# Ang Singsing nang Dalagang Marmol

## Part 3

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/ang-singsing-nang-dalagang-marmol-15129/index.md

Pagkasabi nitó'y agád inalís ang kanyáng balát-kayông úban at ipinakilala ná ang túnay na taginting n~g kanyáng tinig, pinahiran ang marun~gis na mukhâ at daglî n~gâ namang lumitaw ang luníngníng n~g bukáng liwaywáy na maipaparis lamang sa sumilang noóng lalan~gin ang Sangsinukob at n~g lumitáw ang kauná-unahang liwanag.

Nápasigáw si Pusò sa katwâán at namamanghâng idinídipá ang m~ga kamáy ay nagsalitá n~g pabuntóng hinin~gá:

--¡Liwaywáy, Liwaywáy kong hirang!

Sumapiling naman agad si Liwaywáy at magiliw niyáng hinagkán sa bibig, bago silá nagyákap n~g mahigpít, samantalang inuúlit-úlit n~g _Dalagang Mármol_ ang anyá'y:

--¡AKÓ'Y IYÓ'T IYÓ RÍN _at iyóng iyó kailán man!_

Magiliw na nagkahaló ang kaniláng m~ga luhà at aní Pusò n~g makalipas ang sandalî:

--¡Malungkót na kapalaran ang akin! ¡Hindî ná maáarìng kamtán kitá kun ganyáng ikáw ay kasál ná sa ibá!

Mulìng hinagkán ni Liwaywáy si Pusò at magiliw niyáng sinabi ang anya'y:

--¡Gumalíng ka nawà agád, dakilàng bayani n~g katagalugan! Kun tungkol sa akin, _akó'y iyó't iyó rin_, mangyari ang mangyayari, pagkâ't dî maáaring pag-asawahin ang isáng _baka_ sa isang _kalabáw_.... Kahit akó'y patayín, hindîng-hindî akó makasásama sa asawang ipinilit sa akin.

--Huwág kang man~garap, kahabághabág kong Liwaywáy pagkâ't siyá'y iyó náng asawa at dî maáaring pawiin pá ang náisulat ná.

--Anóng náisulat ang sinasabi mo?--ang pagalít na sagót ni Liwaywáy.

--Ang iyóng pag-aasawa at ang batás na nag-uutos na dapat sumama ang babai sa kanyáng asawa,

¡Ang batás!--ani Liwaywáy sa lubós na katigasáng loób.

--Ang batás na pawàng gawâ lamang n~g m~ga tao ay dî umáabót ni mangyayaring makahadláng sa dalawáng pusò na pinagtalì n~g pag-ibig. Ang mahalagang pag-ibig na itó ay siya lamang tan~ging makapaghahari sa daláwáng pusòng nagkakasintahan n~g mataós.

--Pawàng matatamís ang iyóng ipinan~gun~gusap, búhay kó, datapwâ't dî na makakalág ang pinagtalì sa "bendición" n~g parè.

--¿Anóng muwáng n~g parè? Ang Lumikhâ lamang ang nakatatalós sa kalooban n~g m~ga táo, kayâ naman sa dalawáng pusòng nagmamahalan tan~ging ipinagkakaloób lamang ang mahál n~g pagpapalà.

--Talagáng tayo'y ipinan~ganák na kulang palad, pagkâ't dî maáari ang lahát mong tinuran. Dî sásalang parurusahan ka pa, kahabághabág na sintá ko! ... Dî mo n~gâ maíiwan ang iyóng asawa at pípilitin ka n~g may kapangyarihang makisama sa kanyá pagdatíng n~g oras.

--Magpápatiwakál namán akó bago kitá iwan. ¡Itó'y asahan mo!

--Huwág ná Liwaywáy, Limutin mo ná akó, at upang maging kaaliwan mo'y súkat ang málamang akó sa iyó'y lubós kumíkilala n~g malakíng utang na loób; at n~gayó'y mamámatáy akó sa gitnâ n~g lalòng dî masayod na kaginhawahan, dahil sa pagkaalam kong iníibig mo pa akó hanggang dito ...

Nagyakap siláng kapwâ niniyák na dî mátutuhan ang maghiwaláy; pará bagáng dî na silá muli pang magkíkita.

VII.

Nang sandalîng yaó'y nagkátaóng pumasok ang manggagamot na americano upang dalawin si Pusò, at n~g mákita ang dalawáng magkasintahang nagkakáyakap n~g mahigpít at halos pigtâ sa luhà ay nagsalità n~g ganitó:

--Hindî pa náuukol sa inyó, ginoóng Coronel, ang magbatá n~g malalakíng dalamhati. Bakà kayó'y mabínat. At bukód sa rito, kayó, na labis napupuri dahil sa katapan~gan sa m~ga pakikilaban, tila pan~git sa inyó ang umiyák na parang isáng mararamdaming binibini.

--¡Ay, giliw kong Doctor na sa dunong mo pô'y náligtás akó sa kamatayan!--- aní Pusò--kun iyó pô lamang mabábatíd ang malakíng sakunâng nangyari sa akin. ¡ah! makálilibong mapaít kaysá kamatayan!

--Alám ná ninyó mahál na Coronel ang túnay na pagtin~gin ko sa inyó; at kung ipinálalagáy mo pông akó'y parang kapatíd, ay sabihin sa akin ang inyóng m~ga ikinahahapis n~g kayó'y madamayan at malunusan kun maáari.

--Huwág na pô, Doctor, pagkâ't makasásamà pa sa kulang palad na babaing itó.

--¿At bakit dî natin sabihin sa kanyá?--ang giít ni Liwayway--Ang Doctor na itó'y ayos mabuting táo at may ugaling mahál. May masamâng americano at may mabuti namán. At sabihin n~gâ ninyó, Doctor, ¿maáari bang ipílit ang katuparan n~g isáng pag-aasawang dinaán lamang sa gahasà ang babai?

--Hindî--ang sagót n~g Doctor--Ipaunawà ninyó sa akin ang nangyari at akó ang bahalà.

Isinaysáy ni Liwaywáy ang lahát n~g nangyari at ganitó ang sagót n~g Doctor.

--Manahimik kayó at manalig na makakalás ang lahát. Búkas ay makikipagkita akó sa aming General upang ipabatíd ang bagay na itó.

--Libong salamat, dakilàng Doctor--ang panabáy na sagót n~g kaawà-awàng magkasintahan--maging bibig _angel_ nawâ kayó na siyáng tumangkilik sa aming salantâng pusò.

* * * * *

Nang makalampás ang isáng linggó ay nagbalík ang Doctor at sinabi kay Coronel Pusò:

--Maibábalità ko sa inyó na ipinatawag n~g General naming americano ang nagíng asawa ni Liwayway patí n~g kanyáng m~ga kamag-ának at silá'y tinanóng kun totoó n~gâng si Liwayway ay pinilit lamang sa pag-aasawa, gaya n~g lumálabás na katunayan sa pangyayaring tumanan siyá agad upang sumama sa isáng Coronel na tagalog na kanyáng dating katipán. Aywán ko kun anó ang kaniláng isinagót, at n~gayón n~gâ'y ipinatatawag kayó, pagkâ't sinabi kong ikáw pó'y mabuti ná, giliw na Coronel.

--Tayo na pô, matalinong Doctor--ani Pusò.

At agad siláng naparoón sa bahay n~g General americano na kasama si Liwaywáy.

Nang dumating silá sa tanggapan n~g nasabing General, ay dinatnán nilá roón ang maraming kapús-palad na m~ga babaing tagalog at _kinastilà_ (mestiza) na nagsísidaíng at nagsisiiyák n~g gayón na lamang.

Kami pô--ang hinakdál n~g m~ga babai--ay nagsipag-asawa sa m~ga kawal americano't aytó dalá namin ang m~ga katibayan n~g pagkákasál; n~guni't n~gayó'y kusà kaming iniwan at súkat.

At naghagulgulan silá n~g katakot-takot na gayón na lamang ang naging in~gay.

Di málaman n~g General americano ang kanyáng gagawín at walâng isinásagót kundî:

--Huwág kayóng man~gambá, m~ga aling kuwán, pagká't kun kayó'y iniwan n~g ilán, ay mayroón pa akó ritong ibáng m~ga kawal at mahigit sa libo ang inyóng mapagpípilian sa m~ga mapuputî at maiitím.

--¡Nakú, ginoóng General!--ang sabáysabayang sigáw nilá--¿At sino pô ang magpápakain sa aming m~ga "boys" ó sanggól na may maitím na parang _cafeng_ may gátas at mayroón namang maputîng parang labanós?

--¡Abá! ¿anó ang kasalanan ko sa ganyáng nangyari?--ang magiliw na sagót n~g General--Kayó ang hahanap at n~gayó'y akó ang pagbabayarin n~g inyóng m~ga pinggáng baság.

--Hindî pô kamí--aní n~g m~ga babai--ang humanap sa kanilá, kundî ang inyóng m~ga kawal at silá ang kunwari'y nanuyò upang basagin lamang palá ang aming man~ga pinggán.

--Hindî lamang iyán--ang dugtóng n~g isáng nagn~gan~galang Tinay--kundî dinalá pa n~g demoniong asawa ko ang lahát n~g aking pan~gan~gari.

--Kun gayón, ¿anó pông saysáy n~g kasulatang itó sa pagaasawa na ibinigáy sa amin?--ang tanóng n~g isáng nagn~gan~galang Delang.

--¡Oh, m~ga aling kuwán!--ang pan~gitî't malamig na sagót n~g General--iyá'y isáng papel na basâ....

--¿Bakit pô papel na basâ--ang tutol n~g matandàng Ganguê, at sa boóng kawalán na yatá n~g pag-aasa anya:--Miyák kayó m~ga kababai kong kulang-palad at paabutin sa lan~git ang sigaw, m~ga inang kahabághabág at m~ga batàng kulót na makapál ang labì't n~gusòng parang demonio, upang maawà sa inyó ang nalalamigáng General na itó.

N~g márinig ito at pasimulán ang matindíng hiyawan sa m~ga paglun~goy at pagdaíng, lahát ay nagkasabáysabáy at parang m~ga insík na pinagnakawan sa in~gay.

VIII.

Nang sandalîng itó kamí dumatíng. At n~g mákita kamí n~g General ay nagdumalî sa mapítagang pagtanggáp sa amin at matapus na kami'y handugán n~g úpuan at paalisín ang m~ga babae ay nagsalitâ:

Mabunyíng Coronel Pusò--anyâ--pinupuri naming lahát ang iyó pong dî karaniwang katapan~gan sa pagtatanggól n~g inyóng bayan. Ganyán ang dapat alagataín n~g lahát n~g lalaking may dan~gál. N~gunì't kayó'y aming nalúpig dahil sa kabutihan at kasaganàan n~g aming m~gá nágagamit sa labanán. Gayón man, kami'y hindî naparito upang agawin ang inyóng m~ga lupàín at kayó'y alipinin. Naparito kamí upang kayó'y turúan at tulun~gang ihandâ ang inyóng bayan sa ganáp na pagsasarilí at sa gayó'y itutulong naman namin ang madlâng karunun~gan at kayamanan n~g América, upang magíng maayos ang inyóng bayan at upang kayó'y magkaroón n~g m~ga Páaraláng ulirán, treng matutulin, m~ga tuláy na bakal, m~ga bagong máquina sa pagbubukid at ibá pang m~ga dàkilâng paraán upang ibunsód ang pagkasulong n~g inyóng bayan.

Tungkól sa inyó, alam mo pô na kayó'y nabihag at mulíng nabúhay dahil lamang sa aming m~ga pag-iin~gat. At dahil dito, n~gayó'y hiníhiling ko sa inyó na kamí'y tulun~gan naman n~g pagpayapà sa iyó pông bayan at kayó'y manumpâ tulóy n~g pagsukò at pagpapakumbabâ sa America.

--Minábuti ko pô ang lahát n~g inyóng ipinahayag--ang sagót ni Pusò--n~gunì, dî akó makapanúnumpâ n~g pagsukò at pagpapakumbabâ, kundî isáng tapát na pakikipagkilala lamang sa America, kun totoó n~gà ang sinabi mo pô na ang ipinarito ninyó'y upang kamí'y tulun~gan lamang na makapagsarili pagdating n~g panahón.

--Karapatdapat ang iyó pông sagót, matapang na bayani. Tinátanggáp ko ang inyóng panunumpâ n~g pakikipag-ibigan sa America; at mulâ n~gayó'y makalalayà na kayó't makaparoroón kun saán ibig.

--Pinasasalamatan ko kayó n~g taós sa kalooban; n~gunì, ¿anó ang ipasisiyá mo pô sa kahabaghabág kong kasintahan na pinílit ikasál sa isáng americano?

¿Dî ba ninyó námasdan n~gayón lamang na ang pag-aasawa n~g m~ga americano sa babaing tagalog ay nagiging parang sulat insík lamang at sa wakás ay iníiwa't súkat ang m~ga kulang palad na filipina, pagkatapus na masunód ang kanilang han~gád? Gayón din ang kasál ni Liwayway sa americano, pagkâ't siyá'y pinílit lamang. Bukód sa rito, ang americanong naging asawa ni Liwayway ay nahihiyâ náng pumisan pa sa kanyá n~g malamang siyá'y sa inyó nakisama. Kung ibig mo pô n~gayón di'y ikakasál kayó n~g General Preboste.

--Opò--ang sabáy na sagót n~g magkasintahan--n~guni't kami pô'y nábibilang sa m~ga alagád n~g Simbahan Tagalóg, kayà ibig naming kami'y ikasál n~g amin díng túnay na pari.

--Lalòng mabuti. N~gayón di'y padádalhán ko n~g isáng magalang na paanyaya ang Kgg. P. Aglipay, Vicario General Castrense n~g Katagalu~gan at nais akó na sana ang magíng ináama n~g balitàng Coronel na tagalog at n~g magandáng filipina na magiging ulirán n~g m~ga babai sa pagkamatimtimang umibig.

* * * * *

Dî lumipas ang isáng oras at dumating ang kátaás-taásang Pinunò n~g m~ga Paring tágalog, at sa harap n~g maraming pinunòng americano'y ikinasál si Coronel Pusò kay Liwaywáy, na nakasísilaw sa kanyáng kahinhinán at kagandahan.

Sa wakás n~g kasál ay sinabi n~g General americano:

--Mabúhay nawâ kayó n~g mahabàng panahón sa lubós na katahimikan at kasyaháng loób, at nais ko na ang inyóng mataós na pagmamahala'y magbun~ga n~g m~ga batàng pawàng mababaít at masintahin sa tinubùang lupà. At n~gayón, parang muntîng handóg ko sa pagka-ináamá, ay ipinamámanhík, dakilang Coronel Pusò, sa tanggapin ang katun~gkulang pagkapinunò (Gobernador) sa lalawigan ng _Kabuláklakán_, upang ikaw pô namá'y makapaglingkód sa ikapapayapà n~g inyo ring bayan.

Tinanggap ni Pusò sa lubós na pagkilala n~g útang na loób; at siláng mag-asawa'y nabúhay sa lalông wagás na pag-iibigan at sa lubós na pagkakasundô; at sa ilinakad n~g panahón ay nagkaroón silá n~g tatlóng anák na nagíng makabuluhán at ikinádan~gál n~g lalawigang _Kabuláklakán_.

At ang singsíng na linubid ay siyáng nagíng buhól upang paglakipin ang dalawáng pusóng ulirán sa pagsisintahan at sa pagmamáhalan.--WAKÁS.

* * * * *

Kay Liwayway

Pepitâng himala sa bayang Baliwag, sa m~ga tuwa mo't lungkot na masakláp alalahanin mo sa iyó'y pagsintáng matimyás n~g tan~ging sa iyó'y umibig n~g ganáp.

Edeng maligaya, m~ga salitaang sa ati'y naghain sayáng kalan~gitan, ang ating titigáng sagana sa lamán di na mangyayaring muli nating kamtan.

Pagsintá'y dalisay, walang kahulilip, libolibong mundo, búhay sampung lan~git sa iyó'y handóg ko sa pagpupumilit na patotohanan ang aking pag-ibig.

Iníinís yaring abang kaluluwa panahóng nagdaán kun máala-ala; lalong nagdaragdag n~g matindíng dusa, n~gay'oy di na akin ang iyóng pagsintá.

Tugón mong mahigpít--"Ako ay iyó rín, sakali't maglilo'y buhay ko'y amisín. ¡Wala nang pipitás sa aking paggiliw yamang áalis ka ... ¡Oh, palad kong iríng!"

Ay anóng kadali at nagbago ikaw sa aking pagsintáng magandang Liwayway, ikaw rin ang giliw, panagimpa'y ikáw m~ga pan~gako mo'y pag-asa ko'y túnay.

[Patalastas: Pamilihan ni Yangco]

[Patalastas: Germinal]

