Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

Part 3

Chapter 3 3,843 words Public domain Markdown

¡Ay Bakokoy! ganito ang unang taghoy ni Kadiliman, na akmang paiyak, ¡bigyan mo ako n~g kaunting Hiniébra! ¡hindi pa ako nag-aalmusal! si Bakokoy naman tila n~ga ibig mahabag sa kanyang maestro n~g mapagmalas ang anyo, na tulad sa corderong maamo, dahil na si Bakokoy baga man hindi pipe, talagang may ugaling sacristan kahit tanto niyang likô ang gawa n~g kanyang maestro, amén na lamang n~g amén, kaya't ganito ang unang tanong n~g ating Bakokoy: ¿Bakit ano pong nangyari sa iyo? pag hindi ko sila hinamon n~g away talo ako! sapagka't si Bakokoy ay magaling daw na estocador natatalastas ninyo ang pasigaw na sabi ni Agong pinatamaan kayo, ¿hermano mayor po ba sa kandila? ang sabad ni Bakokoy sagot ako sa huli, limang piso pa ang aking contribución; hindi, ang marahang sagot ni Agong kundi noong palabas n~g ikalawa n~g Mayo n~g taong 1908 di umano'y m~ga han~gal daw kayo kaya n~gayon din tawagin sila Tarorang Susô, Ponsa Kaligay, at Giday Lasenga n~g matalos nila ang kanilang gagawin; kumaraykay naman n~g takbo si Bakokoy na iimbol-imbol ang tiyan pinagtatawag ang kanyang m~ga kasama; natawá n~g lihim si Agong Kadiliman at sinabi sa kanyang sarili: Ako ang pinatama-an n~g obra ni Hitô sasabihin ko kina Bakokoy na hindi ako, kundi silang aking m~ga kasama at sina Tarorang Susô; oo, oo, ito n~ga ang mabuti, halos walang kalahating oras narito na ang m~ga tinawag, lugay pa ang buhok ni Tarora at si Ponsa naman hindi na nakuha ang magtapis, at si Giday naman ay may kalasin~gang humarap sa pulong, ganito ang unang lantak ni Kadiliman: M~ga kapatid: Isinasauli ko ang aking tungkol na pagka presidente n~g ating kapisanan, ang pamagat n~g kanilang kapisanan ay «Pinag-uulapan»; isinasauli ko ang aking tungkol na pagka secretario, isinasauli ko ang tungkol kong pagka Tesorero, sa makatuid ang tatlong tungkuling aking taglay isinasauli ko na dahil sa maraming naiingit; noon naman ay nakasubok si Tenteng Kamagong na isa din sa m~ga kasapi n~g samahang, Pinagu-ulapan, sapól ang sikmura at nag-iihit n~g tawa, nalin~gon-lin~gunan siya ni Lasenga, kaya't tinanong n~g: ¿Bakit nag-iihit ka n~g tawa? tumugon si Tenteng Kamagong n~g: niloloko tayo at sinabayan n~g kaskas n~g takbo pagka't alam niyang Lasengo't Lasenga ang kanyang kausap, ipinatuloy ni Kadiliman ang kanyang sermón na waring namamaos ang voces n~g pagsasalita; kagabi anya nanood ako n~g teatro; ay pinalabas doon ang buhay ninyo at hindi ang buhay ko, hindi ko na sasaysayin ang kalahatlahatan, kundi lahat na lamang n~g makailan~gan; kayo di umano'y pipe, bulag, kimaw, pilay at bin~gi, si Hitô anya'y kaibigan ko, kaya't hindi niya ginawa iyón para sa akin kundi udyok lamang nang m~ga naiingit sa akin; (tumalikod ang Kadiliman natin at n~gumitî n~g lihim, sinabi sa kanyang sariling: Hindi ko sasabihin sa inyong ako ang pinatatamaan n~g di ninyo wikaing ako n~ga'y talagang ganoon), hinarap na naman ang m~ga kausap at ipinatuloy ang pagsasalita kaya't ang marapat lahat n~g palabas na gagawin ni Hitô huag ninyong papasukin, sa á diez y seis may palabas na naman, sabihin sa ating m~ga kapanalig na huwag pasukin; ang panabay na sagot n~g m~ga kausap, lalakad na kami n~g maibansag sa lahat na huwag pasukin at boycotage ang gawin sa sa palabas na iyan, naghiwahiwalay na patumba-tumba ang laseng at lan~go.

IV.

_Kung ano ang Teatro at pagkikita ni Tengteng Kamagong at Agong Kadiliman._

--Si Kadiliman ay nakahampilas sa isáng _Bar_ at waring malainibay, siyang pagdaan ni Tenteng Kamagong na nakabastipol tinawag ni Kadiliman at ganito ang bati.

--Halika n~ga Kamagong.

--¿Ano ba Kadiliman tila nagdidilim ang pan~ganorin mo, ha?

--Hindi katalasan lamang ang pakli ni Kadiliman. ¿Bakit ba umalis ka't di mo tinapos ang pagdidimite ko n~g cargo?

--Mangyari, ang sagot ni Kamagong, walang makatatangap n~g _cargo_ mong iyon.

--¿At bakit? ang sagot ni Kadiliman, na waring nagmamalaki.

--Sinong ulol ang tatangap n~g tatlong cargo, sa isang kapisanan?

--Mangyari iyon ang talagang ibig ko, at tan~gi sa roon walang makapan~gan~gahás sa ating m~ga kasapi upang humawak n~g pagka Presidente, pagka Secretario at pagka Tesorero; ¿Hindi ba talagang mayroon? sa hindi inaasicaso. ¿Paanong ibig mong sabihin? Kaya ginaganap ko n~g lahat, ang pagalít na sagot ni Kadiliman.

--¿Bakit hindi kapagkaraka'y ipinagbigay alam mo sa kapisanan na di tumutupad ang Tesorero at Secretario n~g makapaghalal n~g iba't sinarili mo?

--Hindi mo ba tantong bawal sa alin mang kapisanang mapísan ang tatlong cargong iyan sa isang tawo? ¿Kung pumarito sa iyo ang fiscal general at hin~gan n~g cuenta ang secretario ikaw ba ang magpipirisintá n~g kasulatan? ¿Kung hin~gin sa iyo nang fiscal ang linaw kung magkanong naiipong kwalta n~g samahan sa m~ga ambagang ating nagawa? ¿Paanong gagawin mo? ang lanták ni Tenteng.

--Ipakikita kong lahat ang nariyan, ang sagot ni Kadiliman.

--¿Kung sabihin sa iyo n~g fiscal, na ginasta mo ang kalahati?

--Ipagpipilitan kong hindi, ang sagot ni Kadiliman.

--¿Maniniwala na ba sa iyo ang fiscal, na ikaw ay malinis sa hinugasan, kung wala kang ipakitang katunayan? sa ang gawâin n~g tatlo'y ibig mong kamkamin, dan~gan ang ikaw ay sabík sa tungkol, dan~gan an~g kami yata'y ibig mon~g lokohin, dan~gan ang ikaw ay napakamangmang; makita mo't ikaw din ang magsisisi pagdating n~g araw, ang paala-ala ko sa iyong ito'y hwag mong masamain pagka't mangyayaring ikaw ay mapaghimasukan n~g fiscal dahil sa ang gawa mong iyan at ang kwaltang naiipon sa iyo ay hindi mo kualta kundi pilak n~g marami, na dapat matanto n~g kapulun~gang namamahala, hindi n~g isang tawong namamahala sa isang kapisanan; ganiyang lahat ang kapisanan, tungkol n~g Presidente ang man~gulo sa lahat n~g bagay na kailan~gan, tungkol n~g Secretario ang mag-in~gat n~g m~ga kasulatan n~g kapisanan, tungkol n~g Tesorero ang mag-in~gat n~g kayamanan n~g Kapisanan, kaya't ang tatlong tungkuling ito dapat sa tatlong tawo, n~g upang lumiwanag ang pagsasamahán, ang Secretario na may tan~gan n~g man~ga kasulatan siyang dapat na maka-alam nang kwaltang na sa tagoan, dahil na siya ang may hawak n~g kasulatan, ang Secretario ang dapat maghawak n~g kasulatan ó makaalam sa m~ga nangyayari sa kapisanan, dahil na siya ang gumagawa n~g _acta_ at ang Tesorero ay dapat magkaroon n~g kapanagutan sa kapisanan n~g itinatago niyang kwalta, kung magkano man, ayon sa kasulatang taglay n~g Secretario na kanyang pipilmahan; ang Presidente ó pinakapan~gulo n~g Kapisanan, ang kailan~gang magsuri kung tama ó hindi ang inaanyo n~g dalawa niyang katulong, kung sakaling hindi tama ang sino man dito, siyang bahalang magpaliwanag sa m~ga kasapi, kung tamâ naman, ay pipilmá din siya sa kasulatan sa ilalim n~g wikang _Visto Bueno_, sa makatwid ang kahulugan: nasiyasat kong mabuti, dumating man ang fiscal mag reclamo man ang kahit sino, maliwanag ka sa iyong tungkol, dahil na tatlo kayong nananagot sa lahat n~g mangyayari; hindi ganitò ang gawa mo, kundi tila ka, si Tiberio Cezar ang maibig ay dapat papangyarihin hindi ka naman emperador. ¿Bakit ibig mong mag Empera-emperadoran? at sa tagalog naman ibig mong mag Apô-Apô.

--Hinawakan ni Kadiliman ang paraskó n~g hiniebra at lalantakan si Tenteng at sinabayan n~g wikang: naiingit ka yata.

--Hindi ako naiingít ang pailag na sagót ni Tenteng, kundi: ikaw na ang Presidente, ikaw pa ang Secretario at ikaw pa man din ang Tesorero, at kung dumating pa ang fiscal ibig mo pa manding pang Apôan, baligtad ang bituka mo.

--Marahil isa ka sa nagsulsol sa kay Autor Hito; m~ga ingitero, ang paismid na sabi ni Kadiliman.

--¿Bakit? ang patawáng tanong ni Tenteng.

--Buhay ko ang pinalabás sa Teatro noong ika 2 n~g Mayo, ang sagot ni Kadiliman.

--¿Bakit, binangit ka ba?

--Hindi n~ga ang tugon ni Kadiliman, n~guni't katulad na katulad n~g aking ugali ang asal ni Tio Agong sa obrang Apô-Apô na itinanghal.

--Hwag kang pahalata, ang pakli ni Tenteng; kaya't dingin mo't ipaliliwanag ko sa iyo kung ano ang Teatro. Ang Teatro ay bahay aralan n~g pag-uugali, at salaming mapananalaminan n~g nanonood, batyagin mong magaling itong aking sasalitín: Kung ikaw ba'y may kalasin~gan na waring namumun~gay ang mata mo, ikaw ay mauban, mapula ang m~ga puti n~g matá mo at saka ka manalamin. ¿Hindi kayâ pan~git ang makikita mo sa salamin?

--Mangyari, ang pabigláng sagot ni Kadiliman.

--Bien katoto: Ang pabiglá din namang sagót ni Tenteng, n~guni't ... ¿Sino sa inyong dalawa nang salamin ang may kasalanan, ikaw ba ó ang salaming napalaminan n~g iyong pan~git na pag-uugali?

--Walâ kaming kasalanan kapwa, ang tugon ni Kadiliman.

--Humalakhak n~g tawa si Tenteng; sa bibig kita nahuli ang pasigaw na sabi in Tenteng, Kamagong; e ... ¿Bakit mo kinagalitan si Hito?

Mangyari sinulsulan lamang siya n~g m~ga naiingit sa akin, ang marahang tugon ni Kadiliman, tulad din naman sa pagsulsol ko na hwag pasukin ang palabás ni Hito.

--Malî ang iyong akalà na iyan ay sinulsulan lamang, at idinugtong pang sabi ni Tenteng, marahil ganyan ang gawa mo kung kaya ka nagdamdam; n~g masabi ito ni Tenteng nilabnót ni Kadiliman ang kanyang ulo't umuwing dalidali, lumakad na naman n~g patuloy si Tenteng na humahalakhak n~g tawa.

V.

_¿Anong laya n~g isang tawo?_

Sa pág-uwi ni Kadiliman, natagpô nito si Goring na pinakamaganda sa bayang yaon, at ganito ang unang bati ni Goring: Tio Agong.

--Hindi ako ang si tio Agong, kundi ako ang si Agong Kadiliman ang naging tugon.

--¿Bakit ka bulong n~g bulong? ang pamanghang tanong.

--¡Ay Goring! ... ang pahinagpis na lantak ni Kadiliman; alang-alang sa ganda mong taglay, sa buti mong pag-uugali, sa karunun~gan mong magwikang inglés, sa kanipisan n~g iyong labi at pagkamairugin mo sa kababayan, ako'y iyong tulun~gan.

--¿Sa ano? ang tanong ni Goring.

--Nang pagpatay kay Hitô.

--Kung huli mo na madali kong patain.

--Hindi ko n~ga madakip, napakadulas.

--¿Ano bang samâ ang ginawâ sa iyo?

--Sumulat n~g zarzuelang tulad na tulad sa aking pag-uugalî.

--Sa makatwid tawong, ang pan~galan ay Hito. ¿Bakit naman natin papatain, at papaanong gagawin nating pagpatây? kababayan pa naman yata natin.

--Ow ... Goring, bayaan mo na n~ga ang kababayan kung siya namang magiging dahil n~g hindi ko pagkaluklok sa pagka _consejal,_ kung maaprobahan na ang _Bill_ Adriático; at ang pagpatay na ating gagawin ay ganito: ipananabi mo sa lahat na ang obrang yaon ay masama huwag mong sabihing sa akin patama, sumulat ka sa periódicong «Manila Times» at «The American» pagka't magaling ka rin lamang sa wikang inglés, pag ito'y hindi mo ginawa, tatampuhan kita, talos mo na.... at pag aco'y naging _consejal,_ ako ang bahala sa iyo upang ikaw ay......

Nang marinig ni Goring ang ganitong saysay ni Kadiliman; umalimpuyó sa kanyang dibdib ang n~gitn~git, galit, yamot na halos kuyumusin ni Goring ang dila't labi ni Kadiliman at nag wika n~g gayari: tantoin mo Agong Kadiliman n~gayon ay hindi tagdilim, kundi tagliwanag; kaya't kahit maging kahulihulihan, cargador, bankero, sakatero at magbubukid ay nakatatanto na n~g kahulugan n~g tinatawag na _libertades individuales_ ó layâ n~g bawa't tawo; hindi n~gan~gayon lamang isinisigaw n~g bayang _filipino_ na nais namin ang magsarili, ó _Ang Independencia_ kaya't tandaan mo itong ipagtuturing: magkaroon man tayo n~g _Independencia_ ó pagsasarili, at buháy ang _casiquismo_ ó pag Aapô-apôan, wala din tayong kahihinatnan.

--¿Bakit? ang papaós na tanong ni Kadiliman.

--Mangyari, kailan ma't may Apô-Apôan na sa pagluha ang matwid, sa dahilang ang Apô-Apôan, ay walang tinutumpang landasin n~g matwid, kaya't ito, ang kalaban n~g katwiran, ikaw ay maglin~gon lin~gon sa lahat n~g sulok nitong Filipinas: maging sa Kapisanan n~g m~ga obrero, maging sa Kapisanan n~g politico, maging sa Kapisanan n~g religioso, maging sa Kapisanan n~g man~gán~galakal at iba't iba pa, kailan ma't may Apo-Apoan, pakaasahan mong ang kapisanang iyan ay hindi susupang; gayon din ang nangyayari sa isang bayan, ganyan din ang nangyayari sá isang nasyong mayroon niyan; kailan ma't may Apô-Apô ang lahat n~g matwid ay palikô. Iyan at iyan din ang naging dahil n~g pagkayukayok sa sala n~g sangkataohan na hindi kumilala sa utos n~g Diyos, iyan din naman ang naging sala ni Caín sa kanyang m~ga magulang at sa Diyos, sa kaibigan ni Caíng siya'y mátampok sa kapurihan, siya ang pumatay kay Abel na tunay niyang kapatid; itó ang iyong katulad na hindi mo ibig na ikaw ay tanawin sa mababang ayos; kaya't iwalay mo na sa isip mo ang pag-uugaling iyan at iyan ang mainam na gamot sa iyong bugók na utak, sa dahilang n~gayon ay nanaog na ang mesias na tumubos sa sala n~g sangkataohan taglay ang ilaw n~g kaliwagan, upang ang nadidilimang pag-iisip na gaya ni Caíng pumatay sa tunay na kapatid at kawan~gis n~g man~ga kapatid ni José _Vendidong_ nagtakal sa tunay na kapatid ay pagliwanagan; at sa Filipinas nama'y nanaog na ang mesías na Rizal na tumubos sa sala n~g kadiliman, taglay ang m~ga aral niya upang magliwanag ang kapilipinuhan, na napakukuyumos sa mapag Apô-Apô; kaya't ang mapagpalang Gobierno Americano ay naglagdâ n~g kautusan; _Bill_ na ang bawa't tawo'y makagágawa n~g kanyang maiibigan kailan ma't hindi sisinsay sa talatang utos, ang sino man suminsay ay may katapat na parusa; kaya't huag mong pagnasaang patayin sa gutom si Autor Hitô, sa dahilang iyan ang ipinagpapatid uhaw n~g iyong kababayan sa kanyang m~ga anak; layuan mo na ang asal Caín na ... sa nasâ mong ikaw ay magíng _Consejal_ ay ipápahamak ang isang mag-anak; n~g masabi ni Goring ang m~ga huling salitáng ito ay nahilo si Kadiliman, siya namang pagdatal nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na siyang kumalga kay Kadiliman at naghatid sa kanyang bahay.

VI.

_N~g si Kadiliman ay nahihiga dahil sa sakit na taglay._

Payat na payat si Kadiliman dahil sa siya'y nagkaroon n~g sakit magmula n~g mapagkaalaman ang kabulukan n~g kanyang pusô, hindi napagkakatulog ang kahabag-habag dahil sa ubo, kaya't ang palaging ta~gurî niya ay ganito: ¡Ay! sasasalin n~g ubo; ubo, ubo, ub ... ¡ay! pag hindi ako ang naging _Consejal_ mabuti pang ako'y namamatay na, sasasalin na naman n~g ubo; ubo, ubo ... ub ... mananaghoy na naman n~g ... bulok na ang aking puso sa kinakakain n~g hindi ko dugo, ¡m~ga ingitero! ang pan~gapós na buntong hinin~ga kung hindi ninyo sinulsulan pehong pehong ako ang _Consejal_; n~gayon hindi ko maalaman ang mangyayari; hindi pa halos natatapos ang m~ga salitang ito ay siyang pagdating nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na nagpapanan~gisan, niyakap ni Bakokoy si Kadiliman at ganitó ang wika: kahabag-habag ka Kadiliman, hindi ikaw ang lumabás na _Consejal_ naháhalata na pala n~g tanan, na inuulol mo kami; hagulgulang umaatikabo n~g iyák ang tatlo nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô, n~g marinig ni Kadiliman ang pananambitan n~g kanyang m~ga inuulol, nagnin~gas ang matá na waring nanunulig, sinasal n~g sunodsunod na ubo; ubo ... ubo ... ubo ... ub ... biglang napahiga at nawalan n~g diwa na waring naghimatay; sigaw doon sigaw dito ang m~ga kampon niya, asawa't m~ga anak, walang isinisigaw kundi: ilaw, ilaw, ilaw upang magliwanag.

VII.

_N~g Pagsaulan na n~g hinin~ga si Kadiliman._

Si Kadiliman; ay nakahimpil sa isang sulok n~g kanyang bahay at na tatanikalaan, dahil sa nananakit, pagka't na wala sa lugal ang _tornillo_ n~g isip, sa makatwid ay na ulól, sa m~ga oras na ito'y pinaglalaroan n~g m~ga demonio, ang sabi ni Lucifer na hari sa infierno'y ganito: ¡Kadiliman! magbawa ka na n~g iyong ugali; sa tuina't ibubulong ito ni Lucifer sa kay Kadiliman; kinakagát ni Kadiliman ang tanikalang nakatali sa paa't kamay, bubulun~gang naman n~g isang kalulua't ganito ang sasabihin: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! huag mong sisirain ang ibinayad ko n~g ako'y bago ilibing; sa dahilang ang Kadiliman nating ito, ay may ugaling sumin~gil sa kanyang m~ga kasapi bago ipalibing kung sakaling mamatay. Samantalang si Kadiliman ay pinaghihilahanan at binubulun~gan n~g m~ga demonio't kalulwa; ay nanduduling ang dalawang mata't ibig man~gagat, pasag doon paság dito na parang León ni Charini at saka sisigaw nang: n~gayo't ako'y nang-uulol sa aking kababayan naiingit kayo sa akin, bubulun~gan naman n~g kalulwa n~g isang frayle at ganito ang ibinubulong kay Kadiliman; _¡mal agradecido!_ ¿Hindi ba ikaw ang nagpasasa sa aking káyamanan? ¿Bakit ako pa ang iyong mamasamain? _¡Mal agradecido!_ sapagka't si Kadiliman ay manugang nitong Frayleng nagdurusa sa infierno ang kalulwa, dahil sa m~ga kayamanang yaon na pinakikinaban~gan ni Kadiliman, n~guni't si Kadiliman ay madalás magalit sa frayle noong hindi pa nau-ulol, at talaga n~ga namang masama ang m~ga ginawa n~g frayleng itó noong siya'y nabubuhay, ito'y hindi kaila sa madla. ¿Bakit ga ibig mong tularan Kadiliman? Itó naman ang tanong n~g ating Lucifer--Ang frayle pala'y masama kaya't huag mong tularan ang gawa niyang pamimilipit n~g bulsa n~g iyong kababayan, at ang guinawa nila sa atin noong una, gaya n~g guinawa mo kahapon sa kaibigan mong ikaw ay igalang n~g boong mundo, nanakál ka n~g mahihina, sinangkalan mo ang iyong bayan; kung ibig mong maligo, «ikaw ang mag handa n~g iyong gugô,» samantalang ibinubulong n~g Demonyo kay Kadiliman ang m~ga salitang ito, nana-nalas ang matá ni Kadiliman na animo'y pusang bagong pan~ganak, kaya't sumigaw n~g ubos lakas na: Lumayô na lamang kayó sa harap ko babagohin ko na ang pan~git kong pag-uugali, nag-inugong na biglang biglá, siyang naging dahil n~g panu-numbalik n~g isip ni Kadiliman na parang naalinpun~gatan.

VIII.

_N~g hin~gan n~g liwanag si Kadiliman ni Giday Lasenga._

Masayang-masaya si Giday Lasengang lumalapit sa kinahihigan ni Kadiliman, taglay sa kanang kamay ang parascó n~g Hiniebra at sa kaliwa'y isang látigong panghampás sa kabayo't ganito ang sabi ni Giday: Lintik! Lintik! Lintik! sigaw na halos magiba ang bahay ni Kadiliman at sinabayan ito n~g hampas n~g latigo, parol anyá ang taglay ko n~g tayo'y magliwanag. ¿Bakit ka nang-uulol Kadiliman?

--Marahang sumagot si Kadiliman n~g ¡¡¡ay!!!

Nan~gan~gapos ang hinin~ga mo, ¿ha? at biglang pinilantik n~g látigo ni Giday.

--¡Ay Giday! ang pabuntong hinin~ga ni Kadiliman, n~gayon lamang nagsipanaw dito ang m~ga demonyo at m~ga kaluluwa n~g m~ga ibinabaon na nag bayad sa akin bago ilibing, at ang kalulua nang bienan kong frayle na inubos ko na ang kanyang kayamanan, tanto mo na ang aking ugali daig ko pa ang kurang tunay, dahil sa akin nagbabayad ang bawa't ilibing. Ahá nahuli din kita, ikaw palá ay nagkukurakurahan pa, ang pasigaw na lantak ni Giday Lasenga; at sinabayan n~g píral sa tain~ga, samantalang dinadaklot ni Giday ang pin~gol n~g tain~ga ni Kadiliman sinabayan n~g salitang: isaulî mo ang iniambag ko pagka't kundi ipagsusuplong ko sa may kapangyarihan ang asal mong iyan; dahil na si Agong Kadiliman, ay isang taong sadyang may ugalî noon pang hindi nagkakaramdam na manghin~gî n~g contribución, sa kanyang m~ga kasamahan at sinasangkalang laguî sa nais niyang ito, ang n~galang n~g Kapisanan; kaya't dinagdagan ni Giday n~g sabing kahabág-habág sa iyo ang taong magtiwalâ, kawâ-awâ ang Kapilipinuhan kung patatan~gay na lagî sa gaya n~g iyong masamang nasa, at kahapis-hapis ang isang bayang sipután n~g gaya mong taksil, kaya't isaulî mo n~gayon din ang m~ga nai-ambag ko; n~g kasalukuyang sinasalita ni Giday ang kakilakilabot na ugali ni Kadiliman ay sinasal n~g ubo't nan~gin~ginig ang boong katawan na animo'y isang nádakip sa pang-uumit n~g masarap na pagkain, at siyang dahil n~g ikinabulagta n~g ating Kadiliman.

IX.

_Nang napanaginip ni Kadilimang siya'y kausap_ n~g isang makata._

Si Kadiliman ay nakahigâ sa isang katren pinamutihan n~g maraming hiyás, may mesang mabilog sa tabi nito, ilawan n~g mayaman sa pagtulog at lubhang matahimik ang anyo n~g gabi na halos inaagaw n~g umaga ang pagbubukang liwayway, n~g si Kadiliman ay nanaginip n~g gayari:

Lumayo ka, ang sigaw ni Kadiliman na halos binabatak ang paghin~ga.--Hindi kitá malalayuan, ang sagot n~g makatâ, ayon sa kanyang nanaginip, sa dahilang ito ang aking panata, at sinalaksak si kadiliman n~g pluma ó panitik sa mukhang matagihawat; dinugtun~gan n~g wikang:--Huag mong wikain Kadiliman na ang aking panitik ay padadalá sa sulsol, gaya n~g iyong akala; ah; alibughang asal, sinaksak na naman n~g panitik sa mapulang puti n~g matá si Kadiliman, siyang pagkagising ni Lolay at ginising ang Kadiliman nating binaban~gun~got sa kasamaan niyang taglay.--Asawa ko, ang palambing na pag-gising ni Lolay.--¡Kaunting tubig, ang binuka sa bibig ni Kadiliman, karaybay na n~g pagtakbo si Lolay upang kumuha n~g tubig at pinainom si Kadiliman--¡Ah Asawa ko! iganti ninyo ako kung sakaling ako'y mamatay--¡Nakú! ang pagigil na wika ni Lolay na lumagaslás sa matá ang luha, ¿Bakit?--¡Ay asawa ko! ang banayad na tugon ni Kadiliman; ako'y nanaginip, ako'y binan~gun~got, ang aking napanagimpan sinalaksak daw ang aking mukha n~g isang makatâ--Mulî na namang bumalong sa m~ga mata ni Lolay ang luha't nan~gusap n~g ... ilayô mo na sa loob mo ang pakikipagtung-galî sa m~ga ganyan; n~g marinig ni Kadiliman ang salitang ito n~g kanyang asawa napaban~gon kahit gumugulapay at nan~gusap n~g pasigaw--Hindi mangyayari, sapagka't ¿paano ang aking nasa sa pagcoconsejal? ¿Hindi mo ba tanto't kung kayâ ko pinagpipilitang maalis si Dr. noon 905 sa tungkol na pagka _consejal_, n~g ako ang mahalili? ¿Hindi mo ba alam na kung kaya ako nagnasyonalista n~g ako'y magkaroon n~g katun~gkulan? ¿Hindi mo ba natatalós na kung kayâ ako naghimasok sa kapisanan n~g m~ga panday; n~g ako ang maihalal na Consejal kung maaprobahan ang _Bill Adriático_ at....? ¿Hindi mo ba natatatap na kahit ako'y magkahirap-hirap n~g mapataas lamang sa mataas na tungkol kung mangyayari? ibig kong maging Presidente sa América kung maaarî lang at n~gayo'y ibig mong ihiwalay ko, ang bagay na iyan sa aking panaginip, kaya't bukas ay mamilí ka sa palenke n~g marami at maghahanda ako, siya magpahin~galay ka, ang sagot ni Lolay.

X.

_Ang Pagkikita ní Tenteng Kamagong at Bakokoy._

Komparé! ang patawang bati ni Tenteng Kamagong kay Bakokoy.--Mahal na Kamagong binabati kita n~g boong galang, tumun~go si Bakokoy na umiimbol ang tiyan, ¿Saan ang tun~go n~g kompare ko?--Sa bahay n~g ating Apô-Apông si Kadiliman ang tugón ni Tenteng--Ako man kompare ang lantak ni Bakokoy--Bubulun~gan kita kompare; ang batikos ni Tenteng.