Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit
Part 9
221. Cun minsan ang _quina_ (gayon din ang dita) ay nacacapagpailaguin sa maysaquit; at cun ganoon ay hindi macacauala nang lagnat. Caya ang mabuti dito ay purgahin muna ang maysaquit nang timbang saicapat sa _ruibarbo,_ ó nang _cañafistula_ número 81, bago big-yang uli nang _dita._
222. Mayroon pang ibang man~ga bagay na maigagamot sa lagnat na pan~giqui. Datapoua ang maiguing totoo sa lahat ay ang naituro co na dito sa capítulong ito. Uica naman ni P. Clain na ang pag-inom nang isang tagayang tubig na pinaglagaan nang ugat nang _apasotis_ sa oras nang pagsipot nang guinao nang pan~giqui, at saca cun magcumot tuloy ang maysaquit ay nacacauala nang pan~giqui, cun gauing macalaua ó macaitlo. Magaling pa sa rito ang isang gamot na itinuro at ipinahayag nang hari sa España sa caniyang man~ga vasallos, na yao,i gayon. Ang timbang isang salaping _café_ (café) na isasan~gag muna sa apoy bago bayuhin nang maliliit, ilalaga sa dalauang tazang tubig hangan sa maiga at matira lamang ang calahati. Saca sasalain, at ang tubig na pinaglagaan noong _café_ ay huhulugan nang gata nang dayap, yaon bagang macucuha sa tatlo ó apat na dayap. Hahaluin capoua at ipaiinom sa maysaquit cun umaga bago cumain. Mayroong isa pang gamot na totoong buti na yao,i, gayon. Ang anim ó ualong bulaclac nang isang cahoy na munti na pinan~gan~ganlan sa Mainila _rosas caballero_ at sa Batan~gan _flores_ ay hulugan mo nang dalauang tagayang tubig na mainit na totoo; doonan pa nang azucar; at ang maysaquit ay pinaiinom nang isa nang isang taza noon dalauang oras bago lagnatin, at gagaling siya; datapoua mainit cun inumin.
223. Yaong man~ga tauo, na lauong panahon ó ilang bouang nan~gin~giqui na sila, at hindi guinamot nang paanyo, ay big-yan pagdacang minsan nang bilin sa número 34, ó sa 35, at saca painumin nang sa número 38 sa dalaua ó tatlong arao. Pagca yari na ito, ay painumin nang _dita_ para nang turo sa parrafo 216.
224. Cailan~gang maalaman nang man~ga mangagamot na cun minsan mayroong tauo, na hindi man siya lagnatin ay dinaraanan din nang pagsaquit nang alin mang casangcapan nang catauan, na itong pagsaquit na ito ay hindi sungmasala sa caugaliang oras, cundi ang pag-uli ay husay, sa macatouid touing icalauang arao, ó arao-arao para nang saquit na pan~giqui. Ang gamot na totoo sa ganoong saquit ay yaon ding dita párrafo 216.
_Nota_. Bucod dito sa man~ga bagay na lagnat na ito na sinaysay co sa man~ga capítulo 19, 20, 21 at sa 22, ay mayroong isa pang bagay na lagnat na tinatauag; _lagnat na daua_; sapagca ang maysaquit ay sinisibulan nang maraming butil na catulad nang daua; itong ganitong lagnat ay aquing sasaysayin sa capítulo 59.
=CAPÍTULO 23.=
_Ang saquit na pinan~gan~ganlang_ erisipela, _na cun turan nang tagalog ay culebra._
225. Ang saquit na _erisipela, ó culebra_ ay cun minsan munting saquit lamang, na lungmilitao sa balat nang catauan nang tauo, at milimit sa muc-ha, ó sa paa. Ung-muunat ang balat, at namumula; at cun idinidiin nang daliri, ay nauauala ang pamumula. Ang damdam nang maysaquit, na yaong lugar na sinisibulan nang culebra ay mainit na totoo, na yaon ang di icatulog niya; ang saquit ay lungmalaqui sa dalaua ó tatlong arao pa. Saca hindi nag-iiba hangang sa lumalo ang isa ó dalauang arao; ungmuunti tuloy at may nalalaglag sa balat na masaquit na tila calisquis, at nauauala ang saquit.
226. N~guni cun minsan ang saquit ay malaqui pa sa sinabi co n~gayon. Ang may cataua,i, guiniguinao muna nang malaqui; sungmusunod sa guinao ang isang malaquing init at ang saquit nang ulo, at hang gang di lumitao ang _culebra_, ay parating ibig sumuca ang maysaquit. Pagca sibol nang _culebra_ na yao,i, sa icalaua ó sa icatlong arao, ay ungmuunti ang lagnat at hindi na ibig sumuca ang maysaquit. Datapoua hindi nauaualang parati nang lagnat na munti, at nanab-ang siya nang pagcain, hangang di tumahan ang paglaqui nang culebra. Cun ang muc-ha,i sinisibulan noon, ay sungmasaquit ang ulo, namamaga ang bubong nang mata, ang mata,i, piquit, at hindi mapalagay ang maysaquit. Cun minsan ang saquit ay ungmaalis sa isang pisn~gi, at lumilipat sa cabilang pisn~gi, at napapacalat sa noo, sa liig at sa batoc; cun gayon ay malalauon ang saquit. Cun malaqui ang saquit, ay parating mayroong lagnat; sira ang bait nang maysaquit, at cun hindi paanyo ang pag-gamot doo,i, namamatay cun minsan, lalo pa cun matanda ang may catauan. Ang pagsibol nang _culebra_ sa liig, cun minsan ay pinagmumul-an nang garrotillo; cun sa paa sumibol ang boong paa ay namamaga pati nang hita. Cun malaqui ang sungmisibol na _culebra_, yaong casangcapang masaquit ay sinisibulan nang tila lintog, ó pantog na munti, na puno nang tubig na malinao, na ang camuc-ha ay napaso yaong lugar na yaon, at ang tauag nang tagalog dito,i, _culebrang tubig_. Itong man~ga lintog ay nan~gatutuyo at nan~galalaglag na parang calisquis; cun minsan yaong pinacatubig na nasisilid sa lintog, ay malagquit, na dahil doo,i, nag-cacalan~gib na macapal ang casangcapang nasactan. Ang calauonan nang culebra ay ualo, sangpuo, ó labingdalauang arao; at cun nauauala na ay pinapauisan nang malaqui ang maysaquit; itong pagpauis ay hindi dungmaraan cundi sa catapusan nang saquit.
227. Ang culebra ay marahil magbago nang lugar. Cun sa utac nang ulo ó sa dibdib mapatun~go ay namamatay agad ang maysaquit; at cun sa liig maparoon, ay garrotillo ang icamamatay niya.
228. Ang pinacabutil ó lintog nang saquit na culebra, ay bihirang nagnanana, at cun baga magnana ay maguiguing sugat.
229. Ang dahilan nitong saquit ay ang apdo, na napapasama sa dugo, na hindi lungmalabas na para nang dati sa pagpauis nang tauo.
230. Cun ang saquit ay munti, para nang sinaysay co sa párrafo 225, ilalagay lamang _sa husay_ (capítulo 4) ang maysaquit, at paiinoming parati nang tubig na marami na pinaglaan nang bulaclac nang _alagao,_ na dinoonan, nang timbang isang salaping _salitre_ sa iinuming maghapo,t, magdamag. Houag pacanin siya nang carne ó itlog; masama ang alac doon; ang man~ga gulay at ang man~ga hinog na bun~ga nang cahoy ay macacain niya. Ito,i, magaling gauin sapagca nag-iilaguin ang maysaquit nang malimit-limit, dungmarami ang ihi, at ang pagtaib nang catauan. Ang lugar na masaquit ay mabuting pasuin nang ilang paso nang caunting papel sangley na linulon, ó nang laman nang bun~ga nang boboy. Ito,i, gamot tagalog.
231. Datapoua cun malaquing saquit yaon, cun malaqui naman ang lagnat, at ang pulso,i, malacas at matigas, ay cailan~gang sangrahan nang caunti ang maysaquit, at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat ay sasangrahang minsan pa, ó macalaua caya. Saca ilalagay sa _husay_ capítulo 4; at sinusumpit na parati hangang bumaba ang lagnat; pinaiinom naman nang bilin sa número 3, at pag munti na ang lagnat ay pinupurga ang quinuculebra nang bilin sa número 23, ó binibig-yan touing umaga nang ilang inom na bilin sa número 24. Itong pagpurga ay totoong cailan~gan sa quinuculebra, nang mangyaring macuha ang _apdo_, na ungmiinit at naiipon sa catauan. Cun humaba ang saquit, at ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain, at ang bibig ay mapait, ay cailan~gang painumin nang alinman doon sa dalauang painom na itinuturo sa número 34 ó 35, cun baga munti na ang lagnat; sapagca itong man~ga pasuca,i, lalo pang maigui sa purga doon sa gayong lagay nang maysaquit. Datapoua cun ang culebra ay nadoroon sa ulo, ay magaling pa sa pasuca ang purga. Bagay rin dito ang bañusang macalaua arao-arao hangang tuhod na malahinin~gang tubig, cun ang saquit ay tungmatahan sa ulo; at cun mahirap ang calagayan nang maysaquit, ay totoong buti lag-yan nang parapit sa talampacan número 36. Cun baga nang mapurga ó mapasuca na ang quinuculebra, ay hindi rin ungmuunti ang lagnat ay painumin touing icalauang oras ó malimit sa rito, nang isang cuchara nang bilin sa número 10. Cun talagang mauauala na ang saquit na culebra, sapagca,t pinapauisan na ang may catauan, ay bibig-yan nang tubig na may _salitre,_ na pinagbabaran nang bulaclac nang _alagao_ para nang turo co sa párrafo 230, na sinundan nito at ituloy itong pag-inom sa ilang arao, nang siya,i, mapauisan pa mandin.
232. Yaong lugar nang catauan nang maysaquit, na sinisibulan nang culebra, ay budburan nang _harinang_ isinan~gag sa cauali ó palioc; maigui pa sa harina yaong tila bulac nang bun~ga nang boboy na siya ang itinataquip doon; cun munti ang saquit ay siya na yaon. Datapoua cun malaqui ang saquit, ang isang basahang babad sa malacucong tubig, na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao; ay yaon ang totoong daling nacacaguinhaua sa maysaquit. Magaling ding budburan nang color na mapula, na guinagamit nang man~ga pintor; datapoua ang lalong madali sa lahat, ay tudluquin nang carayom yaon man~ga lintog ó butil nang _culebra_ sa dacong ilalim nang butil, at ang tubig na lungmalabas, ay pahiran nang isang tuyong damit. Ang man~ga tapal na may taba ay hindi sucat gamitin dito sa saquit na ito.
233. Cun ang culebra, ay ungmuurong at pungmapasoc sa loob nang ulo, ó sa lalamunan, ó sa baga, ó sa loob nang catauan nang tauo, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit; saca lalag-yan nang parapit sa man~ga binti número 36; at parating paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao_, na dinoonan nang caonting _salitre_ para nang turo sa párrafo 230.
=CAPÍTULO 24.=
_Ang saquit na galis na pinan~gan~galang_ sarna _nang castila._
234. Dito sa lupa nang Filipinas ay naquiquilala nang lahat na tauo ang galis. Ang pinangagalin~gan nitong saquit na ito ay ang pagcain nang man~ga cun ano-ano, ang pagcain namang parati nang man~ga ma-aalat, pati nang bun~ga nang cahoy na hindi cahinugan, at ang malibag na damit. Mayroon namang tauo, na caya guinagalis, ay siya,i, nalalinan noon.
235. Ang gamot sa guinagalis ay gayon. Houag pacanin nang man~ga ma-aalat at maasim, pati nang may taba, ó nang man~ga maiinit para nang _pimienta, chile, clavo, luya, _etc. Painumin arao-arao nang tubig na pinaglagaan nang bilin sa número 26, ga tatlong taza carami maghapon. Sa icapat ó icalimang arao ay purgahin nang bilin sa número 21. Pag nacalalo ang pitong arao, ay pupurgahin uli, at bago pacanin ang maysaquit cun umaga, at bago siya humiga nang gab-i ay papahiran nang ungüentong bilin sa número 52 ang lugar na sinisibulan nang galis. Touing icatlo ó icaapat na arao ay pinapahirang uli hangang sa macaapat; at caalamalam pagca yari na ito ay mauauala ang galis; datapoua cun baga ungmuuli ay capupurgahin pa ang guinagalis noon ding bilin sa número 21, bago ituloy ang pagpapahid sa man~ga galis na para nang dati. Ang damit nang maysaquit ay cailan~gang paltang parati nang ibang malinis. Magaling sa saquit na ito ang pagpambo ó paliligong parati sa man~ga ilog, at uminom nang café arao-arao.
236. Cun baga caya guinagalis ang tauo ay gaua nang siya,i, nalalinan noong saquit na yaon, at ang galis ay bagong-bago pa, ay hindi cailan~gang purgahin muna. Datapoua cun lauon nang panahong pinabayaang hindi guinamot ang galis ay gagamutin para nang sabi co sa itaas sa párrafo 235, na sinusundan nito.
237. Cun ualang mantica, ó cun ualang _sal amoniaco_ at dahil doon hindi mo magaua ang ungüentong bilin sa número 52, na-aari ang turo sa número 44. Tandaang magaling nang man~ga mangagamot na itong saquit na galis ay hindi sucat gamutin pagcaraca cundi unahin ang purga, at saca isunod doon ang ibang sinabi co sa párrafo 235.
=CAPÍTULO 25.=
_Ang saquit na buni sa uicang castila_ empeines ó herpes.
238. Ang tauong binubuni, cun ibig niyang mauala ang caniyang saquit ay humambo siya muna arao-arao; saca siya,i, uminom touing arao nang _cremor_ número 24 timbang saicapat na isasama sa tubig na pinaglagaan nang chicoria (dilang usa); ó cun ang buni ay masama,t, malacas lumaban sa gamot ang iinumin ay ang bilin sa número 71. Ito,i, gagauin nang labingdalauang arao calauon. Saca ang maysaquit ay magsangra at magpurga nang bilin sa número 21. Quinabucasan bago siya cumain, ó bago humiga, ay pahiran ang ibang man~ga buni nang ungüentong bilin sa número 45 ó 52. Dito sa saquit na ito,i, masama ang malibag na damit, at ang di pagpambo nang malimit-limit. Hindi sucat pahirang minsanan ang lahat na buni; at masama sa may catauan ang biglang mauala ang caniyang saquit; caya mabuting pabayaang lumalo muna ang ualong arao man lamang; at magpurga uli ang binubuni. Yaong buning masama ang color, na lungmalaban sa gamot, ay maigui cayurin muna nang isang caputol na pingang basag, ó nang isang cuchillo, bago cuscusin nang bauang at aguio, na cucunin sa bubun~gan nang cusina; ito,i, gamot na marahil gauin nang tagalog, at totoong buti.
=CAPÍTULO 26.=
_Ang gamot, sa mancha sa muc-ha at sa man~ga pilat._
239. Mayroong tauong nilalabasan nang man~ga mancha sa muc-ha, di man siya nagcacasaquit, at nang mauala yao,i, basain ang muc-ha na maquiilan maghapon nang _sucang_ matapang, na pinaglagaan nang ugat nang _calabasang_ puti. Magaling namang lahiran nang gata nang salagsalag ó _pacupis_ (pepinillo de San Gregorio) na binabayo muna,t, pinipiga; at ang gata ay sinasamahan nang caonting _pulot_. Itong gata nang salagsalag ó pacupis na may calahoc na pulot ay siya rin ang iguinagamot sa man~ga pilat, nang houag magbalan~gan ang color nang catauan. Ito,i, turo ni Clain. Datapoua,t, ang dahilan nang man~ga mancha sa muc-ha ó sa catauan ay saquit na namamahay sa loob.
=CAPÍTULO 27.=
_Ang gagauin sa sinisibulan nang anomang bagay na sibol._
240. Bagaybagay ang sungmisibol na masama sa catauan nang tauo, sa macatouid; ang _pigsa,_ ang _baga,_ ang _tiboc,_ ang _taguihauat,_ ang _cancro,_ at ang iba pa na may canicaniyang pan~galan. Cun inaacalang may sisibol sa catauan, agad agad ay pacacactan sa linta yaong lugar na masaquit na namamaga na, ó palibot doon sa talagang sisibulan. Cun ualang linta, ay na-aari ang cadlitan muna bago tanducan, ó tacluban nang ventosa, na ito,i, hindi gagauing miminsan lamang, cundi maquiilan. Pagca gayon ang gaua, yaong talagang sisibol ay hindi na tungmutuloy cun minsan, at tumuloy man, ay gungmagaan ang saquit dahilan sa pagcuha nang dugo. Pag nacunan nang dugo ang maysaquit, at inaacalang masama ang sisibol, ay pupurgahin cun marumi ang dila nang bilin sa número 21, at susumpitin arao-arao na ualang liban nang bilin sa número 5. Bucod dito ay houag ipatiquim sa maysaquit ang sabao, ang alac, ang man~ga mahanghang, ang carne, ang itlog, ang isda at ang baboy. Ang caniyang cacanin lamang ay ang tinapay na durog, na isinama sa tubig na mainit, ó linugao cun ibig niya. Ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa número 2. Cun ang sibol ay nacaputoc na, ay itinutuloy ring guinagaua itong lahat na turo co n~gayon, pati nang pagcuha nang dugo na gagauin doong palibot sa sibol. Saca guinagamot ang sibol para nang sasabihin co sa párrafong isusunod co dito. Cun minsan ay cailan~gang sangrahan ang talagang sisibulan nang anomang masama, at lalo pa cun nalalagnat ang may catauan, ó cun hindi siya patuluguin noong masaquit, ó cun malaquing totoo ang pamamaga noong lugar na sinisibulan. Datapoua cun minsan ang man~ga linta na idinoroong palibot sa sibol ay siya na. Cun nacaputoc ang sibol, ay houag nang sangrahan ang maysaquit.
_Ang gamot sa pigsa, sa uicang castila,i,_ divieso.
241. Ang pigsa,i, sibol na matigas na mapula pula, masaquit at mainit na mayroong ugat na isa, at ga catulad nang isang bun~gang munti nang piña.
242. Ang pigsa cun iisa lamang ay hindi lubhang macahihirap sa tauo, at cun minsan siyang cusang nauauala pag nacaputoc. Datapoua cun mahirap ang damdam nang pinipigsa, ó cun ang pigsa,i, marami susundin muna ang bilin doon sa párrafo 240; at nang lumambot ang pigsa, ay tatapalan nang tinapay na n~ginuya, ó nang tinapay na dinurog na minasa sa caunting gatas nang anomang hayop. Cun ualang tinapay, ay matatapalan ang pigsa nang pataning binayo. Pag nacaputoc na ang pigsa, at ang pinacaugat ay nacuha na, ay nauauala ang saquit; datapoua cun baga may natitira pang matigas doon sa sinisibulan nang pigsa, ay tapalang uli nang tinapay na dinurog, na pinataca,t, minasa sa gatas. Ito rin ang gamot sa sibol, na cun tauaguin nang tagalog ay _pigsang daga._
_Ang gamot sa taguihauat, na cun turan nang castila ay_ carbunco.
243. Ang taguihauat ay isang bagay na sibol na matigas, mapula pula, mainit, mahapdi at masaquit, na may ugat din para nang pigsa; datapoua ang taguihauat mayroon sa ibabao na tila lan~gib, at ang pigsa,i, ualang gayon.
244. Ang gagauin sa sinisibulan nang taguihauat ay ang turo sa párrafo 240. Saca cun macaputoc, ay tapalan nang isang cabiac na lasonang inihao sa apoy, na mainit cun itapal. Ang uica naman ni Rivera, na ang totoong galing sa sibol na yao,i, ang _palaca_ sa ilog, yaon bagang palacang tungmatahan sa tubig na ungmaanod; saca pinipisa ang ulo, at pinapatay, bago bia-quin at itapal sa sibol; touing icalauang oras ay pinapaltan nang ibang palacang bago; at sa loob nang isang arao ay gungmagaling ang maysaquit, at ang ugat nang sibol ay madadala tuloy nang palaca. At cun mayroon pang natitirang ugat ay mag-ihao ca nang isa ó dalauang palaca sa horno ó sa palioc; saca bayuhin mo at itapal sa sibol, at mabababao.
_Nota._ Cun minsan pinan~gan~ganlan din nang tagalog na taguihauat ang _cancro_ na sasaysain co n~gayon.
_Ang gamot sa_ escirro _at sa_ cancro, _na cun sumibol sa suso nang babayi ay tinatauag nang castilang_ zaratán; _pati nang gagauin sa nasisira ang caniyang ilong._
245. Ang escirro ay isang bagay na bucol, na matigas, na hindi rin masaquit, na casin~g color at casing init nang ibang balat, na anaqui hindi carugtong nang ibang laman, cundi tila nabubucod; datapoua cun quibuin nang camay, hindi ungmuuga para nang man~ga _lobanillo._ Ang escirro cun minsan ay sungmasama cun malauon, at naguiguing _cancro._ Caya naquiquilalang maguiguing cancro na ang escirro, sapagca ungmiinit at cungmacati ang lugar na quinadoroonan nang bucol, na dahil doo,i, ibig camutin nang maysaquit. Ang bucol ay lungmalaqui, at nagbabago nang hichura, at bucod doon ay sungmasaquit na maminsan minsan, at cun malauon ay parati na. Ang man~ga ugat na nadoroong palibot sa escirro ay namamaga at nan~gin~gitim. Cun malapit nang magsugat ang cancro, ay lalong masaquit; at cun nacapagsugat na ang lumalabas doo,i, totoong baho; ang sugat ay gumagapang at cun minsan mayroong ugat na na-aabot at lungmalabas ang dugo. Ang marahil sibulan noon ay ang man~ga matabang tauo, at ang man~ga dalagang matanda. Cun minsan dala nang capanglauan ó nang pagca galit nang may catauan, ó nang pagcain nang maraming bauang ó man~ga bagay na maliuag matunao sa sicmura.
246. Ang gamot sa _escirro,_ ay gayon. Gagauin pagcaraca ang man~ga bilin sa párrafo 240; datapoua cun minsan ay masamang cunan nang dugo; at cun baga hindi nauauala ang pamamaga, ay tapalan nang bilin sa número 60. Ang maysaquit ay mabuti palonoquin arao-arao nang bilin sa número 57. Cun ang _escirro_ ay sungmamá at naguing _cancro_ na, magsugat man di man magsugat, ay yaon din ang gagauin, sa macatouid ang tapal número 60, at ang bilin sa número 57. Ang sibol sa suso nang babayi na ang pan~gala,i, _zaratán_ ay gagamutin para nang turo sa párrafo 489.
_Nota_ 1. Ang tagalog na tauo ay marahil sibulan sa licod nang isang bagay na sibol na ang pan~galan nila doo,i, _cancro ó grano maldito._ Sa aquing acala yaon ay hindi totoong cancro; at ang gamot doo,i, ang bilin sa párrafo 240. Nacabubunot sa gayong sibol (ani P. Clain) ang pinacatalbos nang _maguei_ (maguí) na babayuhin munang maigui bago itapal. Magaling din sa gayong sugat (ani P. Santa María) ang dahon nang _tan~gantan~gan ó lin~gangsina_ (higuerilla del infierno) na babayuhin muna bago itapal sa sibol. Pagca nacaputoc na ang sibol ay hinuhugasan at linilinisan ang sugat nang gata nang _lantin._ Ang uica nang iba, na totoong magaling na gamot sa gayong sibol ang ugat nang _calaboa,_ na binabayo muna,t, pinapatacang sabay nang caunting lan~gis nang niyog at siya ang itinatapal doon.
_Nota_ 2. Pag nagsusugat at nasisira ang ilong nang tauo, cun minsan gagaling siya pag ininom nang mahabang panahon ang bilin sa número 57. Datapoua,t, magpupurga naman siya nang malimit-limit bilin sa número 21.
_Ang gamot sa tiboc, na cun turan nang castila,i,_ panadizo, ó panarizo.
247. Ang tinatauag nang tagalog na tiboc ay sungmisibol sa man~ga dulo nang daliri, at totoong sungmasaquit. Itong ganitong sibol ay hindi sucat hamaquing pabayaan, sapagca cun minsan ay nabubuloc at nasisira pati nang buto nang daliri, cundi gamutin pagcaraca. Cun minsan ay namamaga ang boong camay hangang itaas.
248. Ang gagauin sa sinisibulan nang gayon, ay ang man~ga bilin sa párrafo 240. Cun malaqui ang lagnat pati nang pamamaga nang camay, ay sangrahan ang maysaquit minsan ó maquiilan, ayon sa calaquihan nang caniyang saquit; at sapagca itong sibol ay masama, ay cailan~gang ibabad nang ibabad na pagcaraca sa tubig na mainit (houag sa malacuco lamang) ang daliring sungmasaquit; at pagca guinaua itong pagbababad na ito sa unang arao nang pagsaquit nang daliri, ay cun minsan hindi na tungmutuloy ang sibol cundi nauauala. Gayon din mabuti itapat na parati ang casangcapang masaquit sa sin~gao nang cungmuculong tubig Magaling ding tapalan nang bulaclac nang _camantigui_ na babayuhin muna na may caunting _asin_. Datapoua cun hindi guinamot na tambing nang gayon, at tungmutuloy ang sibol, ay babasaing parati ang daliri nang _gatas_ na pinaglagaan nang bulaclac nang culutan, ó tapalan nang tinapay na durog na linahucan nang gatas; ang totoong buti doon naman ay ang _levadura_ nang trigo, nang madaling magnana ang sibol. N~guni itong man~ga ganitong tapal ay hindi dapat ilagay, cundi maualauala muna ang pamamaga nang sibol, at cun talagang magnanana na.
249. Cun inaacalang may nana na ang sibol, ay hiuain pagcaraca, at houag palauonin doon ang nana; saca guinagamot ang daliri nang ungüentong bilin sa número 66. Cun minsan ang man~ga casangcapang sinisibulan nang tiboc, ay linalabasan nang laman, na lungmalaqui,t, lungmalabis sa rati; at itong labis na laman ay mauauala cun budburan mo nang caunting _tauas_ na sinunog. Cun baga nabubuloc ang buto ang daliring sinibulan nang tiboc, ay maiguing hiuain ang laman nang maraming hiua sa lugar na naquiquilalang nabubuloc, at basaing parati nang tubig na pinaglagaan nang _dita (quina)_ na sinasamahan nang _espíritu de azufre,_ na bibilhin sa Maynila, na yaon din ang turo sa número 10, na ualang calahoc anoman; ang maysaquit ay paiinumin din nang _dita_ número 14, timbang saicapat touing icalauang oras. Cun hindi rin nauauala ang pagcabuloc nang daliri, ay ipaputol sa marunong ang casangcapang nasasactan, pag naquiquitang tungmahan na ang pagcabuloc, at hindi na lungmalaqui, sapagca masamang putulin hangang may nabubuloc pa.
_Ang gamot sa baga, na cun turan nang castila,i,_ apostema.
250. Ang pinan~gan~ganlang _baga_ nang tagalog ay isang sibol na mapula pula cun bago, masaquit, mainit at ga tungmitiboc. Ang butas cun pumutoc ay isa, cun minsan; cun minsan ay marami.
251. Ang gagauin agad sa sinisibulan nang baga, ay ang lahat na bilin sa párrafo 240. Saca gagauin ang man~ga turo sa número 248, na yaon din ang iguinagamot sa tiboc.
252. Datapoua cun ang sibol, ay nagnanana na, ay hindi cailan~gang tapalan nang man~ga dahon nang man~ga damo, cundi ang magaling doo,i, hiuain agad ayon sa sasabihin co n~gayon sa párrafong isusunod dito.