Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

Part 2

Chapter 2 3,751 words Public domain Markdown

Soledad.--Tanto mo n~g dati kung ikaw'y málayo n~g dalawang oras, nasikdo ang puso kung na sa tabi ka'y biglang bumubugso ang tanang ligaya.

Vico.--Aking natatanto Kaya n~ga't sa tui nang ikaw'y malálapit sa aking panin~gin ang asa ko'y lan~git kung na sa tabi ka'y masaya ang dibdib kahit nalulunos pilit nabibihis.

Soledad.--Alin pa ang lan~git na di na sa akin kung sa bawat oras ikaw ay kapiling kapiling ka lamang kahi ma't malibing bangkay mang mistula'y bilang sa buhay rin.

Vico.--Anong sarap mong magmahal.

Soledad.--Ako'y iyong ipagsama _lambing_.

Vico.--Huag na asawa ko paalam _aalis malungkot si Soledad_.

Soledad.--Hindi ko napiguil ang asawang irog _Lalabas si María_.

ESCENA XI.

Maria.--¡Solédad! ¿Bakit nalulungkot?

Soledad.--Si Ludovico'y umalis.

Maria.--Bayaan mo't babalik.

Soledad.--¡Oh María! Ako'y mayroong nais n~gayong ipagtatapat.

Maria.--Turan mo Soledad n~g aking matatap.

Soledad.--Ang lilong si Agong magdaraya't sukab ay sa gabing ito'y ga ibig man~gahas. Ibig pan~gahasan ang pagka babai ilublub sa lusak sa asawang puri mahigpit na bantâ mamayang alas once gagahisin ako.

Maria.--¿Ano ang sinabi? ¿Bakit di sinabi sa iyong asawa ang masamang nasa n~g kanyang kasama.

Soledad.--¡Hindi ko maatim! maniwala Maria ang bigyang damdamin asawa kong sinta.

Maria.--Diwa'y ibig mo, eh?

Soledad.--¡Oh Maria! ako'y iyong turuan n~g makaligtas sa kamay n~g halimaw.

Maria.--Kung gayon tayo na sa loob at lihim nating pag-usapan _aalis ang dalawa lalabas si Agong, Bakokoy at Pedro waring nagbubulun~gan_.

ESCENA XII.

Agong.--Talastas na ninyo ang inyong gagawin ang magdadala n~g tampipe, ikaw; ang maleta, ikaw; ihahatid ninyo sa tren huag kayong aalis sa estacion hangang hindi umaalis ang tren niyang sinasakian, at walang sala mamiyang gabing mag aalas once, kayo din ang aking katulong.

Pedro.--N~gunit.....

Agong.--Walang n~gunit, ang malalaking bagay na aking na isip ay nasusunod, ¿ito ba lamang ang hindi? kapag kayo'y hindi sumunod sa nais ko, susumpain kayo n~g Bayan? ¿Hindi ba ninyo alam pág hindi ninyo tinupad ang bilin ko ipa _boboycotage_ ko kayo at ako ang inyong punô? kung ang sambayanang tawo sumusunod sa bawat maibig ko ay kayo pa bang susuay, hindi mangyayari at saka natin tignan.

Bakokoy.--Naku parang kung ito'y magalit sa akin ay natatakot ako.

Agong.--Gayon din sabihin sa ating kapanalig, na sa lahat n~g botohang ating gagawin ako ang inyong iboto, gayon din na inyong papilmahan sa lahat ang papel na ito sa pan~galan ko.

Pedro.--¿Ano ba iyan?

Agong.--Huag n~g ipabasa, ang nakatalata diyan ating paa-alisin sa tungkol si Doctor dahil sa siya'y _bubulong_.

Pedro.--¿Baka ikaw ay namamali?

Agong.--¡Tío Pedro! ¡Tio Pedro! huag ninyo akong pagsusuman~gin ako ang ilagay ninyo sa tungkol niyang taglay, sapagka't akó ang inyong puno. _Lalabas si Vico_.

Vico.--M~ga kasama ako'y nahuli sa primer viahe kaya't sa segundo na ako sasakay.

Agong.--Sa bagay pala'y ikaw ay naparoon na.

Vico.--Oo katoto.

Agong.--_Yayakapin_ ¡Oh! napakasíkap na aking kasama; kasama, kong magandang puso, _sa bawat koma ay wun~gol si Pedro at si Bakokoy_ kasama kong mapagtapat.

Pedro.--N~g ipagbili ni Judas si Jesus ay niyakap muna.

Agong.--Kasama kong pinaglagakan n~g aking pagkakatiwala, at kasamá kong ...

Pedro.--Kasamá.

Vico.--¿Baka tanghaliin ako kasamá.

Agong.--Bueno Bakokoy ang tampipe, Pedro, ang maleta samahan ninyo ang aking kasamá.

Vico.--Bueno kasama adios _aalis ang tatlo urong n~g urong si Agong hangang sa matihaya sa Palihan at puro adios ang sinasabi_.

Agong.--Adios, adios, adios, adios. _Pagkatihaya mutación calle Lalabas si Ludovico, Pedro at Bakokoy_.

Bakokoy.--Ludovico kung sa hanga po n~g akin ay hindi co po ibig ang ikaw ay umalis sa gabing ito: dahil nabalitaan ko po sa isang kaibigan na lolooban ang inyong oficina kapag kayo'y umalis.

Vico.--Nariyan naman ang aking kasama upang magtangol.

Pedro.--Inaakala mo bang inaaring tawo n~g lahat ang iyong kasama? kilala na n~g lahat ang pagka apô-apô niyan, ang sabihin mo'y dahil pa sa tawong iyan kaya lolooban ang oficina; kaya't akong may sabing huag kang magtuloy; manubok ka n~gayong alas once n~g gabí at walang salang di may saka mangyayari; sa kali't wala kang makita magpatuloy ka bukas n~g pag-alis.

Vico.--Bahala na at aking iisipin paalam m~ga kapatid _aalis_.

Bakokoy.--Hindi rin tayo pinakingan.

Pedro.--Paanong ating gagawin kung gagahisin na si Soledad?

Bakokoy.--Babalugbugan ko. ¿Ikaw paano pong nasa sa loob mo?

Pedro.--Nasa sa loob ko kapag pinagpahamakan niya ang puri n~g ating kasamahan ay hambalusin ko _lalabas si Agong kasama ang m~ga panday._

Agong.--Tio Pedro ¿Ano napilmahan na ba ang pinapipilmahan ko sa inyo?

Pedro.--Mayroon n~g man~gisan~gisang nakapilma.

Agong.--Tinamaan n~g bagkat na, ¿Hindi ba sinasabi ko sa inyong sa ayaw at sa ibig ay pilitin mo?

Bakokoy.--Napakahigpit n~g orden.

Agong.--Malapit n~g halinhan ang Presidente pag hindi akong nalagay patay kayong lahat, pag hindi ako naguing consejal, patay kayong lahat, pag hindi akong naguing punô ninyo, patay kayong lahat, pag hindi akong nahalili kay Doctor ... sa masarap niyang tungkol, kayong bahala; at ma-aari bang hindi akong malalagay pag kayong lahat ang naglagay sa akin? kaya Bakokoy pilma na _Pipilma si Bakokoy_ ikaw; ikaw _papipilmahin ang lahat ikaw, ikaw n~g ikaw ang sasabihin_.

Bakokoy.--Naku linsiok Apô-Apoan n~ga pala, makago san Quinton. _Lalabas si Totong_.

Pedro.--Naito si Totong at dumaratin ito ang ayaw pumilma.

Agong.--Pumilma ka dito't akong ilagay mo

Totong.--Ang laya n~g tawo dapat mong igalang pumili n~g ibig kanyang maibigan ang isang pilma ko'y mahalagang tunay at sa mapag apo'y hindi gumagalang.

Agong.--¿Diyata't ikaw ang tatangui sa ako ang ibig n~g bayan?

Totong.--¿Ito'y hindi ko masabi?

Agong.--Sukat mong tantoin ako'y siyang puno laging ginagalang siyang apo-apo kahima't gawin ko'y ang paliko-liko susuko kang pilit n~gayon ay yuyuko.

Totong.--Ang katuwiran ko'y hindi matatan~gay tan~gain n~g agos n~g apo-apoan yaong _casiquismo'y_ dapat mong ilagan pagka't itong siyag sa iyo'y papatay.

Sa awa at tulong mabuting Gobierno binibiguiang laya ang lahat n~g tawo tumupad sa matuid.....

Agong.--Sukat ka na lilo. at masusunod din bawat maibig ko.

Totong.--Masusunod mo n~ga bawat mahagap n~guni't huag gawin sa nan~gadidila kung ang palagay mo ang bayan ay bulag itan~gi ang ila't di mo malalahat.

Agong.--Ako'y siyang hari.

Totong.--Noong m~ga pipe.

Agong.--Siyang masusunod.

Totong.--N~g bulag at bin~gi, itan~gi ang iba't di mo mabibili marunong magtangol sa sariling puri.

Agong.--M~ga kapatid sumpain natin ito _walang kikibo kahi't isa paliliitin ang voces ni Bakokoy_.

Bakokoy.--Ikaw ang dapat sumpain.

Agong.--M~ga kapatid mamatay ang ayaw pumilma sa aking nais _Hindi kikibo ang lahat si Bakokoy lalong paliliitin ang voces_.

Bakokoy.--Ikaw ang dapat mamatay.

Agong.--¿Hindi ba ninyo ako nakikilala? _Hindi kikibo ang lahat nakatitig lamang si Bakokoy paliliit ang voces_.

Bakokoy.--Kilalá na kita ikaw ang apô-apô kapatid n~g lapo-lapo.

Agong.--Tayo na _Hindi kikibo ang lahat_ tayo na kayo.

Bakokoy.--Sumulong ka n~g mag-isa.

Agong.--Diyan na kayo kung ayaw kayo.

Bakokoy.--Adios tio Agong. _Aalis si Agong padabog_.

Pedro.--Umalis na parang hilong banak si Tio Agong; ako sa inyo'y may sasabihin, tayong lahat ay m~ga mangagawa ni tio Agong, kung ang isa ba sa atin ay apihin niyan, ¿anong mabuti nating gawin?

Lahat.--Pag-isahan nating iwan.

Totong.--Pagka't panahon n~g ating ipamalas ang kahalagahan mangagawang lahat n~g huag apihin tanang mahihirap na anak n~g pawis, sadlakan n~g saklap.

Ang magtatrabaho'y palagui n~g yukô samantalang siyang laguing bumuboô sunodsunuran na sa pamimintuhô siya pang lakpakan n~g pakasiphayô.

Kaya't panahon n~g kanyang makilala yaong kalayaan n~g isa at isa bawa't ipag-utos tayo'y tumalima. sakali't lalabis, suman~gín pagdaka.

Pedro.--Kung gayon humanda kayong lahat, mamayang á las once n~g gabi ay walang salang di pan~gan~gahasan ni Tio Agong, ang asawa n~g ating minamahal na si Ludovico nauukol ang ating ipagsangalang ¿conforme kayong lahat?

Lahat.--Oo.

Pedro.--Kung gayon tayo na kayo _mag-aalisan ang lahat lalabas si Ludovico_.

Vico.--Puso ko'y kumakaba, dibdib ko'y tumatahip, kaya't paparoon ako n~g matanto ang kahulugan. _Aalis mutación Sala rica nacahiga sa cama si Soledad madilim ang escena mayroong Quingque may ilaw, lalabas si Pedro at Bacocoy may m~ga garrote_.

Pedro.--Bakokoy dito ka _iuupo sa tabi n~g escena_, ka pag ang babaye ay pumayag sa bakan mo n~g alis, sakaling hindi pumayag at pipilitin, lambanuguin mo na, at babalugbugang ko naman.

_uupo sa isang tabi dadating si Agong magdaraan sa bintana nacasun~gaw lamang bababang marahan lalapitan ni Bakokoy tampalin sa balicat magugulat si Agong magcucumpasan iuupo ni Agong sa isang tabi at lalapit cay Soledad marahang marahan lalapitan naman ni Bakokoy at babatukan si Agong magugulat matatacot pagcakitang si Bakokoy ang bumatoc sa canya magagalit_.

Agong.--Mabuti igapos ko ito, _lalapitan si Bakokoy at tatalian pag catali icucubli sa loob n~g bastidor biglang baban~gon si Soledad tahimik mahihiga ulî_.

Agong.--N~gayon hindi kana makalapit sa akin _Lalapitan si Soledad dahan dahan lalapitan ni Pedro at babatukan magugulat si Agong ititiric ang mata ni Pedro babatukan sa cabilang tabi pabulong_. ¿Sinong bumatok sa akin?

Pedro.--_Pasigao_. Akoy hindi makababatok sa iyo pagka't ako ay komang.

Agong.--Huag kang sumigaw dito ka _itatabi sa tabi ng bastidor pagcaladcad tatan~gnan sa tain~ga lalapit na dahan dahan cay Pedro_ Pakiram-daman mo kung sino ang darating.

Pedro.--_Pasigao_. Ooooo _mahaba magigising si Soledad waring magugulantang uupo sa silla malungkot._

Soledad.--Oh panaguinip kong nag bigay bagabag sa pananahimik n~g pusong may sindak, kahit mananawari huag n~g matupad ang tanang sinabi ni Agong na Judas. _Tutugtog n~g las doce_.

Soledad.--¡Oh! Labin dalawang umpog n~g tanso sa bákal Labis na n~g isa sa kapan~gakuan n~g Agong na taksil....

Agong.--Soledad kong hirang _yayacapin_.

Soledad.--Oh, ganid, halimao, lilo at lanuang.

Agong.--Huag kang maguitla sa pananahimik pagka't ito'y nukál sa ating pag-ibig pag-ibig na hindi

Soledad.--Ah, lahing alamid.

Agong.--Hindi magagatol ang aking nais.

Soledad.--Sumasamo akong iyo n~g talikdan ang lahat n~g nasa.

Agong.--Di mahahadlan~gan

Soledad.--Dapat mong isipin iyong kagagawan at mayrong infierno.

Agong.--Mangyaring pakingan.

MÚSICA N.o 4

Agong.--Pag-ibig ko'y di maampat sa iyo irog kong Soledad sukdang ang buhay ko'y mautás. Pagsinta ko'y di kukupas.

Soledad.--Dapat mong igalang. Pag-ibig ko'y paano naman

Agong.--Pagsintá mo'y di ko alam pag-ibig kong mabubuhay pag-ibig mo'y di ko alam pagsintá ko'y mabubuhay saksi kong pagkalalaki.

Soledad.--Ito'y walang kailan~gan kung sa pag-ibig mamatay pagka't aking sinumpaan irog ko siya habang buhay. Ito'y walang kailan~gan ito'y walang kailan~gan kung sa pag-ibig mamatay kung sa pag-ibig mamatay

Agong.--Pagsinta ko kung maapi pagsintá ko kung maapi Saksi ko ang pagkalalaki At di ko n~gani masasabi, ang buhay mong mapuputi.

Soledad.--Ito'y walang kailan~gan (2 huli) kung sa pag-ibig mamatay (2 huli)

Agong.--Pagsinta ko kung maapi saksi ko ang pagkalalaki (2 huli) di ko n~gani masasabi ang buhay mong mapuputi.

Soledad.--Huag kang lubhang pan~gahás sapagka't araw ay kung sumikat pag may kulog at kidlat nagkukulimlim agad.

SALITAAN

Agong.--Pakatantoin mong sa tangapi't hindi sa oras na ito'y hindi makikimi itong aking puso.

Soledad.--Ikaw'y namamali at di matutupad ang lahat mong mithi.

_Susun~gaw sa bintana si Vico_.

Agong.--Ang sabing mataas huag ipan~gahás ang lahat kong nais pilit matutupad.

Soledad.--Matutupad mo n~ga't ani mo'y malakás ang m~ga bisig mo; ¡lalaking ...!

Vico.--¡Pan~gahás!

Agong.--Sa n~gayon n~gayon din iyong tatangapin ang lahat kong impok nanasang pag-guiliw, at hindi ang hindi _anyong yayacapin_.

Soledad.--¿Iyong pipilitin?

Agong.--Oo, oo, oo.

Soledad.--¡Ah lahi kang taksil!

Ang lahat n~g ito ay iyong asahan masusunod mo n~ga kung ako ay patay _Dudukutin ang punyal_ n~guni't kung hindi ang kasasapitan dito ay babaha _anyong sasaksakin, biglang lalabas si Ludovico pipigilin ang kamay ni Soledad_.

Vico.--Isalong ang punyal. ¡Itago ang punyal baca madun~gisan!

Sayang ang punyal mo na magkakadun~gis pumatay sa isang gaya nitong ganid mabuti pa ang hayop hindi nangagahis gaya nitong tigre, hantik sa limatik.

Sayang nitong aking m~ga pagtatapat n~g pakikisama sa gaya mong oslak sayang ang n~galan mong sa baya'y natanyag ang kapurihan ko'y di mo na nilin~gap.

Ano pa't ang ukol marapat na gawin sa isang gaya mo, ang huag batiin pagka't kawan~gis ka n~g hayop na kambing kahit anong damo ay ibig lamunin.

¡Huag matigagali ikaw ay man~gusap matapang sa musmos, duag sa malakas ibig mong mag-apô sa pipe at bulag duag, dun~go, kimi, sa nakákasukat.

Agong.--Huag palabisin ang pananalita at n~g di sa dugo dito ay bumaha.

Vico.--¿Ano ang tinuran?

Agong.--Ikaw ay gumawa _dudukot n~g punyal_.

Vico.--Ikaw pa ang matapang ...

Agong.--Wala kang hiya. _Lalabas na biglang bigla si Bacocoy at si Pedro_.

Ang dalawa.--Ikaw ang lalong walang hiya _sasakalin si Agong n~g dalawa maglalabasan ang m~ga obrero may m~ga dalang garrote_.

Agong.--Bakokoy ¿bakit ka nakapan~gusap?

Bakokoy.--Bakokoy, isip mo yata ako'y pipe, kaya pala ibig na ibig mong makisama sa akin dahil sa ako'y pipe, kawikaan mo'y kahit anong gawin mo'y masusunod mo ang ... pag-aapô-apoan, mula n~gayon iwala mo na sa isip mo ang pang-uulol at nahahalata ka na.

Agong.--Pedro, tio Pedro huag mo akong sakalin.

Pedro.--Tatawagin mo pa akong tio Pedro ganyan pala ang ugali mo, wala kang ibig úlulin kundi ang pinakikinaban~gan. Hoy tignan mo, dahil sa iyong kasamaan kita ay kina-aawaan, pagka't anong magagawa ko talaga n~g palang masama ka.

Juan.--Maraming kuntil butil ¿lalantakan ko na po? _aambaan n~g hampas n~g garrote_.

Vico.--Huag, huag at marurumihan ang inyong dan~gal na sumakit sa gaya niyan, ang marapat na gawin dayukdukin sa hapis at saka bayaan.

Pedro.--Kung gayon alsa tayong lahat. _Babalaan at waring mag-aalisan_.

Agong.--¿Saan kayo magsisiparoon?

Bakokoy.--Huag mo na kaming habulin n~g hindi ka mapahamak.

_Lalabas si María may dalang ilaw_.

Maria.--¿Sinong pan~gahas iyan?

Agong.--Ako Maria.

Maria.--Ah, ikaw pala, n~gayon ka lamang namin nakilala kaya pala ibig na ibig mong ikaw ay susundin, ¿ha? taksil, baliw, talipandás, balawis, ganid, halimaw, lilo; sukab, ulupong at ... ¿Ano pa ba ang masamang na sa diccionario, para maitumbas ko sa sama n~g tawong iyan? ¡Wala na! Husto na, kaya ... Bakokoy, Pedro, Juan. Handa kayo. _waring aambaan n~g tatlo si Agong_. Susunod ka sa bawa't ipag-utos namin. Sapagka't kami ang madalas sangkalanin n~g iyong pagka lanuang dahil sa mabuti kang manghin~gi n~g contribución, ganitong gawin mo, _isasahod ang caliwang camay_, sapagka't ikaw ang malimit umapi sa kababayan mo, ganitong gawin mo, _isusuntoc ang canan_ ipagpalagay mong ako ang bayan _Luluhod si María sa harap ni Agong_.

Lodovico.--Kilanlin ang apô ayaw makisama kung hindi sa pawang mauulol niya mag mula sa n~gayon idilat ang mata pagka't daig nito ang m~ga bívora.

Ating pamangkaan matingkalang bilin n~g bantog na Rizal tumubos sa atin kailan man anya at walang alipin walang manglulupig walang mananaksil.

WAKÁS.

* * * * *

_P.S. Lopez._

KUNG SINONG ="APÔ-APÔ"= KASAYSAYAN

MAYNILA

Limbagan nina Fajardo at Kasama

_Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz_

=1908.=

=Sa aking Bayan=

Sa dawag n~g pait, noong kadiliman pinilit pinigâ sa papel makintal tanáng pag-ibig kong, di bun~gán~gâ lamang pag-giliw sa dibdib, doon bumubukal.

Bagá man at kapós sa dunong ay sahól kapahatáng ito'y hindi iu-urong kahi ma't sa dugo'y piliting luman~goy pagsisikapan ding ipatanto n~gayon.

Panahon naman din n~g pagsisiwálat n~g matandang sakit na sa pusong sugat. ¡Gaya n~g pagtakip! mapanglaw na ulap sa m~ga bituin, anak n~g liwanag.

¡Ilaw ang hin~gî ko! upang matanglawan ang napatatan~gay, sa apô-apôan at kung hindi ito ang gawing tuntunan ilagay sa limot yaong Kasarinlan.

Ang alin mang bayan, ang alin mang hulô, ang alin mang pook, pag may Apô-apô ay hindi uunlad, may magandang pusô, ang santong matuid palagi n~g likô.

Pagkathâ ko nito bumabasang giliw, hindi ko na náis ang ako'y purihin kapamanhikan ko't mataos na lambing kung babasahin mo, ikaw'y magsalamin.

Dahil sa alám kong panitik ay básal kung isulat ko pa'y sumasalagalsál kaya't balang letra'y mayrong kalabûan: bahálang puntero n~g babasang pahám.

¡Bayan ko'y malasin! ang pagsusumakit n~g bawâ at pahat sa iyo'y ninibig sukdang salsal, pulpól ang aking panitik di nag-alinlan~gang sa pula'y mabulid.

=Pantaleon S. Lopez.=

_Calle Narciso No. 59 (Pandacan.)_

I.

_Kung sinong Apô-Apô._

Nang unang sábado n~g Mayo taón 1908 mayroong nangyaring nakalalagim sa pusong dalisay, sa isá sa m~ga bayang sakop n~g Kamaynilaan. May pinalabás na dulâ na di iba't ito'y ang: «Apô-Apô» pamagat n~g zarzuelang iyon. Alay n~g may kathâ sa sariling bayan, obrang walang tinutukoy kundi lumiwanag ang punô n~g dilím na pinaguulapan, dito'y may Apô-Apôang nanood sa nasabing palabás; ito'y isáng tawong pinakahari n~g kadiliman kaya't ang kanyang pan~galan ay: Agong kadiliman; isáng tawong kalaban n~g liwanag, isang tawong kalaban n~g kanyang pinakikinaban~gan, isang malimit gumahasâ n~g katwiran, hindi matangkad, hindi pandak ay kulang sa sukat: hindi katandâan n~guni't maputî an~g anit n~g ulo. Sa ganito'y bahalang magkurô ang irog na bumabasa, kung gaano ang buti't sama ni Kadiliman. Ating pagmasdan ang nangyari sa loob n~g dulaan samantalang itinatanghal ang «Apô-Apô:» N~g sumapit ang _escena_ na pinipilit papilmáhan ang isang kasulatan upang ito'y ihalal sa pagpupunô dahil sa itong laging panaginip ni Agong na siya ang punô sa lahat, na ayaw pilmahan ni Totong n~galan n~g ayaw pumilma sa obra, walang isinásagot kundi ganitó:

«Ang laya n~g tawo'y dapat mong igalang pumili n~g ibig kanyang maibigan yaong _casiquismo'y_ dapat mong ilagan sa pagka at siyang sa iyo'y papatay.»

Nang ito'y madinig ni Kadiliman na binangit ni Totong ang kanyang sugat, waring nag dilim ang m~ga panin~gin, na alinsan~ganan at sinabayan nang tindig na waring sumusuling na banak, siya'y napuná n~g isang _filosopito_ na sa kanya'y nakapansin, kaya't tinanong n~g ganito:--¿Bakit namumula ka?--Naiinitan ako ang sagot.--¿Sa daming tawong nandito n~gayon, ikaw lamang ang naiinitan?--Masamang obra iyan, ang pagigíl na sabad ni Agong Kadiliman, anyong pa-alis na hinihimas ang anít niyang tuktok.--Hintay ka muna ang paampat na sabi n~g kausap.--Hwag mo akong pigilin at ako ang pinatatamaan n~g obrang iyan, ang paan~gíl na sagot ni Kadiliman.--Halika ang pabanayad na salita n~g _filosopito_; ipalilinaw ko sa iyo ang _Teatro_, Dulaan diumano, anáng m~ga manánagalog; ang Teatro. Ayon sa sabi nang bantog na poetang si _Ciceron_ «salamin anyang mapaná-nalaminan n~g pag-uugali» kung ikaw ay talagang pan~git at kung talaga kang ganoon. ¿Bakit ang salamin ang kagagalitan mo? gayon din naman. Kung itong talaga mong gawa: ¿Bakit ang obrang iyo ang kagagalitan, at hindi ang sarili mo? Kaya't kung ipinalagay mong ikaw ang namimilit paboto, at ibig gumahis sa layâ n~g tawo, bagohin mo na't kahabag-habag ka lamang. Sa madinig ni Kadiliman ang salitang ito ni _filosopito_ umin~gos at sinabayan n~g alis, kahit hindi pa natatapos ang palabás, natawa n~g lihim si _filosopito_, sinabi sa sariling marahil ikaw ang _Casique_ sa bayang itó.

II.

_Ang pag-owi sa bahay ni Kadiliman._

Dumadagundong n~g pag akyat sa bahay niyang sarili si Kadiliman, at siyang dahil n~g ikinagulat n~g kanyang asawa na waring na aalinpun~gatan, si Kadiliman ay ku-kumpas-kumpas, lakad n~g lakad sa loob n~g bahay, at manakâ nakang nagbubuntong hinin~ga kasabay ang salitang ¡gaganti ako! at sasabayan n~g upo sa mésa at pipigilan ang pluma, isasaw-saw sa tintero, si Lolay namang kanyang asawa ay nakasubok at namamanghâ n~g labis sa kay Kadiliman, at sa kanyang sarili ay binuka sa bibig ang salitang: ¡na u-ulol yata itong aking asawa! tutop na ni Agong Kadiliman ang kanyang makitid na noó; biglang lumabas sa silid si Lolay niyang asawa at tinanong n~g ganito:

--¿Ano ang nangyayari sa iyo? n~gasab n~g n~gasab si Kadiliman at hindi pansin ang asawang nagugulumihanan sa kanyang ayos, at biglang naghimutok si Kadiliman natín, sinabayan pa n~g sabing _¡Pater Filus Patris!_ ang kahulugan ama, anak ko't m~ga kapatid ang hinin~ga ko'y nagkakasabid-sabid, muli na namang tumanong si Lolay:

--¿Anong nangyayari sa iyo?

--¡Ay! ... ang mabanayad na tugon ni Kadiliman maputlang maputla.

--¿Bakit?

--Natatanto mo ang sagot ni Kadiliman si Autor. Hito'y gumawa n~g retrato ko sa teatro, kaya't kung aking pakiramdaman ang m~ga mata n~g nag sisipanood sa akin ang tin~gin, kaya't hindi ang hindi ko sasagutin, dahil sa talos mong malapit n~g mag eleccion ó mag halálan para concejál, ibig kong magprisinta n~g candidatura. Kung paniwalaan n~g taong kalahatan ang pagpapaliwanag na iyan ni Hitô pehong-pehong hindi ako ang lalabas kaya't kahit pabalubaluktot mag iisip ako n~g paraan upang pagulapan ang m~ga matá n~g m~ga maghahalal.

--Katwá kang tawo ang pakli ni Lolay, dapat mong isipin tayo'y may labis na kaya sa kabuhayan na minana, ko sa aking amang si Pirong Botete ¿Bakit mo pá hahan~garin ang panunungkulan?

--Ulol na tawo ito, ang pa-an~gil na sagot ni Kadiliman, hindi iyan lamang ang mangyayari kundi mawawalan sa akin n~g pagkakatiwalâ ang lahat.

--¿Bakit, ang sagot ni Lolay na nan~gan~galigid sa dalawang mata ang luha?

--Magtahan ka, ang sagot ni Kadiliman, at hindi mo dapat maalaman ang kalihimang ito, sulong, matulog kana, muli na namang nagbububulong; hindi maubos madili ni Lolay ang ligálig na ito n~g asawa niyang irog kaya't napilitang nan~gusap n~g: Hito pala lamang ang may sulat niyan, di bayaan moná baká ka pa matibô, at sinabayan n~g hatak sa kamay na may pluma tayo na asawa ko; batak-batak hangang sa kanyang hihigan at saka lamang na tahimik si Lolay, bakit mag-uumaga na; anopa't nang nakahiga na si Kadiliman, ay satuina't magigiling ang matá sa paghiga, bigláng nagugulantang na tila na wawari ni Kadiliman na siya'y binabatak nang m~ga kaluluwa sa Purgatorio na nagsipagbayad sa kanya bago málibing, at ang isa sa m~ga kaluluwang ito'y nan~gusap n~g malumanay na waring nangagaling ang voces sa ilalim n~g lupa ganitô ang sabi n~g kalulwa: Kadiliman, Kadiliman, magsisi ka n~g iyong sala ¿saan mo dinádalá ang kwalta n~g m~ga patay bago ibaon? Hwag kang mang-ulol sa kababayan mo, liwanagin mo sa iyong m~ga kasáma ang bagay na nasaiyo, n~g matapós masabi n~g kalulwa ang bagay na ito, napabalikwas si Agong Kadiliman ang isa pa'y umaga na; nagbihis na madaling madali at tinun~go ang bahay nila Bakokoy,

III.

_¡Ang pakikipagkita ni Kadiliman sa canyang m~ga casama!_