Part 2
Parang naligalig fraileng calahatan sa nangyaring itong man~ga caisipan nitong Burgos natin caya silang tanan sinilaban n~gani niyaong cagalitan.
Dito na isinumpá nag-isip nang cagyat na paghigantihán, caya silang lahat cusang nagpupulong halos oras-oras cung anong magaling nang ito'y maampat.
Lalong-lalo na n~ga fraileng recoleto at ang dominico siyang gulóng-guló dito sa nangyaring hindi mamagcano caya silang tunay ang mausig dito.
Caya niyaong minsang sila ay magjunta Prior sa convento nang Recoletos baga sa bayan nang Tan~guay na ang n~galang dala Fray Mariano Gómez dito naquisama.
At gayon din naman ang castilang uldóg Fray Antonio Rufian órden S. Juan de Dios ay nacasama rin at silang tibobos nan~gacong gagauang higanti cay Burgos.
Sa pan~gacong ito dito nan~gagalac ang lahat n~g fraileng may galit na in~gat sa cay Dr. José at maipahahamac nang dalauang ito na magcapua oslac.
Hindi na naglicat nang magcahiualay itong man~ga fraile na aquing sinaysay mabuting paraan mapapatay lamang ang naguing catotong quinagagalitan.
Caya ang na-isip nitong si Fray Gómez si Miguel Zaldua[23] at ang casing ibig cusang hinicayat na sulsulang pilit tanang sa Arcenal jornalerong tiquís.
Upang silang tanang tumutol na cagyat sa upahang dati cung hindi itaas at siyang bahala cusang magliligtas cung ito'y umabot sa di hinahagap.
Sa paquiquinyig n~ga ni Miguel Zaldua sa aral nang fraile'y cusang inaquit na tanang jornalero sa Arcenal baga na sila'y tumutol sa ugaling upa.
Cung sacasacaling ayao na itaas sila'y man~gag-alsa huag na magulat sapagca't tutulong ang caual na lahat sa Maynila't Tan~guay at pauang casabuat.
Napahinuhod n~ga, ang lahat nang jornal sa mabuting aquit ni Zalduang nasinsáy caya ang guinaua nitong Fray Rufian umisip naman siya nang ibang paraan.
Caya ang sumagui sa caniyang acala sina Montesino't Morquechong daquila pinaquiusapan na tulun~gang sadiya ang lahat nang jornal sa pag-aalsa n~ga.
Ang dalauang ito ay castilang taal na capua tenienteng napipiit lamang sa Castillong sacdal sa bayan nang Tan~guay n~gala'y San Felipe lipós cahirapan.
Sa sabing matamis sa dalauang ito ay hindi tumangui sumagot nang oo upang sila lamang macalabas dito sa pagcacapiit doon sa Castillo.
Ang lihim na ito ay hindi nagdaan arao nang sábado dumating na tunay nang pagbabayaran sa lahat nang jornal na nagsisigaua doon sa Arcenal.
Icadalauang puo buan nang Enero siyang cabilan~gan nang arao na ito caya nagsitutol, sinunod ang trato nang sila'y bayaran sa di nila gusto.
Nang ito'y matanto nang coronel Buttler bunying Gobernador nang caual na tambing sa lalauigang Tan~guay ay hindi pinansin reclamo nang jornal na ualang cahambing.
Ang caniyang guinaua umaga nang lingo humin~gi nang "fuerza" sa General dito hayág na Izquierdo pagca't natanto nito ang lahat nang jornal ibig na mangulo.
Naisipang isa pahaliling tunay nang oras ding ito sa isang capantay nang coronel Roxas nang di niya camtan yaong caguluhan naramdamang tunay.
Saca pinaglirip sa sariling isip magcaroon man siya nang caual na cabig, cung uala naman siyang escuadra sa tubig ay uala rin anyang tunay masasapit.
Pagca't ang nangyari guinaua ni Mac-Rohon contra-almirante sa escuadra noon tanang cañonero nang panahong yaon ay pauang dinala sa Isla del Sur[24].
Sucat na natira dito ay iisa caya't si Buttler nagpumilit baga ang lupa nang Tan~guay iuan muna niya nang huag nang datnin caguluhang sadya.
Capagdaca naman caniyang cahilin~gan ay agad inamin biglang pinayagan nang caniyang general Izquierdong maran~gal nang umagang yaon na hindi lumiban.
N~guni't bago siya sa Tan~guay umalis sina Montesino't Morquechong nasambit ay caniyang hini~ging dito na mapiit sa Maynilang Ciudad na sacdal nang diquit.
Cahilin~gang ito ay di na nahintay sapagca't guló na ang lahat nang jornal sa hindi pagpayag sa ibinibigay dating caupahán, caya binayaan.
Ugali't salita madaling malutas nang ito'y matanto ni Rufiang dulin~gás lalong sinulsulan jornal na alin~gas sila'y maghimagsic sa castilang lahat.
Sinabi pa nito huag mag-alaala sila'y tutulun~gan tanang caual baga dito sa Maynila Infantería't Guía sampuong artillero na ualang pagsala.
At hindi dadaan dugtong na sinambit ang mamayang gabi mag-aalsang pilit ang taga Maynila cung inyong marin~gig ang putucan doon sumabay na tiquís.
Aco ma'y castila muli pang uinica nitong si Fray Rufian uldóg na cuhilá, n~guni't sa aua co sa inyo n~gang paua dugó co'y naculo sa tanang castila.
Caya sa hatol co cayo ay sumunod nang cayo'y lumaya na man~ga tagalog huag naman cayong magcaroong lubós niyaong «desconfianza» sa ipinatalós.
Sapagca n~ga't aco'y catotong mahigpit ni Burgos n~ga ninyo at caisang isip sa nilalayon niya na lubhang mapilit ang pananarili ay macamtang tiquís.
Caya cun sacali cayo'y man~gagdiuang ay inyong ihiyao si Burgos mabuhay at ang Filipinas guilio ninyong bayan España'y mamatay, mamatay na tunay.
Sa «enga~nong» ito sa hina nang isip niyaong man~ga jornal sila ay naquinyig sa hicayat nitong lalaquing mabait uala nang inimbot cundi gauang lihis.
Sa madaling tacbo nang panaho't oras yaong cagabihan sumapit na cagyat ano't nagcataon parang pinagtiyap pista sa San Anton[25] guinauang magalac.
Nagcaroon nang putoc castillo at bomba cuites saca luces na ualang capara sa boong magdamag at iba pang sayá na nacauiuili sa guinauang pista.
Caya n~ga't maraming tauong nagsidaló taga ibang pooc na di mamagcano sa canilang toua sa pistang ganito na sa cailan man di naquiquita ito.
Baquit nasabay pa ang pistá n~g Calmén na pinagsasayá na ualang cahambing, fraileng recoleto pauang nahihimpil sa San Sebastian n~ga pooc na maalio.
Sa sabing matulin itong casayahan dito sa Maynila nang cusang malaman jornales sa Tan~guay paua nang gumalao hindi naapula nang sino't alin man.
Sapagca't acala nitong nan~ga-aquit nang fraileng si Rufian putóc na narin~gig dito sa Maynila ay paghihimagsic man~ga taga rito cay Burgos na cabig.
Ang man~ga marino sampuong infanteria man~ga artillerong nasa sa muralla na pauang tagalog dito sumunod na na naquigalao din sa jornal sumama.
Dito si Lamadrid sargentong ilongo hindi nagpabaya't agad sumaclolo pinatáy ang púno pauang castellano ang gradong teniente nilagay na rito.
Sina Montesino at Morquecho naman lumagay sa lugar sumanib sa caual caya't pinaghati ang fuerzas na tanan saca namiyapis nang ualang cabagay.
Caya ang putucan nang cañón at baríl sa boong magdamag hindi nagtitiguil natalacsáng bangcay di maipagturing nang man~ga castila't tagalog na tambing.
Gobernador Roxas mabuti na lamang agad nacatacas at hindi napatáy caya't nacuha pa sa acay na caual ni coronel Sawa cusang naquipisan.
Sila'y nagsihanay hangang umumaga sa calle principal niyaong Porto Vaga na naquiquisagót sa putucan baga nang naghihimagsic na aquing binadya.
At caracaraca siya'y nagpa-atas cay Izquierdong hayág n~g isang calatas ang bagay na ito'y ipinatalastas upang sila doon abuluyang cagyat.
Nang ito'y matanto nitong si Izquierdo sumubó ang galit na di mamagcano caya capagdaca ang tanang sundalo dito sa Maynila ay pinasaclolo.
Ang segundo cabong general Espinar ay siyang umacay sa dinalang caual pauang voluntario cubano n~gang tunay ang iba'y castila't tagalog din naman.
Silang calahatan nagsilulang cagyat sa man~ga vapores na hindi nagluat at doon huminto na cusang sumadsad sa Puerto nang Tan~guay na ualang bagabag.
Nang sa Kabite n~ga sila'y magsidating general Espinar nag-utos na tambing na aniya't panhiqui't agad salacayin ang muog na yaong ualang macahambing.
At ang baua't doo'y inyong maabutan babaye ma't báta ay pataying tanán huag paligtasin ang sino't alin man tungcól filipino naguing cautusán.
Ang utos na ito ay biglang sinunod nang lahat nang caual na pauang cubanos caya naman dito ang man~ga tagalog cusang nagpaquita nang tapang na impoc.
Ang pagpapatayan sabihin pa baga dugó'y umaagos batis ang capara bangcay natalacsán sa guitna nang plaza niyaong Porto Vaga gayong pagbabaca.
N~guni't sa dayucdóc at quinamtang puyat nang man~ga tagalog sa boong magdamag quinulang nang palad caya't napahamac sila ay nagapi nang man~ga calamas.
Baquit quinulang pa nang polvora't bala lalong cailan~gan sa paquiquibaca caya di mangyaring tumagal pa sila sa paghihimagsic nilang lahat baga.
Utos ni Espinar dito na sinunód militar ma't hindi ay cusang tinapos sargento Lamadrid at si Montesinos siyang unang unang namatáy na lubós.
Yaong si Morquecho ang quinana naman nang caniyang maquita na uala nang daan nirevolver niya caniyang palipisan sa nasang matapos ang in~gat na búhay.
Dapoua't di nangyaring namatáy na tiquís cung di nang icatlong arao nang sumapit siyang pagcatapos nang búhay na quipquip nitong si Morquecho na aquing sinambit.
Lahat nang naculong na di nacalabás sa muog nang Tan~guay ay pauang nautás parang hinocoman ang nacacatulad canilang sinapit gayong paglalamas.
Ang iba'y sa tacot sa dagat nagtalón nasang mailigtas ang búhay sa lan~góy n~guni't nahuli rin nang cañonero roon cusang nagtatanod na ualang caucol.
Ang ibang nagtago at hindi gumalao sa sariling bahay tinacas na tanan at pinagbabaril yaong iba naman dito sa Maynila ay dinalang tunay.
Hindi n~ga nalao't binitay na cagyat nang icadalauang puo't isa ang saad nang buang Enero't ualang nacaligtas ni isa man lamang sa canilang lahat.
Tanang man~ga presong cusang nagdudusa doon sa Arcenal di nacalabas baga sa paghihimagsic ay biglang dinala cusang dinestierro doon sa Paragua.
Ang fraileng si Rufian na umaquit dito sa nan~gapahamac doon sa Castillo nang magcagulo na'y nagtagong totoo ang toua'y malaqui na di mamagcano.
Pagca't inacala'y cusang masusunod ang bumucong nais nang capua balaquiot fraileng solopicá caisa nang suot na maipabitay ang ating si Burgos.
Caya nang maquita at siya'y matuclás nang capua castila inalpasang agad pagca't quinatuiran siya rao'y nalalabas sa alsahang yaon nang nan~gapahamac.
Dito sa Maynila ay hindi nagtagal sa Reinong España'y omoui pagcuan sapagca't inisip maca pa macunan niyaong _declaración_ gayong caguluhan.
Sa nangyaring ito ang lahat nang fraile pauang nan~gagalac hindi mapacali at cusang nilacad lihim sa sarili si P. Burgos n~ga'y cusang ipaputi.
Ugali't salita caguluhang ito ipagpatuloy co sa man~ga marino na nasa Arcenal nang matanto ito dito nagsilaban nang di mamagcano.
Halos patay na n~ga nagsisilaban pa sa man~ga castilang canilang cabaca at isinusumpa fraileng lahat baga hangang ipiniquit yaong man~ga matá.
Ang ibang nahuli doon sa Arcenal babaye at bata matanda't hindi man sa cañonero n~ga'y pauang isinacay saca ipiniit na pinarusahan.
Hindi naluata't sa corte nang Madrid ibinigay alam ang paghihimagsic nang taga Kabite ni Izquierdong tiquís general na hayag na sacdal nang lupít.
Sa bunying Ministro n~g Guerra't Marina doon n~ga dumatal bigay alam niya caya capagdaca ay sinagót siya maghalál nang Fiscal taga usig baga.
Dito na inusig at cusang hinusay nang naturang Fiscal ang tanang nadamay sa nan~gaghimagsic sa lauigang Tan~guay at pinarusahan ang may casalanan.
Binigyang _indulto_ iba naman dito ualang man~ga malay sa nangyaring guló n~guni't yaong ibang may salang totoo lalong nahigpitan sa pagcaca-preso.
Dito na hinuli si Miguel Zaldua naguing artillero nang panahóng una, na nan~gan~galacal nang talacsang baga doon sa Kañacaw, sa Udiong ang cuha.
Caya nang piniit siya'y cabubuhat sa pan~gan~galacal na dati niyang hanap nasa _lorcha_ pa n~ga nang dacping cagyat pati nang asauang pinacaliliyag.
Sila'y itinuloy nang caracaraca doon sa Bilibid na piitang sadiya na di man quinunan declaración baga at caagad-agad sila'y pinagdusa.
Yaong diligencia'y cusang itinuloy nang nasabing Fiscal nahalál n~ga noon, upang mapag-usig nan~gulo sa gayong man~ga caguluhan na ualang caucol.
Nang maliuanagan dito lumabas na sa declaraciones na guinaua nila ang cusang nan~gulo sa caguluhan baga na nangyari noon na ualang capara.
Ang unang lumabas di umano'y _Imperio_ ang nasang itayó tanang filipino, at ang Emperador na lumabas dito si D. Joaquin Pardo de Taverang totoo.
Ang man~ga ministros si Burgos at Basa Antonio Regidor, Paraiso't iba dito ay nadamay ualang malay baga caya nang dinaquip pauang napataca.
Nang ito'y matanto man~ga fraileng lahat pauang nan~gaguló ang isip na in~gat caya ang guinaua'y canilang nilacad upang nang mabago ang sa unang hagap.
Dito na n~ga sila gumaua nang pulong anila'y mabuti magcontribución nang ang ating nasang nilalayon-layon ay cusang matupad sa habang panahón.
Sa pasiyang ito'y pauang nagsi-amin ni isa'y uala mang tumutol na tambing caya't nan~gag-gugol nang lubhang malihim sambuntong salapi cay Izquierdong saquím.
Ipinagpilitan ang nan~gulo dito ang bunying si Burgos sa nangyaring guló caya ang marapat baguhing totoo ang sa diligenciang guinaua nang daco.
Caya sa pagdin~gig at cusang pagtitig niyong si Izquierdo sa salaping tiquís yaong diligencia ay binagong pilit sinunod ang nasa nang fraileng balauis.
Dito na lumabas nang ito'y mabago caya nan~gag-alsá man~ga filipino sa lalauigang Tan~guay ang nasang totoo maguing República ang lupaing itó.
At cusang nahalál Presidenteng lubós ang ating marunong na si Dr. Burgos at ang man~ga hayag na m~ga Ministros ay ang natatalá dito ay casunod.
Si Pardo Tavera siyang sa Estado sa Hacienda naman ay si Paraiso si A. Regidor siyang sa Gobierno si María Basa nama'y siyang sa Fomento.
At si Maurante siyang sa Marina at si Mauricio siyang sa de Guerra marami pang iba dito ay nasama cusang idinamay binigyan nang sala.
Caya n~ga pagdaca ang lahat nang ito sa lacás nang cuarta ay pauang napreso ang abang catuiran nalugmoc na rito sa abáng candun~gan nang dusang totoo.
Bucód pa sa rito ay pauang nadamay sina Padre Lara, Sevilla at Dandan, Rosario, Guevarra, Hilario del Pilar, Tuason, Desiderio tagalog na tanán.
Saca sina Sánchez, León at Carrillo, Enriquez at Serra, Máximo Paterno ay pauang natapon cusang dinestierro sa iba't iba n~gang bahagui nang Mundo.
Natan~gi n~ga lamang sina Padre Burgos, Gómez at Zamora at si Zalduang puspos ang hindi natapon at cusang násunod sa nan~ga destierrong balót nang himutóc.
Palibhasa disin sa salaping lacás sa diligencia n~ga pilit na lumabas ang apat na ito sa castillong cagyat sila ay mapasoc na cusang maghirap.
Madali't salita ay hindi nagdaan yaong isang buan apat na tinuran sa sadyang _Consejo de Guerra_ ang n~galan sila'y ipinasoc nang pinunong tanán.
Lahat nang matouid ni na Padre Burgos, Gómez at Zamora ay pauang naayop nang lacás at bisa nang salaping handóg niyong man~ga fraileng asal ay balaquiot.
Ang Consejong ito nang cusang minulán icadalauang puo't anim yaong bilang nang buang Febrero hapon yaong lagay nang panahóng lubós na lubhang mapanglao.
Baquit ang nahalal Presidenteng tiquís sa gayong Consejo ang sacdal nang lupít Coronel nang hocbó, ang n~galan at sambit Francisco Moscoso na ualang cauan~gis.
Fiscal instructor si Manuel Boscasa Comandante naman catungculan niya na isa sa man~ga caututan bagá nang dila nang fraileng man~ga palamara.
A las cuatro n~gani nang ito'y minulán, si Padre Burgos n~ga ang una sa tanán sacá isinunod si Zamorang hirang at sacá si Gómez na casamang tunay.
Anopa't ang lahat na man~ga defensor ay ualang nagaua sa Consejong yaon palibhasa disin caalam nang pusóng na fraileng sucaban caya-napagayón.
Pagca't ang lumabás ó hatol na tunay ang _Pena de Muerte_ ang siyang cacamtán nang apat na ito sa pagcacadamay na parang namuno sa gulóng nagdaan.
Ang hatol na ito matanto ni Burgos ay cusang tumugón sa Consejong bantóg siya'y di papayag sa defensang lubós nang caniyang defensor sa fraileng caumpóc.
Pagca't aniya siya'y hindi umaamin na siyang namuno sa bintang na tambing caya't ang tutol niya sa tanáng casalio siya'y ualang malay niyaong pagtatacsil.
Ang bagay na itó di rin pinaquingán nang tanáng doroon cay Burgos na saysay palibhasa n~gani sila'y binayaran niyong man~ga fraileng higuít sa halimao.
Uala ring nangyari cundi ang maghari sa canilang dibdib ang masamáng budhi na maipapatáy si Burgos na bunyi at pati nang tatló na casamang tan~gi.
Caya n~ga't ang hatol n~g Consejong hirang apat na may sala alisán nang búhay dalhin sa Capilla doon ay ilagay hangáng may panahón macapan~gumpisál.
Sumunód na arao nang pagca-umaga ang plaza de armas pinatanuran na isang regimiento hocbóng infantería sacá ang escuadrón niyaong caballería.
Caramihang tauo ang siyang casunód na pauang nagtaglay n~g muc-hang malungcot sa pagcacaabá nang palad na capós niyaong tatlóng paring bibitaying lubós.
Si padre Burgos n~ga siyang unang una at si padre Gómez at padre Zamora pauang ualang malay sa atáng na sala saca ang dinayang Francisco Zaldua.
Ang apat na ito't pauang filipinos sa bayang tinubua'y maalam umirog lalong lalo na n~ga ang daquilang Burgos na anác na tunay tubo sa Ilocos.
Si padre Zamora tagalog na tunay at tubong Maynila sa dacong Pandacan na naguing Rector n~ga't Cura sa Catedral niyaong nacaraang panahón at arao.
Si P. Gómez naman ay tauong Sta. Crúz sacop nang Maynila sa diquít ay puspós sa lahing mabuti nagbuhat na lubós ang amá at iná mabuti ang loob.
Sa gremiong Mestizo nang m~ga Sangleyes siyang nasasacop cusang natititic pagca't siya'y ancán nang man~ga japonés sa unang daco pa dito'y nagsi-alís.
Nang ito'y mag-aral camusmusang edad dahil sa naquita sa gayong capahát man~ga catalasan nang isip na in~gat at bait na tan~gi na ualang catulad.
Caya sa talino at dunong na taglay siya ay nagpari at nagcurang tunay saca nag Vicario Foráneo naman sa bayang Bacoor na sacop n~g Tan~guay.
Cahulihulihan nacamtáng tibobos pagca Examinador Sinodal na lubós sa Arzobispado na ualang caayos m~ga carunun~gan na caniyang inimpóc.
At siya rin naman naguing sugong tunay nang m~ga castila sa cay Luis Parang cusang naghimagsic niyaong dacong arao caya siyang mula nang capayapaan.
Tumulong din naman sa m~ga pag-usig nang m~ga tagalog sa córte nang Madrid ang lahat nang fraile dito'y mapa-alis siyang naguing dahil caniyang pagcapiit.
Ang naguing sundalong si Miguel Zaldua taga Camarines Vicol na talagá cusang naguing quintos na nahulog bagá sa batallóng hayág niyaong Artilleria.
Ito'y nadestino sa lauigang Tan~guay naguing asistente nang tenienteng hirang na si Faustino Villabrilleng tunay saca nag-asaua sa isang timtiman.
Ang timtimang ito na naguing asaua ay isang babaye lubós caquilala nang fraileng si Gómez Recoleto baga na Prior sa Tan~guay sa simbahan nila.
Ito't hindi iba siyang humicayat na masamáng fraile sa magcasing liyag na paghimagsiquin jornalerong lahat doon sa Arsenal cusang napahamac.
Ito'y siyang mula nang pagcacasama at pagcacadamay nang cauauang Zaldua na cusang nadaya pati nang asaua nitong m~ga fraileng lilo't palamara.
Sa sabi at saad nang m~ga nagsulit ang babayeng ito ay cusang napiit sa cárcel nang dusa n~galan ay Bilibid siya ay napasoc nagtiis nang sáquit.
Bayaang co ito ang ipagtuturing ang oras nang gabi nang cusang dumating may isang dalaga na lubhang mahinhing nag-isip ang tatlo ay cusang agauin.
Ang n~gala'y Clarita na sacdál nang gandá cusang nagmasaquit nagnasang iadyá si na P. Burgos, Gómez at Zamora nang gabí ring yaon doon sa Capilla.
Caya n~ga humanap nang macacatulong at may anim na puo ang caniyang naipon pauang sandatahan nang m~ga talibóng ang iba'y revolver pistola't remington.
A las doce n~gani canilang tiapan ang lahat nang cuartel cusang lolooban n~guni't di nangyari pagca't piniguilan nang iláng clérigo cusang nacaalám.
Caya pa n~ga ito nang maalamang lubós nang m~ga clérigong nasabi cong puspós suot lalaqui na sa bay-uang may sucsoc nang isang magara't mainam na guloc.
Ang bagay na ito dapat n~gang pagmasdán at tularan sana nang babayeng tanán man~ga filipinang aquing cababayan marunong umibig sa tinubuang bayan.
Ang bagay na itó ay iiuan co na at ang sasabihin madaling umaga nang arao nang sáquit binatbát nang dusa ang apat n~gang itó bibitaing sadya.
Ito't hindi ibá di dapat limutin mapanglao na arao na calaguim-laguim dalauang puo't ualó ang bilang na tambing nang Febrerong buan sa sabi at turing.
Nang mag á las seis ang lahat n~g caual nang man~ga castila cusang pinatahán sa Santa Lucía n~ga at sa Bagumbayan na pauang barilán at may cañóng tagláy.
Sacá sa muralla nang Fuerza Santiago ang hocbóng castilang man~ga artillero pauang naca-abáng sa maguiguing guló na nababalita sa panahóng ito.
Nang cusang sumapit á las sieteng oras yaong bibitayáng binacod na cagyat nang man~ga sundalo na dalá't aquibat nang Segundo Cabo Espinar na hayag.
Bitayáng nasabi itinayóng tunay doon sa Espaldón pooc na malumbay at may sampuong metro yaong cataasan sa lupang tuntun~gan sa sabi at saysay.
Ang tugtóg nang tambor at m~ga corneta dito na minulán na hinipan baga casabáy ang ayos nang man~ga música sa tinig nang marcha ang pagcacabadyá.
Dito na quinuha ang na sa Capilla apat na taan na namamatáy bagá, ang man~ga sundalo nagbihis de gala saca n~ga barilán na may bayoneta.
Casama sa lacad ang m~ga Cofradía nang Misericordia na caacbáy bagá tanang Comunidad nang Religión Santa nang Poong si Cristong sumacop sa sala.
Si Miguel Zaldua ang una sa lahat cusang inalacad balót niyaong posas isang Franciscano at Recoletong cagyat siyang caagapay na cumacausap.
Sacá ang casunod yaong isang lupong sari-saring órden nang fraileng pulutóng dalauang Jesuita na capulong-pulong ni Padre Zamora na nagcura Rector.
Isang Agustino at Recoleto naman ang siyang casunód cusang umaacbay sa cay Padre Gómez na nagcura naman at Examinador Vicario sa Tan~guay.
Cahuli-hulihan ay si padre Burgos na ina-acbayán nang dalauang puspós na m~ga Jesuitang natauag sa Dios na nananalan~gin nang lubhang tibobos.
Baua't isa n~gani sa apat na ito ay binabantayán apat na sundalo at isang oficial sacá isang cabo at may m~ga hauac isang crucifijo.
Nang sila'y dumating sa laang bitayán sila'y inahintó sacá binasahan nang bunying sentenciang sila'y mamamatay cusang bibitayin sa salang quinamtan.
Matapos mabasa ang sentenciang titic ang nadayang Zaldua unang ipinanhic doon sa bitayán at inaupong tiquís sacá yaong liig ay cusang inipit.
Si Padre Zamora ang siyang sumunód si Padre Gómez naman ang icatlong puspós na cusang tumutol hangang sa matapos ang hinin~gang ibig sa m~ga balaquiot.
Bilang na icapat at huling binitay ay si Doctor Burgos na di nagulat man nagturing sa haráp nang caniyang calaban aniya; _¡Miserables!_ cayong fraileng tanán.
Saca nang maupo sa uupang cagyat tumin~gin sa lan~git sa Dios tumauag _¡Poon co, Iná co, caloloua co'y tangáp nang camahalan mo't ito'y di co tatap!_
Nang masabi ito panaho'y nagdilím at parang naglucsa ang lan~git na tabing sucat isang sinag sa Arao na ningning ang siyang tumitig sa apat na MARTIR.
Ang tanang nanood na m~ga tagalog pauang lumuluha sa quinamtang lungcót caya ang iba n~ga naglucsang tibobos bilang na pagdamay sa m~ga natapos.
Nang ito'y mangyari ay nagsi-ouing lahat yaong m~ga fraile masayá't magalác baga ma't ang sindác sa dibdib namugad hindi ini-inó niyaong man~ga sucáb.