Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal
Part 2
"At parang naguguniguni na niya ang sa kanya'y mangyayari, isinulat ni Rizal ang ganito: "_Magháyin ang ibá n~g canyáng cabatáan; ibinigay namán n~g ibá sa sariling bayan ang m~ga ningning n~g canyang mataas na pag-iísip_ at ang ibá namá'y _nagbúhos n~g canyáng dugo_; namatáy ang lahàt at nagpamana sa kinaguisnang bayan n~g lubháng malakíng cayamanan: ang _calayaan_ at ang _caran~galan_. ¿At anó naman ang guinawâ sa canilá n~g tinubuang lúpà? Tinatan~gisan silá at _inihaharap n~g boong_ calakhán n~g loob sa sangcataohan; sa panahóng sasapit at sa canyáng m~ga anác, upang _mapagcunang uliran_".--Si Rizal ay isang manunulat na sa anyó'y hindî tumutucoy, n~guni't cung wawarîing magalíng ay lubháng mapagpatungcol n~g sinásalitâ; at cung ilalim pa ang pagsisiyasat sa lahat n~g canyáng m~ga sinulat, hindî lamang náaaninag ang canyang tan~ging budhî, cung dî hinuhulàan namán niyá ang canyáng gágawin at ang sa canyá'y mangyayari. At para manding tagláy niyá ang isang catungculang sa canyá'y ipinagcatiwalà n~g Dios upang ganapín sa ibabaw n~g lúpâ, cayá't pagca tiguíb ang calolowa niya n~g caisipán ni Tolstoi ay nang-aakit siya sa capayapàan, at cung nag-aalab naman sa canyá ang m~ga mithîin ni Napoleón ay iniuudyóc namán niyá sa canyáng m~ga cababayan ang pakikibaca, at wináwacasán n~g ganitóng pananalitâ:
"¡Oh kinaguisnang lúpà!... Mulâ cay Jesucristong puspós n~g ganap na pagsintá, na naparito sa mundo sa icagagaling n~g sangcataohan, at _nagpacamatay dahil sa sangcataohang iyan, sa pan~galan n~g cautusan n~g canyáng tinubuang bayan_, magpahangang sa lálong m~ga hindî kilaláng nan~gamatáy dahil sa m~ga _revolución_[19] n~g m~ga panahong ito, gaáno carami, ¡ay! ang m~ga nagcahirap at namatay sa iyong pan~galang kinamcám n~g m~ga ibá! ¡Gaano carami ang _ipinahámac_ "n~g pagtataním n~g galit", n~g casakimán ó n~g cahan~galan, na _n~g nalalagot na ang hinin~ga'y hinandugán ca n~g pagpupuri at sa iyo'y minithi ang lahát n~g bagay na cagandahang palad_.
Magandá at dakílà n~gâ ang tinubuang lúpà, pagcâ ang canyáng m~ga anác _sa sigaw n~g pagbabaca ay nan~gagdudumali sa pagsasanggalang, sa dating lupain n~g caniláng magugulang; mabangis_ at palálò pagca mulà sa carurucan n~g canyáng trono'y _napapanood na tumatacas ang tagaibang lúpa sa udyóc n~g malakíng tácot sa pagcakita sa bayáning hucbó n~g canyáng m~ga anác_, n~guni't _pagca nagpapatayan_ ang canyáng m~ga anác, palibhasa'y nan~gagcacabahabahagui sa nagcacalabánlabáng m~ga pulutóng; pagca ipinagwawasacan ang m~ga halamanan, ang m~ga bayan at ang m~ga ciudad n~g poot at pagtataniman; pagcacágayo'y sa canyáng cahihiyan ay pinupunit ang balabal at itinatapon ang cetro at nagdaramit n~g maitim na lucsâ sa canyáng m~ga anác na namatáy.
Pacasintahín n~ga natin siyá magpacailán man, anó man ang ating cahinatnan, at howag tayong human~gad n~g ibang bagay cung dî ang canyang _icágagaling_. Cung magcagayo'y macatutupad tayo n~g alinsunod sa tacdâ n~g Dios na dapat na cauculan n~g sangcataohan, na dî ibá cung dî ang cahusayan at capayapaan n~g lahát n~g canyáng m~ga kinapál.
¡Cayóng páwang nawalán na n~g mithîin ang calolowa; cayóng nan~gasugatan sa púso't isa-isang nakita ninyóng nanglagas ang m~ga pag-asang caaliw-aliw, at cawan~gis n~g m~ga cahoy cung panahong tagguináw, n~gayóng salát cayó sa bulaclác at gayón din sa m~ga dáhon, at bagá man nais ninyó ang umibig, n~guni't walâ, cayóng másumpong na sa inyo'y carápatdápat; nariyan ang tinubuang lúpà! ¡Siya'y inyóng sintahín!
Siya'y inyóng sintahín, ¡oh, siyá n~gâ! datapwa't hindî na cawan~gis sa pagsintá sa tinubuang lúpà n~g unang panahóng gumáganap n~g m~ga mababan~gís na pagbabanál, na ipinagbabawal at minámasama n~g tunay at dalisay na magandáng caugalian at n~g inang Naturaleza[20]; na howag ipagmagalíng ang malíng sigábo n~g budhî, n~g pagwawasác at n~g calupitán; hindî, "lálong caayaáyang pagbubucáng liway-wáy ang sumisilang sa abót n~g tanáw", masasanghayâ at m~ga payapang ilaw, na súgò n~g buhay at capayapaan; sa cawacasa'y ang liwayway na tunay n~g cacristianuhan, tagapagbalitang pan~gunahin n~g maliligaya at panátag na m~ga áraw. Catungculan n~ga natin ang manuntón sa mahirap lacaran, n~guni't tahimic at mapagbigay pakinabang sa landas n~g Dunong na patun~go sa "Pagcasulong" at mulà riya'y "sa pagcacaisang mithî at hinihin~gî ni Jesucristo sa gabí n~g canyang pagcacasákit."
"Gumawa n~g sariling bayan n~g sariling bayan cahi't gaano man ang maguing cahalagahan ang siyang lalong masilacbóng nais ni Rizal, n~gunit carapatdapat na sariling bayan...."
At siyang catotohanan ayon sa canyang, m~ga guinawâ.
Hindî nag tagal si "Rizal" sa Barcelona. Sumasa Madrid na siya n~g unang araw n~g Octubre n~g sinabi n~g taóng 1882. Sabay niyáng pinag-aralan ang _Medicina_ at saca ang _Filosofía_ at _Letras_.
Natapos ang pag-aaral niya n~g panggagamot at nagtamó siya n~g títulong Licenciado sa Medicina n~g ica 21 n~g Junio n~g 1884, at n~g 19 n~g Junio n~g 1885, araw n~g capan~ganacan sa canya ay canyang tinamó namán ang títulong pagca Licenciado sa Filosofía at Letras at gayon din ang pagca Doctor sa Medicina. Natutuhan ni Rizal ang m~ga wicang sumusunod: tagalog, castílà, latin, francés, italiano, inglés, alemán, ruso, japonés, holandés, griego, hebreo, àrabe, sanskrito, portugués, catalán, sueco at insíc.
Samantalang nag-aaral si Rizal ay pinagmámasid naman niya ang caugalian at anyô n~g m~ga castílà. Nangaling si Rizal sa isáng bayang linúluklucan n~g pagbabanalbanalan, n~g dî wastóng m~ga pananampalataya, n~g m~ga paggugol n~g salapî upang yumaman at macagumon sa lugód at layaw ang m~ga walang ibang gawâ cung dî ang mangdayà sa m~ga han~gal ...; galing si Rizal sa isang bayang sa calolwa't catawan ay may walang hangang capangyarihan ang m~ga fraile, militar, empleado at castílà. Sa Madrid ay nakita niyáng hindî gayón: linílibac n~g m~ga _librepensador_[21] at n~g m~ga _aleo_[22] n~g boong calayàan ang canilang religióng católica apostólica romana at ang canilang iglesia católica-apostólica romana; námasid niyáng maliit na totoo ang capanyarihan doon n~g Gobierno; hindî niya napanood ang acala niyang mangyayáring pagtatálotalo n~g m~ga "liberal"[23] at n~g m~ga "clerical"[24]; bagcos pa n~ga niyang nákitang madalás na naglalámbal at nagcacáisa ang m~ga "republicano"[25] at ang m~ga "carlista"[26] upang canilang masunduan ang anó mang ninanais. Nagdamdam si Rizal n~g malaking sacláp n~g loob n~g canyang pagsumaguin ang walang hadlang na anó mang pagtatamasa n~g m~ga calayàan sa España, at ang capanyarihang calakilakihan n~g m~ga fraile sa Filipinas, na siyang bumíbigti sa lahing cáymangui. Pinagpilitan niyang makilala ang anyô n~g m~ga iba't ibang "partido político"[27] sa España at napag-unawa niyang hindî carapatdapat purihin ang m~ga europeo tungcól sa bagay na ito. Nakita niyang ang bawa't partido, ang lahat n~g partido ay may magaganda at cainam-inamang m~ga palatuntunan; datapwa't nahiwatigan niyáng baga man may man~gisan~gisang nagpapagal sa udyok n~g lalong wagás at dalisay na han~gád, n~guni't hálos ang lahat ay walang pinagsisicapan cung dî ang saríling cagalin~gan. Samantalang hindî pa nan~gapapahalál sa matataas na catungculang minimithî, totoong sinusuyò ang m~ga táong manghahalál, at sa canila'y ipinan~gan~gacò ang lubhang maraming bagay, at cung macamtan na ang han~gád ay hindî guinaganap ang pan~gacò at linilimot na tikís ang m~ga naghalal sa canila. Marami sa m~ga manghahalal na ibinibigay ang caniláng voto, hindi sa táong tunay na may carapatán, cung dî sa nakiusap sa canila n~g hindî nilá mahiyáng canilang pinapan~ginoon; na hindî ang tunay na may m~ga nagawang cagalin~gan n~g isang táo sa bayan ang canilang tinitingnan, cung dî cung ang taong iya'y mainam magsasalitâ, marikít magtalumpatì, magalíng sumúyo ó nacagaganting pálà n~g salapî ó iba pang pagbibiyayâ; na ang siyam na po't siyam sa sandaang europeo'y naniniwalà sa m~ga sinasabi sa canilá n~g m~ga pamahayagan, na hindî man lamang sinisiyasat cung yao'y totoo ó hindî, cung na sa catwiran ó walâ sa catowiran; sa isáng salitâ: nakita niyáng cawan~gis din n~g m~ga táong báyan dito ang m~ga táong báyan doón.
Walang anó mang inilathalà si Rizal na anó mang casulatan, mula n~g canyang lihamin n~g 1882 ang "El Amor Patrio," hangang sa taong 1884, datapowa't hindî siya naglilicat n~g pakikipagsulatan sa canyang m~ga cababayan, lalonglalò na sa m~ga nag-aaral, at ang m~ga sulat niya'y binabasa n~g lahat n~g boong pag-ibig at pangguiguilalás, dahil sa canyang bayaning pagbibigáy ulirán sa pagsintá sa tinubuang lúpá.
Nang 25 n~g Junio n~g taóng 1884 ay nagtalumpatì si Rizal sa isang piguíng na guinawa sa Madrid, sa pagpapaunlác cay guinoong Juan Luna, bantóg na pintor ilocano, dahil sa pagtatamó n~g pan~gulong "premio" sa "Exposición" n~g canyang balitang "cuadro," na ang pamagat ay "Spoliarium", at cay guinoong Felix Resurreccion Hidalgo, na taga Filipinas din, at mabuti rin namang pintor. Guinawâ ang piguíng na iyón sa Restaurant Inglés, pinasimulán n~g icasiyam na oras n~g gabî at may m~ga anim na pong táo ang nagsalosalo. Nan~gulo sa mesa--alinsnnod sa sabi n~g "El Imparcial", sa Madrid, n~g ica 26 n~g Junio n~g 1881--si pintor Luna; nan~gagsiupô sa dacong canan niya si na señor Labra, Correa, Nin y Tudó at sa caliwa niya'y si na señor Moret, Aguilera at Mellado (D. Andrés). Nan~gagsiupô rin doon si na señor Morayta, Regidor, Azcárraga (D. Manuel de), Araus, Fernández Bremón, Paterno (Alejandro, Antonio at Máximo,) Vigil, del Val, Moya, Cárdenas, Govantes, Rico, Gutiérrez, Abascal, Ansorena, García-Gómez, López Jaena, Más (pintor valenciano), Fernández Labrador (cubano), Rodriguez Correa at iba't iba pang maraming pintor, literato at periodista.
Nagtindig si Rizal at siya ang náunang nanalitâ; minamasdan siyá n~g lahát; sa caymanguing mukhâ niya'y umaalab ang nin~gas n~g masilacbóng pagsinta sa tinubuang lúpà, at sacâ nagsaysay siyá n~g isáng talumpating hindî mapagwari cung alin ang lalong maganda: cung ang cahan~gahan~gang pagsintá sa tinubuang lupang numiningning sa talumpating iyón, ó ang cagandagandahang pagcacaanyô-anyô n~g m~ga salitâ. Pagsisicapan cong isatagalog ang talumpating iyón; bagaman talastás cong dukhâ ang aking panític at cúlang ang wica natin sa casaganaan n~g wicang castilàng guinamit ni Rizal sa gayóng pananalitâ: n~guni't mamalakhín co na cung maipakilala sa bumabasang irog ang cahi't culabóng anino n~g masilacbo't caligaligayang pananalitâ n~g ating capatid na Martir sa Bagumbayan. Pasisimulan co: "Mañga guinoo: Sa paggamit n~g pananalita'y hindî nacapag-aalinlan~gan sa akin ang tacot na bacâ pakingán ninyo acó n~g boong pag-wawaláng bahálà; naparito cayó't n~g inyóng ipanig sa sigabo n~g aming mithî ang simbuyó n~g mithî ninyóng panghicayat sa cabatáan, cayâ n~ga't waláng salang cayo'y matututong magpaumanhín. M~ga panghalinang simoy n~g pag-iibigan ang siyáng lumalaganap sa aláng-álang; m~ga ágos n~g pagcacapatiran ang siyang lumílipad na nagcacasalusalubong; m~ga calolowang masintahin ang nakíkínig, at dahil dito'y hindî acó nag-aalap-ap sa aking abáng cataohan at hindî namán acó nag-aalap-ap sa cagandahan n~g inyong loob. Palibhasa'y m~ga táo cayóng may púsò, walâ cayóng hinahanap cung dî m~ga púsò rin, at buhat sa caitaasang iyang pinamamahayan n~g m~ga damdaming mahál, hindî ninyo hinahálatâ ang m~ga walang cabuluháng pan~git na budhî; nalalaganapan n~g inyong titig ang cabooan; pinasisiyahan niyá ang naguiguing dahil at inilalatag ninyó ang camáy sa cawan~gis cong nagnanasang makipanig sa inyó sa isá lamang adhicâ, sa isa lamang mithî: ang dan~gál n~g dakílang ísip, ang ningning n~g tinubuang lúpà. ("Magaling, totoong magaling; pacpacan.")
"Ito n~ga ang cadahilanan cayâ cayó'y nan~gagcacapisan n~gayón. May m~ga pan~galan sa historia n~g m~ga bayang sila lamang ay nagpapakilala na n~g isáng nangyari at nagpapaalaala n~g m~ga pagguiguiliwan at n~g m~ga cadakilaan; m~ga pan~galang wan~gis sa isáng cababalagháng hiwágà na nagháharap sa ating m~ga matá n~g m~ga caisipáng caayaaya at caaliw-aliw; m~ga pan~galang ang kinaoowia'y isang pagcacásundô, isang saguísag n~g capayapâan, isáng tálì n~g pagsisintáhan n~g m~ga nación. Nauucol sa m~ga ganitó ang m~ga pan~galan ni Luna at ni Hidalgo: nililiwanagan n~g caniláng m~ga caran~galan ang dalawáng dúlo n~g daigdig: ang Casilan~ganan at ang Calunuran: ang España at Filipinas. Sa pagsasalitâ co n~g dalawáng pan~galang ito'y nakikinikinitá co ang dalawang nagníningning na balantóc na nagmumula capowa sa magcabicábilang dacong iyon at nagcacalicaw, pagdating sa caitaasan, sa udyóc n~g pagguiguiliwán n~g iisáng pinangalin~gan, at buhat sa caitaasang iya'y papapag-isahín ang "dalawang bayan" sa pamamag-itan n~g walang catapusáng pagcacáisa, "dalawang bayang "magcacambal cahi't papaghiwalayin n~g m~ga dagat at n~g calayuan; "dalawang báyang" hindî sibulán nang "m~ga binhî n~g paghihiwalay na itinatanim n~g m~ga nabubulagang tao at n~g caniláng calupitán." Capowa capurihán si Luna't si Hidalgo n~g España't n~g Filipinas; sa pagcá't cung ipinan~ganác man silá sa Filipinas ay mangyayari rin namáng maipan~ganác sa España. Waláng sariling bayan ang cataasan n~g ísip; ang cataasan n~g isip ay tulad sa ilaw, sa han~gin; pag-aari n~g lahát; walang sariling bayang gaya n~g alang-alang, gaya n~g buhay at gaya n~g Dios. "(M~ga pacpacan)"
"Lumilipas na sa Filipinas ang matatandang caugalian; ang maririn~gal na gawa n~g canyang m~ga anác ay hindî na nangyayari lamang sa loob n~g sariling bahay; iniiwan na n~g paróparóng silan~gan ang sariling bahay; sa m~ga lupaing yao'y ipinakikilala na ang paguumaga n~g isáng mahabang araw, sa pamamag-itan n~g maniningning na cúlay at namumulamulang pagbubucang liwayway, at ang láhing iyóng nagugulaylay sa boong gabí n~g historia, samantalang lumiliuanag ang araw sa ibá't ibáng lupaín, mulî n~gayóng gumiguising na kumíkinig sa untóg n~g electricidad na sa canyá'y gumibíc sa pakikipanayám sa m~ga bayang calunuran, at "hinihin~gî ang ilaw, ang buhay ang civilizacióng" n~g una'y caniláng minana na pinapagtibay ang waláng catapusáng m~ga lagdâ n~g hindî naglilicat na pag-gulong n~g panahón, n~g m~ga pagcacáiba't iba, n~g di nagmamaliw na paghahalihali, n~g pagsúlong."
"Ito'y nalalaman ninyóng magalíng at ipinagdádan~gal na ninyó; cayó ang may gawâ n~g cagandahan n~g m~ga brillante n~g coronang taglay sa ulo n~g Filipinas; ang Filipinas ang nagbigay n~g m~ga bató, ang Europa ang kumikil at n~g numingníng. At pinanonood nating lahát n~g boong pagdiriwáng; cayo'y ang inyong yárì; cami'y ang nin~gas, ang lacás, ang m~ga batóng aming bigay. "(Mainam na totoo.)"
"Ininóm nilá roón ang calugodlugod na talinghágà n~g Naturaleza; Naturalezang dakílà at cakilakilabot sa canyang pagwawasác, sa canyang paglacad na waláng humpáy, sa canyang hindî mapaglírip na lacás. Naturalezang matimyás, payápà at malungcot sa canyang m~ga pagsasaysay na hindî naglílicat at hindî nagbabago; inililimbag n~g Naturalezang ito ang canyáng tatác sa lahát n~g canyáng linalalang at ibinun~ga. Tagláy n~g canyáng m~ga anác ang tatac na iyán saán man silá pumaroón. Cung hindî pacasiyasatin ninyó ang caniláng m~ga ásal, ang caniláng m~ga gawâ, at cahi't babahagyâ man ang pagcakilala ninyó sa báyang iyón, makikita ninyóng na sa lahát na parang siyang bumubuò n~g canyáng dúnong, gaya n~g calolowang siyang namamatnugot sa lahát, cawan~gis n~g nagpapagaláw sa isáng máquina, túlad sa anyóng pan~gúlo, caparis n~g unang cagamitán. Hindî mangyayaring hindî sumilang ang talagang canyang dinaramdam, hindî mangyayaring siya'y maguing isáng bágay at ibáng bágay ang gawín; sa dacong ibabaw cung bagá man nagcacáiba, malicmátà lámang. Sa "Spoliarium", sa licuran n~g pinturang iyang hindî pipí ay naririn~gig ang caguluhan n~g maraming tao, ang sigawan n~g m~ga alipin, ang taguintin~gan n~g m~ga baluti't sandata n~g m~ga bangcáy, ang hagulhulan n~g pan~gun~gulila, ang m~ga híguing n~g dalan~gin, na napagwawari ang anyô at catotohanang tulad sa pagcarin~gíg sa dagundóng n~g culóg sa guitnâ n~g malacás na in~gay n~g malaking agos n~g tubig na bumabagsác mulâ sa mataas, ó ang pan~gin~giníg na nacalalaguim at cagulatgulat n~g lindól. Ang Naturalezang namamaguitnà sa pagcacaroon n~g m~ga bagay na iyon ay siya ríng namamaguitnà sa pincel na lumálagdâ n~g pintura. Bilang capalít nito'y tumítiboc sa cuadro ni Hidalgo ang isang totoong dalisay, pagpapakilalang lubós n~g calungcutan, n~g cagandahan at cahinaang pawang ipinahamac n~g maban~gís na lacás; at gayón, palibhasa'y inianác si Hidalgo sa silong n~g maningning na azúl n~g lan~git sa Filipinas, sa pagpapalayaw n~g mahinhing hihip n~g amihang galing sa m~ga caragatan doon, sa guitnâ n~g catahimican n~g doo'y m~ga dagatan, sa hiwagang caaliw-aliw n~g canyang m~ga capatagang lúpà at carikitdikitang pagcacaayos n~g canyang m~ga bundóc at n~g m~ga bundóc na nagcacatanitanicalâ.
"Cayâ na cay Luna ang m~ga lilim, ang m~ga pagcacalabánlaban, ang m~ga naghihin~galong liwanag, ang talinghágà at ang cakilakilabot, bílang alin~gawn~gáw n~g madidilím na sigwá sa lupaíng mainit, n~g m~ga kidlát at n~g mauugong na pagbugá n~g canyáng m~ga volcán; cayâ cay Hidalgo'y pawang liwanag, m~ga culay, pagcacabagay-bagay, damdamin, aliwalas, cawan~gis n~g Filipinas sa m~ga gabíng may bwan, sa canyáng m~ga araw na tahimic, sa m~ga naaabot doon n~g tanáw, na pawang umaakit sa pagdidilidili at doo'y iníuugoy ang waláng catapusán. At ang dalawá, cahi't lubháng nagcacáiba, sa anyô man lamang, ay nagcacáisa cung ganáp na lilinin~gin; cawan~gis namán n~g pagcacaisá n~g ating m~ga púsong lahát, bagá man totoong nan~gagcacáiba: ang dalawáng itó, sa caniláng pagpapaaninaw, sa pamamag-itan n~g caniláng "paleta," n~g carikitdikitang sicat n~g araw n~g trópico[28], guinágawâ niláng m~ga sínag n~g dî maulátang capurihang canilang inililiguid sa canilang sariling bayan; _isinasaysay n~g dalawa ang tunay na calagayan n~g aming buhay sa pagsasamahan, sa asal na guinagamit at sa natutungcol sa pamamahala n~g calacarán n~g bayan_; ang cataohang pinapagtitiis n~g mabibigat na dalahin; ang cataohang hindi natutubos, _ang catowiran at ang mithing nakikitungáli n~g mahigpit sa m~ga di_ "wastong caisipán," _sa maling pananampalataya at sa m~ga licong cagagawán_, "sa pagca't ang m~ga damdamin at ang m~ga pasiya ay nacapaglalag-os sa lálong macacapal na cuta"; sa pagca't sa lahát n~g m~ga hadláng ay may napumumulusán, pawang nan~gan~ganinag, at cung hindî sila magcapluma, cung dî sila tulun~gan n~g limbagan, hindî lamang maghahandog n~g panglibang sa panin~gin ang canilang paleta at m~ga pincel, cung dî naman maguiguing mananalumpating totoong marikit manalitâ."
Cung itinuturo n~g iná sa canyáng anác ang canyáng sariling wícà at n~g maunáwà ang canyáng m~ga catowáan, ang canyáng m~ga kinacailan~gan ó ang canyán~g m~ga pighatî; itinuturò namán n~g España sa Filipinas, sa canyáng pagcainá ang canyáng sariling wícà; "cahi man hinahádlan~gan niyáng m~ga bahagyâ na ang abo't n~g panin~gín at napacapandác ang pag-íisip," na sa canilang malabis na pagsusumicap na sumapanatag sila sa panahóng casalucuyang tinatawid, ay "_hindi nila mátanaw ang panahóng darating_ at hindî pinagtitimbangtimbang ang maguiguing bung~a n~g canilang guinagawâ;" m~ga sisiwang payát, "masasamáng ásal at m~ga pang-akit sa casamâang ásal", na waláng ibáng iniimbot cung dî ang inisín ang lahát n~g damdaming dalisay, at sa caniláng pagpapasamâ n~g púsò n~g m~ga bayan, "ay itinatanim nilá sa m~ga bayang iyán ang m~ga binhî n~g m~ga pagcacaalit at n~g sa panahong darating ay anihin ang bun~ga, ang lasong haláman, ang camatayan bagá n~g m~ga ipan~gán~ganác pang m~ga tao."
"N~guni't ¡limutin natin ang m~ga capan~gitang ásal na iyán! ¡Capayapaan sa m~ga patáy, sapagca't páwang m~ga patáy na n~gâ; hindî na silá humihin~gâ, at sila'y kinacain na n~g m~ga u-od! ¡Howag nating tawaguin ang pag-aalaala sa canilá; howag nating dalhin dito sa guitnâ n~g ating m~ga casayahan ang canilang cabahúan! "Sa cagalin~gang palad ay lalong marami ang m~ga capatid; ang cagandaha't camahalan n~g loob ay pawang m~ga catutúbò sa sílong n~g lan~git n~g España: sa bagay na ito'y cayóng lahát ay m~ga sacsíng maliliwanag." Nangagcaisa cayó sa pagsagót; nan~gagsitulong cayó, at gumawâ cayó marahil n~g lalong malakí cung mayroon pa sana cayong magagawâ. Umupô cayó sa pakikisalamúhà sa aming pagsasalosalo, at sa inyòng pagbìbigay unlac sa maririlag na m~ga anác n~g Filipinas ay pinauunlacan namán ninyo ang España; sapagca't lubos na talastas ninyóng lahat, na hindî ang dagat Atlántico ang hanggahan n~g España; hindî rin namán ang dagat Cantábrico at ang dagat Mediterráneo--casirâang dan~gal n~gang tunay cung macahadláng ang tubig sa canyáng cadakilâan, sa canyáng isipan.--Narorooon ang España cung saan ipinararamdam ang canyáng pangpaguinhawang akit, at cahi't maalís man sacálì ang canyáng bandera, matitira rin ang sa canya'y pag-aalaalang hindî matatapos, hindî magmamaliw, ANO ANG MAGAGAWA NG CAPIRASONG DAMIT NA MAPULÁ AT MARILAW; ANONG MAGAGAWA NG MGA FUSIL AT NG MGA CAÑON SA BAYANG HINDI SIBULAN NG PAGSINTA AT PAGGUILIW; SA BAYANG HINDI NANGAGCACAYACAP ANG MGA MITHI, HINDI NANGAGCACAISA ANG PALATUNTUNAN NG ADHICA, HINDI NANGAGCACASANG-AYON ANG MGA PASIYA NG ISIP..? (Mahabang m~ga pacpacan.)
Si Luna't si Hidalgo'y tunay n~gang inyó at tunay rin namang amin; sila'y inyóng sinisinta, at sa canila'y napapanood namin ang magagandang m~ga pag-asa, m~ga mahahalagang ulirán. Ang m~ga cabataang filipinong na sa Europa, na cailan may masigabo ang loob, at ilán pang m~ga taong nananatili ang m~ga púsò sa pagcabátà, palibhasa'y laguing gumagawâ n~g m~ga cagalin~gang dalisay sa udyóc n~g canilang malilinis na budhî, nan~gaghandog cay Luna n~g isáng corona, mahinhing alay, tunay n~gang maliit cung isusumag sa maalab naming nais, n~guni't siyáng lalong cúsà at siya namang lalong maláyà sa lahát n~g pag-aalay na guinawâ hanga n~gayón.
Datapwa't hindî pa nasisiyahan ang Filipinas n~g pagkilalang utang na loob sa canyáng maririlág na m~ga anác, at sa pagcaibig niyáng maipakilalang ganáp ang m~ga caisipang umuulic sa canyáng budhî, ang m~ga damdaming sa puso'y umaawas, at ang m~ga salitáng tumatacas sa m~ga lábì, naparito tayong lahát sa piguìng na itó upang papag-isahin ang ating hán~gad, upang bigyang catuparan ang pagyayacapang iyán n~g DALAWANG LAHING nan~gagsisintahan at nan~gagiibigan, na nan~gagcacaisang may apat na raang taon na sa caasalan, sa pagpapanayam, at sa pamamayan, UPANG MANGYARING SA PANAHONG DARATING NA ANG DALAWANG LAHING IYA'Y MAGUING ISA LAMANG NACION SA BUDHI, sa canícanilang m~ga catungculan, sa canicanilang pitháyà, sa canicanilang m~ga taglay na biyáyà. (Pacpacan.)
¡Ipinagdíriwang co[29] ang ating m~ga artistang si Luna at si Hidalgo, capuriháng dalisay at wagás n~g DALAWANG BAYAN! ¡Ipinagdiriwang co ang m~ga táong sa canila'y tumulong upang sila'y macatagál sa lubháng mahirap na pagsalun~ga sa landás n~g Arte! ¡Ipinagdiriwang co, at n~g uliranin n~g cabataang filipino, na "inaasahang mahál n~g AKING SARILING BAYAN[30] ang gayóng m~ga cagandagandahang m~ga halimbáwà at n~g ang _ináng España_[31], na mapagsicap at mapagmalasákit sa icagágaling n~g canyáng m~ga lalawigan, "pagdaca'y gawín ang m~ga pagbabagong utos na malaon n~g panahóng pinag-íisip"; may daan na n~g araro at ang lupa'y hindî cutad. ¡At îpinagdíriwang co, sa cawacasán, ang ililigaya niyong m~ga magulang na sa canilang pan~gun~gulila sa guiliw niláng m~ga anác, mulâ sa lubhang malayong lupaing caniláng tinátahana'y sinusundan n~g titig, na basâ n~g lúhà at n~g púsong tumítibóc na naglálagos sa m~ga dagat at sa calayuan, at "inihahayin sa altar n~g icagagalîng n~g lahát ang m~ga matimyas na caaliwang totoong nagsasalat pagdating sa dacong calunuran n~g buhay", mahahalagá't m~ga bugtóng na bulaclác sa panahóng tagguináw na sumisilang sa m~ga pampan~gin n~g libin~gan!--(Masilacbóng m~ga pacpacan; masigabong m~ga pagpupuri sa nagtalumpatî.)