# Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

## Part 4

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/ang-mahusay-na-paraan-nang-pag-gamot-sa-manga-maysaquit-17479/index.md

Ang guinagaua nang iba hindi ang gatas cundi ang _suero_ noon, siya ang iniinom. Caya cun baga nacacayanan ang suero nang sicmura nang maysaquit, ay mabuti inumin niya yaon; houag lamang uminom siya pagcaraca nang marami hangang hindi pa bihasa. Datapoua gamitin man nang maysaquit ang gatas, gamitin man ang suero hindi macagagaling sa caniya cundi ituloy gauin nang ilang bouan calauon. Maigui rin dito ang _talaba_ na yao,i, hindi lulutuin, cundí pagcaraca,i, cacaning hilao.

Dito sa Filipinas ang natutuyo ang catauan ay magaling uminom siya nang _tuba sa niyog ó sa caong,_ datapoua houag ang maasim. Mabuti rin ang siya,i, cumain nang man~ga sarisaring matamis na guinagaua sa man~ga trapiche.

Itong man~ga uica co n~gayon ang sucat gauin nang natutuyo ang catauan, at cun minsan siya ang nacagagaling sa marami; datapoua mayroon pang iba na turo ni Buchan na magagaua mo cun ibig mo, at cun minamagaling mo, na yaon n~ga ang isusunod co rito.

Cun ang saquit nang pagcatuyo nang catauan ay bago pa, at totoong lacas nang pag-uubo nang may catauan ay masasangrahan siya nang umonti ang caniyang ubo; at nang houag macahirap sa caniya ang pag-uubo, ay painoming maminsan minsan siya nang isang cucharang gatas nang _dayap_ na sasamahan nang isang gayon din polot na lulutuin muna sa mahinang apoy. Ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang _manzanilla;_ datapoua cun baga siya,i, lungmura nang dugo ay houag painumin noon.

Cun baga ang maysaquit mayroong sibol doon sa caniyang baga, ay basahin mo ang párrafo 42, at ang man~ga magcasumonod doon.

=CAPÍTULO 7.=

_Ang sintac sa dibdib, na pinan~gan~galan nang man~ga médicong pleuresia, ó dolor de costado._

56. Ang _pleuresía_ ó ang sintac sa dibdib ay catulad nang saquit na _pulmonía_ na sinasaysay sa itaas sa capítulong nacalalo. Dito sa _pleuresía,_ ang _baga_ nang maysaquit ay namamaga rin para doon sa nagcacasaquit nang pulmonía; datapoua,t, itong pamamaga nang baga nang sinisintacan ay sa dacong ibabao, at ang nararamdaman niya ay gayón.

57. Guiniguinao muna ang maysaquit, hungmahalili ang lagnat, ang pag-uubo, ang casiquipan nang dibdib; ang pagsaquit nang ulo, at ang bahag-ya na macahin~ga ang maysaquit; ang marahil idaing nang pinipleuresía ay ang matigas na saquit nang man~ga taguiliran nang dibdib sa ilalim nang susó, at ang canang taguiliran ang malimit sumaquit; cun minsan nama,i, alin mang lugar nang dibdib ay sungmasaquit. Bucod dito,i, namumula cun minsan ang pisn~gi, at ga ibig sumuca ang maysaquit. Cun minsan hindi nararamdaman ang saquit nang dibdib, cundi lungmalo muna ang ilang oras, ó sa icalaua ó sa icatlong arao nang pagcacasaquit. Ang pulso nang maysaquit ay matigas; datapoua cun malaquing totoo ang saquit, at mapan~ganib ang buhay nang tauo, ang pulso ay malambot at munti. Cun minsan ualang lura, at uala ring ubo. Mayroon namang iba, na binabalin~goyn~goy, na ito,i, nacaguiguinhaua sa may catauan. Datapoua cun minsan ang tumutulong dugo ay buloc, na yaon ang pinacatanda na malapit nang mamatay ang tauo. Cun minsan tila mamamatay na ang maysaquit, at bagcus siya na ang paggaling niya.

58. Ang gamot sa _pinipleuresía_ ó sinisintacan ay para nang pag-gamot sa pinupulmonía. Caya sasangrahan ang maysaquit pagcaraca; at cun hindi siya gungmagaling, ó gumaling ma,i, ungmooli rin ang saquit na malaqui, sasangrahan pa mandin; datapoua cun hindi malubha ang tauo, ó cun hindi totoong lacas ang pagsintac, at ang maysaquit nacacalura, ay hindi cailan~gan sangrahang uli, cundi parapitan lamang sa man~ga binti ó doon sa lugar na masaquit.

59. Saca ang ibang gagauin doon ay naituro co na doon sa itaas sa párrafo 31 hangang sa párrafo 40 Sa lahat na bagay, ang totoong sucat igamot dito ay ang bilin sa número 8; at pagca bagong nagcasaquit ang tauo, ay tatapalang agad nang bilin sa número 9; at cun hindi pa nauauala ang sintac, parapitan doon sa masaquit. Gayon din ang pag-gamot sa man~ga babaying sinisintacan; at may panahon man, masasangrahan din.

60. Cun munti ang sintac, ay marahil mauala pag sinangrahang minsan ang maysaquit, at pag pinainom nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao_; itong tubig ay dinoroonan nang caonting _pulot_.

61. Ang saquit nang pleuresía ay nauauala sa paglura, ó sa pag-ihi, ó sa pagpauis, para nang pulmonía; cun minsan naman sinisibulan ang maysaquit nang _baga_ sa loob, ó tinutuboan nang bucol na matigas doon din sa loob, ó cun minsan nama,i, nabubuloc ang caniyang baga, para nang sinabi co na sa capítulo nang pulmonía.

62. Ang nagcacasaquit nang gayon hindi sucat big-yan nang _triaca, cordial, castol, ruda_, at nang man~ga bagay na nacacapagpapauis.

63. Ang tauong ungmiinom nang tubig na malamig, capagca siya,i, totoong nainitan, ay marahil magcasaquit nang pleuresía ó sintac; at mayroon cun minsang tauo, na pagcainom mandin, namamatay.

_Nota_. Bucod dito sa saquit na sintac na sinaysay co n~gayon, mayroong isa pang bagay na sintac nang _apdo_ ó _biliosa_, na yao,i, isa rin nang pulmonía nang apdo ó biliosa, na sinaysay co sa _nota 1_, nang párrafo 55, na pati nang pag-gamot ay isa rin. Caya susundin ang lahat na turo doon din sa _notang_ yaon.

=CAPÍTULO 8.=

_Ang saquit na ang pan~gala,i, garrotillo, at ang ibang man~ga saquit sa lalamunan nang tauo._

64. Marami ang saquit nang lalamunan nang tauo. Ang malimit dumaan doo,i, ang pamamaga niyong man~ga casangcapang nadoroon, na siya ang tinatauag na _garrotillo,_ na camuc-ha rin nang saquit na _pulmonía;_ ibang casangcapan lamang ang nasasaquitan.

65. Cun ang lalamunan ang masaquit, ay bahag-ya na macalunoc ang tauo nang anoman. Ang tubig at ang lauay lalong maliuag lunuquin. Guiniguinao ang maysaquit; nalalagnat siya nang malaqui, masaquit ang ulo, at ang ihi ay mapula. Datapoua cun ang namamaga ay ang naroong malapit sa dinaraanan nang hinin~ga nang tauo, ang paghin~ga ay mahirap, hindi tahimic ang maysaquit, at tila nahuhunghang; ungmaabot cun minsan ang saquit hangan sa baga, at namamatay ang tauo. Cun namamaga yaong lahat na yaon, sampon nang cutil pati nang puno nang dila, at ang ibang man~ga casangcapang naroon sa piling noon, ang may catauan ay totoong cahabaghabag; namamaga ang boong muc-ha; hindi siya macalunoc; ang paghin~ga ay maliuag; lungmalabas ang dila, ang pulso ay maralas at mahinang-mahina, at cun minsan lungmilibang; at ang maysaquit ungmaabot lamang hangan sa icatlong arao, at namamatay. Ang pinangagalin~gan nitong saquit ay ang pag-urong nang pauis, ang paglacad sa lupa cun bagong nacaulan at mainit ang arao; ang pagtapat sa han~ging malamig, ang pagbasa, ó ang pag-uiuica ó pagcacanta nang malauon, ang pagtulog na basa ang damit, ó ang pag-inom nang malamig na tubig, cun bagong galing sa init ang may catauan.

66. Ang saquit ay ungmaalis cun minsan sa loob at napapasalabas; cun gayo,i, magaling-galing ang pagcaramdam nang maysaquit. Datapoua cun sa utac, ó sa baga mapatun~go,i, mahirap at mapan~ganib ang may catauan.

67. Ang pag-gamot sa nagcacasaquit nang gayón, ay para nang guinagaua sa pulmonía. Ang maysaquit _ilalagay sa husay_ (capítulo 4), at cun baga mahirap na totoo ang caniyang lagay para nang sabi sa itaas sa párrafo 65, cailan~gang sangrahang macaapat ó macalima sa loob nang ilang oras; paiinuming parati nang bilin sá número 2, at número 4. Datapoua sapagca sa ganitong saquit ay hindi sumagui cun minsan sa lalamunan ang ipinaiinom, caya cailan~gang sumpitin touing icatlong oras ang maysaquit nang bilin sa número 5; at macaitlo maghapon ibababad ang caniyang man~ga paa sa mainit na tubig ga calahating oras calauon. Saca tapalan ang liig niya nang bilin sa número 9.

68. Maigui ring carlitan muna sa liig ang maysaquit, na totoong malubha na, n~guni houag lalaliman ang carlit, bago tacluban nang ventosa roon. Pinapagmumumog naman siya nang bilin sa número 19; at pinasisipsip nang sin~gao nang tubig na mainit na macaanim maghapon.

69. Cun ang cutil at ang dalauang tila bucol na capiling noon, yaon lamang ang masaquit, at namamaga, ay cailan~gan ding sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun ang pulso ay matigas at puno; ito,i, gagauin agad, maca cun pabayaan yaong pamamagang yao,i, mapatun~go ang saquit sa _baga:_ at cun minsa,i, uuling sasangrahan cun cailan~gan pa.

70. Cun munti ang saquit, magpaanyo lamang ang may catauan, at maghusay sa caniyang pagcain, sa pag-inom, at sa pag-gaua, ay hindi cailan~gang sangrahan. Datapoua,i, magaling na lalo ang sangrahan, at painumin nang bilin sa número 2. Saca bañusan hangan tuhod ang maysaquit cun umaga, at sumpiting minsan cun hapon. Tatapalan naman ang caniyang liig nang bilin sa número 9. Saca pinapagmumumug nang aquing turo sa número 19, at macaanim maghapong pasipsipin nang sin~gao nang mainit na tubig ayon sa bilin sa número 53.

71. Cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang iquinaguiguinhaua nang maysaquit. Datapoua,i, itong pagsumpit na ganito ay lilimitan.

72. Cun ang saquit nang lalamunan ay natatalo niyong man~ga gámot na yaon, sa icatlong arao ó sa icaapat hangang sa icalima, ay gumagaling na ang maysaquit; at cun ualang sisibol doon, sa icaualong arao malaqui ang caniyang pag-galing.

73. Cun minsan cun guinagamot ang maysaquit, ay umuunti ang lagnat at ang ibang man~ga hirap; datapoua,t, ang lalamunan ay para nang dating masaquit. Ang gagauin doo,i, itutuloy ang pagmumumog, at ang pagsipsip nang sin~gao nang mainit na tubig número 53; saca cun mayroong marunong na médico ipahiua sa caniya yaong dalauang bucol ó _agallas_ na masaquit, na naroon sa piling nang cutil, at gagaling ang may catauan pagca linabasan nang caunting dugo yaong man~ga bucol na yaon.

74. Cun hindi paanyo ang pag-gamot sa maysaquit, cun minsan tinutubuan nang sibol doon sa lalamunan, na cailan~gang hiuain, cundí pumutoc siyang cusa sa icalima ó sa icaanim na arao. Ang sibol ay maquiquitang magaling nang mata, pagca pinan~gan~ga ang maysaquit; caya bago hiuain, ay maghahanda ang médico nang isang lanceta, na durugtun~gang magaling sa dulo nang patpat na munti; saca tinatacpan nang damit, houag lamang ang dulong matulis, at yaon ang ihihiua roon sa sibol, na naquitang naroroong maputi at malambot doon sa masaquit na lugar. Cun nahiua na ang sibol ay napupuno nang nana ang bibig, at caya ang maysaquit ay magmumumog nang bilin sa número 19. Cun minsan ang sibol ay dalaua.

75. Cun minsan hindi lamang mayroong nana roon sa sibol na naquiquita, cundi sa ibang lugar nang lalamunan na hindi na-aalaman, caya ang maysaquit anaqui magaling na, at ang lagnat ay munti at naca-catulog siya,t, nacacalunoc; datapoua,t, hindi nauauala ang saquit nang bibig; pinan~gin~gilabutan siya nang guinao, ang dila,i, bungmibigat at cungmacapal sa caniyang damdam. Mayroon namang man~ga butil na maputi sa man~ga n~gidn~gid at sa loob nang pisn~gi, pati sa man~ga labi, at masama ang lasa nang bibig.

76. Ang gagauin nang maysaquit pagca gayon, ay ang malacucong tubig na may calahoc na gatas, ay siya ang ipagmumog niya. Saca sipsipin niya ang sin~gao nang mainit na tubig, at doonan ang caniyang liig nang bilin sa número 9. Saca ipauusisa niya sa médico ang quinadoroonan nang sibol, at ipahiua sa caniya. Magaling namang sumpitin sa lalamunan nang tubig na malacuco, upan din pumutoc ang sibol, cun mag-ubo ang may catauan. Itong pagputoc nitong sibol hindi nacacaano sa maysaquit, at uala acong narin~gig na namatay dahil doon.

77. Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan dínaraanan nang pagca ibig sumuca, gaua nang man~ga malalagquit na lura na naniniquit sa lalamunan; caya tandaan ito nang mangagamot, na houag big-yan nang pasuca ang maysaquit at masama sa caniya yaon.

_Nota_. Bucod sa saquit na garrotillo na sinasaysay co sa capítulong ito i, mayroong isa pang bagay na pagsaquit nang lalamunan nang tauo, na cung minsan nacamamatay sa marami. Ang pan~galan doo,i, _mal de garganta ulcerado, ó garrotillong may sugat_. Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay bihira ang di binubucalan sa catauan nang man~ga butil na mumunti, na sa loob nang ilang arao natutuyo at nalalaglag na parang calisquis. Sa loob nang lalamunan mayroong namang man~ga sugat, at mapait ang bibig Ang gamot doo,i, catulad-tulad nang gamot sa _lagnat_ nang _apdo_ capítulo 20; n~guni hindi sucat sangrahang hamac ang maysaquit. Ang pasuca número 25, ó ang sa número 35, ay totoong buti doon, cun uala nang lagnat ang maysaquit. Ang purga, ay hindi magaling doon. Ang parapit sa binti ay totoong bagay sa saquit na ito. Gayon din mabuti rito ang pag-inom nang maraming tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao_, at ang pagmumumog nang bilin sa número 19. Magaling naman sa maysaquit na malubha ang bilin sa número 80, na yao,i, turo ni Buchan.

_Ang gamot sa bucol, na ang pan~galan nang tagalog doo,i, bayiqui, ó bayicqui._

78. Cun minsan namamaga yaong dalauang _glándulas_, ó bucol na naroon sa piling nang tayn~ga,t, sihang; cun minsan yaong dalaua namang hinihipo sa ilalim nang guitna nang sihang, na _glándulas din yaon_, at parapara nang sila ang pinangagalin~gan nang lauay nang tauo; itong saquit na ito ay nauauala pagca pinahiran nang tayom, na tinunao sa caunting suca. Datapoua cun ang boong liig ay lungmalaqui, na maralas dumaan itong saquit sa man~ga babayi sa provincia nang Batan~gan, ay basahin mo ang párrafo 261 at ang 262, at sundin ang man~ga turo doon.

=CAPÍTULO 9.=

_Ang romadizo na pinan~gan~ganlan nang tagalog na sipón._

79. Ang sipón ay catulad nang saquit na pulmonía, pleuresía,t, garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay namamaga rin nang caunti ang _baga_ sa loob nang dibdib, ó ang ibang man~ga casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, ó sa pisn~gi.

80. Ang sipón hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila nang man~ga saquit na malaqui sa dibdib, ó sa ibang lugar nang catauan nang tauo.

81. Ang pinagmumulan nang sipón ay ang pag-urong nang pauis nang catauan at ang cainitan nang dugo.

82. Ang calaunan nang saquit na sipón ay bagay-bagay. Ang sipón nang ulo, hindi lubhang nalalauon; datapoua ang sa dibdib ay malauon sa roon. Cun nalalauon ang sipón, ay masama, sapagca dahilan sa calacasan nang pag-uubo, nagcacaramdam ang boong catauan, at napapasaulo ang dugo. Ang isa pang casam-an noon ay ang di icatulog nang tauo, na caya nanghihina siya; bucod dito ang may sipón ay marahil aayao cumain, at yaon ang isa pa manding nacagugulo sa catungculan nang sicmura. Dahilan doon sa pag-uubo; ay nahihirapan namang totoo at ga nagagambol ang baga nang tauo, at napupuno nang napupuno nang sarisaring pinacataib n~g catauan na doon napapatun~go, at lungmalapot at saca nacacahirap pa sa paghin~ga. Dahil doon naman nalalagnat ang tauo nang lagnat na munti na hindi nauauala.

83. Ang gamot sa sipón ay para nang sa _pulmonía, pleuresía_ ó _garrotillo_. Caya cun ang sipón ay malaqui, lalo pa cun ang maysaquit ay marugo at malaqui ang caniyang ubo, pati nang saquit nang ulo, ay cailan~gang sangrahan sa camay, nang madaling gumaling. Saca painumin nang bilin sa número 1, 2, ó 4. Magaling din bañosan bago humiga ang maysaquit sa tubig na mainit-init hangang tuhod; pati nang pagsumpit ay bagay rin sa saquit na ito, cun hindi manabi touing arao, ó cun cacaunti ang inaiihi nang may sipón. Sa catagang uica; cun ang may saquit _ilagay sa husay_ (capítulo 4) pagdaca,i, gumagaling.

84. Datapoua cun munti ang sipón, di man gamutin ang tauo, ay gumagaling siya; houag lamang cumaing ilang arao, nang _carne, itlog, baboy, sabao,_ at _alac._ Ang cacanin lamang ay ang tinapay, ó canin, ang man~ga gulay, ang man~ga bun~gang hinog nang cahoy at tubig; ang cacanin cun gab-i ay caonti, at ang caniyang iinumin, ay ang tubig na pinaglagaan nang palay ó cebada, at cun aayao noo,i, ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na ang sa icapat na bahagui ay gatas. Ang baños nang tubig na mainit-init sa paa; at ang bilin sa número 20, ay nacacapagpatulog sa maysaquit.

85. Cun minsan ang maysaquit ualang lagnat cundi nag-uubo lamang at hindi macatulog; ang gagauin dito ay cun gab-i bañusan nang tubig na mainit-init, at cun lauon nang nacacain ang maysaquit big-yan siya nang isang píldorang _estoraque_ (camanguian), ó nang caunting _triaca_ at caunting tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao; ito lamang ay nacacagaling na tambing sa maysaquit, pagca lauon nang guinamot nang husay, at hindi pa gungmagaling; datapoua cun bago pa ang saquit, hindi sucat gauin ito, at masama. Mabuti rin bigyang maminsan-minsan ang maysaquit nang isang cucharang pulot na hinulugan nang caunting suca, nang lumambot ang pag-uubo; at cun hindi rin ungmuunti ang pag-uubo doonan nang isang tapal na sahing sa pag-itan nang dalauang balicat, ayon sa turo sa párrafo 498. Ito,i, aral ni Buchan.

86. Sa saquit na sipón, ay bagay ang pagsipsip nang sin~gao nang tubig na mainit ni pinagbabaran nang bulaclac nang alagao ayon sa turo sa número 53; maigui rin ang _regaliza_ (saga) cun n~gan~gaing parati ang dahon.

87. Ang tauong sinisipon, na hindi nagbabauas nang caniyang pagcain, at ang ungmiinom lamang nang mainit na tubig, ay guinugulo niya ang sicmura; ang pag-uubo ay hindi mauaualang hamac cun gayón, at siya,i, ooui sa calagayan sinaysay co sa párrafo 82. Ang pag-inom nang anomang bagay na alac ay nacacasama doon sa sipón; at cun minsan ang sipón na talagang mauauala na, ay dahilan sa pag-inom nang alac bagcus lungmalaqui.

88. Cun ang tauong sinisipon ay totoong nanhina na, at hindi mangyaring mauala ang caniyang sipón iinomin niya arao-arao ang bilin sa número 14; ang timbang ay cahati ó isang saicapat na isinasama sa caonting alac. At cun nahahalata, na ang saquit ay napapatun~go sa baga, dahil sapagca ang pag-uubo ay lungmalaqui nang lungmalaqui, at ga siquip ang dibdib pati nang paghin~ga, ay doonan ang maysaquit nang parapit sa man~ga binti número 36.

89. Hindi magaling sa saquit na ito ang tumahan ang maysaquit sa bahay na mainit at siquip, sapagca ang pagtahan sa ganoong lugar ay para nang pag-inom nang alac. Saca pag nacalabas sa silid, at salang mahan~ginan, siya,i, sinisipon pa mandin. Mayroon namang tauo, na dahil sa calacasan nang pag-uubo pungmuputoc ang man~ga ugat mumunti nang mata at tila nanhihinola ang bubong nang mata. Ang mabuti roo,i, basaing parati yaong hinola nang tubig na sinucaan, para nang guinagaua sa párrafo 272.

90. Yaong man~ga tauong madaling sipunin ay caya malacas dumopoc at humina ang canilang catauan, sapagca totoong nag-iin~gat sila sa han~gin, at ang ibig nila ay ang tumahan doon sa may sara ang lahat; bago,i, ang canilang sucat gauin, ay lumabas at manaog sa lupa, at uminom nang malamig na tubig: at capag namihasa na sila sa ganitong gaua, ay lungmalacas at gungmagaling ang pagcaramdam.

=CAPÍTULO 10.=

_Ang saquit nang n~gipin at bag-ang, pati nang sa cabiac nang ulo ó muc-ha sa uicang castila,i,_ jaqueca, _sampon nang escorbuto na yao,i, pagdurogo nang n~gipin nang tauo._

91. Tatlong bagay ang pinangagalin~gan nang pagsaquit nang n~gipin at bagang. Ang isa,i, ang bucboc nang n~gipin. Ang icalaua,i, ang pamamaga niyong litid na munti, na naroon sa pinacaugat nang man~ga n~gipin; ó cun minsan ang pamamaga naman niyong pinaca balat na matigas, na nasasapao sa man~ga n~gipin sa ilalim nang n~gidn~gid, at caya pati nang n~gidn~gid cun minsan sungmasaquit. Ang icatlong dahilan nang pagsaquit nang n~gipin ay ang isang pinacataib na malamig na napapatun~go doon, na nangagaling sa catauan.

92. Cun ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang bucboc, at cun nahahan~ginan na ang pinaca litid nang n~gipin, sapagca sinira,t, quinain nang bucboc, ay ang han~gin, ang pagcain, ang pag-inom, ang init, at ang pag-gaua, itong lahat na bagay ay paraparang nacalalaqui nang saquit nang n~gipin. Caya cun malaquing totoo ang nacain na nang bucboc, cundi ipabunot sa marunong, sasaquit nang sasaquit lamang ang n~gipin, babaho ang hinin~ga, mabubuloc ang n~gidn~gid, at ang ibang n~gipin ay mararamayan, pati nang sihang cun minsan ay bubucbuquin din. Datapoua cun hindi totoong sira ang n~gipin, houag bubunutin cundi magbabad ca nang camunting _pimienta, canela,_ at _clavo_ sa calahating tazang tubig na malacuco, at dito sa tubig na ito,i, basain mo ang camunting bulac, na idoroon mo sa binubucboc na n~gipin. Maigui pa sa rito ang maglulon ca nang caunting papel, na ganga tingting nang ualis; sindihan mo ang dulo at pag naguing baga na,i, iyong patamain sa butas nang bucboc, at mauauala ang saquit; bago sindihan ang papel ay isinasaosao muna ga lan~gis. Itong gamot hindi masaquit. Ang gaua nang ibang man~ga tauo, ay ang canilang muc-ha pinapahiran nang pulot, at gungmagaling sila.

93. Datapoua cun baga caya sungmasaquit ang n~gipin sapagca ang litid na munti nang n~gipin ay namamaga, hindi macucuha ang saquit, cundi sangrahan ang may catauan at caalam-alam yaon ang icagagaling niya. Pagca sangra, ay magmumog ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, ó cun hindi ibig niya yaon, ay ang tubig na may calahoc na gatas yaon ang ipagmumog niya; saca tapalan ang caniyang pisn~ging masaquit na ang bilin sa número 9. Caya naalaman, na ang litid nang n~gipin, ó ang pinacabalat na matigas na naroon sa ilalim nang n~gidn~gid siya ang nag-darala nang pagsaquit nang n~gipin, sapagca cun ang may cataua,i, naiinitan, yaon ang pagsaquit nang n~gipin; cun minsan linalagnat ang may catauan nang malaqui; ang pulso,i, malacas at puno; mapula ang mucha, ang bibig ay mainit; ang saquit nang ulo ay malaquing totoo; namamaga ang n~gidn~gid, at cun minsan sinisibulan nang bucol na munti; pati nang pisn~gi ay namamaga rin. Caya sinabi co, na bagay dito ang pag-sasangra, at lalo pa cun ang maysaquit ay lumulubha, gaua nang pag-inom nang alac, ó café etc. At cun hindi sangrahan, anomang gauin doon, ay hindi macagagaling sa caniya. Bucod dito touing gab-i ualang liban, babañosan ang maysaquit nang tubig na malacuco hangan tuhod, at paiinumin nang bilin sa número 20, timbang sa ica-ualo; houag namang big-yan nang carne at _alac_, lalo pa cun gab-i. Ang _opio_, ang _triaca_, at ang _píldoras_ nan _estoraque_ (camanguiang) ay masama dito, cun ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang litid na nasasailalim noon.

94. Cun ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang pinacasin~gao ó pinacataib nang catauan na ungmaanod at napaparoon sa n~gipin, hindi lubhang malaqui ang saquit. Ang pulso,i, hindi lubhang malacas, hindi puno, at hindi matulin; hindi lubhang malaqui ang cainitan nang bibig, at ualang pamamagang malaqui. Cun gayon, ay pupurgahin ang maysaquit nang bilin sa número 21, na yaon ang madaling macauala nang man~ga maliliuag na saquit nang n~gipin. Saca magagamot cun ibig nang may catauan nang bilin sa número 22, at malaqui rin ang cabagsican nitong gamot. Ang parapit sa batoc, sa licoran nang tain~ga, ó sa ibang lugar nang catauan ay maiguirin. Pagca pinurga ang maysaquit, ay mabibig-yan nang píldoras nang _estoraque_ (camanguiang.)

95. Cun minsan ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang cahinaan nang sicmura; ang bagay dito ay ang polvos sa número 14.

96. Cun ang saquit nang n~gipin ay casama nang ibang saquit, pagca gamuti,t, mauala itong isa, ay macucuha tuloy pati nang sa n~giping saquit. Mayroon namang pagsaquit nang cabiac na ulo, ó cabiac na muc-ha, na yao,i, tinatauag na _jaqueca_ nang castila, at dala nang man~ga marurumi na tungmatahan sa sicmura; at ang bagay dito, ay ang purga número 21; saca ang dita número 14 pag pinurga na ang maysaquit.

_Ang escorbuto_

