# Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at Nang Manga Nacasama Niya na Sina P. Jacinto Zamora, P. Mariano Gómez at and Nadayang Miguel Zaldua

## Part 1

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/ang-tunay-na-buhay-ni-p-dr-jose-burgos-at-nang-manga-nacasama-n-c04a5e77/index.md

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

ANG TUNAY NA BÚHAY

NI

P. Dr. JOSÉ BURGOS =at nang man~ga nacasama niya= =na sina P. Jacinto Zamora,= =P. Mariano Gómez at ang= =nadayang Miguel= =Zaldua=

SINULAT NI HONORIO LÓPEZ Periodistang tagalog, Director artístico sa _Kapisanan_ nang man~ga autores lírico-dramático _La Juventud Filipina_ at Autor nang maraming casulatan: Kalendario, istoria, biografia, etc., etc.

=ICALÁUANG PAGCAHAYAG.=

MAYNILA: 1912.

=IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA= NI =J. MARTINEZ.= _Plaza Moraga 34-36, Plaza Calderón 108 at Estraude 7, Binundok._

=Ang ala-alang handóg=

_Sa cay P. Dr. José Burgós (30 taon), P. Jacinto Zamora (35 taón), P. Mariano Gómez (85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós na dinaya nang man~ga fraile, inihahandóg co itong abang ala-ala, sa canilang pagcamatay sa bibitayáng itinayó sa pooc nang Espaldon ó Bagumbayan nang icá 28 nang Febrero nang 1872._

_HONORIO LÓPEZ_.

[Larawan: P. DR. JOSÉ BURGOS.]

=Sa man~ga nanasang liyag=

PASIMULA

Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib, tapát na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni-guni'y linupig na tiquís.

Cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may ganáp na bait camahalang in~gat, macapagpupuno sa caculan~gang lahat.

Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan n~g canilang «búhay» sa Mundong ibabao, na cusang natapos sa abang bitayan, sa pagsintang lubós sa tinubuang bayan.

Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat, unang «monumento» ng pagpapahamac niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat n~g dunong at yaman tubong Filipinas.

Sila namang tunay ang unang larauan na dapat tularan nating calahatan sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan nitong ating bayang lagui sa ligamgam.

Caya ang marapat, oh m~ga capatid: silang m~ga «Martir» alalahaning tiquís, huag lilimutin laguing isa-isip alang-alang baga sa m~ga sinapit.

Gayon din naman sa cailan pa man dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan na nagcucunuari «Ministrong» maran~gal «n~g Dios na Poon», bago'y m~ga hunghang.

Caya ang mabuti ay tularang lubós m~ga halimbaua ni na Padre Burgos, Gómez at Zamora na pauang tagalog sa tinubuang bayan marunong umirog.

Sa baua't may nasang ibig na bumatid n~g canilang búhay tunay na sinapit basahing tuluyan pagtiagaang tiquís cusang ipatuloy itong natititic.

Bahala na sana inyong camahalan mag lapat nang ganap sa labis at culang sa baua't talatang inyong matagpuan uari'y nalilihis doon sa catuiran.

N~guni't ang samo co bago mo punahín ang lihís sa uari, maiguing linin~gin maca ca sacali naman na malinsil sa daang casamaan malagos na tambing.

Cung magcacagayon ang pasasalamat sa camahalan mo aquing iguinagauad at mag-utos naman sa lahat nang oras sa laang capatid na casuyong tapat.

=Honorio López.=

=ANG TUNAY NA BÚHAY

NI

Dr. JOSÉ BURGOS, Pbro.=

AT NANG MAN~GA CASAMA.

PÚNO NANG SALITÁ

Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad Fernandinang sacdál sagana sa galác sa buong Iloco na ualang catulad doon naguing tauo si Burgos na hayág.

Taóng isang libo ualong daang tunay apat na puo't dalua siyang cabilan~gan nang siya'y ianác nang ináng hinirang may tacot sa Dios, mabuting magmahal.

Siya'y na-uucol sa isang «familia» na iguinagalang natatan~gi baga sa buting ugali at gauang maganda sa ciudad na yaong mayaman sa sayá.

Mulang camusmusan nitong ating Burgos sa bait na taglay uala nang aayos gayon din sa talas nang isip na impóc, caya't maaga siyang pinaturuang lubós.

Hindi nalaunan caniyang pag-aaral naisipan n~gani nang m~ga magulang dito sa Maynila iluas na tunay upang pag-aralin sa San Juan de Letran.

Caya iniluas itinuloy muna sa bahay nang canyang tióng sinisinta teniente práctico nang artilleria Juan Antonio Aelle ang pan~galan baga.

Siya'y itinirá na hindi naluatan sa Letrang colegio, ang nacacabagay ay duc-hang ulila sa m~ga magulang, sa loob nang Dios tinangap din naman.

Sisiyám na taón cabilan~gang edad nang siya'y parito at masoc na cagyat sa colegiong yaong hinahan~gad-han~gad nang caniyang budhi at loob na in~gat.

Doon n~ga nag-aral na hindi nagtahan hangan sa sinapit at cusang nacamtan ang gradong "bachiller" gayong pag-aaral sa "artes" nahayág ang siyang pan~galan.

Nang ito'y macamtan nitong Burgos natin gumising sa caniyang puso ang tun~guhin yaong "Pagpapari Sacerdociong" tambing sa "eclesiásticong carrerang" mahinhin.

At hindi na niya tinuloy na lubós "carrerang derechong" sinisintang puspus nang m~ga magulang, ang cusang sinunod ang buco nang dibdib gumising sa loob.

Caya n~ga't pagdaca ay pinag-aralan Teologiang mahal sa isang maalam na fray Ceferino Gonzalez ang n~galan na hindi nalaon ay naguing Cardenal.

Dito na tinamó yaong mantong azúl at belang mapula na ualang caucol, caya ang caniyang familia n~ga noon ang toua nang dibdib ay hindi gagayon.

Madali't salita nang ito'y malaman na sa Pagpapari ang pag-aaralan nang caniyang magulang cusang binayaan tanang hanap buhay sa ciudad nang Vigan.

Dito sa Maynila sila'y tumahan na dahil sa pagsunod sa anác na sinta na di man nangyari caibigán nila ano mang pamanhic di nangyari baga.

Ang luhang tumulo sa man~ga magulang hindi man pinansin at pinagpilitan ang hilig n~ga niya na mag-paring tunay Ministro nang Dios sa lupang ibabao.

Baga ma't gayon ang nangyaring lubós pag-ibig nang Ama'y lumalalong puspos sa naquiquita niya't napapanuod sa caniyang anác carunun~gang impóc.

Mula sa hindi n~ga na nahuhulog man sa tanang "exameng" pinagdadaanan, at caya't baga man may lungcot na taglay ang galác sa puso'y siyang gumiguitao.

Gayong pag-aaral ay hindi nagluat "órdenes menores" ay quinamtang cagyat caya lalo na n~ga ang "familiang" lahat toua'y mago't mago sa dibdib namugad.

N~guni't uala pa siya na apat na buan n~g pagca tangap niya n~g "órden" quinamtan nagcaroon nang gulo sa tinatahanan Colegio nang Letran sa fraileng casaman.

Mula baga ito sa pagpapasunod "sa m~ga colegial" pauang filipinos nang m~ga Fraileng sa samá ay supot n~g m~ga _abuso_ at gauang pag-ayop.

Caya nacaisip ang tanang Colegial gayong pag-aalsá sa pacanáng tunay binabago nila ang caugalian na dating paquita sa canilang tanan.

Oras n~g hapunan n~g mangyari ito na aquing sinabi na pagcacaguló caya ang guinaua n~g Fraileng pan~gulo sa justiciang bayan ay napasaclolo.

Dahil sa marami ang Fraileng nasactan may bali ang butó at may nasugatan; caya yaong habla umano sila rao ibig na patain nang tanang colegial.

Naparatan~gan pa na naguing pan~gulo itong ating Burgos sa nangyaring guló, datapua uala rin naguing hanga ito cundi ang pasia iuan ang Colegio.

Silang calahatan paalisin lamang sa Colegiong yaon sa iba'y mag-aral n~guni't di nangyari pagca silang tanang sa m~ga Fraile curang namanhican.

Dahil sa marami di nacatapos pa n~g canicanilang tun~guhing carrera caya't napilitan nagtiis din sila sa m~ga pasunód n~g Fraileng lahat na.

Lalong lalo na n~ga itong ating Burgos dahil sa _Derecho Cómicong_ lubos siya'y hindi pa na nacacatapos caya nagtiaga rin sa iba'y umayos.

Hindi rin naluatan ang pagca _Decano_ sa laong panahón cusa ring tinamó sa aua n~g Dios at dusang totoo na tinitiis niya sa Fraileng abuso.

Caya di nalaon siya ay lumipat n~g hindi na siya tumagal sa hirap sa m~ga pasunod niyong Fraileng lahat Colegiong S. José, ang tinun~gong agad.

Ang namamatnugot sa colegiong itó ang quilalang doctor si Padre Mariano García ang caniyang dalang apellido tunay na tagalog tauong filipino.

Nang siya'y matira at dito mag-aral ay hindi nagtagal siya'y inordinan nang pagca «Diácono» gayong cabataan mulá sa talino nang isip na tagláy.

Hindi nacaraan ang ilang panahón sa madaling sabi nama, i, nagcataon nagcaron nang isang noong "oposición" sa tanang Diácono mag "cura" ang layon.

Noon ay "vacante" yaong catungculan segundo curato sa sagrariong mahal nang bunying S. Pedro balitang Catedral sa sangcapuluan nang Maynilang bayan.

Sa guinauang ito: "oposicióng" tiquís nan~guna sa lahat si Burgos na ibig, caya tinamó niya sa talas nang isip gayong "Pagcucurang" caloob nang Lan~git.

Ang tungcol na ito hindi matatamó nang sino't alin mang cahit may "empeño", cungdi ang may taglay pagca Presbítero ay siyang marapat na magcamit nito.

N~guni at sa dunong nitong ating Burgos baga ma't Diácono ay quinamtang lubós palibhasa dising naasa sa Dios matalinong lubha maganda ang loob.

Maca ilang buan ay quinamtang cagyat pagca licenciado sa bunying «faculcad» niyaong filosofía sa gayong capahat, gayong pag-aaral na lubhang mahirap.

Hindi nacaraan ang malaong arao nahalal na mulí siya, i, maguing "fiscal" sa "juzgadong" sacdal "eclesiásticong" hirang at sa "ceremonias" ay "maestro" din naman.

Ito ay caloob nang daquilang Rector sa Sto. Tomás n~ga, mula sa di gayong carunun~gan niya na ualang caucol na napagquiquita nang tanang naroon.

Nang ito'y matamó dito na nagcamit nang dan~gal na lalong ualang cahulilip caya ang bala na n~ga nagalang na tiquis baga ma't matanda't caniyang cauan~gis.

Ang boong Maynila dito na nagtaca sa dunong na in~gat ualang macapara nitong ating Burgos na caaya-aya pati n~g ugali at loob na dala.

Di pa nagluluat ang panahong ito n~g caniyang pagtangap ng lahat n~g «grado», ano't nagcataon sa Españang reino nagcaron n~g isang malaqui n~gang gulo.

Ito'y noong taóng isang libong ganap ualong daan anim na puo't ualong singcad buan n~g Septiembre sa istoriang saad n~g ito'y mangyari caguluhang cagyat.

Dalauang binata ang naguing pan~gulo na taga Maynila, Manuel at Antonio Regidor ang n~galan sa nangyaring gulo sa bayang España niyaong unang daco.

Caguluhang ito ay ualang ano man, na hindi n~ga gulo n~g pagpapatayan, cung di isa lamang na pag-uusapan n~g Fraile't Tagalog sa Gobiernong mahal.

Pagtatalong ito ay di nai-iba cung di yaong gustó nito n~gang dalaua ang magcaron dito mabuting reforma n~g pamamahala tayong lahat baga.

Ang tanang clérigo, ang dapat n~ga lamang mag cura sa lahat m~ga bayan bayan nitong Filipinas, at magcaron naman n~g representacion de Cortes ang n~galan.

At cusang baguhin, pag-ayusing cagyat ang escuelang bayan at colegiong lahat, at ito'y ibigay ang siyang marapat sa Paring tagalog tubong Filipinas.

Ang gayong usapín ay lumaquing tunay ang lahat nang Fraile'y pauang naguluhan, caya't napilitang sila ay naghalal n~g Procuradores na Fraile rin naman.

Si Fray José Checa at Fray Joaquin Coria ang naguing defensor taga usig baga ng usapíng ito sa dalaua'y habla na taga Maynila sa baya'y may sinta.

Sa lahat n~g «diario» ang usapíng ito sa Corte n~g Madrid nalagdang totoo't pauang naaayon tanang artículo sa tanang tagalog, Fraile siyang talo.

Baquit ang isa pa naquiayong tunay isang tubo rito na naguing general D. José Orosco Zuñiga ang n~galan at iba pa n~gani na may catungculan.

Na sina D. Juan Záenz de Vismanos[1] José Ochoteco[2], Rafael[3] na bantog García López n~gani ang pan~galang lubós n~g m~ga nag-usig na pauang tagalog.

Sa pagtulong nito na lubhang malihim, ang lahat n~g Fraile ay di napatiguil, lalong inululan n~g galit na tambing sa dalauang ito na Regidor natin.

Lalong lalo na n~ga n~g sila'y lantacan sa diariong «Discución»[4] halos arao arao n~g binatang Manuel, Fraileng calahatan lalong nan~gag-usig panalo'y macamtan.

Dito na si Burgos cusang sumulat na ilang «artículong» casagutan baga sa lagdang sinulat n~g Fraileng si Coriang naquiquipagtalo mag-uagui ang pita.

Sa usapíng ito n~g cusang malaman, ang ating si Burgos dito ay capisan, ang lahat n~g Fraile lubós n~g tumahan, tinimpi sa loob yaong cagalitan.

Dito na umusbong sa canilang dibdib si José Burgos n~ga ay sinumpang tiquís at paghigantihan gauan niyaong pan~git lihim na pacaná na asal balauis.

Baga ma't gayon na ay cusang tumiguil ang lahat n~g Fraile sa gayong usapín, di rin naampat at napatuloy rin sapagca't tumauid sa lupain natin.

Sa boong lauigan nitong Filipinas caguluhang ito cusang lumaganap dahil sa ang lahat na Fraileng dulin~gás ay pauang nagbago n~g ugaling in~gat.

Yaong pan~gan~gamcam siyang natutuhan nang lupa at buquid sa catagaluga't cusang pataasin ang dating cabuisan n~g m~ga hacienda na atin di't tunay.

Caya siyang mula n~g panghihimagsíc niyaong si Eduardo Camerinong sulit na taga Caviteng nahalal na tiquís pan~gulo sa hocbo na pauang nilupig.

Isa pang casama ni Eduardong hirang ay yaong si Luis Parang ang pan~galan na siyang namuno sa bayan n~g Tan~guay n~g paghihimagsic sa Fraileng sucaban.

Ang bayan n~g Imus noo'y gulongulo sapagca't nacuha nitong si Eduardo caya't n~g mahuli ang dalauang "lego" sa "casa hacienda" binitay n~ga nito.

N~g ito'y matanto n~g bunying general nagulo ang diua caya't naisipan tumauag n~g pulong sa lahat n~g mahal na m~ga tagalog n~g ito'y mahusay.

Pagca't yaong guló lubhang malaqui na di na naapula ano mang gauin niya, hangang sa inabot ang «casa hacienda» sinilabang tunay n~g nag si pag alsá.

Caya naisipan n~g upang tumahan caguluhang ito nasabing general, ang tanang tagalog na may carunun~gan at caunting yaman bigyang catungculan.

Caya n~ga't inipon si Roxas, Vismanos, Ascarraga't Tuáson, González na lubós, Padilla't Esquivel, si Calderóng bantog saca si Icasa pauang filipinos.

Sila hindi iba ay cusang nahalal «vocales civiles» na puno sa bayan, saca n~ga sinunod ang ilang cabanghay niyong cay Regidor «reformas» na tanan.

Dito na naghalal sa corte n~g Madrid n~g isang Comisión sa nag-uusig nitong si Regidor na di naiidlip tayong calahatan mapaiguing tiquís.

Caya ang Ministro de Ultramar noon ay siyang namuno gayong pagpupulong, at ang m~ga vocal sa ganitong layon m~ga generales na ualang caucol.

Na sina Orosco, Saportillang tunay Gandara at sina Ochoteco naman, Coballes na pauang coroneles lamang Rodriguez, Bona't Pillon iba pang capisan.

Ang pulong na ito pauang nag caisa at pinaayunan ang tanang "reforma" nitong si Regidor na capisan nila gayong pag-uusap sa guinauang junta.

Caya n~g matapos itong pag-uusap dito sa Maynila'y pinahatid agad niyaong capulun~gan sa Madrid na hayag ang naguing pasiya n~g upang malutas.

N~guni sa samá din n~g pamamahala n~g Gobierno rito'y isinalamuha sa "junta" n~ga rito yaong fraileng madla uala n~g inimbot cundi ang masamá.

Dina naalala itong ating Burgos doo'y isinama't cusang inilahóc caya sa uala rin dito'y napanuod na "caliuanagan" tanang filipinos.

Sa gayong nangyari yaong caguluhan dito sa Maynila, Bulacan at Tan~guay Silan~ga't iba pang m~ga lalauigan ay lalong lumubha apuy ang cabagay.

Ang man~ga pinuno't tanang autoridad dito sa Maynila'y nagulong cagyat caya napatulong sa loob na tapat n~g m~ga tagalog may dunong na in~gat.

N~g upang maampat cusang mapatiguil caguluhang ito na ualang cahambing caya sinunod na ang lahat n~g hilíng n~g tanang tagalog may dunong na tambing.

Si Padre Gómez n~ga ang siyang guinaua comisióng nahalal cusang papayapa sa cay Camerino na naghimagsic n~ga sa bayan n~g Tan~guay, Imus na daquila.

N~g ito'y parunan niyaong Padre Gómez ay hindi nalaon ang paghihimagsic, dahil sa pan~gaco n~g autoridades sa tanang tagalog na nag-alsang tiquís.

Caya ang "tratado" biglang pinirmahan sa bayang Navotas n~g bunying general sa pinamansagang balitang tulisan na si Camerino at si Luis Parang.

Ang lahat n~g Fraile noo'y nan~gag-galác pagca't napayapa caguluhang cagyat, at tanang «hacienda» nilang ini-in~gat, ay muling babalic na di magluluat.

Baga ma't sila'y cusang nagastahan nag-gugol n~g pilac na hindi mabilang, di na alumana humusay n~ga lamang lacad n~g panahong man~ga caguluhan.

Ang general noong balitang D. Cárlos de la Torre n~gani ang pan~galang lubós na naguing mabuti sa man~ga tagalog at sa tanang Fraileng nag-asal balaquiot.

Nabalita naman sa panahong yaon ang ating si Gómez cura sa Bacoor dahil sa guinaua at pag dedefensor sa tanang tagalog na piniit noon.

At gayon din naman sa pagpapahusay sa nangyaring guló sa bayan n~g Tan~guay, caya yaong puri at uagás na dan~gal ay tinamó niya sa catagalugan.

Dahil sa mahiguit na tatlong libong ganap ang napi-it noon tagalog na lahat na napacaualan cay Gómez nagbuhat sa cárcel n~g dusa na dilang bagabag.

At pati ni Parang sampuo ni Eduardo cusa ring nagcamit n~g mabuting trato sa man~ga castila tumirá pa rito sa bayang Maalat may «pencióng» totoo.

Saca sinunod pa ang pinag-usapan niyaong caayusang magcura sa bayan at yaong "reforma" niyaong pag-aaral ay pinaghusay din na hindi naluatan.

Nagcaroon pa noon n~g carrera civil lahat n~g tagalog may dunong na tambing caya si Vivencio del Rosario natin sa Lagunang bayan ay nag alcalde rin.

At si D. Mariano Villafranca naman sa bayang Misamis alcaldeng nahalal na pauang tagalog may dunong na taglay nagcamit n~g tungcol sa cacastilaan.

Nagcaroon pa rito n~g m~ga Jueces pauang filipino't man~ga Relatores, at lahat pa disin n~g m~ga napiit dito nacauala't cusang nacaalis.

Pinatiguil pa n~ga ang pag-eembargo sa tanang lupain n~g naramay rito, at pinagalang pa man~ga bahay dito sa tanang justicia nagalang totoo.

Sa madali't sabi ating pagbalican: ang cusang sinapit nitong si Luis Parang sampuo ni Eduardo Camerinong hirang niyaong macaraan yaong ilang arao.

Pagca't di nalaon sila ay piniit pinatay sa bitay, sa namucong galit sa dibdib n~g tanang Fraileng m~ga ganid uala n~g inimbot cung di gauang pan~git.

Sila'y nag-gasta rin n~g lubhang malihim sa general ditong lumabo ang tin~gin sa saganang pilac canilang inyahin mapapatay lamang dalauang butihin.

Naualang halaga ang pinag-usapan tratadong guinaua sa Malabóng bayan at cusang naniniig lubos na guinitao pagtin~gin sa yaman nasabing general.

Nagn~git-n~git na naman n~g ito'y matalós ang lahat n~g dibdib n~g m~ga tagalog, n~guni't sa uala rin dito ay inabot caguluhan baga gaya n~g natapus.

Sa panahóng ito siyang pagcacamit nitong ating Burgos «ordeng» ninanais niyaong Pagcapari sa tanang tiniis man~ga cahirapan na ualang cauan~gis.

Hindi n~ga nalaon na nagcantamisa, sa ating Catedral nahalal na cura, at siyang pagtamó n~g mahal na «borla» niyaong pagca "Doctor" sa Santa Teología.

Saca sa Derecho Canónicong mahal ay gayon din naman "Doctor" na mahusay caya sa Tribunal n~g exameng tunay naquiquialam na sa colegiong tanan.

Caya bala noong ibig na cumuha magcamit n~g grado sa facultad baga sa Santa Teologia't bunying Filosofía at sa Canónico daraan sa caniya.

Sapagca't n~ga siya nahalal na cagyat na "Examinador" at una sa lahat cusang "eexamen" estudiong facultad na sino ma't aling ibig macalabas.

Sa caniyang pagsunod sa tungcol na dala naguing masamá siya sa fraileng lahat na; datapua gayon man di cumibo sila uari hindi pansin tanang naquiquita.

Cusang nagsaloob higantihan lamang putulin ang gayong man~ga cahigpitan n~g pag-eexamen sa sino't alin man sa Fraileng capua lipós n~g casam-an.

Caya ang nangyari n~g lumubhang tiquís yaong pag n~gin~gitn~git cay Burgos na ibig dito na ang lahat; ang Fraile'y lumupít sa Paring tagalog na casanib-sanib.

N~g ito'y malaman nitong Burgos natin. lahat n~g capua ay inipong tambing pinaquipagtalo lahat n~g inilíng na Paring tagalog n~g Fraileng butihin.

Sa nangyaring ito, dito na inusig sa Arzobispado ang leyes ni Moret ay sundin totoo pagca't natititic sa pinag-usapan ito'y susunding pilit.

N~g ito'y matanto n~g fraileng si Roxas Cornejo, Ariaga, Cabrerang dulin~gás, Pardo, Gala't ibang lumahóc na cagyat si Padre Burgos n~ga cusang pinaghanap.

At ipinaglaban canilang catuiran cahit nalilicó sa magandang daan; n~guni't sa uala rin silang hinanganan cung di yaong hiyá na ualang cabagay.

Sapagca't n~ga sila'y nan~gabilangó pa, ang canilang ari enembargong sadiya sa nangyaring ito na usapín nila sa bunying Juzgado Eclesiástico baga.

N~g ito'y masapit nilang calahatan sila'y nacaisip pasaclolong tunay sa cay P. Burgos at paquiusapan, n~g sa pagcapiit macalabas lamang.

Gayon din ang tanang man~ga Presbítero na pauang linupig man~ga fraileng ito sampuo niyaong ibang man~ga filipino, cay P. Burgos din ay napasaclolo.

Sa nangyaring ito itong ating Burgos hindi nagmalaqui't pinaquingang lubós, ang sa tanang Fraile at man~ga tagalog man~ga paquiusap sa gayong inabot.

Siya n~ga'y naggugol lubos nagcagasta na hindi sinin~gil capaguran niya, sa fraile't tagalog n~g macamtan nila ang pagcacauala sa cárcel n~g dusa.

Itong si Fray Galan recoletong hirang si Fray Ariaga franciscano naman at si Fray Cornejo Domenicong tunay: si Padre Burgos n~ga siyang nagsangalang.

Sila'y napabalic at cusang nagcura sa bayang tagalog dating lagay nila at ang ari nila na enembago baga ay cusang nagbalic na caracaraca.

Sa panahóng íto lubos nagcaroon din n~g isang sumbong n~ga taga S. Rafael sacop n~g Bulacan mula baga't dahil sa canilang cura na nag-asal suail.

Caya ang guinaua dagling pinatauag ni Padre Burgos n~ga't inaralang cagyat na sa uli't uli ang guinauang lahat huag n~g gagauin sapagca't di tapat.

Ito hindi iba ay si Fray Antonio Piernavieja n~gani bunying agustino totoong nasinsay, cusang umabuso sa ipinag-uutos n~g Eclesiástico.

Macaraan ito ay hindi naluatan sa Corte n~g Madrid may isang lumitao diariong casang-ayon n~g catagalugan «Eco Filipino» ang siyang pan~galan.

Dito n~ga si Burgos ay cusang tumulong naggugol n~g yaman at sampuo n~g dunong upan n~g lumauig at cusang yumabong magcaroon n~g madla na m~ga suscritor.

Nagtayó rin naman isang capisanan dito sa Maynila sa nagpapaaral sa reinong España filipinong tanan ibig na dumunong lahat ay malaman.

Caya sa dalauang Regidor na tiquís nangyaring lumagda n~g usiguing pilit tanang filipinos may dunong sa Madrid magcamit título't condecoraciones.

At gayon din naman ang catagalugan cusang natatan~gi't may in~gat na yaman nagcarón nang uagás bunying catungculan sa lahat nang poóc nang sangcapuluan.

Saca isinunod na caniyang inusig yaong pagcucura nang fraileng balauís sa bayang tagalog sila'y mapaalis at pauang clérigo ang siyang mapalit.

Dito pinasunod utos sa "Concilio ni Trento" ang tauag at biling totoo marapat na sundin nang simbahan dito nang man~ga castila sa silan~ganang daco.

At sinabi pa niyang ipinagmatigás sa lahat nang fraile cun ang caniyang han~gad ay hindi susundin arao'y di lilipas sila'y pasasacop sa inglés na cagyat.

Caya ang nangyari lumagdá pagcuan nang isang "escrito't" inihaying tunay sa Ministrong hayág nang bunying Ultramar sa reinong España na cabalitaan.

N~guni't bago ito ipinadalang lubós cay Izquierdong hirang general na bantóg ay nuhang sanguni't bilang pahintulot nang huag masinsay sa catouirang puspos.

Ang escritong ito'y pinaayunan niya at pinapirmahan bago ipinadala cay Padre Mendoza[5] Lasa[6] at Sevilla[7] Danda't[8] del Rosario[9] Guevara't[10] Zamora[11].

Napisang parito sina Desiderio,[12] Hilario del Pilar, Gainsa't Gimeno[13] Roxas,[14] Regidor,[15] Ramirez[16] parito Calderó't[17] Esquivel[18] iba pang totoo.

Gaya ni na Tisca[19] at sina de la Rosa[20] Acuelle[21] at Agustin[22] pauang nagsipirma sa escritong yaon cusang pinadala sa Corte nang Madrid nang caracaraca.

