Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit
Part 5
_Nota._ Mayroon namang ilang saquit na ang pan~galan nang castila doo,i, _escorbuto_ na yao,i, pagdurugo nang n~gipin. Itong saquit na ito,i, totoong sama cun hindi pagcagamuting agad. Ang nararamdaman nang nagcacasaquit nang gayón ay ang man~ga ganito. Ang catauan niya,i, mabigat na totoo, na dahil doon ay aayao siyang cumibo. Ang man~ga casucasuan nang man~ga buto ay lungmalagutoc, cun lungmalacad ang may catauan. Ang hinin~ga mabaho, pati nang bibig cung lungmalaqui na ang saquit. Saca ang man~ga n~gipin ay ungmuuga, at ang man~ga n~gidn~gid ay linalabasan nang dugo. Bucod dito ang man~ga n~gipin ay tila nan~gin~gilo at ga gungmagaspang. Ang man~ga paa cun minsan namamaga; cun minsan ga natutuyo. Ang balat nang muc-ha ay namumutla, at cun malauon ay ungmiitim-itim. Cun ang saquit ay lungmaqui pa mandin, ay nan~gabubuloc ang man~ga n~gipin; ang maysaquit ay linalabsan nang dugó sa iba,t, ibang lugar nang catauan; ang caniyang man~ga paa, pati nang ibang man~ga casangcapan nang catauan ay linalabsan nang mancha, na iba,t, iba ang color; saca nagsusugat nang masamang pagcasugat ang catauan niya, lalo pa ang man~ga hita; at pagca malubha na ang maysaquit, ay nalalagnat nang lagnat na _ética_, at ang iquinamamatay niya ay ang pag-iilaguin, ó ang pamamaga nang caniyang catauan ó ang pasmo, ó ang desmayo, ó ang pagcabuloc nang caniyang bituca.
Ang gamot sa saquit na ito,i, gayon. Ang maysaquit gagaua nang paraang mangyaring sumaya ang caniyang loob. Caya magaling sa caniya ang paglacad na parati, at ang pagdalao na parati sa man~ga caquilala, nang malibang ang caniyang loob. Mabuti namang pumambo nang malimit sa malamig na tubig. Houag siyang tatahan doon sa man~ga mababang lugar, na hindi nahahan~ginang maigui. Ganoon din masama, sa gayong saquit ang man~ga bahay na siquip, ó ang pagtahan sa piling nang man~ga laua ó nang man~ga tubig na tahan. Ang pagdurugo nang n~gipin mauauala, pagca n~guyain nang maysaquit nang malimit ang dahong sariua at hilao nang _mostaza_. Houag siyang cacain nang man~ga ma-aalat, sapagca yao,i, masama sa saquit na yaon. Ang carne at ang isda pag hindi sariua,i, masama rin. Ang magaling canin niyang parati ay itong man~ga ganito. Ang dalandan, ang dayap, ang tain~gan daga, ang sampaloc, ang coles, na ito,i, totoong buti sa caniya; ang mostaza ay magaling namang gulayin niya. Ang damong pinan~gan~galang _paco_, cun doonan nang suca, ay totoong buti sa caniya; datapoua hilao cun cacanin. Ang talbos nang _malungay_, ang _onti_, at ang colasiman ay totoong buti namang canin nang nagcacasaquit nang _escorbuto_. Ang caniyang lahat na cacanin ay mabuti lag-yan nang suca. Ang man~ga bun~ga nang cahoy, para nang _papaya, ates, manga, saguing, sapinit, lanzones etc_. ay bagay sa saquit na ito. Masama sa iniis-corbuto ang pag-inom nang tubig na malacuco bagcus ang maigui roon ay ang malamig na tubig.
Datapoua ang maiguing-maigui sa saquit na ito,i, ang pag-inom ó ang pagsipsip touing umaga nang catas nang dalaua ó tatlong dayap na ualang calahoc. Ito,i, gagauin nang mahabang panahon; n~guni touing icatlong arao magaling namang itahan, nang houag macasama sa sicmura yaong maasim.
=CAPÍTULO 11.=
_Ang Apoplegía, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit nang gayón, ay himatayin._
_Nota._ Pinan~gan~ganlan din nang tagalog na _himatayin_ ang nagcacasaquit nang _epilepsia,_ párrafo 409, pati nang dinaraanan nang malaquing _desmayo_ párrafo 439. Caya cailan~gang bacayan ang señal nitong man~ga saquit.
97. Naalaman nang lahat na tauo, at naquiquilala nila ang _apoplegía,_ yaon bagang calagayan nang tauo, na pagcaraca,i, nauaual-an nang damdam, at hindi macaquibo, at yaon din ang pinan~gan~ganlan nang tagalog na panhihimatay. Ang pinagmumul-an nitong saquit, ang malaquing galit ó toua; ang pag-iisip nang maliuag ó pagtin~gin nang maliuag; ang pagtin~gin nang malauon nang pataguilid; ang pagcain nang marami,i, masarap; ang pagpambo nang malauon sa mainit na tubig; ang palo ó sugat sa ulo; ang paggauang parati nang mahalay; ang mahigpit na tali sa liig, ang pag-aamoy nang masamang sin~gao ó amoy, ó cun ang may catauan inurun~gan nang pauis, galis ó buni ó nang saquit sa bouan bouan cun baga babayi; ó cun siya,i, inarauan.
98. Mayroong tauo na parating nanhihimatay, at magaling ang caniyang damdam pati catauan; ito,i, apoplegía rin; datapoua monti; ang dugo ay biglang ungmaac-yat sa ulo, at hungmihina pagcaraca ang maysaquit; datapoua nacacaalam tauo rin nang caunti. Magaling dito sa ganitong _apoplegía_ ang pagsasangra at ang sumpit; at nang houag umuli ang saquit, susundin ang ituturo co sa párrafo 104. Ang totoong galing dito ay ang polvos sa número 24; cun gayón ay umuli man ang saquit, ay malalauon.
99. Ang totoong _apoplegía_ ay dalauang bagay. Ang isa,i, dala nang dugo; cun ang dugo ay marami, mabigat, mataba,t, mainit; caya marahil dumaan itong ganitong panghihimatay sa man~ga tauong malalacas ang catauan at matataba. Ang icalauang bagay na _apoplegía,_ ay dala nang dugong matubig, na caya dinaraanan noon ang hindi lubhang malacas na tauo na may sarisaring bagay na calahoc sa caniyang dugo.
100. Ang panghihimatay na dala nang cáinitan nang dugo, cun minsan ay nacamamatay na tambing sa tauo, cun malaquing totoo ang saquit; cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ang pulso ay malacas, puno at mataas, at ang caniyang muc-ha ay mapula, at namamaga; ang liig ay namamaga rin ang paghin~ga ay mahirap at ga main~gay; ang may catauan ay hindi nacacaalam tauo, napapaihi, at napapailaguin at cun minsan dungmuroal. Ang gagauin doon, ay gayon.
101. Houag tatacpan ang ulo nang maysaquit; pati nang catauan ay houag cumutan nang macapal na damit, bubucsan ang man~ga pinto,t, dun~gauan nang silid; cun mayroong bigquis ó tali sa catauan nang maysaquit, cacalagui,t, palulubayin; bibigquisan lamang nang mahipit sa ibabao nang tuhod; ipalulocloc ang maysaquit sa bangco na ang paa ay lauit, at ang ulo,i, mataas; sasangrahan at cucunan nang timbang labindalauang pisong dugo sa paa, ó sa camay, at cun baga malacas tumaliris ang dugo, ooling sangrahan hangang ga macaitlo, ó macaapat ga loob nang apat na oras, cun baga inaacalang macacayanan nang maysaquit; susumpitin naman nang tubig na pinaglagaan nang culutan na may casamang lana, ó lan~gis na bago nang niyog, ga apat na cuchara, at isa pang cucharang asin; ito,i, gagauin touing icatlong oras. Cun mapapainom ang maysaquit, ay painumin nang maraming tubig na dinoonan nang timbang sa icaualong _salitre_ sa isang vaso. Pag tila nasasaulan na ang maysaquit, ay painumin nang bilin sa número 23, ó nang _crémor_ timbang isang salapi ó piso, at saca big-yan nang maraming _suero_ nang gatas. Houag paamoyin ang maysaquit nang anomang amoy na matapang. Houag quibuin, hipui,t, tauaguin ang maysaquit, at masamang totoo sa caniya yaon. Pag yari na itong lahat, cun baga hindi nauulian; cundí lungmulubha ay uala nang magaua roon.
102. Pagca gumaling na ang maysaquit, nacacaalam tauo na siya; datapoua cun minsan ang isang camay ó ang paa, ó ang cabiac na muc-ha ay ga namamatay, pati nang dila, na dahil doo,i, hindi mauauatasan ang caniyang uica. Itong pinacabacas nang apoplegía ay nauauala cun malauon, purgahin lamang maminsan minsan ang maysaquit, at houag pacanin nang marami. Anomang gamot na mainit, ay masama roon; ang pasuca i, nacamamatay sa inaapoplegía; caya hindi sucat ibigay sa nagcacasaquit nang gayon; at ibig mang sumuca siya, hindi sucat big-yan nang mainit na tubig man, at macacasama rin sa caniya.
103. Doon sa icalauang bagay na apoplegía na sinaysay co sa parrafo 99, na ang uica co,i, dala nang dugong matubig, na may bagaybagay na casama, ay gayon ang pag-gamot. Ang maysaquit sasangrahang miminsan lamang, cun ang pulso,i, mayroong catigasang munti; at cun malambot ang pulso, at hindi puno, houag sangrahan ang maysaquit. Saca ipalocloc sa bangco na ang paa nang maysaquit ay lauit. Pupurgahin nang polvos número 21; susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na dinoroonan nang asin maramirami at _jabón_, ga isang itlog na munti caramí, at _hojas de sen_ pa _(cangcong ó acapulco)_; ito,i, gagauing macalaua maghapon, at yaon ay totoong buting gamot. Sa icatlong arao pupurgahing uli, nang purgang mahina hina at pararapitan sa dalauang binti. Cun baga pinapauisan ang maysaquit, paiinumin nang anomang bagay nanacacapagpapauis; itong pagpapauis doon, ay itutuloy na mahabang panahon, hangan sa siyam na arao, sa halimbaua; at cun minsan itong pagpauis ay macacauala nan man~ga bacas nang _apoplegía._ Ang nagcacasaquit nitong icalauang bagay na apoplegía na sinaysay co n~gayon hindi lubhang nahihirapan nang paghin~ga. Ang pulso,i, hindi lubhang matigas; cun minsan sungmusuca ang maysaquit, at ang muc-ha,i, hindi mapula, para doon sa isang bagay na apoplegía.
104. Nang houag umuling dumaan ang saquit na apoplegía ó panhihimatay, cailan~gang maghusay ang maysaquit sa caniyang catauan. Ang lahat na bagay na apoplegía ay maliuag dumaang uli, cun hindi malacas cumain ang maysaquit, at lalo pa cun hindi cumain cun hapon. Saca siya,i, mag-in~gat sa _alac,_ sa _café,_ sa man~ga silid na mainit, pati sa arao; mabuti ahitin ang ulo, at basaing parati nang malamig na tubig; houag siyang cacain nang maraming carne, at cun cacain nang carne ay sisiu lamang; bagay sa caniya ang man~ga gulay, at ang man~ga bun~gang hinog nang cahoy; lumacad siyang parati; houag pahahabain ang tulog; at macaitlo touing lingo iinumin niya ang bilin sa número 24 cun umaga. Touing iinumin, ay saicapat ang timbang; at macaitlo sa santaong arao siya,i, magpurga nang bilin sa número 23. Datapoua sa dinaraanan nang icalauang bagay na _apoplegía,_ ang bagay na purga sa caniya ay ang bilin sa número 21. Magaling naman sa nanghihimatay ang fuente. Cun baga gumaling man ang maysaquit, siya,i, ga naliliyo, ó dungmarami ang caniyang dugo, ó quiniquisig siya sa man~ga catauan niya, ang gagauin agad, ay magsangra siya at maghusay sa caniyang pagcain, nang houag magcasaquit uli nang malaqui.
=CAPÍTULO 12.=
_Ang gagauin sa nagcacasaquit dahil sa inarauan; sa uicang castila,i,_ insolación.
105. Cun ang arao ay mainit, ang man~ga cahoy, ang man~ga bato, pati nang tangso ó bacal man, na nalalagay sa arauan, ay totoong ungmiinit, na cun minsan hindi mahipo nang camay. Gayón din ang tauo cun siya,i, inarauan nang malauon, at lalo pa cun ang ulo ang tinamaan nang arao, nagcacasaquit cun minsan nang malaquing saquit na pinan~gan~ganlang _insolación._
106. Ang tauong inarauan nang malauon, ay hindi matiis niya ang saquit nang ulo; ang balat ay mainit at tuyo; ang mata ay tuyo rin, at namumula. Cun minsan hindi macamulat, at hindi macatin~gin sa maliuanag; mayroong hindi macatulog; mayroong hilim na parati, at touing maguiguising ay ga naguiguitla. Ang caniyang lagnat ay malaqui; aayao siyang big-yan nang anomang gamot; hapay ang loob niya at cun minsan nauuhao, cun minsan hindi. Mayroong tauo, na dahil sa siya,i, inarauan maghapon, ay namamatay; at ang inasal nang mamamatay, ay para nang inasal nang quinacagat nang asong ban~gao. Cun ang tauo,i, nacacatulog sa arauan, ay lalo pang masama; at cun lasing ay lalo pa man din. Mayroon namang iba, na dahilan sa pagca inarauan, ang mata,i, sinisin~gauan ó naguiguing lirain, ó ga naguguló ang canilang pagtin~gin, ó cun minsan anaqui mayroon silang naquiquitang lungmilipad na parati sa canilang harap. Ang lungmalagay sa arauan, at nalalauon doon, ay cun minsan dinaraanan nang panghihimatay, _apoplegía;_ cun minsan ang lalamunan ang masaquit na yao,i, parang _angina ó garrotillo;_ ó cun minsan namamaos, ó namamaga ang liig. Ang apoy nacacasama rin sa tauo cung nalalauon siya sa tapat, at isa rin nang arao.
107. Ang gamot sa inarauan ay ang pagsasangra; saca ang man~ga bagay na malalamig gagamitin doon sa ipinaiinom, sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa maysaquit. Ang pagsasangra ay cailan~gang totoo, at cun hindi pa nauauala-uala ang hirap nang maysaquit, uuling sasangrahan. Ang isusunod sa pagsasangra ay ang baños sa tubig na malahinin~ga lamang, at houag sa mainit. Ang pagbabaños ay paparatihing gagauin, sapagca totoong igui sa saquit na ito. Datapoua cun ang maysaquit ay malubha, ang boong catauan ay babañosan; saca susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan. Paiinumin nang _limonada,_ ó cun ualang _dayap,_ ang tubig na may _sucang_ caunti ay maigui rin; ang suerong malinao nang gatas, na sinasamahan nang caunting _suca_ ay lalo pang mabuti; itong lahat na painom ay malamig cun inumin. Ang noo, ang quibotquibotan, ó ang boong ulo,i, lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malamig. Ang bilin sa número 32 magaling ding inumin touing umaga, bago cumain nang anoman ang maysaquit.
108. Cun ang saquit ay malaquing totoo, at hindi nagcacasiya itong man~ga gamot, sinabi co n~gayon, ay cailan~gang pambohan, ó ibabad ang maysaquit sa tubig na malamig, pati nang ulo ay bubusan naman nang malamig na tubig; datapoua bago pambuhan ay sasangrahan muna ang maysaquit.
=CAPÍTULO 13.=
_Ang_ Reuma, _na ang pan~galan nang tagalog doo,i, balingtamad, na ang masaquit_ _ay ang man~ga casucasuan nang_ _man~ga catauan nang tauo._
109. Ang saquit na balingtamad, ó _reuma,_ ay may lagnat na casama; cun minsan ualang lagnat. Cun mayroong lagnat, nan~gan~galigquig muna ang maysaquit; hungmahalili ang lagnat na malaqui, at ang saquit nang ulo; mainit ang pagcaramdam, at ang pulso,i, matigas; sa icalaua, ó sa icatlong arao, mayroong sungmasaquit na casucasuan na di maiquilos yaong casangcapang nasasactan, na namumula cun minsan at namamaga. Ang tuhod ang marahil sumaquit, at cun minsan ang dalaua,i, nagsasabay. Cun ang saquit ay talagang mananatili sa catauan, ay ungmuunti ang lagnat. Cun minsan lungmilipat ang saquit sa ibang lugar. Ungmaalis sa bulalo nang tuhod sa halimbaua, at napaparoon sa paa, at ungmaacyat sa sin~git; ungmaalis dito at napaparoon sa bayauang, ó sa balicat caya ó sa sico, sa batoc ó sagalang-galan~gan nang camay; cun minsan ang maraming casucasuan, cun minsan ang lahat ay sungmasaquit, na totoong cahabaghabag ang lagay nang maysaquit; maghapo,t, magdamag ay tili, at salang hipuin, ay sungmisigao. Ang totoong lauong saquit ay ang sa bayauang, ang sa batoc, at sa balisacang.
110. Cun ang saquit ay nananatili sa balat nang ulo, sa bubong nang mata, ó sa n~gipin ay totoong nahihirapan ang maysaquit; at lalo pang mahirap at mapan~ganib cun napapasaloob ang saquit. Cun ungmacyat sa ulo, ay nagbabalais ang maysaquit; at cun sa sicmura, ó sa bituca mapatun~go, ó sa baga, siya,i, mamamatay caalam-alam.
111. Mayroon namang nagcacasaquit na binalingtamad, na di nalalagnat nang malaqui; at capag sungmasaquit na ang man~ga casucasuan, nauauala ang pagcalagnat.
112. Cun ang saquit ay nalalauon sa isang casucasuan, hindi na maiquilos cailan man yaong casangcapang nasaquitan.
113. Ang dahilan nang saquit na ba-balingtamad ay ang pag-inom nang alac na marami, ang pag-urong nang pauis, ó pinacataib nang catauan, ang paglacad cun gab-i, ang han~ging malamig na may casamang ulan, at ang calaputan nang dugong mainit. At cun hindi paual-in muna itong calaputan, ó cainitan nang dugo, hindi lilitao uli ang pauis. Cun minsan itong saquit ay casama nang escorbuto ó nang pan~giqui.
114. Cun naquiquilala nang magaling ang saquit, susumpitin muna ang may catauan nang bilin sa número 5, at pag lungmalo ang isang oras at ang maysaquit ay marugo, ay sasangrahan sa camay, at cucunan nang timbang labing dalauang pisong dugo; ang maysaquit _ilalagay sa husay_ (capítulo 4); paiinumim naman nang bilin sa número 2, ó cun hindi minamagaling nang maysaquit ito, ay iinumin niya ang malinao na _suero_ na may pulot na calahoc, at siya ang totoong buti sa saquit na ito; pati sa pagsumpit doon, na-aari ang _suero._
115. Cun baga sangrahan man ang maysaquit, hindi pa gungmiguinhaua ang caniyang damdam, ay cailan~gan sangrahang uli sa loob nang ilang oras; at cun minsan hindi pa magcasiya ang macalauang sangrahan.
116. Arao-arao susumpitin, at cun hindi marami ang iniilaguin niya, uuling gagauing macalaua maghapon, lalo pa cun masaquit ang ulo; datapoua cun baga hindi maquibo, at hindi masumpit ang maysaquit, painumin nang _suero_ arao-arao, at saca cun umaga at cun hapon painumin naman nang bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang inom. Ang man~ga hinog na bun~ga nang cahoy macacain nang maysaquit.
117. Pag nauala na ang lagnat at malambot na ang pulso, ay pupurgahin ang maysaquit nang bilin sa número 23; at cun siya,i, nanabing macalima ó macaanim, caalam-alam yaon ang pag-guinhaua nang damdam niya; saca cun malauonlauon ay pinu-purga uli.
118. Cun baga malaquing lubha ang saquit nang casucasuan, ang maysaquit ay cuculubin sa sin~gao nang tubig na mainit na ualang calahoc, at ang casangcapang masaquit ay itatapat sa sin~gao nang tubig. Magaling tapalang parati nang bilin sa número 9. Ang pagpambo sa malacucong tubig ó ang baños man lamang hangang tuhod, ay macaguiguinhaua rin sa maysaquit, pag sinangrahan at sinumpit ayon sa sinabi co na sa itaas. Datapoua cun pambohan muna ang maysaquit, bago sangrahan, ó purgahin, ay lulubha siyang bagcus.
119. Cun gab-i ang saquit ay malaqui; datapoua malaqui man, hindi sucat big-yan nang anomang bagay na patulog ang maysaquit, at masama bagcus sa caniya.
120. Ang saquit na balingtamad nauauala sa pag-iilaguin ó sa pag-ihi nang ihing malabo,t, malapot na may latac na tila madilao, ó sa pagpauis. Marahil dumaan ang pagpauis sa catapusan nitong saquit; at cun gayo,i, magaling painumin ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao_ nang mapauisan pa mandin.
121. Cun minsan naman cun mauala na ang saquit na balingtamad, ay nagcacalintog ang man~ga paa na cun malauo,i, naguiguing sugat; itong sugat hindi sucat gamutin agad, at uuli ang saquit; ang pagpurgang maminsan-minsan, at ang pagiin~gat sa pagcain marami, ay nacauauala roon sa man~ga sugat na yaon.
122. Cun minsan ang maysaquit, ay sinisibulan nang baga, ó ibang bagay na sibol doon sa lugar na masaquit, ó dapit doon. Caya cun mayroong naquiquitang sibol, ay gagamuting agad nang médico. Mayroon namang maysaquit na guinagalis at yaon ang pag-galing niya.
123. Ang saquit na balingtamad hindi lungmalalo sa labing apat na arao; datapoua mauala man ang saquit, cun minsan namamaga pa, ó nan~gin~gimay ang casucasuan. At nang mauala itong pamamaga, ó cahinaan nang casangcapang nasactan, ay cucuscusin touing umaga at touing hapon nang isang basahang tuyo; lalacad ang maysaquit at susundin niya ang lahat na bilin sa capítulo 5, tungcol sa maysaquit na gungmagaling-galing na.
124. Mayroong namang binabalingtamad na tauo na hindi marugo, may sarisaring calahoc lamang, ó malapot caya ang dugo noon. Ang ganitong tauo; lagnatin man nang malaqui, hindi cailangang sangrahan; ang bagay dito,i, ang purga, at saca ang man~ga parapit. Ang polvos número 25, ay maigui rin; datapoua cun baga matigas ang pulso nang maysaquit, masama, sa caniya ang parapit.
_Ang saquit na binabalingtamad na malauon._
125. Pinan~gan~ganlang balingtamad na lauon ang ungmuuli sa tauo at nauauala, at saca ungmuuli rin, na parati ganoong nauauala,t, sungmisipot; ualang casamang lagnat, hindi maraming casucasuan ang sungmasaquit; cun minsan hindi namumula; at hindi namamaga ang masaquit na catauan; datapoua cun minsan namamaga,t, namumula. Ang saquit na balingtamad na sinaysay co sa itaas, ay marahil dumaan sa man~ga tauong matataba,t, malalacas; datapoua itong isang saquit ay dungmaraan sa man~ga mahihinang tauo at sa man~ga babaying masasactin.
126. Itong isang bagay na saquit na balingtamad, cun hindi guinamot nang paanyo, ay nalalauon nang mahabang panahon at di iilang taon cun minsan; lalo pa cun namamahay sa ulo, sa bayauang ó sa balacang, ó sa hita, na yaon ang tinuturang _ceática._ Cun minsan lungmalagay ang saquit sa isang cabila lamang nang ulo, ó sa sihang, sa isang daliri, sa bayugo nang tuhod, sa isang tadyang, ó cun minsan sa isang suso, na ang isip nang may catauan na yao,i, _cancro._ Cun sa baga mapatun~go, ang maysaquit ay nag-uubong parati at totoong lungmulubha; cun sa sicmura, ó sa bituca manatili, ay ang maysaquit anaqui may _cólico;_ at cun sa pantog nang ihi paroon ang saquit, ay ang acala nang may catauan ay mayroon siyang bato roon.
127. Ang pag-gamot dito sa ganitong saquit na balingtamad, ay iba-iba nang caunti sa pag gamot doon sa isang bagay na saquit na sinaysay co sa itaas. Cun malacas ang maysaquit, at malaqui naman ang saquit niya, ay sasangrahan, at paiinomin siyang parati nang bilin sa número 26, at ito,i, gagauing limang arao. Pag pinainom na nitong gamot, ay pupurgahin nang bilin sa número 21.
128. Cun baga ang saquit hindi pa nauauala, bibig-yan ang maysaquit nang píldoras número 18; at paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao._ Pagca guinaua na itong lahat na gamot at ang maysaquit ay ualang lagnat, cun husay naman ang caniyang sicmura, at ugali ang caniyang pananabi, at cun hindi rin namamaga ang casangcapang masaquit, at hindi mainit, ó ga tuyo ang catauan nang maysaquit, ay mabibig-yan siya bago humiga nang polvos número 25 sa isang tagayang tubig na hinulugan nang caunting _triaca,_ ga ualong butil na maiz carami; at caalam-alam gagaling na, lalo pa cun tapalan, ó cumutan ang casangcapang masaquit nang isang basahang babad sa tubig na turo sa número 27.
129. Sa lahat na bagay na saquit na balingtamad, ang _ceática_ na sinaysay sa itaas sa párrafo 126, yaon ang totoong lungmalaban sa man~ga gamot. Datapoua magaling lag-yan nang parapit ang masaquit na casangcapan, at lalo pang magaling sa parapit ang tacluban nang pito ó ualong ventosa; at ito,i, paparatihing gagauin. Ang isang _lienzo encerado,_ sa macatouid, ang isang caputol na damit na isinaosao sa pagquit na tunao ay maigui ring itapal na parati doon; ó tapalan caya nang dahon nang _papaya,_ ó nang dahon nang _lin~gansina_ (tan~gantan~gan). Gayon din ang apog na bagong yari at ang pulutpocquiotan ay minamasa capoua at itinatapal. Ang isang _fuente_ sa ilalim nang hita ay maigui rin. Datapoua cun hindi mangyaring mauala yaong saquit na yaon, ay pasuin ang casangcapang masaquit; houag lamang ang ulo, cun naroroon na ulo ang saquit.
130. Magaling sa saquit na ito ang pagpambo sa mainit na tubig na bungmubucal sa lupa para nang sa bayang pinan~gan~ganlang _Los Baños;_ datapoua pupurgahin muna ang maysaquit, bago pumambo siya doon. Ang pagpambo sa malamig na tubig pag magaling na ang maysaquit ay sucat gauin nang malimit, nang houag umuli ang saquit na balingtamad. Mabuting totoo naman, ang cuscusin touing umaga nang isang basahang tuyo ang boong catauan, lalo pa ang casangcapang masaquit. Sa panahong tag-guinao ay magaling gumamit ang maysaquit nang damit nang balahibo nang tupa na pasasayarin sa laman; na-aari rin ang damit na tinina nang azul. Ang pag-inom nang mahabang arao nang tubig na pinagbabaran nang _trifolio fibrino,_ (pan~gasvit) ay magaling na totoo sa saquit na balingtamad; at cun baga ang balingtamad ay casama nang escorbuto ang mabuti roo,i, magbabad sa calahating botellang tubig ó alac sa misa nang timbang isang salaping _quina (dita)_ at timbang cahating _ruibarbo,_ at touing arao iinumin nang maysaquit ang isang calahating tazang mahiguit.
131. Masama dito sa ganitong saquit ang aguardiente, at ang ibang man~ga maiinit na bagay, pati nang man~ga ungüentong may tabá. Mayroon namang tauong binabalingtamad, na gamutin man nang paanyo, ay hindi gungmagaling, bagcus lungmulubha; itong ganitong maysaquit ay magaling pa sa caniya ang houag gamutin, lalo pa cun matanda.
=CAPÍTULO 14.=
_Ang saquit na pinan~gan~ganlang piyo, sa uicang castila,i,_ gota.