Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal
Part 11
Datapuwa't nagtatagumpay ang catuwíran malaon ó madalî, at nagcacamit parusa ang m~ga tampalasan hanggang sa caniláng m~ga anàc at inapó.
Binuhat n~g m~ga sundalong castilà ang bangcay ni Rizal, isinacáy sa isáng "furgón"[64] at itó ang sa canya'y naghatíd sa pagbábaunan.
N~g makita niláng dinalá na sa pagbabaunan ang bangcáy ni Rizal, nan~gagsiowî na sa caniláng bahay ang dî mabílang na m~ga nanood n~g boong galác n~g sa canya'y pagbaríl, na pawang m~ga fraile, castilà at m~ga lahing castilang dito inianac. Ang pinacamarami sa canila'y ang m~ga babaeng castilà at m~ga babaeng lahing castilang dito inianac, na ang suot nila'y ang lalong maririkít at mahahalagang damít at m~ga hiyas, na ano pa't cawan~gis n~g guinágawâ n~g una n~g m~ga salaulang babae n~g malupít na Roma, cung sila'y may ipinaggágalac na ipinapápatay sa Coliseo.
Ibinaón n~g m~ga castilà si Rizal na waláng cabaong sa lupang canilang hinucay sa libin~gan sa Pácò. Ang pinaglibin~gán cay Rizal ay ang pinaglibin~gán din cay párì Burgos at na sa dacong caliwâ pagcapasoc sa libin~gan n~g Pácò, sa dulo n~g pabilog na cútà ó pader, at sa daco roon n~g cauntî sa pinaglibin~gan sa general Montoro.
Ipinakiusap n~g m~ga capatíd ni Rizal sa m~ga punong castilà na mangyaring ipagcaloob na sa canilà ang "cocinillang" guinagamit n~g caniláng culang palad na capatíd sa "fuerza de Santiago", n~g ito'y nabibilangô pa roon, upang maguing alaala, at napahinuhod namán sa caniláng pakiusap. Pagdatíng sa bahay, canilang hinanap ang casulatang ipinagtagubilin n~g nasírà, at nasumpun~gan nilá ang isáng manipís na papel, na mainam ang pagcacaticlópticlóp, na doo'y nababasa sa maliliit n~guni't maliliwanag na letra, ang isáng tuláng wícang castilà, na ang unang talata'y ganito ang saysay: ULTIMO PENSAMIENTO. Ganitó ang tulang iyón sa wícà natin:
HULING CAISIPAN
¡Paálam na sintáng Lúpang-Tinubuan, Pinacaíibig na báyan n~g araw, Perlang mahalagá n~g dágat Silán~gan, Edeng maligáyang sa ámi'y pumanaw!
Sa iyo'y handóg co n~g ganáp na tuwâ Yaríng abáng búhay na lanta't dálità; Maguíng dakílà ma'y iaalay rin n~gâ Cung dahil n~g iyong icatitimawâ.
Ang nan~ga sa digmáng dúmog sa paglában Handog din sa iyo ang caniláng búhay, Hírap ay dî pansin at dî agám-agam Ang pagcáparool ó pagtatagumpáy.
Bibitayá't dûsang pasákit n~g ban~gis O pakikibacang lubháng mapan~ganib, Hindî alumána, cung itó ang náis N~g Baya't n~g madláng pinacaiibig.
Aco'y mamámatay n~gayóng minamalas Itóng pamumulá n~g lán~git sa sínag N~g minimithî cong araw na sisicat, Halíli sa dilím na cagulatgulat.
Cung "grana" ang iyong kinacailan~gan N~g lalong gumandá núnucang liwaywáy, ¡Dugô co'y ibúbó't n~g isá man lámang N~g dakilang sinag iyong mapakináng!
Ang m~ga mithî co muláng magcaísip Magpahanggá n~gayóng maganáp ang baít, Ang mapanood cang ¡hìyas na marikít n~g dágat Silán~gang dito'y lumiliguid!
Matá mong marikít ay lumiligaya, Waláng bacás luha't saganâ sa siglá, Noo'y nacatungháy na waláng balísa, Waláng báhid poot, muntî mang pan~gamba.
Galác niríng búhay, marubdob cong nais, ¡Lumigaya ikaw! ... sigáw n~g pagibig N~g calolowa cong gayác n~g aalis. ¡Guinháwa camtán mo! ... ¡Anóng pagcárikît!
¡Mátimbuang upang mátaas ca lamang, Mamatáy at upang mabigyán cang buhay, Mamatáy sa sílong n~g lan~git mong mahál, Málibing sa lupang puspós n~g carictán!
Cung sa ibáng âraw icáw'y may mápansin Bulaclac na abâ sa dukhâ cong libíng, Sumílang sa guitnâ n~g damóng masinsín, Hagcá't ang halíc mo'y itaós sa akin.
Sa samyó n~g iyong pagsuyong matamís, Dalisay na guiliw n~g may sintang dibdib, Bayâang tumanggap noo co n~g ínit Sa pagcápalibing sa lúpang malamíg.
Bayâan mong acó'y malásin n~g buwán Sa liwanag niyang hináho't malamlám, Bayâang ihatíd sa aking baunan Madalíng mapáwing sínag n~g liwaywáy.
Bayâang humibík ang símoy n~g hán~gin, At cung may dumápo sa Cruz n~g libing Na anó mang ibo'y bayâang awitin Sa húning masayá ang payapang aliw.
Bayâang ang áraw na lubháng manin~gas Ulán ay tuyui't sin~gaw ay itaás, Maguíng pan~ganuring dalisay at wagás, Calangcap ang áking hibíc n~g pagliyag.
Bayâang ang áking maágang pagpánaw Itan~gis n~g isáng cototong sino man, Cung may magpatungcòl sa akin n~g dasál Acó'y iyo sanang idalan~gin namán.
Idalán~gin mo rin ang kinapós pálad Na nan~gamatáy na't yaóng nan~gaghírap Sa daming pasakit, at ang lumálan~gap Naming m~ga iná n~g luhang masacláp.
Iyong idalán~gin ang bao't ulíla, Ang nan~gapipiit na pinagdurusa; Iyong idalán~ging icaw'y matubós na Sa pagca alíping láong binabata.
Cung nababalot na ang m~ga libin~gan N~g sápot na itím n~g gabíng mapangláw, At cung walang tanod cung di pawang patáy, Howág gambalàin ang catahimican.
Pagpitaganan mo ang hiwagang líhim. At mapapakinggan ang tinig marahil N~g isang salterio[65], ito n~ga'y aco ring Ina-awitan ca n~g aking pag-guiliw.
Cung ang libin~gan co'y limót na n~g madlâ At walâ n~g Cruz at bató mang tandâ, Sa nan~gagbubukid ay ipaubayang Bungcalí't isabog ang natipíng lúpà
Ang m~ga abó co'y cung ipailanglang, Maowi sa walâ na pinanggalin~gan, At macalat na n~gang parang capupunán N~g iyong alabóc sa lupang tungtun~gan.
Sa gayo'y wala n~g anó man sa aking Aco'y limútin na't aking lilibutin Yaong impapawid, caparanga't han~gin, At aco sa iyo'y maguiguing taguingtíng.
Ban~gó, tin~gig, higuing, awit na masayá, Liwanag at culay na lugon n~g mata'y Uulit-ulitin sa towi towi na Ang cataimtiman n~g aking pag asa.
Sintang FILIPINAS, lupa cong hinirang, Dusa n~g dusa co n~gayon ay pakin~gan: Bilang habilin cong sa iyo'y iiwan Ang lahat n~g lalong inirog sa búhay.
Aco'y yayao na sa bayang payápà Na walang alipi't púnong mapang-abâ, Doo'y di nanatay sa paniniwálà At ang naghahari'y Dios na dakílà.
¡Paalam na aco magulang, capatid, Bahagui n~g puso't unang nácaniig, Ipagpasalamat ang aking pag-alis Sa buhay na itong lagui n~g ligalig!
¡Paalam na liyag tan~ging caulayaw Taga ibang lupang aking catowaan! ¡Paalam sa inyo m~ga minamahal, Mamatay ay ganap na catahimican!
Jose Rizal.
"¡Walâ isa man lamang salitâ n~g pagtatanim sa m~ga pumatay sa canya!... ¡Pawang pag-ibig na lahát sa caniyang tinubuang bayan at sa canyang m~ga capanig!" ani Don Wenceslaw E. Retana.
* * * * *
Dinamdam n~g Europa, n~g América, n~g lahat n~g bayang civilizado, lalo na n~g m~ga pantás sa lahat n~g làhi ang cakilakilabot na pagcápatay sa "Dakilang Tagalog" n~g m~ga castílà.
Si Guinoong Fernando Blumentrit, ang pantás na profesor etnógrafo, ang pan~gulong nagdamdam, ang isa sa m~ga pan~gulong nagpighati n~g dî cawásà.
Pakinggan n~g írog na bumabasa ang isinulat cay Guinong Mariano Ponce ni G. Fernando Blumentritt, pagcaalam nitò n~g calupitang guinawâ sa capatíd na hírang n~g canyang calolowa:
"May sugat ang aking púsô!... Natatalastas mo ang calakháng dî ano lamang n~g sa caniya'y aking pag-irog!... Nan~gagsumakit ang lalong m~ga bantòg na tao sa Europa upang siya'y iligtás, datapowa't hindî nan~gagtagumpáy: ang cálolowang mahal na iyo'y naakyat sa lan~git, Macasasamáng totoo sa capangyarihan n~g castílà ang pagcàpabaril sa caniya: sa macatuwíd ay hindî lamang naguíng waláng cabuluhán ang boong caban~gisáng iyòn, cung dî isa namang cahalin~gáng calakilakihan sa pamamanihálà n~g bayan."
Naglathálà ang marunong na si Blumentritt n~g mahahalagang casulatan tungcol sa buhay at pagcamatáy ni Rizal sa "Archivos Internacionales de Etnografía", sa Leida, sa "Almanaque de Praga n~g 1898" at sa halos dî mabilang na m~ga pámahayagan.
Nagsaysay rin naman n~g malaki't taimtim na m~ga pagdaramdam:
Ang Profesor Dr. Renward Braustetter, pantás na malayólogo sa Lucerna.
Ang Dr. Fedor Jagor, aleman, sumulat n~g isáng librong ang pamagát ay "Viajes por Filipinas" na isinawicang inglés at castilà.
Ang Dr. Friedrich Ratzel, alemán, marilág na geógrafo at etnógrafo, bantóg sa boong daigdig sa carunun~gan. Sinabi n~g pantás na itó sa isáng mahabang casulatang inilathalà sa dahong dagdág, tungcol sa dunong, sa "Allegemeine Zeitung" sa Munich, na mataas ang dunong at matálas ang ísip ni Rizal cay sa m~ga umusig sa canyá.
Ang profesor M. Buchner, Director n~g Museo Etnográfico sa Munich, hirang na totoong malayólogo. Sumulat ang pantás na itó cay G. Ponce at sinabing: "si Dr. Rizal ay ang tagapakiharáp na mahal n~g lahing mahál n~g m~ga tagalog, at ang larawan niya'y na sa lalong mahál na pinaglalagyán sa aming Museo."
Si Monsieur Edmont Plauchut, kilalang orientalista francés, na nacatatalos na magalíng sa Filipinas, na may sinulat na ilang m~ga libro at manunulat sa m~ga pahayagang "Le Temps" at "Revue des Deux Mondes." Pagca alam niyang ipinabaríl si Rizal ay naglathálà n~g pagpapapuri sa ating marilág na capatíd at pagcatapos ay sinabi: "¿Ang gayong caraming dugo'y magbun~ga cayâ n~g icapagsásarilí n~g sangcapuluan? Minimithî co n~g boong púsò."
Ang Dr. W. Joest, profesor sa Universidad n~g Berlín, marilág na geógrafo. Naglathálâ n~g pagtatacá at pagpapaunlác cay Rizal.
Ang Dr. H. Kern, profesor n~g Sánscrito sa Universidad n~g Leida at pan~gulong malayista sa daigdig. Pinuri niyá ang m~ga librong cathâ ni Rizal.
Ang Dr. J. Montano, francés, bayaning maglalacbay, marunong n~g sarisaring wicà at pantás na antropólogo; nagparan~gal cay Rizal.
Ang Dr. F. Muller, profesor sa Universidad n~g Viena, dakilang filólogo; naghayag n~g canyang panghihinayang cay Rizal. At gayon din ang m~ga marurunong at maririlag sa taong sumusunod.
Ang pantás at bantog na literatang holandesa na nagpapamagat n~g "H. D. Teenk Willink."
Si Mr. Manfred Wittich, manunulat na taga Leipzig.
Si Dr Betances, político cubano.
Si Dr. Boettger, bantóg na naturalista alemán.
Si Dr. A. B. Meyer, Director n~g Museo Etnográfico sa Dresde, cárilagdilagang filipinólogo at isa sa lalong totoong nagmamahal cay Rizal.
Si Monsieur Odekerchen, Director n~g páhayagang "L'Express", sa Lieja.
Si Dr. Ed Seler, na naghulog sa wicang aleman n~g _Huling Caisipán_ ni Rizal.
Si Mr. H. W. Bray marunong na manunulat na inglés.
Si Mr. John Foreman, na sumulat n~g iláng libro tungcol sa Filipinas.
Si Herr C. M. Heller, naturalista aleman.
Si Dr. Stolpe, pantás na taga Suecia.
Si Herr Armand Lehinaut, ingeniero at literato austriaco.
Si Dr. J. M. Podhovsky, balitang manunulat na teheque, at iba pang lubhang marami.
At cung dito'y ilalagda ang talaan n~g m~ga libro, n~g m~ga "revista" at n~g m~ga "periódico" na nan~gagbigay dan~gal cay Rizal ay hindî matatapos. Tatatlompong araw pa lamang ang nacararâan mulâ n~g barilín si Rizal ay nacatipon na ang pantás na si Blumentritt n~g pitompo at tatlong "periódico" sa Europa na pumupuri cay Rizal at nagsasaysay n~g malaking pagdaramdam n~g sa canya'y pagcápatay; isipin n~g bumabasa cung gaanong dami cayâ ang m~ga isinulat tungcol sa canya n~g macaraan na ang ilang bwan. Carapatdapat bangguitin ang m~ga páhayagang "Leipsinger Illustrirte Zeitung", "Allgemeine Zeitung", "National Zeitung", "Berliner", "Tageblatt", "Frendenblats", "Hamburger", "Nachrichten", "Globus", "Kolnische Zeitung", ang "Ost Asien" na pinamamatnugutan n~g pantás na japonés na si Kisak Tamai, at iba pang maraming páhayagan sa Alemania, ang "Boletin" n~g m~ga Orientalista sa Austria; ang "De Indische Gids", sa Amsterdam; "New Yorker", "Staatszeitung", "Patria", "New York Herald", "The San Francisco Chronicle", sa Estados Unidos; Le Temps", "L'Eclair", "La République Cubaine", sa Paris; "L'Express" at "La Réforme" sa Bélgica; "Opden Uitkijk", sa Holanda; "London Ilustrated News" at "National Review" sa Inglaterra; iláng m~ga páhayagan sa Austria-Hungría, sa Suecia, at iba pa; ang lahát n~g m~ga páhayagan sa Singapore, sa Hongkong, sa Macao, Shanghai, sa Japon, sa América Latina at iba pa.
Maraming m~ga dakilang "Velada" ang inihandog sa pag-aalaala cay Rizal sa m~ga ciudad n~g sangsinucob. Ang isa m~ga Veladang iya'y ang idinaos n~g ica 20 n~g Noviembre n~g 1897 n~g "Sociedad Antropológica" sa Berlin, sa ilalim n~g pamamatnugot n~g pan~gulong antropólogo sa boong tinacpang si Virchow. Binasa sa Veladang iyon ang "Huling Caisipan" ni Rizal sa tuláng aleman n~g Dr. Ed. Seler.
Naghandog din ang m~ga norteamericano n~g pagbibigay-dan~gal cay Rizal, n~g ica 19 n~g Junio n~g 1902 sa bahay n~g m~ga Representante, sa Washington, na ipinakilala nilang si Rizal ay cawan~gis din ni Washington, na may carapatáng igalang at alayan n~g ganáp na pagpupuri n~g sangcataohan. Umuugong, tunay na umuugong ang dakila't cagandagandahang bahay n~g m~ga Representante sa Washington sa pagbibigay-dan~gal sa walang cahulílip nating capatíd.
Naghandog din n~g manin~gas at cágalingalin~gang pagbibigay dan~gal cay Rizal, sa pamamag-itan n~g isáng talumpatì si Theodore Roosevelt, presidente n~g Estados Unidos: sinabi niyang carapatdapat uliranín ang buhay ni Rizal at ang m~ga librong kinathâ niya'y Evangeliong pumapatnugot sa landás n~g icasusulong, iguiguinhawa at icaririlág n~g m~ga bayan.
Pakingan naman natin n~gayón ang salitâ n~g pahám na manunulat na castilang si D. Wenceslao E. Retana:
"Pagcatapos--anya--nang maiclíng casaysayang ito, na nagpapakilala n~g isáng culabóng sinag n~g malakíng pangguiguilalás n~g gayong caraming lubhang maririlag na m~ga tao, man~gan~gahás camíng isumag ang pasiyang sinabi sa Gobierno tungcól cay Rizal n~g Excelentísimo Señor Don Nicolás Peña, Auditor n~g Ejército n~g Filipinas. Alinsunod sa sinabi n~g guinoo, si Rizal ay isáng pan~gahás na hindî man lamang marunong sumulat at hindî maalam mag-isíp ísip.... ¡Lakíng kahapishapis na caibhán ang namamasdan sa pasiya n~g Guinoong Peña, na caya lamang kilalá ay salamat sa "Anuario Militar n~g España", sa m~ga pasya n~g m~ga Virchou, n~g m~ga A. B. Meyer, n~g m~ga Kern, n~g m~ga Blumentritt at n~g lubhang maraming m~ga pantás na hinahan~gaan at bantog sa boong sinucob! Datapuwa't lalo n~g kahapishapis ang isa pang pagcacaiba: ang sinasalitâ n~g "La Independencia"[66] sa canyang pagsasaysay n~g malaking pagdaramdam n~g boong sancataohang may magandang asal n~g maalaman nila ang pagcamatay ni Rizal ... "Laking kaibhang-anang "La Independencia"--n~g ganitong pagpapakita n~g sancataohan n~g canyang pagpipighatî sa pagpatáy cay Rizal, at yaong "sayáw sa m~ga patay" na guinawâ n~g m~ga castílà sa canilang pagcacatowâ n~g pagcápatay sa canilang tinampalasan, sayaw sa m~ga patáy na canilang idinaos sa ibabaw n~g bagong catatabong baunan ni Rizal na ano pa't canilang guiniic at minunglaymunglay ang m~ga corona at m~ga bulaclac na inilagay sa ibabaw n~g libin~gang iyon n~g masintahing m~ga camay n~g m~ga catoto!"
Pinabantayán n~g Excelentísimo Señor Don Camilo Palavîeja, Teniente General n~g Ejército n~g España at Gobernador at Capitan general n~g Sangcapuluang Filipinas ang libin~gan ni Dr. Jose Rizal sa loob n~g labing limang araw at labing limang gabi. Limampong sundalong castílà, isáng capitan, isáng teniente, isáng sargento segundo at dalawang cabo ang nan~gagbantay. Pínabantayan sa pan~gan~ganib na bacâ nacawin n~g m~ga tagalog ang bangcay ni Rizal, at bago ipamalitang ito'y muling nabuhay. Walang pinag-ibhan cay Jesucristo.
N~g macalampas na ang labinglimang araw, mulâ n~g ibaón sa lupà, si Rizal na walang cabaong at waláng balot man lamang, na baníg, iniwan na n~g m~ga, nagbábantáy.
Tinandaan na lamang n~g m~ga capatíd ni Rizal ang pinaglíbin~gan nito n~g isáng cruz.
N~g buwan n~g Agosto n~g 1898, n~g magtagumpay na n~g lubos ang m~ga filipinong revolucionario at n~g maibabâ na sa Filipinas ang bandera n~g España, hinucay n~g ating m~ga caláhì ang libin~gan ni Rizal, kinuha nila ang m~ga butó at bun~gô nito, inilagay nila sa isáng mahalagang urnang gawâ n~g bantog na escultor na si Guinoong Romualdo Teodoro de Jesús, at pagcatapos ay inihatid n~g di mabilang na tao n~g boong galang sa bahay n~g canyang ina. Buongbuo ang bun~gô n~g úlo ni Rizal, na ano pa't napagkikilalang hindî nasugatan n~g bala. Datapuwa't n~g hanapin sa zapatos ang casulatang bilin n~g nasirà, ang papel ay naguing pulbos na't wala n~g mabasa cahi't isáng letra man lamang. ¡Cahapishapis!...
* * * * *
Ang m~ga sinaysay co sa m~ga talatang natalikdan ay m~ga balitang bigay sa akin ni G. Saturnina Rizal, n~g canyang esposong si G. Manuel Hidalgo, n~g m~ga caibiga't cakilala ni Rizal at ang iba'y aking nabasa naman sa librong "Vida y escritos del Dr. Rizal," na sinulat at inihayag ni Don Wenceslao E. Retana.
Sa libro ring "Vida y escritos del Dr. Rizal" ay aking sisipiín ang m~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall, n~g sinabi n~g si Don Wenceslao E. Retana, ni Don Miguel de Unamuno at ni Guinoong Javier Gómez de la Serna, ang tatlong nauna'y castílà at itong hulí ay cababayan natin, sa pagca't dito siya inianâc, tungcol sa España, sa Filipinas, cay Rizal at sa m~ga fraile.
* * * * *
M~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall:--"Sawíng palad n~gâ ang m~ga nasásacop n~g ating capangyarihan sa dacong Oceanía: hindî ipinagcacaloob sa canila ang m~ga "derechos políticos", ang m~ga carapatán ò catuwiran bagáng ucol sa táong namamayan, ayaw ipagcaloob sa canilá ang catuwirang magcaroon n~g m~ga tagapakiharáp sa Capulun~gang-Bayan, ayaw alsín sa canilá ang pamatoc na sa canila'y isinacláy n~g m~ga fraile, at pagca nauucol sa iguiguinhawa n~g canilang catawan sila'y nililimot na parang hindî m~ga caanib n~g España. ¿Papaanong iirog sa atin ang m~ga taong doo'y nananahan? ¿Papaanong hindî magdaramdam n~g malaking pagcainíp upang sila'y macaligtás sa cahariang sa canila'y namamahalang tulad sa m~ga unang panahon n~g pagcalupig sa canila? Cung dumating ang araw na sila'y manghimagsíc, ¿anong cacatuwiranin natin upang tayo'y dumaíng?"
* * * * *
Ganito naman ang m~ga pananalita ni Don Wenceslao E. Retana:
"Si Jose Rizal ang siyang buháy na nagpapakilala n~g ating cahapishapis na pamamahala sa ating sacop na ibáng lupaín. Hindî mangyayaring mapapanatili ang pagcasacóp n~g isáng caharìan sa ibáng lupaín cung dì sa pamamag-itan lamang n~g dalawang paraan: O sa cusang calooban n~g m~ga tubò sa ibáng lupaíng iyon, ó sa sápilitan. Carapatdapat sabihing cailan ma'y walang ano mang guinawâ ang España upang manatiling cusà ang m~ga nasasacop na taga ibàng lupain sa pagkilala sa canyang capangyarihan; salun~gat na salun~gát ang gayón sa patacbó n~g caisipán n~g ating láhì: sa tuwi na'y ipinalagay n~g dalisáy na castílà, na hindî tunay na guinagamit ang capangyarihan sa nasasacop na ibáng lupaín, cung hindî sinusupil ang m~ga tagaroon upang sumunód sa bawa't maisipan n~g nacapangyayari. (At unawaing tinatawag na nacapangyayari, hindî ang Estado[67], at hindî rin ang Púnò n~g Estado, cung dî ang castílà). Pinapanatili n~g España sa pagkilala sa canyang capangyarihan ang nasasacop na m~ga taga ibang lúpà sa pamamag-itan n~g lacás. Datapuwa't palibhasa'y hindî sumásapat ang nacucuhang salapî sa Filipinas upang doo'y mapapanatili ang isáng malakíng hucbó n~g m~ga castilang tunay, minagalíng n~g España--cahi't kinikilalang isáng "casam-ang kinacailan~gang gawín"--ang papamalaguîin sa walang taning na panahón ang calacaráng mulâ sa lacás n~g "hicayat" n~g fraile, na ano pa't hinan~gad n~g España ang magawâ ang hindî mangyayaring bagay, na magcásabay ang pamamahalà n~g fraile at sacâ ang paglagô n~g m~ga carunun~gan ayon sa bagong caisipán. Datapuwa't hindî macagaganáp ang fraile sa canyang tungculing "pagcafraile", cung hindî niya gagamitin, ano mang cáratnan, ang canyang "tinutuntong landás", na ito'y dî iba cung dî ang paraang papanatilihin ang bayan sa carilimán n~g isip at sa hindî pagcatantô nang magagandang caasalán, at ang naguing bun~ga n~g gayong hidwang palacad (papamalaguiin bagang "indio"[68] ang filipino hanggang nabubuhay) na laban sa mapilit na cahin~gîan n~g lacad n~g panahón (cahin~gîang hindî macataliwacás at ayaw namang tumaliwacás ang caramihan sa m~ga filipino) ay ang pagsilang n~g paláisipang-bayang talastas na n~g lahát cung paano ang kináwacasan.
"Hindî lamang ang dî malilagang batás n~g panahón ang calaban n~g lumang palacad; calaban din naman ang m~ga castilang anác sa España, na sa cawacasa'y ipinalagay niláng bawa't fraile ay canilang capan~gagáw; at sa ganito'y sa canilang cahapishapis na pag-uunahan sa pagsisirâan, silasilá ring m~ga castilang may "hábito" ó walang "hábito", may ahit sa ulo ó walang ahit ang siyang nan~gaglugsôan n~g canicanilang puri, hanggang sa mapagkilala tulóy n~g m~ga túbò sa Filipinas ang taglay niláng budhî. Sa isáng bagay lamang nan~gagcacaisa ang m~ga ganap na castilà, may ahit sa ulo ó walâ; ang papanatilihin sa pagca-"indio" ang m~ga pinamamagatang "indio"; bagay na udyóc n~g capalaluan n~g m~ga castilâ, capalaluang lalong lumúlubhâ, samantalang lalong mahigpít; ang pag-ibig n~g castílà sa canyang kinamulatang bayan (!)
".....................................................Untiunting guinágawang "guinoo" n~g Gobierno n~g España ang m~ga filipino; n~guni't sa pagca't nananatili ang fraile, ang cototohana'y nananatìli naman ang filipino sa "pagca-alipin", at ang nangyayari'y samantalang lumalaganap ang pagbibigay catuwiran, lumulaganap naman ang pagyurac sa catuwiran. Nananatili ang pan~gulong púnò sa Colonia[69] sa pagtataglay n~g capangyarihang magawâ ang bawa't maibigan, at nananatili naman ang fraile sa pagca siyang namamag-itan sa Bayan at sa Gobierno, at sa ganitong calagaya'y walâ n~gang kinácamtang masasabing ligaya ang "indio", liban na lamang sa ligayang papaguing dapatin n~g fraileng sa canya'y ipagcaloob.
Lubós n~gang naguing magcaaway na totoo ang "Fraile" at ang "Progreso"[70]: calabisán ang alín man sa dalawa. Minamagalíng n~g m~ga filipino ang "Progreso." Datapowa't cung alisín ang fraile; ¿alín ang "lacás" na icapipiguil sa paghiwalay n~g colonia? At sa ganito'y ¿di baga dapat na ipalagáy na "sospechoso"[71] ang filipinong magmunacalang magwacsì n~g "lacás" n~g fraile? Nariyan ang ugát n~g dî magaping capangyarihan n~g fraile: hindî n~gâ mangyayaring mahalinhan silá. Nalalaman n~g m~ga fraile ang bagay na itó, caya't guinágawâ nilá bawa't maisipan. At ang Gobierno n~g castilang nagpapacapagal n~g dî ano lamang sa _iguiguinhawa_ n~g m~ga filipino, gayon ma'y hindî mangyaring dî niya gamitin ang fraileng magpacailan ma'y siyang bucál n~g _ipinaghihirap_ n~g canyang m~ga sacóp na iyang pinagsisicapan niya ang pagtatamó n~g "magandang palad."
..................................................
"Samantalang nananatili sa alaala n~g bayang Filipinas ang hindî pag limot cay Rizal, mananatili naman sa bayang iyon ang pagmimithing magcaroon n~g isáng Bayan puspós sa carapatán at may magandáng caasalán. ¡Sa abâ n~g Filipinas cung sa canya'y lumípas ang pag-aalaalang iyan! ¡Hihibic siya sa caalipnang atang n~g m~ga taga ibang lupaín! At lalò pa n~gang magalíng sa matandang España na mamuhay ang canyang naguíng anác sa marilág na casarinlán cahi't na sa carukhâan, at huwag pawîin sa dibdib ang catibayan n~g dating pagguiguiliwán, cay sa magtiis ang naguíng anác na iyan sa pagcasacóp n~g isáng áli, na cahi't magpacayamanyaman ay hindî magtátaglay cailan man niyang talinghagà at di mapagwaring pagsintang catutubò n~g tunay na iná.................................."