# Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal

## Part 1

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/buhay-at-mga-ginawa-ni-dr-jose-rizal-18282/index.md

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. Para sa pagpapahalaga ng Panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. This work forms part of the Tagalog translation of Noli Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presented separately in this edition.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimula sa isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa edisyong ito.]

BUHAY AT M~GA GINAWÂ

NI

DR. JOSÉ RIZAL

NA SINULAT

NI

PASCUAL H. POBLETE

José Protasio Rizal Mercado

Maicling casaysan nang canyang buhay

Ipinan~ganac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan n~g Calambâ, sacóp n~g lalawigang Laguna, n~g ikalabing siyam n~g Junio n~g taóng sanglibo walóng dáan animnapo't isá.

Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora Alonso at Quintos ang canyáng iná.

Ipinan~ganac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra n~g taóng 1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila n~g ica 5 n~g Enero n~g 1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinan~ganac sa Meisic, sacóp n~g Tundó, Maynila, n~g taóng 1825 at nabubuhay hanga n~gayón (8 n~g Junio n~g 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong n~g wicang castila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sa colegio n~g Santa Rosa at marunong n~g wicang castila.

Ang naguíng m~ga anác n~g mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa, Trinidad at Soledad.

Bininyagan si Jose Rizal n~g araw n~g sábado, icadalawampo't dalawa n~g Junio n~g 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at cura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G. Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'y nag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.

Pinan~galanang Jose, dahil sa ang iná n~g Doctor Rizal ay namimintacasi sa Patriarca San José, at ang pan~galawang pan~galang Protasio ay dahil sa caarawán n~g Santong itó, alinsunod sa calendario, n~g siyá'y ipan~ganác.

Hindi dating tagláy n~g amá at n~g m~ga capatíd n~g amá n~g ating Doctor ang apellidong Rizal. Pinasimulaang guinamit ang apellidong Rizal n~g mag-aral ang batang si Jose, upang siyá'y macaligtas sa mahigpit na pag uusig n~g m~ga fraile sa m~ga nag-aapellidong Mercado.

Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sa wicang tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós n~g pinutol na halaman ó damó. May isá pang cahulugán; ang lupang may pananím na anó mang damóng pacain sa m~ga háyop.

Pagdatíng sa icatlóng taón n~g gulang n~g musmós na si Jose Rizal ay tinuruan na siyá n~g canyáng amá't iná n~g pagbasa. Napagkilala n~g madla ang cagalin~gan niyáng tumulâ n~g wawalóng taón pa lamang ang canyáng gulang, dahil sa isáng marikít na tuláng canyáng kinat-hà, na tinakhán n~g lahát n~g m~ga manunulang tagalog sa lalawigang Silan~gan.[1]

[Larawan: =G. Francisco Rizal Mercado= Ama ng Dr. Jose Rizal. Imp de M. Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]

Sa pagcakilala n~g amá't iná ni Jose Rizal n~g catalasan n~g isip at malaking hilig n~g caniláng anác na itó sa pag-aaral, caniláng dinalá siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loob n~g Maynila; at ipinasoc n~g taóng 1871 sa Ateneo Municipal, na pinan~gangasiwaan n~g m~ga páring jesuita.

Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pare Dandan, Lara at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianas n~g gobierno n~g España, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora, na ipinabitay n~g Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na ang naguing sangcala'y ang panghihimagsic n~g m~ga manggagawâ sa Arsenal n~g Tan~guay n~g 1872. Sumasabudhì n~g madlâ ang m~ga calupitáng dito'y guinágawâ n~g m~ga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at sa pagsasangalang sa m~ga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang m~ga nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal.

Lumipat itó n~g pagtirá sa Ateneo Municipal at n~g naroon na'y tila mandín lálo pang náragdagan ang canyáng sipag sa pag-aaral at cabaitang puspós n~g ugalì. Ang naguing maestro niyá'y ang m~ga jesuitang si parì Cándido Bech at si parì Francisco Sánchez.

Cung ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng pag-amis sa catwiran n~g canyang m~ga caláhì ay lalo n~g dinaramdam niyá, ang m~ga sabihanan n~g m~ga fraileng madalás niyang marinig sa Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím, bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoo n~gâ, sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy. Napagtalastas n~g madlâ ang ganitóng paghahacahácà ni Jose Rizal, dahil sa isáng casulatang inilathalà n~g pantás na si Herr Ferdinand Blumentritt sa icasampung tomo n~g _Internationales Archiv fiur Ethnographie_, n~g 1897, na ganitó ang saysay:

"Sinabi ni Rizal, na maliit pa siya'y malaki n~g totoo ang canyang pagdaramdam, dahil sa nakikita niyang sa canya'y pagpapawalang halagá n~g m~ga castilà, dáhil lámang sa siya'y _indio_[2] Magbuhat niyao'y pinagsicapan niyang pacasiyasatin cung alín ang catwíran ó cadahilanang pinagsasandigan n~g m~ga castila at n~g lahat n~g m~ga táong may mapuputing balát upang ipalagáy nilang sila'y matatáas ang ísip cay sa m~ga táong cawan~gis din nila ang anyô, at taglay ang cáya upang dumúnong at magtamó n~g capangyarihang gaya rin nilá.

"Ipinalálagay n~g m~ga tagá Europang silá ang pan~ginoon n~g bóong daigdig: sa acalà nila'y silá ang tan~ging nagtâtaglay n~g pagsúlong sa dúnong at sa m~ga magagandang caugalian, at silá lamang ang tán~gì at dalisay na liping _homo sapiens,_[3] samantalang ipinalálagay nilang ang m~ga ibang lahi ay mababa ang pagiísip, ang guinagamit na wica'y dukhâ at walang caya upang macuha ang dunong n~g m~ga taga Europa, ano pa't ang m~ga lahing may culay caymangui, itím, diláw ó abo-abó ay isá sa pascacaiba't ibang anyô n~g _homo brutus._[4]

"Nang magcágayo'y itinátanong ni Rizal sa sarili; ¿totoo n~ga cayâ ang m~ga pinatitibayan nilang ito? Ang tanóng na ito ang totoong laguing sumasaísip niya mulâ pa sa panahong siya'y nag-aaral, at di lamang sa canya cung di naman sa m~ga cápowà niyáng nag-aaral na m~ga taga Europa. Hindi nalao't canyang nápagmasid sa colegio na walang pinagcacaibhan n~g pag-iisip n~g isa't isá, [sa macatowid baga'y n~g pag-iisip n~g táong maputi ang balát at n~g táong caymangui.] Caraniwang lubha ang pagcacápantay n~g m~ga puti at n~g m~ga _indio:_ sa isa't isang panig ay may nakikitang m~ga tamád at masisipag, mápag-sákit sa pag-aaral at matamarin sa pag-aaral, matálas ang pag-iísip at mapuról ang pag-iísip; sa cawacasan ... wala siyang nakikitang ikinahíhiguit n~g m~ga mapuputíng nag-aaral at gayon din n~g m~ga may cúlay caymangui. Pinagsiyasat niya ang m~ga dunong na nauucol sa m~ga láhi; natotowa siyá pagca nangyayaring dahil sa isang paláisipang may cahirapang ibiníbigay n~g profesor ay hindî mátuclasang gawín n~g canyang m~ga casamahang mapuputî, at sila'y nan~gagsisilapit sa canyá upang canyáng gawín cung papaano. Canyang pinagdidilidili at itinututol ang lahat n~g itó, hindi dáhil sa isáng pagtatagumpay niyang sarili, cung di dahil sa isáng pagtatagumpay n~g canyáng m~ga cababayan. Dahil dito'y sa colegio n~ga nagpasimulâ ang canyáng paniniwálang nagcácapantay ang ísip at cáya n~g m~ga europeo at n~g m~ga _indio_ sa paggawa n~g ano mang bagay. At sa lahat n~g ito'y napagtalacayan niyang magcacapantay ang catutubong isip n~g europeo at n~g indio.

"Ang unang pinacabún~ga n~g napagtalacayang itó ay ang pagcapagbalac ni Rizal, na cung mapag-unawa sana n~g canyang m~ga cababayan, na cawan~gis n~g canyáng pagcaunawa, ang pagcacapantaypantay na iyan, ito'y maguiguing isang paraan upang maipailanglang ang dunong n~g m~ga filipino. Dumatíng siya sa paniniwalang matáas ang pag-iisip sa pag-aaral n~g m~ga tagalog cay sa m~ga castila (ang iláng m~ga castilang n~g panahóng yao'y canyáng nakilala;) at canyáng sinsasabi n~g boong galác ang cadahilana't dumatíng siyá sa ganitong paniniwalâ. Sa ganito'y canyáng sinasabi:--Sa m~ga colegio sa amin ay isinásaysay na lahát sa wicang castila, catutubong wica n~g m~ga castila, at wicang hindi namin kilalá; cayâ n~ga't dahil dito'y kinakailan~gan naming magpumilit n~g higuit cay sa canilá sa pagpiga n~g pag-iísip, upang maunawà at maisaysáy ang isang bágay: at sa pagca't gaya n~ga n~g sinabi co na, na walang nakikitang ipinagcacaibang anó man n~g m~ga castilà at n~g m~ga indio sa m~ga colegio, at yamang gayo'y matáas ang pag-iísip namin cay sa canilá.--May pagmamasid pa siyáng guinawa, na sa canyá'y nagdagdag n~g pag-aalinlan~gan sa dating tagláy na niyá, tungcol sa cataasan n~g pag-iísip n~g m~ga castila. Guinawâ niya ang pagmamasíd, tungcol sa inaacála n~g m~ga castilang silá'y may carapatán sa lalong malalakíng paggalang at pagpapacumbaba n~g m~ga _indio_, sapagca't naniniwála ang m~ga itóng ang m~ga mapuputì, dahil lamang sa sila'y maputi, ay pawang ipinan~ganác sa isáng lúpang lalong magalíng cay sa lúpa n~g m~ga _indio_. Napagtanto n~g panahóng iyón ni Rizal, na ang paggalang at pagpapacumbabang iyón n~g m~ga _indio_ sa castila--sa pagca't siyang itinuro n~g m~ga castila sa m~ga _indio_--ay hindi lamang dahil sa ipinalálagay na pawang galing sila sa láhing matáas, cung di sa pagca't isang paraan upang maicublí ang tacot at ang malabis na pag-ibig sa sariling catawán. Ang tacot, sa pagca't sa tikís na pagamís na sa canila'y guinágawâ, ipinalálagay nilang ang m~ga mapuputî ay pan~ginoon nilá at siyáng sa canila'y nagmamay-ári; at ang malabis na sa canilang sarili'y pag-ibig, palibhasa'y caniláng napagkilala ang caugalian n~g m~ga europeo at napag-unawang dahil sa capalaluang taglay n~g m~ga ito, ay makikinabang sila cung sila'y magpakita n~g paimbabáw na pagpapacumbabâ, at gayon n~gâ ang canilang guinágawâ. Caya n~ga't hindi kinalulugdan cahi't camunti man n~g m~ga indio ang m~ga europeo: nan~gagpapacumbaba cung naháharap sa canila, n~guni't pinagtatawanán silá cung nan~gátatalicod, linílibac ang caniláng pan~gun~gusap, at hindi nagpapakita n~g cahit munting tandâ n~g paimbabáw na sa canila'y paggálang. Dahil sa hindi nataróc n~g m~ga castila ang túnay na caisipán n~g m~ga _indio_, samantalang napagtantong lubós n~g m~ga _indio_ ang tunay na caisipan n~g m~ga castila, ipinalálagay ni Rizal na mahina ang pag-iísip n~g m~ga mapuputi cay sa canyang m~ga cababayan..... Nang siya'y panahong bata pa, cailan mang marírinig ó mababasa niya ang pagpapalagay n~g m~ga mapuputi sa canyáng láhi ay napopoot, napúpunô ang canyang púso n~g gálit; n~gayo'y hindi na nangyayari sa canya itó; sa pagca't cung nárirín~gig niyá ang gayón ding m~ga pagpapalagáy, nagcacasiyá na lámang siyá sa pagn~giti at isinasaalaala niya ang casabiháng francés: "_tout comprendre, c'est tout pardonner._[5]"

Ang maílab na mithî ni Rizal na mapaunlacán ang canyáng láhî ang siyáng totoong nacapag-udyóc sa canyá sa pagsusumakit sa pag-aaral hangáng sa canyáng tamuhín ang lubháng maningníng at maraming m~ga pangulong ganting pálà n~g colegio, na sino ma'y waláng nacahiguít.

Dinalá si Rizal n~g canyáng casipagan hangáng sa magsanay sa _escultura_[6] n~g waláng nagtutúrò.

N~g panahóng iyó'y gumawâ siyá n~g isáng magandáng larawan n~g Virgeng María, na ang guinamit niyá'y ang matigás na cahoy na baticulíng at ang ipinag-ukit niya'y isang caraniwang _cortaplumas_ lámang. Nang makita n~g canyáng m~ga maestrong párì ang cahan~gahan~gang larawang iyán ay tinanóng nilá siyá cung macagagawâ namán n~g isáng larawan n~g mahál na púsò ni Jesús; napaoo siyá, at hindî nalaon at canyang niyárì at ibinigáy sa nagpagawâ sa canyá, na totoong kinalugdan ding gaya n~g una.

Nang ica 5 n~g Diciembre n~g taóng 1875 ay kinathà niya at binasa sa isáng malakíng cafiestahan sa Ateneo ang isang tulâ, na pinuri n~g lahát, na ang pamagat ay El Embarque (_Himno á la flota de Magallanes_.)[7]

Nag-aaral siyá n~g icalimáng taón n~g bachillerato sa Ateneo Municipal n~g cathain niyá ang isang tulâ na canyáng pinamagatáng: _Por la educación recibe lustre la Pátria_.[8]

N~g bahagyà pa lamang tumutuntong siya sa icalabíng anim na taóng gulang ay nagtamó siyá n~g títulong _Bachiller en Artes_.

Nárito ang talaan n~g canyáng m~ga pinag-aralan mulâ n~g taóng 1877, at ang m~ga tinamó niyang _calificación_:

1871-1872. Aritmética................ Sobresaliente 1872-1873. Latín unang taón.......... Sobresaliente 1872-1873. Castellano................ Sobresaliente 1872-1873. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874. Latín, unang taón......... Sobresaliente 1873-1874. Castellano................ Sobresaliente 1873-1874. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874. Geografía Universal....... Sobresaliente 1874-1875. Latín, tercer curso....... Sobresaliente 1874-1875. Castellano................ Sobresaliente 1874-1875. Griego.................... Sobresaliente 1874-1875. Historia Universal........ Sobresaliente 1874-1875. Historia n~g España at Filipinas............................ Sobresaliente 1874-1875. Aritmética at Algebra..... Sobresaliente 1875-1876. Retórica at Poética....... Sobresaliente 1875-1876. Francés................... Sobresaliente 1875-1876. Geometría at Trigonometría........................ Sobresaliente 1875-1876. Filosofía, unang taón..... Sobresaliente 1876-1877. Filosofía, icalawang taón................................. Sobresaliente 1876-1877. Mineralogía at Química.............................. Sobresaliente 1876-1877. Física.................... Sobresaliente 1876-1877. Botánica at Zoología...... Sobresaliente Bachiller en Artes n~g 14 n~g Marzo n~g 1877....................... Sobresaliente

* * * * *

Lumipat si Rizal sa Universidad n~g Santo Tomás n~g Junio n~g 1877, at doo'y pinag-aralan ang Cosmología metafísica, Teodicea at Historia n~g Filosofía. Pinasimulan ang pag-aaral n~g Medicina (pangagamót) n~g taóng 1878. Canyáng pinag-aralan sa Universidad ang Física, Química, Historia Natural, Anatomía, Disección, Fisiología, Higiene privada, Higiene pública, Patología general terapeútica, Operaciones, Patología médica, Patología quirúrgica, Obstetricia.

N~g taóng 1879 ay nagtatag ang _Liceo Artístico-Literario_ sa Maynila n~g isáng certamen upang bigyáng unlác ang sino mang macapagharáp n~g lalong magandáng catháng _prosa_ ó tulâ. Ang bumuboò n~g Jurado[9] ay pawang m~ga castílà. Nagharáp si Rizal n~g isáng tuláng _Oda_, na ang pamagát ay A la Juventud Filipina, at bagá man maraming m~ga castílà at tagalog ang nan~gagsipagharáp n~g canicanilang gawâ, si Rizal ang nagcamít n~g pan~gulong ganting-pálà.

Nang taóng sumunod, 1880, nagtatag na mulî ang _Liceo Artístico-Literario_ ring yaón n~g isa pang _certamen_, bilang alaala sa caarawán n~g pagcamatáy ni Cervantes. Pawang m~ga castílà ang bumubóò n~g Jurado. Si Rizal ang nagtamó n~g pan~gulong gantíng-pálà, sapagca't ang cathâ niya'y siyang lalong magandá at mainam sa lahat n~g m~ga catháng iniharáp sa certameng iyón n~g maraming m~ga periodistang castílà at m~ga bantóg na fraile sa carunun~gang pawang m~ga castila rin. El Consejo de los Dioses[10] ang cathang iniharáp ni Rizal, at ang tinangáp niyang pan~gulong ganting-pálà'y isang sinsíng na guintô, na larawan ni Cervantes ang tampóc. Ang castilang si Don N. del Puzo, pantás na catúlong n~g m~ga mánunulat sa _Diario de Manila_, ang nacacuha n~g pan~galawang ganting-pálà.

N~g taón ding iyóng 1880, bago pa lamang catatangap ni Rizal n~g sinabi n~g ganting-pálà ay náparoon siya sa palacio n~g Malacanyang, at talagang magsasacdal sana cay Primo de Rivera, Gobernador at Capitán General nitong Filipinas, dahil sa n~g isang gabing n~gitn~git n~g dilím ay siya'y tinampalasan at sinugatan n~g Guardia Civil, sapagca't nagdaan siyá sa tabí n~g isáng _bulto_ ay hindî siyá nacapagpugay, at ang _bulto_ paláng iyón, na hindi niya nakilala, dahil sa cadilimán n~g gabí, ay ang tenienteng namiminúnó sa isang _destacamento_; sinugatan siya n~g waláng anó-anó, na dî man lamang siyá, pinagsabihan n~g anó man. Hindî niyá nácausap ang Capitán general at hindî siyá nagtamó n~g minímithing pagwawaguí n~g catowiran.

Nang ica 6 n~g hapon, icawaló n~g Diciembre n~g taóng 1880, ay pinalabás sa Ateneo Municipal n~g Maynila ang isang melodramang wícang castílà, na ang pamagát ay Junto al Pasig[11], cathâ ni Rizal, na presidente n~g _Academia de la Literatura Castellana_ sa Maynílà n~g panahóng iyón, at música ni Don Blás Echegoyen.

Ang m~ga nagsilabás sa melodramang iyón ay ang m~ga sumusunod:

_Leónido_........Isidro Perez. _Cándido_........Antonio Fuentes. _Pascual_........Aquiles R. de Luzuriaga. _Satán_..........Julio Llorente. _Angel_..........Pedro Carranceja. _Coro n~g m~ga diablo_ Caramihang estudiante at ang isa sa canila'y si Vicente Elio.

Di maulatang m~ga pagpupuri ang inihandog cay Rizal n~g lubháng maraming guinoong nanood n~g melodramang iyón.

Sapagca't sa araw-araw ay nilílibac at nilalait n~g isang fraileng profesor sa Universidad ang m~ga estudiante, hindî nacatiís si Rizal, ipinagsangaláng niyá ang canyáng m~ga casamahán sa isáng mahigpít n~guni't mapitagang pan~gan~gatwiran, at ang naguing casaguta'y ang panunumpâ n~g canyáng catedrático, na cailán ma'y hindi niya palálabasin si Rizal sa alín mang exámen.

Dahil sa nangyaring iyo'y minagalíng ni Rizal ang pasá España at doón magpatuloy n~g pag-aaral, at sapagca't sumang-ayon ang canyáng ama't iná, siya'y lumulan sa vapor na ang tun~go'y sa Barcelona, n~g ica 3 n~g Mayo n~g 1882, na puspós n~g pighatî ang cálolwa. ¡Sa Calambâ [Laguna] ay nilisan niya ang canyang m~ga pinacamumutyang amá, iná at m~ga capatíd; sa Camilíng ay ang maalab na sinisintang si Leonor Rivera, magandang dalagang ang larawa'y háwig na háwig sa matimyás na si Maria Clara sa Noli me Tangere, at saca napalayô siyá sa pinacaiibig na Bayang Filipinas!

* * * * *

Dumatíng si Rizal sa Barcelona, (España) n~g m~ga unang araw n~g Junio n~g 1882, at hindî pa halos nacapagpapahin~gá sa gayóng matagál na pagdaragat, sinulat na niyá ang unang _artículo_[12], na pinaglagdaan niya n~g canyáng m~ga damdamin. Pinan~galanan niya ang _artículong_ yaón n~g El Amor Patrio[13], may taglay na fechang _Junio n~g 1882_, at finirmahán niyá n~g pamagát na Laong-Laan, saca ipinadalá niyá sa Diariong Tagalog[14], at inilathálà sa pámahayagang itó n~g icá 20 n~g Agosto n~g 1882.

Pakinggan natin cung anó ang pasiyá n~g isáng castílà, ni D. Wenceslao E. Retana, na nagpamagát si canyáng m~ga ilinalathálà sa m~ga pámahayagan, n~g _Desengaños_, tungcól sa kasulatang sinasabi co:

"Marahil ay nacainís ca canyá (cay Rizal) ang Barcelona; marahil ay nacapamanglaw at nakapágpalungcot sa canyá ang malakíng pan~gulong bayan n~g Cataluña, n~g canyáng mámasid na doo'y may lubós na calayâan ang cálahatlahátang m~ga mithî, sa pagdidilidiling doo'y waláng m~ga _inquisidor_[15] ang ísip; datapwa't sa Maynila'y mayroon. Bagá man talastás niyáng totoong caraniwang gamit na, gayón ma'y guinawâ rin ni Rizal sa isáng pananalitáng malungcót, at may hawig na isipín, n~guni't halos laguing mabanayad, palibhasa'y _mithi ang macatulong n~g cahi't dukha n~guni't maalab na pag-anib_. "Tulad sa m~ga hebreo n~g una ani Rizal--na inihahandog sa templo ang m~ga unang bun~ga n~g caniláng pag-ibig, camí, dito sa lupa ng iba, iaálay namin ang m~ga unang pananalitâ sa áming báyang nababalot n~g _m~ga alapáap_ at _n~g m~ga ulap n~g umaga_, na hindî nagmamaliw ang cagandaha't hiwagang anyô at kaligaligaya; n~guni't lálò n~g pinacasísinta, samantalang sa canya'y pumapanaw at lumálayô," Sa ganáng cay RizaL--ani Retana--ang España'y lupa ng iba; sa ganáng kanyá'y walâ n~g _bayang sarili_ (pátria) cung dì ang Filipinas. Hindî sumasaísip niyà ang _maliit na bayang sarili_ ("pátria chica") at ang _malaking báyang sarili_ ("pátria grande") na totoong caraniwan na nitong m~ga hulíng nagdaang taón; ang _maliit_ ay ang báyan, ang lalawigan ó cung dilî cayá'y ang isáng panig: at ang _malaki_ ay ang boong nación, sampô n~g m~ga ibáng lupaíng nasásacop, cahi't anóng pagcalayô-láyò ang kinálalagyan. Ang _malakíng bayang sarili_, kung sa isáng filipinong tunay na nakikianib sa España ay walâ n~g iba kung dî ang lupaíng España, na calakíp ang canyáng m~ga nasasacop sa cabilang ibayo n~g dagat, at ang _maliit_ ay ang panig. N~guni't cay Rizal ay waláng _maliit_ ó _malaking bayang sarili_, cung dî Bayang sarili; na sa ganáng canyá'y hindî ang Calambâ, hindî ang m~ga bayang ang salita'y wikang tagalog, hindî man lamang ang pulô n~g Lusóng, cung dî ang capisanan n~g m~ga pulóng nátuclasan ni Magallanes. Hindî lamang ito: sa ganáng cay Rizal, ang España'y hindî _inang bayan_; ito'y marahil ay sa mestizong castílà, sa m~ga may dugóng castílà; datapwa't hindî sa táong may dugóng dalisay n~g tagá casilan~ganan ...

"Hindî malimutan niyá, ang sariling lúpà:--"Naroroon [ang sabi ni Rizal] ang m~ga unang gunitaing nangyari n~g panahong camusmusan, masayáng _hadang_[16] kilalá lamang n~g cabataan sapagca't doo'y natutulog ang boong isang panahong nacaraan na [_ang bayang may casarinlan_] at na-aaninagnagan ang panahóng dárating [_ang catubusan n~g lahi sa pamamag-itan n~g pag-aaral_]; sapagca't sa canyáng m~ga cagubátan at sa canyáng m~ga damuhán, sa bawa't cáhoy, sa bawa't bulaclac, namamasdán ninyóng naúukit ang alaala sa alín man táong inyóng guiniguiliw, na gaya rin n~g canyáng hinin~gá sa han~ging may taglay na ban~gó, na gaya n~g canyáng awit sa lagaslás n~g m~ga batis, na gaya n~g canyáng n~gitî sa bahaghari n~g lan~git ó n~g canyang m~ga buntóng-hinin~gá sa hindî mapagwáring daíng n~g han~gin sa gabí ..."--Ang ganitóng m~ga pananalita'y talagang cay Rizal; ilála sa macahulugán, sa may tinutucoy ang m~ga pananalitáng may hímig n~g hiwágà, ito n~gâ ang anyô n~g canyáng pagsulat, ang canyáng caugalian, at halos waláng makikitang bagay na prosa[17] ó tulâ na canyáng kinathâ na hindî itó ang námamasid; na ang bawa't may ísip, cahi't caraniwan lámang ang tálas ay agád mapagwawárì sa m~ga súlat ni Rizal, ang m~ga caisipán sa pamamayang naghaharì sa budhî n~g lubhang mairuguíng yaón sa kinaguisnang lúpà--"¡Hindî nacácatcat cailán man (aní Rizal) ang pagsintá sa kinamulatang lúpà, pagcâ ang pagsintáng ito'y nacapasoc sa pusò: sapagca't talagang tagláy na niyá ang tatác n~g Lan~git na siyáng ikinapaguiguing waláng catapusán at pagcawaláng pagcasírà."--At isinunod pagdaca ang ganitóng m~ga sabi, na anaki ibig niyang palacsín ang loob at itaimtím sa púsò n~g m~ga táong pinagtatalaghán n~g casulatang iyón ang pag-íbig sa kinamulatang lúpà:--"Cailán ma'y casabiháng ang pagsinta ang siyáng lalong macapangyarihang nag-uudyoc n~g m~ga cagagawang lalong dakilà; cung gayo'y talastasíng sa lahát n~g m~ga pagsinta, ang sa kinaguisnang bayan ang siyang nagbun~ga n~g m~ga gawáng lalong malalakí, lalong m~ga bayani at lalong waláng casíng dalisay. Basahin ninyó ang Historia" ... Pagcatapos na maisaysay sa iláng pangcát na totoong mataós at macatwiran ang pananalitâ, upang patotohanang sa buhay na ito'y pawang madalíng lumípas ang lahát: sinabi naman niyá, ang nangyayari pag laganap n~g sigáw na _¡ang kinamulatang lupa'y sumasapan~ganib!_ ang sarisaring pagpapacahirap at paghahayin n~g buhay na kinacailan~gang gawín.... Datapwa't _¡hindi cailan~gan! ¡Ipinagsangaláng ang nagbigáy búhay; ¡gumanáp n~g isang catungculan! Si Codro ó si Leónidas,_[18], _ang cahi't sino man, ¡ang kinaguisnang baya'y matututong sa canyá'y mag-alaala!_

