itinuturo, at ang m~ga cung dî sana catampalasana'y catawatawang m~ga aral n~g Iglesia Católica Apostólica Romana, at ang m~ga libritong yaon ang caunaunahang limbag na sa wicang tagalog ay nag-alís n~g piríng n~g m~ga nalalabuang isip n~g tagarito.

Bucod sa m~ga libritong Caiigat ay may isinabog din dito sa Maynilang m~ga dahong papel na limbag, na ang pamagat ay ¡Alerta Paisanos! at iba pa, na pawang laban din sa m~ga fraile at sa m~ga macafraile.

* * * * *

May m~ga bagay na nangyari n~g m~ga panahóng yaóng hindî dapat calimutan, sapagca't nagpapakilala n~g casiglahán n~g loob n~g m~ga táong bayan, n~g caniláng tunay na pag-ibig sa kinamulatang lúpà at n~g caniláng malakíng galit sa m~ga fraile na dito'y pawang nag-uugaling maban~gis na hárì bawa't isá.

Niyo'y icapat na araw n~g Octubre n~g 1888, casalucuyang ipinagpifiesta ang San Francisco de Asis, na hindî magcasiya sa simbahan n~g m~ga franciscano sa Maynilâ ang dami n~g taong nagsimbá sa misa mayor; n~g matapos na ito'y may apat ó limang batang lalaki na namamahagui, sa nagsisilabás sa simbahan, n~g m~ga libritong waláng pinag-ibhan ang culay n~g takíp sa m~ga librito ni Fr. José Rodriguez, at ang pamagát ay Caiingat cayo. Nang matatapos na ang paglabás n~g m~ga tao'y nátanawan n~g isáng fraileng franciscano, buhat sa bintánà n~g convento n~g simbahan n~g "Tercera Orden", na caniyang pinanunun~gawan, ang pamimigáy n~g m~ga librito n~g m~ga batang yaón. Ipinatawag agad-agád n~g fraile ang uldóg na portero at pinagutusang cumuha n~g isá sa m~ga libritong ipinamímigay. Sumunód naman ang uldóg. Humin~gî sa m~ga batâ n~g isá sa m~ga libritong iyon at ipinanhic sa fraile, at n~g buclatín nitó ay nakitang ang m~ga libritong yaon ay hindî palá ang Caiingat cayo ni Fr. José Rodriguez, cung di ang Caiigat n~g m~ga tagalog, at sa gayo'y nalipós n~g galit ang fraile, at sinabi n~g pasigáw sa uldóg, na pagdaca'y iparakíp sa m~ga guardia civil veterana ang m~ga batang iyón. Patacbóng nanaog ang uldóg, tumawag n~g m~ga veterana at iniutos niyang dacpín ang m~ga batang namímigay n~g m~ga librito sa m~ga táong lumálabas sa simbahan n~guni't n~g caniláng hanapin ay walâ na cahi't isá man, nacatacas n~g lahát, at cahi't pinagpilitang maalaman cung sino sino ang m~ga batang iyon, at cung sino sino ang sumusulat, nagpapalimbag, lumilimbag at nagpapacalat n~g Caiigat cayo, ay hindî nangyaring maalaman, at nasayang lamang ang di cacaunting nagugol na salapî n~g m~ga fraile sa pagpapahanap na iyón.

* * * * *

Caugalian, buhat sa caunaunahang mulâ, na sa simbahan n~g Santa Cruz, nayong malakí nitong Maynílà, ay wicang tagalog ang guinagamit sa pagsesermón, at sa pagca't si Fr. José Rodriguez ay balitang magaling managalog, inanyayahan siya n~g cura párroco sa nasabing nayon n~g Santa Cruz, na si párì Eustaquio Moreno, fraileng recotelano, na siya na ang magsermón sa ica 12 n~g Octubre n~g sinabi n~g taóng 1888, fiesta n~g Nuestra Señora del Pilar, pintacasi n~g bayan. Punóngpunô n~g táo ang simbahan, n~guni't pagcakita nilá na si Fr. Rodriguez ang pumanhíc sa púlpito at siya ang magsesermón, umugong ang isáng alin~gawn~gáw na salisalitaan n~g isa't isá:--¡Tayo na!--anilá,--ang magsesermón pala'y ang maestro n~g Dios! At nan~gaglabasan n~gâ, sa simbahan, na ano pa't iilán ilán lamang ang nanirá, na siyang nakiníg n~g pag-alimura ni Fr. José Rodriguez cay Rizal at sa boong catagalugan.

