Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Part 12

Chapter 12 3,825 words Public domain Markdown

310. Cun mayroong batang ipinan~gan~ganac at ualang butas ang pouit, ay bubutasang marahan dahan nang isang lancetang matilos. Gayon din ang gagauin cun hindi macaihi ang bata, lalaqui ma,t, babayi man, dahil sapagca ualang butas. Ang batang babayi na may sara ang caniyang punong catauan, ay binubutasan din nang lanceta, bago sootan doon sa lugar na yaon nang isang caputol na tingang mabilog at maicli, na may dalauang pinacatayin~ga, nang matalian sa bayauang nang bata; at houag aalisin muna hangang di mabahao ang sugat at nang houag madaiti uli ang m~ga tabi nang butas. Cun baga may sara ó nagdaraiti ang dalauang pinacalabi nang punong catauan nang batang babayi, ay hinihiua rin n~g lancetang matalim mula sa itaas hangang ilalim, bago doonan nang caputol na tingang mabilog na may butas na patuloy sa guitna, at saca tinalian sa bayauang para nang uica co nang una. Cun ang tayin~ga,i, mayroon isang tila balat na nacatataquip doo,i, binubutasan din nang lanceta, houag lamang palalimin ang paghiua.

Ang man~ga bata, na hindi macapag-uica nang malinao, sapagca doon sa ilalim nang dila mayroong isang pinacatali, pagca gayon ay guinugupit ang tali n~g gunting na munti. Datapoua houag puputulin ang m~ga ugat na malalaqui, na nadoroon sa piling. Cun malacas lumahoy ang dugo, ay pinapagmumumog ang bata nang tubig na sinucaan na dinoroonan nang ilang butil na salitre, na cailan~gan ihanda muna. Maigui ring basain ang lugar na linalabasan nang dugo nang caonting aguardiente, na ang sa icatlong babagui ay suca. Maminsan-minsan ay pararaanan n~g isang daliri ang ilalim nang dila nang houag magcapit uli yaong m~ga guinupit. Itong lahat ay pauang aral ni D. Martín Martinez.

=CAPÍTULO 41.=

_Ang gagauin sa quiniquilmos na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay_ almorranas; _na yao,i, pamamaga nang puit nang tauo._

311. Doon sa pouit nang tauo, mayroong anaqui bucolbucol namumunti, na cun minsan ay namamaga doon sa loob, na hindi naquiquita cundi sa oras nang pananabi. Cun namamaga n~ga yaong man~ga casangcapan nang pouit nang tauo, ang pan~galan sa pagcacasaquit nang gayon, ay _quilmosin._ Cun minsan naman mayroong lungmalabas na dugo na yao,i, touing bouan ó touing icatlong lingo; itong paglabas nang dugo doon ay magaling sa may catauan, at hindi sucat paual-in; sapagca hindi maca-aano sa caniya. Ang lalaqui marahil quilmosin sa babayi.

312. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang maraming dugo, ang pamamanglao, ang malaquing pagtaba nang may catauan, ang pagsacay na parati sa cabayo, at ang pagliban nang ugaling pananabi, ó cun ang inaiilaguin nang may catauan ay matigas. Ang man~ga babaying buntis ay marahil daanan nitong ganitong saquit.

313. Cun namamaga lamang ang pouit, at ualang dugong lungmabas at ang may cataua,i, madilao dilao at caniyang muc-ha, at sala ang pananabi niya, ay gagamutin para nang turo sa párrafo 437. Datapoua cun ang saquit ay malaqui-laqui, at marugo ang may catauan, ay cailangang sangrahan; paiinumin nang bilin sa número 1 ó 2; paiinumin din nang bilin sa número 20, na macaapat maghapon, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang; at houag damihan ang isusumpit. Ang pouit na namamaga ay tatapalang parati nang biling sa número 9, ó nang sa número 65. Magaling ding tapalang parati ang pouit na namamaga n~g bulac na babad sa gata nang _niyog._ Ang dahon nang _romero,_ cun ilaga muna sa alac sa misa at itapal doong mainit, ay nacaguiguinhaua rin sa maysaquit. Mabuti ring tapalan nang dahon nang _talampunay_.

314. Sinabi co na sa párrafo 311, na cun minsan ang pouit ay linalabasan nang dugo, na cundi marami, ay hindi macacaano sa maysaquit. Datapoua cun napaparami ang dugo, ó totoong limit nang paglabas, ay sundin ang turo sa párrafo 316.

=CAPÍTULO 42.=

_Ang gagauin sa binabalin~goyn~goy._

315. Mayroong tauong linalabasan n~g dugo sa ilong na yaon ang pinan~gan~ganlang _binabalin~goyn~goy,_ at cun hindi maraming dugo ang lungmalabas ay mabuting pabayaan; datapoua cun minsan pag talagang tatahanan ang paglabas n~g dugo, ay dinaraanan nang pagcalio ang maysaquit, at ang magaling doon cun gayon, ay ang suca na ipa-aamoy sa caniya; cun minsan naman ang maysaquit ay lungmulubha pa mandin; ang dugo,i, hindi tungmatahan nang paglabas; ang pulso,i, ay tila nan~gin~ginig, namamatay ang color nang muc-ha at labi, at ibig sumuca ang maysaquit. Pagca gayon ay cailan~gang ampatin ang dugo, para nang sasabihin co n~gayon sa párrafong isusunod dito.

316. Ang maysaquit ay doroonan nang maigting (mahigpit) na tali sa bias nang camay, sa ibabao nang sico, pati sa paa sa ibabao nang tuhod. Babañusan nang malauon ang paa at ang camay nang tubig na malacuco, sapagca ang tubig na malacuco ay nagpapalouag sa man~ga dinaraanan nang dugo, at palibhasa,i, lungmolouag ay malaquing lugar ang mapapaaronan n~g dugo sa paa at sa camay. Cun ang tubig ay malamig ay masama, at magsisiquip bagcus ang man~ga ugat na dinaraanan nang dugo. Cun mainit ang tubig ay masama rin, sapagca yao,i, nacacapagpalacad nang matulin sa dugo; caya bagay doon ang malacuco. Pag naampat na ang dugo ay palolouaguin n~g caunti ang m~ga tali houag lamang minsanan, ó alisin na ang isa, at bayaan doon ang iba hangan di macaraan ang isa ó dalauang oras. Cun mayroong _salitre_ ay ang isang dampot nang dalauang daliri at ang isang cucharang _suca,_ ay isama sa isang tazang tubig, at ipaiinom sa binabalin~gon~goy; ito,i, gagauin touing calahating oras. Bihirang maysaquit ang hindi gunggmaling, ani Buchan, pagca ibabad, ó basain nang basain nang malamig na tubig ang caniyang punong catauan. Magaling naman ang isang sigarrong hilas; itong pinaca cigarro ay ibabad mo sa aguardiente na ang sa icatlong bahagui ay _suca,_ at isoot mo sa ilong n~g maysaquit, at paabutin mong magaling sa itaas. Totoong igui dito naman ang matigas na colatcolat, ó yaong tila cabuti número 67, na sungmisibol sa alibangbang, ó sa palsahin~gin ó sa ibang cahoy; ang unang balat sa ibabao ay inaalis nang sundang; ang icalaua,i, quinacayod, at ang pinaca cigaroong hilas, ay pinagugulong doon sa pinagcayoran nang colatcolat, nang maniquit sa hilas at saca isinosoot sa ilong; at houag ogcain doon maampat man ang dugo, cundi pabayan doon; at siyang cusang malalaglag, pag nacalalo ang ilang arao. Ang binabalin~goyn~goy ay hindi sucat quibuin ang caniyang catauan, at cun siya,i, malimit magcasaquit nang gayon, masamang cumain n~g marami cun gabi; hindi sucat uminom nang _alac,_ ó cumain nang man~ga mahahanghang ó maiinit. Bagay sa caniya ang pag-inom nang malimit nang bilin sa número 2, ó nang timbang sa icaualong _salitre_ touing hapon. Masama namang tacpan nang damit ang caniyang ulo, at cun siya,i, nahihiga masama ang mababang unan.

=CAPÍTULO 43.=

_Ang gamot sa lungmulura nang dugo._

317. Cun ang dugong inilulura nang may catauan nangagaling sa baga, ang color nang dugo ay mapulang mariquit, at may bula cun minsan; tila may sungmisintac sa loob nang dibdib, ang paghin~ga ay mahirap hirap, at cun minsan may ubo pa. Cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailan~gang gamutin agad.

318. Itong paglura nang dugo, cun minsan ay dala nang caramihang dugo nang may catauan, ó sapagca mahina, ó sala caya ang ibang casangcapan nang dibdib. Ang pagtacbo nang matulin, ang pag-inom nang alac, ang paghabi, ang pagsigao ó ang pagcacanta, ay parapara cun minsan yaon ang pinangagalin~gan noong saquit na yaon. Gayon din ang pag-urong nang panahon sa man~ga babayi, ó ang pagtahan sa totoong init, ó ang lauong pag-uubo, cun minsan ay sinusundan nang paglura nang dugo.

319. Ang gagauin sa nagcacasaquit nang gayon ay untian ang caniyang cain; houag painumin nang alac: painuming parati nang bilin sa número 2; bagay sa maysaquit ang pagcain nang bun~ga nang sampaloc, ó nang ibang man~ga bun~gang hinog nang cahoy. Cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailan~gan doonan nang tali sa ilalim nang tuhod at sa ibabao nang man~ga sico. Ang isa pang totoong galing dito ay bañusan nang malacucong tubig hangan tuhod. Magaling din ang painumin ang maysaquit, na macalaua maghapon, nang isang tagayang tubig na hinulugan nang dalauang cucharang jarabe nang _suca_ ó nang _verdolagas_ (olas man). Datapoua cun baga ang maysaquit ay mataba at magaling ang catauan, ó cun totoong init nang caniyang pagcaramdam, ó nalalagnat caya, ay sasangrahan muna minsan ó maquiilan sa camay, bago gauin ang ibang man~ga turo co sa párrafong ito. Ang lungmulura nang dugo,i, masamang humiga; masama naman sa caniya ang pagsigao, at ang siya,i, cumibo. Bucod dito hangan hindi gumaling na totoo, ay masama sa caniya ang paghabi, ang pananahi, at ang pagdurugtong nang abacá.

_Nota_ Ang lungmulura nang dugo, ay magaling uminom nang catauan nang _pacpac lauin_ na ilalaga sa tubig ga isang dacot carami. Yaong damo ay sungmisibol sa catauan nang _cauong_. Itong gamot totoong buti.

=CAPÍTULO 44.=

_Ang gamot sa sungmusuca nang dugo._

320. Ang pagsuca nang dugo ay masamang saquit, sapagca bucod doon sa dugong isinusuca, ay mayroong ibang dugo, na napapahulog sa man~ga bituca, at yaon ang iquinapag-iilaguin nang may catauan nang masamang pag-iilaguin.

321. Ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang man~ga tali sa paa,t, camay, at ang baños sa malacucong tubig hangan tuhod. Saca sumpiting parati ang may catauan. Ang caniyang cacanin ay caunti; ang tubig na malamig ay totoong bagay doon, at lalo pa cun lahucan nang _suca,_ ó nang caunting _espíritu de azufre, na bilin sa número 10. Pag napatahan ang dugo, ay cailan~gang purgahin maminsan-minsan ang maysaquit nang purgang mahina, para nang turo sa número 32. Cun babayi ang sungmusuca n~g dugo dahilan sa inurun~gan nang panahon, ay sangrahan muna, bago gauin ang ibang man~ga bilin co dito sa párrafong ito._

=CAPÍTULO 45.=

_Ang gagauin sa ungmiihi nang dugo._

322. Cun ang inaiihi nang tauo, ay tunay na dugo, at cun patuloy na hindi mahirap iihi, ay yaong dugong yaon, ay sa manga _bato_ nangagaling. Datapoua cun ang dugo ay caunti, maitim-itim at masaquit iihi, at saca mainit at masama ang pagcaramdam nang may catauan sa tiyan, ay yaong dugong lungmalabas ay nangagaling sa pantog. Ang pag-ihi nang dugo cun minsan ay dala nang pag-urong nang panahon sa man~ga babayi, ó gaua nang pagsacay sa cabayo, ó sa pagcahulog sa mataas, ó sa pagbuhat nang mabig-at, ó sapagca mayroong bato sa pantog, ó cun minsan gaua naman nang man~ga purgang matapang ó man~ga parapit caya. Datapoua mayroong pag-ihi n~g dugo, na yao,i, dala nang caramihang dugo nang may catauan, na cun hindi maraming totoo ang inaihing dugo, ay hindi masama yaon sa caniya; cun minsan doon sa dugong inaiihi mayroong casamang nana.

323. Ang gamot sa saquit na ito ay gayon. Cun baga matabang totoo ang may catauan, ay sasangrahan, susumpitin nang malimit, at pupurgahin nang man~ga mahihinang purga, para nang _maná, ruibarbo, crémor tártaro:_ ó cun uala yaon, ang sa número 32 ay magaling din. Cun ang maysaquit ay nanlalatang totoo nang caiihi nang dugo, ay painuming macaitlo maghapon n~g bilin sa número 40.

324. Cun ang pag-ihi nang dugo ay casama nang bulutong ó nang man~ga lagnat na malaqui, ang lagnat ó ang bulutong ay guinagamot muna para nang turo sa man~ga capítulong nacaraan, at ang pag-ihi nang dugo ay siyang cusang mauauala.

325. Cun ang dugo,i, may casamang nana, at nahahalatang may sugat doon sa man~ga bato ó sa pantog, ang maigui roon ay maglaga sa isang tagayang tubig nang dahon nang saga (oruzuz) at ugat nang colotan; doonan yaong tubig nang timbang cahating goma (dagta) nang dalandan ó goma nang _lucban,_ at nang timbang isang saicapat na _salitre,_ at ang maysaquit ay paiinuming maminsan-minsan nang isang taza noong tubig na yaon. Maigui roon naman ang suero nang gatas, cun hindi pa maasim; n~guni,t, iinumin nang malauong panahon.

=CAPÍTULO 46.=

_Ang gamot sa mayroong bato sa pantog, pati sa tauong binabalisaosao, ó sa mahirap umihi._

326. Caya nahahalatang may bato sa pantog ang may catauan, sapagca cun umihi, ay sungmasaquit ang dinaraanan nang ihi, na patuloy ang pagsaquit hangan sa dulo nang punong catauan. Ang isa pa roon ay macati yaong casangcapang yaon, na dahil doo,i, parating quinacamot, at pinipisil nang may catauan; ang pos-on ay mabigat, at cun malaqui ang batong nadoroon sa loob, ay bahag-ya na macaihi ang maysaquit, at cun umihi ay patac patac.

327. Ang bagay dito sa binabalisaosao ay ang pagsasangra sa maysaquit, lalo pa cun ang saquit ay bago, at mataba ang may catauan; gayon din mabuti pacapitan sa linta ang pouitan nang maysaquit. Saca susumpitin nang malimit; babasaing parati ang bayauang at ang punong catauan nang tubig na malacuco, ó nang tubig na pinaglagaan nang culutan, ó nang tubig na ang sa icatlong bahagui ay gatas. Ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang timbang tatlong pisong catauan nang maiz na sariua ó tuyo man sa apat na botellang tubig hangan sa maiga ang isang botella. Gayon din ang tubig na pinaglagaan nang _hagunoy_ ay totoong buti, ó ang tubig na pinaglagaan nang talbos nang _cahel._ Mabuti rin ang pag-inom touing umaga nang café, ayon sa turo ni Linneo Maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang ugat at dahon nang _salay ó tanglad._

328. Sa ungmiihi nang buhan~gin ó bato, magaling naman ang tubig nang apog na bago sa cabebe número 79; hinahalo ang apog at ang tubig, at pag malinao na ay isinasaling marahan dahan sa ibang sisidlan, ay yaong tubig na yaon ang iinuming parati nang maysaquit, ga pito ó ualong taza sa isang arao. Mabuti rin ang maputing _sabón castila_ timbang piso arao-arao, na tinutunao muna sa tubig na inaiinit sa apoy; pag tunao na ang sabon at malamig na ang tubig, ay uubusin nang maysaquit sa isang arao yaong lahat na tubig na pinagtunauan nang sabón. Cun hindi matiis nang caniyang _sicmura_ ang ganoong caraming sabón, ay houag uminom pagcaraca nang marami hangang hindi namimihasa pa. Cun ualang bato sa pantog cundi binabalisaosao lamang, ó mahirap umihi ang maysaquit, ay gagauin lamang ang lahat na bilin sa párrafo 327. Ang isa pang gamot na totoong galing ay gayon. Ang timbang tatlong bahagui, ó ang timbang piso caya nang ugat nang damong pinan~gan~ganlang _sansaosansauan_ (at sa Batan~gan calacalamayan) ay ilalaga sa dalauang botellang tubig, at cun mayroong _sal amoniaco_ dinoroonan nang timbang isang butil na palay noon. Cun ualang sal amoniaco ay bayaan. Pagca laga nang malauon-lauon at malamig na ay sasalain, at ang maysaquit ay binibig-yang macaapat maghapon nang isang taza. Itong damo,i, quilala nang man~ga bata, sapagca ang dahon ay canilang pinipirot sa tubig; at ang gatas noon ay lungmalapot sa arauan parang calamay. Ang catauan noon ay gan~ga tingting nang ualis, at namumulupot sa cahoy. Ang bulaclac ay totoong unti at ualang color. Ang ibang puno ay bungmubun~ga, at ang iba,i, hindi. Cun mahinog ang bun~ga ay mapula, at mayroong isang boto sa loob. Marahil maquita sa man~ga _bayabasan._ Itong gamot ay magaling pati sa ungmiihi nang nana; houag lamang lag-yan nang sal amoniaco. Magaling namang totoo sa quinagat nang ahas, pati sa masiquip ang dibdib, nang siya,i, lumura nang maloualhati.

=CAPÍTULO 47.=

_Ang gamot sa ungmiihing parati di man cusa nang caniyang loob._

329. Ang man~ga sangol, ang man~ga matatanda, at ang man~ga babaying buntis, lalo pa ang nahirapan sa pan~gan~ganac, ay marahil daanan nitong ganitong saquit. Cun baga nagcacasaquit ang tauo nang ganoon, sapagca nagambol, at lungmubay ang dinaraanan nang ihi ay ualang magauang gamot doon.

330. Datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang iniinom, cun ang ihi ay catulad n~g iniinom, at mainit ang pagcaramdam nang may catauan, at nalalagnat-lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, ó sa número 38 Magaling din cun minsan ang painumin ang maysaquit nang tubig nang _apog sa cabebe_ número 79 na pinagbabaran nang balat nang _camachiles,_ ó balat nang bayabas, ayon sa turo ni Buchan. Maigui rito naman ang _dita_ número 14, timbang tatlong bahagui arao-arao, na isinasama sa _alac_ at ipaiinom sa maysaquit. Magaling sa caniya ang pagcain nang yuro, hipon at man~ga talaba.

=CAPÍTULO 48.=

_Ang gamot sa hindi nananabi._

331. Masama sa saquit na ito ang paglocloc na parati, ang pagdaramit nang marami, ang pagtahan sa hihig-an ang malauon, at ang pag-iisip na parati nang man~ga maliliuag.

332. Ang hindi manabi para nang dati, ay magaling cumain nang lutong bun~ga nan~g cahoy; bagay naman sa caniya ang _mantica,_ ang _pulot,_ ang azúcar, ang _suero,_ at ang gatas; cun itong man~ga bagay na ito ay hindi macauala noong saquit na yao,i, magaling uminom ang maysaquit nang caunting _ruibarbo,_ na macaitlo touing lingo. Maigui roon naman ang tubig na dinoonan nang gata nang _cahel,_ na ualang _azúcar,_ na yao,i, sa umagang umaga,i, iinumin; magalin din ang pagcain nang cahel cun umaga. Ang tubig na pinaglagaan nang ugat nang _hagunoy_ ay mabuti naman doon sa hindi manabi. Cun ang maysaquit nahihirapan nang pananabi dahil sa matigas ang dumi ay magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang _lantin_ (llantén) timbang piso.

=CAPÍTULO 49.=

_Ang gamot sa sinisin~gauan, ó sa namumula ang mata._

333. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang han~ging malamig na casama nang ulan, ang pagbasa, ang pagtin~gin nang malauon sa maputi, ang pagcapuyat, ang pagsulat, ang pananahi, ang pagdurugtong nang _abacá_ cun gab-i, ang biglang pag-urong nang pauis, ang pag-inom nang _alac_ na marami, ang mahabang pag-ulan, ang calimitan nang pag-gaua nang mahalay, at ang pagtahan sa man~ga mababang lupa. Cun minsan ay sungmusunod yaong saquit sa bulutong at sa ticdas.

334. Ang nagcacasaquit nang gayon ay hindi macatin~gin sa liuanag; ang mata ay masaquit na totoo at namumula; ang pulso ay madalas at matigas, at cun minsan nalalagnat ang may catauan.

335. Ang maysaquit ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing nasa capítulo 5. Cailan~gan namang sangrahan, lalo pa cun magaling ang catauan ó cun mayroong maraming dugo; cun ualang maraming dugo, ay cailan~gang purgahin nang bilin sa número 24, ó sa número 32. Ang iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2 Maigui ring bañusan nang malacucong tubig hangan tuhod, at cun mahirap ang pagcaramdam niya ay ahitin ang ulo touing lingo. Cun hindi rin nauauala ang saquit nang mata, ay lag-yan ang maysaquit nang parapit número 36 sa batoc ó sa licod nang tayin~ga, at pabayaang sumago nang ilang lingo. Cun ang saquit nang mata ay malaqui, ay tapalan cun gabi nang tinapay na durog at _gatas_ na pinatacan nang caunting lana, at cun umaga,i, hugasan n~g gatas na malacucong tinubigan. Pagca nauala na ang saquit, cun minsan ang mata ay hindi pa gungmagaling na totoo; cun gayo,i, maigui hugasan cun umaga at cun gabi nang tubig na sinucaan. Ang tauong malimit magcasaquit nang gayon, ay mabuti magfuente sa isa ó sa dalauang camay. Ang isa pang gamot nang taga África sa man~ga sarisaring saquit nang mata, ay tinatapalan cun gabi nang atay na hilao nang sisiu.

=CAPÍTULO 50.=

_Ang gamot sa may colaba, ó sa, may bilig sa mata_

336. Cun mayroong tauong may colaba ó bilig sa mata, ang isang capiraso na _azúcar piedra_ ay bayuhin mo nang maliit, at ibudbod mo sa matang maminsan minsan; ó bumunot ca nang pacpac ó plumang mura nang sisiu na maputi, at ang dugong nadoroon sa dulo nang pluma ay iyong pigain at ilahid sa colaba nang mata. Maigui rin patacan ang mata nang dagta nang dahon nang _pandacaqui._ Ang gata nang aligban~gon ay mabuti naman doon. Itong láhat ay aral ni P. Clain; datapoua hindi co na-aalaman cun macagagaling yaon. Dapat atohing gauin ang píldoras número 57; ó cun ibig mo ay basain ang mata nang alac sa misang pinagbabaran n~g cataua,t, dahon nang _argémone_, yaon bagang damong itinuturo co sa párrafo 338.

=CAPÍTULO 51.=

_Ang gamot sa hindi macaquita, magaling man ang caniyang mata, na ang tauag nang castila doo,i,_ gota serena.

337. Mayroong tauo, na cun tingnan ang caniyang mata, ay anaqui para nang mata nang ibang tauo, datapoua,i, hindi siya macacaquita; cun baga caya hindi siya macaquita, ay sapagca nalubay, ó ga namatay ang cabagsican nang litid nang mata, ay ualang magauang gamot doon. Datapoua cun dala nang masamang sin~gao nang catauan, ay cailan~gang sangrahan muna ang may catauan cun maraming dugo siya, ó cun bata pa. Bucod dito ay palonoquin ang maysaquit arao-arao nang dalaua ó tatlong píldoras ó pelotilla na bilin sa numero 43; saca doonan nang parapit número 36 sa batoc ó sa licod nang tayin~ga, na pababayaang sumago doon nang malauong panahon, at cun minsan macacaquita na ang maysaquit.

=CAPÍTULO 52.=

_Ang gamot sa may sugat sa suloc nang mata, ó sa liran._

338. Ang gagauin sa may sugat sa suloc nang mata ay ang man~ga turo sa capítulo 49. Ang sugat nang mata ay maiguing lahiran nang tubig na pinagtunauan nang laman nang bun~ga nang _aroma_ na linahucan nang caunting asin. Mabuti rin doon ang sucang pinagbabaran nang caputol na tanso, para nang man~ga cuartang malinis. Magui ring lahiran nang dagta nang _argémone_ na yao,i, damong sungmisibol sa man~ga patio nang simbahan nang Maalat pati sa Tondo; ang bulaclac noon ay malaqui,t, madilao; ang catauan pati nang bun~ga sampon nang dahon ay matinic; ang dagta noon ay madilao. Ito,i, turo ni Linneo.

[Design]

=CAPÍTULO 53.=

_Ang gamot sa masaquit ang tayin~ga._

339. Cun baga masaquit ang tayin~ga, ay mabuti patacan nang gata nang _lasona,_ na may calahoc na gatas nang babayi; mabuti rin ang gata nang _calabasa._ Cun baga caya lamang sungmasaquit ang tayin~ga, sapagca nalamigan, ay magluto ca n~g isang _daga_ sa _alac,_ hangan sa matunao, salain mo yaong alac, at maminsan-minsan mong patacan ang tayin~gang masaquit noong ding alac na mainit-init, at mauauala ang saquit.

340. Cun namamaga ang tayin~ga ay maglaga ca n~g balat nang granada sa ihi nang tauo na may ilang arao na ang ihi, at yao,i, ibasa mo sa tayin~ga at mamamatay ang man~ga ood, cun baga mayroon; cun ibig mo ang gata nang _romerong_ binayo ay isa rin. Itong lahat ay uica ni Clain. Datapoua mayroong isa pang gamot na totoong buti, na yao,i, gayon. Magihao ca sa apoy nang isa ó dalauang dahon nang _sorosoro_ na ang tauag sa Maynila doo,i, _lengua de perro,_ at ang gata noon iyong isoot sa tayin~ga nang isang pacpac na munti nang sisiu. Yaon ay gagauin mong macalaua ó macaitlo maghapon.

341. Cun hindi macarin~gig ang may catauan ay magaling doon sa tayin~ga ang gata nang _coles_ na may casamang _alac_ sa misa. Maigui rin sootan ang tayin~ga nang caunting bulac na ibinabad, sa alac na pinagtunauan nang ga dalauang butil na _almizcle;_ bucod dito ang ulo ay tatacpan nang paño, at masamang mahan~ginan. Ang uica ni P. Santa Maria, ay totoong galing sa masaquit na tayin~ga ang patacan nang _taba_ nang buaya, at cun minsan mauauala ang pagca bin~gi. Na-aari rin ang taba nang baboy. Mabuti doon naman sa hindi macarin~gig ang gata nang _yerbabuena_. Ang uica nang iba, ay magaling din ang gata nang _ruda._

_Nota._ Cun minsan ang tayin~ga caya masaquit; ay may _erisipela_ (culebra) sa loob. Cun gayon ay gagamutin para nang turo sa capítulo 23.

=CAPÍTULO 54.=

_Ang gamot sa inuurun~gan nang pauis, galis, buni, ó cun nauauala ang talagang bubucol, ó sisibol sa catauan; at hindi tungmutuloy._